Skip to content

Kahit pumalya ang eleksyon, hindi pa rin pwede si GMA

Kahit anong emrgency na sitwasyon ang mangyari, bumaha man o kung ano man, hindi pwedeng hindi bababa si Gloria Arroyo sa Malacañang paglampas ng 12 ng hapon ng Hunyo 30, 2010, sabi ng eksperto sa Constitution na si Edwin Lacierda.

“Come hell or high water, Gloria arroyo cannot be caretaker president when her term ends noon of June 30, 2010,” sabi ni Lacierda sa programang “Strictly Politics” ni Pia Hontiveros sa ANC kung saan pinag-usapan ang kinatatakutan na failure of elections sa May 10, 2010.

Dati kasi pinapalutang ni National Security Adviser Norberto Gonzales ang ideya na “caretaker” president daw si Arroyo hanggang magkaroon ng bagong president? Hindi na nakuntento sa siyam na taon sa Malacañang, ang pinakamahaba na pag-upo ng isang presidente na hindi naman binoto ng taumbayan (maliban kay Ferdinand Marcos).

At paano naman magkaroon ng sitwasyon na kailangan ang “caretaker president”?

Marami ang nagbabala sa isang sitwasyon na hindi aandar ang mga makina ng Comelec. Ito kasi ang ang kauna-unahang election na computer na ang magbibilang ng boto.

Ang Youth Vote Philippines naman na nire-representa ni Maxine Tanya Hamada ay nag-alala baka pumalpak ang telecommunication companies katulad ng PLDT, Smart at Globe na siyang magpapadala ng resulta ng eleksyon.

Sinabi ni James Jimenez, spokesman ng Comelec na imposible ang failure of elections dahil hindi naman maaring masira lahat ang 80,000 na makina nila sa buong bansa. Kung may masira man, meron silang nakahanda na 1,200 na reserbang makina na sa loob ng dalawa hanggang apat na oras ay madala sa kung saan ang may problemang presinto.

Sabi ni Jimenez, isang libong botante ang nakalista sa bawat presinto at kumpyansa silang magiging maayos ang pagboto sa loob ng 12 oras, mula 7 ng umaga hanggang 7 ng hapon.

Mga 300 na pangalan ang nakalista sa balota kung saan kukulayan lang ng botante ang bilog sa tabi ng pangalan ng gusto niyang kandidatato. Sinubukan na raw nila ito ay mga lima hanggang 10 minuto lang, tapos na ang pagboto.

Kung magkakaproblema talaga sa computerized counting, pwede namang bilangin ng mano-mano ang mga boto katulad ng dati, sabit niya. Kaya imposible talaga ang failure of eleksyon, sabi niya.

Ngunit kung mangyari man yun, tatawag ng special elections. Pagdating Hunyo 30 na wala pang bagong presidente, sabi ni Lacierda klaro ang Constitution na ang magiging acting president ay ang Senate President. Kung hindi pwede and Senate president, ang Speaker of the House. Kung hindi pa rin pwede itong dalawang opisyal, magkaroon ng session ang Congress at pipili sila ng acting president na siyang mamahala ng bayan hanggang magkaroon ng bagong presidente na binoto ng taumbayan.

Published inAbanteelections2010

96 Comments

  1. Taga-Bulakan Taga-Bulakan

    Ellen, di pwede ang proven na bantay-salakay na maging caretaker ng bansa. Ayaw lang mawalan ng trabaho ni Norberto Gonzalez. Tsaka sino ang magtitiwala sa isang presidente na may kumpletong hukbo ng kawatan? Maglubay sila!

  2. hKofw hKofw

    Nang mapanood ko ang interview ni Arnold Clavio ng Unang hirit kay comelec chairman Melo ay tinanong niya ito kung ang mga voting machines ng Smartmatic ba ay rerentahan o bibilhin? Nagulat ako sa sagot ni Melo: Hindi pa raw napagpapasyahan ito (?!). Huh? Tapos na ang bidding pero hindi alam kung renta o bili ang mga mga makina/computers?

    Isa pa ayon sa huling balita sa The Daily Tribune:

    “They (senators) want to review the contract when it’s not their job. We are an independent commission. They can only suggest,” Melo said, intimating broadly that the contract will be signed despite the criticisms of the senators and other parties.”

    Lagi sinasabi ni Mr. Melo na transparent ang proseso ng bidding. Kahangalan. Para siyang nagmaneho ng hiram na sasakyan na tumatakbo ng walang pakundangan, hindi alinta ang mga road signs maski ang traffic lights. Walang manner. Pareho siya ng amo niya sa Malakanyang. Makapal ang pagmumukha. Nagtataka ako at pinalampas ito ng mga senador. Ibinoto sila ng bayan kaya may karapatan silang usisain si Jose Melo na hindi ibinoto ng bayan.

    Mr. Melo hindi ka dapat pang magtagal sa puwestong iyan dahil sa mga pinagsasabi mo. Hind ka dapat igalang pa. Kaylanman ang COMELEC ay hindi mo pag-aari. Niluklok ka lang diyan ng Dimonyita mong amo. Pera ng hirap na bayan ang involve dito so dapat ipaliwanag mo ang lahat ng detalye ng proseso. Dapat lahat ay LEGAL at TRANSPARENT. Huwag mong daanin sa ‘technicalities’. Ikaw ang sisishin ng lahat kapag nagkaroon ng problema sa eleksiyon 2010. O baka naman KASAMA ito sa plano mo at ng Amo mo?

