Skip to content

Nakakabahalang kalakaran sa Comelec

Makalintal: Padaca victim of Comelec clique

Matindi itong si Comelec Commissioner Nicodemo Ferrer.

Si Ferrer and presiding commissioner ng second division ng Comelec.Noong Lunes, sa isang nakakagulat na desisyon, idineklara nina Ferrer na si Benjamin Dy, kandidato ng Lakas- Kampi, raw ang nanalo laban kay Grace Padaca (Liberal Party) sa 2007 na eleksyun para gubernador ng Isabela.

Nakakagulat kasi nanalo si Padaca, isang Ramon Magsaysay awardee, noong 2007 na may 237,128 na boto laban kay Dy na nakakuha lamang ng 220,121 na boto. Kaya lamang ng 17,007 na boto.


Ewan kung anong magic ang ginawa sa Comelec at nagkaroon ng 199,435 na boto si Dy at 198,384 na lang ang kay Padaca. Lamang ng 1,051 na boto si Padaca.

Noong isang linggo naman, bilang natalo rin sa 2007 eleksyun ang dating gubernador na Bulacan na si Jonjon Mendoza na dating Lakas at lumipat sa Liberal Party. Si Roberto Pagdanganan ng Lakas-Kampi-CMD rin ang hinirang na bagong panalo.

Kaya delikado na talaga si Pampanga Gov. Ed Panlilio, na lumipat na rin sa Liberal Party laban kay Lilia Pineda ng Lakas-Kampi-CMD rin. Asawa ng nasuspetsahang jueteng lord na si Bong Pineda si Lilia. Kumare rin siya ni Gloria Arroyo. Panalo na nga ito.

Itong division ni Ferrer din ang nag-disqualify ng Magdalo at Ladlad bilang partylist. Hindi ako sigurado kung siya din ang may kagagawan ng pagtanggal ng Migrante sa listahan ng partylist.

Sa kanilang pag-dis-aprub ng application ng Magdalo, sinabi nina Ferrer na gagamitin daw ng Magdalo ang partido para mag-recruit ng miyembro para mag-coup. Despalinghado talaga. Kaya nga sila sumasali na sa pulitika para doon na nila itaguyod ang kanilang adhikain para sa reporma sa bayan at hindi na sa kudeta.

Sa Ladlad naman, kumuha pa sila ng mga verses sa Bibliya at sa Koran bilang basehan sa kanilang pag-disaprub din ng application ng Ladlad. Imoral daw. Nagsalita ang mga moral.

Itong kaso ni Padaca at Dy ay nagbubuhay ng papel ni dating gubernador Faustino “Jun” Dy, Jr. (hindi ako sigurado kung kapatid niya itong si Benjamin) noong 2004 na leksyun. Maala-ala natin na paglabas ng “Hello Garci” noong Hunyo 2005, napabalita na maraming alam si Jun Dy tungkol sa ginawang dayaan noong 2004 dahil palagi siya noon sa Malacañang.

Sa kuwento ni Michaelangelo Zuce, nandoon si Dy sa mga miting na ginawa ni Arroyo sa mga Comelec regional directors at mga heneral para sa 2004 na eleksyun. Hawak ng pamilyang Dy ang Isabela at si Padaca lang ang nakabuwag ng kanilang dynasty dun.

Maraming sama ng loob noon si Jun Dy hindi lamang sa kanyang pagkatalo kay Padaca kungdi na rin ng kanyang bata sa Sultan Kudarat na si Roncal Montilla na tinalo ni Pax Mangudadatu kahit na malaki na lang lamang. Nandun sa “Hello Garci” tapes ang pag-uusap na yan.

At alam yan ni Tito Sotto na ngayon ay kandidato ng Lakas-Kampi-CMD dahil nagkuwento sa kanya si Jun Dy sa Amerika. Mahahalungkat yan sa sunod na mga araw.

Published in2010 electionsHello Garci scandal

50 Comments

  1. With friends of Abalos at the helm, am not surprised that the cheating modus operandi is still the guiding doctrine of Comelec.

