Skip to content

Biyaheng Colombia ni Gloria Arroyo

Sa mga press release ng Malacañang tungkol sa biyahe ni Gloria Arroyo sa Japan (Hunyo 17 hanggang 20) at Brazil (Hunyo 22 hanggang 25), walang sinasabi tungkol sa Colombia.

Napag-alaman ng VERA Files noong Biyernes na pag-alis ni Arroyo sa Tokyo ng Sabado, siya ay pupunta sa Cartagena, Colombia. Buong araw ngayon ay sa Colombia siya at pupunta siya sa Brazil bukas.

Napag-alaman din namin na ang host niya sa Colombia ay ang negosyanteng si Jaime Augusto Zobel at ang kanyang asawang si Lizzie. Pangalawang beses na raw ito na bumisita si Arroyo sa Colombia at sina Zobel at tumira siya sa bahay ng mga Zobel doon. Ang una ay noong November 2008 galing siya sa Peru kung saan dumalo siya sa Asia Pacific Economic Cooperation summit.

Alam naman natin kung sino si Jaime Augusto Zobel. Isa siya sa mga haligi ng mga negosyo ng mga Ayala : real estate (Makati Financial Center at mga residential subdivisions), telecommunication (Globe), water services at iba pa.

Ang kanyang asawang si Lizzie ay anak ng mayamang negosyanteng Colombian.

May nagsabi sa aking blog na itong balita ay naghubad ng maskara ng mga Ayala na akala ng marami ay matinong negosyante, na gusto nila maayos na pamamalakad ng pamahalaan, ayaw nila ng dayaan at nakawan. Akala natin.

Wala pala silang pinagkaiba kina Ricky Razon, Lucio Tan, Eduardo Cojuangco at Manuel Pangilinan. Kung sino ang makapag-protekta ng kanilang negosyo, doon sila kahit magnanakaw, mandaraya at sinungaling.

Mabuti at napag-kaalaman na rin.

Bakit ba sekreto itong biyahe ni Arroyo sa Colombia? Sa mga malilikot ang isip, kapag sinabing Colombia ang una kaagad naiisip ay ilegal na droga. Colombia ang capital ng ilegal drugs.

Kung saan ang ilegal drugs, madali ang money laundering. May kinalaman ba dito ang biyahe ni Arroyo sa Colombia? Dati may nagsabi sa kin na ang pabalik-balik ni Arroyo sa Dubai ay excuse yung para sa paghakot nila ng kanilang ilegal na yaman. Kapag presidente kasi, gamit ang presidential plane, maluwag ang inspekyun ng mga customs.

Ang problema kasi ni Arroyo ngayon ay paano niya matakasan ang galit ng taumbayan sa kanyang mga ginawang pandaraya at pagnakaw sa taumbayan kapag hindi na siya sa kapangyarihan. Ang solusyun ay hindi aalis sa kapangyarihan. Kaya sinusulong ng kanyang mga anak at kanilang mga alagad ang Con-Ass para mapalitang ang Constitution at hindi na siya aalis sa Malacañang.

Alam nina Arroyo na ilegal ang Con-Ass na kanilang sinusulong at alam nilang ayaw ito ng sambayanang Pilipino. Kaya siguro naghahanda na rin kung sakaling kailangan siyang mag-alsa balutan.

Walang embassy ang Pilipinas sa Colombia. Wala rin tayong extradition treaty sa kanila. Safe si Arroyo doon.

Published inAbanteForeign Affairs

29 Comments

  1. andres andres

    Ang mga Zobel de Ayala at ang Philippine Daily Inquirer ay magkasabwat. Kung sino ang kalaban ng isa ay kalaban din ng isa. Ngayong kakampi ng mga Zobel si GMA, natural na kakampi din sila ng Inquirer.

    Ewan ko ba bakit ang dami pang nagpapaloko dyan sa mga Ayala at sa Philippine Daily Inquirer eh halata naman ang interes, hindi para sa Bayan, kundi para sa sarili!

  2. chi chi

    Walang embassy ang Pilipinas sa Colombia. Wala rin tayong extradition treaty sa kanila. Safe si Arroyo doon. -Ellen

    Therefore, kundi man s’ya ratratin ng drug lords ay huwag na sana s’yang magising isang umaga dahil sa drugs, o mapagkamalan ng mg durugista at reypin hanggang sa matigok!

  3. saxnviolins saxnviolins

    Si Lizzie ay hindi anak ni Santiago Eder. Si Lizzie ay pang-limang generasyon mula kay Santiago Eder. Kung ang apo sa tuhod ay pang-apat na generasyon, si Lizzie ay anak ng apo sa tuhod ni Santiago Eder.

    http://en.wikipedia.org/wiki/Santiago_Eder

  4. mukat mukat

    Ano talaga ang nationality nitong mga Ayala. Akala ko dati noypi sila dahil marami silang pag-aari na mga lupain puro prime lots pa? Sinong kasosyo nila … kung hindi sila noypi e di 40% lang yong kanila … kanino yong 60% … sa mga pari ba? Biruin niyo kung ang mga taong ito kung gusto pala nilang guluhin ang isang Bansa gaya ng atin … kayang kaya pala nila … lalo na kung ang mga namumuno ay mga Corrupt kagaya ng mag-asawang Arroyo.