  3. Ang maghahatid naman sa mga Smartmatic Machines ay si Aboitiz.

    Way to 2GO!

  4. Sa bodega pa lang ng Aboitiz, installed na ang software para sa manipulation ng results.

    Smartmatic and Aboitiz will give us the next president.

  5. Valdemar Valdemar

    How large is the machine? It can be hauled away like an ATM. Or mined water poured into it. Just only a good number enough to declare the whole exercise a failure. No need for an Iranian model.

  6. Ang problema sa bansa natin, lalo na pagdating sa technology, ang mga nagdedesisyon, bukod sa mga retiress na, wala pang sapat kaalaman sa technology.

    Kung ano ang sinasabi ng supplier, they happily swallow hook, line, and… look, we are sinking.

    Mga bobo!

  7. Rose Rose

    Ang intindi ko sa sinabi ni Adaza..na ang future daw ng Pilipinas ay nasa kamay ni GMA..kasi hawak niya ang military.. (baka hawak niya sa pantalon while under her falda)..if this is so forever Gloria na nga ang Pilipinas..malungkot!

  8. Public Service:

    May feedback na ba sa Globe Wimax? Maganda ba ang speed?

    Papasok ‘ata si Danding sa Broadband, alam nyo ba kung kailan mag-umpisa ang Liberty Wimax?

    …ipaputol ko na kasi inet connection ko, sobrang bagal talaga.

    Thank you.

  9. parasabayan parasabayan

    All bases are covered by the bitch and her always “hungry” piggy hubby. Kung hindi oobra ang con-ass, they have to be able to prepare for election rigging so they can make their “annointed” win. Isn’t she so transparent? We already know what the evil dwarf’s next moves are. The problem is, can we stop her? If she can not stay in power after the failure of elections, she and her piggy hubby will find a way to “extend” it. They can always “buy” one to extend the power for them. Haven’t we learned our lesson yet?

  10. parasabayan parasabayan

    The pandak will just change the laws! She is known to change anything if it does not suit her needs.

  11. hKofw hKofw

    Sa nangyari sa Senado na hearing ukol sa voting machines, parang naamoy ko na kung ano ang lulutuin ni Election Chef Jose Melo. Tiyal hindi para sa mga Tao kundi para sa mga Baboy sa Malakanyang at mga Aso’t Tuta sa Kongreso.

  12. Hindi na nakuntento sa siyam na taon sa Malacañang, ang pinakamahaba na pag-upo ng isang presidente na hindi naman binoto ng taumbayan (maliban kay Ferdinand Marcos).

    At least, Marcos was voted by the people twice. The dorobo wasn’t. She just stole the presidency “not just once but twice.”

    And though Marcos extended his stay at the palace by the murky river, there was no talk that he planned to declare himself a king and his title an inheritance to his children even when the wife, Imelda, another one suffering from some illusion of grandeur, tried hard to act like a queen and rub shoulders with the monarchs of the world like what the dorobo does now.

    Iyong delusionary pekeng president, gustong maging reyna, even lying that she descended from a Tagalog lakan, who was an uncle of a Manila rajah. Iyan ang mas grabe!

  13. PSB:

    Sinabi mo pa. The idiot will just change the law if the likes of Binay, et al will not do something to stop her.

    Golly, dito nga sa Japan, nagpilit na baguhin ang rule of protocol ang walanghiya! She insisted that she should meet their Imperial Majesties, who on the last minute, fearful of offending the people of the Philippines, agreed to give her a 10-minute audience. Pero tignan mo, pinasikat na! May kasama pang press entourage to shoot the occasion.

    Napapanganga na lang ang mga tao dito sa totoo lang!

  14. meron naman sigurong technical/it consultants ang comelec di ba? o tingin niyo oo lang sila ng oo sa smartmatic dahil naaliw sila sa demo.

    pero ang di talaga malinaw sa akin, bakit kaya ang ibang bidders e lagpas ang offer sa estimated budget samantalang ang nanalong bidder e nagawang magbigay ng napakababang offer?

  15. That was Marcos. But Imelda was different. She wanted to be the Empress. Imelda and GMA have so many things in common.

  16. haha..birds of the same same. kaya naman pala lately e parang tagapagtanggol ni gma si imelda, naghahanap ng kadamay. tsk tsk..

  17. Therefore, if it’s not a failure of elections, it’s a successful one: for GMA and cohorts. Take your pick.

  18. taga-ilog taga-ilog

    ang malaking dayaan ay wala sa actual na pagboto….nasa pagpapadala ng resulta MULA SA MUNISIPIYO TUNGO SA PROBINSIYA HANGGANG SA PINAKAITAAS!

    Malunasan lang ito ay malaki ang mawawala sa dayaan at malaking tipid pa sa mga machine. Bukod pa sa MABIBILIS ang resulta. Bakit di ito makita ng Comelec?

    Alam ko na, di sila kikita. Mga timawa, hudas at hidhid talaga ang mga nasa itaas!

  19. parasabayan parasabayan

    Ginoray, Imelda has to kiss the pandak’s ass coz she likes to get her assets released. Imagine the billions Imelda still has!

