Nasa krisis ngayon ang career ng sikat na Amerikanong golfer, si Tiger Woods, dahil sa kanyang nabulgar na pambabae.
Kahapon binitawan siya ng isa niyang sponsor, and consulting at outsourcing na kumpanya na Accenture. Ang produktong Gillete ay unti-unti raw na alisin na rin si Tiger sa kanilang mga advertisements. Dumistansya na rin ang Proctor & Gamble at ang inuming Gatorade.
Malaking pera yan kasi umaabot daw ng $110 milyon sa isang taon ang kinikita ni Tiger sa product endorsements lang.
Ngunit sabi ng Nike, loyal pa rin daw sila kay Tiger.
Ganyan talaga ang buhay, kapag sikat ka, lahat gusto ka. Kapag natisod at natumba ka, iiwanan at ilalaglag ka.
Ang problema kasi ni Tiger, malinis o good boy ang kanyang imahen. Kaya nang mabulgar na may kapilyuhan pala siya, bagsak ang paghanga sa kanya ng madla at ang mga negosyante na sumakay sa kanyang popularity ay dumistansya na kaagad.
Ang obserbasyun ko sa nangyayari kay Tiger ay ang mataas na standard ng morality hinihingi ng mga Amerikano sa kanilang idolo. Maaring sabihin na medyo may ka-ipokrituhan kasi hindi lang naman siguro si Tiger ang guilty ng ganitong gawain ngunit kapag nabulgar, ayaw nila na niloloko sila.
Ikumpara mo naman sa Pilipinas at kay Manny Paquiao na napabalita rin ang kanyang relasyon sa artistang si Krista Ranillo. Okay lang sa Pilipino.
Si Tiger, inamin ang kanyang pagkakamali, si Pacquiao sinabi lang huwag na raw mag-usapan ang kanyang personal na buhay. Boksing lang daw ang pag-usapan at ang karangalan na kanyang dinala sa bansa.
Ganun rin sa mga pulitiko. Nababasa natin ang mga pulitiko na nagre-resign o napaparusahan dahil sila ay nabulgar na bumibili ng pandaliang-aliw at iba pang kasalanan. Ito ang nagyayari hindi lamang sa Amerika kung di sa Europa.
Dito sa Pilipinas, hindi nagre-resign. Namamayagpag pa. Ito nga si Pacquiao, sinopurtahan pa ang kaibigang si Chavit Singson, ang deputy national security adviser, nang binugbog ni Singson ang kanyang asawa na si Rachel at pinitpit ang ari ng kanyang kalaguyo.
Sa akin ang talento at kasikatan ng isang tao, atleta, artista, pulitiko, manunulat o ano mang propesyun, ay biyaya ng Panginoon na dapat gamitin sa kabutihan hindi lamang para sa sariling kapakanan kungdi para sa nakakarami. At para na rin maging maganda itong mundo natin kahit papa-ano.
Kapag ang isang tao ay sumikat, maraming oportunidad para kumita. Ang kapalit nga naman diyan ay nawawala ang iyong privacy at pinapaki-alaman ng madla ang iyong buhay.
Obligasyun ng isang idolo na gamitin ang popularity para makatulong na maisulong ang tama at ang kabutihan. Para naman gumanda ang ating mundo. Pay back. Pagbabayad sa biyayang tinatamasa.
Sa PInas naman basta pagkakakitaan, walang pakialam kung may kalokohan ang nag eendorse ng products nila.
Between the two of us Ms. Ellen, kaya nga ayokong sumikat dahil dederechohin ko ang mga tao na: Magaling ako, sikat ako, pero huwag nyo akong gagayahin sa personal dahil tulad ng mga tatay nyo, tarantado rin ako!
“Tag Heuer said Monday it will continue its association with Tiger Woods despite the golfer’s alleged infidelities.”
Malamang bababa ang talent fee ni Tiger. Tag or any other companies has the leverage now to negotiate for a better deal, in their favor of course.
Come to think of it, there only a few, who despite their fame and glory, has been faithful to their spouses. Erap, Ramon Revilla (sr. and jr.), Chavit, Manny Paquiao are not one them. 😛
NoyNoy…. “fidelity to spouse” not an issue
Is Tiger’s world crashing down because his marriage is shattered
or because his income-flow has been damaged?
While you think “Tiger”, also think of this one:
———-
Malaya’s Ducky Paredes asks you to “..take a second look at Gibo-Edu”.
Para-paraan at pagkakataon. . .maibabalik ba ang kahapon. . . . .
Tiger’s a cool guy because he’s paid millions for being able to knock a small white ball into a hole in the grass with an expensive stick. People followed his career for his abilities and talent in golf. Beautiful women want to and do have sex with him. Men admire and copy him. Big corporations pay him millions to promote their products. All of this happens not because he has the answer for world peace, or he discovered a cure for cancer. It happens because he excels in his sport. Had he have been born centuries ago, he would have been a farmer or a lowly employee and people would have laughed at him for his stupid first name. But here he is, number one in professional golf and a rich one. Isn’t life strange?
“joeseg – December 15, 2009 3:50 am”
Pareng Joe, Pakyaw is in the same boat; kung walang boksing baka NPA si Manny. We all know NO ONE will hire him as an actor or singer with his looks and horrible talent in singing, sana pumiyok minsan man lang, hehe….
