Maganda ang mensahe na binigay ni Associate Justice Reynato S.Puno tungkol sa pagkalampas sa kanya ni Gloria Arroyo sa pagpili ng Supreme Court justice.
Kung seniority kasi ang susundin, kung sino ang pinakamas mahabang taon sa Supreme Court, dapat si Puno ang napili.Ngunit si Artemio Panganiban ang pinili ni Arroyo.
Maala-ala natin na si Panganiban ang may pasimuno ng pagpasumpa ni Chief Justice Hilario Davide kay Arroyo noong January 2001 kahit hindi nabakante and posisyon ng presidente. Ikinuwento ni Panganiban na nabasa raw niya sa Bibliya na dapat ilagay na sa Malacañang si Arroyo kahit hindi siya ibinoto ng mga tao na presidente.
Kaya siyempre naman, kailangan magbayad si Arroyo ng kanyang malaking na pagkakautang kay Panganiban kahit na hindi nasusunod ang kinaugaliang patakaran.
Sa halip na magpa-ipokrito ay sabihing okay lang ang lahat, inamin ni Puno na talagang nasaktan siya sa nangyari. Ang kanyang mga staff na nag-suot ng itim upang ipakita ang kanilang sama ng loob.
Ngunit ipinakita ni Puno ang kalawakan ng kanyang pagi-isip. Sabi niya, “Indeed even pain has a purpose. (Kahit ang sakit ay may layunin.)
Sabi pa niya, “The Almightly has a plan for all of us and I agree that the All Seeing Eye does not play dice with our destinies.” (Ang Panginoon ay may plano para sa atin lahat at sumasang-ayon ako na hindi niya pinaglalaruan ang ating kapalaran.)
Ang lalim ng kanyang paniwala sa Panginoon.
Katulad ni Justice Puno, naniniwala akong may layunin ang Panginoon sa krisis na nangyayari ngayon. Mahirap intindihin kung bakit sa paningin natin nananalo ang mga taong lumalabag sa batas at sa banal na kautusan.
Maraming inosenteng tao at ang kanilang pamilya ang nasasaktan. Naiisip ko si Brig. Gen. Francisco Gudani at Lt. Col. Alexander Balutan na ginawa ang kanilang trabaho na bantayan ang boto ng mamamayan sa Lanao noong 2004 elections. Ano ang nangyari sa kanila. Naka-court martial.
At ang mga kasabwat sa pandaraya, na- promote pa!
Maraming beses sa personal na buhay natin, minsan masama ang loob natin na hindi natin nakukuha ang ating gusto ngunit sa huli, nare-realize natin na mabuti naman pala na hindi nangyari ang ginusto natin. Sinasabi nga natin “blessing in disguise.”
Nagpapatunay lang talaga na mas marunong ang nasa TAAS. Ang Pasko ay paala-ala sa atin ng pagmamahal ng Panginoon sa atin. Hindi niya tayo pababayaan.
talaga yata ito ang destiny ng ating bayan o ng mga filipino.we have all the chances to grow big but circumstances change it all o kaya talagang me plano ang ating panginoon sa ating mga filipino..before we are under spanish colony until we are under USA..dapat noong panahon na iyon,sana pinabayaan ang taong bayan kung ano ang gusto nila..wethere people want an independent or be one of the states of USA..for me am sure that independent will lose,with the word of then Pres Quezon “I would rather see the Philippines run like HELL by Filipinos,that run like HEAVEN by the American`s”with that word..saan tayo ngayon
hindi lang sa HELL..tayo ay pinulot sa kangkungan..Ellen huwag tayo maging hipocrito!!!un gusto ng Independent ay iyong lang nakikinabang sa Gobyerno..tayong mga Filipino ay napaka galing o dalubhasa sa ibang bansa..dito sa atin kamote tayo..bakit po??kung tayo man ay mag silbi sa ating bayan..maski kayod kalabaw o kabayo tayo ay walamg nangyayari..sa dahilang ang ating kapwa Filipino sa pamahalaan ay ninanakaw para sa kanilang interes ang kaban ng bayan..kung mag rebulosyon man..sana masakop na lang tayo ng dayuhan..upang ang ating bayan ay umunlad..sa nagyon po Ellen..kaya po walang sumasama sa anumang panawagan.ma pa administrasyon o opposisyon sa dahilang wala din mangyayari..sana meron isang Union ng Bansa na tayo ay maging membro..European Union o United State of America..huwag lang Filipino ulit ang maging liderato ng ating bansa..salamat po Ellen!!
Oscarpaul,
Hindi yata ako sang-ayon sa iyo na mas mabuti kung tayo ay sakop ng dayuhan.
May sarili tayong kasaysayan at kultura. Hindi tayo amerikano.hindi tayo european. Tayo ay Pilipino.
ang kalayaan ay isang bagay na hindi matumbasan ng pera. Ating alagaan yan at gamitin para sumulong at umunlad.
Maganda nga ang mensahe ni Justice Puno. Indeed even pain has a purpose.
Bakit ba tayo naghihirap sa ilalim ng mapaglinlang ng liderato ni Gloria Arroyo. Siguro gusto tayo bigyan ng leksyon ng Panginoon. “yan ang dapat natin tumbukin sa ating sarili.
mabuti rin naman siguro na isang may bahid ang kredibilidad ang linagay ni Arroyo bilang Supreme Court justice. Okay lang kung lalong tatapakan ang hustisya. Baka kailangan talaga natin ang lapastangin pa para magalit.
