Sa Martes, magkakaroon ng martsang protesta kontra Con-Ass sa Manila.
Sa halip na matagalang rally sa isang lugar, martsa naman ang gagawin ng mga lumalaban sa balak ni Arroyo na pagpalawig ng kanyang panatili sa kapangyarihan sa pamamagitan ng illegal na Constituent Assembly.
Ang martsa ay manggagaling sa dalawang parte ng Metro Manila alas-kuatro ng hapon. Mayroong magsisimula sa Quezon City welcome Rotonda and meron din na manggagaling sa Vito Cruz, Manila. Magkikita-kita sa Liwasang Bonifacio mga alas-sais ng hapon. Magkakaroon ng maigsing konsyerto ng mga makabayang awitin.
Marami ang nalulungkot na hindi na lumalabas ang mga tao para mag-rally. Hanggang Facebook na lang kung saan sobra 100,000 na ang pumirma sa laban sa Con-Ass.
Sa Facebook kasi, madali lang. Click mo lang ang “Join cause”, naipakita mo na ang iyong damdamin.
Ibig sabihin noon sa puso at sa isip, alam mong hindi tama ang ginagawa ni Arroyo. Maganda naman yun dahil hindi mo naman i-click ang “Join cause” kung hindi ka naiinis sa pambabastos ni Arroyo.
Ang mga nakaka-pag Facebook ay masasabi nating medyo nakaka-angat sa buhay dahil kailangan mo computer at internet bago ka makakapag-Facebook. ‘Yan ang medyo nakakalungkot dahil ibig sabihin noon, ang mga pumirma sa “No to Con-ass” ay hindi pinu-problema ang pamasahe papuntang rally.
Kaya bakit sa rally ay swerte na kung may 20,000? Karamihan pa doon ay mga mahihirap na nakikisakay lang sa mga libreng sasakyan na nire-renta ng mga rally organizers para naman hindi na nila gagastusin ang kanilang pambili ng pagkain sa pamasahe.
Iinis tayo kay Arroyo ngunit parang hindi pa rin natin makunekta ang hirap ng buhay natin ngayon sa ginagawa ni Arroyo na pang-aabuso ng kapangyarihan ng presidente at pambabastos sa Constitution.
Katulad na lamang nitong panay na panay na paglalamyerda ni Arroyo kasama ang pamilya at mga Palaka niya sa kongreso sa iba’t-ibang parte ng mundo.
Hindi yata nakukunekta marami sa atin na halos isang bilyon piso na nagastos ni Arroyo sa kanyang mga biyahe sa ibang bansa ay nakakapag patayo sana ng mga paaralan at nakapag-empleyado sana ng mga teachers na dapat hindi na pumunta sa Hongkong, Singapore and Middle east para maging katulong.
Sana nakapagpatayo ng mas maraming government hospitals at nabigyan sana ng mas malaking pera ang Philippine General Hospital para hindi na kailangan pumunta sa ibang bansa ang ating mga nurses at doktor.
Hanggang “sana” na lang tayo habang si Arroyo ang nasa kapangyarihan.
Marami rin po sa mga nakiisa sa adhikaing inihain sa Facebook ay nasa labas ng Pilipinas. Maaaring medyo nakakaangat, may computer, may internet connection, pero problema pa rin ang pamasahe.
Kung may maitatakdang rally laban sa ConAss sa panahong nasa Pilipinas ako, tiyak na makikilahok ako.
Enchong, this statement: “‘Yan ang medyo nakakalungkot dahil ibig sabihin noon, ang mga pumirma sa “No to Con-ass” ay hindi pinu-problema ang pamasahe papuntang rally.” applies to
Metro Manila residents.
I should have elaborated more on it.
Dati ay masipag akong “humakot” papuntang mga rally. May pakaing meryenda at pag-uwi, minsan may painom pa. Pero binago ko na ang patakaran ko. Kung gusto ng tao ng pagbabago ay kailangan ng sakripisyo. Sa gastusin man o pagod sa paglakad o mahabang pagtayo habang nakikinig sa programa.
Ang mga taong pupunta lamang kung may pakinabang ay hindi makatotohanang pagbabago ang gusto. Ang pagbabago dapat magsimula sa sarili. Kung wala kang ipinuhunan sa isang mithiin ay madali mo ang itong makakalimutan o pagsawaan. Yan siguro ang problema natin.
Siguro kung ang bawat isa ay naghirap para makamit ang isang tagumpay, hindi mo ito pababayaang maglaho lamang at muling magwagi ang maitim na hangarin ng kalaban.
Sa EDSA 1 at 2, nagpabaya ang mga taong sumuporta dito. Pinabayaan nila kaya inabuso ng umupo. Hindi na dapat maulit iyan.
Siyanga po, lalo na’t naaabot ng pitak ninyong ito ang mga Pilipinong nasa iba’t ibang sulok ng mundo.
Ang totoong nakakalungkot, tila mas gising ang mga Pilipinong nasa labas ng bansa kaysa doon sa mga naiwan diyan. Ang mga Pilipinong nakakaunawa sa mga usapin, walang magawa dahil nasa malayo, samantalang ang mga may magagawa, hindi naman tuluyang makakilos bunsod ng maraming posibleng kadahilanan- kabilang dito ang kakulangan ng pagkakaunawa sa mga usapin, at kawalan ng pagkukunan ng kabuhayan sakaling unahin nila ang pakikilahok sa mga kilos-protesta.
Ganyan din ang ginagawa ko dito sa Japan, Tongue. Nagpapakain, akin pa ang lahat ng gamit para sa mga protesta ng mga pilipino. Kung walang sosyalan, mahirap makakuha ng kasama. Katwiran pa ng marami, wala daw silang pakialam lalo na kung makuha na raw nila ang mga mahal nila sa buhay mula sa Pilipinas. Diyos mahabagin!
Sang-ayon ako, Tongue. Sabi nga ng mga nakatatanda:
Ang walang tiyagang mag-ipon, walang hinayang magtapon.
Pinagsasamantalahan ng dorobo ang kahinaan ng mga pilipino. Ginugutom niya ang karamihan para di sila magkaroon ng lakas ng katawan at loob na mag-alsa/mag-aklas. Tapos pangangakuan ng trabaho daw sa ibang bansa (human trafficking naman) pero pag na-rape naman, etc. sila di naman tinutulungan.
