Skip to content

Kahanga-hanga ang ginawa ni Lacson

Kahanga-hanga ang desisyon ni Sen. Panfilo Lacson na mag-withdraw sa 2010 presidential race.

Sa interview niya sa TV Patrol sinabi niya ang dahilan ay ang kahirapan na mangalap ng kontribusyon para sa eleksyon sa susunod na taon.

Sabi niya, walang kinalaman ang binubuhay ng administrasyon na kaso ng pagpatay sa isang public relations executive na si Bubby Dacer at ang kanyang driver na si Emmanuel Corbito. Hindi raw siya nababahala doon dahil hindi siya sangkot. Naniniwala siyang lalabas ang katotohanan.

Talagang mahirap ang pera ngayon lalo pa sa kanya na hindi mataas ang kanyang rating sa mga survey. Siyempre ang mga mayayaman na maaring mahingi-an ng tulong ay magbibigay sa ina-akala nilang malaki ang tsansa na manalo. At ang isang batayan ay ang ratings.

Sabi ng mga beterano sa pulitika, ang estimate na budget ng isang kandidato para presidente ay hindi bababa ng tatlong bilyong piso. Si Gloria Arroyo noong 2004, inabot sampung bilyon ang ginastos, kasama doon ang pera na galing sa fertilizer scam at sa road users tax.

Maliban kasi sa pamimili ng boto, malaki ang ginastos niya sa pandaraya pagkatapos ng eleksyon lalo pa doon sa Autonmous Region for Muslim Mindanao. Usap-usapan sa mga sundalo ang pera na pinamigay ng isang heneral para sa ginawa nilang pagpalit ng mga numero sa certificate of canvass.
Ang laki din ng ginastos ni Arroyo sa pag-manufacture ng pekeng election returns na ipinalit doon sa ballot boxes na nakatago sa Batasan.

Ngunit kahit hindi ka mandaya malaki pa rin ang perang kailangan. Sa TV ads lang, isa sa mga epektibong instrumento sa kampanya, bilyon na ang aabutin.

Hindi madali ang desisyon ni Lacson dahil iyun ay pag-amin ng kahinaan sa kanyang kampanya. Hindi madali ang tumanggap ng hindi magandang katotohanan.

Kinakailangan ang tapang ng loob at pinakita ni Lacson na meron soiyang nun.

Ang pagwithdraw ni Lacson ay makakatulong sa hanay ng oposisyun. Sabi ni Lacson tutulong siya isang kandidato na magkatugma ang kanilang prinsipyo at pananaw ng public service. Kinikita ko na mamimili si Lacson sa pagitan ni Sen. Mar Roxas at Sen. Chiz Escudero.

Sana hindi na rin itutuloy ni dating Pangulong Estrada .Sana hindi na niya hintayin na i-disqualify siya ng Supreme Court. Tulungan na lang niya ang isa sa mga oposisyon na kandidato na siyang magsusulong na maayos na pamahalaan. Kasama doon ang pag-usig sa mga mandaraya at magnanakaw na katulad ni Gloria Arroyo at ang kanyang mga alagad.

Kahit pa sabihin na may mga loyalist talaga si Estrada, hindi tumataas ang kanyang ratingsa survey. Bumababa pa nga e.

Hahanga din ako kay Estrada kung magw-withdraw din siya.

Published inAbanteelections2010

102 Comments

  1. Ellen: Hahanga din ako kay Estrada kung magw-withdraw din siya.
    ******

    Sinabi mo pa. The best thing he can do to help kick out the dorobo is educate Filipino voters through documentary films that he can produce ala-Michael Moore.

    As you say, he may not even qualify for allowing himself to be convicted for something that he said he did not commit!

  2. Well,hindi maganda ang vibes ko kay lacson ala-thaksin siya tulad ni Bayani Fernando kaya good thing na nag-give up na siya….

  3. Mike Mike

    I have said that many times, and I agree. Erap should withdraw and do a Lacson. Just imagine Erap and Lacson supporting the same candidate. It will be a landslide victory for the opposition. Funny how Erap kept on harping that the reason why he is thinking of running is because of the disunity in the opposition ranks. I am tempted to think that what he is saying is just an excuse since he knows very well that no one in the opposition will withdraw from the race. I suppose Lacson won’t budge too if he has the ammunition (money) to campaign. From day 1 of his release and pardon, he wanted to claim back his lost presidency. He must be hoping that the opposition presidentiables won’t withdraw and unite for a single candidate so that he has an excuse for running himself. By his intention of also running, he himself is disuniting the opposition. He had his chance before, and he blew it.

  4. Balweg Balweg

    Well, ngayon lang natauhan si Sen. Lacson…kung ginamit niya ang logic last 2004 e sana presidente siya at di tayo ngayon naghihirap sa rehimeng arroyo. Ang kaso e masyado siyang nagmadali at heto napaso tuloy, sayang ang kanyang paninindigan.

    Kailangan kasi e wag padalos-dalos sa pagdedesisyon lalo na kung ito ay maykinalaman sa paglilingkod-bayan… karamihan sa mga kumakandidato e may grassroot supporters at partidong nagtataguyod sa kanilang pagkandidato except kung maging independent candidate.

    Magka-gayon man e mayroon silang alas kaya malakas ang loob pumalaot sa mundo ng pulitika. Actually, si Sen. Lacson e nagwithdraw din ng suporta kay Pres. Erap noong kasagsagan ng EDSA DOS kaya lamang e naging gentleman siya na professional ang pagpapaalam niya sa pobre unlike ng mga traydor.

    Walang ibang choice si Sen. Lacson kundi tanggapin ang tadhana sapagka’t disarmado siya ng mga trojan horses ni Tabako.

    Kung nais niya ng tunay na pagbabago e tumulong siya sa Oposisyon upang mapagbigkis ang hanay at magkaroon ng direksyon sa darating na 2010 or else wala siyang aasayan sa Masang Pilipino.

    Isang leksyon ang pinasok niya last 2004 at nawa e maging aral ito sa kanya at matuto siyang kumilitis at pulsuhan ang damdamin ng Masang Pinoy.

    I’m still avid supporter of Sen. Lacson, but brotherly advise e igalang niya ang Ama ng Masang Pilipino at magiging maganda ang kapalarang naghahantay sa kanya sa mundo ng paglilingkod bayan.

    Yon lang po!

