Malaki ang epekto sa pulitika ng pagkamatay ni Pangulong Cory Aquino at sa nakita nating pagpupugay sa kanya ng bansang Pilipino.
Tumaas ang paningin ng taumbayan sa pamilyang Aquino at ngayon ay pinag-uusapan na baka tatakbo si Nonoy Aquino bilang bise-presidente o presidente.
Malaki naman ang dagok sa administrasyong Arroyo. Nagmu-mukhang palubog na ang barko na kanyang pinagyayabang noong kanyang state of the nation address tuloy-tuloy ang biyahe.
Nag-resign si Ralph Recto bilang socio-economic planning secretary noong Martes. Maghahanda na raw siya para sa kanyang pagtakbo ulit bilang senador.
Napa-aga yata ng masyado ang pag-resign ni Recto. Sa Nobyembre 30 pa ang deadline ng filing ng certificate of candidacy. Hindi kaya dumidistansya na sya kay Arroyo para mabawasan ang baho ng pagkadikit niya sa kanya? O kaya nagsisiguro na lang siya na hindi siya masama sa palubog na barko ni Arroyo kaya siya tumalon na kaagad?
Pumunta si Recto, kasama ang kanyang asawang si Vilma Santos, gubernador ng Batangas at anak sa burol ni Pangulong Cory Aquino sa Manila Cathedral. Tumagal sila doon ng mga isang oras. May balita rin ngayon na si Vilma ang gaganap sa papel na Cory sa pelikula na gagawin tungkol sa buhay niya.
Alam naman ngayon ng lahat ang hidwaan ng pamilyang Aquino kay Arroyo. Kaya nga hindi tinanggap ng mga Aquino ang alok ng Malacañang na state funeral at ayaw nilang papapel pa si Arroyo.
Alam naman natin kung gaano kalamig ang pakita ng pamilya kay Arroyo nang pumunta siya sa Manila Cathedral. Swerte siya na sibilisado ang mga Aquino. Hindi siya binastos.
Alam naman ng lahat na dikit ang mag-asawang Recto kay Arroyo. Siguradong nakita ni Ralph ang nakapanindig balahibo na libing ni Cory kung saan pinakita ng sambayanan ang kanilang pagmamahal sa dating pangulo na namuno ng mga martsa laban sa pambabastos ni Arroyo ng Saligang Batas.
Pulitika lang ito lahat. Noong 2007 eleksyun, pinili ni Recto na tumakbo sa ilalim ng tiket ng administrasyon. Siyempre masarap ang buhay nila doon. Kukunti lang ang gastos dahil sagot lahat ng administrasyon. Malamang pera pa ng taumbayan ang ginamit nila dun.
Talo si Recto kahit na bilang re-electionist lamang siya sa ibang kandidato dahil kilala na siya. Kaya lang kilala siyang dikit kay Arroyo.Naleksyun na siya kaya habang maaga, dumistansya na siya. Baka sumama pa yan sa tiket ng kanyang kaibigan na si Manny Villar ng Nacionalista Party.
Hindi na-impeach si Arroyo ng House of Representatives dahil sa perang ibinuhos niya sa kanila, Pera-pera lang ang basehan ng samahan ni Arroyo at marami sa mga pulitiko na dikit sa kanya.
Kapag alam ng mga pulitko na yun na malabo na si Arroyo magpapatuloy sa kapangyarihan lampas ng 2010, magsitalon na rin yun yun sa kanyang palubog na barko.
Oras na naman ng balimbingan.
