May natanggap akong tsismis noong isang araw na binabawi raw ng kampo ni Sen. Manny Villar ang P25 milyon na binayad kay Boy Abunda sa paglabas niya sa political ad kung saan ini-interview niya si Villar tungkol sa kayang pag-asenso sa pamamagitan ng sipag at tiyaga.
Si Sen. Noynoy Aquino na kasi ngayon ang tinutulungan ni Boy na matalik na kaibigan ni Kris Aquino.
Tinanong ko si Boy kung tutuo ang tsismis at natawa lang siya. Hindi totoo sabi niya.
“Nakakahiya naman kina Sen. Villar,” sabi ni Boy.
Pinabulaanan rin ito ng kampo ni Villar itong tsismis ng tinanong ko sa kanila. “Wala kaming ganung kalaking pera,” sabi ni Jan Mata, ang media officer ni Villar.
sabi ni Boy matagal na niyang kaibigan si Villar at ang interview niya na ginawang political ad ay proyekto ng isang grupo na tumutulong sa kanidato ng Nacionalista Party.
Ngunit sabi ni Boy, pumayag siya na gamitin nina Villar ang kanyng interview sa kanya hanggang Oct. 15. Okay lang naman daw kay Kris.
Tungkol naman sa political ads, ang data available sa Nielsen Media Research ay nagpapakita na mula Oktubre 2008 hanggang Mayo 2009 ang nagastos ni Villar ay P321,368,167.
May nagsabi sa amin na hanggang Aogosto 2009, umabot na ng P700 milyon ang gastos ni Villar sa political ads.
Si Mar Roxas naman, hanggang Mayo 2009, nakagastos siya ng P256,742,139. kaya sa kanyang pagatras, masasabi na ng “cut losses” na lang siya. Binawasan niya ang pagkalugi.
Si Gilbert Teodoro, ang kandidato ng Lakas-Kampi,CMD, ay nakagastos ng P30,687,695 sa kanyang ads bilang hepe ng national disaster coordinating agency. Maaring pera natin yun.
Marami ang katulad ni Boy na nalagay sa gitna nang magdesisyun si Noynoy na tatakbo bilang presidente.
Ang isa pang alam ko ay si Gina de Venecia, asawa ni dating House Speaker Jose de Venecia na malapit kay Cory. Isa nga si Gina sa nagsalita noong necrological service ni Cory.
Alam ko tumutulong sina De Venecia kay Villar. Paano na ngayon yan?
Si dating senador Serge Osmeña, na political adviser ni Sen. Chiz Escudero at lumipat na kay Noynoy. Madali naman intinhidin ang kaso ni Serge kasi ang kanyang asawang si Bettina ay isang Lopez na malapit masyado sa pamilyang Aquino.
Sinabi ni Gabby Lopez na malaki ang kanilang utang loob kay Cory Aquino sa pagbalik sa kanilang pamilya ng ABS-CBN at ng Meralco na kinuha sa kanila ni dating Pangulong Marcos nang kanyang idineklara ang martial law.
Tatakbo si Serge para senado na naman at siguradong sa tiket na siya ng Liberal party.
Si Lito Banayo, ang political adviser ni Sen. Ping Lacson at kolumnista ng Malaya ang magiging campaign manager ni Chiz.
Ang iba naman ay balimbing lang. Opurtunista nga ang tawag ko e. Katulad nitong si Foreign Secretary Alberto Romulo na nagpahayag na si Noynoy ang kanyang botohin samantalang miyembro siya ng cabinet ni Arroyo na ang kandidato sa pagka-presidente ay si Defense Secretary Gilbert Teodoro.
Matagal nagmartsa si Cory laban sa paglabag ni Arroyo ng Constitution, hindi man lamang kumibo si Romulo. Ngayon na palubog na si Arroyo, sasabihin niya talagang palagi siyang sa Aquino. Ano ba yan?
Matagal nagmartsa si Cory laban sa paglabag ni Arroyo ng Constitution, hindi man lamang kumibo si Romulo. Ngayon na palubog na si Arroyo, sasabihin niya talagang palagi siya sa Aquino. Ano ba yan?