  20. parasabayan parasabayan

    Remember that all branches of our government are now under the control of the bitch! She has stayed in her stolen throne for nine years now and almost everyone is her appointee. Madali lang magmani-obra. The semblance of “transperency” kuno. The computers being tested etc. But in the end, it will be the input of the “powerful” that prevails. Meron ng mga double printed na mga balota. In computerized elections, in a matter of seconds, entries can be inputted so easily. Cheating will be in seconds and no longer days or even months. Kaya mapagmanman tayo. Every candidate should now train their watchers with the high tech nature of this computerized voting. It is not enough that watchers are fielded. If these watchers do not know how these computers work, maiisahan sila pihado. As early as now, future watchers should now have to be trained on what to watch out for.

  21. parasabayan parasabayan

    Baka nga yung i-dinedeposit ni pandak sa Panama, sa Europe etc eh pera na ni Imelda. Who knows. Pandak can do anything she wants skillfully. Baka na-magic na yung pera ng mga Marcos. These assets are to be returned to the people but I doubt if the money will ever be used for the people.

  22. srcitizen2000 srcitizen2000

    kaya bang umandar ng computer ng smartmatic kung ang room temperature ay mataas pa sa 35C? iyan ang room temperature sa napakarming presinto sa pinas. Tandaan lamang na ang performance ng smartmatic ay sinubok sa isang air conditioned environment… paano na ang gagawin ng Comelec kung maski yung kanilang pinagmamalaking reserve computers ay pumalpak?

  23. Rose Rose

    whatever gloria wants gloria gets…
    whatever mike wants gloria gives…

  24. Rose Rose

    ..hindi ba may kasabihan tayo…matakaw pa sa baboy! hayan na nga ang baboy! binababoy ang bayan!

  25. Rose – June 25, 2009 10:54 am

    whatever gloria wants gloria gets…
    whatever mike wants gloria gives…

    ….Whatever God wants, God gets. God will get them sooner or later not to heaven but bring them to hell.

  26. Don’t worry about how the COMELEC will conduct and count the ballots,whether it’s computerized or manual,Gloria Arroyo doesn’t have the luxury of stealing the election; her name will not be on the ballot for president.If she run for Congress seat at her district that’s a sure winner anyway,so why sweat?Let the corrupt politicians eliminate each other this coming 2010 election,it will do our country a favor if they kill each other over election fraud and cheating.

    Gloria Arroyo’s term of office ends exactly at noontime on June 30, 2010.Beyond that she’ll be an illegitimate,unconstitutional president and subject for citizen’s arrest.

  27. Alin ang hindi puede? Ang military take-over with GMA as puppet or as victim? At ang mga communists, panonoorin lang ba nila basta ang power vacuum or struggle? How about people power? Gagamitin lang ‘yan ng alinman sa mga naunang grupo.

    Iran watch? It’s a must. We could be under the same situation.

  28. Sinabi mo pa. The idiot will just change the law if the likes of Binay, et al will not do something to stop her. –Grizzy
    ================================================
    The president can not just change the law.It must be pass from the lower house and to the upper house.Stop bickering,not only the opposition are doing something to stop the madness of Gloria to stay at Malacanang beyond 2010.

    Only charter change and martial law can give leverage to her to stay in power.People don’t want con-ass.So why be afraid of Arroyo.Arrest her past one minute at noontime of June 30,2010.

  29. Cocoy, since when did GMA become a legitimate and constitutional president?

  30. parasabayan parasabayan

    Sana nga Cocoy, magpatayan na ang mga hoodlum na politico. Kaso mo baka ang mamamatay yung hindi naman hoodlum! Yung mga gangster na politiko eh maraming mga bodyguards. Yung mga hindi masyadong trapo, can’t afford pa sila so most likely wala pang mga bodyguards.

    If the midget wins a position in congress, she will engineer a parliamentary change and will pay all the hungry tongressmen to vote her to a Prime Minister or whatever highest position she can have to get immunity. Magaling magplano itong midget na ito at yung super pig!

  31. taxj

    You speculates that GMA is illegitimate and unconstitutional president.Me too!but,that speculation won’t hold water in any legal proceedings.She’s still on the throne so I might as well wait by noontime on June 30,2010.

  32. habib habib

    “…….Mga 300 na pangalan ang nakalista sa balota kung saan kukulayan lang ng botante ang bilog sa tabi ng pangalan ng gusto niyang kandidatato. Sinubukan na raw nila ito ay mga lima hanggang 10 minuto lang, tapos na ang pagboto.
    …”

    Malamang, kapag hindi pabor sa gustong resulta, madaming spoiled ballots ang lalabas dahil madali lamang kulayan ang bawat bilog sa tapat ng pangalan.

    Wais talaga sila. Mga hudas lang!

  33. habib habib

    “….If the midget wins a position in congress, she will engineer a parliamentary change and will pay all the hungry tongressmen to vote her to a Prime Minister or whatever highest position she can have to get immunity….”

    psb, hindi na siguro mangyayari ito dahil wala namang papayag na merong sariling ambisyon na magbigay daan sa isang laos na. Saan naman kukuha ng perang pangsuhol ang virus na si gloria? Hindi na siya ang may hawak ng susi ng kaban.

