Skip to content

Nakaka-intrigang miting

Nai-intriga ako sa napaulat na miting nina dating Pangulong Fidel Ramos, Senate President Franklin Drilon at dating Sen. Tito Sotto. Ngunit hindi ako excited.

Ngunit, sige tingnan natin.

Nakaka-intriga ang miting dahil maala-ala natin, sumoporta si FVR kay GMA nang inalisan siya ng kanyang mga kakampi noong Hulyo 8 kasama na doon si Drilon, ang sampung opisyal ni Arroyo at si dating Pangulong Cory Aquino. Hindi lang sila umalis. Hiningi pa nila na mag-resign si Arroyo dahil sabi nila hindi na siya maka-govern dahil ang inaatupag na lamang ay paano manatili sa pwesto sa gitna ng pagkabuking na nadaya pala siya noong 2004 eleksyon.

Maala-ala natin na noong Hulyo 8 nayun, magi-isang buwan nang lumaas ang Hello Garci tapes, ang pruweba ng pandaraya ni Arroyo. Naglabasan na rin ang mga witnesses na nagbulgar ng pagkasangkot ng miyembro ng pamilya ni Arroyo sa jueteng.

May kasabihan tayo na “Better late than never.” Sige na nga, mabuti naman at natauhan si FVR kay GMA.

Kaya nagalit si FVR dahil sa panukala ng Consultative Commission na binuo ni Arroyo na kanselahin ang eleksyon sa 2010 at ang lahat na nasa puwesto ngayon ay manatili hangang 2010. Magiging parliamentary form of government tayo at si Arroyo ay magiging presidente at prime minister hanggang 2010. Pagkatapos noon, wala namang nagbabawal na manatili siya sa kapangyarihan hanggang kailan niya gusto.

Noong Hulyo 7, isang araw bago nagpakita si FVR ng suporta sa tumatagilid nang GMA, ipineresenta niya ang isang “graceful exit” ni Arroyo, isang paraan na maayos ang gulong pampulitikal ng bansa.

Sabi ni Ramos kailangan ang charter change at sa kanyang schedule, dapat wala na sa Malacañang si Arroyo sa Hulyo 1 nitong taon. Noong ni-welcome ni Arroyo si FVR sa Malacañang noong Hulyo 8, sinabi ni Executive Secretary Eduardo Ermita na ikonsidera ni Arroyo ang panukala ni Ramos.

Ngayon na nakabwelo na uli si GMA at pakiramdam niya hindi na siya tagilid, ibinasura na niya ang panukala ni Ramos.

Sa analysis ng mga experts ni Arroyo, wala masyadong pwersa si Ramos sa mamamayan at kahit na sa military. Sabi nila si Ramos ay respetado sa ibang bansa at sa Amerika. Ang pakiramdam nina Arroyo ngayon, hindi nila kailangan si Ramos.

Makikita dito ang pagka-user ni Arroyo.

Ngayon. May mangyayari kaya kung magkakasama sina FVR, Drilon na gusto ng civil society at si Sotto na miyembro ng oposisyon. Mahirap sabihin ngunit mabuti na yang nagsasama kaysa nag-aaway.

Tingnan natin. Abangan.

Published inWeb Links

1,561 Comments

  1. bfronquillo bfronquillo

    Nagmiting daw sina drilon, fvr, at sotto. Eh, ano ngayon? Kahit isa sa tatlong ito ay walang kakayahang PAKILUSIN ang sambayanang Filipino. Walang pakialam sa kanila ang karamihan.
    Pero kakaiba si Erap na pinatalsik at nakakulong pero me pakialam pa para sa kaniya ang 30 porsiyento ng mga Filipino. Siya lamang ang nakikita kong me hatak ngayon. Maliban na lang siguro ke Susan na wala namang hilig sa pulitika at kakampi naman ni Erap.
    Hindi mo maaaring ipagwalang-bahala si Erap. Siya ay isang katanungang dapat na sagutin. Nuong Pangulo pa siya ay inimpeach siya pero hindi napatunayang nagkasala, pero pinatalsik pa rin nila at IKINULONG! Inihabla siya ng gobyerno at pinagtulungan ng PNP, Militar at ng SUPREME COURT ni Davide at ng Civil Society pero ngayon pagkatapos ng apat na taon ay nakatayo pa rin siyang taas ang nuo. Ano sila ngayon?
    Paano nila lulutasin ang problemang tulad ni Erap. Ito ay problemang ngayon ay batong ipinupukpok sa ulo ni Gloria. Pero baka naman si Gloria ang problema at ang lutas ay si Erap. O, kung hindi man si Erap ang lutas e pakisabi lang SINO?