  2. henry90 henry90

    At the very outset, many people already smelled something fishy about this Ferrer character. From out of nowhere, he suddenly rose to become a Commissioner in the Comolect. How can people not be suspicious when he is prioritizing the cases of prominent anti-government local executives? Would u believe the other camp’s allegations of tampering against the physically handicapped Padaca? Or the alleged vote buying of priest-turned gov Panlilio? This cretin Ferrer is fast living up to his reputation as the admin hatchetman in Comolect. God help us in 2010! All these surveys would be for naught with people like him in Comolect! Kaya pala di apektado si Gibo kahit kulelat!

  3. Canada Ehhh Canada Ehhh

    Grabeeeee naman kung sino pa ang matititno siya pa ang pinarurursahan…magagawa ba ni Grace na magdaya ehhh pilay na nga ang tao.ibalik si Erap sara linis lahat yan bwiset.Gusto ko si Noynoy kaso pulos balingbibg ang mga nakapaligid Erap,Erap,Erap

  4. chi chi

    Is Melo retiring before or right after the elections? It’s because Nicodemo Ferrer is making a ‘big’ papansin already! Ferrer should be left alone in an open fire range and let him scream to death. Mas madali sana kung kidnapin, takpan ang mukham at ipain sa mga loose Ampatuan trigger happy idiots.

  5. the political machine (to henry #2). COMELEC will point to the vote-machine and “enthusiastic supporters” to do the vote padding for Grace Padaca. Garcification on a local basis.

  6. chi chi

    Tinatanggal ni Ferrer ang matitinong governors identified with the Noy-Mar team. Wow! Ang dali nang manalo ni decimal man Gibo sa mga areas na yan.

    With Noynoy’s latest 47% against Gibo’s 3%, malamang rebolusyon ang mangyari kung manalo ang decimal man…and viola, permanent transition president ule si Gloria!

  7. With Noynoy’s latest 47% against Gibo’s 3%, — Chi

    Wow! Tumaas na si Teodoro… di ba 2% lang iyan (may decimal pa according to Tongue)? Imagine, with the help of Comelec baka biglang tumaas yan, eg., 1% every week…:-)

  8. Hmmmmm…. previous surveys put 18% of Pinoys are pro-GMA so the bigger surprise is why Gibo is still under 10% given Gibo’s platform includes continuation of GMA policies. Surveys talaga, kagila-gilalas, heh heh heh heh heh.

  9. Dinig na dinig ang boses ni Dy sa Hello Garci tapes. Hindi lang iilang beses na narecord ang tawag niya kay Garci. Ang kauna-unahang tawag na narecord ay tungkol kay Gov Dy.

    Conversation between two unidentified male (one believed to be V. Garcillano) on 17 17:28 hotel May 2004

    Garcillano: Hello.

    Man: Hello sir, good afternoon. Kamusta na ho sir? Kamusta na ho lagay natin?

    Garcillano: Mabuti naman. Paki-tape mo nga ngayon para makasiguro tayo kasi ayaw ko yung baka mamaya tayo pa ang malanti eh.

    Man: Oho, oho. Sir, pina-ulit lang ho ni Gov. Dy yung hinihinging tulong sa inyo.

    Garcillano: Na ipalilipat dito?

    Man: Hindi, nakaano na ho dyan, naka-en banc ho yata dyan, eh suportahan nyo na lang daw kayong dalawa nung bagong kasama nyo.

    Garcillano: Oo, tatanungin ko ngayon kay Chairman.

    Man: Oo, sir. Meron namang follow up kay Chairman yan eh.

  10. Tedanz Tedanz

    Chi,
    Pagkatapos ng eleksiyon … si Gibo 47% at si Noynoy 3%. Wahhhhhhhhhhhh!!!!!

  11. MPRivera MPRivera

    Mapagtitilawaan pa ba ang Comolect?

    Akala natin medyo magiging maayos ang pagpapatakbo ni Melo subalit lumalabas na DEKORASYON lamang pala siya at ang nasusunod ay mga galamay pa rin ni Abalos.