  5. hKofw hKofw

    ‘Like a thief in the night’ biglang umiba ng ruta ng biyahe ang Pamilya Kawatan. Para tuloy na-hijack ang eroplano. Ganyan talaga ang gawain ng magnanakaw. Bigla kung tumira. Walang paa-paalam. Kasi nga magnanakaw. Kaya wala tayong dapat ipagtaka. Tiyak hindi lang ito ang huli. May susunod pa. Dahil walang sumasalungat. Si Sec. Romulo walang dangal nakatulala na lang. Palagay ko panay ang kislot ng tatay niya sa hukay.

    Ang kapal talaga ng mga Baboy. Hindi kanila ang eroplano, gamit ito para sa kabutihan ng bayan pero kung gamitin nila parang pribadong eroplano nila ito. Walang abug-abog na biglang pumunta sa kabilang ibayo ng Dagat Pasipiko at walang pakialam sa bansang may-ari ng kanilang sasakyan at marahil may dala-dalang perang mga ninakaw.

    Siyempre may dahilan na lihim. Magpapakaligaya sila sa paraiso ng Caribbean Islands? Maari o kasama na ito. Pero ang ibang dahilan ay malamang na baka bumili sila ng isla o property dito para tirhan sakaling tumakas sila sa batas at
    ngitngit ng mga Pinoy. Siyempre sikreto nilang gagawin ito. Gagamit sila ng ‘pala’ o front man. At may kinalaman marahil ang mga Ayala. Malamang kaysa hindi, ang mayayamang mga Ayalas ay may mga properties na rito. Kaya may sabwatan. Tutulungan sila ng mga ito sa mga proseso ng bilihan ng property. Hindi ko rin akalain na maka-ganid ang mga Ayalas. Mga taksil at walang mga delikadeza rin pala sila.

  6. hKofw hKofw

    Ang mga Ayala’s ay lahing kastilaloy alam nyo na. Kasama ang mga Zobel’s sila ang mga may-ari ng mga naglalakihang mga lote na kinatatayuan ng malalaking gusali sa Makati at iba pang mga lugar. Naturalized Filipinos sila. Pinakyaw nila ang mga lupain sa Makati noong araw na hindi nila akalain ay magiging maunlad. Sila-sila din na mga mayayaman din ang mga nag-aasawahan. Kaya hayan mga bilyonaryo na sila.

    Sa pakikisabwat nilang ito kay bruja gloria muling nabuhay ang ala-ala na nasa ugat ng mga kastila noong araw ang pagmamaliit at pagbusabos sa lipi natin mula pa noong panahon ng Kastila. Hindi nila intindi ang damdamin ng mga Pinoy. Nasa Pinas nakatira pero hindi sila tunay na mga Pinoy. Mangmang ang tingin nila sa atin. Wala silang pakialam sa damdamin nating mga Pinoy na kung tawagin noon ng mga kastila ay mga ‘indiyo’. Kailan ba sila nakihubilo sa mga pangkaraniwan? Mas malapit ang mga ito sa mga kapwa mestizong kastila, mga sosyal, mga burgis at iba pang may mga sinasabi at pagkakakitaan. Kaya hayan malapit sila kay dakilang pandak.

  7. totingmulto totingmulto

    Puro sikreto na lang. When asked about Malakanyang’s ignoring the call for pandak to make clear her intentions after 2010, Miss Fajardo simply replied .. it is pandak’s prerogative to be silent on private matters. Even the unlettered can smell, may itinatago talaga.
    Itong si Miss Fajardo – ang liit ng kanyang utak ay di proportionate sa size ng kanyang mukha.

  8. masha masha

    jaza must come clean. bakit sasadya ng colombia si gma? walang matinong rason akong maisip.

    pinoy ang mga zobel. nagagalit si jza kung pinagdududahan ang kanilang pagka pinoy. nananagalog rin sila. importante sa kanila ang tumulong. may mga charities sila. sila nga ang nagpapatakbo ng habitat for humanity sa pinas. malaki ring ang naka budget para sa proyekto ng ayala foundation na tumutulong sa mga public school students, nagkokonekta sa internet ng mga public schools all over the pinas, at pag preserba ng kulturang pinoy through fhl at ayala museum.

    nakipag rally rin ang mga zobel nung edsa 1. natatandaan ko pang nag tra-traffic noon si fza sa makati dahil sa gulo ng mga rally.