    Gagastusin ‘yung sarili nilang pera? Saan niya babawiin?

    After 2010, the gunano is already a has-been. Wala ng papansin diyang kaalyado niya dati. Wala ng pera, eh!

  34. habib habib

    Baka nga mangyari niyan, sila sila pa ang magpaaresto kay gloria.

    Saving own skin. Pasensiyahan na lang. Weder weder ‘yan, eh.

  35. parasabayan parasabayan

    Habib di ba nga eh nagtatabi na si midget ng pera kung saan saan? Itong mga perang ito ang gagamitin nila para bilhin ang mga palaging gutom na tongressmen. Natikman na ni midget at ni piggy ang sarap ng perang hindi pinaghirapan. Sinasahod lang nila ang pera ng bayan. They will use the same to perpetuate themselves. Alalahanin natin na nandiyan yung dalawang horsies, yung tiyo at tiya pati.

    Long after the midget is gone, all her dogs are still in key positions. It is very difficult to fumigate them!

  36. parasabayan parasabayan

    Kung yung mga kaalyado niya ang magkakanulo sa kanya, karma karma lang yan. This act will actually be “heroism”!

  37. Psb,

    Sang-ayon ako sa sinabi ni Habib,kahit manalo man si Nunalisa ng Tongresswoman sa Pampanga,hindi na pareho ang grip niya sa mga pulitiko.Wala na siyang Alladin lamp.Laos na.

    Magkaklase na lang sila siguro ni Imelda sa ballroom dancing ng mga senior citizen.

    Ang habol lang ni Nunalisa kung sakali mang maupo siya sa congress ay immunity para deferred muna ang kasong isasampa sa kanya.

  38. Kaya hanga ngayon nandiyan pa sa Tongresso ang karamihang Balimbing, simula pa kay Marcos dahil mahusay sila ng Rock-n-roll at giling-giling.Nakailang presidente na ang mga kurakot diyan sa Tongress,hanga ngayon ba ay hindi pa ninyo pintado ang kartada ng mga baraha nila.

  39. Liwayway-Gawgaw Liwayway-Gawgaw

    Mangyayari niyan, kung ibibili ni Mole-ni-liza ng boto para maging prime sinister sakaling maging fart-liamentary ang gobeyrno ay kukunin lamang ng mga kotongresmen ang pera at hahayaan siyang maglupasay sa kalsada.

    After all, mga kinurakots lamang naman nila ‘yun kaya sori na lang. Hindi lahat ng oras ay oras niya. Reklamo siya, ipakulong pa siya!

  40. mabini mabini

    “Pagdating Hunyo 30 na wala pang bagong presidente, sabi ni Lacierda klaro ang Constitution na ang magiging acting president ay ang Senate President. Kung hindi pwede and Senate president, ang Speaker of the House. Kung hindi pa rin pwede itong dalawang opisyal, magkaroon ng session ang Congress at pipili sila ng acting president na siyang mamahala ng bayan hanggang magkaroon ng bagong presidente na binoto ng taumbayan.”
    ____________________________

    Failure of election nga. Ang Senate president at House Speaker ay matatapos ang termino kasabay ng Pangulo sa katanghalian ng ika-30 ng Hunyo, 2010. Dahil sa “failure of election” wala ding halal na mga bagong Congressman at mga Senador(maliban doon sa 12 na hanggang 2013 pa ang termino). Ang Constitutional provision na tinutukoy ni Atty. Lacierda ay para lamang sa isang pangyayari na merong “electoral protest” pero hindi sa “failure of election”.

  41. syria syria

    There is a 100% possibility that there will be a failure of elections.

    The most that can vote with 80,000 machines from 7 am to 7 pm is only 11.5 million out of 40 million voters if it will take a voter 5 minutes to fill his ballot. According to Comelec, it will take a voter 5 to 10 minutes to complete his ballot.

  42. Broadbandido Broadbandido

    Teka muna. totoo ba yung nabasa ko sa itaas na 5-10 minutes/voter and time and motion study ng Comelec?

    Kung may 1,000 voters/clustered precints, assuming 5 minutes na lang per voter, eh di 5,000 minutes yun, which is equal to 83+ hours????? Tama ba ito o malabo lang ang mata ko?

    OMG???

  43. mabini mabini

    We will have a different “Garci” this time, if back then he made sure that his candidate wins, this coming 2010 elections these new breed of “operators” will make sure that nobody wins.

  44. srcitizen2000 srcitizen2000

    ang isang sinusulong kong panukala, sana magpasa ng batas ang kongreso na isakatuparan ang one barangay one vote, ibig sabihin hindi kailangan ng kandidato sa pagkapresidente na tawagin si Garci para makakuha siya ng lamang na isang milyon. wala pang 44,000. kailangan lang niya 22,000 na boto ng barangay panalo na siya

    Ang bilangan ay sa barangay. kung sino ang manalo dito me isa siyang boto na siyang daladala niya at bibilangin pataas. Mahirap gumalaw ang dagdag bawas brigade sa paraang ito dahil babatayan ng lahat ng barangay ang boto nila sa kandidatong nanalo sa barangay nila. Dito madaling hanapin kung nasaan ang dayaan. Sa paglabas ng Comelec ng mga nanalo, kailangang isaad dito kung saang barangay nanalo ang kandidato. Pero mahirap gumawa ng batas para dito kasi walang senador o kongresistang magiisponsor nito dahil ang mga nagbabayad sa dagdag bawas brigade ay sila ring mga pulitiko.

    haaaaay buhaaaaay

  45. Liwayway-Gawgaw Liwayway-Gawgaw

    src2000,

    Payag ako sa ganito. Parang electoral college sa tate ang labas, di ba?

