Skip to content

Sinamantalang OFW

Limang beses akong nakatanggap sa e-mail nitong sulat galing sa iba’t-ibang OFW. Nakasulat- kamay kaya kinailangan kong i-type.

Seryoso itong kaso dahil, kung totoo, involved ang mga taong dapat ay tutulong at magtanggol ng ating mga kapwa Filipino. Hindi ko muna i-mention ang pangalan ng dalawang ina-akusang nag-abuso. Kinukuha ko pa ang kanilang paliwanag.

Sulat ito ng isang nangangalang R na pinadala ng presidente ng Muslim Christian Organization, Eastern Province kay Ambassador Bahnarim Guinomla.

Ito ang sulat ni R sa isang Ate Jean: “Tulungan nyo po ako dahil napakahirap dito sa kinalalagyan naming. Marami kamo dito at iyong iba dito ay matagal na raw dito, at di pa nakauwi. May kasamahan pa kami na tatlo na naiwan doon sa Al-Khobar sa bahay ni (pangalan ng opisya at posisyon). Dinala kami doon at ng driver niya na si (pangalan).

Si (pangalan) rin ng humalay sa akin at ang pangako niya sa akin ay bibili raw ako ng tiket para maka-uwi sa Pinas. Pero wala rin.

“Itong dalawa na ito ang mga hayop sa laman. Siguro Ate, ay matagal na nila ginagawa ito kasi iyng tatlo naming mga kasama na medyo magaganda at bata pa ay hindi nila dinala dito sa SSWA. Halos gabi-gabi ay nawawala iyong mga kasamahan naming na magaganda at mga bata pa.

“Nakakadiri pala ang mga officer na iyan ng embahada natin at sayang ang posisyon nila dito. Akala ng iba ay nakakatulong sila pero ang totoo pala ay mga hayop sila, mga rapest sila, Ate. Wala silang pinapalampas na mga takas. Lahat ginagalaw nila at pagkatapos ay ibenta sa Arabo. Kadiri sila, Ate jean.”

Sabi ng MCO president kay Guinomla: “Wala na bang sumisira sa mga puri ng ating mga kababaihan na nagsaalaran pumunta abroad kundi sila rin na mga tinurngan nating officer ng embahada. Piangkakitaan na nga nila ay hinalay pa ang mga kawawang kababayan natin.”

Dagdag pa: “Para sa aming samahan ay aksyonan nyo po sa lalong madaling panahon. Sapagkat kung hindi ay pasensyahan na lang po at kami na ang hahawak ng kaso.”

May memo si Ambassador Guinomla kay Delmer R. Cruz, labor attaché, Eastern Region Operations- Al Khobar noong dec. 12, 2005 na tingnan itong kaso at magsumbit ng report kaagad.

May handwritten note rin si Guinomla sa dalawang empleyado ng embassy na sangkot na magbigay ng kanilang pahayag sa kaso sa loob ng limang araw.

Tumawag ako kahapon sa Department of Foreign Affairs, hindi pa nila alam ang kaso.

Tingnan natin kung ano ang mangyayari dito.

Published inWeb Links

1,489 Comments

  1. Karl Karl

    Ang Mga OFW ang literal na sumasalba sa ating bayan

    kelangan dumoble ang support network natin

    pero ang support group ay nangangailangan ng pondo

    sana makatulong tayo kahit sa maliit na paraan.

    sinimulan ko sa blog comment na ito….

  2. Jun Urbanes Jun Urbanes

    Dapat magkaroon ng patas at walang-kinikilingan na imbestigasyon dito.Masyado nang naaapi ang mga OFW na naturingan pa namang bayani. KAMI ANG MALAKING NAITUTULONG SA EKONOMIYA NG PILIPINAS,bakit kami ginaganito?Mismong kababayan at naisugo pa naman dapat na tutulong sa mga problema namin? Nakakapang-hinanakit lang. Ang mga nagkasala ay dapat patawan ng kamatayan! Wala na kaming tiwala sa mga taong-gobyerno, saan pa kami hihingi ng tulong kapag may problema kami? Buti pa sa MEDIA! o kaya sa NPA? para patas ang desisyon..

  3. Jon Jon

    If proven guilty, these bad apples should be hanged!

    But don’t consider all DFA/government officers posted abroad as the same. Huwag naman nating lahatin at marami din naman ang talagang tumutulong sa mga kagaya nating mga OFW. It’s just that mostly bad pieces of news are sensationalized and given wide media coverage.

    Don’t get me wrong, media coverage is good because it brings faster results. Sad but true. So Ellen’s giving this issue mileage should move the concerned government offices their officers to act fast.