Lifejacket ang kailangan nila hangat maaga. Malapit na ang Poseidon adventure. Join our Facebook with Ellen. Thanks.
tumpak!
dapat managot din sa bayan ang mga nakinabang ng husto kay queen gloria, mga tongressmen, senatong,sepsetaries,local politicos/ trapos at ang buong malacanang mafia at arroyo corrupt-poration…DERECHO SA BILIBID!
sana wala ng puwang sa ating lipunan ang mga balimbing at trapos…matuto na sana tayo sa paulit-ulit na pagkakamali sa mga hunyango, buwaya, baboy at buwitreng politicos na nagpapahirap sa ating bayan.
kaya nga ngayon ay kanya-kanya na sila ng kurakutan sa kani-kanilang ahensiya at departamento para mas madaming tongpats at pera sa susunod na eleksiyon.
papalubog na nga ang barko ni queen gloria,dahil kung mapapansin nyo daming tuta niya ang tatakbo sa local at national posts…nawili sa luho at masarap na buhay sa pag-aalaga ng kanilang reyna kaya pipilitin na makapuwesto pa para tuloy-tuloy ang ligaya ng mga damuho!
matuto na sana tayo, sa papalubog na barko ni queen gloria ay wala sanang sagipin o kaawaan sa mga balimbing at trapos.
NO TO TRAPOS 2010!
Wala na atang claro ngayon sa mga Recto. Personal daw ang reason kaya nagresign accdg to Madam Brenda. Baka sabihin niya later on na reason ay dahil kay Gloria. Sa six years na hindi na siya senator, five years pro administration, one year and the last year para sa teka teka, saan kaya ang maganda? Marami silang ganyan.
Nakaramdam nang palubog na ang barko. Tiyak umpisa na ang pagdya-jump ship ng mga patapon ni Gloria isa-isa. Just we wait and see.
I hope di na paloloko ang mga pilipino. Sabi nga, “Once bitten, twice shy!”
after this wag na tayo’ng magpaloko.
who’s next to jump ship kaya?
Isaac H,
Hindi life jacket ang kailangan nila kundi lubid na pambigti dahil wala na silang pupuntahan. Makaligtas man sila sa paglubog ng barko ni Lola Dapangdedeng sumingaw na, ngalit ng taong bayan ang naghihintay sa dalampasigan o saan man sila umahon.
Natatakot silang sagpangin ng kapwa nila gutom na pating sa dagat at mga buwayang nagngingitngit dahil sinapawan sila (mga buwaya) sa kahayukan at kasibaan.
Kaya, mas maigeng magbigti na lamang sila upang hindi na nila maramdaman ang hapdi ng ganti sa kanilang ipinalasap na pambubusabos sa sambayanan.
Nagpasasa na sila, nagpasarap, kaya marapat lamang na pagbayaran nila ang lahat!
Sino ba ‘yung Ralph Recto na ‘yan?
Katulad ng mga Perez, Mendoza, Ermita, Mandanas at iba pang sumabit sa umaalingasaw na saya ng masibang babae sa malakanyang, TAE na ang turing sa kanila ng mga Batangueno.
Baka nga kung kakandidato muli si Vilma sa 2010 bilang gubernadora ng Batangas ay ilampaso na siya ng makakatunggali niya.
Kakandidato uling senador si Recto?
TANGA ang muling boboto sa ungas na ‘yan.
Huwag kalilimutan ang batas na nagpahirap sa atin, courtesy of that glutonatic Ralph, ang ebak, este E-vat!
Baka wala ng makurakot na pera kaya napaaga ang pag-resign, nalimas na ng kapwa niya buwaya na nagpahirap sa mga mahihirap. Raplh Recto wala kang maasahan boto sa aming pamilya ikaw ang dahilan kaya lalong nag hihirap ang mga mahihirap dahil sa E-VAT mo.
grabe ang bumabatikos sa kanya… pero nakakairita na talaga sya..
who’s next to jump ship kaya?
MBW,
Pls. reminder-kapatid ito, keep your listahan at itatala natin ang lahat ng mga trojan horses at attack gloria para sa 2010 walang isa man sa kanila ang dapat iboto?
Magkakanya-kanya ng lipat-bakod yan kaya maging aware tayo sapagka’t yong mga hunyango pag nalipat sa ibang bakod e mag-iba din ang kulay pero ang takbo ng kukote e kurap pa din.