    Magtaka pa tayo?

    Sa ilalim ng administrasyong ito, kung sino ang mga bulok ay siyang inaalagaan at ang matitino ay walang puwang. Dahil ang nakapagkit sa Malakanyang ang panggulong kilalang mang-aagaw, sinungaling, mandarayang magnanakaw at ganid sa kapangyarihan ay walang maaaring asahang patas na laban ang sino mang hindi kasama sa kanilang mga kawalanghiyaan at kabulukan.

    Isa’t isa ay himas sa bawat likod upang magtakipan ng kanya kanyang baho. Ganyan nila kamahal sa bawat isa.

  12. Nabulatlat ko ang something about Nicodemo Ferrer:

    Reprimanded thrice by the Supreme Court.

    Ferrer was reprimanded by the Supreme Court in three separate instances for failing to decide cases submitted for decision within the mandatory period. The first two instances were in 1997, due to his failure to decide cases when he was a regional trial court judge. He was again reprimanded in 2000 for failing to decide 18 cases within the mandatory 90-day period. The Court did not buy Ferrer’s excuse that he did not have a branch clerk of court for more than a year; already a Sandiganbayan associate justice when the Supreme Court resolution came out, Ferrer was slapped with a P20,000 fine and was admonished to be “more diligent”.

  13. Magno,

    Mapagtitilawaan pa ba ang Comolect?

    If you ask me, my answer is NO! I wouldn’t even trust them with a peso.

  14. Ferrer was slapped with a P20,000 fine and was admonished to be “more diligent”.

    And this tamad is Comelec? Good God!

  15. MPRivera MPRivera

    Noong 2007, ang boto ni Grace ay 237,128 laban kay Dy na nakakuha lamang ng 220,121 na boto.

    Sa recount, 199,435 lumabas na may boto si Dy at 198,384 na lang ang kay Padaca. Lamang ng 1,051 na boto si Dy.

    Paanong nangyari?

    Ibig bang sabihin nina Ferrer, nangamatay ‘yung mga botante sa ISabela pagkatapos ng halalan noong 2007 at mas marami ang nadedo sa mga tagsuporta ni Grace kaya sa recount ay panalo na si Dy?

    Pambihira talaga, oo!

    Onli in da Pilipayns!

  16. Oblak Oblak

    Paumanhin sa mga hindi matatangkad, magkasing laki o liit yang si Ferrer at GMA!! Bansot sa taas, Bansot din sa kahihiyan.

    Kadami daming election protests na nakapending sa Comelec, napipinahan ang mga matitino tulad ni Padaca at Panlilio. Hindi ko isasama sa matitino si Mendoza at marami ring kabalastugan yang ginawa sa Bulacan.

    Katulad ng dati, ang dahilan ay PERA kaya napapabilis ang protesta laban kay Padaca at Panlilio.

    Ito ang isa sa pinakamalaking kasalanan ni GMA, ang pagkasira ng mga democtratic institutions ng bansa.

  17. Nakakasawa na. Ellen, puwede bang mag-resign sa pagiging Pilipino?

  18. At noong imbestigasyon sa alleged cheating in Maguindanao during the 2007 elections, siya rin ang Task Force Chairman na itinalaga ng Comelec. Oo nga, siya nga at panahon pa noon ni Chairman Ben ‘may 200 ka’Abalos.

    Connecting the dots, medyo may linaw na akong nababanaagan kung pagbabasehan natin ang resultang 12-0 in favor of the Itim Unity sa senatorial race noong 2007. Kakutsaba rin ito ng mga Ampatuans at siempre, ng Malakanyang. Dito nalaglag si Pimentel, di ba Diana?

  19. henry90 henry90

    Joeseg:

    Kung anong kupad nyang kumilos noong judge sya e siya namang kasing bilis nyang magtanggal ng mga kontra kay gloria na local opisyals. . .take note kung kelan lang sya na appoint. . . mas malaki talaga bayad sa Comolect kesa nung huwes pa sya. . .hehe

  20. Tounge, “Nakakasawa na. Ellen, puwede bang mag-resign sa pagiging Pilipino?”

    Tongue, huwag naman. We cannot surrender. We cannot, and should not, lose hope.