Tumatanda ng paurong…
Bull’s eye! Kumukuyakoy lang si Berto kapag nagmamartsa si Tita Cory tapos sasabihin niya na s’ya ay Corysta through and through.
What? Campaign manager ni Chiz si Banayo? Tsk, tsk… 😛
If anything,I hope the next president stops the Laiban Dam from being built because Laban Dam because the Aetas living near Kaliwa-Kanan valley will be displaced.
ULYANIN NA BA?! hahaha! Yan ang hirap sa matandang yan. Sabagay, na-warningan na sya nang anak nyang tiga-Pasig, suffer the consequences. And he will be maligned for what he has done.
Ngayong si Boy Abunda ay pormal nang lumipat sa kampo ni Noynoy, sundan at abangan ang mga SUSUNOD, KONTROBERSYÁ, at INTRIGA ng pagpapatuloy ng Laban nina Cory at Ninoy sa The Buzz at SNN – Showbiz News Ngayon! 🙄
Naglilipatan na kasi nakita nila ang malakas na hatak ng mga Aquinos, at hindi pa lubos nangangampanya si Kris. Matagal ng walang statement from her. Another one who will join their camp is Belmonte of QC.
Served him right for Villar. Akala kasi niya ang pera ay magnet na sa mga tao para ihatid siya sa trono ng presidente. Hangga ngayon walang VP, kasi may stigma siya. Sa laki na ng gastos nya, either i reimburse sya ni Glue or bawiin sa gobyerno, kung manalo. Tuso.
@mike
What? Campaign manager ni Chiz si Banayo? Tsk, tsk…
Same here… Ka Lito Banayo ng Malaya.
Self-denials ang dalawang mukha ng Showbiz at Pulitika? Dito naka-focus ang maraming Pinoy…kaya easy money, kung gusto mong sumikat at makilala sa lipunan…daig mo pa ang isang kriminal na kapit-sa-patalim upang magkamal ng PISO at magkaroon ng pangalan sa lipunang ginagawalan.
Well, ito ang kalakaran ng maruming pamumulitika ng mga pulitiko sa ating bansa?
Iisa ang kanilang kulay…kung saan sila makikinabang e doon sila at walang delicadeza sa buhay? Karamihan sa mga hunyango at balimbin na yan ay nakinabang ang pamilya or sila mismo sa panahon ni Macoy…pumasok ang Yellow Fever, kapit-tuko sila.
Nang walang magawa sa buhay heto conspiracy ang ginawa sa lehitimong Presidente, naglunsad ng EDSA DOS at di pa nasiyahan humirit pa ng Hello Garci…in 10-years period na walang nangyari sa kanilang row four na mga utak heto muling binuhay ang multo ng lumipas?
Lipatan uli ng bakod at ang iingay na kesyo sila ang pag-asa ng bayan…YELLOW FEVER na naman? Kung may bait pa sa sarili ang mga mapagkunwaring grupo or individual na nag-udyok sa remnant ng Yellow Fever…wala talagang kadala-dala sa buhay.
Imagine, 6-years sa mga Kamag-anak, inc. + another 6-years sa jet-sitter na si Tabako at di nasiyan ang mga grupong ito at nang-agaw pa ng 10-years upang pagtakpan ang kanilang kabulukan at ANO ang naging bunga…kaliwa’t kanan SCAMs pero ang mga nagmamarunong sa ating lipunan ang pinag-iinitan ang anak ng WETENG?
Malinaw pa sa sikat ng araw na ang winawaldas ng mga traydor at sinungaling na remnant ng EDSA UNO con DOS with Hello Garci ang pera ng bayan na galing sa dugo’t pawis ng ordinaryong obrero, katas ng VAT at kung anu-ano pang mga bayaring buwis na ipinatong sa lahat ng uri ng bayarin at bilihin.
Bangungot sa bayan… bakit di nila pagtuunan ng pansin at ikulong lahat ng mga magnanakaw na ito. Heto…magmamalinis uli ang mga hungyango at balimbing kaya lipat-bakod uli ang karamihan sa kanila na kesyo sila daw ang tunay na oposisyon. Nakakakilabot ang mga ungas na ito, walang bait sa sarili at di magsipag salamin upang makita nila ang tunay nilang mga kulay.
