Skip to content

Call boy

(Photo by Rolly Salvador)
Nagsabog nga ng lagim si dating Comelec Commissioner Virgilio Garcillano sa kanyang pagharap sa House of Representatives.
Sa kanyang opening statement, nagbigay siya ng listahan ng mga senador, congressmen at iba pang pulitiko na tumawag o kuma-usap raw sa kanya .Unang-una si dating senador Loren Legarda na tumakbong vice president ni Fernando Poe, Jr. Sa mga senador, ang kanyang binanggit ay sina Juan Ponce Enrile; Jamby Madrigal; Alfredo Lim; Richard Gordon; Mar Roxas at Panfilo Lacson.
Sa House of Representatives naman ang kanyang pinangalanan ay sina Clavel Martinez; Allan Peter Cayetano; Francis Escudero; Benasing Macarambon Jr.; Rafael Nantes; Danilo Suarez; Arnulfo Fuentebella; Narciso Bravo; Amelita Villarosa; Suharto Mangudadatu; Ricky Sandoval; Anthony Miranda; Ed Zialcita; Lorna Silverio; Peter Paul Falcon; Jose Carlos; Abdulmunir Arbison; Ernie Clarete; Danilo Lagbas; JJ Romualdo; Lynette Punzalan.
Halatang hindi niya binanggit ang mga kausap niya sa Hello Garci tapes katulad nina Gloria Arroyo, Mike Arroyo, dating Senador Robert Barbers, at iba pa.
May kinausap rin raw siya na iba’t ibang personalidad katulad nina Liwayway Vinzons-Chato, dating BIR commissioner na tumakbong senador noon pang 2001; Mayor Vicente Eusebio of Pasig; Gov. Sakur Tan of Sulu; Gov. Yusuf Jakiri of Sulu.
Sabi ni retired Commodore Rex Robles noong Martes ng gabi sa programang “Strictly Politics” sa ANC na sa pagyayabang ni Garcillano na maraming ang tumawag sa kanya at nagbibigay ng kung ano-anong proposal, ang lumalabas ay “call boy” siya.
Halatang-halata ang drama ng Malacañang sa paglabas ni Garcillano at sa pagbabanggit ng mga pangalan na karamihan ay nag-deny. Sina Legarda, Lim, Lacson, Escudero, Cayetano. Sabi ni Lacson, magsasampa siya ng kasong perjury.
Ngunit kahit gaano kaplanado, kung hindi kakampi ang katotohanan, nandyan talaga ang panganib na sumemplang. Mukhang hindi tumalab ang kanyang strategy na malagay sa defensive ang nasa oposisyon dahil mas pinaniwalaan sina Legarda, Lacson, Lim, Escudero, Cayetano.
Halatang-halata nerbyus si Garcillano nang pumasok. Hindi siya mapakali at naka-chewing gum pa.
Maganda ang puntong tinumbok ni Rep. Ronnie Zamora. Dini-deny kasi ni Garcillano na siya yung nasa Hello Garci tapes. Ngunit hinihiling niya sa Supreme Court na ipagbabawal na pag-usapan ang hello garci tapes dahil biktima raw siya ng illegal na wiretapping.
Sabi ni Zamora, “Kung hindi ikaw ang nasa tape, bakit sinasabi mong biktima ka?” Supalpal.
Maganda rin ang impormasyon na nakuha ni Escudero kay Garcillano na sinabing hindi raw siya ang nasa Hello Garci tape. Tinanong siya kung ang kanyang palayaw ay “Garci”. Napikon siya kaagad. Sabi niya ayaw raw niyang tawagin siyang “Garci”.
Sabi niya ang mga malalapit lang raw sa kanya ang tumatawag sa kanya niyan. O syempre malapit siya sa taong nag-appoint sa kanya sa pwesto. Kaya, “Hello Garci…” at Hello Ma’am.”
* * *

Published inWeb Links

1,730 Comments

  1. myrna myrna

    buking na buking na sa pagsisinungaling, sige pa rin!!!

    ganyan talaga kakapal si garci! call boy nga…pero naman ellen, huwag naman natin insultuhin ang mga call boys na tunay. at least sila, pinapanindigan nila ang ginagawa nila, mapa-tama man o hindi. eh itong si garci-nungaling, talagang sementado na ang kasinungalingan.

    poor soul!!!! i hope he gets time to reflect what he has done and time to repent!!! ang feeling niya siguro, walang katapusan buhay niya, at kung ano man mangyari, kaya siyang i-resurrect ng fake resident sa malacanang who claims she has a direct line with God. hay naku mga taong ito….ang gagarapal!

    by the way, i just want to comment atong kuliglig also whose poems i find not just amusing but worth thinking!!! galing niya!

  2. Sorry lang to be the bearer of bad news. I think the Supreme Court will rule in favor of Garci and bury the Tapes.

  3. bfronquillo bfronquillo

    Ang sirkus kahapon sa kamara ay nakakatawa sana kung hindi masakit sa dibdib. Nasaan na tayo? Ano pa ang ating magagawa? Tumawa na lamang nang tumawa. At maghintay sa pagdating ng isang bagong umaga na dala ng isang bagong kamara, bagong senado, bagong gobernador, bagong meyor, bagong barangay captain, at higit sa lahat ng isang bagong Pangulo ng bansa na walang bahid-dungis at tinitingala ng lahat. Di ba? Mabuti na lamang pinapayagan pa rin ang mangarap sa ating bansa.

  4. Karl Karl

    Kung kahapon nainsulto and mga pusit dur to the squid tactics and being compared to Garci….
    ngayon naman its the call boys turn to be ashamed of their craft or profession because of the squid and peanut buter spread…..