Meron pang pabigay-bigay kuno ng ramen at isang supot na bigas para pasalamatan siya noong mga naloloko niya na di nila alam padded pa ang mga bills ng pagbili noon sa pamamagitan ng pera ng taumbayan mula sa kaban.
Palibhasa gutom at hilo na siguro, di nila naiisip na niloloko pala sila. Kawawang mga nilalang sa totoo lang!
Iyong mga squatter sa Malacanang, nag-iipon naman, sa ibang bansa pa, pero di pinagtiyagaan. Nakaw oo! 😛
Kaya lustay dito, lustay doon. Pasyal dito, pasyal doon. Niloloko pa ang mga pilipino na state visit daw kahit hindi! Susmaryosep!
Ang pagprotesta via a rally is a personal commitment..kung hindi sasama dahil walang pakain, or ano pang dahilan ay hindi committed…pero bakit sa Manila lang..sa ibang lugal wala bang rally or protesta..there are other cities aside from Manila…if we protest only when it is convenient..bali wala rin ang pagprotesta…that is my personal opinion…and I sure hope I am wrong..!
CBCP daw will suspend masses because of the swine flu..Where is your faith paders? mayroon ba kayong faith..kahit feet ata wala rin kayo thus you don’t join the rallies…The mass is the highest form of sacrifice and worship for us catholics..is it not pader? Just the other day we read at sinabi ni Jesus sa kanyang apostoles noong nagbayo at natutulog si Jesus sa boat..ginising siya para patigilin ang bagyo..ano ang sabi niya..”You men of little faith”..we also often read whenever he cures the sick..”I have never seen such faith..” bakit kayo pader bakit ganoon? matulog na lang kayo or mag golf! kung sabagay nawawala na rin ata ang mga balls ninyo..matulog na lang at magpalaki ng inyong…bahala na kung ano ang palalakihin ninyo…malungkot!
Sana? Nawa po e makiisa ang sambayanang Pinoy sa darating na Martes ng matapos na ang paghihirap nating lahat.
Minsanin na lang mga igan, sundin natin ang panawagan ni Sen. Lacson…ipagpaliban ang pagbabayad ng buwis at kung anu-ano pang bayarin, ewan lang natin kundi maburyong ang rehime.
The more na may pera na dumarating sa kabang-yaman ni juan de la cruz e nakangise ang mga taga-enchanted kingdom. Pinagtatawanan lang tayo ng mga iyan e at korek ang nawika ng isa nating igan na mababa ang tingin ni gloria sa mga Pinoy.
Korek, dahil nga ang daling utuin at takutin?
Sister Rose, aba naman e ka mo na ang CBCP e natakot sa swine flu…pero sa rehimeng arroyo dedma lamang!
Pagkakagastusan kasi ang swine flu kaya takot lang mga mga padir natin, pero yong suhol ng mga kurap pag nagsimba e payat ang one thousand.
Sobre sister ang usapan kaya wala lang.
Kapatid na Grizzy, madatung si madam…aba naman e panay ang pamamalimos ng dolyar sa bawat bansa na pinupuntahan. Pagdating ng Pinas e saka magyayabang na may dala siyang investment o kaya trabaho para sa mga Pinoy.
Yaks, galing mang bola…puro ka ek-ekan ang alam, till now heto purdoy na ang Pinoy, ang daming walang trabaho at baon na sa utang ang Pinas.
Hay naku…
Bakit hindi ako sasali sa kilos protesta?
1. Dahil wala akong trabaho. Wala akong pamasahe. Gutom ako, baka doon pa ako abutin ng hilo. Birthday ni pare, libre and inuman at kainan. Sayang din naman. Mahina ang tuhod ko. May rayuma ako.
2. Dahil may trabaho ako. Kapag pumalya ako, hindi kakain ang pamilya ko. Madalas nga’y kulang pa ang aking kita kahit sa pagkain pa lamang.
3. Dahil wala akong paki-alam. Ano ba sa akin kung sino man ang nakaupo diyan, kung ano ang kanyang ginagawa. Pare-pareho lang naman ‘yan sila. Baka humulas pa ang aking kilay o matapakan ang kalyo.
4. Dahil ako’y dala na sa EDSA 1 at 2. Ako ang nagtanim, nagbayo at nagsaing. Iba ang kumain.
5. Dahil ayaw kong maging katawa-tawa. Kapag ganun-ganon lamang karami ang taong sumisigaw, sumigaw na kayo hanggang gusto n’yo. Ang inaasahang show of force ay nagiging show of weakness. Lalo lamang lumalakas ang loob ni gma na gawin ang gusto niya.
6. Dahil ayaw kong sumama sa mga uto-uto. ConAss? Isa lang itong multo na gawa-gawa ng Malakanyang upang malayo sa kanya ang attention ng mga tao. Ang gusto kong labanan ay siya mismo, hindi ang kanyang scarecrow.
7. Dahil sawa na ako kamumura sa kanya, sa internet.
Ang alam ko ang aking ka-pamilya ay palaging sumasama sa mga rally na yan. Kapag ako ay nagkataong nasa Manila at may rally, kahit na nag-jejetlag pa ako, sumasama pa rin ako. There is a certain feeling of fulfillment kung sumasama ka sa mga rally.
Tama si Tongue. Tama na yung libreng sasakyan at pakain. Kung talagang gusto ng pagbabago, dapat gumawa ng paraan para makasama sa rally.
Sa totoo lang, ang mga mahihirap kuno kung minsan eh may pambili naman ng sigarilyo , lapad at pang-jueteng. Ano naman ba yung paminsan-minsan ay gumastos sa pamasahe para makarating sa rally.
Taxj, ang mga nasa listahan mo ay hindi papasa sa akin. Kung gusto talaga ng pagbabago, kumilos ka! Hindi yung titingin ka muna kung may sasama o wala! You are a very typical Filipino. Magmamanman muna bago kikilos. Gaya gaya puto maya! Kung may pagmamahal ka sa iyong bansa, wala ng antayan ng kung ano ang mangyayari pa. Kailangang kumilos na!