  21. MPRivera

    Parang sounds family ka sa akin. Anyways, tama ang iyong obserbasyon, bakit biglang bumaba pareho ang boto nina Grace at Dy after the recount. Laking difference sa suma total.

    Diyan ako naniniwala sa sinabi ni Joseph Stalin: “Election is not decided by the voters. Election is decided by those who counts the vote.”

  22. For gov Panlilio, what happens next?

    I still remember MLQ3 (the explainer) in his blogsite making the analysis and saying that based on surveys, that it was the elite and not the masa who put Gov Panlilio into power.

    Heck… if there is anything that is not surprising, among the elite and middle-class will be those who believe that “..the end justifies the means” and garfication for the greater good… bakit nga ba hindi? Especially kung may galit sila talaga doon sa kalaban, bakit nga ba hindi mag-hocus pocus? Pilipinas, hindi ba?

  23. henry90 henry90

    Pepito:

    Malabo yang sinasbi mo. Si Mark Lapid had the quarry income to spend. Pineda had jueteng to buy her votes. Anong meron si Among Ed na pambili ng boto? Remember na ang accusation sa kanya ay vote-buying. Galit sa kanya ang karamihan ng Mayor kasi di sila makapagpasasa sa kita sa quarry. Maaaring totoo na middle class ang nagpapanalo sa kanya but not for the wrong reason(vote buying). Your insinuation that Padaca also engaged in tampering doesn’t wash. The DYs are the Ampatuans of Isabela. . .

  24. Galit na galit ang nagkomento sa isang forum:

    Lipulin ang mga hinayupak na mga halimaw na pinamumunuan ni Gloria Macapagal Arroyo.

    Simulan doon sa mga hinayupak na mga halimaw na mga Commissioner ng Second Division ng COMELEC.

    Isabay ang mga hinayupak na mga halimaw na nanggugulo sa Pampanga.

    Isabay ang mga hinayupak na mga halimaw na nanggugulo sa Bulacan.

    Isabay ang mga hinayupak na mga halimaw na nanggugulo sa Isabela.

  25. jojovelas2005 jojovelas2005

    Kung sa President level nga nagagawa nilang lumamang ng isang milyon na lamang kay FPJ…di kayang kaya nilang gawin ito sa Governor level…example na lang ang Party-list representatives. Tignan ninyo disqualified ang FPJPM pero ang kay Gen.Palparan pasok pati na ang sister-in-law ni Gloria.

  26. rose rose

    putot rin ba si Ferrer? akala ko ang ngalan lang niya ang associated sa putot..hindi ba si Nicodemus yon umakyat sa Sycamore tree para makita niya sng pagdaan ni Jesus..si gloria ay putot..si neri ay putot..si ferrer ay putot..this is the reign of the putots..

  27. olan olan

    We have comelec commissioners with questionable credentials kicking out sitting governors.

    We have a secretary signing the declaration of martial law in maguindanao, instead of the president.

    We have a president, who declared martial law in maquindanao, technically absent to depend it.

    We have most in congress, saying yes to martial law in maquindanao, without even deliberating it.

    We have a supreme court, half of which are politically influenced.

    We have unelected appointed, with some unconfirmed, members of the executive more powerful than the elected.

    What is this? and you call yourselves representative of the people!

  28. jdeleon5022 jdeleon5022

    Hanggat si Gloria ang nasa Malacanang, huwag na kayong umasa na mayroon pang matinong ahensiya ang gobyerno, isama na ang supreme court. Ilang taon ng ginagago ni Gloria ang gobyerno at mga Pinoy, pero walang Pinoy na makapamuno para mapatalsik na ang unano sa Malacanang.
    Nakakatuyo ka na ng dugo Gloria, sa pahirap at kahihiyan na ginagawa mo.