  4. Dante ( Ahmad ) Villaflores Dante ( Ahmad ) Villaflores

    mayroong nagtanong sa akin, ka Dante kapag pumunta ka raw sa Embassy o POLO/OWWA office totoo po bang ni-re-rape, atsaka mahirap daw ang kalagayan doon?

    ang sagot ko hindi totoo yon dahil kami ay madalas makipag ugnayan sa mga Babae doon na mga distress, at sinasabi kong
    mapagkakatiwalaan na ang mga official ng Embassy at POLO/OWWA official at kapag may gumalaw sa kanila tumawag agad sa amin ng sa gayon ay ma-aksyonan agad.

    pero sa nangyaring ito sino pa ang maniniwala sa akin sino pa ang hihingi ng tulong sa amin kung mismong nasa loob ang sisira sa mga sinasabi namin na magtiwala kayo sa mga official ng goyerno natin.

    kailangan ng tiktikin ang kalawang sa ating EMBAHADA/POLO/Owwa para manumbalik ang dating kinang.

  5. BENJIE BENJIE

    Dapat sa mga ganyan tao ay tadtarin ng pino-pino,nakakahiya sila pa naman ang mga officiales na dapat hingian ng tulong ay sila pa mismo ang gumagawa ng karumaldumal na gawain sa atin mga babae sa abroad.Ang mga taong ganyan ay hindi dapat maging officiales kung hindi man lang sila makatulong sa kapwa Pilipino nila.

  6. Tomas Tinio Tomas Tinio

    Kung totoo itong bintang na ito, hindi kaya lumalakas ang loob ng mga kriminal na ito dahil nakikitang ang mga pinuno ng bansa ay nakakalusot kahit anong laki o garapal ng krimen na ginawa? yan ang possible na “corrupting influence” ng mga gaya ng ating mga kasalukuyang namumuno sa bansa. sa dakong huli. Hindi lang ang sariling gawain nila ang kanilang pagbabayaran, kundi pati na ang kawalanghiyaan ng iba na bunga ng impluensya nila.

  7. teyob of dammam teyob of dammam

    my friend send that e-mail last day dec.19,today dec.20 i read it in abante … i pray na may magawa ang embassy natin tungkol sa issue na ito.

    grabe talaga ang mga tao na un … mga hayok sa laman .. sayang lang ang binibigay na sahod sa kanila .. dapat sa kanila bitayin.. mga halang ang kaluluwa!!! walang puso’t damdamin!! calling the attention of DFA!!! make action for these!!!

  8. Bro. Bong Bro. Bong

    Kong ang balitang ito ay mayroong katotohanan na nangyari mismo sa loob nang ating Consulate sa Al-Khobar, ay talagang kahiya-hiya at hindi katanggap-tanggap na reklamo.Hindi ko lubos na maisip na ang taong may responsibilidad na tumingin sa kapakanan nang kaniyang kababayan ay siya mismo nitong sisira. Ang tawag doon ay bantay salakay, dahil alam niyang mahina at kayang-kaya niya ang kaniyang binabantayan. Ngunit ako’y naniniwala na ang sabi sa Banal na Kasulatan ay ” Kung ano ang iyong itinanim siya ang iyong aanihin”. Marahil ang taong ito na gumawa nang kalokohan sa kaniyang kapuwa ay makaliligtas sa mata nang batas sa ngayon or sa mga susunod na araw dahil mayroon siyang tinatawag na padreno, Ngunit tinitiyak ko na sa mata nang Diyos ay wala kang ligtas, Ngayon pa lang ay sinusunog na ang kaluluwa mo sa Impyerno. At ang sabi doon sa Banal na Kasulatan ay ” Itong mga taong gumawa nang hindi kaaya-aya sa mata nang Diyos ay nararapat sila sa Dagat-dagatang apoy”.And I believe itong tao na ito ay mayroon din siyang magulang na babae, kapatid na babae, anak na babae. Ma-konsensiya sana siya.Sana ay makita niya na ang babae ay minamahal at hindi niyuyurakan ang dangal. Dahil ang babae ay ibinigay nang Diyos hindi para saktan nang lalake, hindi para bastusin nang lalake.

    And sabi nang Diyos sa Gen 2:18 And the LORD God said, It is not good that the man should be alone; I will make him an help meet for him. And the LORD God caused a deep sleep to fall upon Adam, and he slept: and he took one of his ribs, and closed up the flesh instead thereof; And the rib, which the LORD God had taken from man, made he a woman, and brought her unto the man. And Adam said, This is now bone of my bones, and flesh of my flesh: she shall be called Woman, because she was taken out of Man.

