Last Monday, we ran Professional Heckler’s hilarious horoscope for presidential candidates. Here’s his equally hilarious horoscope for vice presidential candidates.
He said the hot, summer weather is affecting even the stars.” Ngunit bunsod ng patuloy na pag-init ng panahon, mainit din ang ulo ng mga bituin. Prangka sila ngayon.”
Enjoy and visit his site:www.professionalheckler.wordpress.com.
Jejomar “Jojo” Binay, Puwersa ng Masang Pilipino. Born: November 11, 1941, Scorpio.
Isa ka sa pinakamapalad na pulitiko sa Pilipinas ngayon. Mula 1986 ay nasa kapangyarihan ka na at ang iyong pamilya. Sinong mag-aakalang nine years old pa lamang ang unico ijo mong si Junjun nang una kang maluklok sa Republika ng Makati? Intact pa ang balat sa “junjun” ni Junjun nang magsimula ang iyong paghahari. Fast-forward to 2010, biyudo na si Junjun ngunit nasa puwesto ka pa rin. Lupet! Siguro Energizer ka, “It keeps going and going and going.” O baka naman Banco Filipino, “Subok na Matibay. Subok na Matatag.” Pero dahil ikaw ay pulitiko, malamang na-inspire ka ng Sprite, “Obey your thirst.”
Dalawampu’t apat na taon ka nang sinusuwerte. Hindi ka nakakaranas ng pagkatalo. Ngunit sabi nga ng mga kaibigan kong planeta, “There is always a first time.” At mararanasan mo ‘yan ngayong darating na Mayo.
Jose “Jay” Sonza,Kilusang Bagong Lipunan. Born: September 20, 1955, Virgo.
Kung sinumang nag-udyok na ika’y tumakbo sa pagka-bise presidente ay may lihim na galit sa ‘yo. Huwag itong palampasin. Hanapin siya at papanagutin. Mabibigo ka sa darating na eleksyon ngunit muling aangat ang iyong career sa telebisyon. Maging ang kapartido mong si Imelda Papin ay hindi rin papalarin sa pagka-senador. Bago matapos ang taon, magsasama kayo sa isang talk show, ang “Mel and Jay.”
Paalala lamang ng mga bituin: huwag na huwag huhubarin ang suot na salamin upang ‘di paghinalaang ikaw at si Binay ay iisa.
Dominador Chipeco, Ang Kapatiran Party. Born: Feb 14, 1943., Aquarius.
Nahihirapang basahin ng mga bituin ang iyong kapalaran. Hindi pa sila pamilyar sa iyong personalidad. Maging ang galaw ng mga planeta ay hindi sapat upang mabigyan ka ng payo o babala kaugnay ng nalalapit na halalan. Gayunpaman, may nais iparating na mensahe sa ‘yo ang mga bituin at planeta: Belated Happy Birthday! ‘Yun lang.
Perfecto “Jun” Yasay,Bangon Pilipinas Movement. Born: Jan 27, 1947, Aquarius.
Napag-alaman ng mga bituin na hindi ka raw naniniwala sa horoscope katulad ng standard-bearer mong si Bro. Eddie Villanueva na isa ring Born-Again Christian. Really?
Naku, huwag kang magsinungaling. Baka tamaan ka ng kidlat!
Bayani “BF” Fernando,Bagumbayan Party. Born: July 25, 1946, Leo.
Magtatalo kayo ng kapartido mong si Richard Gordon sa mga susunod na araw. Hindi kasi siya sang-ayon sa mungkahi mong mag-install ng pink urinals sa kahabaan ng Maharlika Highway o Pan-Philippine Highway. Magkakaroon din ng iringan ang inyong respective wives. Pagtatalunan nina Mayor Kate Gordon at Mayor Marides Fernando kung sino ang karapat-dapat gumanap bilang Megan Fox sa out-of-town campaign ng Transformers.
Eduardo “Edu” Manzano, Lakas-Kampi-CMD. Born: September 14, 1955, Virgo.
Kung suwerte ang pagbabatayan, pumapangalawa ka sa kaaway mong si Jejomar Binay. Imagine, magkukunwari ka lang vice presidential candidate pero anim na beses na mas malaki ang iyong TF kumpara kay Dolphy! Saludo ang mga bituin sa ‘yong mautak at praktikal na desisyon. May isang payo lang sa ‘yo ang mga bituin: Ingatan ang madalas na out-of-town sorties kasama si Gilbert Teodoro. Alam ng mga bituin ang iyong weakness: madali kang mag-fall. Baka ma-tsismis kayo. Ayaw ni Pinky Webb ng ganyan.
Lorna Regina “Loren” Legarda, Nationalist People’s Coalition/Nacionalista Party. Born: January 28, 1960, Aquarius.
Career-wise, malabong makamit ang ambisyong maging bise-presidente sa darating na Mayo o kahit sa taong 2016 o 2022. Balewalain ang sulsol ng isang matandang senador na minsan na ring nagbitiw sa ‘yo ng linyang, “Don’t give up, love.” Unang-una, hindi birong matalo sa dalawang sunod na eleksyon. At pangalawa, may asawang tao na ang senador na ‘yun. Anong love, love ang pinagsasasabi niya d’yan! Tumigil s’ya! Dahil sa bigong kandidatura sa ilalim ng NPC/NP alliance, mapapaluhod, mapapapikit, at mapapausal ka ng ganitong panalangin: “Lord, promise, last na talaga ito. Huwag sana kayong magalit. Gusto ko namang itry ang Partido Liberal.”