Watch out!
grabe ang bumabatikos sa kanya… pero nakakairita na talaga sya..
Ngayon lang aLINE,…matagal na tayong pinaglalaruan sa kanyang palad at sinungaling na dila? Dapat lang na ma feel mo ang nagpupuyos na galit ng Masang Pilipino sa talamak na pangloloko ni gloria et. al.
Ginagawa nilang tonto ang Pinoy, ko mo pinagtitiisan natin ang kanilang kabuktutan e heto di tayo makahirit sapagka’t suportado siya ng mga sundalo at pulis-patola na walang mga isip?
Akala nila excempted ang kanilang pamilya sa mga problema dulot ng kawalanghiyaan ng rehime.
Latest Government Debt, utang nga bayan:
US$ 88,451,058,478.31 Billion Dollars!!!!
ulangya ka Gloria!!! Mamatay kana sana bago mag 2010!!!
KARMA KARMA LANG YAN!!! Dahil sa E-VAT ni Recto pasakit sa mga tao, hindi pa rin sya mananalo!!! Balimbing sya!!
Nakasilip si Ralph Rectum ng magandang plataporma kung saan niya itatayo ang bandila niya. Gagayahin niya ang estilo ni Enrile na lalabanan niya ang mga makapanyarihang kumpanya ng kuryente para maibaba ang singil. “Problema mo sagot ko” at konting Hello Garci at nanalo nga siya. Ngayon naman ay tax sa Natural Gas ang target ni Enrile para mapababa ang singil ng kuryente.
Ang kaibahan ni Enrile, pinanindigan niya yung laban na iyon. Sumuko na ang lahat ng kakampi niyang lumaban sa EPIRA ni Sonny Osmeña. Hanggang ang buong Senado ay nakiusap sa kanya na sumuko na dahil nag-iisa na siya. Saka lang siya bumigay.
Si Recto ay gagamitin ang isyu ng presyo ng gasolina at krudo na siguradong sasakyan ng mga drayber, pasahero estudyante habang ang biktima ng kanyang adbokasya ay ang masunuring si Angelo Reyes. Okey lang na makipagdramahan siya, tutal tapos na silang lahat sa 2010, e di papanaluhin na lang niya si Recto na kakosa niya.
Inuulit ko, DRAMA LANG IYAN.
Dalawa pang kainan ang ginastusan ng mga sugapang patay-gutom ang inamin mismo ng mga kasama nilang Congressman. Si Villarosa, sinabing kumain sila sa Bouley’s Restaurant pagkatapos ng misa sa St. Patrick’s para sa Wedding Anniversary ng mag-asawang dupang.
Samantala, si Cong. Mandanas naman ay umaming nag-dinner sila nung gabi ring iyon sa Wolfgang’s Steak House, na nasa New York din. Kasama sa selebrasyong inamin ni Taba sa reporter ng Bulletin na siya raw ang gagastos. Kung maaalala ninyo, habang nagsasalita si Taba sa labas ng St. Patrick’s ay hinatak siya ni Putot ng palayo sa media.
Pag lumabas bukas makalawa ang halaga ng ginastos nila sa dalawa pang kainang ito ay mahihirapan na silang magpalusot.
Sa loob ng walong taon na panay ang biyahe ni Putot, (hundreds of trips na diba?) kada kain ba ay isang milyong piso ag halaga? Magkanong lahat iyan?
What will gloria do to save the boat from sinking? Magbigti? No, but her evil mind would say ” i’ll have to jettison the cargoes and passengers to save the boat from sinking”.
Mahabaging langit, baka maraming isakripisyo ito.
Pakonsuelo de bobo iyong mga expensive meals daw in lieu of a state dinner na hindi ibinigay ni Obama na inasahan pala ng mga kumag na gustong makapaglitrato sa White House.
