Skip to content

Para saan talaga ang emergency powers?

Nakakaduda itong rekomendasyun ni Energy Secretary Angelo Reyes na bigyan ng emergency power si Gloria Arroyo para matugunan ang problema ng pagkukulang ng elektrisidad na mangyayari daw sa panahon ng eleksyun sa 2010.

Sa ilalim daw ng Electric Power Industry Reform Act (EPIRA) maari daw mabigyan ng Kongreso si Arroyo ng “emergency power”.

Naku po. Kung sa ngayon lang na wala siyang emergency power, kung ano nang katarantaduhan ang pinaggagawa sa bayan at pinagtatapak-tapakan na ang batas, ano pa kaya kung dadagdagan pa ang kapangyarihan niya?

Sabi ni Sen. Aquilino Pimentel, kung sa ngayon pa lang alam nilang magkakaproblema sa kuryente sa sunod na taon, bakit emergency powers ang naiisip nilang solusyun?

Sabi ni Sen. Ping Lacson, “Delikado yan. Parang martial law ang labas niyan.”

Sabi ni Sen. Edgardo Angara mukha nga kinukundisyun ang taumbayan sa kanilang balak. “Kadudda-duda ang rekomendasyun ng emergency power sa panahon ng krisis politika .Baka ibang problema ang gagamitan ng emergency power.”

Ano nga ba ang naka-ambang na problema?

Siyempre ang nasa isip ng marami ay ang kinatatakutan na failure of eleksyun sa 2010.

Kahit na kinuwestyun ng Concerned Citizens’ Movement ang kakulangan sa testing ng Comelec ang automated system na gagamiting sa 2010 na eleksyun, pinayagan sila ng Supreme Court. Kaya hindi natin malalaman kung kaya nga o hindi. Ay kung sabihin natin 30 porsiyento ang walang kuryente at pumalpak? Paano makapag-deklara ng nanalo?

Noong isang linggo, nag-warning si dating Pangulong Fidel Ramos ng kudeta ng mga heneral na malapit kay Arroyo at baka raw hindi matuloy ang eleksyun. Sinundan ito ni Senate President Juan Ponce Enrile na nagbabala na kung sakaling magkaroon ng failure of eleksyun, ang military ang papasok dahil may bakante sa posisyun ng president at bise presidente.

Tapos na ang termino ni Arroyo at Bise Presidente Noli de Castro sa Hunyo 30, 2010. Sa Constitution natin, nakalagay na kapag bakante ang posisyun ng presidente at bise-presidente, and susunod ay ang Senate president at iyun ay si Sen. Juan Ponce Enrile sa ngayun.. Kung walang senate president, ang susunod ay speaker of the House at yun ay si Speaker Prospero Nograles sa ngayun.

Hanggang dyan lang ang nakalagay sa Constitution.

Ang termino ni Enrile at Nograles sa kanilang mga pusisyun ngayon ay hanggang Hunyo 30 din lang. Kung walang madeklara sa posisyun ng presidente at bise presidente (hindi kaagad magkakaroon ng senate president at House Speaker dahil pagpipilian pa yan ng mga bagong halal ng mga congressman at senador), magkaroon tayo ng krisis.

Para dito ba ang emergency powers na sinasabi ni Reyes?

Published inAbanteelections2010Governance

52 Comments

  1. And who holds the energy portfolio?

  2. sandinista sandinista

    Ang unang pumasok sa imagination ko e Burma.. sana naman wag tayo matulad dun na military junta na walang pakundangang pumatay ng mga mamamayan nila wag lang sila mahulog sa puwesto ng kapangyarihan.

  3. chi chi

    Holy Shit! Angie Reyes and Mikey Pidal will just ‘kill’ the lights on the bilangan days!

    Isang makinarya na ang isasaksak sa pinoy!