  9. A de Brux A de Brux

    Ellen,

    Instead of indiscriminately shipping our people to ‘unknown’ territories with ‘undiscovered’ cultures, this government of glorified, modern day slave traders should do two things right away – short of stopping this government’s legalizing and institutionalizing Pinoy human traficking for international labor market:

    1) Hold serious cultural, language and health seminars (on a country of destination) to rigourously educate the unsuspecting would be OFW prior to his/her shipment. This is where the approval stamp tax money levied on the would be human export should go to…

    2) OFW remittances, I’ve read, topped government forecast of US$12 billion. The interest from those remittances that our banking institutions earn should be taxed religiously and separately. These remittances, after all can be identified through a regulated procedures. The tax on the interest earned by the receiving Philippine banks should be used only for one purpose: to support or fund the needs of OFWs in danger, wherever they may be.

    The so-called or existing Philippine OFW Authority has so far been a milking cow for Gloria appointees to that position, and to think that each OFW is taxed heavily prior to getting the government’s approval stamp for labor exportation! How despicable!

    This government has not only engaged in human trafficking by indiscriminate shipment of Filipino human chattel but has also squandered all the benefits that our Filipino sacrificial lambs have endevoured to produce for themselves and their families.

    There is no other term for Gloria Macapal and her government: they are a group of abominable modern day ‘slave traders’.

  10. fandong fandong

    huwag mo itong palampasin please. kawawa naman ang mg kababayan natin na tawag pa naman mga bayani. dapat mawala na sa mundo ang mga hayok na yon sa consolada. pls. huwag mong tigilan to. salamat

  11. A de Brux A de Brux

    Ellen,

    Here’s a 3rd item that I wish to add to my list of “How to make the Philippines’ modern day slave trade work ‘well’!”:

    3) The DoLE personnel tasked to follow up procedures for tackling the exporting of their contrymen should also be made, forced, obliged to take courses in human resources formally; meanwhile, before DoLE labor attachés are posted abroad, they too should be required to take up courses in foreign culture/s, languages, human resources, etc. and must be required to take and pass some kind of a state board exams dealing solely with the handling of OFWs before they are allowed for foreign postings.

    If managed properly, the taxes from each OFW applicant (all those fees, duties, stamps, documents, etc., etc.) prior to getting the government’s approval stamp for labor exportation should be able to cover the cost of my the first item on my “How To” list!

  12. batong-buhay batong-buhay

    Hindi lang ang consulate sa Al Khobar ang dapat imbestigahan. Pati na rin ang sa Jeddah dahil noong araw pa marami nang kababalaghang nangyayari dito. Marami rin sa ating kababaihan ang napagsamatalahan dito. May isang opisyal diyan noon na sa halip na tumulong walang ginawa kundi maglaro ng tennis.

  13. kikoy kikoy

    di na tayo dapat magtaka kung ang mga kapwa pilipino rin natin ang nagsasamantala sa atin, puro manhid at sariling interest ang mga umiiral sa mga hidhid na opisyales ng ating gobyerno. napakaraming ipokrito dito sa atin… sa gobyerno, sa mga NGOs at higit sa lahat sa mga namumuno ng mga relihiyon! nagtatago sa kani-kanilang organisasyon upang gamitin nila sa kanilang maruming intensyon! sobra sobra na sila sa mga kahayupan nila!

    minsan nag iisip ako kung nababasa nila ang mga komento natin dito at sa tingin ko HINDI kasi wala silang panahon malaman kung ano ang nasa saloobin ng karamihan sa atin na naghihintay ng magandang pag-asa. madalas nilang sabihin “SUGPUIN ANG KATIWALIAN SA GOBYERNO” pero ano na nga ba ang nagawa na nila kundi puro publicity na pabor sa kanila at panay pag depensa pag may mali silang ginagawa o nabubuking ang mga kalokohan nila!

    hindi na rin nakakapagtaka na ang kanilang mga kalokohan dito sa pilipinas ay dadalhin pa sa ibang bansa at ang kanilang mga biktima rin ay mga kapwa pilipino natin! ang ganitong mga klaseng tao ay lango at lasing sa kapangyarihan kaya di nila naiisip ang kabutihan para sa kanilang kapwa! ang tanong kailan pa tayo gigising at babangon para sugpuin ang ganitong maling sistema na umiiral sa atin?

  14. Pinoy@KSA Pinoy@KSA

    for your kiind information,Eto po ang sagot ng mga akusado….