  9. Thanks for the correction SnV. I removed the name of Santiago Eder in the article.

  10. Wow, naghahanda na ng pagtataguan ang mga unggoy sa Colombia ha!

    Private plane naman ang eroplano kaya kahit saan puedeng lumapag basta huwag lang sa mga international airport gaya sa Tate.

    Ang kaso pag-aari ng bansa ang eroplano at pihadong ginamit ang tinatawag na diplomatic immunity para hindi makalaboso iyong mamang malapit na raw mamamatay. Kaso bakit walang sumita sa animal nang mag-utos ng deviating course iyong magnanakaw na sinungaling pa?

    Calling, calling, Senator Pimentel, et al! Bakit hindi iyan sinisita?

  11. Maraming sekreto ang mga demonyo kasi nga mga kampon ni Satanas. Tawag diyan secret combination na mahigpit na kaaway ng Panginoon.

  12. andres andres

    masha,

    Hindi ako naniniwala sa intensyon ng mga Ayala. Sinasabi nilang Pinoy sila pero ang puso at damdamin ay Kastila! Nandidiri sila sa mga masa na ang tingin nila ay indyo!

    Dito sa Pilipinas gumagawa ng malaking salapi, pero dinadala sa Espanya at sa ibang bansa ang kanilang kayamanan. Yan ang totoo!

    Ang mga charities nila ay pakitang tao lamang!

    Swerte lang nila at maganda ang build-up sa imahe nila ng Philippine Daily Inquirer! Pero ang totoo, wala silang pinag-iba sa dating sumakop sa atin, oo nga pala, sila ay genuine kastila!!!

  13. andres andres

    Mula ng mailuklok ng masa si Erap, hindi nila matanggap na ang isang indyo ay magiging Pangulo ng bansa. Kaya’t sinuportahan ang kapwa elitista at i-spanish speaking na si Gloria Arroyo.

    Kahit na panay kawalang hiyaan na ang ginagawa ni Arroyo ay tanggap ng mga Ayala dahil sila ay magkauri!!!

    Ano pa ang masasabi mo rito???

  14. andres andres

    masha,

    Hindi Pinoy ang mga Zobel, Kastila!!!

  15. Well,once china rises and topples america as superpower tanggal na ang powers ng kastila.

  16. Well the main reason why spanish conquered the philippines as the whole is that the royals of the luzon empire/kingdom of Luzon(Sulaiman-Lakandula Clan) did not ally with the Sulu and Maguindanao Sultanate if they joined forces both Luzon and Mindanao will be off limits to spaniards and later all of the philippines as well.

  17. “Kung saan ang ilegal drugs, madali ang money laundering.”

    gloria is so shameless! As shameless as a two-bit hussy.

  18. hKofw hKofw

    Ang mga charities nila ay pakitang tao lamang! – Andres

    Totoo. Sinabi mo pa. Ganyan din naman ang ginagawa ni dole-out queen glued. Ang kaibhan lamang ay pera ng bayan ang ipinamumudmod ng bruja at ang pinakamalaki ay sa kanyang pamilya, mga alipuris sa kongreso, sa AFP, PNP, CBCP, sa mga huwes at maski sa kanyang mga kalaban para tumahimik.
    Libre ang kanyang mga kamay na galawin ang kaban ng bayan na para lang sinusuksok sa sariling bulsa ang perang nilulustay.

  19. boyner boyner

    Ano kaya kung ma kidnap si evil bitch ng FARC o di kaya ng Cartagena cartel?
    Mula Columbia, tutuloy si sociopath sa Brazil. Ang pangulo doon na si Lula ay dating shoe shine boy at hindi nakatapos ng college pero napaunlad niya ang Brazil na ngayon ay may kakayahang magpadala ng satellite sa kalawakan. Itong si Gloria na doctor of economics kuno ay walang binatbat kung ikumpara sa nagawa ni Lula para sa Brazil.

  20. Sabi ng source ko, nag-refuel daw sa SFO ng dalawang oras iyong eroplano dahil low bat na. Di daw kailangang bumaba ng eroplano iyong mga sakay dahil wala namang landing permit. Kaya iyong mga authority doon di na naabisuhan tungkol doon sa mamang malapit na daw mamatay.

    As for the entourage, maliban pa pala doon sa kasamang 58 congressmen kasama ang 58 na mga asawa, may nagsama rin pa ng mga anak. Pinuno iyong eroplano at sayang daw tutal libre naman, paid with taxpayers’ money. Point is bakit walang humihirit?

  21. Boyner,

    Hindi iyan kikidnapin ng mga FARC o Cartagena cartel kasi baka iyan ang protector nila sa Pilipinas. Siyempre kakampi nila, di nila gagalawin.