Let’s admit it, Balweg. Iyan ang isang masamang kulturang natutunan ng mga pilipino more like sa mga kano!
Sila ang nagpairal niyan pagkatapos na bigyan nila ng kunyaring kalayaan ang mga pilipino na hindi naman naintindihan ang demokrasya daw na kalayaan lamang para doon sa mga landgrabbers na itinaguyod nila mula pa noong unang panahon.
Ginagamit iyan ni Gloria Dorobo na pangguyo sa mga pilipino. Look, tuwing pupunta iyan kung saan-saan, naging tradisyon na iyong mga pabongga reception paid with taxpayers’ money para sa Filipino community daw na kahit naman si Marcos di ginawa. Pambola sa mga pilipinong gustung-gusto namang uma-attend. Worse ay iyong mga um-attend na galit daw kay Gloria dahil iyong mga kamag-anak nilang naiwan sa Pilipinas ay ganoon pa rin, pero pagkatapos na makakain ng bigating pagkain sa mga hotel (maliit ang 80 dollars per head ng pagkain sa isang reception dito halimbawa) at feeling important na sila! Di nila na-realize na galing sa pawis nila ang pinangkain nila!
Ang isa pang masama ay di pinairal ang batas sana na magbibigay ng edukasyon sa lahat ng mga pilipino para di sila maging mangmang nang di sila madaling maloko ng mga unggoy na biniboto nila. Worse ay iyong itanim pa sa utak nila na walang kuwenta sa bansa nila lalo na doon sa mga walang-wala kaya puede silang i-human traffic lalo na ngayon ng mga inutil na tinatawag silang “The Philippines’ No. 1 Export,” “heroes and heroines” kahit na karamihan sa kanila sa totoo lang ay biktima ng iba’t ibang uri ng slavery.
Sa totoo lang, napapahimutok na lang ako. Nanay ko nga ayaw nang manood ng TFC kasi baka daw lalong tumaas ang HBP niya at mapadali ang kaniyang buhay.
Tama ka doon sa pambobola ng ungas, Balweg. Halimbawa iyong investment daw kuno from Japan, hindi pa tiyak iyon lalo na’t marami na sa mga investors na hapon ang nadala na sa mga unggoy sa Pilipinas.
Ang hindi alam nila ni Pandak ay iyong tinatawag namin dito na “honne to tatemae,” na ang ibig sabihin ay iba iyong ngiti ni PM Aso halimbawa doon sa talagang magagawa niya dahil idadaan pa sa maraming proseso iyong mga pinirmahan niya.
Sabi nga sa article ng Malaya, kailangan pa daw na iayos iyong mga terms and conditions ng mga pinayabang niyang pangako ng mga nakausap niya dito lalo pa’t di naman sila ignorante sa mga kabalbalan niya. Sabi nga cautious ang mga hapon sa mga pag-uusap nila doon sa sinungaling na magnanakaw pa!
In short, magaling lang mambola si Gloria Dorobo pero wala namang laman ang kokote niyan. Nambobola at nangongyopya lang tapos akala mo siya ang original. Puro publicity stunt lang.
Sabi nga ni Mr. Mata ng Malaya, lacking in “ethics and morality.”
Tama ka, Balweg. Puro ka-ek-ekan lang si Gloria Dorobo. Ang landi ng dating sa totoo lang. Pero lately, kahit na anong retoke na yata sa mukha halata nang pangit ang natural. Napansin iyan ng mga dumalo doon sa reception niya. Malaki daw ang ipinangit. Sabi ko naman sa kanila, e kailan ba gumanda iyan? Kahit tapalan ng apog iyan, ganoon pa rin. Burak ang loob.
Tawag ng mga peryodista diyan noong presidente ang tatay niya, “ugly duckling.” Maganda kasing di hamak iyong kapatid sa ama na pamangkin ng mga dela Rosa. Walang binatbat ang ungas. Di nga nilalabas sa dyaryo ang mukha na walang pinag-iba doon sa ina at anak na babae.
parasabayan,
Ang akin ay realidad lamang… kung ano ang nangyayari. Kung ang iyong pagkilos ay hindi batay dito, bahala ka. Hindi puede ‘yang basta sugod ka ng sugod. Ano ang nangyari pagkatapos ng EDSA 1 at 2? Guminhawa ba ang mga mamamayan? Umunlad ba ang bansa?
Ang alam ko’y aksaya oras lang ang pagkontra sa ConAss ni Nograles. Ang habol lang niyan ay kumuha ng ruling mula sa SC. Namatay ito nang hindi makuha ang gusto. Ang bumubuhay na lamang diyan ay ang mga anti-gma forces mismo. Lumalaban tayo sa isang multong tayo rin ang gumawa.
Tuwang-tuwa marahil si gma. Makatatapos na siya ng term nang walang sagabal. At magkakaroon pa ng pagkakataong dugtungan ito!
Rose, CBCP is suspending masses not because of Swine Flu but low collection of money. Faith? If only Catholics possess the faith you have Rose, we may see better Catholics.
Talagang sayang ang nalustay na pera dahil iyong isang bilyong piso ay malaki na ang magagawa tulad ng mga binaggit mo. Kaso, walang pakialam itong evil bitch dahil ang pansarili ang mahalaga and hindi ang kapakanan ng sambayanang Pilipino.
Sangayon ako sa obserbasyon nina Grizzy at Taxj kaya hindi natin masisisi ang ibang kababayan natin kung ayaw nang sumama sa mga rally. ang kailangang mangyari ay minsanang do or die na pagsugod sa palasyo na kasama ang mga sundalo at pulis para patalsikin ang mga kriminal na pamilyang arroyo. Palagay ko marami na ang sasama.
That means most of those who joined the past two Edsas were also paid. Remember the financiers were big Makati businessmen…also funds coming from Cardinal Sin and the Catholic Church not to mention the US-CIA.
I was thinking na kung sana ang mga Makati businessmen will provide for funds…for transportation and food for those who would want to join the protest..ayos ang buto-buto at mangyari kay putot ay tinadtad na buto…pero hindi mangyari kasi ang partners niya ay mga big businessmen..Aboitiz, Zobel, Ayala (?) wasn’t she the guest of a Zobel, or was it Aboitiz? I am indeed dreaming of an impossible dream…how about CBCP? it is another impossible dream… Ay, ay kalisud!