  4. Tita Ellen nagkaroon po pala ng earth quake sa panay island and mindoro noong friday,dama nga ito sa maynila,i hope everything is well…

    I hope that the elections will run smoothly and no brown outs…

  5. Mike Mike

    Yan na nga ba sinasabi ko eh, imbes na pagtuunan natin ng pansin ang away ni Erap at Ping, dapat nating aalahanin na ang tunay na isyu sa bansang ito ay si Gloria at ang kanyang mga kampon. Di nakakapagtaka na mag labas ng isang scenario ang mga alagad ni Gloria katulad ng isyu ng kuryente. Gusto nilang makondisyon ang utak ng mga Pilipino na magkakaroon nga ng mga brown-outs sa 2010 upang sa gayon ay hindi iisipin ng mga tao na sinadya ang pag brown-out sa araw ng halalan. Ngunit, ngayon palang ay di papasa ang kanilang istradehiya. Matatalino na ang mga Pinoy at di nanila kaya pang lokohin. Dahil alam ng taong bayan na sila ang mga loko-loko.

  6. Mike Mike

    Diba nabanggit din ni Sec. Reyes na kakailanganin ng 3 bilyong piso emergency funds para sa proyektong ito? Aba, mukhang mayroong kikita nanaman ng limpak limpak na salapi.

  7. tru blue tru blue

    Exciting discussions, still limited blogging from where I stand. Europe sucks! Cheers to all!

  8. Tru blue,

    Enjoy your Europe vacation…

    Buking na naman ang emergency power na isinusulong nila.

    Delikado yan kung bigyan mo ng emergency power si Nunalisa,parang isinurender na naman nila ang Bataan.

  9. Mag tandem daw sina Manny Villar at Willie Revillame.
    Binubuo nila ang senatorial slate ng mga ASF dancers dahil ayaw daw pumayag ni Pokwang na kakandidato ng senator.

    Masaya siya kung hindi na raw babalik si Willie sa WOWOWEE.

    Magiging POKWOWEE.

    Ito ang text sa akin ni Bentong.

  10. luzviminda luzviminda

    Wow! Bumubuo na ng scenario ang mga kampo ni Gloria-Ramos. Yan naman talaga ang ultimate solution nila pag hindi nila manok ang lumabas sa eleksyon. Emergency powers! At magagamit na namn ang mga militar at kapulisan. Kaya medyo kampante pa sila sa manok nila sa pagkapresidente kahit na mahina. Yang si Anggulo Reyes ay dapat mag-resign kung may delikadeza! Kaso alam nating sobrang kapal ng pagmumukha nito. Dahil ipinamumukha niyang inutil talaga siyaat hindi o ayaw niyang solusyonan yang sinasabi niyang magiging problema. Hello! Kasapakat ba dyan ang Meralco(ABS-CBN) ng mga Lopez?

  11. luzviminda luzviminda

    Mike: “Diba nabanggit din ni Sec. Reyes na kakailanganin ng 3 bilyong piso emergency funds para sa proyektong ito?”

    Mike, yung 3 bilyong pisong funds eh alam nating magagamit na naman sa eleksyon para sa kanilang MAKINARYA!

  12. chi chi

    It’s Noynoy-Mar for 2010

    (UPDATE) The tandem of Senators Benigno “Noynoy” Aquino III and Manuel “Mar” Roxas II for the 2010 presidential race is a done deal. http://newsinfo.inquirer.net/inquirerheadlines/nation/view/20090919-226019/Its-Noynoy-Mar-for-2010

    OK na sa akin, as if meron choice, hehehe. I’m just waiting for Roxas bago ko ibigay kay Noynoy ang matamis kong OO. Basta huwag lang nilang gawing spookman si Mr. Noted ay committed ako sa kanila. I feel safer with the team.

    It’s a must that they make tutok to the shenanigans of the PALAKA. Heto, gusto nang mauna ni Angie Reyes. Halatado namang masyado ang unang salvo ng planong pandaraya!

  13. luzviminda luzviminda

    Sa palagay nyo ba kung si Noynoy ang maupong presidente ay hahabulin niya si Ramos para panagutin sa mga kasalanan niya sa bayan? Pananagutin niya rin kaya si Gloria na alam naman nating lahat na si Ramos pa rin ang nasa likod at naka-antabay?
    Tuwang-tuwa sila sa mga nangyayari sa ating politika! Lulusot na naman sila!