  5. Balweg Balweg

    Ka Mike…ang problema nating lahat e si gloria and her lapdogs di ba? Kung matutuloy ang 2010 eleksyon at muling magpapasya ang Pinoy registered voters e hamon ito sa lahat na igagalang natin kung sino ang magiging mapalad na papalarin maging bagong pangulo ng ating bansa.

    Ang lahat ng kinauukulan e may kalayaan kung sino ang napipisil na kandidato o iboboto thru honest and peaceful eleksyon under the patrimony of Pinoy democracy.

    After all tapos ang problema at magsama-samang muli sa pagpapatakbo ng Bansa at magtulong-tulong para sa ikauunlad.

    But pag mayroon muling maghudas at agawin muli ang poder ng kapangyarihan sa mahahalal sa 2010 e talagang wala na sa pagtino ang Pinas.

  6. xman xman

    Tama, kung magkaroon man ng eleksyon siguradong disqualify si Erap ng Supreme Court dahil nasa maliit na bulsa ni pandak yong majority na mga mukhang pera at corrupt.

    Dapat isipin ni Erap na suportahan ang kandidato na may mga katangian na hinahanap ng bayan. Katulad ng mga sumusunod:
    1. Hindi mukhang pera at may dangal
    2. Kayang ipakulong si bansot at pidal mafia
    3. Magagawang kunin ang Mindanao katulad ng ginawa ni Erap
    4. May mga planong nakalahad kung anong dapat ang gawin para mapaunlad ang Pinas

    Noong nakaraang Presidential eleksyon, si Lacson lang ang may planong nakalahad kung paano mapapaunlad ang Pinas.

  7. Personally, mas hanga ako doon sa abogadong nagsulong ng pagpapauwi kay JocJoc sa Pilipinas, si Harry Roque.

    Ang daming nagsabi na hindi siya magtatagumpay, pero nakita naman natin ang resulta ng ginawa niya. Problema nga lang iyong VIP treatment na ibinigay doon sa magnanakaw ng pondo para sa fertize sa Pilipinas. Pero at least, siguro hindi na makakabalik sa Tate si Bolate.

    Ang tapang na magaling pa, at saka hindi madaling mag-give up at hindi bitin ang trabaho. Iyan ang dapat na tumakbo pero mas epektibo yata siya bilang sibilyan kesa maging politiko at makurakot sa bandang huli bagamat subok na ang integridad niya.

    Iyan ang tunay!

  8. Sayang, mas marami ang hindi!!! Sana dumami ang tribo ni Harry Roque!!! 😛 Pihado konti na lang ang magagago ng mga gaya ni Gloria Dorobo!

  9. kabkab kabkab

    Dapat nga lahat ng mga Presidentiable na mababa ang rating ay mag-withdraw na. Kagaya ni BFernando .. okey na sana siya sa akin pero maraming galit sa kanya na kapwa politician dahil siya ay nagtatrabaho. Yong iba diyan ay puro dada lang. Pinipintasan lahat na mga pinag-gagawa niya. Nilinis niya ang mga bangketa at pinalayas ang mga squatter. Kayong mga taga Metro Manila di ba maganda ang ginawa niya? Ang mga ibang Presidentiable natin ay puro daldal lang wala namang ginawa na maganda. Sa lahat ng Senador si Lacson sana ang puwede pero … wala eh.

  10. Balweg Balweg

    xman,

    How come naman na aatras si Pres. Erap sa 2010 e halos buong Pinas ay nabisita na niya thru Lakbay Pasasalamat…sino ngayon sa mga kumokontra sa pobre na wala siyang suporta sa Masang Pilipino.

    Matuto silang magbasa ng news everyday at wag maging selective…kung ano lang ang IN e yon lang, but ang Ama ng Masang Pilipino e patuloy ang pagdalaw sa bawat probinsiya…wala sila noon.

    Kung sinisipag ka e try to visit his site (http://www.erap.ph) for more infos.

    Sample lang ito sa mga nadalaw na lugar:-

    Erap sweeps Bicol, source: MR. EXPOSE Amb. Ernesto Maceda
    Tribune 05/19/2009.

    Erap to hold Lakbay Pasasalamat in Cebu
    By Carmi Cavanlit, ABS-CBN News Central Visayas 03/03/2009

    Erap and his party visit Rizal towns, Antipolo City
    source: Bulletin – Tuesday, February 10, 2009

    Erap to hold ‘Lakbay Pasasalamat’ in Batangas
    source: GMANews 05/21/2008

    Masyado nilang minamaliit si citizen Erap, but ang Masang Pinoy ang magpapasya not Sen. Lacson or whoever ayaw sa pobre.

  11. Mike Mike

    kabkab,
    Sorry pero I have to disagree with you regarding BF dahil:
    1. Di lahat ng kalsada sa Metro Manila ay malinis. Ang mga baha na nararanasan natin itong mga nakaraang araw ay nagpapatunay na puro basura ang mga estero na dapat nililinis ng MMDA.
    2. Minsan ko ng nakasabay ang convoy ni BF. Panay ang wang wang ng sasakyan niya. Di ba niya alam na ang sasakyan lang ng presidente, pulis, bumbero at ambulansya lang ang pwedeng mag wang wang? Di pa siya presidente arogante na, paano pa kaya kung nakapwesto na.
    3. Pinagdidikit ang mga tarpaulin na may pagmumukha niya sa mga lansangan at ng iba’t ibang gusali sa Metro Manila na tila nangangampanya na . ang tanong, saang pondo niya kinukuha ang pambili ng mga tarpaulin na yan?
    4. Wala siyang malasakit sa mga maliliit na tao na nagtitinda sa mga kalye. Di ko sinasabing dapat kunsintihin ang mga ito, pero sana naman eh huwag naman nilang nakawin o dili kaya eh sirain ang mga paninda ng mga pobre. Aroganteng paguugali ang ipinapakita niya at walang habag sa mga maralita.
    5. Di siya gwapo katulad ng gusto niyang palabasin. He, he, he. Peace! :p

  12. martin1986 martin1986

    the more we get to know ping lacson, the more we see the good in the man despite all the bad publicity there is about him. okay siya na tao, and i think his faith and family (his grandchild most especially) kept him grounded on his principles and values. i always hear from ping the phrase “being a Christian” and he does his best to stand by it. unlike the diabolical woman who loves to pray before the cameras, and show the world her fake religiosity.

    lacson is one statesman worth emulating. mabuhay senator lacson! may those like you increase.

  13. No matter how we try to avoid talking about Erap as suggested by Ellen herself, it’s inevitable considering the influence he has on politics. His role in every political discussion is shown by the constant mention of his name by other bloggers, not just me.