NO TO the REMNANT of EDSA 1 & 2 con Hello Garci mafioso?
Ang YELLOW FEVER ang bangungot ng ating paghihirap at kaguluhan sa ating bansa…may nangyari ba after Marcos regime, di ba lalong nabaon ang Pinas sa hirap at dusa…lalong naging ganid ang mga pulitiko at ginawang negosyo ang paglilingkod-bayan.
Lalong naghirap ang mga Masang Pilipino pero lumobo ang kayamanang ng mga kurap na TRAPO at Bagitong Pulitiko?
Naglilipatan na kasi nakita nila ang malakas na hatak ng mga Aquinos, at hindi pa lubos nangangampanya si Kris. Matagal ng walang statement from her. Another one who will join their camp is Belmonte of QC.
Paglilinaw Kgg. Martina, nothing personal but ito ang realidad ng Yellow Fever, Kristeta and Belmonte… isa sila sa mga remnant ng EDSA DOS at naging promotor sa pagpapabagsak ng lehitimong Pangulo ng bansa?
Anong moral ascendancy ang mayroon ang mga taong ito…sige nga, ang paghihirap ng bansa at Masang Pilipino e di alinta ng mga mapagkunwari pero nabibilang sa altasociedad ng ating lipunan in short Elitista.
Ano ang nagawa ni Noynoy?
Ito naman si Kristeta…lalakero at anong moralidad mayroon yan, akala mo kung umasta e siya lang ang may kayang maka-afford ng mga mamahaling personal na gamit…yan ang observation ng mga nakakapanood sa kanya sa TV?
About Belmonte…remnant ng EDSA DOS yan at malaki ang partisipasyon niya upang agawin ang Malacanang sa tunay na Pangulo, isa rin yang elitista na ginamit ang kanyang Newspaper upang wasakin si Pangulong Erap?
Ang pag I am SORRY ni Tita Cory sa palpak nilang desisyon sa buhay at di sagot sa ating paghihirap ngayon not ONCE, but TWICE ngayon gusto pa ng THRICE…talagang sasagarin na nila upang di na makaahon sa kumunoy ng paghihirap ang Masang Pilipino.
Panahon ni Macoy ang linaw ng estado ng Pinoy, “RICH, Middle Class and Poor?” After EDSA UNO…ano tayo ngayon, kulelat sa ASEAN at kahanay na natin ang Bangladesh at baka nakakaangat pa sila sa atin ngayon.
Ngayon mayroon na atang “F” na kinabibilangan ng mga purdoy na Pinoy na ang pagkain e PAGPAG o di na sayaran ang sikmura ng pagkain sa 3x a day?
The Buzz at SNN – Showbiz News Ngayon!
KandongKantanod, SORRY igan…Dati kaming Kapamilya ang kasi nagbabago ang panahon sapagka’t magkaka-STRESS ka sa mga palabas na walang kwenta (NOT ALL ha) sa DOS, kaya heto lipat-bakod na din sa KAPUSO?
Aba naman, sa halip na mag-enjoy ka sa panonood ng kanilang mga palabas eh magkakasakit ka pa sa puso nito sa kanilang palabas lalo na yang TV Patrol, yang tsismismania na sina Boy/Kristeta at pinasukan pa ng saksakan ng yabang na Wowowie na ang front e yang mga kelot na halos ilabas na ang kanilang alindog?
Anong aral ang mapupulot ng mga musmos at kabataan sa mga walang kwentang palabas na yan, kundi patayan e tsismisan naman at hahaluan pa ng mga kayabangan komo nagkakamal sila ng limpak-limpak na salapi.
Hay naku buhay!
Balweg,
I realise there are grounds for some of your grievances and believe me, I understand why but you are straying from what is fair and just as you go beyond the pale (but before anything else, I would like to make it clear that I’m not at all a fan of Kris Aquino):
Ito naman si Kristeta…lalakero at anong moralidad mayroon yan
Let us be clear… I don’t understand bakit si Kris ay kini-question mo ang kanyang moralidad dahil sa kanyang pagiging “lalakero” — tell me, ano ang pinagkaibahan nila ni Erap?