  2. Jon Jon

    I have a feeling it’s just another of those psy-war tactics of Ramos. A little pressure exerted to rattle Gloria. If Gloria panics, she’s going to make mistakes. But knowing her, she’s just going to ride it off. Pakapalan na lang ng mukha ang gagawin niya.

  3. Jay Cynikho Jay Cynikho

    Ler’s watch, wait and see. After
    all some believe that “they also
    serve those who sit and wait”.
    That’s what you do when you command
    a submarine waiting for U boats.

    Kilala ng marami si Drilon who
    led the senate to inutility in
    so short a time, kilala ng marami
    si Tito Sotto, who got messed up
    with drug lords while serving as
    chair of Senate Anti-Drugs committe,
    exPresident Ramos is known to have
    bleed the people of their blood
    to pay their electric bills. Three
    people, three books about damages
    to the country and they are meeting
    to replace Gloria?

    The cry during the last pres election
    “anybody but gloria” was kapit sa patalim.
    what I am interested in is what the
    three will do, if they succeed so they bring
    gloria and her cabal of zzzz to justice.

  4. dell dell

    05 January 2006

    Good Day to you madam ellen,

    I agree, let’s wait and see what will happen in the next few days or weeks or months (hehehehe). If the three are cooking something, definitely, its something to watch.

    salamat po and godbless

    dhell

  5. jonas jonas

    Kawawang Ramos, ang dakilang closet trapo, napipilitang lumapit sa opposisyon ngayon at namba-bluff dahil nahahalata niya slowly ini-echa-pwera siya ni Greedy Gloria ang pinaka-talamak na trapo sa tatlo (si JDV ‘yung isa. Siya ‘yung orig na model ng trapo).

  6. ELLEN–Ang basa ko sa unang gusto ni FVR ay ganito. Anim na taon lang dapat si GMA sa pagka-pangulo. Kaya gusto ni FVR na tapos na ang bagong Constitution nang 2006 at may bagong lider na sa 2007. Alam ni FVR na matinding away ang mangyayari kung ang Senado ay hindi sangayon sa chacha. Baka ang miting na nakakaintriga ay may sinabi rito. Pero nagulat siguro si FVR sa sakim na kataksilan ng Palasyo at ang kanilang bravura — gagawing Pangulo AT Primero si GMA ni Abueva hanggang 2010, at kiniliti pa ang mga trapo sa pamamagitan ng NO-EL. Nayanig daw si FVR sa TINDI ng NO-EL dahil kahit si JDV walang magic na katulad ng NO-EL! Siyempre ang Oposisyon sa lahat ng palapag ayaw sa NO-EL samantalang mga incumbent PAYAG. Eh hindi naman INCUMBENT si FVR kaya kailangang kumampi ngayon sa Opopsisyon. Galit na rin daw si GMA kay Tabako at walang paki kasi ang aksyon sa chacha nasa Korte Suprema…Huwag maliitin ang maliit..kahit si FVR natatalo niya sa tumbang preso…

  7. A de Brux A de Brux

    Ellen,

    Your article is timely because of the events that happened in January 2001.

    Pardon my plugging in today’s article on Philippine Commentary website. I feel it is a very worthy read and an outstanding document by Dean Jorge Bocobo. Thanks. – A.

    http://philippinecommentary.blogspot.com

    Thursday, January 05, 2006

    When Last the Military Withdrew Support
    http://philippinecommentary.blogspot.com/2006/01/when-last-military-withdrew-support.html

    “Gentlemen, I’m sure you know that we’ve just committed mutiny.”

  8. kikoy kikoy

    talagang mag aalburuto si tabako dahil pag natuloy ang NO-EL hindi makakaupo ang mga bata nya. wag natin maliitin ang kakayanan ni tabako dahil malakas pa rin ang kanyang impluwensya sa mga militar at may mga hawak pa rin syang mga alas. ang kasalukuyang pakikipag usap nya sa ibang political leaders ay badya na magkakaroon uli ng coup de etat… kaya naniniwala ako mga isa o dalawang buwan may magaganap na kudeta… may mga susubok sa lakas ng pwersa ni arrovo. ika nga kung di makuha sa “santong dasalan sa santong paspasan” naman. watch, wait and see po tau sa prediction ko.