    Whether you’re a fan of Erap or not, he is still very much loved by the masses. Even if he doesn’t run, his endorsement of a candidate means millions of votes. If he doesn’t run and he and Lacson support the same candidate, the chance of that candidate of victory is very great.

  14. taga-ilog taga-ilog

    Agree ako BE.Super bagyo ang lakas ng suporta nila Erap at Ping sa sino mang kandidato na kanilang itutulak. Kaya kung tunay na gusto ni Erap ang pagbabago, pagusapan na lang nila ni Ping sino ang kanilang tutulungan.

    Kaya lang ang tingin ko di rin bibitaw si Erap, masiba rin yan. Sa interview lang sa mga presidentiables halata mo na walang laman ang sinasabi at di sumusunod sa regulasyon. Paano makapagpapasunod ang lider na di marunong sumunod?

    Sa pagatras ni Ping, hindi ako luluha bagkus hahalakhak; di ako nalulungkot bagkus nagsasaya! Ito ay dahilan sa siya ay nagpatunay na umabot na sa sukdulan ang hirap ng kampanya sa Pilipinas, na sa laki ng gastos ay mapipilitan kang bumawi pag nalukluk,,,pati na ang mga sumuporta! Sana ay magbunga ang kanyang sakripisyo!!!

    Marami pa sanang umatras at magkaisa laban sa pinaka mataas na pandak sa daigdig. Erap, your move……!

  15. “Propaganda must affect the enemy’s policy and action.”Goebbels

    Senator Panfilo Lacson has withdrawn from the 2010 presidential race saying he was “bowing” to the reality that his “extremely limited resources” were not enough run a campaign.

  16. jocjoc jocjoc

    Iyong tv program na 2010 na nainterview ang mga presidentiables. Nakupo, napaka pooor ang mga responses ni Bayani Fernando sa mga tanong. May nagsabi nga na ‘preschooler’ daw. Aywan kung talagang nagkamali, o mayabang, sabi niya – he is above the law, then he said, he will abide by the law. Not as witty as Erap.

    Ever since believe ako kay Lacson,dahil sa hindi pagtanggap niya ng pork barrel, na isa sa mga root ng corruption sa Pinas. Goodluck na lang sa kay senator Lacson, saan man siyang pwesto tatakbo.

  17. BE, I did not say not to talk about estrada. What I said is there’s a time and place to discuss him. As much as possible, stick to the topic at hand.

    As I said before, unless it’s very, very important, I don’t encourage off-topic.

  18. Ang pinaka-ideal na manyayari ay kung mag-withdraw silang lahat.

    Kung walang politiko, walang magnanakaw na immune from lawsuit.

  19. One useful advice I got from a friend is not to trust politicians.

    Mapapatunayan lang ni Ping na tutoo yang sinabi niya kapag lumipas ang deadline para sa filing ng candidacy at hindi siya nag-file.

    Until then, tingin ko pa-epek lang iyan para magkaruon ng clamor para tumakbo siya.

  20. roger roger

    simple logic , if the opposition want to win ,regroup,one candidate is a must, so as not to divide the vote,what lacson did was a way toward that logic of one candisate,
    if no one wants to give way, go to a process of selection..
    but come to think of it, will those who have already spend millions in thier ads will to submit themselves to the process??i doubt it..so many people want to be president..
    if this multi candidate will continue in the opposition,an admi president is not far fetch..

  21. Paul: Until then, tingin ko pa-epek lang iyan para magkaruon ng clamor para tumakbo siya.
    ******

    Ano parang si Gloria Dorobo? Hindi daw tatakbo tapos tumakbo din, nagnakaw pa ng boto! Susmaryosep na panggagago!!!

  22. Grizzy, paul,

    Lacson is not Gloria Arroyo.

  23. Sa totoo lang, di ko gusto si Erap as president dahil sa pagkababaero niya. Religious and base ko at Biblia na malinaw na sinabi ng Panginoon na hindi niya babasbasan ang bansang pinamumunuan ng mga fornicators at adulterers. Pero nang OK naman ang ginagawa niyang pagtitipid noong presidente siya, at di ko pa naririnig iyong mga tong ng mga jueteng lords, sabi ko sa sarili, puede pasar din siguro siya kaya sulat naman kami sa kaniya para makatulong sa pagpapatakbo niya ng bansa.

    Mga kaibigan ko sa Tate may mga project sa kaniya na naumpisahan pero nasiphayo dahil sa ginawa ni Dorobo. Kami nga ang project namin sa kaniya iyong mga street children na hinihingian namin ng pondo sa aming gobyerno pero di namin itinuloy nang sabihin ni Erap na makipagtulungan kami doon sa SWD Secretary niya, si Dorobo, na gusto iyong makokolekta namin ibibigay namin doon sa foundation niya. Ano kami hibang?

    Pero sabi naman ni Erap puede rin siyang kausapin ng diretso para matuloy ang proyekto. At isa pang alam namin na di niya ginawa ay magnakaw ng pera sa kaban dahil sa totoo lang wala naman siyang makukulimbat noon dahil walang gustong magpautang sa kaniya gawa noong damaging publicity na loyalist siya ni Marcos. Pero sa totoo lang marunong lang siyang tumanaw ng utang na loob doon sa kapareho niyang taga-San Juan na pangulo.

    Kaya nang kasuhan si Erap ng plunder, tumaas na lang ang kilay ko dahil kung tutuusin iyong kasong isinampa ni Singson ay pagtanggap ng bribery mula sa jueteng lord na dapat din makasuhan si Singson sa totoo lang.

    Akala ko lalaban talaga si Erap ng husto pero nang palakpakan niya si Dorobo matapos bigyan ng pardon daw at inamin niya ang ibinibintang sa kaniya, iyon na ang sukdulan. Nawalan ako ng gana sa kaniya.

    Kahit for expediency lang para makalabas siya, di dapat niya ginawa iyon. Muntik akong masuka sa totoo lang. Culture shock pa nga ang dating!!!

    Kaya para sa akin, mas mabuti pang gumawa na lang si Erap ng mga pelikulang may matutunan ang mga pilipinong inuunggoy nila.

  24. Ellen: Grizzy, paul,

    Lacson is not Gloria Arroyo.
    *****

    I hope so. Kaya nga wait and see lang muna ako. Sabi nga, “To see is to believe.”

