Sa pag-uusap ni US Secretary of State Hillary Clinton kay Gloria Arroyo nang siya ay bumisita ditto sa Pilipinas kamakailan, dalawang bagay ang kanyang binigyan ng diin: matuloy ang 2020 na eleksyon at magkaroon ng kasunduan sa Moro Islamic Liberation Front.
Maintindihan ko ang interes ng mga Amerikano na dapat matuloy ang eleksyun sa 2010 dahil kahit gaano nila kamahal si Arroyo, kung siya ay manatili sa Malacañang lampas ng Hunyo 30, 2010, magkakagulo talaga ang bayan.
Kung magkagulo ang bayan, malalagay din sa alanganin ang interes ng Amerika dito sa Pilipinas.
Ganun lang naman talaga ang “geopolitics”. Ang sariling interes ang mahalaga.
Ang matalinhaga sa akin ay ang interes ng Amerika na magkaroon ng kasunduan sa MILF. Nakita natin ito sa MOA-AD (Memorandum of Agreement- Ancestral Domain) na kamuntik lang nagkaroon ng sariling bansa galing sa parte ng Pilipina.
Mabuti lang naharang ng Supreme Court.
Heto na naman at pinagpipilit pa rin ni Arroyo ang magkakaroon ng kasunduan sa MILF sa loob ng apat na buwan niya sa Malacañang. Kaya ayun nagkagulo-gulo na sila sa peace panel.
Noong isang linggo, dalawang miyembro ng peace panel ang umalis at sinabi nilang ginagawa lang silang tanga. Sila mismo daw hindi alam kung ano ang napagkasunduan nilang posisyun dahil sinisikreto sa kanila ni Ambassador Rafael Seguis, ang hepe ng ating negotiating panel.
Sabi ni Tomas Cabili, ba siyang kinatawan ng non-government organizations sa panel, “I suffered in silence from being marginalized for adhering to my independent view and remaining true to the quest for genuine sustainable peace.It disappoints me when I encounter people who are not transparent and honest.”
Noong Disyembre, nagresign din si Adel Antonino na siyang kumakatawan ng local governments sa panel.
Anong klaseng negotiating panel yan na ang puno lang ang nakaka-alam ng posisyun na kanilang dapat ipaglaban. Siyempre kami rink ay Seguis si Annabelle Abaya, ang bagong rpesidential adviser for peace process.
Nakakatawa nga sila. Nagpi-peace talks sila, tapos sila mismo nagaaway.
Ang tanong: saan ba kumukuha ng order si Seguis? Siyempre sa Malacañang. At ano naman itong napaka-sikreto ng kasunduan na nilalakad ngayon ni Seguis sa MILF sa tulong ng Malaysian government?
Ang nakakabahala dito ay bago na ang komposisyun ng Supreme Court. Kapag dinala sa Supreme Court ngayon ang bagong agreement, siguradong lusot yan. Dissenteng opinion na lang ang labas nina Chief Justice Reynato Puno, Justices Antonio Carpio, Conchita Carpio-Morales at iba pang natirang miyembro ng Supreme Court na hindi hawak ni Arroyo.
Kawawang Pilipinas.
Naalala ko tuloy ang ginawa ni Erap noong siya’y presidenta pa, ginyera niya ang MILF at nabawi ang mahigit 40 kampo ng mga rebelde. Isang watawat, isang bansa ang isinisigaw ni Erap noon. Dapat yan din ang isisigaw at maging paninindigan ng mananalong presidente sa darating na halalan.
Di kaya ang dahilan kung bakit nalang ganoon ka-interesado ang mga Kano sa Mindanao ay dahil sa mga napapabalitang may nadiskubreng malaking oil reserve doon? Na gusto ng mga Kano na ang MILF ang mamuno sa lugar na iyon dahil mas mabilis silang kausapin at mabilis diktahan?
