Nang umuwi ako sa aming baryo sa Antique noong isang buwan, humingi ang aming mga kapitbahay ng listahan ng mga kandidato para senador na kanilang bobotohin sa darating na eleksyun sa Mayo.
Sabi nila, lahat-lahat na mga nagkakandidato ngayon hindi naman nila personal na kilala. Kaya kung may mare-rekomenda akong magaling at makakatulong sa bayan katulad ng ginawa kung pagrekomenda kay Antonio Trillanes IV noong 2007 na eleksyun, yun ang kanilang bobotohin.
Kung wala naman daw, yung mga kilala nilang pangalan ang kanilang bobotohin. Ang mangyayari niyan yung nakikita nilang mga pangalan sa TV at sa pelikula ang kanilang isulat.
Nagbigay ako sa kanila ng dalawang pangalan. Sabi ko kahit yun lang ang botohin nila, okay nayan.
Nang tinitingnan ko ang resulta ng mga survey para sa mga senador,hindi ako nagtataka na ang mga pangalan sa top 12 ay mga re-electionist (Cayetano, Revilla, Estrada, Defensor-Santiago, Enrile, Lapid) o dating miyembro ng senado na gusto bumalik katulad nina Drilon, Sotto, Recto, Osmeña.
Nandiyan din ang mga anak ng mga dating miembro ng Senado katulad nina Ruffy Biazon, TG Guingona, Gwen Pimentel. Yung iba siguro na pumili sa kanila sa survey, akala nila yung mga tatay nito ang tumatakbo. Akala nila kapag Pimentel ang botohin nila si Sen. Aquilino “Nene” Pimentel ang kanilang binoboto.
Meron din ang hindi magkamag-anak ngunit parehong apelyido. Katulad ni Alex Lacson, matalino at mabait na abogado na author ng “12 a Filipino every Filipino can do to help the country”. Akala ng marami ang kanilang pinipili ay si Sen. Panfilo “Ping” Lacson.
Kay Ilocos Norte Ferdinand “Bongbong” Marcos naman alam ng pumipili sa kanya na anak siya ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.
Pasok din sa Magic 12 si Joey de Venecia, ang negosyanteng anak ni dating House Speaker Jose de Venecia. Maaring ang pumipili kay Joey ay mga supporters ng kanyang ama. Maari rin na yung mga humanga sa kanya sa kanyang ginawang pagbulgar sa pagkagahaman nina Gloria Arroyo at ng kanyang asawang si Mike at si dating Comelec Chairman Benjamin Abalos sa telecommunications na proyekto kasama ang ZTE, isang kumpanya ng Intsik.
Kaya mahirapan ang mga bagong pangalan katulad nina Danny Lim at Ariel Querubin. Satur Ocampo at Liza Masa, Risa Hontiveros,Adel Tamano at Toots Ople pumasok sa Magic 12. Kaya lang, hindi sila dapat mawalan ng pag-asa dahil nga sa nangyari kay Sen. Trillanes na nanalo kahit walang pera at nakakulong at bagong mukha sa pulitika.
Sa ganitong sitwasyun, mahalaga na masama sa sample ballot ng mga lokal na opisyal kasi yun ang susundin ng mga nasa baryo.
Tama ka diyan, Ellen. Marami pa rin ang hindi nakakakilala ng lubos sa mga matitinong kandidato. Kasi nga’y wala silang kilalang iba o kaya’y walang malaking perang kayang itapon sa mga komersiyal sa TV at radyo. Hindi lang sa probinsiya nangyayari yan. Maging dito sa siyudad ay meron din.
Yung mga may kagustuhang pumili ng tama pero walang alam na dahilan kung bakit ang isang kandidato ay dapat piliin ay kadalasang ipinauubaya ang pagpili ng mga kandidato sa kanilang kinikilalang lider sa pamayanan (community) dahil siya ang kanilang pinagkakatiwalaan at naniniwalang hindi sila dadalhin sa masama nito. Kung wala talagang impormasyon ay sa sample ballot na nga yan magkakatalo, gaya ng paliwanag ni Ellen.
