Ang kumakalat ngayon na text: “Sabi ni Kiko Pangilinan, hindi siya sasama sa proclamation rally ng GO. Sagot ng bayan, “Noted.”
Sana sa palabas ng kolum na ito natanggal na si Francis Pangilinan sa listahan ng Genuine Opposition.
Hindi naman talaga siya bagay dahil hindi naman siyang totoong oposisyon sa pandaraya ni Gloria Arroyo. Kasabwat pa nga siya.
Noong Biyernes, nagpalabas siya ng statement na hindi siya sasali sa proclamation rally ng GO sa Plaza Miranda na ginawa kahapon. Sabi niya,” Hindi ako dadalo sa naturang pagtitipon dahil hindi naman ako opisyal na miyembro ng GO, ako’y isang guest candidate lamang.”
Sabi pa ni Pangilinan: “Sa mula’t sapul ako’y nanindigan na hindi ako tatakbo sa administrasyon o sa oposisyon dahil sa adhikain na ang Senado ay naninindigan sa katotohan at lumalaban sa katiwalian. Nais nating mabigyan ang publiko ng isa pang pagpipilian—isang alternatibo na may bagong pamamaraan”
Dagdag pa rin ni Pangilinan: Ako’y inimbitahan bilang isang Guest Candidate at nung nangyari iyon, ako naman ay nagpapasalamat sa kanilang pagmamagandang loob. Subalit, bilang isang bisitang kandidato, di naman yata marangal na pilitin tayong dumalo o parusahan dahil sa hindi pagdalo sa Sabado.”
At sino ba ang namimilit sa kanya? Sabi nga ni Adel Tamano, spokesman ng GO, hindi nila pinipilit si Pangilinan. Kaya siyempre dahil isinama siya sa tiket, isasama nila sa proklamasyon.
Akala nitong si Pangilinan ay utang na loob pa ng oposisyon sa kanya na isinama siya sa kanilang tiket bilang guest candidate.
Naninindian raw siya sa katotohanan. Sino ang binobola niya. Hindi pa nakalimutan ng sambayanan ang kanyang pagkuntsaba kay Gloria Arroyo sa pandaraya noong 2004 eleksyon. Bakit, akala ba niya nakalimutan na ng mga tao ang kanyang “Noted, Noted” nang ipinapakita ng oposisyon ang pruweba ng pandaraya ni Gloria Arroyo?
Dahil sa “Noted , Noted” ni Pangilinan kasama si Raul Gonzales na noon ay congressman, naiproklama ang kandidating hindi nanalo at nandaya sa pagkapresidente.
Tapos siya pa ngayon ang mayabang magsabing naninindigan sa katotohanan. Mangilabot dapat siya.
Habang sinusulat ko ito wala pang desisyon ang GO kung sino ang ipapalit kay Pangilinan.
Nabanggit ang pangalan nina Richard Gomez, Gringo Honasan at Zozimo Paredes.
Para sa akin malabo si Gomez dahil sumisipsip ngayon kay Gloria at umaasa pa ring makapasok sa Team GMA dahil may ugong na baka raw mag-withdraw si Chavit Singson dahil sa kanyang sakit.
Sana si Paredes na lang dahil nanindigan laban sa pambabastos ng Amerika at ni Arroyo ng batas.
Mukhang ilusyonado ito si Kiko Cuneta-Panglinan at kung ano-ano pa ang sinasabi ! Dapat shut-up nalang siya.
On his very own merit, Kiko cannot carry himself & win. Even his very own Sharon-despite her being healthy-will have a hard time carrying Kiko to victory.
One of the stickers that was seen in the GO Proclamation rally says it all: No to Mr. Noted.
Let’s GO & Vote for..