Lahat nalang kasi ng mga bansang may mga malalaking oil reserve ay gusto nilang salakayin para ma solo nila ang mga langis. Katulad nalang ang paglusob nila sa Iraq, na ang ginawang dahilan ay si Saddam Hussein daw ay usang terrorista at may kinalaman daw sa 9-11 incident. Di naman nila napatunayan hanggang ngayon.
isang not usang
Si Gloria ang leader ng government panel sa katauhan ni Seguis. Sabi nga ni Mike Defensor si Gloria ang nagsasalita pero hindi siya, meaning yong sinasabi ni Seguis, lumalabas sa bunganga ni Gloria thru the mouth of Seguis.
At saka mukhang may prepared agreement na ang nakakaalam lang ay si Regis/Gloria kaya puro pagsisikrito nila, ang ginagawa na lang ay formality para maipakita sa mga tao na transparent ang negotiation.
If in case, an appeal to the conscience of the justices of SC is the most we could do, that is if no plebiscite will be held. Siguro naman dahil mga Pilipino rin sila hindi nila mapapayagan na maatado ang Pilipinas.
hindi kaya na ang interest ng amerika ay makapagtayo ng bagong base sa mindanao…matagal na raw may ginawang malaking air strip,o paliparan ng aeroplano sa may mindanao
Hindi ko talaga maisip kung bakit napakahigpit ang atas ni pareng Barak at mareng Hil na isakatuparan ng kanilang demonyang puppet na unana ang pistok sa Mindanao. Imagine, sumulat pa si Obama sa MILF tungkol intensyon ng ‘merika sa pistok na yan. Hmmmnnn…ano nga kaya???
Kapag pinalusot ng SC ni Gloria ang bagong kasunduan sa MILF, ibig sabihin ay wala nang pag-asa ang Pinas at kailangan na talagang manggulo ang mamamayan.
America is for America..and they will protect their interest..Kaya pa ng Filipinas na tangihan ang utos ng America? hindi kaya tuloy ang ligaya ng mga Ampatuans..tuloy ang ba ang ligaya ni gloria at hindi na siya mapapaalis?…ang mga tao ba ay liligaya? sila lang ang magasagot niyan..liligaya ba ang ating bayan? ang mga tao lang ang makasagot niyan at iyan ay ating malaman sa May 2010…ilang tulog na lang!
Nine years and going, mga kababayan ko. Ganyan ang kawalang malasakit ni gloria sa soberenya ng Pilipinas. Dahil sa kanyang personal na interes at political survival kaya wala siyang hindi gagawin upang mabigyang proteksiyon ang sarili.
Ano ba ang kanyang naging behikulo sa short cut na kapangyarihan? Hindi ba’t pandaraya at kasinungalingan?
Lahat ng kasamaan ay nakatahi na sa kanyang laman kaya huwag asahan magkakaroon siya ng kahit katiting na pagmamalasakit sa bayan.
Sino dito ang nakaaalam ng paraan upang maipahayag sa oposisyon ni Obama at mamamayang Amerikano ang malalim na pangamba ng sambayanang Pilipino ukol sa kaso nitong MILF, ni Obama at Gloria, kung totoo nga at may pruweba na mapri-prisinta.
At ano ang maitutulong natin upang maisagawa ito?
Sa ngayon, puro lang gatong, gatong, gatong. Wala naman tayong nagagawang positibo sa mga babalang artikulo at Kuro ni Ellen T.
BTW, Happy Valentines Day to all
Re:rose#10,ilang tulog na lang kaya?o baka humaba pa ng mahigit na sampung taon,dahil kung babatayan natin ang dalawang halalan,2004 at 2007 ay maraming tao pa rin at binabangongot na sa kanilang pagtulogtulogan,dapat ng napatalsik ang pesteng duwende,sa buhay ng Pinoy,ano ang nangyari itinaguyod pa rin ang mga magpapalawig sa kapangyariyahan si PESTE.Kaya mahirap mapangonahan ang ilang tulog na tapos na buto-buto ni pesteng Duwende.GLITCH and POWER outages are main tools to have a walang kandidatong nanalo,tuloy pa rin ang ligaya.Kung sakali si PINAGHALONG pula at dilaw ang lumabas sa tambiolo ng dayaan,pilit na namam tayong lahat patutulogin ng 6 taon.
Oo nga naman.
Hige nga, Isagani.