Manuel “Mar” Roxas II, Liberal Party. Born: May 13, 1957, Taurus.
Maraming vibrations ang mga stars tungkol sa pagsasama n’yo ni Madam Korina. Ngunit baka hindi mo magustuhan ang mga ito at masabihan mo pa ang mga bituin, “I demand that that be removed from the horoscope section! That is an affront to my wife.”
Delikado. Baka mag-demand na naman ng apology si Korina.
So ito na lang: Mag-ingat ka sa pro-Binay faction sa Liberal Party. Tumitira sila nang patalikod. Unless, trip mo ‘yun.
At sa inyong lahat, laging tandaan ang paalala ni Zenaida “Syzygy” Seva:
“Hindi hawak ng mga bituin ang ating kapalaran. Gabay lamang sila. Meron tayong free will, gamitin natin ito.”
10 March 2010
This one is hilarious, nyahahahahahahahaha…….
Lahat may mga negative vibes, yung isa parang banko, yung isa malaki ang kinita para maging vice president, yung isa naman baka magalit ang asawa, nyahahahaha…..
prans
he’s good.nakakaalis ng stress.hehehehe
Jojo Binay – delikado tayo diyan. Birthday pa lang, (11/11/41) puro onse na. Baka onsehin lang niya ang mga botante niya.
Jay Sonza – Korni na yung Mel and Jay. Yung partnership nila ni Imelda Papin ay dapat “Melason”. Iyan na ang uso ngayon.
Dom Chipeco – Hindi siya dapat kay JC sumanib. Walang pupunta sa pa-meeting nila dahil gutom ang aabutin. Dapat kay Villar siya na isang galante. Pangalan pa lang, nagsusumigaw na ng “Cheap ako!”
Yasay – Kita mo nga naman. Basta manalo lang bumabaliktad na ang prinsipyo. Dati isinusubo niya si Erap sa apoy ng Impiyerno, ngayon nagso-sorry pa siya. Parang si Ben Tumbling! Baliktarin! Kunsabagay yung pangalan niya kahit basahin mo ng pabaliktad, ganun pa rin. Agnat na ogag pa.
BF Fernando – Ito ang kapalmuks. Feeling guwapo dahil lahat ng mga poster niya may salitang “Guwapo”. Di naman totoo, mas bagay ang “Kuwago”. Saksakan ng yabang at sa matagal na panahong ipinangalandakang siya daw ang tanging naka-solve ng walang-katapusang baha sa Marikina. Siyanga pala, BF, kinakamusta ka ng mga katropa mong sila Ondoy at Pepeng!
Eduardo Manzano – Pag nirambol mo ang mga letra ng pangalan niya ay lalabas ang “Zoom – A Nude Darna!” Hindi yan titulo ng x-rated DVD ni Ate Vi na nakumpiska ng dating asawa. Pero bakit mukhang wala namang interes manalo yang si Doods? At least, pag natalo siya, VP naman ang laban niya. Hindi Senador LANG, diba RALPH?
Loren Legarda – hindi magandang pamarisan dahil kung kani-kanino kumakabit. Ang ibig kong sabihin kung saan-saang partido sumasanib. Ano ka ba talaga ate? Lakas, LDP, NPC, PMP, FPJPM, NP?
Mar Roxas – matagal kinakantiyawan na “walang B” pero sa dalawang salita lamang ay nabago niya ito: “Putang ina” – ang sabi niya sa Ayala. Maraming bumilib dahil matapang na raw siya. Kaya naman sa mga pa-miting ng Noy-Mar ay hindi niya nakakalimutang magmura sa entablado.
Tangina mo Roxas. Tingin ko, panalo ka na! Mabuhay kang hayop ka. Alam ko namang tutuparin mong lahat ng pangako mong letse ka.
Tongue T: Tangina mo Roxas. Tingin ko, panalo ka na! Mabuhay kang hayop ka. Alam ko namang tutuparin mong lahat ng pangako mong letse ka.
Hahaha!!! Ang lupet, makimura na rin, tongue anew, tongue namo Mar!
Dalawa lang ang take ko:
Bayani Fernando, ang bayani ng mga bakla. Sa color identity pa lang, talyadang talyada na. Pero kung ang mukha ng bakla ay katulad ng sa kanya, magpalingkis ka lang sa sawa.
Loren Legarda, the sweetheart of the universe. Siguro, kung buhay pa o totoong tao sina Mercury, Pluto at Neptune ay pagsasabaysabayin niyang tuhugin upang marating ang kanyang pinakamatayog na pangarap sa buhay. Bow.
If Mar Roxas wins by a big margin, he and his wife Korina will regret why they agreed to slide down to Vice Presidency. A Roxas-Noynoy team would have been better. What about Erap-Roxas winning in May 10 election? Not impossible.
kung hindi mangyari ang Noynoy-Roxas team…ok sa akin ang Villar-Roxas; Erap-Roxas; o Gibo-Roxas; pero kung Noynoy-Loren? baka pa ma onse pa ang kasal ni Noynoy..pero hindi naman mangyari seguro ito..not in anybody’s wildest dream! after Noynoy it will be a long Roxas reign..kasi kahit si Noynoy ang presidente Roxas will have a big role in running the country..and when Noynoy gives way after 6 years..and Roxas will take over..it will be the Filipinos will live happily ever after!