Kung tatanungin mo ang klase ng moralidad ni Kris on the basis of her paramours, then I expect you DO NOT APPROVE OF the lifestyle of Erap, either eg., his “polygamous relationships”… If so, in order to be deemed fair and just as well as honest, you must say it.
Really, we must be fair and just to be credible. One cannot have two standards of morality, one for Erap and another for others, eg., Kris.
Balweg,
hahaha, parehas pala tayong kapuso…
Ano ang nagawa ni Noynoy? Tanong ko din yan eh… pero titingin ka nman sa kaliwa, kanan, taas at baba… wala naman akong makita… my option pa ba? Kaya eto, si noynoy na nga lang, buti na lang LP sya… may tiwala naman ako kay Mar… higit sa lahat kay Jovito Salonga!
as for kristeta, hindi nman natin masisi yung tao kung ganon na lang mga pinagdaanan nya… talagang may mga tao na pagdating sa pagaasawa… may sinuswerte… may minamalas… walang may kagustuhan non… kung nagmahal ka eh, anong magagawa mo? hindi nman sya bayaring babae… hindi nman din sya nagbabayad na babae… may malaking pagbabago nman ngayon sa buhay nya di ba? Okay naman sila ng pamilya nya? Yung pagbabago, yun ang importante sa lahat… kahit anong nakaraan meron ka.
Comparing Kris and Nonoy, alam nyo, mas bilib pa ko kay Kris!
@Préng Balweg: Tayo’y walang di pagkakasundo sa Wowoweee. Eat Bulaga ang pinanonood ko. Pero hindi mo ako makukumbinseng panoorin si Mike Enriquez! Ańlakas maģ–telecast nang wala man lang suot na salawal ang mukha! Kéhalay! Ganúndin si Arnold Clavio – nagbabalita’y pang–Batibot ang mukha!
Tungkol naman sa political ads, ang data available sa Nielsen Media Research ay nagpapakita na mula Oktubre 2008 hanggang Mayo 2009 ang nagastos ni Villar ay P321,368,167.
May nagsabi sa amin na hanggang Aogosto 2009, umabot na ng P700 milyon ang gastos ni Villar sa political ads.
Si Mar Roxas naman, hanggang Mayo 2009, nakagastos siya ng P256,742,139. kaya sa kanyang pagatras, masasabi na ng “cut losses” na lang siya. Binawasan niya ang pagkalugi.
Si Gilbert Teodoro, ang kandidato ng Lakas-Kampi,CMD, ay nakagastos ng P30,687,695 sa kanyang ads bilang hepe ng national disaster coordinating agency. Maaring pera natin yun.
Someone emailed me this link:
Lourd de Veyra on Noynoy and Kris
http://www.spot.ph/2009/09/17/shut-up-little-sister/
Boy Abunda is a social-climbing Gay.Pa-smart pa ang dating nakakainis naman dahil wala ng ginawa kundi magpurihan sila ni Kris sa mga palabas nila. Pero kung inyong babasahin, sobrang halata na nagpapaka-elitista ang walang hiyang Bading!
Sana ay magpakalbo na ng tuluyan si Noynoy, uso naman ang panot ngayon e. Tsaka para magkamukha na sila ni Boy Abunda, hehehehe!
Tungkol naman kay Kris. Nagtataka ako sa aming mga bisitang galing Pinas. Mga edukada at executive pa ang isa ng Kodak Phil pero gustong-gusto nila ang katarayan ni Kris. Para sa kanila ay open book daw ang buhay ni Kris at what you see is what you get hindi tulad ng iba na hypocrites. Empty daw ang TV kung wala si Kris. Ano ba yan?