  25. Roger: i doubt it..so many people want to be president..
    *****

    Kasi madaling makanakaw sa kaban kaya gustong maging presidente. Pati mga kamag-anak nakikinabang gaya noong nanay at mga kapatid ni Macoy noon na naging chairman/chairwomen ng kung anu-anong kompanya na siyempre may bayad dahil sa pangalan. Tapos nang bumagsak si Macoy, silang lahat bagsak din.

    Still, kumpara doon sa magnanakaw ngayon, walang binatbat ang corruption ni Imelda, et al. Pasimple pa iyong asawa kuno, pero lahat ng proyektong pagkakakuwartahan kasangkot ang unggoy.

    BTW, kasama si Piggy sa Japan at pihadong may bitbit na uto-utong politiko na gagamitin para mangguyo ng mga hapon for funding ng isusulong nilang project na may malaking taga iyong mamang malapit na raw mamatay kaya nagpapayaman ng husto! Yuck! 😛

  26. Isang project na ginigiit sa mga hapon for funding ay iyong dam daw sa Mindanao na sakop yata noong mga datu/sultan na mga kapwa nila dorobo na nagnakaw ng mga boto para kay punggok at doon sa mga senatong nila noong last two elections.

    Sabi ng ambassador sabihan daw namin iyong mga partylist ng Gabriela, etc. na huwag nang magprotesta laban sa pagbibigay ng ODA para doon kahit alam niyang nanakawin lang ng boss niya ngayon. Sabi nga namin, “Ano hibang?”

  27. It sounds like you were for Ping Lacson, Ellen. Anyway, you once mentioned you would be writing an article to explain why you’re against Erap.

  28. danilo danilo

    Sa ikauunlad ng bayan,disiplina ang kailangan.(Marcos era)
    Tanging si Senador Ping Lacson lamang ang meron nyan.

  29. danilo danilo

    At maging hanggang ngayon ay wala pa ako nabalitaan o nakita
    na mga maling ginawa ni Senador Ping Lacson.

  30. We need a New Society.

  31. kabkab kabkab

    Tungkol kay Erap puwede ba huwag ng pag-usapan. Pinalayas na siya sa Malakanyang, nakulong dahil corrupt at tanggap naman niya lahat ng hatol. Kunyari lang na walang kasalanan .. pa-awa effect. Nagdusa at pinalaya na, puwede ba tumahimik na siya.
    Huwag na natin ibalik pa ang kahapon …

  32. baguneta baguneta

    Paul: Until then, tingin ko pa-epek lang iyan para magkaruon ng clamor para tumakbo siya.
    *********
    And Grizzy,
    Hindi ganoon si Ping Lacson. Hindi talaga.

  33. kabkab, as long as Erap is alive he shall always be mentioned in every corner of the Philippines. Just wait until he dies and you shall hear him no more.

  34. Sorry, baguneta, pero iba ang pananaw ko. Di ako madaling maloko sa totoo lang. Kinikilatis ko ng husto. Gaya ng sabi ko nga sa itaas, “To see is to believe.”

    Sa totoo lang marami akong puedeng pagkumparahan kay Lacson para hangaan siya sans publicity. Isa na si Senator Trillanes na consistent sa ginagawa niya. Iyan ang tunay!!!

  35. I’m all for Senator Trillanes. He’s consistent…because he’s consistently in jail. It’s different when you’re out there interacting with your fellow Senators, other politicians and people. Sometimes, one’s consistency is tested when he’s with all kinds of people. Inside the cell, all around him are his comrades. But don’t get me wrong…Trillanes could be a very good leader one day…only it’s early to tell and judge. Look at Honasan. He was once the idol not only of the youth and the poor but also the women. Today, he’s a Malacanang ally.

  36. Kaya ako bilib kay Obama dahil binawasan niya ang privileges ng mga lobbyist na gusto siyang kurakutin. Funding nga niya noong campaign mostly galing sa donation ng mga naniwala sa kaniya for a change. At salamat sa cyberspace at successful iyong mga fundraising campaigns nila doon na hindi siya kailangang magkaroon ng utang na loob sa mga crooks na gusto siyang kurakutin.

    Walang isang grupo na puede siyang angkinin sa isang salita. Iyan ang dapat na ginagaya ng mga talagang gustong tumakbo para sa kaunlaran ng bansa nila. Sabi nga kung tunay, walang imposible gawa ng “if there is a will, there is a way.”

    Dami nang nakagawa niyan. Isa na si Senator Trillanes na naniwalang kaya niya dahil maraming susuporta sa kaniya na kapareho niyang nagmamalasakit sa bansa nila. Di namam palaging pera lang ang problema.

    Kaya, Mabuhay ka talaga Senator Trillanes! Lalo mo akong pinahanga sa abilidad mo! Sabi nga, “Faith can move mountains.” Ganyan ang tiwala ni Senator Trillanes sa mga kababayan niyang matino!!!

  37. BE:

    Please stop comparing Senator Trillanes with Honasan. Si Trillanes, isa lang ang asawa, si Honasan maraming kabit kaya madali siyang makurap! 😛

    Less temptation nga siguro na nakakulong si Senator Trillanes, pero subok na ang integrity ng taong ito para bastusin pa ang pagkatao niya o pagdudahan ang character niya na balang araw ay magiging kurakot din siya.

    I don’t think so. Leo yata iyan. May paninindigan!

  38. kabkab kabkab

    Pinatawad na raw ni Erap ang mga Arroyo …. ngayon BE anong masasabi mo. Wala pala siyang balak habulin ang mga kawalanghiyaan ng rehimeng ito. Bakit kamo …. dahil pare-parehas ang mga tang-nang yan. Puro sila corrupt.
    Tignan niyo na lang kung papano sumagot sa mga katanungan. Tama na puwede ba … sa iba na lang tayo mag-aksaya ng panahon.

  39. Got ya, grizzy. Kabkab did say that he has forgiven the Arroyos but did not say he would not prosecute them. Forgiving and seeking justice are different. In fact, Erap has forgiven most of his enemies. That’s the problem with Erap…too soft a heart that makes him stupid.

  40. prans prans

    07 June 2009

    It’s good thing that Lacson has announced that he is not running for president. it’s true that you have to have a lot o MOOLA to run for president.

    I also agree to some of the baove’s observation, like them, I will have to wait and see. Remember in 2003 the LEPRECHAUN announced she is not running, only to force herself in the presidency.

    The OPPOSITION? will not be united, comes May 2010.Two of them, Roxas and Villar will be running for the presidency under their party. And perhaps eerap will also runs, unless some of he’s so called adviser will tell him to support one candidate.