1-Benigno Simeon C. Aquino, III
2-Alan Peter S. Cayetano
3-Anna Dominique Conseteng
4-Francis Joseph G. Escudero
5-Panfilo M. Lacson
6-Loren B. Legarda
7-John Henry C. Osmeña
8-Aquilino Dela Llana Pimentel, III
9-Sonia M. Roco
10-Zosimo Jesu Paredes, II
11-Antonio F. Trillanes, IV
12-Manuel B. Villar
Ooops, the full name of Mr. Paredes is:
10-Zosimo JESUS Paredes, II
That act of Pangilinan sealed his fate. He is not getting the vote of Pasayeños, not even if he brings along his Magastar. Ubusin man niya ang kayamanan ni Sharon, hindi na ngayon maisasalba ang kanyang pagkalaglag.
Huwag ninyong kalimutan na noong 2001, may isa ring Noli Kabayad De Castro na tumakbong guest candidate ng opposition. Pareho ng taktika, pareho ng kulay. Nasaan ngayon si De Castro? Nagpapasasa sa perang ipinamumudmod ng China sa maanomalyang Northrail Project!
Sa political ad nga ni Mr. Noted Cuneta, si Kabayad ang nagtaas ng kamay niya. Nung mapanood ko yung ad, wala akong salamin pero malinaw ang mensahe na kahit hindi isinulat:
“Mga oportunista kami!”
Dalawa na lang ang pagpipiliang ipapalit kay Kiko, si Paredes o si Gringo. Huwag na si Richard, lalo na kung tutoong naghihintay rin siya ng basbas ng Demonya.
HUWAG MAGPA-ONSE SA 12 TUTA NI ARROYO. ITAGUYOD ANG ONSE NG TUNAY NA OPOSISYON. GO! GO! GO!
All public statements and justification by Mr. Kiko Cuneta-Pangilinan for not joining the Plaza Miranda GO proclamation rally is NOTED. Zosimo Jesus Paredes II is a good pick to complete GO 12-0 possible landslide victory.
It’s obvioyus that this Cuneta guy is talking secretly with the Pidals. The fact that he is also in Pangasinan when the Bansot’s barkada is there proclaiming their own rally is obvious that he is part and parcel of their tableau.
There is no doubt deception there, and this creep is once again into his trick. So, let’s bombard the United Opposition camp with our emails, and tell them what we want—have this creep announced officially as not part of the United Opposition and the invitation to him to join the genuine team is revoked as of yesterday!
Golly, lalo lang nilang pinalalaki ang ulo ng ‘tadong ito! Shame on him and his yabang ito wife! I have never been impressed in fact with this megastar! I won’t pay a hundred dollars for her show in the US nor in Japan. Ang mahal pang sumingil ng ungas na akala mo naman talagang maganda ang boses! Pwe!
If Kiko is NOT IN, he should definitely be OUT!
I have already stated my sentiments to Senator Pimentel on this. He heads the PDP-Laban, and he is also an adviser to the United Opposition. You, guys, should do the same. This is actually done in more progressive countries as a matter of fact. Let’s think and act progressive so the creeps blogging and insulting their own people may be proved wrong when they say those nasty things about their own race!!!
Philippine image overseas is not getting better as a matter of fact with Mrs. Pidal. She should be kicked out soon!
IBASURA ANG ADMINISTRASYON! IBOTO ANG OPOSISYON!
GO 11+0!!!
Golly, sa galit ko pati obvious naging “obvioyus.” Baka sabihin noong mga pintasero dito, hindi ako marunong mag-ingles!!! Sayang ang certificate ko sa TOEFL from Cambridge U (UK)! Sorry.
Sulatan si Binay na tigilan na ang pag-anyaya sa luwang matang ito. Please tigilan na ang pagbibigay importansiya sa kumag na ito. Kitang-kita kung ano talaga ang lahi—dugong aso!
Bato-bato sa langit ang tamaan ay huwag magagalit!!!
I agree that Paredes would be a great pick, actually, any of the three Kapatiran candidates would a good choice.
Iboto pa rin natin si Kiko mga kapatid dahil may utak…
Vote for Kiko Pangilinan..at lahat ng administration candidates.