Dito ay mahalagang ang kinikilalang lider ay matino at sapat ang kaalaman upang kaya niyang ipagtanggol at panindigan ang mga kandidatong kanyang inirerekomenda.
Kaya nga ako ay maingay na nagtutulak na ang mga pastol ang dapat mag-gigiya sa mga alaga, hindi ang kabaligtaran.
sa mga malalayo na lugar na kaya ng Antique…a lider has a lot to say on who to vote for senator..kasi iilan lang mga senatorial candidate ang nakakarating sa amin..si Brenda, si Drilon ay taga Iloilo kaya kapit provinsiya sila…kaya kailangan talaga na ang mga senatorial candidate ay pumunta to as many provinces to be known and recognized..naalaala ko noong sila Manahan at Manglapus ay candidato, sumama ako sa tatay ko para mag campaign..ang pakiusap ng tatay ko sa mga kaibigan niya sa San Remigio na huwag e zero ang dalawa kong kandidato kasi iiyak ang “batang ito” di hindi nga na zero..subukan ni pokwang mag candidato at maraming votes makuha niya..kasi nakapunta na siya sa Antique…
dito ang pasabi ay “may benteng kamag-anak ko…” kataumbas na yan ng boto nila—kasabay labas ng palad daw. May narinig din ako na naka “llave” ang balota. Markado na ‘eka nga. kaya yung binayaran maski ilagay niya yung totoong gusto niiyang iboto ay puwede pa ring harangin sa labas ng polling place at sabihan na hindi iyong kandidato na nagpabayad ang binoto niya—kaya money back (to say the least).
Madali talagang makalimot ang mga tao kahit walang nagawa sa Senado (Lapid), traydor na kaibigan (Sotto), Si Evat (Recto) nandiyan at kabilang sa top 12…pero huwag mawalan ng pag-asa kung si Trillanes nga malayo sa survey walang pera nanalo.
Bagaman at kailangan ang Senado, kabaligtaran sa kagustuhan ng kasalukuyang rehimen na burahin na ito at gawing Unicameral ang Kongreso, ang pagpili sa mga Senador ay dapat gawin ng may equal representation ang mga regions. Kaya nga’t lubhang nag ngingitngit ang mga taga Mindanao, bihira talaga ang nananalo na lehitimong taga roon dahil nationwide ang botohan. May mga hakbangin na noong araw na gawing regionally represented ang Senado pero hindi nagkaroon ng katuparan. Sa ngayon, kita natin na ang nangunguna sa survey at malamang manalo ay yung datihan na o mga artista dahil sa name recall at hindi sa kanilang kakayahan. Pambihirang exception nga lamang na nakalusot si Sen. Trillanes noong 2007.
Kapag ganitong presidential elections, karaniwang hindi na iniintindi ng mga local candidates ang mga senadores maging presidente o bise presidente rin. Haharapin nila kung sino man ang lumapit sa kanila na may ngiti sa labi at buong ningning na pangako ng suporta. Pero pagtalikod nila, may lalapit namang iba at ganun din, another promise, kahit nag-iwan ng pera na pang gastos. Aminin natin o hindi, ang halalan ay maituturing na ring hangalan. Panahon ng mga bumabaligtad, lumilipat sa ibang bakuran, ng mga balimbing at namamangka hindi lang sa dalawang ilog. Wala nang tinatawag na party lovalty. Panahon ito ng survival, matira ang matibay. Bahala nang muling magmano at sumipsip kung sino ang mananalo sa itaas, basta maipanalo nila ang kanilang sarli sa kanilang bayan.
From Renna C:
Totoo nga na ang mga pilipino ay mahilig pa rin na iboto ang pangalan ng kung sino mang sikat or mga pangalan na lagi nilang naririnig or nakikita.
Ang tanong ko lamang po ay, ang mga dating senador ( even congressman ) whom the filipinos voted for before, and made them senators (or congressman) ay may nagawa bang magagandang bagay para sa ating bansa? Mayroon ba silang nagawang tulong upang umasenso ang buhay ng mamayang pilipino ? Nagtulungan at nagka-isa ba ang lahat ng elected officials na ito sa ikaaasenso ng pangaraw-araw na kabuhayan ng mga mahihirap na pilipino ?