E bakit naman magkakaroon ng state dinner e hindi naman state visit ang pagpunta ni Pandak doon? Kinalampag lang niyang mabuti iyong ambassador niya doon sa Tate for an audience with the US President na pinagbigyan na siya finally para tumigil na siya ng pag-i-stalking niya kay Obama.
Kaya nga pati media doon di pansin ang bisita niya. Mas pansin nila iyong pagwaldas niya ng pera ng bayan niyang naghihirap dahil sa kaniya, at ginagawang pangsalba ang mga kababayan niyang inaalok niyang maging katulong at puta kung saan-saan na pinapasyalan nilang mag-asawa at mga alipores nila.
Patalsikin na, now na!
Tongue:
Unang bisita pa lang niyan sa Tokyo, in fact, sinulat ko na sa mga blog ang gastos doon sa mga pabongga niya doon sa mga pilipinong niloloko nila. Maliit ang 60,000 dollars na gastos sa isang lavish dinner charged to the Philippine Embassy kaya lalong tumaas ang mga fees doon.
Balita ko pa nga, iyong mga nasa malayo, bayad pati pamasahe nila. Ganyan din ang ginawa noon sa Rome, before 2004 na di natuloy dahil sa brownout doon. Buses for Filipinos all over Italy, binayaran ng Philippine Embassy doon para hakotin ang mga pilipino at sabihing popular siya at siyempre, nangangampanya ang ungas, gustong denggoyin iyong mga pilipino doon na iboto siya noong 2004.
Kung kukuwentahin ang mga nilustay ng animal, puede nang makapag-aral sana ang lahat ng mahihirap na bata sa Pilipinas, etc.
Maliban pa doon sa mga kinakain ng mga animal, dapat bawiin na ang mga ninakaw ng mga ungas na nakatago doon sa LT building ng mga Pidal at mga bangko nila sa ibang bansa. Dapat harangin iyong mga statements na nanggagaling sa mga banko nila para malaman kung magkano na ang mga na-money launder nila.
Bakit di iyan maimbestigahan ng mga bobo ha?
Recto E-Vac, luma na yan.
buhay pa si gloria, inaagnas at nangangamoy na baho nya! magsi-resign na kayo!
“who’s next to jump ship kaya?” —- mbw
Si Neri magpapatiwakal na daw siya. Tatalon mula sa roof top ng SSS Bldg. sabay sigaw ng Darna!!!!!
si alex magno, kolumnista sa philippine star ang susunod na babalimbing. sunud-sunod ang papuri niya ngayon kay cory aquino. mukhang nagpapalapad ng papel kay noynoy at kris.
iyang si vilma santos, isa sa mga gobernador iyan na tumanggap ng 500,000 na piso sa pulong noon sa palasyo, kasabay ni panlilio ng batangas. walang kaimik-imik. mga batangueno ibasura yan sa susunod na halalan.
KOREKSYON: panlilio ng pampanga
nice one kaibigang isagani…
mas maganda siguro mabisto na mga kawatan sa gobyerno – local politicos,tongresmen, senatongs, sepseptaries at trapos…at huwag natin tigilan hanggang sa 2010 ay ipakita natin na ang boses pa rin ng mamamayan ang higit na makapangyarihan kesa sa kanilang pansamantalng mga posisyon…
sinimulan na ng us media at papitik-pitik pa lang…hintayin pa natin yung mga nakakagulat na expose courtesy of cia
at ang lipatan ng mga balimbing at hunyangong politicos, media men, at ibang nakikinabang kay queen gloria.
ibulgar na natin mga kaibigan ang kani-kanilang baho at tagong yaman…di ba sec. angie reyes, di ba sec. mendoza, di ba sec. yap, di ba sec. esperon at iba pa, saan galing ang pondo ninyo para sa 2010 election?????
ang malakihang negosyo ng smuggling,sino ba ang nakikinabang ngayon???? daming tongresmen ang kasosyo ng mga custom officials,sana mabulgar na rin…simulan natin ang pagsasaayos ng isang malaking pagkakamali at sana…sana matuto na tayong kumilatis ng mga hybrid na buwaya at mga adik sa pera at kapangyarihan!
unti-unti pero lumalakas ang ingay ni juan dela cruz laban sa malacanang mafia at arroyo corrupt-poration!