Masyadong mahaba ang ating pasensya. Hindi pa siguro napupuno ang salop.Baka malapit na.
Ganyan din ang tema ng katanungan ko. Hanggang saan ba ang pagtitiis ng sambayanang Pilipino bago magpasya ang knakrarami na hindi na nila matatanggap ang pang-aaping dinaranas nila? Para bang doon sa movie “Network.” Sabi ni Peter Finch, “I’m mad as hell and I won’t take it anymore!” Or something along those lines.
Dear Ellen,
Hayaan nyong batiin ko kayo ng isang MALIGAYANG PASKO AT MASAGANANG BAGONG TAON, kahit ang ibang kababayan natin ay patuloy ang paghihirap at parami pa ng parami ang naghihirap.
Napakalungkot isipin na ang isang katulad ni Gloria ay manlinlang ng kapwa nya. Isa ako sa malaking galit dyan kay Gloria, at sana wag na lang syang magsimba dahil nakakahiya lang sa Panginoon. Nakukuha nya pang makipag usap sa Panginoon Dios ngunit halang naman ang bituka nya. Puro ka plastikan ang alam sa buhay.
Nasaan ang diwa ng kapaskuhan sa puso nya na lahat ay minaniobra lang nya ang pamamalakad sa gobyerno.
sangayon, ako sa sinabi ni oscarpaul na kung sana kinuwa nalang tayo ng amerika, kaya ko nasabi yun, dahil nandito ako ngayon at alam ko ang batas ng amerika, hindi katulad dyan! magnanakaw ang mga batas dyan..talagang wala ng asenso dyan. at talagang pantay po ang buhay dito mahirap or mayaman..
Joke time muna tayo…
THE DAGOHOY STORY
It was the first day of school in Washington, DC and a new student name Dagohoy, the son of a Filipino immigrant, entered the fourth grade.
The teacher began, “Let’s review some American history, class. Who said ‘Give me liberty or give me death?’” She saw a sea of blank faces, except for Dagohoy’s who had his hand up, “Patrick Henry, 1775.” “Very good,” said the teacher.
“Who said ‘Government of the people, by the people, and for the people shall not perish from the earth'”? Again, no response except from Dagohoy: “Abraham Lincoln, Gettysburg, 1863,” he said.
The teacher snaps at the class, “Class, you should be ashamed, Dagohoy who is new to our country knows more about our history than you do.”
She hears a loud whisper from the back: “Screw the Filipinos.” “Who said that?” she demanded. Dagohoy put his hand up. “General John Pershing, Manila, 1896.”
At that point, Jack, another student says, “I’m going to puke.” The teacher glares and asks, “All right! Now who said that?” Again Dagohoy answers, “George Bush, Sr. to the Japanese Prime Minister during the state dinner, Tokyo, 1991.”
Now furious another student yells, “Oh yeah? Suck this!!” Dagohoy jumps out of his chair waving his hand and shouts to the teacher at the top of his voice, “Bill Clinton to Monica Lewinsky, the Oval Office, 1997!!”
Someone shouts, “You little shit if you say anything else, I’ll kill you.” Dagohoy yells, “Congressman Gary Condit to Chandra Levy, Washington, D.C., 2001!”
The teacher faints. “I’m outta here!” mutters one student as he sidles to the door. “President Gloria Macapagal Arroyo, Baguio City, December 30, 2002!!” Dagohoy responds. As the class gathers around her on the floor, someone says, “Oh shit, now we’re really in big trouble!”
“Saddam Hussein, on the Iraq invasion, Bhagdad, May 2003!” Dagohoy bellowed.
“Now, I really have to run,” Jack mutters, heading for the exit., “Gloria Macapagal Arroyo again, Pampanga, October 4, 2003!!!” Dagohoy shouts triumphantly jumping with glee.
Cute yun ah
Ako si veny isang seaman at may dalawang taon narin akong nagbabarko. Nabasa ko ang kulom ninyo tungkol sa nangyari sa pagpromote naman ni Gloria sa kanyang bagong bata parasa chief justice.
Sangayon ako sa sinabi ni Atty Puno na ang Panginoon ay may balak para sa kanya o sa atin kaya’t nangyayari sa ating bansa ang magulong pulitika.
Sana dumating ang araw ang mga taong katulad nila Arroyo ay mawala na at ang mga taong malinis ang kalooban at hangarin sa ating bansa ay magkaroon ng kalayaan tulad ng mga heneral na pina court martial nya kasana narin ang mga taong inosente na nalilito nasa kanya.
Malas lang natin at nagkaroon ng taong sakim sa kapangyarihan at walang awang magpahirap sa kapwa.
Inaamin ko isa ako sa bumoto sa kanya nang lumaban siya ng vice president pero nagsisi ako kung bakit ako bumuto ng isang taong hindiko mapagkakatiwalaan.
Pero alam ko darating ang panahon na magkakaroon ng katapat ang mga taong yan . Sana dumating naang gaba sa kanila sa mga magnanakaw at pahirap sa mga kababayan natin.
Dito sa barko galit sa kanya ang mga kasamahan kung mga seaman sa totoo lang. Pagmakita namin siya sa CNN, pinapatay namin ang TV. Kahit doon man lang makabawi.
God works in mysterious ways.