  14. kitamokitako kitamokitako

    Among the presidentiables, sino sa kanila ang hindi magpapalusot ng mga kasalanan ng mga nauna sa kanila? Kung ma-identify mo LVM, sige yon ang iboboto namin.

    Pwede ba magbigay kayo ng alternative, hindi yong banat lang ng banat?

  15. Tedanz Tedanz

    kitamokitako,
    Nagtatanong lang naman si LVM hindi siya banat ng banat. Ang sabi niya “Sa palagay nyo ba kung si …..”. Di ba patanong?
    Tanggapin natin na hindi tayo pareparehas ng paniniwala … minsan tignan mo rin kung ang isang tao ay naghahanap lang ng kasagutan sa maraming katanungan meron siya …. malay mo pag nakarinig ng magandang kasagutan .. ay magbabago siya. Ganun lang ….

  16. Tedanz Tedanz

    Huwag mong asahan na ang napupusuan mo ay siya ang karapatdapat. Iba iba ang paniniwala. Ganyan talaga yan.

  17. chi chi

    I expect that the good-thinking pinoys, like Atty. Harry Roque, would spearhead the filing of charges against Gloria and her cabal of koraps.

    Mas mabuti siguro na ibigay natin ang tungkulin yan sa mga mamamayan para ma-prioritize ng bagong presidente/pamunuan na ma-jumpstart kaagad ang ekonomiya, at ibang national programs na binaboy ni Gloria.

    Tiyak naman na susuportahan ni Noynoy/Mar and anumang ihahain na kaso sa mga magnanakaw at korap lalo at hinihingi ng kapinuyan.

    Besides, I’m pretty sure na sasalubungin sila ng kaso right after June 30, 2010.

    With Roxas as VP, I don’t doubt that Gloria will have her bad days. Sayang lang ang kanyang “putang-ina”!

  18. chi chi

    May kanya-kanya talaga tayong napupusuan. Kaya ako ay palaging first person ang gamit, not speaking for others.

  19. Tilamsik Tilamsik

    Why not “Emergency Exit” for Gloria…???

  20. chi chi

    Emergency exit to where? Basta lang ba natin pakakawalan si Gloria ng walang kaparusahan sa kanyang mga kababuyan?

  21. Tedanz Tedanz

    Bad ang pamilyang Arroyo dapat silang maparusahan. Inagaw ang puwesto, dinaya ang aleksiyon tapos nagpakasasa sa mga tongpatz. Dapat silang usigin kahit sino man ang manalo sa 2010.

  22. luzviminda luzviminda

    TedanZ,

    Salamat Igan at ikaw ay nakakaintindi sa aking tinuran! Ang gusto natin ay magkaroon ng pagbabago at pag-unlad ang ating bansa. At ang mapabuti ang kalagayan sa buhay lalo na ng mga mahihirap. Hindi maikakaila ang pasama nang pasama at palala nang palalang buhay ng mga Pilipino. Mayaman ang Pilipinas sa agrikultura, pwedeng maging sapat para pakainin ang mamamayan kung tunay at tapat ang gobyerno na tulungan ang mga magsasaka. At maraming ring pera ang kaban dahil sa VAT-VAT na iyan. Pero saan napupunta? Sa mga bulsa at pagwawaldas ng mga mapagsamantala. At sino-sino sila at mga taong nasa likod nila? Yan ang ating pag-aralan at iwasan!

  23. florry florry

    Ang hahabulin ni Noynoy ay ang mga Marcos. Talagang Marcos lang ang kalaban niya. Yon ang laban ng nanay niya na itutuloy daw niya. Yon ang sabi niya noong nagdeclare siya. Wala siyang binanggit na habulin niya ang mga Arroyo o kaya si Ramos.

  24. LVM, take note that I edited you comments and changed the all-capitalized words to small caps.

    As I mentioned before, people here are intelligent. The words need not be capitalized for them to get your message.