Doy,
Nasa labas ng computer rental ang nanay mo, me dalang pamalo. Galit na galit dahil malamig na yung pandesal na ipinabibili sa iyo. Patay ka, yung sukli ibabayad mo pa sa rental. Lagot ka!
Me nalalaman ka pang may utak, ha? Pag inabutan ka ng nanay mo, sabog ang utak mo! Yung isda kong goldfish, may utak din, pakiboto mo na rin, doy, ha?
Sige, tsupi na!
Doy:
Sibat ka na bago dumating si Artsee.
Doy:
I think you are in the wrong venue. Usted mi amigo no entiende acerca de la politica, antes usted hace una observacion despectiva acerca de la oposicion, la mirada primero lo que la administration de la hecho,el administracion ya saqueo nuestros tesoros.
If you don’t understand Spanish, I translate it for you in English.—–You my friend do not understand about politics, before you make a derogatory remarks about the opposition, look first what the administration have done, they already looted our treasures.
Kaya nga may tampo ako kay Ate Ellen. Sabi ko sa kanya na dapat dumaan muna sa akin ang lahat na bagong aplikanteng gustong sumali dito sa atin. Ayan nakalusot ang isang aso ng Malacanang. Huwag kayong mag-alala, ipapa-salvage ko iyan kay Sgt. Rivera.
artsee: b a w i i n mo, biro mo. huwag bigyan ng puwang ang amo. kilala yan na kahit alaga nila’t nanilbihin, naglalahong parang bula pag wala ng pakinabang. baka dito hanapin sa maybahay…salamat.
doy Says:
Iboto pa rin natin si Kiko mga kapatid dahil may utak…
Vote for Kiko Pangilinan..at lahat ng administration candidates.
May UTAK nga wala naman “YAGBAL” yan sinasabi mong si KIKAY PANGALAYAN aka MR. NOTED. Kahit asawa pa ng megamallstar yan hindi ko iboto yan at sasabihin ko sa mga pamilya ko at mga ka kilala ko kung anong klase tao si “KIKAY PANGALAYAN”. Yan si kikay Pangalayan taga himud ng suka ni GLORIA DELA HUWAD. Biro mo noon si Gloria Dela Huwad ayaw sa mga jueteng lord, mga artista na gustong maging pulitiko, mga magnanakaw, mga sinungaling, mga madaraya. Sa ngayon kinain niya ang kanyang mga sinabi (parang pusa na kapag sinuka ay kinakain uli, Sensya na po sa mga kumakain na bloggers) NOTED! NOTED! NOTED! talaga yan
DOY sa 22o lang ang baDOY-baDOY mo hindi ka bagay dito. Mag sama na lang kayo ni PACMAN.
PACMAN sayang ka bata nagpagamit ka kahit matalino ka. BOBO ka sa akin dahil hindi mo ginamit ang iyong katalinuhan. Isa ka rin TUTA. Ang tapang mo sa ring maki pag suntukan, pero wala ka pa lang “YAGBAL”! Wala ka sa kalahati ni “MUHAMAD ALI” Ayon nakulong dahil ayaw mag sundalo para lumaban ng giyera sa Vietnam at siya ay naging MUSLIM.
Bakit Ate Zen, kilala mo ba itong Doy? Hindi ako takot sa kanya o kaninuman. Kaya kong bayaran kahit sino. Maliban sa mga pera ko sa banko at mga ari-arian, ngayon ko ipagtatapat sa inyo na nasa akin ang mga ginto ni Marcos at ni Yamashita. Kaya nga nagtatago ako sa Tsina. Ang mga protektor ko dito dating mga Red Guard ng Cultural Revolution. Mga kasing edad ko na sila ngayon at marami sa kanila ang personal kong bodyguard.
Ang alam ko ang tatakbuhang posisyon ni Zosimo Paredes ay sa mga Party List.