    I have this gut feeling against villar, remember he is crying that the senate will find him guilty of double insertion in the budget for that road. However, he should also remember what he did to erap back in 2001, when he railroaded the impeachment.

    Another thing, I heard (if it is true) that he is lacking money and what he said is not true.

    With roxas, an elitist who tries so hard to reach out to the masses is one good move. I hope he is true to his words. I do hope that he will work to uplift the lives of our kababayans.

    With the TONGressmen who voted for the chacha, we should remember their names and comes May 2010 we should not elect them anymore.

    By the way what do you think of the Roxas-Lacson or Roxas-Escudero tandem in 2010?

    BOTTOMLINE, let us be wise in choosing our leaders in 2010.

    prans

  41. Palagay ko hindi magkakaisa ang opposition,maraming kandidato.
    Kung si Binay ang mananalo,siya ang kauna-unahang “Black Filipino” president.

  42. xman xman

    #10 Balweg
    xman,
    How come naman na aatras si Pres. Erap sa 2010 e halos buong Pinas ay nabisita na niya thru Lakbay Pasasalamat…sino ngayon sa mga kumokontra sa pobre na wala siyang suporta sa Masang Pilipino.

    xxxxxxxxxx

    Balweg, di ko sinabing aatras o kinakailangang umatras si Erap sa 2010 Presidential election. Ang sabi ko ay siguradong e di disqualify si Erap ng mga corrupt majority members ng Supreme Court na nasa maliit na bulsa ni pandak.

    Siguradong panalo si Erap kapag nag karoon ng eleksyon kung hindi e dis qualify ng bansot supreme court. Yong mga survey ratings na yan ay napatunayan na noong nakaraang 2004 eleksyon na binayaran sila ni pandak para gumawa ng trending o mind conditioning ng electorate. Kaya di dapat paniwalaan ang survey ratings.

    Ang totoo nyan ang lahat ng presidentiables at lalo na si pandak at taba ay nanginginig sa takot na tumakbo si Erap dahil siguradong panalo sya.

  43. xman xman

    kabkab,

    Ilahad mo nga dito kung anong kurapsyon ang ginawa ni Erap?

  44. politicians don’t look on politics as a means to realize their ideology as much as a means to hold power. So sometimes politicians there will switch sides if they think they stand a better chance of winning as a candidate from the other party. Marcos did it early on. It worked.

  45. But unlike the time of Marcos with two-party system, there are lots of parties today.

  46. Para sa akin,dapat huwag ng kumandidato si Erap,mahina siya kaya naagaw ni Nunalisa sa kanya ang trono.Kung hindi magkaisa ang opposition,sige! pero piliin niya ang magiging bise para hindi uli maagaw ang arinola sa kanya,”Not Once,But Twice”.Okey lang si Erap sa akin dahil magkakaintindihan kami ng Zambal ng kanyang first lady na si Doctora,”Kababale tan kazambale ko”pero iyung second,third,fourth o kaya’y fifth lady niya,hindi ako marunong mag waray at kinaray.

  47. bitchevil,
    I agree with you that WE Filipinos could not unite in politics and social.Here in California,We have,Ilocano,Bicolano,Cebuano,Zambalenio,etc.Even we Zambalenio have so many association.From our town at first we have a solid association,lately,”Kanya kanya”na.The previous president did not win his reelection,he formed another association of his own and brought some of his relatives,friends and kumpare to his so called “Ingitero family association of California.” There’s a money involve,every family members in the association are paying monthly dues plus some other contributions.

  48. I think filipinos should had learned at what happened to the Kingdom Of Luzon of Lakandula it fell because Lakandula made friends with spanish….

    We should choose leaders who want philippines to be neutral with america because america havs selfish interest with us,we must stay neutral….

  49. Cocoy, you forget another group, the Filipino-Chinese in the US who are on their own.

    Speaking of Zambales, Rep. Milagros Magsaysay was among those who voted yes for Con-Ass.

  50. Senator Panfilo Lacson is open to the idea of running for vice president in next year’s national elections, but said he has to consult his supporters first.

    He also said he is not likely to approach presidential bets and offer to be his or her running mate.

    …..Most likely it would be with Mar Roxas. Never with Villar due to that C-5 Road investigation.

  51. Here’s a quote from James Hamilton-Paterson’s book America’s Boy, one of the best accounts of the Marcos era, putting it in the context of both village life and global politics. From the chapter “The Politics Of Fantasy”:

    “There are moments when it seems that the world’s affairs are transacted by dreamers. There is a sadness here in the spectacle of nations, no less than individuals, helping each other along with their delusions. This way what is thought to be clear sighted pragmatism may actually be shoring up a regime’s ideology whose hidden purpose is itself nothing more than to assuage the pain of a single person’s unhappy past.”

  52. Rep. Milagros Magsaysay is not a real Magsaysay.She’s the daughter-in-law of Vic Magsaysay.She represent first district.Rep.Antonio Diaz my Ninong did not vote.He want to retire in politics a dignified man.He represent 2nd district.

  53. Bloggers,OITP(only in this planet)POLITICAL party sprung out like mushroom during spring time,which confused voters,who has the real ideology of SERVING the public w/ honesty,integrity and dignity Just on recent party list “TONGRESSMEN” insertion into HOUSE of Represent of thieves,instead of decreasing they increased the numbers of Robin Hoods,I mean Robbing hoods.No matter what kind of media deciminations for a certain rotten candidate,still get the post,’coz mostly of PINOY voters are corruptible in a certain way,especially in the poorest rural areas.The name of the game in Pinas politics are S&T,(SIPAG sa KURAKOT at TIYAGA sa Pambobola),upang maging mayayaman.

  54. ….Roxas-Escudero tandem in 2010?…

    Yuck! Subok na si Escudero. Hindi puedeng pagtiwalaan!!!
    Roxas, publicity lang! Akala ko ba ayaw ninyo ng mga trapo?

  55. …I mean Robbing hoods.

    OK ‘to a. Tamang-tama doon sa mga dorobo sa Tongress at Senatong din ng Pilipinas. Robbing Hood-lums!!! Hahahahahahaha! 🙂

  56. kabkab,
    Ilahad mo nga dito kung anong kurapsyon ang ginawa ni Erap?

    Tama si Kabkab, may kurakot din si Erap hindi nga lang bistado kasi pag nabisto tinitigil. Iyong punggok, bistado na nagmamaang-maangan pa rin. Iyong ang pinag-iba nila.