Sana nuon pa ginawa ni Romulo ang dapat na postura nya nung nanawagan si Cory na mag resign si Gloria, johnny come lately na sya ngayun. Tungkol naman sa pagsuporta nya kay Noynoy, nadagdag lang sya sa mga elitistang nakapaligid kay Noynoy. Halos wala kang aasahan sa mga “yellow” personalities sa usapin ng social reform, sila din ang mga nakapaligid kay Cory nuon. “Ganyan sila nuon, Ganito pa rin sila ngayon”
Sa aking palagay ay hindi na madaling makumbinse ng “Yellow’s” ang masang pilipino. Alam na ng mahihirap ang panloloko at resulta ng Edsa 1 at Edsa 2, At para sa Edsa 3 naman >> isang “Matapobreng Pananaw” ang kanilang pinairal na lalong nagpapatunay na kinilabutan ang mga elitista sa daluyong ng Edsa 3. Edsa 3 ang tunay na rebolusyon ng mahihirap.
Pabayaan na ninyo ‘yang DFA sec na kamukha ni Joma Sison. Bahala na ang tatay niyang siguradong biling baliktad sa kanyang libingan dahil sa pagiging balimbing na sigurista.
Ito namang si Boy Abunda na kakambal ni Assperon, paniniwalaan pa ba ang ….’yan? Basta’t the price is right, pikit mata ang pagsuporta niyan. Nakalimutan na ba ninyo ang 2004 election? Magkano ba binayad sa kanya ng ….. si gloria?
Abdollah, alam ko inis ka. But please let’s be careful with our language.
Let us be clear… I don’t understand bakit si Kris ay kini-question mo ang kanyang moralidad dahil sa kanyang pagiging “lalakero” — tell me, ano ang pinagkaibahan nila ni Erap?
See, Kgg. AdeBrux…yan ang feeling ni Pangulong Erap, ang walang kamatayan paglibak sa kanyang pagiging babaero, but remember tanggap na ito ng Masang Pilipino kaya nga nanalo yong pobre at landslide pa last 1998…inilampaso lahat ang mga katunggali na madatung at malakas ang makinarya?
Nothing personal sa pagmentioned ko about Kristeta sapagka’t kailangan din mamulat ang mga kapwa-Pinoy na they are not HOLY at akala nila sila lang ang laging tama at mayroong damdamin na pwedeng masaktan.
Simple lang yan na pagpuna sa kanilang personal na pagkatao, pero ano ang ginagawa ng kampon ng Yellow Fever to demonize citizen Erap para di na iboto ng Masa?
Yan ang hirap sa maraming Pinoy…kung makabanat e akala mo sila ang may karapatang mabuhay sa mundong ibabaw pero hungkag ang kanilang one-sided na pananaw sa buhay.
Kung saan sila makikinabang e doon sila at pagpinakinabangan na e que sihoda…yon ang punto ng UTANG NA LOOB?
May kasabihan tayong mga Pinoy na, “Ang BANGAW kapag nakatungtong sa KALABAW e mas mataas pa siya rito!” Yan ang ugali ng remnant ng EDSA 1 & 2 con Hello Garci wannabees?
Magsisipagbangong-puri at gustong papaniwalain ang Sambayanang Pinoy na sila ang karapat-dapat na mamuno sa banas…ano sila sinuswerte, ang bilis nilang makalimot? Sariwa pa at nagdurugo ang bawat puso ng 11 milyong Pinoy na inagawan nila ng Malacanang?
Ilan ang napatay ng rehime during EDSA 3 at yang ABS-CBN and other media outlets e malaki ang atraso nila sa Masang Pilipino.
Kung gusto nilang manalo sa 2010…magpakatutuo sila at wag mang aapak ng ibang tao, gusto nilang manalo pero…Ano ang kanilang ginagawa, kundi libakin ang kapwa nila kandidato?
Kung sa boxing pa e below the belt yan!
Sa aking palagay ay hindi na madaling makumbinse ng “Yellow’s” ang masang pilipino. Alam na ng mahihirap ang panloloko at resulta ng Edsa 1 at Edsa 2, At para sa Edsa 3 naman?
Kgg. Bong, TAMA KA! Kaya landslide ang pagkapanalo ng Pangulong Erap last 1998 ng dahil sa hungkag na pangako ng EDSA 1 sa panahon ni Tita Cory?
Ano bang kabutihan ang nagawa ng Yellow gov’t? Yong simple na lang ang ating sariwain kaibigan:-
(1) Naipatupad ba niya ang Agrarian Reform para sa kapakinabangan ng mahihirap na Pamilyang Pinoy?