Artsee
Kung meron kang pera kailangan ng oposisyon gipit sila ngayon walang pondo ang oposisyon.
Kuya Tikbalang, nasabi ko na at uulitin ko ngayon: Hindi na ako magpapadala ng pera sa oposisyon kung hindi nila alisin si Kiko Panggigilan.
Tanong ko lang saan na babagay si “KIKAY PANGALAYAN”?
Para sa akin bagay na taga himud ng mga kinainan sa restaurant!
noted! noted! noted!( may bonus ako kay TIYANAK nito)
Hwag iboto ang walang “YAGBAL”
Ooooppppss! huwag palang iboto ang mga TUTA ni TIYANAK
cocoy said 8am to doy:
“You my friend do not understand about politics, before you make a derogatory remarks about the opposition, look first what the administration have done, they already looted our treasures.”
Another critic in denial! when will they take their shades off?
tongue:
si Mr. Noted nuong council chair yan, si Mike ‘dirty tricks’ Def. naman, konsehal–lovey, dovey ang 2 kumag na ito kahit nuon pa… party mates, then and now.
yung akusasyon ni yuko na mole itong una, puwedeng-puwede kung ako tanungin mo…
===
florry: nasuya at nabigla lang ako kaya hindi ko alam ang kung ano itawag dito kay Mr. Noted. pero, tama kayo–hindi dapat panghinayangan ang isang taong sala sa init at lamig sa 2 bahay…
===
ellen:
seryoso ang punto at sang-ayon ako sa mungkahi ni yuko re: G.O. bilang party name–mahina at malamya ang dating… UNO as alternative, is more firmer and evokes vigor and liveliness.
hal. UNO! sagot sa kahirapan, UNO!!
G.O.! sagot sa kahirapan, G.O.!
which one is more susceptiple and easier to outflank? being a ‘syano, the word genuine (in G.O.), comes as hard-selling (as in, bili ka na, genuine ito galing pa yan sa ‘Merika or Sabah…). bakit hindi nila alamin kung ano ang GO-GO (pronounced phonetically in Filipino) starting Cebu, Negros Oriental, down the whole of Mindanao?
likewise, what does UNO means in the same areas?–siyempre, number one…
WWl:
I don’t know who is this newcomer Doy.Whoever he is,I am sure he is not one of us whose been bloging here for long time.
Hindi nga bagay si Kiko “Noted” Cuneta sa GO lineup. Ang mga kandidato ng GO ay mga tunay na lalaki at mga babae at may matitinong pagiisip. Sa takbo at andar ng utak, hindi malaman kung ito ay lalaki, babae o bakla. Palagay ko kundi siya isang transvestite, isa siyang neutered.
Sino ba ang bobotong gago dito kay “Noted” Cuneta?! Sa yabang ng asawa ni Magastar ay pupulutin sa kangkungan ang puro hanging ito. Akala yata niya ay magiging prisidinti siya na si Magastar lang ang magkakampanya sa kanya. Sus, arogante na mayabang pa! Buti sana kung merong brains e wala namang laman ang tuktok!
oh yes, florry. hybrid na neutered iyang si “Noted”!
Chi;
Donde ha sido mi amiga? Yo no oi de usted para el un rato.Yo estoy contento que usted regresa otra vez y como es usted?.
In English—–Where have you been my friend? I didn’t hear from you for awhile.I am glad you are back again and how are you?
Chi:
Magastar? Hindi na megastar? You bet, ang taba talaga! When she came here with the Luwa ang mata, I saw her at the hotel where they were billeted dahil we were supposed to meet her and husband as arranged by a fellow UPAA. Golly, hindi ko nakilala—bagay hindi ko naman kakilala kundi pa doon sa kasama ko dahil talagang walang-wala sa pigura ng isang megastar! Buntis yata noon at ordinary lang ang ayos—walang make-up ang all. Si Mr. Luwa lang ang bumaba and we had dinner. May nilalakad kasi kaming proposition sa kaniya tungkol sa aming Alma Mater. Pangako, pangako pero napako ang mayabang! Kaya para sa amin, burado na iyan. Then, naragdagan ng kaniyang Noted, kaya lalong nabura.