Kung ang ginastos ni putot ay ginamit para sa taumbayan..anong ligaya ng marami..kung hindi niya ibinubulsa ang para sa mahihirap na familia anong ligaya ng marami…pero ang walang hiya ay talagang walang hiya…it seems that hindi mabuti sa ating bayan ang isang presidente na nakapangasawa ng Bisaya..Marcos..bisaya si Imelda; Gloria Macapal gal,,bisaya si Mike Arroyo..malas talaga!
Sana, sana nga, but it’s just wistful thinking.
Money flowed during EDSA 1 and EDSA 2 and those who believed otherwise are living in their dreams. Everything is for sale. It’s been becoming part of a culture. The prime mover is money. Money makes people move, and unless somebody is willing to spend, nobody will be able to fill the streets with warm bodies. That’s the reality in the real world.
The poor people who are usually used as warm bodies to fill the streets just want a little taste of what has been a goings on in the government. Corruption from top to bottom, everybody is filling their own pockets. Congressmen are bribed by the millions to vote for something. Transacting a business with any government office, you have to have some grease money in order to be served or else your papers will just gather dust in the file if not gets lost. And not to forget Gloria travels around the world in search for money to borrow for the country (daw) but for her and her gangs to steal. At least the poor are willing to risk their lives in exchange for a measly amount. What is 500pesos as the going rate compared to millions or even billions? But that is already some money to them. And to think that they are being called names for being paid. That’s grossly unfair by any measure.
Ang mga rah rah tong grease men at ang mga aso niya na tahol tahol at nagpupuri kay Gloria ay nagsasabi na may inuuwi naman si putot na bacon..hindi lang bacon ang lilitsunin pang baboy ang dala dala niya..sana sa laki at bigat ng baboy na kasama niya bumagsak ang eroplano…I still have faith in God..that lalagpak din si Gloria at durog ang katawan niya sa pagbaksak..kahit anong yaman niya kahit kanya pa ang buong mundo it will be Hell to the Cheat for her..hindi ba padir ang sabi sa bible..”for what does it profit a man to gain the whole world but suffers the loss of his soul..hindi pa padir lahat ng mga utang ay may kabayaran?…
Ang mga rah rah tong grease men at ang mga aso niya na tahol tahol at nagpupuri kay Gloria ay nagsasabi na may inuuwi naman si putot na bacon..hindi lang bacon ang lilitsunin pang baboy ang dala dala niya..sana sa laki at bigat ng baboy na kasama niya bumagsak ang eroplano…I still have faith in God..that lalagpak din si Gloria at durog ang katawan niya sa pagbaksak..kahit anong yaman niya kahit kanya pa ang buong mundo it will be Hell to the Cheat for her..hindi ba padir ang sabi sa bible..”for what does it profit a man to gain the whole world but suffers the loss of his soul..hindi pa padir lahat ng mga utang ay may kabayaran?…
@Rose
kaya may kurakot na bisaya dahil may dugong baboy yang mga ilang bisaya na iyan.
I will be there sa rally. Sa Facebook, sa face to face, anywhere, para lamang maipakita at maiparamdam kay gloria at sa kanyang mga tuta na hindi ako sang ayon sa mga kabastusan na ginagawa nila sa mamamayan. Lalo na ang pag alipusta sa ating Constitution, na dapat sana ay pinapatnubayan at inaalagaan ng mga mamamayan.
Mga kababayan ko, hanggang kailan ninyo titiisin ang mga surot na ito, kung maka sipsip ng dugo sa mga Filipino ay daig pa and pang higop ng poso negro.
Tama Na, Sobra Na…
Pag nanjan ako, I will definitely go kahit na pagbawalan pa ako ng missis ko pumunta. It’s the best way to show your support.
Power to the people!
“Ang totoong nakakalungkot, tila mas gising ang mga Pilipinong nasa labas ng bansa kaysa doon sa mga naiwan diyan………….” – Ka Enchong.
Paano naman, ang mga Pinoy na nasa ibayong dagat, namamasukan, ‘yung iba nangangamuhan at dinaranas ang lahat ng hirap upang masustinihan ang pangangailangan ng pamilyang pansamantalang iniwan dahil walang pagkakakitaan sa sariling bansa kung meron man, mas mahaba ang oras ng pagtunganga dahil ang trabaho ay hindi tuloy tuloy at ang tanging libangan ay pagbabasa ng balita kaya mas nakikita ang malaking pagkukulang ng pamahalaan sa pagbibigay lunas sa paghihikahos ng mamamayan. Gayundin, mas nasusubaybayan ng mga Pinoy na nasa ibayong dagat ang mga kaganapan sa bansa dahil meron silang oras pagkatapos ng maghapong pagtatrabaho hindi katulad ng mga nasa Pilipinas na ang palaging iniisip ay kung saan maghahagilap ng susunod na kakainin.
Magkagayunman, kahit okupado ang mga oras sa paghahanapbuhay ay dapat isaisip na ang bawat isa ay may pananagutang moral sa kapwa at marapat lamang na maging aktibong bahagi ng pamayanan. Ang ating karapatan at kapangyarihan bilang mamamayan ay hindi dapat gugulin kung kailan lamang kailangan bagkus panatilihin ito at pangibabawin sa lahat ng pagkakataon upang ipamukha sa mga kinauukulan na ang tinig at pagpapasya ng sambayanan ang walang pangalawang batas na dapat mangibabaw.
Hindi ba’t kasabihan ngang ang lahat ng kapangyarihan ng pamahalaan ay nag-uugat mula sa pagpapatibay ng mamamayan?
Lacking in ethics and morality, and worse, even good manners and right conduct. Pati nga protocol akala mo puede niyang isawalangbahala. Takot nga lang kasi ang mga pinuno dito sa magiging reaksyon ng mga pilipino kung di pagbigyan iyong hiniling na bisita sa emperador at emperadora ng Japan. Iyon pala gagamitin lang para sa high-priced publicity stunt ng animal. Yuck!
Sa mga nasa Pilipinas, magkaisa kayo. Manindigan. Lumaban.