    It does not make for easy reading to have a profusion of all-capitalized words . You may make it “bold” if you want some emphasis. It’s less distracting.

    Thanks.

  25. luzviminda luzviminda

    “Pwede ba magbigay kayo ng alternative, hindi yong banat lang ng banat?”

    kitamokitako,

    Ang pagpipilian lang naman natin ay yung mga tatakbo sa eleksyon. Kung ang napupusuan mo ay di naman tatakbo eh walang mangyayari sa alternative na sinasabi.

    Mamili ka nalang pag pinalabas na ng Comelec ang listahan! Ang boto mo di ko papakialaman.

  26. luzviminda luzviminda

    That’s okay Ellen!

  27. Tedanz Tedanz

    “Ang hahabulin ni Noynoy ay ang mga Marcos. ” — florry
    Kagaya rin siya ng kasalukuyang rehimen, nangigigil magkalkal ng mga nakaraan … hindi yong kasalukuyan. Nasa harap na niya ang problema pero gusto pa ay yong nakalipas. Baka nga naman kung hahabulin nga niya ang yaman ng mga Marcoses ay matisod niya ang pumatay sa kanyang ama.
    O baka naman ang mga taong nakapaligid sa kanya ay mga ASO ng kasalukuyang rehiman.

  28. luzviminda luzviminda

    “O baka naman ang mga taong nakapaligid sa kanya ay mga ASO ng kasalukuyang rehiman.”

    Tedanz,

    Di ba mga taga-Liberal Party ang mga kasama sa nagpatalsik kay Erap? Isama mo na ang mga elitista, See-Evil Society, mga kaparian sa pamumuno na ngayon ni Fr. Soc na protege ni Cardinal Sin, mga Ateneans, LaSalista, burgis, at syempre mga negosyante, atbp! Di man sila ASO ni Gloria eh may iba rin naman silang agenda!

  29. Hindi pa ako masyadong mag-react dito dahil hindi ko pa alam kung sino-sino talaga ang tatakbo.Saka na lang kapag final na talaga at nag-file na sila ng certificate of candidacy.

    ito na lang ang Post ko:

    With Teodoro as President, GMA will become Prime Minister for Life!!

    Note: Mga friendship, padala lang sa akin yan, not my own words. Pero makes sense, di ba?

  30. @luzviminda dun sa 13,

    share ako sa concern mo about Noynoy. in fact, medyo nalungkot nga ako when he made the announcement na hahabulin nya nag looted wealth nang mga marcoses but made no mention about arroyo or anyone else. was he playing safe?

    also, halata masyado yong response ni bongbong. sabi ko na nga ba na palabas lang nila yong pag visit ki cory nun eh. say nyo?

  31. Reyna Elena,

    Kung habulan lang ng treasure,mas maganda kong si Madame Auring na lang ang iboto nating presidente dahil alam siguro niya kung saan naitago ang Golden Budha ni Yamashita.

  32. Tedanz Tedanz

    Pakunsuelo de bobo … sinabihan niya yong dati niyang Titser na medyo taliwas yong ginagawa niya sa turo noon sa kanila.
    Ganun pa man second choice ko sila ni Noynoy/Mar ….. siyempre ang first choice ko si Erap kung ito’y tatakbo …. yong iba puro bugok na.

  33. From Lani:

    Noong isang araw ay napakinggan ko si Secretary?? Angelo Reyes ng Dept of Energy(DOE) tungkol sa issue ng power shortage sa isang taon (2010) sa istasyonm ng radyong DZMM.

    Sa haba ng discussion maraming paliwanag si Reyes na laging umiikot lamang kung bakit mayroong power shortage sa year 2010. Kung sabagay, tama lahat ang kanyang mga sinabi, kung ang nakikinig ay pangkaraniwang mamamayan lamang. Pero siya ay ang sinasabing Secretary ng DOE, kaya sa aking paniwala ay hindi siya dapat tawaging secretary ng DOE dahil hindi niya nagampanan ang tunay na tungkulin dilang secretary ng DOE. Is he doing his homework bago siya humarap sa interview sa DZMM? The answer is a big NO.

