Ang nangyari kay Ruby Rose Barrameda Jimenez ay isang patunay na walang “perfect crime”.
Kahit gaano kagaling ang pagka-plano ng isang krimen, lalabas na lalabas ang katotohanan. Sa kaso ni Ruby Rose, dalawang taon bago lumabas ang katotohanan.
Si Ruby Rose, 27 taong gulang, ay biglang nawala noong March 14, 2007. Nang nawala siya, may kaso siyang isinampa sa kanyang asawa para makuha ang kanyang mga anak.
Ngayon, lumalabas ang katotohanan dahil kay Manuel Montero , dating kawani ng Buena Suerte Jimenez Fishing, ang negosyo ng mga Jimenez, na bumigay na sa kanyang konsyensa at nangumpisal na isa siya sa pumatay kay Ruby Rose.
Ayon kay Rochelle Barrameda, beauty queen at artista na kapatid ni Ruby Rose, na ang biyenan ni Ruby Rose na si Manuel Jimenez, at ang kapatid na si Lope Jimenez, ang nag-utos na dukutin at patayin si Ruby Rose. Sa loob daw ng BSJ warehouse pinatay si Ruby Rose ayon kay Montero.
Sianbi ni Lope sa TV na wala siayng kinalaman sa pagpatay kay Ruby Rose at magsasampa raw siya ng kaso laban kay Rochelle.
Mukhang totoo ang sinasabi ni Montero dahil naituro niya sa mga pulis kung saan ang bangkay ni Ruby Rose at nakuha na nga sa ilalim ng dagat bandang Navotas na nakalagay sa drum na sinemento. Kaya buo pa ang katawan at nakilala ng mga Barrameda na yun nga si Ruby Rose.
Sabi ni Chief Superintendent Roberto Rosales, hepe ng National Capital Region Police Office, na hindi pa kasali ang asawa ni Ruby Rose na si Manuel Jimenez III sa mga isinampahan ng kasong murder ngunit ini-imbistigahan pa ang maari niyang papel sa pangyayari..
Sinasabi ni Rochelle na hindi lang alitan mag-asawa (binubugbug daw si Ruby ng asawa) ang dahilan kung bakit pinatay si Ruby. Malaki daw ang posibilidad na may koneksyun ang mga “ilegal” na negosyo ng mga Jimenez.
Sinabi ng nanay ni Ruby Rose na si Asuncion, “May mga paihi sila sa gasolina. Sa pagkaka-alam ko ang fishing business ay front lang.”
“Paihi sa gasolina” ay smuggling ng gasolina. Nililipay ang gasolina mula sa tanker sa isang maliit na fishing vessel. Noong isang taon, ni-raid ng Bureau of Customs ang mga fishing vessels ng BSJ fishing dahil nga sa suspetsang smuggling at nakakuha ng mga gasolina na nagkakahalaga ng P150 milyon.
Sabi ni Rochelle may mga naikwento ang kanyang kapatid sa kanya tungkol sa mga gawain ng pamilya ng kanyang asawa. Isa doon ang pagpatay sa isang tabloid reporter na si Alberto Orsolino noong 2006 na dating empleyado ng mga Jimenez.
Binaril si Orsolino malapit sa kanyang bahay sa vahay. Ang pumatay na si Rommel Lirazan na nakakulong ngayon ay nagsabing ang nag-order daw ay sina Jimenez.
Kahindik-hindik ang krimen. Parang kuwentong Mafia.
Nugnit ito ay nagpapatunay lamang na hindi natutulog ang Diyos.
Ganyan din ang ginagawa ng mga Espina sa Biliran.
They are creating more harm than good in the said province.
May mga namatay na na puro nila kalaban sa politika. Ipinagmamalaki doon ni Gerry Espina na kailan man di sila macoconvict dahil napakalas nila kay former DOJ sec. Raul Gonzales dahil compare daw niya ito ang ninong ng anak niyang si Aileen.
Please visit biliranisland.com para malaman ninyo ang katotohanan ng aking paratang na ito. Please listen to the voices of Biliranons.
Well, ms. Nena…yan ang problema sa Pinas, walang hustisya…bakit ka mo? Ganito yon, pera pera lang ang katapat ng buhay ng isang tao.
Pag ang nakabangga ninuman e yong mga Pinoy na maempluwensiya sa lipunan for sure di na yan magkakaso, kundi maghire lang sila ng killer… so tapos ang istorya.