Ibasura ang isang iyan. Hindi dapat kalimutan ng mga pilipino ang pandarayang ginawa na kasama si Luwa ang Mata.
No to Kiko Pangilinan! Huwag na kasing dinudumog ang asawa niyan na maga na!
IBASURA ANG ADMINISTRASYON! IBOTO ANG OPOSISYON! GO 11+0! (Muntik na naming sipain din si Villar. Buti na lang dumating!)
Zenzennai,
Stick kami sa United Opposition name and acronym na UNO. GO ay may kapareho sa grupo ni Madame Boba-ry kaya matindi ang pagka-ayaw namin sa acronym na iyan.
Pakisulat kay Binay na please ibalik nila ang UNO for Numero UNO—meaning No. 1. Bakit pa binakla pa ni Loren?
Talaga naman! Anyway, huwag nang pag-awayan ang pangalan—please pakisipa na si Mr. Luwa ang Mata! Bakit ba ipinagpipilitan pa ang isang hindi naman asset? Gosh, baka spy pa iyan ng ASO at Daga ng Malacanang!
Basta kami Trillanes No. 1! UNO VS UNANO 11+0!
IBASURA ANG ADMINISTRASYON! IBOTO ANG OPOSISYON!
Some time ago, eto si Kiko had a business selling fish balls. The name of his stall was Kiko’s Balls.
bahala kayo kung papansinin nyo pa yan si dodoy , ganon talaga sa isang demokrasyang lipunan.
naririto ang pagkakaunawa ko kay DOY – D -oy :
Oi, is a British and Australian working class slang interjection used to get someone’s attention, or to express surprise or disapproval. It is also occasionally used in the United States. It is also used in Singapore, with the alternate pronunciation [oi]. It is not polite, but it is not especially offensive. It is not to be confused with the Yiddish exclamation of dismay or exasperation “oy” or “oy vey”.
d – is democracy + oi .
imbes na “bay” , pwede rin na pagkakaunawa o dinig natin na “buy” , as in ‘recommended buy’ sa stock market.
o kaya ay “bye” as in paalam. kaya ginamit nya na lang ay “doy” para ma-confuse tayo dito.
Pero mas mabuti na rin at nalaman ko rin na pandesal pala ang kinakain ni doy sa almusal at hindi kanin.
Panay siguro ang fantasy ni doy kaya na-frustrate yan sa larong fUntasy , nalaglag na kasi si Wade kaya hayun talo na sya!
Easy lang doy, hwag ka masyado mainit, Heat ba dyan sa kinalalagyan mo? Tres ka pa rin sa akin. 😛
(ba)doy,
ayaw mo sa oposisyon dahil nanloloko sila? ikaw, ano ang paniniwala mo? ang mga kaanib ni gloria ay matatapat na lingkod bayan? hindi sila mga kurakot? kapakanan ng taong bayan ang kanilang binibigyang kahalagahan?
sana, hindi na kami umalis diyan sa pilipinas upang makapagtrabaho nang maayos at maitaguyod ang aming mga mahal sa buhay kung maganda ang takbo ng pamumuhay diyan sa ilalim ng pamamahala ng sinungaling, magnanakaw at mandaraya mong prisidinti.
chi, meron namang laman ang tuktok – (H)ANGIN!
“Habang sinusulat ko ito wala pang desisyon ang GO kung sino ang ipapalit kay Pangilinan.
Nabanggit ang pangalan nina Richard Gomez, Gringo Honasan at Zozimo Paredes.”
pumili na ng iba huwag lamang si goma. mahirap ‘yung nalalasing sa konting tagumpay at pinag-aralan . katulad din siya ng tatlo (ASO) na hindi marunong manindigan sa partido at mga kasamahang sa kanila ay nagtiwala at naniwala at sa halip ay tumalon sa bakod ng huwad at walanghiya!