    At saka kung mangurakot naman si Erap, most likely dahil may nagsulsol!!! For friendship sake, sunod naman siya gaya ng ginawang pang-uuto sa kaniya nina Angara, et al. Doon tuloy siya nadale.

    Kung makalusot ‘ika nga! 😛

  57. BE: Senator Panfilo Lacson is open to the idea of running for vice president in next year’s national elections, but said he has to consult his supporters first.
    ******

    Totoo ba iyan? So, ngayon payag na siyang maging VP ha? Ingat siya kasi baka ma-assassinate si Roxas kung manalo (that is kung hindi matuloy ang No-El ni Gloria Dorobo), at siya ang pagbintangan.

    Gayahin na lang niya si Senator Pimentel na nagtiyaga sa Senate. Kaya pagbutihin niyang huwag mawala ang Senado. By that, baka bumalik pa ang tiwala ko sa kaniya. Right now, wala!

  58. TruBlue TruBlue

    Don’t get the logic of some in here pushing Lacson to run for VP. Didn’t he say “he’s running out of funds”?? Unless, running for VP means, he just sits there and see if he wins.

    Sarcastically, he can volunteer as Kabayad DeCashtro’s running mate and let Noli borne all the expenses. After he and “pangisi-ngisi” wins, Bang! Bang! President Lacson na!!

  59. perl perl

    grizzy,
    napansin ko lang… lahat na ata ng opposition candidate for president… tinitira mo… aber, sino ba gusto mo?

  60. perl perl

    Roxas-Lacson for 2010!!!
    may choice pa ba?!

  61. We need a neutral president a president that does not side with america….

  62. Nasaan na nga ba sina Dacer at Corbito?
    Papanong may crime na naganap kung walang maipakitang bangkay?
    Malay natin baka itinago sila ng mga tiwaling military o kaya’y pina-exile sa ibang bansa.Madali lang naman lusutan ni Lacson itong kaso,itangi lang niya na wala siyang alam,papano siya mapapatunayan na siya ang mastermind.Si Mancao ang magiging suspect sa kanyang pag-amin.Anong malay ni Erap at Lacson sa pinag-gagawa nila.Si jonas Burgos nga antagal ng nawala,hindi naman natin masasabi na pinatay na siya o itinatago lang.

  63. Liwayway-Gawgaw Liwayway-Gawgaw

    Ano ba ang pakialam ng hilaw na haponesa sa ating pagpili ng magiging lider?

    Sino ba siya?

    Isang banal na karamihang sinasabi ay hango sa salita ng Diyos subalit walang bukambibig kundi ang panlalait ng kapwa? Kamag-anak ng mga dakilang bayaning Pilipino subalit masahol pa sa basura ang lumalabas sa bunganga?

    Kung laitin niya’t duraan ang ating pagiging Pilipino ay ganu’n na lang subalit hindi iniisip na ang may ari ng blog ay isang Pinay?

    Siguro’y walang pumapansin sa Japan kaya lahat ng sobrang hindi kapanipaniwala ay dito ipinagbabanduhan? Interpreter daw ng pulis? O baka naman kaya isang bayarang informer na tagaturo ng mga overstaying nating kababayan sa Japan?

    Please lang, maraming beses at patuloy na sinasabing hindi siya Pinay, HUWAG NANG MAKIALAM kung wala rin lamang magandang maibabahagi upang makatulong sa ating suliraning dinaranas sa ilalim ng bulok na pamahalaan. Lalo lamang tayong nagugulo, eh!

    Kaya natin ito. Kahit walang pakawala ng mga Hapon!

  64. Perl: napansin ko lang… lahat na ata ng opposition candidate for president… tinitira mo… aber, sino ba gusto mo?
    *****

    Balik ko sa iyo ang tanong mo. Di ba bistado na ang mga iyan—di ba puro trapo at puro publicity stunt lang? Nakakaawa naman ang mga botante. Walang tulak kabigin!

  65. I think Erap can be more useful to the opposition by telling his followers NOT to vote for any administration candidates or those who have flirted with the admin for their support like escudero, villar and legarda.

  66. John Marzan: or those who have flirted with the admin for their support like escudero, villar and legarda.

    *****
    Sinabi mo pa. Kilala na sila kaya di dapat na sinusuportahan. Opposition kuno di naman!

  67. Tanong lang, ano naman ang nagawa ng hilaw na pilipino para sa bayan niya?

    At least, iyong lutong haponesa may nagawa para sa Pilipinas at mga pilipino kahit inis na inis na. Kundi sa kaniya at mga kaibigan niya, baka wala nang natirang patrimoniya ang Pilipinas sa Hapon, hindi naputol ang pagbubugaw sa ma pilipino sa putahan s Hapon, etc. Puede ba, bago mamintas, tumingin muna ng sariling muta sa salamin?

  68. perl perl

    grizzy – June 7, 2009 5:54 pm
    Balik ko sa iyo ang tanong mo. Di ba bistado na ang mga iyan—di ba puro trapo at puro publicity stunt lang? Nakakaawa naman ang mga botante. Walang tulak kabigin!
    ————————————————–
    Roxas-Lacson for 2010!!!
    May choice pa ba? cge nga kung meron, sino? convince nyo ko…

  69. kabkab kabkab

    xman,
    Bakit ako ang tinatanong mo kung anong kurakutan ang ginawa ni Erap? Bakit hindi mo itanong sa mga huwes na nanghusga sa kanya? Tanggap naman niya talaga di ba? Ilang taon na kunyari nakakulong siya tapos pinakawalan din ni Glorya.
    Ganyan talaga ang buhay ng mga corrupt. Nag-aaway kuno sila pero sa totoo lang sila’y nagmamahalan. Kita mo di ba sabi nga ni Erap — pinatawad na daw niya ang mga Arroyo —- engot talaga siya!!!!! Ano na lang pag siya ang maging Pangulo “ulit”, tuloy pa ding ang ligaya ng buhay ng mga corrupt.
    Kaya mga kababayan ko dito sa Ellenville , puwede ba huwag na natin bigyan ang pansin nitong si Erap. Ibaon na natin sa limot. Eto nga ang carbon copy niyang anak ay medyo nagwawala na din. Hindi alam kung sino ang papanigan. Kalimutan na lang natin ang mga Estrada at Arroyo gaya ng ginawa natin sa mga Marcos,

  70. kabkab kabkab

    Dito naman kay Escudero, bakit ano na ba ang nagawa ng taong yan sa ating buhay? Ang alam ko lang sa kanya ay anak siya ng kilalang politiko at ina-anak siya ni Glorya, alalay siya ni FPJ dati at naging Senator na nga. Tapos eto na naman siya … lalaban sa pagka-Pangulo. Ano tama na ba yan na ticket para maging Pangulo?