  9. jonas jonas

    With the bargaining and the positioning that’s happening around us, what we have right now is a “negotiated leadership”. The president no longer enjoys independence and doesn’t have the leverage in political maneuverings, especially by FVR, who by his acts and swagger, sends signals that he can always do a balimbing if Greedy will not subscribe to his idea. That’s the sad part of it.

    Instead of being the Big Boss and calling the shots the president was reduced to a being just a ‘partner’ by a closet trapo. That’s the problem when you have political debts to pay, you succumb to blackmail.

  10. Jhun Sagum Jhun Sagum

    ISA LANG MASASABI KO …

    BUNYE, ERMITA, CLAUDIO !!!

    MGA WALANG KWENTANG TAO, DI KAYO KAILANGAN NG MGA

    PILIPINO, SAYANG ANG PASWELDO SA INYO !!!

    MGA BWISIT !!!

    GMA, MIKE, BUNYE, CLAUDIO, MAKALINTAL, NOGRALES, CAGAS,

    PICHAY, REYES, GONZALES, DEFENSOR,ATIENZA AT MGA SIP SIP

    KAY ARROYO . SINUNGALING !!!

  11. Urgie F. from NYC Urgie F. from NYC

    May kasabihang na ang masamang damo ay matagal mamatay.
    Ano dapat gawin sa mga Satanas iyang..
    Bawat Pinoy magkaisa na.. civil disobedience
    Ito matibay na sandata sa mapayapang paraan
    Tingnan natin kung ang bawat Pinoy
    Di magbayad ng buwis at walang remittances
    Bagsak ang pamahalaan ni Devil Gloria.

  12. Jay Cynikho Jay Cynikho

    Rizalist posted:

    FVR: “We must have peace among all the
    families.”

    Good! Families and Peace had been mentioned
    by FVR. He should tell us who are these
    families which contributed immensely to
    the plunder of our rich natural resources
    and taxpayers’ money. If FVR meant these
    families should all rest in peace. Many
    not excluding me will say amen to that.

  13. Jhun Sagum Jhun Sagum

    GMA a SURVIVOR? Yes, maybe in 2005, 2006 is a different year, As I said earlier in my previous comments, What goes up must come down. I learned that in elementary science. No one can counter this phenomena. NO AMOUNT OF DIRTY TRICKS,MANIPULATION, LIES can change that, the only obvious factor here is TIME. There is no other course but down. And gloria – THE CHEAT EXECUTIVE is fully aware of this. She is for sure preparing for the inevitable F-A-L-L.
    gloria- THE CHEAT EXECUTIVE will FALL, BECAUSE:

    1. she will run out of excuses.
    2. she will run out of lies.
    3. she will run out DIRTY tricks.
    4. she will run out of CREDIBLE supporters
    5. she will run out of her mind
    and finally, SHE WILL RUN AWAY!!!!

  14. DIYOS NAMIN, TULUNGAN MO PO ANG BAYAN NAMIN MALAGAY SA AYOS, KAYO NA PO BAHALA SA MGA TAONG KATULAD NI GLORIA ARROYO AT MGA ALAGAD NIYA, LALO LANG KAMING NAGKAKASALA SA SAMA NG LOOB AT GALIT NA NADARAMA HABANG NARIRIYAN PA SILA AT NAGPAPASASA SA KAPANGYARIHAN NA GINAGAWANG TAMA ANG MALI.

  15. PAKI UNA NA LANG PO YUNG MAY PINAKAMABIGAT NA KASALANAN SA BAYAN, SI UNANING NA SINUNGALING; SIYA PO ANG UGAT NG LAHAT NG ITO.