    Pero saka na lang. Kapag wala na ‘yung mga salot sa malakanyang. Kailangan munang masugpo sila upang magkaroon ng epektibong implementasyon anuman ang ating naiisip na makakabuti sa bayan natin.

    Ngayon kasi, hanggang pangarap lamang ang magagawa natin dahil nariyan pa ang kawan ng mga hudas sa gobyerno!

  46. Nakakapangilabot naman ang computation nina syria at Broadbandido. Either mali sila o hindi marunong ng arithmetic ang COMELEC. Baka nakalimutan lang dahil mga OA (old age) na sila. O sadyang kinalimutan. Sino ba sa atin ang marunong bumilang? Pakitulungan lang kami, please?

  47. mabini mabini

    It will take a voter 5 to 10 minutes to shade their ballot but they will not be shading it one voter at a time. Parang test sa isang classroom, pwedeng 8 to 12 voters simultaneously shading their ballot and then isa-isang ilalagay sa Automated Counting Machine ang kanilang mga balota.

  48. mabini mabini

    I mean “the voters” , “ballots”

  49. 80,000 precincts for 40M voters.
    This means 500 voters per precinct.
    But not all will vote, historically about 85% only.

    (500 voters per precinct/10 simultaneously) x 85% voter turnout x (10 mins/voter)= 425 mins. per precinct = 7.083 hrs per precinct

  50. At 12 hrs from 7am to 7pm, they still have 5 hours to mobilize the flying voters, the dead, the turtles and the birds to vote for the admin candidate.

  51. That computation is good only in the ideal situation and accounts only for the time of filling the ballot. The problem begins when long lines are formed in the counting machine. If it will take only one minute to line up and insert the ballot, fine. But for every minute added to the average, ,b>additional 7 hrs will have to be extended!

  52. Ka Enchong Ka Enchong

    ….Whatever God wants, God gets. God will get them sooner or later not to heaven but bring them to hell.

    Even in hell, they would not have time to feel the heat. They’d be so busy shaking hands with their friends.

  53. Mon Sagullo Mon Sagullo

    Makapagtanong lang po: I don’t recall COMELEC giving a clear and laid out plan for power outages?

    Also, who is allowed (if they can) to inspect the 80,000+ voting machines and the servers if these are actually “clean?”

    I don’t recall reading anything about any poll-watch body who will be allowed (if they can) to monitor the data flow and connection from the voting machines to its assigned servers.

    Going back to the main topic – “kahit pumalya ang election, hindi pa rin pwede si GMA.” – well, we all agree she Garcified her way the presidency. Most people I know would be happy to see out of Malacanang.

    Stitch Lito Banayo’s piece on Class ’78 together with the tenacity of this “I am beyond shame” “one lucky bitch,” mukhang ang “hindi pwede” ay magkakatotoo lang kung may tunay na sasalag sa mga hakbang ni GMA at ng Class of 78….

  54. habib habib

    “Even in hell, they would not have time to feel the heat. They’d be so busy shaking hands with their friends.”

    They will not, either. They will be very busy celebrating their get together and evils do not shake hands. They just lick each other’s ass.

  55. potpot potpot

    kaya nga nagpupumilit c teodoro at bayani na maging standard bearer kc tapus na ang election idedeclara nlng alam na nila na namanipula ilagay nlng ang pangalan nila kya nag aagawan ung dalawang kapal muks na ganid pwe pwe pwe……

  56. Thank you all. What a relief! Now I see that there’s really no cause for alarm. What would really matter is not the time needed to fill up each ballot nor the length of the lines. We only have to consider the time alloted for inserting the ballots. For this, an average of less than a minute per ballot is most likely. Time to look for other problematic areas.

  57. taxj,
    Compare this to betting on lotto. During long queues for the big jackpot draws, one fills out his ticket for only 6 combinations maximum and falls in line and pays, all for about 15-20 mins.

    In elections, you also have wait for the BEI inspector to locate your name on the registry, list your ballot number, then you sign the list and thumbmark it and he applies indelible ink on your finger. You fill out the ballot for 28 positions max, and again fall in queue at the machine. The 10-12 mins Comelec estimate may not be conservative enough.

    Note that for many voters who have no similar experience with the shading type of ballot, the Election inspector will have to explain what has to be done and it may take time.

    The candidates that have to be selected:
    1 Pres
    1 VP
    12 Senators
    1 Party List Rep
    1 Governor
    1 Vice Governor
    1 Congressman
    1 Board Member
    1 Mayor
    1 Vice Mayor
    6 Councilors

    28 positions total

    There is also a problem if the voter shades out the wrong space and would want to change his vote, it cannot be done. And shading out two spaces, nullifies the vote for the particular item. Again, the inspector will be engaged in discussion with the voter.

    Not counting the possibility of brownout and machine breakdown. The machine may come with independent power source such as UPS, but how do you fill out your ballot in the dark? Will the Comelec provide emergency lights, too?