NO TO TRAPOS 2010!
mga kaibigan…
heto ang isang matinding joke galing kay usec kilayless,nokor pres. look-alike anthony golez na “character assasination at paninira” lang daw sa kanilang mahal na pangulongng si queen gloria ang mga bagong isyu?????
character assasination???? eh wala ng maibabatong dumi kasi pag-upo pa lang gumawa na agad ng dumi (2001-impsa deal usd14M kickbacks/ USD2M kay nani bigote at yung balanse nadeposit na sa account ni kingpin pidal)at hanggang ngayon, yung pagkaganid sa pera at kapangyarihan ay patuloy pa rin
paninira??? eh sira na nga di ba? kaya nagpa-repair na sa asian hospital at puro leak na ang unexplained wealth, lifestyle excesses at corruption scandals
talaga ‘tong si anthony golez comedian, pag wala na si queen gloria sigurado sa comedy bar ang bagsak ng mamang ‘to galing magpatawa eh…corny nga lang
NO TO TRAPOS 2010!
si alex magno, kolumnista sa philippine star ang susunod na babalimbing?
AG, BALIMBING yan! Tuta yan ng rehimeng Arroyo, di pwedeng pagkatiwalaan.
Di na kailangang pag-aksiyahan ng panahon ang tulad ng taong yan, traydor din at walang paninindigan?
ang tagal ko ng hinihintay ang paglubog ng barkong ito pero parang palitaw, lulubog lilitaw. pag tuluyang lumubog iyan ay talagang piesta ng bayan.
In the light of Cory’s death, brother Jose “Peping” Cojuangco and sister in law Tingting should now submit long overdue resignations. How can you serve under a President, your sister asked to resign?
—Remember Kamag-anak Inc. and the White Lady during the time of Cory?
Matapos tumalon ng barko si Recto at bumaliktad na si Luis Villafuerte para tulongan daw si Chiz Escudero sa pagkandidato nito for President, ito ang mga susunod na babalimbing:
1. Gary Teves ng Finance – hindi makatulog sa insultong mas mahalaga sa kanya si Medy Poblador sa pag courtesy call kay Barack.
2. Gibo Teodoro ng Defense – na realize niya hindi buo ang tiwala at tanggap sa kanya ni Evilbitch.
3. Alberto Romulo ng Foreign Affairs – Ma-i-influence ito ng sinabi ni Albert del Rosario kahapon na ibig mag declare ng Martial Law itong si Evilbitch noong 2006. Dahil may principyo, aaminin nito na totoo ang sinabi ni Albert at siyempre, there will be a clash between him and Malacanang.
4. General Victor Ibrado – dahil na-i-insecure siya sa kanyang term being the Chief of Staff, AFP, he will relinquish his post abruptly to Evilbitch’s favorite general, Delfin Bangit. Military will not be happy with this.
5. Raul Gonzales – bibigay ang kidney na bigay sa kanya ng driver niya. He will just disappear silently in this world.
6. Martin Romualdez – the Marcoses will ask him to lie low. No more dikit to the Evilbitch or to her sons.
7. Mirriam Santiago – will align herself with Manny Villar. Malaki utang niya hindi makalimutan.
8. Juan Ponce Enrile – will align with Erap. Hanga siya sa kasikatan ni Erap kahit saan pumunta.
9. Prospero Nograles – makikipag alyado ito kay Joe de Venecia uli dahil sa kanyang baluarte sa Davao, lalampasuhin ito ni Duterte.
10. Cerge Remonde – mag re-resign ito sa grabeng pressure ng pagtatakip sa Malacanang. Bibigay ang konsinsya niya.
The outpouring of love for Pres. Cory was a poignant reminder of her goodness but I also saw in it a veiled message to the evil bitch that she should emulate Pres Cory who decided to step down after her term ended.
grizzy, kaya naman kampante kami pag nandiyan si Putot ay alam naming hindi ka magpapabaya. Salamat.