Imulat na ang inyong mga mata. Huwag ninyong hayaang ang kasalukuyang pagmamalabis nina gloria ay lumawig pa.
Tama na ‘yung minsang nagkamali kayo sa pagpili at paniniwala sa mga luminlang sa inyo. Panahon na, ngayon ang oras upang sila ay singilin sa kanilang mga kasalanan sa bayan.
Huwag nang gayahin pa si Huwan Tamad na naghihintay lamang sa pagbagsak ng hinog na bayabas.
Kilos!
Huwag ng ulitin pang ipagbili ang inyong mga boto ng tig-200 pesos! Hindi lang 2 taon kayong maghihirap kundi X 10 years pa!
Kumilos na!
I think Gloring is a bitch that does not deserve any diplomacy,she also does not deserve to be visited by royals either.
4-11 naman pala ay bakit di bit-bitin na lamang…ang pinoy kasi di tulad ng mga Indian, at iba pang lahi..tunay na matatapang..sa atin karamihan..ay tapang-tapangan lamang, di totoo…pag-mahirap iyon itina-tapon…pag-maydatong-pera…sinasaluduhan kahit na yata tiyanak or dwende…basta may makukuha…bakit kaya tayo ganyan…mabuti pa si Rustom..nagpakaTOTOO…bumigay..itong mga kapatid natin..pigil-pa rin…si JLO bumigay na din..saka mga magdalo….kailangan mga 75% 0f the 86million na pinoy..ang maglaglag o bumigay…
yaang 25% sila na lamang na mga kuma-kahol, at mga tutta, ey di tapos ang usapan…magkakaroon ng PAGBABAGO sa atin..huwag lang garapal sa pera o bilihan ng mga boto, at kung ano-ano pa ??..
Kaya sa susunod, mga kababayan, huwag na kayong basta padadala sa mga pangako ng mga kagaya ni gloria.
Tandaan ninyo, unang buka pa lamang ng bunganga nila ay hindi na kapanipaniwala. Walang alam ‘yang mga ‘yan kundi manloko at manlamang sa kapuwa. kahit sino, huwag na din kayong padadala sa kasikatan dahil walang gagawin ang mga ‘yan kundi mangako nang walang katapusan.
Sino man sa mga kaalyado ni gloria, lalo na ‘yung mga kaanak niya, huwag na huwag ninyong iboboto upang hindi na muli mangyari ang dinaranas ninyo mula noong 2001 hanggang sa kasalukuyan. Magkakaiba pa ba ang mga ‘yan, eh pareparehong halang ang mga kaluluwa at ubod iitim ng mga budhi?
Ngayon ninyo ipakita ang inyong ngitngit. Tuldukan na ang kanilang mga kawalanghiyaan!
grizzy – June 28, 2009 8:07 am
Tawag ng mga peryodista diyan noong presidente ang tatay niya, “ugly duckling.” Maganda kasing di hamak iyong kapatid sa ama na pamangkin ng mga dela Rosa. Walang binatbat ang ungas.
***********************************************************
Tingnan mo nga naman ang hiwaga ng buhay. Nagsimula pala si gloria na isang “pangit na bibi” (ugly duckling) noong maliit pa siya. Nang lumiit, este, lumaki ay naging baboy (lalo yatang pumangit).
Pero si Mang Pidal eh walang halong hiwaga kung baga. Kung baboy din siya ngayon ay sa dahilang nagsimula pala siya na isang BIIK noon pa mang bata pa siya.
Military arrests Honduran president
Ahead of Charter change vote
Agence France-Presse
First Posted 21:44:00 06/28/2009
Filed Under: Military, Charter change
TEGUCIGALPA — Honduran President Manuel Zelaya was arrested Sunday by troops who surrounded his home ahead of a controversial constitutional referendum, a top government aide said.
“Troops have taken the president from his home to the air force (base),” the president’s personal secretary, Enrique Reina, told reporters.
Elected in 2006 for a non-renewable four-year term, Zelaya had planned a vote Sunday asking Hondurans to sanction a future referendum to allow him to run for re-election.
The referendum has been ruled illegal by the country’s top court and had been opposed by the military.
Sana mangyari kay Gloria ang nangyari sa Honduras! Ngayon din..para magsama silang dalawa..
We as a people are truly wonderful people..may kapit bahay ako dati sa Laurel Court, JC..na angsabi sa akin..Rose, ang Bisayang babae daw ay kung di aswang, malandi..ikaw ano? I looked at him and said..aswang na malandi pa!..pero hindi ako papatol sa iyo1 di siya ang na pahiya! may isa namang Italian-American na nagtanong sa akin..Rose is it true that in Antique (he had a girl friend na taga amin kuno) there are vampires? Have you seen one?..
Yeah, I do see one every day when I look at the mirror..!
Doon sa Fiddler in the Roof..may kanta na “match maker, match maker! find me a perfect match.” Sa tingin ko ang marriage of a Phil. Pres. from another region to a Visayan is not a perfectt match..as they seem to breed corruption and greed in particular…sa tingin ko pero hindin naman kasi si Yenta..
..we in JC, today celebrate the Phil. American Friendship Day…makapunta na nga at sana may mag pakita ng protesta! sa sali ako!
Igan Grizzy, aba e pinakasabon mo talaga si gloria…at sinamahan mo pa ng pagkukula sabay banlaw. Matauhan sa na, pag kulang pa e palo-palo ang kailangan diyan ng matanggal ang nagkapit na burak sa labada.
“Blast rocks Ombudsman office” … umpisa lang yan …. marami pang susunod …. para maipatupad ng mga Arroyo’s General yong plano nilang Oplan August Moon (see Inquirer). Kaya ingat lang kayo sa atin ….. magwawala na si Glorya. Kung puro daldal lang tayo … e wala talagang mangyayari. Ang Pekeng rehimeng ito ay handang pumatay ng 80M na katao makamit lang ang ambisyon.
Ang nangyari sa honduras ay hindi mangyayari sa atin. Ang pinaka Hepe ng ating puwersa ay hawak ni Glorya sa BAYAG!!!!