(2) On Jan. 22, 1987 – Papaano maipapaliwanag ng Yellow Fever wannabees ang Mediola massacre (called Black Thursday) na ang pawang 13 (napatay) biktima na pawang maralitang magsasaka na galing pa sa dulo ng walang hanggan?
(3)Hacienda Luisita last November 16, 2004, 14 people were killed, including two children aged 2 and 5 years old who died from suffocation from teargas lobbed by the police and army dispersal teams?
(4)On Feb. 10, 1987, 17 people were found dead after soldiers battled New People’s Army rebels in Lupao, 177 kilometers north of Manila and one of the poorest towns of Nueva Ecija.
Ito ang dalawang mukha ng Kamag-anak, inc. Yellow gov’t?
Ngayon itong mga hunyango at balimbing e magkukunwari muli ng Anghel ng Pag-asa upang muling lokohin ang Sambayanang Pinoy. Enough is enough yong 6+6+10 (Aquino+Tabako+Arroyo) =22 years na ginawa nýong pagpapahirap sa Masang Pilipino at ibinaon nýo sa kahihiyan ang bansa na maging tanawin ng buong mundo na ang mga Pinoy e paurong ang takbo ng mga kukote?
Masahol pa sa gobyernong Macoy ang ginawa nýong pagpapahirap sa bayan?
Pag may humirit pa e tsek nýo ang datos kung sino ang pinamaraming pag-labag sa karapatang pantao na nagawa ng bawat rehime.
Heto na nga para di na kayo magresearch pa, after nang termino ni gloria for sure siya ang topnotcher!
#1 > Aquino Gov’t.
#2 > Ramos gov’t.
#3 > Macoy gov’t.
Balweg,
You did not answer the questions!
Hindi ako interesado sa “feeling ni Pangulong Erap, ang walang kamatayan paglibak sa kanyang pagiging babaero,” — also, hindi si Erap ang nag-umpisa ng usapan sa issue ng moralidad ni Kris dito sa blog, ikaw ang nag-umpisa niyan (Moreover, I don’t give a damn about Erap’s being babaero or lalakero…I’ve said it before!)
Ang interesado ako ay sa pag-question mo ng moralidad ni Kris dahil sa sabi mong kanyang pagiging “lalakero” — so ang tanong ko sa iyo ano ang pinagkaibahan nila ni Erap sa moralidad kung iyan ang base mo ng moralidad?
Kung sa iyo ay ‘masama ang moralidad’ ni Kris dahil sa kanyang paging-“lalakero”, ibig mong sabihin ay masama din ang moralidad ni Erap dahil siya ay babaero? Yes or no?
Sabi mo “nothing personal?” I find that very hard to believe when you wrote: “Ito naman si Kristeta…lalakero at anong moralidad mayroon yan”
Again, we must be fair and just to be credible. One cannot have two standards of morality, one for Erap because you idolize him and another for others, eg., Kris, because you don’t like her.
If you want to be credible, you must be consistent.
One cannot have two standards of morality, one for Erap because you idolize him and another for others, eg., Kris, because you don’t like her. -Anna
Talaga! Besides Kris’ indiscretions hurt only herself and family while Erap hurt half of the nation (hinati ko lang ang masa at civil and evil societies).
Tapos na ang panahon ni Erap. Pabalik-balik na lang ang argumento na alam na naman ng halos lahat dito sa blog ni Ellen. Kung tumakbo si Erap, wala namang pumipigil sa kanya at pwede siyang iboto ng mga may gusto sa kanya. Ganun din yun ibang kandidato, iboboto sila ng mga may gusto sa kanila.
11 million nga ang bumoto ki Erap, pero mas higit sa 11 million ang hindi bumoto sa kanya.
@duane: “11 million nga ang bumoto ki Erap, pero mas higit sa 11 million ang hindi bumoto sa kanya.”
Two thumbs up for your comment! 🙂
Ang mga artista ay hindi na ini-isip kung ano ang gagawin o para kanino yong gagawin …. basta’t ang presyo ay tama. Pera pera lang yan.