  29. chi chi

    Madidiskaril ang Hello Garci ni Gloria sa Isabela kaya dapat patalsikin ang Magsaysay awardee na Grace Padaca.

    Puro baboy ang nasa gobyerno ni Gloria!

  30. asiandelight asiandelight

    This country is too divided. There are too many political parties with different opinions and visions that only create chaos and no solution. Our country only need one vision and mission. My view therefore is that there should be only two parties, one ruling and the other opposition, with two clear ideologies.

    Have you noticed that the most developed nations only have two party democracy, resulting to an stability of an elected government with clearly and widely accepted policies. It saves resources spent during elections which can be put to alternate productive uses.

    There’s only few good men with too many political parties just doesn’t make sense.

    What is then our demand? I am so tired of this country. puro problema.

  31. perl perl

    Are we a democratic country? I don’t think so. Lahat na ng klaseng pambabastos ginawa na…

  32. jawo jawo

    “We have a secretary signing the declaration of martial law in maguindanao, instead of the president.

    We have a president, who declared martial law in maquindanao, technically absent to depend it.”—–OLAN
    ______________________

    President “WHO” ?

  33. srcitizen2000 srcitizen2000

    Ellen,nagiging bisyo na ng Comelec ang last 2 minutes. Kailangan maggawa ng isang batas na naguutos sa Comelec, Senate Electoral Tribunal, House Electoral Tribunal at Presidential Electoral Tribunal na lahat ng election protests ay dapat madesisyonan at the maximum bago matapos ang kalahatian ng termino ng kahit anong posisyon. Ibig sabihin, sa mga local positions hanggang house of representatives dapat may final desisyon bago matapos ang isa at kalahating taon ng termino. Sa senador, presidente at bise presidente, hanggang tatlong taon pinakamatagal. Pag walang naging desisyon hindi na dapat pagukulan ng panahon. Ibasura na lang ang protesta. Para naman fair kung ok ang protesta at sa panig naman ng incumbent mapaguukulan na ng kanyang buong panahon ang kanyang governance.

  34. COMELEC AUTOMATION is really needed. There will always be protests (Filipino politicians like most Filipinos — could never believe that they had underperformed or did not meet requirements — Filipinos inclined to complain that they were cheated or were victims of discrimination). But if the number of ballots in question gets reduced, then deciding winner/loser is easier. Marking “X” onto boxes should be easier, one would think (in contrast to having to write legibly the candidate of one’s choice). Only a few years ago that many votes for Grace Padaca were ruled invalid because the Electoral Tribute would not count votes for “GRACE” for Grace — reasoning was that her real name was “Maria Gracia Cielo Padaca” and the nickname she gave when she filed her candidacy was “Bombo Grace”.

    COMELEC AUTOMATION is really needed, otherwise a vote for “Erap” can get rejected. And for sure, a vote for “Ninoy” will get rejected.

  35. GMA — talsik dynan!!

  36. Bonifacio Bonifacio

    Commissioner Ferrer, anhin mo yung P500,000 na kinukolekta mo sa mga kasong minamaniubra nyo. Hindi mo madadala yan sa impyerno.

  37. florry florry

    Who says that Gloria is a lameduck president?

    Everything that’s happening has her fingerprint all over. It’s not even a certainty now if elections will be held, or if ever, failure of elections maybe declared and in the absence of a provision for succession the little devil will takeover and who will stop her. The end of her term is June 30 and the election is on May 10, so that means she is still the sitting president after the election and has the advantage of having a more than a month’s time window of opportunity to do her thing. It’s typical of gloria to grab every opportunity that comes her way to further her personal and political ambition and survival. And this is one chance that she will not let it pass.

    Sa ngayon wala ng nakapagtataka sa mga nangyayaring kababalaghan sa Comelec. Kasama lahat yan sa plano dahil kung tuloy ang declaration ng martial law sa buong Pilipinas, mga tuta niya ang mga naka-upo sa puwesto courtesy of the Comelec at mababawasan ang magiingay laban sa ML.