Matinik talaga itong rehimeng ito at talaga namang pinag-aralan nila yong mga mistake ng mga dating Pangulo. Sigurado ko na isa sa mga adviser nitong si Glorya ay adviser din ng mga dating pangulo …. gaya ni DILG Sec. Puno.
Malacanang still has to explain why many of the 1978 Class are occupying high and sensitive positions as if the other classes are not as qualified.
I have one other explanation why the Evil Bitch keeps traveling to many countries even if her term would end in a year. She’s making friends with these foreign leaders convincing them that their interests shall be protected after 2010 if she remains in power. She assures them that they will be dealing with her even after 2010.
GANYAN KA Ganid MAgnanakaw manloloko Ambisyosang Pekeng nagnakaw ng pwesto ni FPJ at Erap at yan din ang REyna ng paglalakbay gamit ang salapi ng bayan kaya panahon ng lumahok sa mga ANTI-GMA Rally YES TO TAX REVOLT NOW NA!!!!!
“Malacanang still has to explain why many of the 1978 Class are occupying high and sensitive positions as if the other classes are not as qualified.” — BE
Ang ipinagtataka ko lang BE ay kung bakit pumapayag yong mga General na mas Senior pa sa Batch ’78. Bow na lang sila ng Bow kung anong sinabi ng pekeng Pangulo na yan? Bakit nila sinusunod ang mga utos ng isang Pekeng Pangulo? Ahhhhh alam ko na …. KUWALTA!!!!!! Kita niyo ang nangyari kila Senga at Yano …. yan ang mga General na walang BAYAG kaya hindi nahawakan ni Glorya … binayaran na lang niya.
Etong si Teodoro na ito ay pakawala ng Malakanyang para mapaniwala nila ang mga tao na may eleksiyon sa 2010. Si Glorya naman ay kunyaring tatakbo siya as Congresswoman sa Pampanga. Tapos itong mga Tuta naman ay kunyari magcha-chacha. Pero puro palabas lang yan … mas kapani-paniwala yong Oplan August Moon. Naka-puwesto na lahat yong mga Batch ’78 ng Pidals Military Academy (PMA) at isang kindat lang ni Glorya … Enchanted Kingdom na ni Glorya ang ating Bansang Pilipinas.
Ganyan lang po ka-simple ang plano ni Glorya ….
Mukat, the same excuse given…it’s her prerogative as Commander-in-Cheat.
Makasabat na po igan Mukat, nawa e maraming tulad mo ang bukas ang pananaw at pag-unawa sa mga kawalanghiyaan na ginawa at pinaggagagawa ng rehime.
Nangyayari ito sapagka’t ang dami pang handlers ni gloria…isa na dito yong winika nýo na class ’78 at isang damukal pang kurap at sinungaling ang nagpoprotekta sa evilbitch.
Remember mo ba yong winika at inamin ng isang west pointer/PMAer na walang iba ang kgg. Gen. Lim…coup d’etat ang ginagawa nila sa EDSA DOS at dagdag-bawas naman yong hello garci conspiracy.
Paanong titino ang Pinas e halos ang handlers ng ni gloria e mga known personality at mga elitista sa ating lipunan.
Sige nga, unless na mag-alsa balutan ang Masang Pilipino sa tulong ng mga pinagpipitaganan nating mga kawal at kapulisan na matino ang kukote at may paninindigan sa sarili or else mag-antay tayo ng 2010 kung mayroon nga.
Nang humirit ang Masa noong EDSA 3 upang bawiin ang Malacanang sa mga kurap/sinungaling/magnanakaw/peste sa ating lipunan e halos kutyain, hamakin at alimurain ng mga naghaharing-uri.
So, ngayon paawa epek sila na kesyo walang suporta ang Masang Pinoy sa kanilang mga inilulunsad na pagsipa sa rehime.
Well, ngayon natauhan ang lahat ng mga traydor sa ating lipunan ng sipain nila ang lehitimong Pangulo at mandaya sila last 2004.
Suma total sa mga pangyayari e walang nagwagi sa ginawa nilang pagkunsinte kay gloria kundi hinagpis at hinain ang ating maririnig sa bawat isa.
Isang lesson ito na dapat na matutong gumalang ang bawat isa sa karapatan ng kapwa-Pinoy, sa isang demokrasyang bansa e dapat ang manaig yong boses ng nakakaraming Pinoy at di yong iilang may vested interest lamang.
Alam natin kung sinu-sino ang mga accountable sa paghihirap nating ito not only gloria but yaong lahat ng mga Pinoy na yumurak at nang walanghiya sa ating Saligang Batas at karapatan ng majority.
BREAKING NEWS,
Sa hinagap e masarap mangarap tutal free of charge ito, but sa tema ng pangpulitikal na buhay sa Pinas e suntok sa buwan sapagka’t ang militar/kapulisan ang isa sa mga nag-upo sa enchanted kingdom.
Laking sampal sa hukbong sandatahan, if they will kick her out from Malacanang…sila ang nag-upo sa rehime at normal na sila din ang magprotekta dito.
Pera-pera ang labanan ngayon, kaya yong prinsipyo e wala na sa kanilang bukabularyo…kaya dapat mag-isip ang sambayanang Pinoy kung ano dapat nating gawin, kung kinakailangan e total cleansing para matapos na ang paghihirap na ito.
Sinimulang ito ng mga no permanent address pero dedma lang ang Pinoy, kesyo komunista o anung ka ek-ekan…kita natin ngayon ang China morethan 1B instik pero disiplinado at kontrolado ang kriminalidad sa kanilang bansa.
Ngayon nga e progressive sila at halos made in China ang makikita mo sa mga pamilihan all over the world.
Or else, kung mauntog ang AFP/PNP at matauhan ang kanilang mga kukote e posibleng mangyari ang tulad sa Honduras
From Eddie Samonte:
Alam nyo,reader ninyo ako almost everyday inaabangan ko ang updates nyo.Maraming salamat sa mga updates.
Pero wait may napansin ako sa mga terms ninyo na ginagamit masyadong brutal. Masyadong salitang kalye ang gamit ninyo na terms. Eh president pa din ung pinag sasabihan ninyo.
Alam nating lahat na mali nga si Arroyo at ako mismo galit din sa kanya pero cool ka lang gumamit ka ng ibang terms na medyo mas madiin pero profesional ang dating. Huwag yung para ka lang sa barber shop.Salamat.