  58. Rose Rose

    BE: Amen sa sinabi mo.whatever God wants, God gets..Dito pagdating ng President ang tugtog ay Hail to the Chief…Ang akin namang salubong kay putot ay Hell to the Cheat!

  59. bitchevil bitchevil

    People’s outrage and anger for this Evil Bitch is growing by the day. For nine long years, we’re figuring out how to deal with her.

  60. Rose Rose

    Walang paki alam si Gloria kahit madapuan man siya ng swine flu..Why Worry? She has only two things to worry about…whether she gets the swine flu or not…if she gets the swine flu..she has only two things to worry about..whether she gets the vaccine and she gets well or she dies..and when she dies she has only two things to worry about whether she goes to heaven or she goes to hell..and if she goes to heaven (kaya?) why should she worry sabi ni pader her sins are forgiven..but when she goes to hell.. she will be welcomed with masigabong banda hell to the cheat! she would be busy dancing the cha cha with all her tong grease friends..so bakit siya paki alam?

  61. vonjovi vonjovi

    Kahit anong emrgency na sitwasyon ang mangyari, bumaha man o kung ano man, hindi pwedeng hindi bababa si Gloria Arroyo sa Malacañang paglampas ng 12 ng hapon ng Hunyo 30, 2010, sabi ng eksperto sa Constitution na si Edwin Lacierda.

    Mali si Edwin dahil walang ng batas na sinusunod ang bansa natin ngayon. Kaya kahit ano pang constitution ay bale wala sa hinayupak na Gloria’s regime na ito. Hindi na sinusunod ang batas natin dahil binastos ng ibang Chief Justices sa SC. kay Davide lang ay bastos na ang ginawa noon sa pag sumpa niya sa mga MAGNANAKAW. Kaya nga ito ay apurahan ang pag gawa ng bawal na batas ng mga hinayupak na TONGRESSMAN.

  62. Taga-Bulakan Taga-Bulakan

    Dumaan ang bayong Feria. Nasa TV lahat ang nakakapanlumong larawan ng mga biktima na puro mahihirap. Ni bigas na isasaing ay wala. Wala ring pambili. Alam naman natin, na kapag ganitong me kalamidad, hindi sapat ang tulong ng DSWD/LGUs sa mga biktima. Ang rason? Kakarampot na budget. Asan ang pera? Itanong nyo kay Gloria. Me pera, pero nakatabi sa mga gastusing pambiyahe at pulitikal. Ninanakaw pa.

    Never in our time na naging matulungin ang gobyerno sa mahihirap na Pinoy. Lagi tayong agrabyado sa hatian ng benepisyo ng estado. Lagi na lang presidente, pamilya at mga kaalyado nito ang nakikinabang sa pera ng bayan na hawak nila — na obligasyon ni Juan dela Cruz na bayaran sa porma ng buwis.

  63. bitchevil bitchevil

    Ramond David, a journalist, says he would run against the Evil Bitch if she runs for a congressional seat in Pampanga.

  64. bitchevil bitchevil

    Excuse me…it’s Randy David.

  65. bitchevil bitchevil

    What’s happening to this Homobono Adaza? This guy used to be an opposition and was very much against the Arroyo government. Now, he says the Evil Bitch holds the key to the country’s future and the only one who could effect positive change. What a Trapo !

  66. TonGuE-tWisTeD,

    Most of the voting processes are done simultaneously. At any given time, there will be some ten or more voters grappling with their ballots while some are being briefed on what to do. But wait…

    Now that you mentoned it, here’s the real bottleneck “you also have wait for the BEI inspector to locate your name on the registry, list your ballot number, then you sign the list and thumbmark it and he applies indelible ink on your finger.” We will need at least 2 minutes for this process alone. An average of 3 minutes, more or less, would be very likely. This is something every voter will have to go through. So?

    Assuming an 80% turn-out, 400 voters will need at least a total of 800 minutes or 13.33 hours of a non-stop voting process. Without even considering the other possible hitches, like brown-outs, machine breakdown, voter’s plaints and etc., we are already faced with an insurmountable barrier to a successful 2010 elections.

    This is the crisis that GMA so desperately needs! Or engineered with the unwitting help of the opposition?
    Will somebody please tell me I’m crazy or something? Dodong, where’s your terminator?

  67. Wala naman problema kung kakandidato si Randy David kalaban ni Arroyo.Ang problema lang ni Randy David kung makapag-papaskil ba siya ng karatula niya sa Pampanga.Kaya ba niyang tapatan ang ibibigay na sobre ni Gloria sa bawat botante.Kasit tig-iisang milyon bawat botante sa distrito ni Gloria ay yakang-yakan dahil wala pa silang isang milyon,hindi naman lahat bibigyan niya,51% lang na botante ay tapos na.

    Ang bibigyan lang naman ni Arroyo ay iyung mga mahihirap na pamilyang botante na maraming mga anak,bibigay na ang mga iyun at iboboto si Nunalisa.

    Baka ang gagawin lang ni Randy David ay bubuhusan niya ng isang basong tubig ang mga botante,talo siya.