Ano ba ang magandang gawin natin? Ang maitutulong natin upang maipaabot sa administrasyon ni Obama tungkol sa ating pangamba sakaling iregalo ni ngoyang ang buong Mindanao sa kanyang binibeybing MILF?
Kaming mga malapit nang mag-seniors prom sa buhay ay nagawa na ang dapat at hakbang sa pakikipaglaban upang manatiling buo ang Pilipinas mula pa noong 1970’s hanggang 1990’s.
Kayo naman. Pagod na rin kami, eh.
Mahalaga ba sa inyo ang mga buhay ng mga kawal na kasamahan naming nabuwis upang ang pagiging isang bansa natin ay huwag mabawasan? ‘Yung magigiting noon na imbalido na ngayon, bibiguin ba ninyo sila?
Masuwerte ba kaming mga nabubuhay pa na hindi rin masumpungan ang malasakit ng bagong henerasyong aming inaakalang magpapatuloy ng aming pinaglaanan ng buhay?
Hanggang hinagpis na lamang ba kami’t pagsisihan ang walang pag-iimbot na paghahain ng buhay upang kayo ngayon ay matunghayan ang naging bahaging yaon ng kasaysayan?
Nagawa na namin ang nararapat. Ikaw anak, ano ang iyong maiaambag?
Interes ng Amerika ay hindi nababago kahit alam nila na salungat sa kanilang kagustuhan ang kapinuyan.
Hindi dapat kay Obama iparating ang mensahe dahil ang America ay para sa interes ng America kundi sa pekeng presidente ng Pinas na puppet naman ng YUIS. Sa huli, nasa Supreme Court ang bola, sana ay mamayani sa mga justices ni Gloria ang pagiging pinoy at hindi pagtanaw ng utang na loob sa kanilang patrona.
Si Ambassador Rafael Seguis pala ang head ng negotiating panel?
Kunsabagay mahilig nga ‘yan sa head.
Kahit itanong ninyo sa kanyang dating driver noong siya pa ang ambassador sa Riyadh.
Di ba, Tiyo Papa?
Mahilig kasi ‘yang si Amba Paeng sa brand na Head, eh.
Ang laro niya sa Riyadh ay betlog at penis, este golf at tennis.
Golf club niya, tatak Head. Raketa niyasa tennis, Head, T-shirt niya Head, sapatos at medyas niya, tatak Head. Tennis shorts niya, brand ay Head. Head band niya, tatak Head. Pati na rin shades.
O, di ba? Kaya kapag naglalaro siya, bilang exercise at body conditioning ay makikita ninyo siyang mukhang Head dahil iisang brand ang kanyang sinusuot at ginagamit.
Kayo talaga, dudumi ng isip ninyo!
Pusta ako, pag nabasa ito ni Tongue, meron na naman siyang idadagdag na hindi ko alam.
Katropa pala si Amba Paeng ni Gen. Joanna at mareng Nerisssa. E sino naman si Anabelle Abaya na tsuwariwariwap?!
MPRivera.
Yung comment mo sa #13. Ang sagot mo ba e tanong din? So, hindi ikaw ang sadya ng tanong ko. Ang sadya ng tanong ko e doon sa may alam.
Maraming salamat sa mga sakripisyo mo, kung ano man yun, datapwat ang kailangan natin ngayon ay positibong galaw.
Ano ba mahihita natin sa gatong? E, halos lahat dito e pareho ang damdamin. Para tayong mutual fans club with the exception of a few who are obsessed ang galit. Hindi na sila kapani-paniwala.
Ewan ko lang ha, pero sa palagay ko positive action ang pakay ng blog na ito at hindi ang magkalat ng galit na wala namang patutunguhan.
MPR,akala ko FENCING expert si Amba Paeng,dahil head ang kanyang gamit pananga pagsiya lumalahok sa fencing tournament,di ba SWORD against sword,paki sagot bakit head ang kanyang gamit,ano ito’y utakan lang ba ang laro?
Ipinaabot ko ang aking buong pusong pagbati ng HAPPY VALENTINES Day sa inyong lahat at lalo na kay Maám Ellen and co.
RE:…Nagawa na namin ang nararapat. Ikaw anak, ano ang iyong maiaambag?