Yan ang kalakaran sa atin bansa, ang daming unresolved crimes pero ano ang resulta…hayon pending case, di mahuli ang salarin. Ang mabigat nito pag fall guy ang nasakote yan ang magdurusa sa rehas na bakal.
Alam mo ba na halos 90% ng mga nakakulong e till now di pa umaamin na sila ng gumawa ng krimen, so paanong nangyari na sila e makulong kundi sila ang suspect.
Isang bansang Kristiyano na dapat e may takot sa Dios, pero kung ating pakakasuriin…kita nýo naman ang daming krimen.
There is something wrong sa ating society now a days, yan ang dapat pagtuunan ng rehime at simbahan?
Kaya ang nangyari kay Ms. Ruby e isang karumaldumal na krimen, ang ibig sabihin e wala na silang takot sa Dios at nakakakilabot na sitwasyon.
Paano na yong mga unresolved o kaya di man lang nailathala sa pahayagan.
Magandang ungkatin yang kaso ng Oil Smuggling. Magkakaalaman diyan na ag konek ng mga smugglers ay abot hanggang sa pinakamataas na mga opisyal at pinakamalapit na mga cronies.
Sigurado akong pag malapit nang matumbok ang tunay na bigtime syndicate, matatabunan na naman iyang istorya sa mga diyaryo.
Salamat naman at natapos na rin ang kalbaryo ng mga Barrameda. Awang-awa ako kay Rochelle tuwing makikita ko siyang nananawagan sa nakakaalam sa pangyayari. Maganda kasi siya’t maamo ang mukha kaya siguro nahulog ang loob ng isa sa pumatay at nakonsensiya.
Pero kung ang mananawagan ay kamukha ni Pokwang o si Bella Flores, manigas sila.
Tongue-twisted,
Di pa tapos ang kalbaryo ng mga Barrameda. Sa katunayan ay umpisa palang ito ng isang napakasalimuot at mapagbantang lakbayin bago nila makamit ang inaasam nilang hustisya. Nabanggit ni Ellen na nagbanta daw ang nakakatandang Manuel Jimenez na sasampahan nila ng kaso si Rochelle. Huwag sanang bitawan ng media ang kasong ito dahil ang kalaban ng mga Barrameda ay sing-tigas ng drum na sinyemento.
The suspects are powerful and rich. It might become another case on the unsolved cases. How many influential criminals got away with their crimes?
Our hearts go to the Barrameda family on these most diffucult times. May justice find its way into their favor, punish the guilty, and put a final closure into an almost perfect crime.
___________________________________________________________
On the other side of the coin, should gloria succeed in her quest for perpetual power, then THAT would have been “THE” perfect crime.
Nakunsiensya si Manuel Montero at bumigay na sabi ni Ellen “ay nagpapatunay lamang na hindi natutulog ang Diyos”.
Sana ay sa kahit isang minuto na hindi pagtulog ng Diyos ay si Gloria Arroyo naman ang Kanyang dagukan ng ubos lakas upang makita na rin ni Aling Edith Burgos ang anak na si Jonas, at ng lahat ng ina na nawawala ang mga anak dahil sa murder at forced disappearances na utos ni Gloria Arroyo.
At sana ay hambalusin ng kani-kanilang konsiensya ang mga masasamang tao higit ang mga Arroyo-Pidal and their Con-Assers!
AMEN, Chi!
There is no perfect crime. That is why you need someone like Merceditas; and Sandiganbayan justices, and Raul Gon, and lapdog congressmen, and ……
Walang perfect crime. Ipaala-ala ito dapat kay Gloria Arroyo.
She thinks that she has already successfully buried all her crimes – Hello Garci, Fertilizer scam, NBN/ZTE, World Bank public works project etc.
But there is no such thing as a perfect crime. Lalabas din and katotohanan. Sana lang sa madaling panahon.
hi ellen gud am,dapat dito magpakita ng tapang si afuang mas bilib ako,eh kung sa kaso lang ni dr.kho siya magaling wa bilib as tae siya mapapel.mga kasong ito ang dapat pag aksayahan ng oras.wala talagang lihin na hindi nabubunyag,ang mababo kahit takpan mo o simintuhin ng makapal sisingaw at sisingaw parin.
Na awa talaga ako sa biktima at ang kanyang pamilya..grabe pala talaga itong mga JIminez nuh!?!