  68. mukat mukat

    Sa darating na eleksiyon eto ang mga makikita mo sa tabi ng kalsada sa Pampanga:
    – Vote Gloria Arroyo for GOVERNOR
    – VICE GOVERNOR
    – BOARD MEMBER
    – CONGRESMAN
    Pagdating mo naman sa Lubao eto naman ang iyong makikita:
    – Vote Gloria Arroyo for MAYOR
    – VICE MAYOR
    – COUNCILMAN
    Kung mananalo siya sa lahat ng posisyon e kanya na ang Pampanga

  69. mukat mukat

    News … News ….. Michael Jackson deadbol na!!!!!

  70. xman xman

    Failure of election nga. Ang Senate president at House Speaker ay matatapos ang termino kasabay ng Pangulo sa katanghalian ng ika-30 ng Hunyo, 2010. Dahil sa “failure of election” wala ding halal na mga bagong Congressman at mga Senador(maliban doon sa 12 na hanggang 2013 pa ang termino). Ang Constitutional provision na tinutukoy ni Atty. Lacierda ay para lamang sa isang pangyayari na merong “electoral protest” pero hindi sa “failure of election”.–mabini

    xxx

    Palagay ko nga ay “FAILURE OF ELECTION” ang mangyayari para maging de factong presidente uli itong illegal president sa malakanyang.

    http://www.philstar.com/Article.aspx?articleId=471390

  71. That there will a failure of elections can be proven arithmetically.

    A voter will have to go through the process of identifying himself, looking for his name on the list, signing the appropriate space, putting up a thumb mark, and getting his finger marked before being given a ballot. This will need an average of no less than 2 minutes. So?

    Assuming an 80% turn-out, 400 voters per precinct will go through this ritual. That’s a whooping total of 800 minutes or l3.33 hours of non-stop voting process. This does not reckon with the other possible hitches such as brown-outs, machine failure, voters’ plaints, etc. If this doesn’t spell election disaster, I don’t know what would.

  72. I thought I heard the big news that the Evil Bitch or Mike Pidal died of heart attack. It’s Michael Jackson…

  73. saxnviolins saxnviolins
  74. parasabayan parasabayan

    BE, sana masaya na tayo kung yung bitch at si fatso ang kaput!

    Michael Jackson did not have an easy life. Controversies followed him all around. At least now he is resting in peace. Sadly Farrah Fawcette passed away today too. The hectic show biz life must have shortened the lives of these two. May both of them rest in peace.

  75. Sarah Faucette could have drowned in the bath tub when the faucet kept running non-stop.

    In Pampanga, it would be a battle between David and Gloriath for congressional seat.

    There was no serious medical history of Michael Jackson. For sure, there will be speculations again and the media would be feasting on how he died. Some crazy reporters might report that he died while dancing the “Thriller” at home.

  76. Balik tayo sa failure of elections topic, please. You have already informed us of out of topic news. That’s enough.

  77. habib habib

    Ellen,

    Pwede ka bang mag-create dito ng showbiz plus corner?

    ‘Yung exclusively ay para kay bitchevil lamang so he can always have his day full?

  78. habib habib

    Bilangin ninyo ang kanya comments.

    Sa sampung entries niya, labinglima ang out of topic.

  79. From Omar Tacsay:

    Ang balita na tatakbong Congressman si Gloria sa Pampanga is nakakahiya kasi buong mundo nakatingin sa atin during elections time. Ano na lang kaya ang pagtingin sa atin ng ibang lahi na ang dating Presidente ng Pilipinas gusto maging congressman? Only in the Philippines to kung sakaling mangyari.

  80. perl perl

    Ellen – June 26, 2009 1:41 pm
    From Omar Tacsay:
    Ang balita na tatakbong Congressman si Gloria sa Pampanga is nakakahiya kasi buong mundo nakatingin sa atin during elections time.
    ——————————————————
    What do you expect? pangalan pa lang… Gloria Makapal-gal Arroyo!!!

  81. TruBlue TruBlue

    John Quincy Adams was only US President (early 1820’s) to serve in congress.

    Andrew Johnson was only US President (mid 1800’s) to serve in the Senate.

    Don’t think this will ever happen again in the US.

    But Philippines is a throwback in the 1800’s, so Omar Tacsay’s prediction could prove right – only in the Pilipins. It’s expected from someone who plainly lacks candor, and can’t comprehend what “shame or shameful” means.

  82. Mabuti nga at Congresswoman ang tatakbuhin ni gloria arroyo,mababa ng kaunti sa Gobernador.Si Raul Gonzales yata ay Mayor.Pweding mangyari iyan sa mga taong walang delicadeza.

    Doon sa amin may ganyan.Una kumandidato siya ng Gobernador,talo.Kumandidato ng Tongressman,talo,kumandidato ng Vice Gobernor,talo.Kumandidato ng Bokal,talo.Nagbalik bayan na siya at kumandidato ng Mayor,talo.Sumabak sa Vice mayor talo pa rin.Sumubok sa konsehal panalo siya,ika-walo.Na heart attack sa tuwang panunungkulan ng tatlong buwan,inilibing at binalot ng bandila ang kabaong niya.Iyun pala ang gusto kaya tumatakbong kandidato para raw mabalot ng bandila ang kabaong niya.Natupad ni Konsehal ang pangarap niya sa edad na 70 naging konsehal.Sumasabak na sa pulitika panahon pa ni Diosdado Macapagal.