  16. Elizabeth Agbulos Elizabeth Agbulos

    Ang makontrobersyal na meeting ni FVR, Drilon at Sotto ay pakana lamang ni GMA. Mr. Kapre is a damn supporter of the Donya Sinungaling, sinusubok lang nila ang tibok ng bayan kung anong magiging reaksyon ng mga tao. The oppostion should not trust the “Kapre”. Alam naman natin kung gaano kataksil siya. Dahil nararamdaman niya ang pagbagsak ng kasalukuyang rehimen kaya gumagawa siya ng paraan na makapasok sa oposisyon. Pupulutin talaga siya sa kangkungan, kasama niya ang mandaraya at sinungaling, ang mataba at malaking magnanakaw, ang maliit na rabbit, pati na ang mga tagapagsalitang Bunyeta, Ermitanyo at Defensor. “Sinong pipigil sa daluyong ng kasaysayan…Gising Filipino, sama-sama tayo sa liwanag” Mabuhay ang bansang Pilipinas!!!

  17. etnad etnad

    Eto na naman po kami. Uulitin ko lahat ang mga nangyayari sa atin diyan ay dahil kay Ramos kasama ang kanyang mga “mistah” na naka-posisyon ngayon sa Gobyerno “daw” ni Aling Gloria. Kita niyo naman si Erap ay panalo “Fair and Square” sa eleksyon pero nasan siya ngayon, bilanggo..bakit kanyo … kasi sabi ni Ramos wala siyang alam .. Siya lang daw dapat ang Presidente, kanya’t sinipa nila si Erap at itinalaga si Ginang Arrovo … masahol pa talaga sila kay Marcos ..Kinuha nila ang mga sabi nilang ninakaw ni Marcos pero saan nila ginamit…ibinulsa lang nila.. O di ba mas masahol pa sila sa hayop … bakit hindi na lang sila i-Firing Squad sa Luneta sa harap ng mga taong kanilang dinadaya at niloloko.

  18. Elizabeth Agbulos Elizabeth Agbulos

    Ako rin, hindi ko ma-open ang malaya, web page said, i am not entitled to read the page!! Aba!!…baka sinasabotahe ng mga mandaraya, sinungaling at magnanakaw!

  19. jst jst

    i can access the malaya.com.ph site but the direct link to this blog from that site is gone. i had to do a google search for the blog and took it from there. sinadya bang inalis yung link?

  20. I was able to access Malaya just now. Temporary glitz, probably. There are times also when I cannot access this site but after a few minutes, puede na ulit.

    Reminder lang: please let us avoid foul language in our comments. There were some comments that I had to delete . Thanks.

  21. I think we are giving too much importance to FVR, more than he deserves. GMA dared slap him in the face with that No-el proposal because she knows FVR is all hype. He may be respected abroad but locally, he has no following anymore. Look at the surveys. He has lower approval rating than GMA.

  22. rossana rossana

    FVR met his match in GMA. Parehong tuso. Ang iringan ni GMA at FVR ay away ng magnanakaw.

  23. etnad etnad

    Who is RAMOS anyway. Balik na lang tayo sa original na isyu, na ang taong nakaupo ngayon na Presidente ay isang magnanakaw kasama na ang buong pamilya. Kaya ko nasabi ito ay dahil base na rin sa mga pangyayari at naiulat sa mga pahayagan, una inagaw nila ang puwesto ng dating Presidente na nanalo na hindi nandaya, pangalawa ako naman ay nakapag-aral at naiintindihan ang usapan nila GMA at Garci, siguro lahat tayong mga Pinoy naintindihan natin di ba. Pero sabi niya nagkamali lang daw siya, “SORRY” daw. Yong Jose Pidal isyu sabi nila hindi daw nila kilala..tapos inamin ang bayaw na siya daw yon…Ano ba yan? Yong Jueteng controversy, asawa’t anak kasama. Umalis “DAW” sila para mawalan ng konti ang problema ni GMA, pero sa totoo lang … nagtago sila para ayusin yong mga ari-arian nila sa USA pati na ang nakurakot nilang pera .. para hindi ma-sequester kagaya ng ginawa kay Marcos …. na nong naibalik yong iba .. sila naman ang nagwaldas … Diyos namin na makapangyarihan patawarin mo po sila at talagang alam nila ang kanilang ginagawa.

  24. jonas jonas

    Ellen, I agree with you about FVR. Feeling pa-importante si Tabako. Sana ma-ousted si Greedy Gloria with FVR by her side, para makatikim naman ng dagok. I don’t want to see FVR on the side of the people who will oust Greedy Gloria, if ever that happens.

  25. A de Brux A de Brux

    I agree with Ellen too that FVR is all hyped – an old soldier who refuses to fade away. Certain quarters are making him feel important and maybe rightly so but unless he starts biting instead of just barking, FVR is simply filling media space for nothing.