Poor Richard – that’s the trouble when your intelligence has been harnessed through memory work, i.e., memorizing scripts.
“Sabi pa ni Pangilinan: “Sa mula’t sapul ako’y nanindigan na hindi ako tatakbo sa administrasyon o sa oposisyon dahil sa adhikain na ang Senado ay naninindigan sa katotohan at lumalaban sa katiwalian. Nais nating mabigyan ang publiko ng isa pang pagpipilian—isang alternatibo na may bagong pamamaraan” ”
*********************************************************
at ang isa sa pagpipiliang alternatibong ito ay wala sa kanya!
abugado ka nga, kiko. abugadong hunghang na ang tuwid ay pinipilit baluktutin at ang baluktod ay pagkakandairihang tuwirin!
sa iisang lugar ka lamang nababagay – sa basurahan!
Mrivera,
“meron namang laman ang tuktok – (H)ANGIN!”
Hahahah! Susme, meron kabag pati tuktok, kaya pumuputok and EG(G)O ng Mr. Magastar!
PV,
Richard should admit his limitatons to avoid more embarrassments. Poor him!
True, Chi but he’s apparently his own man!
Alternatibo na may bagong pamamaraan si “Noted Cuneta”?
Buti pa ay wala na! Ang yabang ng Glueria mole na ito! Pwe!!!
hay naku,bakit pa ba nagtiyatiyaga ang opposition sa ganun tao,mga tao luwaL ang mga mata tulad ni kiko, ay hindi magpapakatiwalaan.akala nya ang mrs niya ang makakapanalo sa kanya,sa totoo lang ,kaya niya pinakasalan si sharon nun eh anupa kundi dahil sa political ambition,tulad din nung ralf recto na yan, mag sama nalang sila, tumayo ng isang partido”PUKM” (PARTIDO UMAASA KAY MRS)MABUHAY SI MRS!!!!
Tama si Atty. Adel Tamano, ang spokesman ng GO, tungkol kay Mr. Noted. I read an an article of Philstar.com entitled, “GO eyes control of House to file impeachment case vs GMA” by Christina Mendez (The Philippine Star 02/26/2007).
Atty. Tamano was quoted that “..GO will not drop Sen. Francis Pangilinan from its slate as it would be up to the Filipino people to determine if he deserves another term.
“The consensus is if Kiko will join us, we welcome it,” he said.
“However, if he decides otherwise, it is fine with us. GO will not be the one judged by the people. We remain sincere for Kiko… At the end of the day, Kiko will be judged by the electorate.”
Tamano said the “people want a clear stand. If you are admin, you are admin,” he said. “If you are opposition, you should stay with the opposition. We are fighting for the improvement of the lives of every Filipino and the team to pursue this is the GO.”
*************************************
That’s a good position for GO to take.
I can’t help but think that Kiko was given something by Gloria for his now-infamous words, “Noted !”, during the canvassing of votes in Congress in 2004. Maybe that could be the reason why Mr. Noted cannot take a firm stand w/ the Opposition. Baka ikalat ng Team Gloria kung anong binigay kay Kiko for his heroic act. Unless a miracle happens, it seems like the probabality of Kiko being a Mega-Husband is high.
cocoy,
Nagtampisaw ako sa snow sa New York at tumuloy sa Toronto para kumain sa fave chinese resto ko doon, kasi nabwisit ako ng todo kay Noted Kiko Cuneta. Hmmppp, dapat diyan ay i-neutered o surgical fix (pahiram PV).
Tamano said the “people want a clear stand. If you are admin, you are admin,” he said. “If you are opposition, you should stay with the opposition. We are fighting for the improvement of the lives of every Filipino and the team to pursue this is the GO.”