    Narito ang aking paliwag kung bakit hindi niya nagampanan ang kanyang tungkulin sa DOE.

    1. Ang DOE ay may mandate na tingnan at suriin ang power situation ng bansa, Sila ay may tinatawag na power supply and demand forecast (long term and short term). Bawat taon ay ginagawa nila ang forecast na iyan. Sa forecast na iyan ay makikita kung may kulang o sobrang power sa darating na panahon o future.

  34. Ellen,

    This power shortage scheduled in 2010 — at about the same time as the elections (I suppose power shortage/s is/are likely because of the summer season in the Philippines?) is truly worrying.

    Major power shortages in other countries is enough reason for govt to use “emergency powers” and deploy forces (military or police) stand by just in case of trouble — one step to martial law (and eventually martial law if things go for the worse).

    Angie Reyes, who must be very aware of this particular emergency powers protocol that govts can exercise in case of major power shortages could be:

    Primo: He is genuinely concerned and so, is asking for increased resources by way of an early alert

    Secundo: Remember Angie Reyes has a very extensive spook background and is a master of shady military deals. Add to those, his expertiese in the art of successful mutiny(ing), he is perfectly capable of using his department in order to manufacture scenarios whereby there will be power shortages around election day, vote counting days, tallying time and whatever to create a situation, the opportunity that will require power shortages. Presto: Emergency powers.

    The fact that he is already crying wolf instead of reporting possible solutions to a potential crisis and re-assure the population, especially at this early stage, is highly suspect. His duty is to manage, to plan, to solve crisis, to find solutions and not to whine and moan!

  35. Because Reyes is surely aware that the use of emergency powers in critical situation such as power shortages (broadcast stations, airports, communication systems, hospitals, etc., could grind to a halt) particularly during election/tallying season, foreign govts will not actually be surprised. It will seem the normal thing for a govt to do, this protocol exists in any country, especially in Western countries so the move will have a cloak of legitimacy.

    We therefore must be vigilant. The people must demand reports as early as today, ask him what concrete solutions he has foreseen in the event of energy/power shorage crisis. If he can’t supply a plan of action and report solutions, the people must demand that he be replaced.

    I am not prepared to speculate on the whys and the wherefores of why this govt and their friends are all screaming around about problems and gearing people’s mindset for a declaration of “emergency powers” instead of reporting solutions or what will be done in case it happens, but all I can say is that Angie Reyes is not to be trusted. That man doesn’t move his little finger without a carefully laid out diabolical “plan” in mind!

  36. Ooops,

    Primo: He is genuinely concerned and so, is asking for increased resources by way of an early alert

    BUT we must also remember that Angie Reyes has a very extensive spook background and is a master of shady military deals. Add to those, his expertiese in the art of successful mutiny(ing), he is perfectly capable of using his department in order to manufacture scenarios whereby there will be power shortages around election day, vote counting days, tallying time and whatever to create a situation, the opportunity that will require power shortages. Presto: Emergency powers.

  37. (I’m sleepy…sorry)

    whatever to create a situation, the opportunity that will require, emergency powers.

    nite nite!!!! i’m going to bed… (just came back from a party and am bit tipsy, heh!)

  38. oh no!

  39. Anna, you are so funny. Sleepy, tipsy and blogging!

  40. balweg balweg

    @luzviminda dun sa 13,

    share ako sa concern mo about Noynoy. in fact, medyo nalungkot nga ako when he made the announcement na hahabulin nya nag looted wealth nang mga marcoses but made no mention about arroyo or anyone else. was he playing safe?

    Ellen, yan ang hirap kay Yellow Fever…Why? In 20-years ni Macoy sa Malacanang almost around 20B US$ lamang ang naging utang ng bansa…IN & OUT x magkano lang ang palitan noon compare sa winaldas ng rehimeng gloria na umabot more than 2 trillion Pesos? BOPOL talaga itong si Noynoy…ko mo ba na tinodas yong Daddy yoh niya ng rehimeng Macoy e yan na lang bang ang aasikasuhin niya?