Pero bakit bumabalik na naman kay Erap ang usapan? Ano 11 million ang boboto kay Erap ulit … di maigi …. panalo na naman ….. paghatihatian na lang yong iba pang boto para hindi naman sila magmukhang kawawa. hehehehehe.
Maiba lang … tungkol sa Liberal Party ni Noynoy
“LP Tinanggalan ng Maskara” — Abante
“Kahit umano noong kasagsagan ng impeachment laban kay Arroyo ay hindi rin umano nakisawsaw ang LP at sa kainitan ng usapin at mismong si dating Senate President Franklin Drilon pa ng LP ang nag-imbita sa Pangulo na ilipat sa kanyang lalawigan ang Malacañang.”
http://abante.com.ph/issue/sep2509/news03.htm
Mulat sapul kakampi pala sila ni Glorya. Kaya pala puro “Noted” si Mr. Kubeta noon. Kaya pala ang gusto lang paimbestigahan ay yong kay Marcos. Ngayon napagdugtong-dugtong ko na …
Kaya pala pilit nilang sinisira itong si Erap (pasensiya na ha at bumalik ulit ako dito sa isyu). Si Erap lang pala ang mortal nilang kalaban. Parte pala sila lahat ng sinasabi niyong “Civil Society” na nagpatalsik noon kay Erap. Hmmmmmmmmmm……..
In fairness naman sa LP, noong unang labas pa lang yun ng “Hello Garci”. Makalipas ang ilang linggo, ng malaman nila na totoo nga ang Hello Garci at medyo tumagilid noon si Gloria, nagkaroon na ng resignation ang Hyatt 10 kasama doon sina Butch Abad, Dinky Soliman.
Mula noon aktibo na sila sa laban kay Arroyo. Kaama naman sila sa impeachment kay Gloria, hindi lang masyadong aktibo katulad nina Chiz Escudero at Allan Cayetano.
Sa kanila lahat na miembro ng LP ay si Kiks Noted Pangilinan lamang ang hindi ko mapapatawad!
Ellen, I can’t help boiling my blood up about that opportunist and ever pretentious gay. Okey pa sa akin ang kaartehan ni Kris kapag napapanood namin sa TFC (dahil walang pagpiliang panoorin) pero ‘yang evident elitist na si Boy Abunda ay tunay na nasusuka ako sa kaplastikan.
I think talent is not given weight sa talk shows sa Philippine entertainment. Basta madaldal parang tama na lang kaya nga halos lahat ng hosts ay baklang walang class ang mga hitsura!
Sorry, may sound discriminatory, pero totoo lamang sa loob ko ito and I have nothing against gays dahil marami din akong naging kaibigan at barkadang bakla during my youth, huwag lamang silang masyadong magmayabang at magmapuri katulad ng Boy Abundang ‘yan na pilit nagpapa-class sa kanyang farting English but obviously ay ginagamit lamang ang media for his own benefit. Balat bulok sibuyas na naman (if you remember Belo-Abunda tirades).
Umasenso dahil sa hard work? Ewan!
Ang alam ko ay ang pagkakaibigan nila ni Kris Aquino (na sinasandalan ni Boy Abunda dahil sa impluwensiya ng pamilya Aquino lalo pa noong buhay pa si Tita Cory) ang nagdala kay Boy Abunda kung ano man meron at ano siya ngayon!
11 million votes for erap? sa kasaysayan ng election ito na ang pinakamalaking margin na nanalo sa kabila ng demolition job sa kanya ng mga elitista. hindi lang naman ngayon ginawa kay erap ang paninira, ginawa na ito nung bago pa sya tumakbo bilang pangulo noong 1998.
Please use the analytical brain.
Yes, Erap got the biggest margin in a plurality election but not in a one-on-one contest. Erap got 40% of the total vote, he was not the choice of the majority 60%. So it cannot be claimed that Erap is the real voice/choice of the people. He won the war, but not the battle.
http://en.wikipedia.org/wiki/Philippine_general_election,_1998
The question is, will Erap be able to do the same after twelve years? After twelve years where the youth vote has greatly increased and some of those who voted for him before already had a change of heart?