***
Chabeli,
Ang galing-galing talaga ng guapong spokesman natin. yehhheeyyy! Kung hindi pa naman tinablan si “Noted” Cuneta niyan ay mukhang titanium siya talaga. Ano s’ya, nagpapasko?! Kadiri ang pagka-trapo ng Kikong ito, walang ugat at walang yagbols! Aba! Garapal, gustong ikopo ang lahat ng benefits from both sides. Gago si Kiko Noted, gago!
Yuko,
Sino ang luwa ang mata, si Kiko Noted o ang asawang Magastar? heheh!
Chi,
Nagtampisaw ka sa snow dito sa NY at tuloy sa Toronto. Sayang hindi kita nakita. Yan ang route ko from Bufallo or Lewiston to Toronto. Ang aking only son ay mas gusto niya sa Toronto, doon siya nagtratrabaho as a software engineer kaya lagi din ako doon. Siyempre siya ang aking “el unico” kaya, I always spend at least 5 months a year to be with him. Ayaw pa kasing mag-settle down para mawalan na ako ng inaalala.
hayaan nyo si doy opinyon nya yan..di sya naniwala sa oposisyon kasi manloloko daw,kaya mas gusto nya sa administrasyon kasi sya ang niloloko..NOTED? wag na doy este uy!!!
florry,
Kapag ako nabwisit muli kay silent P aka Noted Cuneta ay papasyalan kita diyan. El unico hijo es muy swerte to have a loving mama florry.
“I always spend at least 5 months a year to be with him. Ayaw pa kasing mag-settle down para mawalan na ako ng inaalala.”
chi, si florry, gustong maging bata pang lolang mag-aalaga ng mga apo. i-reto kaya natin sa anak ni anna.
anna, pwedeng manligaw ang anak ni florry sa dalaga mo?
he he heh. sulsol si ako.
Wala na talagang matinong PILIPINO sa blog na to lahat mga desperado… Ayaw lang sumama sa mga ga-GO (genuine opposition) iba na ang trato nyo sa kanya, at least taong yon hindi balimbing tulad nina villar, cayetano, osmena,aquino, legarda nasan ba sila pina-bagsak si “panggulong erap”… Dapat nyong hangaan ung mga hindi balimbing mga BOBO!!!
Isa na naman dugong asong tumatahol. Ikaw ang Bobo. Paanong hindi balimbing ang idolo mong si Kiko Puneta eh bumaligtad din siya kay tiyanak noong Garci tape scandal samantalang kakampi noon? Tapos ngayon nasa gitna siya para lang hindi magamit ng oposisyon ang sikat niyang asawa. Ang dahilan niya ayaw niyang makisawsaw ang mga kandidato ng oposisyon sa kasikatan ng asawa niya kapag dumalo siya sa mga rally ng GO. Tingnan mo ang katuwiran ng ulol na Kikong iyan. May pagka-swapang pa.
Makasarili!! Swapang, talaga si KIKO. Ayaw ipagamit si Magastar sa campaign ng GO? Sikat pa ba si Sharon, o bituiing walang nining na siya ngayon?
Bakit ba ayaw pang ilaglag si Mr. Cuneta? Nasisira lang ang GO sa isang ito. Iyong pangalang GO tuloy nagmumukhang peke dahil ang kasama pala sa kanila ay peke gaya nitong si Mr. Cuneta, On the other hand, baka dahil sa pangalang Genuine Opposition ay nakokonsensiya si Mr. Noted dahil siya ang tunay na peke at isang mole na kasinglaki ng nunal ni Mrs. Pidal!!!
If Pangilinan is NOT IN, he should be OUT! Patalsikin na sa GO!
IBASURA ANG ADMINISTRASY0N! IBOTO ANG OPOSISYON!
Mrivera,
Ma-erereto mo ba ang binata ko sa dalaga ni Anna?
florry(fleur-de-lys/fleurs-de-lis):
paki sabi kay unico hijo na hinay hinay lang sa speech to text, at marami ang mawawalan na naman ng trabaho lalo na sa call center.
