Skip to content

Saradong pag-iisip sa Comelec

Palagi sinasabi ng mga hindi sang-ayon sa ginawa ng Magdalo na sundalo sa Oakwood noong Hulyo 2003 at sa Manila Peninsula noong Nobiembre 2007 na kung ayaw mo ng palakad ng kasalukuyang administrasyon, tumakbo kayo sa eleksyun.

Ganun nga ang ginawa ni dating Ltsg Antonio Trillanes IV noong 2007 na eleksyun at laking gulat ng lahat na nanalo siya kahit hindi nakakulong siya at hindi siya gumastos ng malaki katulad ng marami sa sa kandidato ng administrasyun na natalo naman.

Talagang gusto ng mga dating sundalo na ito na makilahok sa pagpatakbo ng pamahalaan para maipatupad nila ang pagbabago na kanilang ninanasa para sa bayan kaya sila nag-apply ang kanilang grupo, ang Samahang Magdalo sa Commission on Elections para maisali sa partylist at makatakbo sa eleksyun ang kanilang mga kandidato.

Ano ang ginawa ng Comelec? Dis- aprub.

Sa binigay na rason ni Commissioner Nicodemo Ferrer, makikita mo kung gaano kakapal ang kalawang sa kanilang utak. Sabi ni Ferrer, hindi raw nagsisi ang mga namumuno ng Magdalo sa kanilang ginawa nonng 2003 at hindi raw nawawala ang posibilidad na maari nilang gawin yun ulit.

Ito pa ang pinakatanga sa sinabi ni Ferrer: “Gagamitin nila ang political party para mag “recruit and indoctrinate disciplined followers who may become their blind followers .”

Haay. Ito ba ang klase ng ating mga opisyal?

Paano yun aalsa kung kasama sila sa mga namumuno ng bansa. O baka yun ang kinatatakutan ni Ferrer na mamumuno itong mga dating sundalo at magpapatupad ng reporma at kung malilinis ang Comelec ay masama siya sa mawawalis?

Sabi nga ni dating Air Force Lt. Ashley Acedillo, “ Kung ang gusto lang ng Magdalo ay mag ‘recruit at and indoctrinate disciplined followers who may become their blind followers”, hindi na kami mag-aksya ng panahon para mag-apply ng accreditation sa Comelec. Magagawa namin yan ng patago.”

Hindi naiisip ni Ferrer na para magkaroon ng tunay na kapayapaan, dapat lahat na sektor ng bansa ay kasali. Hindi mo maa-aring isantabi ang sino man.

Kaya nga noong 1992, ginawang legal ang Communist Party of the Philippines para sila ay makasali ng hayagan sa mga bagay na pulitika. Kung gusto sila ng tao, respetuhin dapat ng lahat yan. Kung ayaw naman, sila dapat sumunod rin sa kagustuhan ng marami.

Ngunit mukhang takot pa rin ang Comelec sa mga sinasabing kaliwang grupo dahil dis-aprub din application ng Migrante para sectoral representative ng mga OFW.

Sabi ni John Torres, tagapagsalita ng Migrante sa Eastern Region sa Saudi Arabia: “Dahil ba ang Migrante Sectoral Partylist ay kritiko ng rehimeng Arroyo kaya’t sagad ang
pagwasiwas ng hindi makatarungan hakbang laban sa ating hanay?”

Sabi pa ni Torres, “Kung meron mang dapat idiskwalipaka, ay yaong mga organisasyong peke, kasabwat ng gobyerno at hindi kabilang sa “marginalized sector” katulad ng Bantay (Jovito Palparan),
ANAD (Jun Alcover), Kasangga (Ma. Lourdes Arroyo, kapatid ni Mike Arroyo) at iba pa.”

Published in2010 electionsMagdalo

9 Comments

  1. Al Al

    “Sa binigay na rason ni Commissioner Nicodemo Ferrer, makikita mo kung gaano kakapal ang kalawang sa kanilang utak.”

    “Ito pa ang pinakatanga sa sinabi ni Ferrer:”

    Hindi ka galit, Ellen, no.

  2. Para sa akin, last straw na ang 2010 Elections para sa lahat.

    Pagakatapos nito’y ready na ang karamihan na mag-aklas.

  3. patria adorada patria adorada

    ngayon pa lang alam na natin kung saan panig ang comelec.papano sa darating na election?

  4. luzviminda luzviminda

    Kaya dapat bantayan talaga ang boto hanggang sa huli dahil hindi kukuntento ang kampo ni Gloria at hahanap ng paraan para makapandaya. At bantayan natin lalo na ang Kongreso. Kailangan ay maraming oposisyon na manalo. Although mahirap makakuha ng mayoryang numero ang oposisyon dahil karamihan sa mga Tongressman ay mga bayaran ni Gloria. Isusulong talaga nila ang CHaCHa para mabago ang konstitusyon at maging Prime Minster si Engkantada!

  5. Sana lang talaga manalo ang karapatdapat…

  6. Allan Allan

    Kung pinagpipilitan nila ang buwisit na chacha at kakampi ng pgma ang comelec… best remedy “CIVIL WAR”.

  7. James,
    Since you linked Ellen’s blog entry in yours, I assume you are following the discussions here.

    Regarding the 691 centenarians (over 100 years old) who were found by Akbayan as registered voters in Taguig, you may want your staff to identify those if they are your voters.

    If they are, the erroneous date on their voter’s data could have been deliberately entered to disenfranchise your followers en masse. On the other hand, if they belong to the incumbent’s camp, they may be flying voters or fraudulent ones and they try to hide the real identities by blaming it on a computer glitch. Immediately file a case with the Comelec to delist their names from the registry.

    I seriously suggest you do this immediately to ensure no one can pull a fast one over you in your district.

    Good luck.

  8. parasabayan parasabayan

    Great idea Tongue. I hope James wins so he can clean up Taguig!

Comments are closed.