Wala talagang perfect crime subalit sa ating panahon sa kasalukuyang administrasyon, pini-perfect nila ang lahat ng kanilang mga hakbang.
Hindi ba ninyo napapansin? Paulit ulit, pabalik balik nilang isinusulong ang pagpapalawig sa kapangyarihan ng babaeng isinusuka ng bayan kung hindi sa pamamagitan ChaCha ay ConAss naman?
Kaya huwag tayong pakasisiguro na ‘yung pag-urong nila kunyari kapag nagpo-protesta ang tao ay isinasaisantabi nila ‘yun bagkus mas lalong matyagan, bantayan at huwag tatantanan ang anumang gagawin nilang hakbang.
Itong kaso ng pagpaslang sa kapatid ni Rochelle Barrameda, kung may kapit ang gumawa sa mga nagdidiyusdiyusan sa malakanyang, sisingaw kaya? Mabuti na nga lamang at itong si Montero ay binagabag ng kanyang konsensiya at bumigay bago pa napagtakpan ang krimen kaya itong si Rosales, isa sa mga alagang tuta ni gloria ay walang nagawa kundi magbigay ng pahayag pabor kuno sa pamilya ng biktima.
Gagamitin at pagsasalitain ng mga Jimenez ang kanilang pera, bandang huli, lalabo ang kaso, mababaon sa limot, iilap ang hustisya.
Hindi posible kay Gloria Arroyo na ma-imbento ang perfect crime. She perfected corruption, didn’t she?!
Sa pagkaluka-luka ng putang unana, akala niya ay mala-dios na ang kanyang kapangyarihan…dios sa dark side!
Kung kay Gloria ginawa yon, matipid, sa lata lang ng langis kasya na!!! Haha!
Why Raul Goonzalez was removed as DOJ Chief and regarding the Dacer murder case:
http://www.philstar.com/Article.aspx?articleId=477782&publicationSubCategoryId=63
“…dapat dito magpakita ng tapang si afuang mas bilib ako…” – ofw
Galit si Afuang sa “kabastusan” ni Hayden Kho. Pero nung Mayor siya ng Pagsanjan, sikat na sikat sa buong mundo ang Pagsanjan sa child prostitutes at pedophiles.
Dapat si Afuang ang buhusan ng asido!
In the US, Iranian-Americans are protesting for or against the recent election in Iran. Why can’t Fil-Ams do the same way considering that they are among the largest immigrant population in the US?
I saw on TV the Jimenez father, son and uncle. You can’t tell in their faces that they are capable of Mafia-style killing. But then even the Mafia dons, some of them also look harmless. Hindi makapatay ng langaw but in reality, they are heartless and cold-blooded.
Kapag ang isinumbong ang isang mahirap, agad siyang sinasampahan ng kaso, inaaresto at isinasalpak sa kulungan. Madalas ay doon na siya nabubulok, umusad man ang kaso o hindi at inosente man siya o hindi! Kapag mayaman ang sangkot, iba naman ang takbo ng istorya. Ganyan talaga sa ating oligarchy na nagpapanggap na democracy.
We can just imagine how many people this Jimenez family killed.
lahat ng kasalanan ay pinagbabayaran at walang kasalanan na maitatago habambuhay…ang isyu ng pagpatay kay ruby rose at karumal-dumal at kung iicipin mo ay walang ibang dahilan kung hindi away mag-asawa na pinakialaman ng magaling na tatay…
kaibigang nena..ang mga nasabing isyu sa biliran ay walang pinag-iba sa ibang bayan at probinsiya kung saan ang mga trapo ang naghaharing-uri, ang mga espina sa biliran, ang mga antonino sa nueva ecija, ang mga villarosa sa marinduque, ang mga jalosjos…lahat pawang trapo, at ang tanging dahilan na patuloy na nauupo sa puwesto ay dahil sa pera at private army at pag mabigat ang mga kalaban..assasination ang ginagawa.
kaya nga sa darating na 2010, walang trapo..ubod na ng yaman nila sa pangungurakot at ubod pa ng yabang na sila lamang ang magaling at naghaharing uri…ugaling trapo ugaling kawatan.
dito rin sa amin sa paranaque, ay napakagaling magpakitang tao ng aming pinuno mayor at kawatan este kinatawan…palaging nasa abroad panay deposito yata samantalang walang savings ang lungsod at puro utang sa landbank pampasuweldo sa mga kawani…asan na nag malaking taxes ng paranaque? pati nga lahat ng negosyo pinatulan ng pamilya, pati office supplies pinatulan din at walang patawad…ang simpleng mga clerk sa budget office ay puro mayayaman na, lalo na ang bosing at isguro mas higit ang magaling na mayor.