    But if he does make a move, the opposition better watch out, this former president has had lots of experience dealing with the lot of them; he may have been outfoxed by Gloria a couple of times or so but there’s no telling about what he is still capable of doing even if only to prove that he can still be an excellent rabble or trouble maker.

    There’s nothing worse than an ex-general who became a politician and leader on the back of a woman!

  26. Current updates seem to point that there was really nothing “significant” in the meeting. Talagang ni-rarattle lang ni FVR ang kampo ni Gloria. Typical military tactic.

  27. nimrod nimrod

    let them meet together 100 times, for all i care.

    ano ginagawa ni mr. sotto duon, who cares…

    ang sa akin ay ganito, wala ng dahilan para tangkilikin ang tulad ni fvr. isa siya sa dahilan kung bakit ang Pinas pinagtatawanan o hindi sineseryoso abroad.

    ang mahalaga, kakain na ba ng 3 beses ang ordinaryong Pinoy kung mag mimiting sila? magkakaroon ba ng dignidad ang magsasaka at kababaihan?

    suya din ako kay gma, but she doesn`t care either. kaya i-asa ko na lang sa taong-bayan ang pagpapalaya ng Inang Bayan hindi sa mga pulitikong tiwali.

    Taong-bayan nasaan na kayo??

  28. Jhun Sagum Jhun Sagum

    BUNYE, ERMITA, CLAUDIO, NOGRALES, PICHAY, CAGAS
    DEFENSOR, DEFENSOR, MAKALINTAL !!!

    PUPULUTIN KAYO SA KANGKUNGAN !!!

    MGA SINUNGALING AT GAHAMAN !!!

  29. Ang taong masaya sa katimawaan ng kanyang mundong kayamanan
    Ay di matuturing mayaman dahil sa mga naimbak niyang kasaganaan
    Iparis mo sa ibang dukha na may sapat lamang makakain sa araw araw
    At sa pananamit dala hanggang sa kanyang puntod,
    Na kahit ang ating Diyos ay makakayang maihandong.

    Ang bunga ng lahat ng pagdadahas at pang-aapi, pagnakaw at pagdaya
    Ay isang mabagsik na kamandag na kamatayan sa sinuman.

    May mga mayaman na dalisay at may mga malupit
    May mga dukha na mabait at may mga masama
    May mga matalino na dakila at may mga dahas
    May mga mangmang na marikit at may mga mabagsik

    Saan tayo papanig, sino ang ating maasahan at pagkakatiwalaan !!
    Di ba’t sa ating wagas na paniniwala sa banal na kaugalian.
    Itong banal na paniniwala at walang kupas na tunay na katotohanan
    Na tayong lahat na may paniningdigan dito ay di magbabago
    Ng kahit ano man katumbas ng mundong kayamanan at kapangyarihan !!!

    Ang taong may dalisay at banal na paniningdigan sa buhay at sa kapwa
    Ay di kailanman magbabago at mababago ng kahit anumang bagay
    Ngunit ang mundong kayamanan at kapangyarihan ay laging nagbabago
    Sa mga taong huwahawak at sumasaklaw nito sa araw araw.

    Lahat tayo ay mga anak ng Diyos, at lahat tayo ay may karapatan
    Na mabuhay sa munting mundong hinadong ng ating Amang Diyos.
    May mga sinilang na mayaman at may mga sinilang na maralita.
    May mga naging mayaman at may mg naging maralita
    Dahil sa takbo ng buhay na punong puno ng kapalaran
    Kapalaran na lahat tayo ang may kagagawan mabuti’t masama man.

    Kung ang nais natin matamasa ang katahimikan at kasaganaan.
    Dapat magsamasama tayo’t magtulungan para sa lahat ng kapakanan
    Walang mayaman o mahirap, walang matalino o mangmang
    Walang kapangyarihan lakas, walang panglilinglang, dahas o pang-aapi.
    Mag-samasama tayong lahat ilabas ang ating Gintong-Puso at kadakilaan
    At iahon natin ang buhay ng lahat sa lahat ng sulok ng Pilipinas at daigdig.