TW really got away with murder!!! Cops couldn’t even get to have him provide a blood test afer the incident. I firmly believe he was on some drugs or influenced by alcohol. Whatever he had in his system was probably all washed out by now – it would have been nice to see him behind a laced-covered-window or OJ’s cellmate.
My thinking is that it is over-reaction to talk of jail-time for TigerWoods. Acceptable — cheating on your wife, having sex with willing mistresses or paid companions is acceptable. I mean, there are so many role-models to emulate.
I tell you, Pinas is silly (the only reason it is so is so men can hang onto their money) it is silly not to have divorce among Pilipinas laws, considering that Pinas is a Catholic country. Do you know who was Lucrezia Borgia’s father and why Pope Alexander VI is important in her life-story?
Everyone, almost, does it here. Stars, priests, politicians, the better halfs ….
Tama ka tigok, ayaw nila kay Erap dahil babaero kaya ayaw nilang maging presidente si Erap. Dapat nilang tandaan na tumatakbo si Erap na bilang presidente ng Pinas at hindi tumatakbo bilang Papa ng Iglesia Katolika Apostolika Romana o Roman Catholic Church.
Na brainwash sila ni Kardinal na Makasalanan.
Ipokrito ang mga self righteous people na to. Bakit? Aba e mismong Pope o Papa nila ay may mga babaeng parausan nila at yong isa pang papa ay pati nanay nya ay ni rape nya. Hindi lang yon, pati lalaki ay inaano ng papa, chupaeng ika nga ni henry90.
Tiger is offering to pay his wife Elin $60 million to stay with him for the next two years.
Hindi lang pala sa golf magaling si Tiger, magaling ding magpanggap as Mr. Clean Guy, and as a role model especially to the youth. Hindi lang mahusay mag-birdie magaling din palang mag-“shoot” at hindi lang hole-in-one kundi multi. The fans not only in the golf world but in the whole world has been taken for ride.
Tiger Woods is the ultimate hypocrite at daig pa niya ang wife-beater and abuser. The thing that hurts most is the betrayal of trust which Elin entrusted to him.
Hindi lang si Tiger Wood ang gumagawa niyan, marami kagaya ng mga sakim na pulitiko sa ating bansa. Hindi na sila nagkasya sa isang babae, gusto nila pakyawin na nila lahat at makatikim ng sari-saring lasa. Hindi na rin nalalayo diyan si Pacman ang pambansan kamao daw ng bansa. Mamaya kung hindi siya tumigil sa pambababae ay baka tawagin na siyang Pambansang Babaero ng Pilipinas.
Question, anong pakilam nating lahat sa personal na buhay ng mga taong sikat na ito. Si Tiger Wood ang kanyang ginagamit na pera sa pambababae niya ay kanyang pinaghirapan, Kay Manny naman ay sa pakikipagbasagan ng mukha. Hindi kagaya ng mga sakim diyan na Pulitiko na pera ng taumbayan ang ginagasta. Pwe!
Pero sila ay mga taong tinitingala ng buong mundo, maging modelo naman sana sila ng pagiging mabuting mga ama at magulang sa kanilang mga anak lalo na sa mga kabataang ngayong humahanga sa galing nila.
Puwedi ba mga tsong, tama na, magkasya na lang kayo sa isang butas ng ligaya?
Si Xman talaga o. .di talaga makatiis. . .hehe
excuse me while i burp
Wishing one and all a very Merry Christmas and a very Happy New Year!
Habang unti-unting nalalagas ang mga sponsorships ni TW, here’s one na still sticking if the report is true altho alam natin, may financial crisis na rin doon:
One place who isn’t backing away from Woods? Dubai
Mohammad Juma Bu Amin, the chief executive officer of Golf in Dubai sent this message to the scandal-hit American through the Middle East newspaper Gulf News: “We are with you in this difficult time and respect your request for family privacy. As and when you decide to return to the circuit, you can always count on us…We will be more than delighted to welcome you to Dubai. Consider Dubai your second home.” Translation? Our women know how to keep their mouths shut. [AP]
Pepito,
Noynoy has no fidelity issues. He has maturity issues.
“My thinking is that it is over-reaction to talk of jail-time for TigerWoods.” – Tingog Boss
Read thru the last lines as I reconnected TW with OJ Simpson as jailmates; it’s humor my friend. Besides, they can’t be cellmates. From what I know TW lives in Florida which is way too far from Pershing County Nevada where Simpson’s ass is languishing.
Now, if you wanted more to be serious about why TW wasn’t hauled to jail; think of those rich people in Pinas who are well connected, they’ll never taste jail time with similar infraction. At least sa America, they jail idiots like Paris Hilton for dui/driving violations. Would our country haul Kris Aguino’s ass for the same petty crimes as Paris Hilton? Dream on!
Again, from what I know, most states, if not all in the US, their cops are authorized to drag your sorry ass to jail “for merely not signing” a ticket for driving violations! Think of that for a moment. TW got away with a whole bunch of petty crimes a poor person can’t, that’s the bottomline and that’s not an over-reaction. Over-reaction to someone’s blog entry, to me is more of an Over-reaction and perhaps real silly.