ang trapo ang ugat ng kahirapan, pang-aabuso at pagkasira ng ating bayan…matagal na nila tayong niloloko at pinaglalaruan kaya sana naman matuto na tayo.
sa 2010, isulong natin ang NO to trapos
at higit ang No to gloria sa congress
tama na at panahon na para tayo naman ang gumuhit ng ating kasaysayan.
mabuhay ka kaibigan!
unsolved crimes can be considered perfect crimes. there are a lot of perfect crimes in pinas specially those committed by politicians.
gunawin na lang ang Pilipinas para matapos na ang lahat. Yung masama sa impyerno, saan kaya ako, ikaw kayo, sila?
ptngna,
Palagay ko sa impyerno din ako. Para pagdating ko doon, pagsasampalin ko lahat ng pamilya ni Arroyo pati yung mga sipsip niyang alipores.
There are perfect crimes on earth but not in heaven. Even if these criminals could get away from their evil acts, they cannot escape the day of judgment when they will have to be accountable for their sins as they face their Creator.
Cool lang kapatid na ptngna…ang lahat naman ng bagay e may solusyon, kaya natin yan…basta daop-palad tayong lahat na nagmamahal sa Inang Bayan.
Ang wika ng Panginoon, “Ilagay mo ang iyong pasan sa Panginoon, at kaniyang aalalayan ka: Hindi Niya titiising makilos kailan man ang matuwid.”(Psa. 55:22)
“Huwag kang matakot pagka may yumaman. Pagka ang kaluwalhatian ng kaniyang buhay ay lumago; Sapagka’t pagka siyaý namatay ay wala siyang dadalhin; Ang kaniyang kaluwalhatian ay hindi bababang susunod sa kaniya.”(Psa. 49:16-17)
Kaya igan kaya natin ang labang ito sapagka’t naka almost 9 years na tayong nagtitiis sa rehimeng arroyo…ilang buwan na lang at makakaraos din tayo.
Basta todo bantay tayo sa rehime upang wag na muli tayong paglalangan.
ptngna,
Dun ako sa impierno para ipapagdukdukan ko si Gloria at pamilya sa sentro ng apoy!
chi, bakit naman kailangan mo pang magpunta sa impierno para lang ipagdudukan itong gloria and co, dito mo na gawin. kung puede sanang turist sa impierno gusto ko rin sana doon, marami daw seksi duon.
Speaking of Impyerno, I once saw the old Pablo Cuneta stomping mad in front of his Cadillac at the Pasay Public Market sometime in the 80s. I found out that it was because a successful girlie bar in Ermita is opening its branch there. The club’s name was Impiyerno and they were putting up the huge neon singboard which says “Impiyerno sa Pasay”. That got the Mayor’s ire.
The old Cuneta was a womanizer himself. He preferred that the club’s name be called (Puneta’s Club)…RIP.
one blogger said the jimenezes looked harmless on tv. you could be right… esp for mr lope, the uncle and owner of BSJ. mukhang frame up ang nangyayari. sa pagkakaalam ko, montero, the witness, was fired from BSJ due to stealing and doing illegal transactions using BSJ’s profile. galit na galit sya at nagbanta na may pasasabugin syang news. mr lope was not alarmed as he knew he didnt have any dark secrets. lahat e nagulat sa news. inamin ni montero na isa sya sa pumatay ke ruby rose. ginamit nya ang facilities ng BSJ. at itinuturo ang jimenezes. sa dami ng malalaking boats ng mga jiminezes, kung sila ang talagang pumatay… itatapon nila ang body sa laot, as far as abroad… at hindi sa fishing port na malapit sa kanila. mr montero had access to BSJ facilities, but not on their giant fishing boats. mukhang malalakas din ang backers ni mr montero for coming out. im not defending the jimenezes. tho i know isang tuso si mr montero. dapat magbayad kung sino man ang salarin sa krimen na to.
Here comes this Danielle from nowhere defending the Jimenez. The victim was brutally murdered right inside the Jimenez fishing compound. Between the rich and powerful and the poor female victim, I pick the latter. Assuming that witness Montero was fired from his job…that doesn’t mean he’s not telling the truth,