    Kung ako ay Mayaman tutulungan ko ang mahihirap para guminhawa sila
    Kung ako ay Mahirap gagawa ako ng kabutihan para bawas ang kasamaan
    Ang pagkakamkam ng kayamanan ang dahilan ng kahirapan sa buhay
    Ang paglaganap ng dukha ay paghiwatig na lumalaganap na kasamaan.

    Tayong Mayayaman,
    paginhawain ninyo ang mga dukha nang lumaganap ang kabutihan
    Tayong Mahihirap,
    Gumawa ng mubuti sa lahat ng kapwa at sa lahat ng panahon
    Tayong Lahat,
    Magmahalan tayo at magmalasakit sa isa’t isa

    Ito ang tulay na matatawid natin patungo sa katahimakan
    Ito ang bangkang magtatawid sa atin sa pangpang ng kasaganaan.
    Ito ang sanggalang magkakalasag sa lahat ng kasamaan.

    Diyos ang ating Tagapagtanggol
    Ang Alab ng Kanyang AWA ay umaagos na
    Mabubuhay ang mga TAPAT sa KANYA
    Maglalaho ang mga SUWAIL sa KANYA

    Nasa DIYOS ang AWA
    Nasa tao ang gawa

    KAIROUS KAI KROUNOUS

  30. Ano ba talaga ang naidulot ng mga Pinuno sa ating sanbayanan na Pumalit sa napatalsik na Diktador na si Marcos. Isa isahin natin sila.

    Si Marcos.
    Diktador
    Kauinti lang ang nakakapaghanapbuhay
    Konti ang kita pero, kaya buhayin ang pamilya
    Kaunti lang ang mga croonies and pangungurakot.
    Walang Drug-Pushers
    Araw araw na bilihin ay kaya pa rin.
    Nakakain ang buong sambayanan
    Wala masyadong Politiko
    May katahimikan kahit papano dahil
    Kaunti lang ang Krimen

    Si Cory, Si FVR, Si Erap at si GMA.
    Demokrasya
    Milyon ang nakakapaghanapbuhay sa iba’t ibang bansa.
    Ang lalaki ang kinikita pero kapos pa rin sa pangkabuhayan
    Lahat ay ay may kanyang kanyang kurakot ( Militar, Pulis, Baranggay, MMDA. Lahat ng sa Politiko, PUJ drivers, vendors, istambay….lahat…lahat )
    Maraming Drug-Pushers at drug-lords na Politicians pa…
    Ang araw araw na bilihin ay pataas ng pataas
    Pagutom ng pagutom ang buong sambayanan
    Ang Politiko ay magulo parang circus at pellikula dahil ang dami daming artista na.
    MAgulo araw araw dahil
    Laganap ang krimen sa lahat ng sulok ng Pilipinas

    DI na ba kayo nahiya sa ating taong bayan na nagkaisa noon para ipaglaban ang Demokrasya. Bakit mas laganap pa ang kasaam at paghihirap tapos ng 2 dekada sa ilalim ng inyong pamumuno.

    Ang pag-uulayaw ninyo sa mundong kayamanan
    At ang pagka-uhaw sa mga sariling karangyaan
    Ay umuudyok ng paghimagsik di lamang sa tao
    Kungdi pati na rin sa atin Panginoon Diyos
    Dahil wasak na wasak na ang mga kabuhayan
    sa walang-tigil na kasamaan at karahasan
    Pinangungunahan pa ng mga watak-watak na Pinuno
    Pahiwatig na isang bulok at sawing pamahalaan.

    Kung ang paninindigan sa Diyos ay tapat
    Dapat wasto rin ang pakikitungo sa kapwa natin
    Kahit limpak limpak na salapi ang pumapasok sa Bayan
    Naghihikaos pa rin ang atin sanbayanan
    Dahil puno ito ng katiwalian at kasamaan
    Ang bulsa ng ating kasaganahan ay BUTAS
    And Banga ng ating katiwasayan ay may BASAG
    Ang bangka ng ating kaunlaran ay PALUBOG na