  83. mabini mabini

    If ever GMA runs for Congress and wins, it will be one for the records. The Father was a congressman of the same district who became president and the daughter was a president who became a congresswoman of the same district.

  84. Rose Rose

    If Gloria wins as tong grease woman in Pampanga, mahal siya ng mga kabalen niya…hindi kaya mahal ang bayad niya sa mga kabalen? They can’t be that stupid to vote for her..are they? no wonder walang progressive ang ating bayan..

  85. Delicadeza? I don’t think most Capampangan has it (no offense to all Capampangan).

  86. Rose Rose

    cvorr..walang progress ang ibig kung sabihin..maragul ang bituka niya..kailan kaya siya masipa?…

  87. Tama si Ellen. Balik tayo sa FAILURE OF ELECTIONS. Hindi yata ito paligsahan sa pagmumura. Kahit pa nga ang pinatatamaan ay si demonyita!

  88. boyner boyner

    Mga posibleng mangyayari:
    1. Matutuloy ang halalan at ang kandidato ni evil bitch ang magiging bagong pangulo na siyang magiging protector ng mga Arroyo. Ito ay sa tulong ng comelec, smartmatic ni aboitez.
    2. Mananalo rin ang sociopath sa pagka tongresista ng pampanga sampu ng mga kabatakang tongressmen na hahalal sa kanya bilang speaker at pagkatapos ay lulutuin ang parliamentary form of government kasabwat ang nakaupong pangulo.
    3. Mag dedeklara ng ML kasabwat ang PMA class 78.

  89. Ito naman ang akin:

    1. Hindi uubra ang pekeng ConAss ni Nograles. Tuloy ang 2010 elections, pero sasabutahihin ito ni gma. Kahit kasi manalo siya bilang congressman, hindi rin siya mako-cover ng immunity. Dahil sa hindi nito sakop ang plunder, sa kulungan din ang tuloy niya.
    2. Magtatagumpay ang pakana ni gma. Failure of elections. Maraming bala ang tatama sa 2010 elections. Bawat isa fatal. Isa lang dito ay ang consolidation of precints ng COMELEC.
    3. Magkakaroon ng power vacuum na sasamantalahin ng Military. Either puppet si Gloria o Biktima. Hindi rin pahuhuli sa pansitan ang mga komunista. May mga grupong igigiit ang Konstitusiyon, pero hindi sila mananaig.
    4. Sa mangyayaring chaos and confusion talo na naman sa J. de la Cruz. Ang tanging magagawa natin ang magdasal. Milagro ang kakailanganin natin.

  90. xman xman

    Dalawa lang ang mangyayari sa 2010 election:

    Unang una maliwanag na maliwanag na control ni pandak ang 2010 eleksyon. Nabuko sila ng Senado na si aboitiz na crony ni pandak ang may kontrol ng balota, ng ballot boxes, at software na gagamitin sa election.

    Yong software at yong election supplies ay galing sa smartmatic pero ang may control ng software ay aboitiz. Ang comelec ay taga bilang lang na wala silang pakialam kong legitimate yong vote o hindi.

    Siguradong hindi mananalo si Erap at ang lahat ng tunay na oposisyon.

    Anong gagawin ni Erap at tunay na oposisyon mag protesta sa Korte Suprema na korte ng mga demonyo?

    Ikalawa, bakit ibibigay ni pandak ang ninakaw nyang presidential power kung magagawa naman nyang nakawin uli na ikatlong beses sa sambayanang pilipino. Nasa kanya ang Korte Suprema at militar. Kaya mas gugustuhin pa ni pandak na magkaroon ng failure of election para sya uli ang reyna bansot.

  91. That’s what I think too, xman. If the Evil Bitch could cheat twice, why not the third time?

  92. boyner boyner

    Taxj hindi problema ang kasong plunder kay evil bitch dahil kahit hindi niya kasangga ang magiging presidente, may immunity siya habang may session ang kongreso. Ang gagawin lang niya ay lumabas ng Pinas bago magsara ang kongreso at balik uli para iwas sa kulong.

  93. boyner, ang immunity yata ay para lang sa mga kasong ang parusa ay hindi hihigit sa anim na taon, at iiral lang kung may session ang kongreso. Palagay ko’y hihigit naman rito ng kaunti ang parusa sa plunder, kaya’t puede seguro siyang posasan kahit may sesiyon. Sino ba’ng abogado sa atin?

  94. You might have come across the news that the Honduran President was arrested. That’s the reason why the Evil Bitch placed most of the 1978 Class in high military position to prevent the same thing from happening. During her nine years illegal term, she has almost perfected the plans how to stay in power…feeding the Generals and kissing Uncle Sam’s ass among others.

  95. dandaw dandaw

    No one can kiss the A – of Uncle Sam. It is not a corrupt country like the Philippines. If it will have to go thru our military, our military have honor and will die for the Oppress people of the world. It sends chills in my spine to think that we have more than 4,000 soldiers died to liberate a country of Iraq. Now a Democracy. If it does mean a thing to you. You guys will argue we did it for oil. Where is the drop of oil? A lot of drops of blood I would say. So, this Glorious 4th, we are ready to put a lot of effort to have a big barbecue for our returning military. Hurah, Hurah, Hurah. two hurahs for Cocoy, Thank you for your service. God bless the U.S.A.

Comments are closed.