    Common sense naman, wala nang katapusan ang storya ng Marcos-Aquino nightmare?

  41. balweg balweg

    Was he playing safe?

    Kaya di tayo maka-usad sa hirap e yang Yellow Fever ang dahilan ng lahat kung kaya ang Pinoy e nag-aaway away sapagkat ang remnant ng EDSA Dos against Marcos loyalists at heto sinundan pa ng mga rebeldeng sundalo vs. Tita Cory’s regime at ang pinaka worst and EDSA Dos na siya ngayong multo na nagpapahirap sa ating lahat?

    Ang Mendiola, Hacienda Luisita and Lupao Nueva Ecija masaker na halos ang biktima dito e Masang Pilipino? E bakit noong naka-upo ang Nanay niya for 6-years + Tabako + gloria e puro kabulastugan ang performance ng PCGG at nasaan na yong pera na nakuha nila kay Macoy?

    Ang mga diamonds at golds ni Imelda e hawak na nga nila ah at yong mga ari-arian naman na kinumpiska ng gov’t e hayon nangasira na…sayang di na pinakinabangan?

  42. Tedanz Tedanz

    Etong si Anggi Reyes na ito ay utak galunggung. Kaya nga palipat lipat ito ng assignment. Hindi nga lang matanggal ni Glorya dahil kung hindi sa kanya hindi siya makapag-payaman ng husto. Pati mga anak ay naging Congressman at puro multi milyonaryo na at may ari-arian pa sa Amerika. Bosses lang niya ang pamatay niya. Yan ang taong Bopol at traydor. In short … walang alam.

  43. Tedanz Tedanz

    Kaya Noynoy huwag ka ng lumayo pa … nasa Malakanyang lang ang problema natin. Unahin mo muna ang mga taong ito bago mo balingan ang yaman ng mga Marcoses. Bakit nga Marcoses lang … ang Tito mong Danding ayaw mong imbestigahan? Si Ramos at Enrile ayaw mong imbestigahan din. Baka pag pinagsama-sama lahat ang yaman ng mga taong ito ay puwede mo ng bayaran ang mga utang ng Bansa natin.

  44. saxnviolins saxnviolins

    Two birds with one stone ito – No El plus tongpats.

    The country’s total generating capacity from existing power plants is 15,000 megawatts (MW). But the dependable capacity, meaning those from plants that could be relied on to supply electric power continuously, is only 13,000 MW.

    Two gig lang pala ang kulang throughout the archipelago. Remember that this is a no-working day. Take off the demand of industries, tiyak na sapat na ang supply.

    Magsinungaling ka naman nang kapani-paniwala.

    Reminds me of the Enron manufactured brownouts in California. Read the Enron tapes in wikipedia.

    The DoE earlier noted that from 2010 to 2014, the Philippines’ energy capacity requirement is from 3,620 to 3,659 megawatts. Luzon alone has energy requirement from 1,950 to 1,989 megawatts.

    Wow tongpats. Puwede na namang mag-BOT. I remember back in the 90s, a NAPOCOR engineer/lawyer classmate (now with Sycip law) told me that the price was $5 million per megawatt. Imagine the tongpats here. Talo ang NBN.

    That was the time another friend met Congressman Dante Tinga (yes the justice). Namamadrino ng power plant. I don’t know if he got to “sell” one.

  45. Al Al

    Nabalitaan ko rin nga yung sideline ni Tinga na yun. Inggit lang tayo. He went on to become Supreme Court justice. Mas malaki ang negosyo doon. he is now retired and is planning to run for mayor of taguig. His son, currently the mayor, will run for congressman daw.

    I read here that one of the magdalo officers, Capt. James Layug will also run for that congressional seat. Same with son of DOE Secretary Angelo Reyes.

    Pareho palang oil money ang kalaban ni Capt. Layug. Mukhang mahirap ang kalaban.