    Ang NAGHIHIMAGSIK na KALDERO ng MAYKAPAL ay NAKASALANG na
    Upang ibuhos ang matinding at nakakikilabot na sakuna at pighati
    Ang BUHAWI ng pagGUNAW at at ang BAGYO ng KAPAHAMAKAN ay PARATING na
    Ang IHIP ng HANGIN ay MABAGSIK na MAGHIHIMAGSIK ng KASAWIAN
    MABANGIS na YAYANIGIN ang walang-habag at mahalay na SANBAYANAN
    MAGBABAHA ng MALAGIM na PIGHATI at LALAGANAP ang MATINDING PAGHIHIRAP
    WAWASAKIN ang BANGA ng KATIWALIAN, KALASWAAN, KARANGYAAN at ng KASAMAAN
    LULUSAWIN ang KANDILANG KATAPANGAN ng DAKILANG APOY ng KAPARUSAHA

    MAPAPALAD ang mga KALOOBANG TUNAY na tapat sa DIYOS at sa kapwa
    Ang SILAB ng MAYKAPAL ay MAGBIBIGAY muli ng PAG_ASA sa BUHAY nila
    MAPAPALAD ang may WAGAS, DALISAY at GININGTUAN PUSO at BUDHI.
    Ang SILAB NIYA ay AAPAW at AAGOS ang BIYAYA sa DALAMPASIGAN nila
    NAGHIHINTAY Sa mga SUWAIL at LABAG sa Banal na BATAS
    Ang Balaraw ng paghihiganti ng KATARUNGAN at KATOTOHANAN
    Ang Umaapoy na Tabak ng Pagwawakas sa Katiwalian at Karangyaan.

    MABUHAY ANG PILIPINAS
    PADATING NA ANG ARAW NG ATING PAG_BUBUNYI
    BUBUHOS at AAGOS ang kapayapaan, katiwasayan, at kasaganaan.

    KAIROUS KAI KROUNOUS

  31. bfronquillo bfronquillo

    Kapag nakialam na ang Dios ay wala nang makakapalag. Sapagkat marami na ang nananalanging makialam na siya sa Pilipinas. Hindi na kaya ng taong baguhin ang kalooban at puso ng mga tao upang mapanuto na ang bayan. Subali’t kailangang HINGIN NATIN ITO SA DIOS SA PANALANGIN UPANG MAGAWA NIYA ITO PARA SA ATIN.

    “Dalangin namin O Dios na ibuhos mo ang PAGBABAGONG-TAO sa aming bayan sa pamamagitan ng Iyong Holy Spirit. Bayaan Mong ang Iyong kapangyarihang ipinangako sa Iyong mga alagad ay bumalot sa amin upang PAKAININ KAMI NG PAGPAPAKUMBABA. KAMI PONG LAHAT O PANGINOON, UPANG MATANGGAP NAMIN ANG IYONG PAGHAHARI SA PAMAMAGITAN NG IYONG ANAK NA PIPILIIN UPANG MAMUNO SA AMING BANSA, SINO MAN SIYA AT ANUMAN ANG KALAGAYAN NIYA SA BUHAY.”

    “Panginoong Dios huwag mong ipaubaya sa karahasan ang aming bayan, bagkus balutin Mo ng pagmamahalan. Please Lord Jesus REIGN UPON OUR LAND as we pray and kneel down and humble ourselves before you as your people, your nation, FOR WE ARE YOURS O LORD. As this Sunday morning dawns upon our country let your LOVE bind us all together.
    All these we ask in the MIGHTY NAME OF YOUR SON JESUS CHRIST. AMEN.”

  32. Urgie F. from NYC Urgie F. from NYC

    Di si FVR ang nagbaon sa bayang Pinas sa utang..
    Lahat na karanyaan ay igusto niya..
    Most travler President ng Pilipinas
    All corners of the globe/earth he visited with the expense
    of Juan de la Cruz’s money…Recalling his time of Presidency, Fort Bonifacio- bininta, Amari-estate controrversy, Expo 2000 at iba. Have you read Business
    Week issued 2003, if I’m not mistaken. His name was mentioned as a partner of Carlyle group, with Former US George H. Bush, James Baker, Former Prime Minister Major of Great Bretain at iba. Mininum shares is not less than $10 millions. Ano ngayon, where FVR got the money? Mga kaso na sankot si FVR, bilang lumaho pag-upo ni Lucifer Gloria. Iyang miting ay isang patibong…muli kay Juan de la Cruz.

  33. Jhun Sagum Jhun Sagum

    SINA TITO, FRANK AT EDDIE ….

    KASAMA SI VELARDEEE LAHAT SILA’Y ….

    EAT BULAGA !!!