Eddie, alin doon sa mga sinulat ko ang “para lang sa barber shop?”
Kung brutal pakinggan ang aking mga sinabi, iyon ay dahil brutal ang ginawa ni Gloria Arroyo sa bayan.
Nakawin mo ba naman ang mga boto na hindi sa iyo.
Pasintabi Maám Ellen,
Oppsss. Mr. Eddie Samonte, mawalang galang na po…alam mo ang katotohan e masakit tanggapin at ito e nakakakulili ng tainga.
Ang rehime e mas masahol pa sa mga salita na nakapagpapaasap sa iyong mga eyes, at na mentioned mo na maging professional ika mo kahit konti ang aming mga nota dito sa Ellenville…well, granted but dapat munang magpakatotoo si gloria.
Ang hirap igan e di maintindihan ni gloria ang her cohorts ang simple at propesyonal na pananalita at gusto pa niya ng gulpe-de-gulat. Ang purol ng kanyang vocabulary sa pag-unawa sa simpleng hinain at pagtangis ng sambayang Pinoy, ang kaso, di niya naiintidihan yong bang ipinagsisigawan na ng taong bayan na “Ayan na namin sa kanya at heto nag uumarte pa upang salbahihing muli ang ating Saligang Batas not Once, Twice but Thrice.
Aba e ibang usapan na ito, papayag ka ba uli na apak-apakan tayo ng rehime. Ang langgam nga pag nasagi mo e bigla kang uupakan ng kagat…pasalamat si gloria at medyo maaanghang lamang na salita at di gaya ng langam na pinapak na siya sa kagat.
Pasensiya ka na medyo nagiging malikot ang diwa ng Pinoy ng dahil sa kawalang hustisya sa ating bayan.
Kung meron pa sa diksiyonaryo ang mas masahol sa mga katagang ipinupukol namin kay pandak, yun ang dapat na gamitin sa kanya! Hindi ko presidente si pandak! Ninakaw niya nag pwesto niya hindi lang minsan kundi dalawang beses na. Ngayon, gusto pa niyang pangatlo at panghabangbuhay na pamamalakad? Pwede ba. Alis dyan!Tsupi! Masahol pa siya sa galising aso!
Mr. Samonte:
Nirerespeto mo ang isang babaing nagnakaw ng mga boto ng sambayanan? Ako rin ay nagbabasa ng blog ni Ellen daily magmula ng simulan niya ito at karapatdapat lang ang kanyang mga sinusulat tungkol sa magnanakaw na pangulo!
Pray, tell us, which “art” of literary writing would you want Ellen to describe your ROTTEN president?
Ang puedeng gumawa niyan kundi iyong grupo ni Ka Roger, iyon sanang mga sundalong tinawagan na ni BGen Lim na ipakita ang kanilang pagmamahal sa bayan na kapwa sundalo niya. Kaso iyong mga di labas ang tumbong, kinulong na noon dorobo at mga binabayaran niya ng mga ninanakaw ni Gloria Dorobo sa kaban.
Worse, pati yata iyong mga kunukulekta sa mga OFWs na para daw sa mga paaralang ipinangako niyang ipapagawa, ginagamit sa panunuhol niya sa mga unggoy na payag na manatili siya sa Malacanang habambuhay dahil akala niya may karapatan siyang angkinin ang palasyo sa tabi ng mabahong ilog.
Masama pa inaasa pa ng mga pilipino ang pagpapatalsik sa mga unggoy doon sa mga kano na hindi na magkandaugaga sa pagsolba ng kanilang sariling problema. Di sila gumaya halimbawa doon sa mga taga-Honduras na pinatalsik ang kanilang pangulo na gumaya yata kay Gloria na binayaran iyong mga miyembro ng kanilang parliamentarya para makapanatili siya ng matagal sa puwesto. O loko, di kinidnap siya ng mga sundalo sa bansa nila na nakakaintindi na ang kanilang loyalty ay sa kanilang bansa at hindi doon sa kurakot na nagkamali silang ibinoto. Mahirap ba iyang intindihin?
At least, iyong presidente ng Honduras binoto, pero iyong tapalaning mahilig maglamyerda sa ibang bansa pa, nagnakaw ng puwesto “not just once but twice”! Pero di payag ang mga Hondurans na bastusin ang kanilang Constitution, o di sipa si Zelaya! Iyan ang dapat na gayahin ng mga pilipino. Puede namang maging peaceful gaya ng ginawa ng mga taga-Thailand nang patalsikin nila si Thaksin.
Patalsikin na, ngayon na!
Ganong kagaling ang gobyernong ito, lalong pinag hirap ang taong bayan ng sa ganon ay pati ang pag-rally ay hindi na kayang gawin ng taong bayan.Gustuhin mo mang sumama sa rally saan ka kukuha ng pamasahe at paano pag nagutom ka.
idagdag mo pa ang mga PNP na karamihan ay puro blind followers, sunod ng sunod sa mga official kahit illegal ang mga utos katulad ng extra judicial killing at pagtataboy/pamamalo sa mga nagra-rally. KUNG ang mga pulis natin ay meron sariling disposition sa sarili ang legal lamang ang susundin na utos hindi sana tayo ganito. ano ang nangyari sa mga matitinong pulis? WALANG ASENSO napapag-initan pa.
EDSA I and II were the errors many are not proud of. Its like the priest who asked why I wont join his faith. Told him I should remain to what I think I should be and not coyed to anyone else’s dream. I might land in another error.
Walang ‘budget cut’ sa mga biyahe ni Gloria — Palasyo
http://www.abante.com.ph/issue/june2909/news06.htm
Bayan, magdusa ka!
Ayaw mong imulat ang iyong mga mata.
Ayaw mong ipaglaban ang dapat ay para sa iyo.
Kuntento ka na sa mga pangakong hanggang pangarap lamang.
Buong puso mong tinatanggap ang lahat ng mga panlilinlang.
Kung hanggang kailan ka magwawalambahala’y ikaw lamang ang nakakaalam.
Subalit pakatandaan mo, kapag naging huli na ang lahat, naubos na ang pagkakataon upang tumayo at lumaban, walang dapat sisihin kundi ikaw!