    EXTREMELY URGENT

    FOR : H. E. AMBASSADOR BAHNARIM A. GUINOMLA

    THRU : DELMER R. CRUZ
    Labor Attaché, POLO-ERO

    RE : REPLY TO THE COMPLAINTS OF ALLEGED RAPE AND SEX
    TRADE BY CERTAIN REA ESPERANZA AND ENDORSED BY
    UNKNOWN MCO PRESIDENT, EASTERN PROVINCE

    DATE : 13 DECEMBER 2005

    Please be informed that we strongly deny the accusation of certain Rea Esperanza. It is our belief that the complaints hurled against us were just a pigment of the imagination of those who want to besmirch our reputation as a public servant for the OFWs. This is just a desperate move of those who want us to be removed from this post so that they can assume control of the POLO-ERO operation and utilize public funds for their own selfish motives.

    Let the following explain the truth of this matter:

    1. The runaway female OFWs are being given temporary shelter at the 2nd Floor of the POLO-ERO “combase” not at the rooftop where the undersigned Welfare Officer resides.

    2. The runaway female OFWs are not provided with food at the “combase” since according to Labor Attache Delmer Cruz this is not a “center” and there is no budget intended for this purpose. The said OFWs go upstairs to cook/get food at the personal expense of the subject Welfare Officer.

    3. Mr. Jojo Casicas, our driver often times gives merienda or food when the undersigned Welfare Officer is not around.

    4. Those who are still at the SSWA are the living proof of these statements.

    5. I do not remember having in our custody a certain REA ESPERANZA only RIA ESPERANZATE who is still at the SSWA at present.

    6. All runaway OFWs are immediately endorsed to the police (DH) and to the Labor Office (skilled). It is our policy that runaway OFWs should stay no longer than a week since we cannot accommodate them due to our limited space. If the case of the OFW will take long,

    specifically police cases, we immediately send them to Bahay Kalinga, Riyadh for temporary shelter and endorse their respective cases to the Assistance to Nationals Section for follow up.

    To shed light on this issue, we welcome wholeheartedly an independent investigation by the Filipino Community and the Philippine Embassy. We are willing to face our faceless accusers and settle once and for all these serious allegations.

    For His Excellency’s information and perusal.

    DANILO P. FLORES
    Welfare Officer, POLO-ERO

    JOE JOSE A. CASICAS
    Administrative Assistant I/Driver

    Cc: OWWA

  15. A de Brux A de Brux

    Ellen, Kikoy,

    Was Danilo Flores once the Labor Attaché to Tokyo?

    Thanks.

  16. I hope Danilo Flores visits this blog and answer your question, Anna.

  17. jeff jeff

    Tama si kikoy dapat nating sugpuin ang katiwalian at turuan ng leksyon ang mga ganid at mapagsamantala sa ating lipunan lalo na ang nasa gobyerno at mga embahada na halos lahat ng naglilingkod ay puro pansariling kapakanan lang ang iniisip..dito sa riyadh walang silbi ang embahada ng pilipinas pag naginquire ka kung anong requirements sa mga papeles na kailangan mo ang tanging sagot lamang sa iyo sa telepono is “nakapost po sa bulletin board” papano na ang mga kakababayan natin na malayo ang lugar sa embahada at di agad puede umalis sa kani kanilang trabaho..pupunta lang sila sa embahada para basahin lang ang bulletin board katarantaduhan…at kalokohan..di nila naisip na kung wala kaming mga OFW wala rin sila kaya dapat bigyan nila kami ng konting kunswelo bilang tao kahit na di bilang kababayan na alam naming mga tao dito sa riyadh wala sa mga bokabolaryo ng mga yan..malayo man ito sa topic pero dapat malaman ng mga taong kinauukulan kung meron man kung ano ang mga nangyayaring totoo dito sa riyadh embassy. kung mapapanood mo sa TV puro magagandang opinion ang maririnig mo sa mga bibig nila kesyo aayusin bibigyang aksyon kelan kaya yun mangyayari pag puti ng uwak..katarantaduhan yun….pasensiya na miss ellen kung ang comment ko ay malayo sa topic gusto ko lang ilabas ang saloobin ko tungkol sa WALANG KWENTANG EMBAHADA NG PILIPINAS……….salamat and more power

  18. Pinoy@KSA Pinoy@KSA

    Sang ayon ako sa sinabi mo jeff, bastos talaga yang mga tao sa phil. embassy sa riyadh, mga suplado pa ang mga mokong.sana na lang may mga taga embahada na makabasa ng mga komento natin dito at masabihan naman sila, sana rin magbado na sila ngayon bagong taon, dahil marami nag naiinis sa kanila…..salamat sayo ellen dahil dito sa Blogs mo napaparating ang mga hinaing ng bawat Filipino dito sa abroad…….salamay at merry xmas and happy new year sana mag bago na ang mga Filipino

  19. Ang pinakamabuting solusyon ay ayusin ang patakbo ng gobyerno dito para umunlad tayo at dito sa Pilipinas magtrabaho ang Pilipino.

Leave a Reply