    Kasabihan nga birds of the same feather stays together, kaya ang labas pare-pareho silang naka-upo na hindi naman nanalo sa election. Puro nakaw ang mga upuan nila.

  38. saxnviolins saxnviolins

    http://newsinfo.inquirer.net/inquirerheadlines/nation/view/20091210-241125/Arroyo-lawyer-Padaca-victim-of-Comelec-clique

    Ang dahilan ng decision daw ay 18,000 na balota ay sulat ng iisang tao. Mahina talagang magbilang ang Comelec.

    Ipagpalagay na maisusulat ang isang balota sa isang minuto:

    18,000 divided by 60 (minutes per hour) = 300 hours

    300 hours divided by 24 hours (kung walang tulog ang tao) = twelve days and a half.

    Kahit hi-powered xerox bibigay kung patakbuhin ng 24/7.

    If the guy sleeps 6 hours a day, and has an extra two hours for eating, etc., there will be 16 hours a day.

    300/16 = 18.75 days. So some guy worked non-stop for 19 days to “cheat” for Padaca. Talo siya ni Micodemo Ferrer, who only needed one paragraph to cheat the people of Isabela.

    If you need five minutes to fill up a ballot, then the lone “cheat” would have to work 60 days non-stop if he did not sleep, and 93 days non-stop if he slept 8 hours a day and did nothing else.

  39. chi chi

    Huh! What’s Makalintal up to? So, alam nila na meron sindikato sa Comelec and Nicodemo Ferrer is tasked to head it? Did the syndicate got the wrong victim in Grace Padaca that Gloria Arroyo was put again in a damning situation?

    Gloria knows about the operation but she lets the syndicate do their thing because of the Hello Garci. Aba, talaga namang hawak sya ng mga tauhan ng Comelec sa lahat ng anggulo.

    Pero….mukhang may cleaning operation si Gloria ngayon. Isusunod na kay Ampatuan na linisin si Nicodemo Ferrer. Hindi na kailangan ni Gloria si Ampataun at Ferrer, napakinabangan na sila. Hindi kasi kayo magkantahan e!

    Abangan!

  40. florry florry

    Sax,
    baka ibig sabihin ni Ferrer isang taon na trinabaho ng mga nandaya para kay Padaca.

    Mukhang tinubuan yata ng balls si Macalintal at lumakas ang loob na i-critisize yong utos ni bossing. Is he trying to change colors or mayron din siyang konsiyensia?

  41. Bonifacio Bonifacio

    Ferrer better be careful.

    March 25, 2008:
    Abante:

    Makalipas ang halos dalawang oras na pakiki­pagbuno sa peligro, tuluyan ding nalagutan ng hininga kahapon ang binaril na acting director ng legal department ng Commission on Elections na humalili sa puwesto ng pinaslang din na si Atty. Alioden Dalaig halos maglilimang buwan pa lamang ang nakakaraan sa Maynila.

    Comelec News:

    The Acting Director III of the Law Department, Atty. Wynne Asdala was shot by two (2) (still) unidentified assailants in front of CHOWKING along Andres Soriano St., Intramuros Manila.

  42. ocayvalle ocayvalle

    com nicomedes ferrer…ang bagong virgilio garcillano ng comelec..talaga naman po ang ating bayan, wala na yatang pag asa..!! GOD save the philippines..

  43. MPRivera MPRivera

    Bonifacio,

    Eto pa ang isang nakagigimbal na balitang hindi magtatagal ay bubulaga sa atin:

    Isang opisyal ng Comelec ang bigla na lamang nag-collapse habang kumakain sa isang mamahaling restoran at isinugod sa pinakamalapit na pagamutan subalit hindi naglipat oras ay binawian ng buhay.