Pera-pera lang ang basehan ng samahan ni Arroyo at marami sa mga pulitiko na dikit sa kanya.
Oras na naman ng balimbingan.
marami sa pilipinas nito kaya di tayo umaasenso naghihilahan pa.
Sa loob ng walong taon na panay ang biyahe ni Putot, (hundreds of trips na diba?) kada kain ba ay isang milyong piso ag halaga? Magkanong lahat iyan?
Ang magnanakaw kapag nahuli mo first daw yun ganon din ito first time.
Sige, kalampagin mo nga ang bruha. I’m sure na laging malaki ang gastos niya tuwing biyahe. If not for New York Post and Washington Post who exposed it, hindi naman natin alam. So, why should Malacanang get mad at media?
Malapit na ang katapusan mo bogus president…pagbaba mo sa nakaw mong puwesto, kinabukasan ay susunduin ka na at ihahatid ka na sa tanay, rizal para makulong sa salang plunder, corruption, treason, election cheating, human rights abuses/violations, ill-gotten wealth, lying, betrayal of public trust, etc… bwahahaha! susunduin ka na ni satanas kasama si jose pig pidal
kaibigang gapoboy…mas dapat sa bilibid, mas balasubas at abusado ang rehimen ni queen gloria…mas malala ang katiwalian at pandarambong at pang-aabuso sa karapatan ni juan dela cruz…sa bilibid hard labor habambuhay at walang pardon para madala ang mga future magnanakaw con politicos con public servants kuno
NO TO TRAPOS 2010!
Dapat gawin sa mga sipsip na tauhan ni GMA pag wala na sila sa pwesto.
SERGE REMONDE: babawasan ko ang Labi niya para di gaanong sumasabog ang laway niya pag nagsasalita.
ANTHONY GOLEZ: lalagyan ko ng Tattoo ang kilay niya para di ako naiilang pagtinitignan ko siya sa TV . Akala ko kasi may diprensiya lagi ang TV ko.
LORELEI : papadala ko siya sa afganistan at isasama ko siya sa sampung taliban sa kulungan na di pa nakakakita ng babae…para naman mag enjoy siya sa buhay niya.
At si FG :
Ipapa-Lypo ko siya ng walang anaestesia…
mas malupeeet ka kaibigang bobitz…na-imagine ko c kingpin pidal habang nila-lipo ng walang anaesthesia at si lorelie kasama ng mga taliban hahahaha
Naunahan ako ni Isagani Gatmaitan, anyway uulitin ko. Si Vilma Santos kasama sa nabigyan ng 500,000 ni Glueria nung panahon na nagiingay si Gov. Panlilio eh tahimik lang sya.
Dapat itong ipaalam sa lahat na kunyari lang iyang si vilma santos.
Wala namang naniniwala diyan kay Vilma Recto, eh.
Mabuti pa noong siya ay si Vilma Santos, bilib kami sa kanya. Nang mawalan ng direksiyon ang takbo ng utak niya bunga nang pagmamaniobra nitong si Ralph Puwet ay nawala na rin ang respeto sa kanya.
Kung diyan lang sa Pinas ako bumoboto, hindi ko isusulat o iisipin man lamang na ilagay sa balota ang Vilma Santos-Recto.
Tsk. tsk. tsk.
Ngayon ay naniniwala na ako sa mga sinusulat ni Alfie Lorenzo, ‘yung bading na kolumnistang matindi ang banat kay Vilma kanya dahil sa pagkakaroon niya ng masamang attitude.
Sayang, paborito pa naman ni Tongue.
Hindi kasi Vilmanian si Tita Alfie. Ralp Santos has a place in NP ticket. Makakasama niya si Willie Revillame. Showbiz talaga.