Hindi!
Siguro naman ay naniniwala din kayo na walang nagawang tulong ang lahat ng inihalal noong mga nakaraang eleksyon. Tama po ba ?
Instead na magka-isa at magtulong-tulong, ano ang ginawa nila, ang mag-away-away pa. Kung ang itinuturo ng mga magulang sa kanilang mga anak ay magmahalan at matulungan, pero ang mga elected officials na ito ang nagpapakita pa ng immoralidad sa mga taong bayan, lalo na ang mga kabataan.
Now, kung alam na natin na walang nagawang tulong ang mga kandidatong dati na or sa ksalukuyang senador (or congressman), at since we all know that these are the very same people who makes promises, but nothing were done, except to enrich their ownselves and their families and friends,
Nang iboto ang mga ito sa nakaraang halalan, nagkaroon po ba ng pagbabago ang pilipinas ? Umasenso ba ang mga buhay ng mga pilipino? Gumanda ba ang takbo ng pamumuhay ng mga mahihirap? Ang mga mahihirap ay lalo pang naghirap.Ang mga taong datirati na medyo maganda ang kabuhayan ay kasama na ngayon sa level ng mahihirap at ang taong hinalal ninyo na dati na ring mga elected officials ay lalo pang mga nagsiyaman dahil ang pakay nila para maging senador or congressman or any position, ay ang gamitin ang position upang maging mayaman at hindi ang tulungang umasenso ang Pilipinas.
…
More from Renna C:
Mayroon po akong suggestion para sa lahat ng mga Pilipino:
Since wala pa ring pagbabago ang pilipinas dahil sa ang lagi na lang ibinoboto ay ang mga taong dati ng naging senador or congressman (na wala naman nagawang kabutihan para sa mga pilipino), i suggest, and strongly suggest and urge the filipinos to vote somebody who is not really a politician. The reason i am saying this is that it is time for a real change. Since alam natin na wala namang nagawang kabutihan ang dati nating inihalal, then oras na to vote somebody who is not a politician. At baka ito na po ang totoong tao, na makapagpapatigil ng graft and corruption sa ating bansa.
Na baka ang mga bagitong pangalan na ating ihahalal ay magiging susi upang tunay na umunlad naman ang buhay ng bawat pilipino. Alam naman natin na walang nagawa upang umunlad ang dati nating ibinoto, then nobody should vote for them again..
There should be no place in the philippines that these former elected officials be ever elected again.
Walang nangyari noon, then subukan natin ang bago dahil habang iyon at iyon din ang ibinoboto natin, ay iyon at iyon din ang magiging resulta ng buhay ng isang Pilipino -ang malubog ng malubog sa kahirapan….
Somebody has to share this.Somebody has to start this.kung mahal mo ang sarili mo at ang mga anak mo.
Sipsipan. Saksakan sa likuran. Balimbingan. Ngitiang parang aso. Sigawan. Duruan. Pagalingan. Payabangan ng mga minaster at dinoktor na kurso. Kunayaring paglilingkod sa tao.
Diyan magaling ang karamihan sa mga senador natin.
Meron din namang simple lamang. Tahimik. Hindi marunong magmayabang at hindi rin ikinahihiyang hindi naabot ang mataas na pinag-aralang ipinagyayabang ng ilan. Subalit hindi nahihiyang makitang natutulog la’ang habang may pinagdedebatihan ang mga kasamahan.
Kasama ‘yang mga yan sa majority of the silent.
Mga ahas naglabasan dahil sa init
http://www.abante.com.ph/issue/mar1310/luzon04.htm
Mga ahas, BUWAYA’t SAWA, naglalabasan na naman dahil malapit na ang eleksiyon.
One thing that surprises me is despite their incompetence and corruption, why are some come backing senators in the Magic 12 survey? Sotto, Recto, Revilla, Lapid, etc.
i suggest, and strongly suggest and urge the filipinos to vote somebody who is not really a politician. — Renna C
Ah… if only that were possible!
I suggest Filipino voters retire the oldies and allow the young ‘uns a chance. Many political oldies we have have been there but didn’t do that, etc. so it’s really time to send them to retirement homes.