  5. Kaawa-awa yang si Garci balang araw, dahil binabaon nya ng husto ang sarili nya sa kasinungalingan,pagbabayaran din nya lahat yon, kawawa dito mga anak nya, tiyak lalaitin ng mga tao. Darating din ang karma para sa kanila ni bespren gloria.

  6. Jon Jon

    they’re in too deep. telling the truth would be like suicide for them. they’re going to stand and die by their script.

  7. Karl Karl

    Ngayon tapos na ang senate hearings

    ang tapang ni Mayette at nakakatuwang nakakaiyak yung Judge Moner

    pero madami akong natutunan ngayon kesa kahapon na puro sweet nothings…..

  8. Hinggil sa Korte Suprema, imposible namang tanggihan nila si Garci at ideklarang PUWEDENG gamitin ang mga Garci Tapes. Yun ang “closing the book.” Dapat HUWAG maghintay ng 10 araw bago magkumento ang House. Dapat BAGO mag Dec. 13.

  9. Karl Karl

    Rizalist sa tueday ang hearing di ba tapos wednesday binigay na deadline sa passport

    kaya ako mas interesado ako sa mangyayari sa senado

    dahil napaandar nila ang imbestigasyon kahit wala si garci
    pero sa nalalman ko iimbitahin pa din nila ito at aabangan kung pipiyansahan si Ong o temporary relief from DOJ

    pero sa tingin ko sa Isafp nga ng origin
    let us see what will the senate do Re EO 464(?)

  10. Karl Karl

    om a final note

    sa tingin ko mas importante si mayette santos kesa ke Garci

  11. Talaga namang mas may kabuluhan ang hearings sa senate. For one thing, mas marami sa witnesses ang nagsasabi ng totoo. Tama ka Karl, talagang nakakatuwang nakakaiyak si Moner. Pathetic naman si Abalos.

  12. Hinggil kay Abalos, parang naniniwala akong hindi niya ALAM na titirahin sa Supreme Court iyong Automated Counting System nila. Dapat parusahan ang gumawa noon. Napakaimportante ang tanong ni Pong Biazon hinggil sa parating na PLEBISITO (2006) at ELEKSYON (2007). Hinding hindi na puwede ang sistemang dinidepensahan ni Abalos na PUWEDENG gawing malinis ang kasulukayang aregluhan. Dapat katulad ng ATM network ng mga bangko, hindi paniniwala sa mga empleyado noon ang batayan, kundi MICROELECTRONICS at SOFTWARE na halos imposible ang hamak na dagdag bawas. Yan ang malakas na Demokrasya, ka-akibat ang AGHAM at TALINO. Ang hirap nito, AYAW ng mga politico ang repormang dapat mangyari sa susunod at susunod na halalan…walang paltos na registration, polling at canvassing. Kundi, lagi na lang tayong gagagohin ng tulad ni Garci.

  13. Dennis Rodman Dennis Rodman

    Rizalist Says:

    December 8th, 2005 at 7:18 am

    Sorry lang to be the bearer of bad news. I think the Supreme Court will rule in favor of Garci and bury the Tapes.

    – then GOD Help us…..dadanak n talaga ang dugo pag nangyari yon…..halatang halata namang nanloloko n lang si Garci, kelan kaya natin makikitang nakaupo sa silya electrika (uso p b un?) mga yon? Pati mga abogado nya, dapat parusahan mga yon….pinagtatanggol nila ung katulong ni GMA sa pandaraya…pati si mike arroyo, iggy, bunye, pichay, lahat nung involve sa pandaraya dapat sa kanila ilubog sa kumukulong langis!!!!

  14. romeo romeo

    hindi ba taga borneo yan.. o cast out ng borneo. kasi parang kahawig sya ng orang-utan eh. tingnan nyo shots nya. di ba kahawig.. pero palagay ko kasiraan sa lahi ng mga orang-utan yang si garci kaya nagpipilit magmukhang tao. Pilipino pa ang nagustuhang lahi. hak hak hak

  15. Anelle Y2K Anelle Y2K

    cool romeo!:-) streetsmart daw kasi ang lahi ng pinoy kaya ito ang pinili nya!

  16. Emilio Emilio

    Hindi ba ninyo napansin na hindi mapakali si Garci nang siya ay tinatantanan ng mga katanungan nina Zamora at Escudero? Ang akala kasi ni Garci ay aalalayan siya ng lubusan nina Pichay, Villafuerte at Lagman. Hindi kasi kasama sa script na isinaulo niya ang mga katanungan ng mga opisyal na nasa oposisyon. Ay! Mali! Garci!

  17. Tinulungan naman siya ni Pichay. di ba? Kaya lang sinupalpal siya ni Allan Cayetano.

    Tinulungan din siya nina Antonino at Villafuerte. Puro naman walang credibility.

    I’m curious about Edsel Lagman. Nakonsyenya na kaya siya sa boto niya sa impeachment complaint?

  18. bfronquillo bfronquillo

    I’m also curious about Edcel Lagman. Palagay ko hindi na lang siya nakatiis sa evading tactics ni Garcillano. And perhaps a principled man like him would want the truth to come out and not STIFLED.
    But please everybody stop calling him Garci because only close friends have the right to call him that. We do not belong to that rarified circle. Puh..lease

  19. jonas jonas

    Si Edcel Lagman magpapakitang gilas ‘yan dahil alam n’ya masama ang pagkakaluto nila nuong impeachment process, pero ang gulping gagawin niya e hanggang kay Garci lang. I doubt if he will go against Greedy Gloria.

    Sayang, bilib pa naman ako sa kanya before he interpreted the word “proceedings” in the impeachment process to allow Greedy Gloria to escape and avoid trial.

  20. One congressman, also puzzled about edsel Lagman, said it’s also possible that he wanted to push the sub-judice angle so that the hearings would stop. It didn’t work.

Leave a Reply