    BILISAN NYO NA, WAKASAN NA YAN SI GLUE-RIA !!!

  34. etnad etnad

    Yang Ramos na yan talo pa si Marcos (mali pala ang hinala ko .. hindi estudyante ni Marcos yan kundi yan ang adviser niya) ….. pero lagi ang sisi ay puro Marcos … nabawasan ba nila ang utang natin … kahit sino sa kanila na naging Pangulo …. ‘NO,NO,NO…’ …. lalo pang lumaki … kasi para silang gutom na buwaya na nagwala ng mawala ang sabi nilang Diktador kasama na ang kanilang mga kampon … ngayon kung ganito lagi ang takbo ang ating gobyerno Diyos na lang ang bahala sa atin. Isipin niyo na lang … magmula pa kay Pres. Aquino hanggang ngayon laging may kUdeta ..BAKIT NOONG PANAHON NI RAMOS ANG NAKA-UPO WALANG GANYAN NA USAPAN?????????

  35. Bulalakaw Bulalakaw

    VR, Hoy TANDA, dapat mag-retiro ka na. Tapos na ang panahon mo sa Pagka-presidente na nakuwa mo naman sa Pangdaraya. ANo pa ba ang Gusto mo. AT noon panahon mo, dumami ang mga OFW workers na nagpawis at kumita at pinadala sa pinas , dapat noon NAPAGANDA mo ang Buhay ng Pinoy. Pero di rin, Tulad ka at mas masahol ka pa sa Pintalsik na si MARCOS. ISA ka rin BUWAYA. Pinataba mo lang ang inyong SARILING BULSA. OO Tumaas ang Economy index natin pero di dahil sa pamamalakad mo , ito ay dahil sa LAKI at DAMI at LAKAS ng kita ng mga OFW sa iba’t ibang panig ng mundo. Pero ano nangyari pagkatapos ng termino mo… Mas lalo NAGHIHIKAOS ang taong bayan. Hoy tanda, alam din namin ang mga KINURAKOT mong pera at ariarian ng Pinas na pinasok mo sa negosyo mo na PABRIKA ng mga BARIL at BALA para sa mga MILITAR na binebenta ninyo sa mga Miltar ng EUROPE, USA at sa China. Yan business trip mo sa Europe, USA at China ay mga business deal mo para mabenta mo ang mga Armas-Militar sa mga Military nila. PLEASE tama na ang PAGBABAYANI mo. sa totoo lang isang kang TRAYDOR sa masang Pilipino na nagpatalsik sa Malagim na Diktadura ni Marcos. Dahil mas malagim pa ang binuhos mo sa buhay ng sambayanan.

    Alam mo bang malapit na kayong magkita nito….
    sa taong ito ang schedule ng inyong Meeting.
    Kaya magpakabait ka na … may konting panahon ka pa.
    Isang STROKE lang sa buhay mo sa taon nito magme=meeting na kayo ni Ginoong Marcos. Siya pa nga ang susundo sa yo.

  36. Elizabeth Agbulos Elizabeth Agbulos

    Sa pagbagsak ng pekeng pangulo, lahat ng may kasalanan sa bayan ay kasama niyang tatakbo sa parang. Lahat sila kailangang kasuhan. Huwag kalimutan ang mga nagtaksil sa sambayanang Filipino : GMA, Mike A., Angelo R., FVR, Joe de V., Bunye, Ermita, Defensor, at mga kongresistang nagpabayad upang ibasura ang mga kaso ng Donya Sinungaling. Hindi kayo makakatakas sa bugso ng paghihiganti, dadamhin nyo ang kirot ng sugat na nilikha nyo sa tao, isusulat kayo sa dahon ng kasaysayan……2001-2006- panahon ng kadiliman sa Pilipinas dulot ng inyong pandaraya, pagnanakaw, at pagsisinungaling……pati mga bulaang propeta (mga bishops) na nagtatanggol sa Reyna ng Kasinungalingan. Kampon kayo ni Satanas. Malapit ng dumating ang oras…iaabot ng Diyos sa Langit ang Kanyang mga mapagpalang kamay, upang aliwin ang mga inapi, at hatulan ang mga hudas sa bayan. GO GLORIA…MAGSAYA KA, MALAPIT NA ANG WAKAS MO!!! MABUHAY ANG SAMBAYANANG FILIPINO!!!

Leave a Reply