Ellen,
Can you delete the obscene message above by someone calling himself now Bitoy as as Bidoy, Biday, Luli Pidal, etc? Thanks
It’s out of context!
It’s final. Luwa ang mata is not getting any endorsement from the Opposition. So, guys, just drop and vote 11+0 of UNO candidates for Senator. For partylist, our coalition will promote GABRIELA, and even perhaps the JIL partylist call “CIBAC” or any partylist that is opposed to the Midget’s bogus reign.
IBASURA ANG ADMINISTRASYON! IBOTO ANG OPOSISYON! GO 11+0!
Chi,
Luwa ang mata din ba noong babae? Hindi ko napansin. Hindi kasi tumitingin ng direstso—sign of autism!!! 😛
Hindi bagay si Pangilinan sa GO. Bagay sa kanya GO Away.
If I am not mistaken it was Manuel L. Quezon once said.. “My loyalty to my political party ends when my loyalty to the people begins”.
Sorry po kug medyo sasalungat ako sa agos. Wala akong makitang negatibo sa present status ni Kiko Pangilinan. Kung public service o pagiging tapat sa sambyanan ang argumento, mas nakikita ko ang consistency sa kanyang galaw. His loyalty to GMA collapsed when ate Glo endured her dictatorial gestures, i.e. padlocking of Daily Tribune, arresting militant representatives without warrant, midnight railroading of the Constitution, giving away Smith without Supreme Court’s consent, etc.. I don’t blame Kiko kung kumalas sa Administration and he also joined the opposition during the call for GMAs resignation.
Now, how could he join the GO, e siya mismo ay sumuporta sa pag-papatalsik kay Erap noon. It is only moral that Kiko should run independently. Let me quote him…“I think I need not explain my loyalties at this point. My loyalty is to the country. My loyalty is to what I believe to be strengthening and preservation of our constitutional democracy”.
Di tulad ng maraming candidates kalaban mo ngayon, kakampi bukas, then kalaban uli, ang dami nyan ngayon. Consistency of loyalty to the public be the name of the game.
Tilamsik Says:
Di tulad ng maraming candidates kalaban mo ngayon, kakampi bukas, then kalaban uli, ang dami nyan ngayon.
Di ba ganyan si Kiko? Consistency, Nasaan ? Loyalty to the pablik? he he he.. Ilista mo sa tubig, Itaga mo sa bato.
Tama po kayo, ulitin ko po “my loyalty to the party ends when my loyalty to my country begins”. Ayaw kong mag loyal sa Pandak dahil nag astang diktador. Ayaw ko ring mag loyal so GO dahil maliwanag pa sa sikat ng araw ang mga kalokohan ni Erap. I’d rather run independently. Mahirap ang ginawa ni Kiko wala siyang political machinery, possible na matalo siya. Pero lalong mahirap ang sumama sa campo ng mga taong traydor sa Bayan. Salamat.
Parang ganito ang nangyari kay Kiko.
Binaril niya ang tatay niya,binaril din ang nanay niya.Ngayon nanghihingi ng pang-unawa dahil ulila na siya?
Nabola niya si Sharon kaya hindi ako magtataka kung nangyari yan sa inyo. Iboto niyo.
In moral point of view, kung ang tatay at nanay ko ay gumawa ng kalokohan, mawawala ang simpatya ko sa kanila. Isipin po natin hindi lang si Kiko ang subject dito. Once a candidate won, his/her service to the public starts. Kung gumawa ng kalokohan ang partido ko, iiwan ko siya. I will not spare my loyalty to a corrupt oposition and corrupt incumbent. Let’s start cleansing the old trapo system. Mahirap kumalas sa partido, pero kung di muna masikmura ang proseso, dapat lang na umalis. Mabuhay po kayo.
Kaibigan,kailangang manalo si Kiko.Iboto mo.Huwag mong sayangin ang boto mo.Let your vote count.Bantayan mo.