  46. Tedanz Tedanz

    Basta’t tongpats … dito magaling ang administrasyon na ito. Sinasagad nila talaga ng husto. Kakulangan ng elektrisidad ay eksakto pa sa eleksiyon ng 2010.
    Galing nila talagang mag-forecast ……

  47. Tedanz Tedanz

    Noon ko pa ini-isip ito na bakit yong mga ex-General na Sekretari ni Glorya ay puro doon sa may pinaka-maraming proyekto ng Gobyerno kagaya ng hawak nitong sila Mandoza, Ebdane at Reyes? Para ba bantayan ang mga Departamento nila sa mga tiwaling mga empleyado? Baka naman sila ang tiwali dahil wala naman silang nahuhuli. Siguro ang yayaman na ang mga taong ito.

  48. Dapat kasuhan sina Reyes at Gloria ng economic sabotage. Sila ang dahilan kung bakit napakataas ng halaga ng kuryente sa Pilipinas. Ang resulta? Kawalan/Nagaalisang mga investorsn siyang nagbibigay ng hanapbuhay. Dahilan rin upang iwan ng mga Pinoy ang kanilang mga pamilya at mag-OFW na lang.

    Bakit economic sabotage? Narito ang ilang dahilan:

    http://www.businessmirror.com.ph/05192008/opinion04.html

    Under Section 35 of the Electric Power Industry Reform Act (Epira) “the provisions of Section 79 of Commonwealth Act 137 [CA No. 137] and any law to the contrary notwithstanding, the President of the Philippines shall reduce the royalties, returns and taxes collected for the exploitation of all indigenous sources of energy, including but not limited to, natural gas and geothermal steam, so as to effect parity of tax treatment with the existing rates for imported coal, crude oil, bunker fuel and other imported fuels.”

    In eight years of Epira, to the detriment of consumers, Arroyo has been flagrantly derelict as she perpetuates hefty royalties added to the government’s 55-percent slice on purchases of indigenous natural gas. Suicidal, we are the only economy that cannibalizes itself and inflicts royalties against its citizens.

    After fleecing, an additional P1.50/kilowatt-hour (kWh) to P1.60/kWh, or over P30 billion in royalties leaks from tariffs into Arroyo’s tin box. Without surcharges, or effectively, a government overcharge, that energy would have been priced substantially below alternatives and would otherwise catalyze economic activity. The plowback would have been through increased income taxes or a consumer-driven economy.

    Imagine , P30B in OVERPRICED tariff; kung bakit hindi ko malaman kung bobo o tuso itong dalawang ito at ang presyo ng taripa ng Natural Gas na sariling yaman ng bansa ay kasing presyo ng taripa ng langis na binibili natin sa mga Arabo.

    Swapang talaga. Swapang.

  49. luzviminda luzviminda

    Maraming pwedeng paggalingan ng enerhiya para sa pangangailangan ng ating bansa tulad ng mga windmills. Mayaman ang bansa sa libreng hangin dahil napapalibutan tayo ng mga dagat. At sa dami din ng basura pwede ring magtayo ng incinerator na nature friendly. At dagdagan pa ang mga geothermal plants. Pero bakit hindi ginagawa ito ng gobyerno? Marahil ay sa laki ng nakukuha nilang under the table deal sa mga Kartel. Nakakalungkot nga na malaman na mas mahal pa ang binabayaran nating kuryente kesa sa mga bansa sa Europa per kilowatthour dahil sa dami ng kung ano-anong charges sa ating electric bills. Lumalabas tuloy na hindi itong mga kumpanya ang namumuhunan sa negosyo kundi ang taong bayan! Aba eh dapat lahat tayo ay mga stockholders at entitled sa share of income!

  50. Dapat kasi may Engineering background ang nasa position na katulad ng Energy Department upang solution-oriented ang approach, hindi upang kumita lang.

  51. duane duane

    Palagi ko nababasa sa ilang posts ang Masang Pilipino. Pakilinaw lang po kung ano ang ibig ninyong sabihin sa Masang Pilipino. Kung ito ay ang partido, PMP o ang karamihann ng mga Pilipino?

Comments are closed.