    Ayon sa mga doktor na tumingin sa pasyente na nakilalalng isang Comelec commissioner, ang nasawi ay na-diagnose na may mataas na kolesterol, uric acid, diabetes, kanser sa buto, kanser sa baga, kanser sa dila, at may malignant tumor sa utak. Nabatid din na ang nabanggit na opisyal ay sangkot sa malawakang panggigipit sa mga kalaban ng administrasyon kung saan ay pinapatalsik sa poder ang mga nakaupo sa pamamagitan ng pagpapatalo sa mga ito sa mga inihaing binayarang recount kasunod ng mga inihaing protesta sa dayaan umano noong nakaraang eleksiyon.

    Namatay ang election commissioner ilang minuto matapos ipasok sa ospital.

  44. Galing kay Ruben Parez:

    Huwag po kayo magtaka kung dumating ang araw na mas mayaman pa si Nicodemo Ferrer kay Manny Pacquiao or sa mga Ampatuan sa dami ng mga kalaban ng administration na kanyang pinapaalis sa puwesto sa pamamagitan ng recount (daw).

    Siguro naman hindi siya tatanggap ng 1 milyong lang para ilaglag ang isang governor (i.e. Ms. Padaca at Mr. Mendoza) na nanalo at ipalit ang taga administration (Dy at Pagdanganan) sa utos ng mahal na pangulo (nila).

    Alam naman po natin na ang ating mahal na pangulo (nila) ay galante (sa hindi nya pera) para lamang masunod ang gusto nya kahit labag sa constitution or batas.

    Malapit na rin po malaglag sa puwesto si Gov. Ed Panlilio para palitan ng kumare ng mahal pangulo (nila), si Lilia Pineda asawa ng gambling lord. Marami pa po ang susunod na malalaglag sa puwesto basta kalaban ng administration sa pamamagitan ni Nicodemo Ferrer (maliit na tao pero makapal ang mukha).

    Ang lakas ng loob at kapal ng mukha ni Ferrer na alisin sa partylist ang Migrante, na nagrerepsent sa mga OFW. Hindi po ba alam ni Ferrer na ang mga overseas workers ang bumubuhay sa Pilipinas sa pamamagitan ng remittances.

  45. ken ken

    These evil bitches are making our country in hell. crime will pay all to these GMA cohorts soon. hindi po natutulog ang Diyos. Sa darating po na election pls. don’t vote po sa lahat ng mga admin bets.

  46. gusa77 gusa77

    Ang bansa ay may dalawang klaseng ng Tulisan,ang isang karaniwan tao ay naging tulisan dahil sa mahigpit na pangangailangan o kaya naging api sa malupit na lipunan. Ang ikalawang klaseng tulisan ay ang inulukluk ng taong bayan o itinalaga ng isang inihalalal upang maging tulisan. Ang tulisan gubat ay nanalasa lamang sa maliit na lugar at naging marahas lamang kapag nagigipit na. ang TULISAN ng bayan ay mga taong may mamahaling saksakyan at sila ay binabayaran ng katas ng pawis at hirap ng karaniwan pinoy, ang pananalasa ng tulisan ito ay napakalawak,boung bansa ang sinasalanta.Ang batas para sa tulisang gubat ay mahabang pagkakulong o malagim na kamatayan,subalit sa tulisan ng bayan ang batas ay laging panig ng kinakaukolan.Upang palawigin pa ang kanilang pananalasa sa bayan.

  47. MPRivera MPRivera

    Nicodemon Ferrer is the new Garci of the Commolect.

    Magkano kaya bawat recount?

  48. Magno, ang singilan sa Comelec, per vote. P1,500 per vote na noon pang Hello Garci.

    Mula sa lamang na 17,000 votes, natalo ng 1,000 votes = 18,000 votes ang nadagdag bawas.

    Yung 18,000 votes nagkakahalaga ng P27M ang bayad.

  49. MPRivera MPRivera

    Tongue,

    Ganu’n pala?

    Luma pala ‘yung kita sa tarbaho ko.

    Paano ba mag-apply sa Commolect?

    Sawa na akong maging kubrador ng huweteng, eh.

    Walang asenso.

    Sa Commolect pala, kontak ka lamang ng limang talunang kandidato, laking kuwarta na kaggad pala ang katapat.

Comments are closed.