  71. perl perl

    just want to remind everyone na si Gloria kalaban dito… nagtataka lang ako… bakit pati ung mga aspiring presidentiables… alam kong, alam nyo.. that they are true opposition… bakit binabatikos nyo?

    we all know here.. .to be able to defeat the evils… oppositions should unite… khit si ERAP pa ulit tumakbo… basta kailngan, mag unite sila… at mabigyan ng hustisya ang taong bayan…

  72. sampip sampip

    correct si perl. let’s focus on one common enemy and that’s the evil bitch and her minions.

  73. chi chi

    cocoy,

    Mila is a daughter-in-law Vic Magsaysay. E sino ang anak ni Vic na henpeck?

  74. kabkab kabkab

    Roxas-Lacson …. PUWEDENG PUWEDE NA!!!!!

  75. Cocoy, is Rep. Antonio Diaz your godfather? The one accused of sexual harassment?

  76. THE SMOKING GUN
    This is the actual text of the draft of the new constitution as created by Malacañang

    ARTICLE VI – THE PARLIAMENT

    SECTION 3
    (1) The Members of the Parliament shall be elected by the qualified electors in their respective districts, except those under the Partylist, for a term of five years without limit as to the number thereof, which shall begin, unless otherwise provided by law, at noon on the thirtieth day of June next following their election.

  77. And Cocoy, there was a report that the bones found in the crime scene did not belong to Dacer and Corbito; but the authorities ignored this finding.

  78. Liwayway-Gawgaw Liwayway-Gawgaw

    Halimbawang matutuloy ang pampanguluhang eleksiyon, ang sino mang kandidato na makakagarantiya na ibibigay sa taong bayan ang pagpapasiya kung ano ang kaparusahang nararapat igawad kay gloria, sa kanyang asawa’t mga anak, mga kaanak at mga alipores gayundin ang mga kotonggresista’t mga heneral na hudas ay ating suportahan. Subalit, kung ito ay kanyang hindi mapaninindigan ay huwag bigyang pagkakataon na makapasok sa Malakanyang!

    Ipakita sa mga pulitikong ito na hindi na natin maaaring tanggapin ang mga “teka teka” at “unawain muna” paek ek kung hindi nila kayang panindigan ang matapat na paglilingkod sa bayan.

    Tama na ang isang gloriang naging salot sa ating lipunan!

  79. Bakit, ayaw niyo ba ng…

    Lacson-Panlilio ticket?

    Opo, pulis at pari di ba magandang mixture ‘yon?

    Mestiza.

  80. O, di kaya…

    Gen. Lim – Panlilio tandem?

    Maganda rin ‘yon.

    Mestiza pa rin.

  81. THE SMOKING GUN
    This is the actual text of the draft of the new constitution as created by Malacañang (cont’d)

    ARTICLE VII – THE PRESIDENT
    SECTION I

    The President of the Philippines shall be the head of state.

    *********MALI YUNG HINALA NATIN NA GUSTONG MAGING PRIME MINISTER NI PANDAK. PRESIDENTE PA RIN SIYA PERO MAGIGING PRIME MINISTER SIGURO SI MIKEY**********

    SECTION II
    The President shall be elected from among the Members of the Parliament by a majority vote of all its Members for a term of five years from the date he takes his oath of office, which shall not be later than three days after his proclamation by the Parliament, nor in any case earlier than the expiration of the term of his predecessor. Upon taking his oath of office, the President shall cease to be a member of the Parliament and of any political party. He shall be ineligible to hold any other elective office during his term.

    SECTION III
    No person may be elected President unless he is at least
    fifty years of age on the day of his election as President, and a resident of the Philippines for at least ten years immediately preceding such election.

    However, if no Member of the Parliament is qualified or none of those qualified is a candidate for President, any Member thereof may be elected President.

    ARTICLE IX – CONSTITUTIONAL COMMISSIONS
    C. THE COMMISSION ON ELECTIONS

    (2) The Chairman and the Commissioners shall be appointed by the Prime Minister with the consent of the Commission on Appointments for a term of seven years without immediate reappointment.
    ***********(PWEDE NANG I-REAPPOINT SI BURJER ABALOS!!)*********
    The incumbent Chairman and Commissioners shall be allowed to serve out their respective terms.
    Appointment to a vacancy shall be only for the unexpired term of the predecessor. In no case shall any Member be appointed or designated in a temporary or acting capacity.

  82. karl marcus zara karl marcus zara

    I totally agree with Senator Lacson when he said that to radically change the government we have now and before is for the people in government to radically change or be changed. The root cause of our problems today and in the past is not the form of government but the people running the government. The leadership fails because the leader cannot lead by example. Senator Lacson should have been the best leader to bring this country to new heights of success and respect from people within and outside the country. I think Senator Lacson is the best President the country has never had.

  83. wrong highlight:

    (2) The Chairman and the Commissioners shall be appointed by the Prime Minister with the consent of the Commission on Appointments for a term of seven years without immediate reappointment.
    ***********(PWEDE NANG I-REAPPOINT SI BURJER ABALOS KASI HINDI NA IMMEDIATE!!)*********

  84. thanks for the info, TT.

  85. dandaw dandaw

    “Ang Bayan Kong Pilipinas” Lupain Ng Guinto’t Bulaklak. Nag punta ako sa Casino 2 weeks ago para kumain ng noodles. After I finished eating I put $5.00 in a slot machine. The bill rung and I was looking around to see if it was my machine. A Filipino came and got off my winning ticket. He run fast before I could tell the guard, the Pinoy was out. Maybe he came back to claim my winning ticket. I learned from the guard that Filipinos stand by around to watch for an suspected winners especially the Seniors. I said to my self there goes my love for my country men.