Ang SAGOT ng mga kabataan ngayon…Igan MPRivera, e busy daw sila sa face book, friedster, farmtown, farmville, travian…etc. etc.
Inang natin…YAKS, matutuluyan na talagang mahiwalay ang Mindanao sa mainland Luzon at Visayas pagnagkataon. Walang inatupag ang mga teenagers ngayon kundi gumimmick eh at walang inisip kundi mag cellphone at maginternet ah.
Re:..”Ang SAGOT ng mga kabataan ngayon…Igan MPRivera…”
Ilang taon na ba si Gloria? Yung mga nakaupo diyan sa Senado? Yung mga corrupt diyan sa congress? Aba e puro damatan na mga yan!
May kagagawan ba ang mga kabataan sa gulo ngayon? Hindi ba puro damatan ang karamihan ng kawatan sa gobierno?
Mabuti pa ang gumimick, mag cellphone at maginternet kaysa magpalago ng galit, mag tsismis, magnakaw, magsinugaling at mandaya!
Magse-senior citizen palang pala e, hindi pa nga senior citizen, give up na at naniningil na ng kontribusyon. Wow, iyang ganyan ang kailangan natin para tuloy tuloy ang lubog.
Isagani – February 14, 2010 9:05 pm
Tama ka Isagani. Kung tutuusin ang kailangan talaga ng sambayanan ay BOSES di lang sa isyu dito kungdi sa lahat ng mga bagay-bagay na nakaka-apekto sa ating mga buhay at kinabukasan. National dialogue sana kung maari, isama na rin sa usapan ang good governance. Katanungan, sino ang karapat dapat na mag-representa sa sambayanan?
sa aking opinyon,mga taong neutral sa politika sana!
Magse-senior citizen palang pala e, hindi pa nga senior citizen, give up na at naniningil na ng kontribusyon. Wow, iyang ganyan ang kailangan natin para tuloy tuloy ang lubog. – Isagani
‘Igan, hindi mo ba nababasa ang logic na aking ibig ipabatid?
HIndi ako naniningil kundi hinahamon ang mga katulad ninyong sumunod na henerasyon.
Ano pa ang magagawa naming mga P-3 (Physically unfit for combat duty sa military lingo) na?
Huwag ninyong gantihan ng ulos ang paghahaanp namin ng malasakit sa aming ipinaglaban noon sapagkat kung tutuusin, kayo ang dapat magpatuloy sapagkat kayo din ang makikinabang at ang inyong magiging supling kapag ‘yun ay pinagtagumpayan at magdudrusa kung inyo lamang uupuan.
RE: Huwag ninyong gantihan ng ulos ang paghahaanp namin ng malasakit sa aming ipinaglaban noon sapagkat kung tutuusin, kayo ang dapat magpatuloy sapagkat kayo din ang makikinabang at ang inyong magiging supling kapag ‘yun ay pinagtagumpayan at magdudrusa kung inyo lamang uupuan?
Agree Igan MPRivera…dapat ang mga martial rule babies e maging magandang ihemplo ng mga EDSA UNO babies upang magkaroon ng pagmamalasakit at pagmamahal sa bayan.
Ang kaso EWAN BA NATIN…heto kandakuba na ang mga Senior Citizen natin sa e-VATrecto ayaw pang pagbigyan na malibre na.
At itong mga bagitong pulitiko e magpakakatotoo naman kasi ang babata pa e traydor at sinungaling na rin. Paano titino ang Pinas nito…pati ang mga facebook/farmville babies e humaling na sa ka iinternet at walang paki sa mga nangyayari sa ating lipunan.
gusa: hindi ba paghinalo mo ang pula at dilaw ay orange?..sino ba ang laging na orange sa mga kandidato? kung sabagay may nagsabi na hindi siya nanakaw kung siya ay maging pesidente..bakit kaya dahil ba sa wala ng mananakaw pag alis ni gloria? or is it because marami na siyang nanakaw on the road-site? by the roadside pala!
isagani: seguro kailangan nating gatungan ng gatungan para pag nating ng May 10 or even before lalalablab ang apoy at
tuluyan ma litson ang leche!