  22. susy susy

    Ma’m Grizzy, sabi noong kakilala ko sa Philippine Embassy, wala daw nakakaalam na nagpunta sa Colombia si Gloria. Ang alam daw nila magre-refuel sa LA tapos tuloy na sa Brazil.

    Walastik talaga ano? Pati na iyong mga taga-gobyerno natin nalalansihan. Puede ba iyan?

  23. patria adorada patria adorada

    Andres,kung gusto mo malaman ang tunay na historia natin,mag aral ka ng spanish at pumunta ka ng Spain.Nandoon ang records natin mula kay Magellan,Sa Mexico,mayroon din.Sa Finas mayroon but written in spanish.
    Ang ugali ng Filipino ay parehas lang sa ugali ng taga Spain at Mexico.Kasing libog din natin sila.

  24. Akala talaga ni Gloria Dorobo kaniya na ang Pilipinas kaya kahit saan niya gustong pumunta at maglamyerda kasama ng mga asungot niya, OK lang. Si Juan at Juana dela Cruz naman sabi talagang ganoon kasi presidente siya. Di nila alam na walang approval nila di siya puedeng gumala kung saan-saan.

    Bakit di nila alam iyan? Kasi wala daw batas para pigilin at supilin siya, at kung meron man, amended na raw gaya noong sinasabi noong keningburimo ring election lawyer daw na mali daw si Ramos for saying that Gloria Dorobo cannot run or even just start preparing to run as Congresswoman of her provincial district without stepping down as president.

    Ganyan ang pang-aabuso kahit noong araw. Alam nilang lahat iyan pero walang ginawa para mabago ang palakad ng post- Marcos gobyerno. Parehong sistema, parehong mga tao, 1st, 2nd at 3rd generation pa ng mga kurakot. Binago lang ang porma.

    Natatandaan ko ang pintas ng marami noong pagpunta ng mga Marcos sa Japan kasama ang mga cronies, et al. Okupado isang buong department store, at balita iyong mga pinamili junket din. Balita namin ganyan din ang ginawa ni Gloria Dorobo and entourage sa Japan. Ewan lang namin kung pina-charge na doon sa inuutang sa Japan.

  25. Mukhang humirit si Binay laban sa lamyerda ni Gloria Dorobo and party sa Colombia, pero kwidaw siya. Baka pagbalik ni Gloria Dorobo sa Pilipinas, may bagong isasampang kaso na naman laban sa kaniya, at iyong mga bayarang pulis pupuntahan siya sa opisina niya para siya dakpin.

  26. BALUGANGGALA BALUGANGGALA

    Ayon sa mga nababasa kung report, by this time gloria – ang babaing sinungaling, mandaraya, magnanakaw at manloloko ay naka 52 travels na worldwide. SUSMARYA !!! Ilang bilyong piso ang nawaldas na nang LINTANG ito? How many low-cost housing ang dapat naipatayo ng halagang yan bukod pa dyan ang pagbili ng libreng gamot para sa mga hirap na mamamayan na namamatay na lang sa ER palang ng government hospitals dahil sa kulang o walang maibigay na gamot.

    Dapat lang na magtago ang SUROT ng nagaastang pangulo na yan. Dahil dapat singilin sa kanya ang mga ginastos nya sa lahat ng viaje. Hindi maaari ang rason na ginastos nya yun in an official capacity dahil hindi naman sya opisyal. Siya ay opisyal na nang-agaw ng kapangyarihan.

    Dapat dyan kay gloria ay IBITIN ng patiwarik sa Plaza Miranda katabi ni Garci at Esperon baliktaran sila, batuhin ng taumbayan at hayaan silang nakabilad ng ilang araw doon nang sa gayun ay wag nang pamarisan. Palagay nyo kaya may magwawalanghiya pang pinunong bayan kung yun ay mangyari? Wala na, TAKOT LANG NILA.

    Ms. Ellen, forgive me for some caps lock, because am really, really ANGRY!!!

  27. BALUGANGGALA BALUGANGGALA

    And, speaking of the Ayalas and the Zobels, whew, Do you think these people pay the EXACT, CORRECT taxes? Ha ha ha, mas gusto ng mga yan na corrupt at kakampi nila ang nasa Malakanyang dahil they can get away with their true obligations to this country by paying the correct and exact taxes.

    Ayaw nila kay ERAP noon dahil natunugan nila na ang direksyun ng utak ni BIGOTE ay pagbabayarin sila ng TUMPAK AT TAMANG BUWIS.

    Yong mga foundations na yan? whew, yan ay mga excuses lang at diversionary tactics para matakpan ang kanilang kasakiman. Why nga naman pay this much ________________ if you can pay this much ____. Then create ka ng charities and foundations to help the poor kuno-kuno. Neat di ba?

  28. If small businessmen don’t pay the correct taxes, what more the big guys? Look at Lucio Tan whose tax cases have never been resolved.

Leave a Reply