  86. myrna myrna

    masakit man sabihin, sasabihin ko pa rin….
    too late na for lacson na ipakita na talagang nagmamalasakit siya sa bayan kaya siya umatras sa 2010 presidential bid niya.

    kung noon sanang 2004 talaga ginawa niya yan, at hindi niya pinairal ang foolish pride niya, di sana, who knows, nasa malacanang siya at this time…

    too late tsk tsk tsk.

    ilang taon nang nagdurusa ang sambayanan dala ng salot ni gloria, wala pa rin silang (mga oposisyon) magawa kundi puro lang salita?

    hay naku…

  87. Mike Mike

    Hayyy.. inamin din ni gunggong na sya ang may pakana ng pagbuhay sa kaso ni Lacson. Tsk, tsk, Gunggong nga. :b

    “It will be surprising especially in the light of the fact that I was basically instrumental in the revival of the Dacer-Corbito case. Siyempre lahat ng mga dapat gawin diyan nakasalalay sa akin.” DOJ SEC. RAUL GONZALES

    http://www.gmanews.tv/story/164398/Gonzalez-to-be-Mancao-lawyer-if-yanked-from-DOJ

  88. Joe18 Joe18

    Your absolutely right karl marcus zara,that Sen. Ping Lacson is the best President we never had, he is the man that our country needed now. I truly admire him not to follow other transactional politicians. He is the true opposition.

  89. norpil norpil

    i think lacson sees now realistically of his chances and should be commended.still, he ought not to disappear completely in politics as long as the arroyos are around.if he can accept the vp candidacy now will only show that he also can be humble which is lacking among many candidates.

  90. I’ve always batted for Lacson. From the time he decided to run for president. My Mom tried to convince me that FPJ was the right way forward just to kick out Gloria but I stuck to my choice: Ping Lacson.

    My thought was simple: corruption needed to be eroded and up to today, I’ve not seen anyone with a strong platform against corruption as good as his.

    If he runs for VP, I hope he gets elected.

  91. saxnviolins saxnviolins

    Raul Gon as Presidential Legal Adviser, and Devanadera to the DOJ?

    Simple lang. The DOJ sec votes in the JBC. Raul Gon is quirky, and may no longer be reliable in voting for Palace candidates to the Supreme Court. Devanadera will vote even a dog into the Supreme Court. In fact, I wouldn’t put it beyond her to vote for herself.

    By the way, that Father Ranhilio Aquino, supposedly Dean of the Graduate School of San Beda, he is not in the lawyer’s list. He either did not take the bar, or did not pass. Of course, he has a Ph.D. So how can one who never litigated pass upon qualifications of judges who decide litigations?

    Father Aquino supports the con ass. Read Jonathan Cruz’s article in the Tribune.

    (Father) Joaquin Bernas, does appear in the list.

    These men of the cloth are not cut from the same cloth.

  92. sax,
    Another man of the cloth is threatening to file libel charges against Manolo Quezon. From the Jesuit Mafia. Have you read his column today?

  93. saxnviolins saxnviolins

    Another man of the cloth is threatening to file libel charges against Manolo Quezon. From the Jesuit Mafia. Have you read his column today?

    I did. Maganda sanang labanan ng petition for prohibition on the ground that the courts have no jurisdiction.

    I have always maintained that criminal libel is unconstitutional because Congress can only punish action, not speech.

    I met Fr. Intengan in the 70s. I was in a lecture on the Theology of Liberation in Ateneo, given by Intengan and Fr. Joey Cruz. So now I wonder if Fr. Intengan had a change of heart, or was always a trojan.

  94. Ang Liberation Theology ang foundation ng maraming rebel priests diba? Na sabi nga ni Makoy ay ito raw ang nagbigay daan kung saan ang isang godless ideology (komunismo) at Katolikismo ay nagsanib.

  95. Joe18 Joe18

    Sen. Lacson is open to run as VP to the presidentiables who is not corrupt and with political will just like him, and only if this presidentiable will approach him to be a runningmate, meaning d nya ipipilit or makipagtransact to other presidentiables para lang maging runningmate. I dont believe that the opposition will going to unite, ano ba ang ginagawa ni erap para mag unite ang oposisyon, in fact siya at ang mga nakapaligid sa kanya ang dahilan ng pagkakawatak ng oposisyon, binastos nila si Lacson noong 2004 mas pinili nila ang sikat na kulang sa kakayahan at experience.

  96. Luzviminda Luzviminda

    Kung sa akin naman, palagay ko ay malakas pa rin ang hatak ni Erap sa taong bayan dahil yung mga issue naman sa kanya ay mga political tactics nila Gloria. Naniniwala pa rin ako na si Erap pa rin ang may tunay na pusong makatulong sa taong bayan. Mas maganda kung ang pipiliin ni Erap na magiging Bise niya kung tatakbo man siya ay yung pwedeng maging pagkatiwalaan ng tao, like Mar Roxas. ERAP-ROXAS! Ano sa palagay nyo? Sa akin siguradong PANALO ITO!!!!

  97. Luzviminda Luzviminda

    kasanggang Xman,
    Kung ERAP-ROXAS ang manalo, madisqualify man si Erap thru technicalities eh di Mar Roxas ang uupo. At least naka-pwesto na ang oposisyon! At pro-Masa ang programa ng gobyerno. Si Lacson kasi daming skeleton-in-the closet na dala kaya talaga di pwede manalong presidente o bise.

  98. Luzviminda Luzviminda

    Kabkab,

    Malinaw na sinabi ni Erap na pinapatawad na niya si Gloria sa GINAWA SA KANYA. Pero di niya sinasabi na patatawarin niya si Glora sa kasalanan niya sa TAONG BAYAN!!! Mag-kaiba yun!

  99. Luzviminda Luzviminda

    “Para sa akin,dapat huwag ng kumandidato si Erap,mahina siya kaya naagaw ni Nunalisa sa kanya ang trono.”

    Cocoy,

    Let us admit the truth, na kaya naagaw ni Evil Gloria kay Erap ang trono ay dahil NAGPA-UTO at NAGPALOKO ang karamihang PILIPINO kay Gloria!!! Kung di nangyari ang pang-aagaw ay di sana natin dinadanas ang kadilimang ito sa Pilipinas!

  100. bitchevil bitchevil

    Both of you are right.

  101. bitchevil bitchevil

    How true is it that Ping Lacson has made a peace pact with Malacanang? Just asking.

  102. Joe18 Joe18

    Bitchevil…

    I dont think so, sana noon pa ginawa ni Sen. Lacson yun and sa dami ba naman ng paninira kay Sen. Lacson since 2001 pa. I believe its not the character of Sen. Lacson to make transaction para lang maitago ang isang bagay, he is a straight man with dignity, d nga ba one of the reason kaya nagkagalit c Erap and Chavit is because of Sen. Lacson, d kasi mapigil ni Erap si Ping sa campaign nya againts jueteng.

Comments are closed.