Duane,
Marami talagang kandidato sa pagka-Presidente kaya ganun. Kung dalawa lang sila ni de Venecia e di lamang na si Erap ng sandamakmak. Wag mo ng gamitin ang nalytical brain mo.
Kaya nga lalaban ulit si Erap para malaman niya kung nandun pa yung gayuma niya sa mga tao. Wag kang mag-alala Duane hindi mandadaya si Erap kung siya ay papalarin pang tumakbo. Wala sa bokabularyo niya yong mandaya. Lalaban siya ng parehas.
Dalawang partido lang ang maglalaban sa pagka-Pangulo sa 2010 kung papayagan ng SC na tumakbo ulit si Erap …..
Erap vs Civil Society(PaLaKa, LP, NP, NPC)
At kung hindi papayagan … masaya na naman ang “Civil Society” …. sila sila na lang ang maglalaban..
Ay naku, after Ping Lacson’s expose, Erap is now trying hard to make a graceful exit. Kaya gusto makipag-usap with the Noynoy camp.Talks being brokered by Jojo Binay.
Yung kanyang bravado about 99.9 percent on with his presidency is nothing but bravado.
He has lost whatever leverage he had before the Lacson expose. Paano kasi naman gagamitin mo ba naman ang masa appeal mo for personal interest.
What he wanted was to have two slots in the senatroial slate, his man in one of the high revenue-earning agencies and protection from any case to be filed against him.
Hindi na sana siya masyado nagpatagal pa. Dapat noon nagdesisyun na siya to just be a “kingmaker” rather than run again.
Nagpasulsul kasi kina Maceda, na gusto rin lang kumita. Ayan, bagsak niya kangkungan.
duane ganun talaga election, pagsamahin mo boto ng dalawang presidentiable na kalaban nya nuong 1998 ay di aabot sa botong nakuha ni erap, baka si ramos ang tinutukoy mo na nanalo bilang minority president. pero time ni erap 11 million votes against 4 millions at si roco ay 3 millions. kaya pagsamahin mo boto ni roco at de venecia lamang pa rin si erap ng almost 3 million votes.
gabriela ganyan talaga utak ng mga elitista, ganyan katulad mong mag isip. hindi porket sinabi ni lacson ay totoo na, e si lacson mismo ang principal suspect sa double murder case, panahon pa ng MISG marami nang kaso yan ng violation ng human rights. last 2007 election baka di mo alam si noynoy at si ping nagpunta ng tanay para hingin ang endorso ni erap. sila mismo kinikilala nila karisma ni erap sa masa, ngayun wala ako magagawa kung sa tingin nila wala nang silbi para sa kanila si erap. pero isa lang ang totoo, kinatatakutan nila ang kandidatura ni erap lalong lalo na ang mga taga malakanyang.
May punto si Balweg, msgs dated Sept. 24, 2009: Lahat ng mga illegitimate na pangulo na umagaw sa kapangyarihan nagmula kay Cory Aquino ay walang natatanggap na blessings kundi puro pahirap sa atin. Tama na, Sobra na! ito ang slogan ng mga Aquino ibalik natin ulit sa kanila. Noynoy “Tama na, Sobra na”, nagsawa na ang mamamayan sa mga pangakong naipapako.
Lalo pa kaya si Noynoy na walang plataporma sa bayan na laging nasa bibig niya LABAN. Instead of PEACE sign sana. Ibig sabihin ang pinaglalaban ng partidong LP ay away.
Okei lang na si Kris ang front nila sa campaigning ni noynoy pero hindi ibig sabihin si noynoy ang punta nila kundi TITItigan si kris kung pano siya nag ummp… ummmp kay epe at joey… lalakero nga ba!
Tungkol naman sa issue na nakatanggap si Boy Abunda ng P25M galing kay Manny Villar… Totoo nga siguro. Kung matatandahan ninyo minsang ng nagsinungaling itong bading na Boy Abunda at pinagtanggol ang isang adik niyang alaga na si Anjanette Abayari na hindi raw siya nagdra drugs nung mahuli sa hawaii airport… pero after a weeks inamin ni Anjanette na gumagamit siya ng droga.
Sinungaling ka Boy (Kalbo) Abunda kaya tabinge na ang lips mo dahil puro kasinungalingan.