Para kay G. Eddie Samonte:
G. Samonte,
Bilib din ako sa lalim ng pasensiya mo. Ninakawan ka na, niloko ka na at patuloy na niloloko, nakangiti ka pa rin? Hinahayaan mo lang kahit wala na ngang itinitira sa iyo, nagpapatirapa ka pa rin sa harapan ng kumakamkam ng hindi lamang para sa iyo kundi ‘yung para sa mga anak mo at iyong magiging kaapuapuhan?
Kaibigan, hindi pagiging sibilisado ang ganyan kundi isang uri ng walang pangalawang KATANGAHAN!
madalas ang mga mahinahong magsalita ang brutal naman sa gawa.mayroon namang brutal sa salita dahil wala ring magawa.palagay ko itong mga arroyo para maalis ay kailangang brutal tayo di lang sa salita kundi maging sa gawa.
Susubukin ko ang iminu-mungkahi ni kapatid na Ginoong Samonte na ilahad ko ang pagkamuhi ko kay gloria habang sinasabi ko ito sa malumanay na paraan. Subok lang.
*********************************************************
Minamahal kong Pangulong Gloria M. Arroyo,
Ako po at ang aking pamilya ay isa sa milyun-milyong mga Pilipino na inyo pong pinahihirapan mula pa po noong naupo kayo sa trono ng Malacanang. Dahil po halos wala na po kaming makain, eh ipinagdadasal pa rin po namin kayo kahit papaano. Dasal po namin alin man sa mga sumusunod:
1) mawala na po sana kayo sa lalong madaling panahon….
2) bumagsak po sana ang eroplanong kinasasakyan niyo pagkatapos tumalon
ang piloto at mga crew….
3) malason po sana kayo sa pag-kain niyo ng masarap niyong paborito…
4) tamaan po sana kayo ng kidlat kahit sa loob po ng Malacanang………
5) makuryente po sana kayo kapag nag-switch kayo ng ilaw…………..
6) magkasakit po sana kayo ng swine flu sampu ng inyong mga kakampi sa
pagnanakaw para isang libing na lang at makatipid sa palibing……….
7) at kung hindi mangyayari ang alin man sa mga ito, sana po ay lumiit kayo
nang tatlong pulgada sa tuwing magsisinungaling kayo hanggang kayo po
ay mawala na nang tuluyan………….
Pasensiya na po kayo sa dasal ko, ngunit sa laki po ng pag-galang ko sa inyo
hindi ko pa rin po ma-atim na kayo po ay mapagsabihan ng anumang salitang barbero o murahin kaya. Nahihiya nga po ako dahil kahit alam namin na nandaya po kayo noong nakaraang eleksiyon, ang patuloy niyong pangba-bastos sa amin, ang walang pakundangan niyong pagnanakaw at panloloko sa amin, ang walang sawa niyuong pagsisinungaling, atbp, eh presidente pa rin po kayo na tinuran. Pero kahit na po medyo masakit ang mga paratang namin na ito sa inyo, asahan po ninyo na taos po sa kalooban ko na kayo po ay mawala na sa mundong ito.
Ang nagmamahal po ninyong lingkod,
Juan de la Cruz
Igan Kim…pwedeng pang balagtasan ang iyong mga nota ah, for sure yan ang bukang-bibig ng mga Kapinuyan na buryong na ang mga kukote sa kaiisip kung papaano sisipain ang rehime sa Malacanang.
Di kasi makuha sa malumanay na panambitan at gusto pa ng gulpe-de-gulat…ang hina kasi sa logic, ang alam lang e puro drawing mo sa tubig.
Mapag balatkayo, manhid sa katotohan…utak-lamok at nasa talampakan ang kukote, kaya di makaintindi ng simple arithmitic.
Isinusuka na siya ng more than…di ko mabilang na Kapinuyan e heto’t nagsusumiksik sa Malacanang, ang hirap umintindi…row four siguro yan noong nag-aaral, nakuha lang sa padrino kasi nga e pulitiko ang epa.
Igan Kim…pag di pa naintindihan ng rehime yaong iyong tinuran e ewan ko lang, talagang personalan na!
Palagay ko itong mga arroyo para maalis ay kailangang brutal tayo di lang sa salita kundi maging sa gawa?
Ka Norpil…alam mo di ako mapalagay, may katwiran ka sapagka’t nangyari na ito noong bata pa si sabel…oppsss! Panahon pala nina Gat. Jose Rizal, di ba idinaan niya sa pamamagitan ng pluma ang pakikibaka laban sa mga Kastilaloy upang gisingin at imulat ang mga Pinoy sa katotohan ng pang-aalipin.
Aba e di makuha sa panulat ang mga stupido kaya heto idinaan sa tabak ng kgg. Andres Bonifacio, so nakita nila ang tapang ng mga Pinoy. Ang kaso e na-onse ni Aguinaldo na isang ilustrado at ginamitan ng mahika ng mapaglarong pamumulitika so nadali si Ka Andres hayon tigok.
Yan si gloria copycat…ginamit yong talipandas na kukote upang tigbakin si citizen Erap, simple di ba…a de siya ngayon ang bosing ng mga naghaharing-uri sa ating lipunan.
Sa palagay ko…sa modernong kapanahunan e dapat MOB ang dapat ibagsak sa enchanted kingdom ng wala nang pakinabangan pa at nang mabura na yan sa mapa.
“…..at kung hindi mangyayari ang alin man sa mga ito, sana po ay lumiit kayo
nang tatlong pulgada sa tuwing magsisinungaling kayo hanggang kayo po
ay mawala na nang tuluyan………….” – Kim.
Ngyaaaaaahhhahahahahahahhhhhhhaaaahhhh!
Hihikain ako!
Hihihiiiiinnnnngggghhhhh!
Pasensya na Eddie Samonte, nahawa na lang siguro si Ellen sa aming mga bokabolaryong kalye ang pag-araw-araw na gamit.
Okey pa naman ang mga sulat ni Ellen. May pasintabi pa nga. Siguro iba na pag tinawag na rin niyang “Pandak” si Putot at nagcomment siya ng “Tangina mo Gloria”.
O de vah?