Skip to content

AWOL

Ibig sabihin ng AWOL ay Absence without leave. Nag-absent ka sa trabaho na walang paalam.

Sa military malaking kasalanan yan at iyon ay paglabag ng Articles of War 58 at 59. Oo nga naman. Biruin mo kung may giyera at biglang umalis ka ng walang paalam. Di maiwan ang mga kasama mo doon na makipaglaban sa kaaway.Court martial ang bagsak ng isang miyembro ng military na nag-AWOL.

AWOl ang ikinaso ng Philippine Navy kay Ltsg. Nancy Gadian. Maganda ito kasi mabubuhay ang AWOL ni Maj. Gen. John Martir na magiging marine commandant sa sunod na buwan daw.

Ang AWOL ni Gadian ay hindi pa umaabot isang buwan. Si Martir ay 477 na araw o halos isa at kalahating taon AWOL! Nagsweldo siya sa buong panahon na yun kahit siya ay sa Amerika.

May arrest warrant na si Gadian. Hindi kinasuhan si Martir. Na-promote pa ng ilang beses. Kaya nga dalawa na ang estrelya sa kanyang balikat. Paano ngayon ipaliwanag yan ng military sa mga sundalo at sa publiko?

Ganyan ang nangyayari kung ang institusyon katulad ng military ay ginagamit para sa pang-personal na interest ng isang pulitiko at sa sitwasyon na ito ay si Gloria Arroyo. Alam naman natin kung paano ginamit ni Arroyo ang military noong 2004 na eleksyon sa pandaraya. Kaya lahat na opisyal na kayang magtakip ng mata sa pambababoy ni Arroyo sa militar ay okay lang. Kahit mag-AWOL katulad ni Martir.

Kapag pinayagan mong bastusin ang batas at patakaran, paano mo ngayon ipatupad yan? ‘Yan ngayon ang problema dito sa kaso ni Gadian na ang ugat talaga ay kurakutan daw ng pera sa Balikatan exercises, ang pagsasanay na ginagawa ng mga Pilipino at Amerikanong sundalo dito sa Pilipinas.

Pina-imbistigahan daw kasi ni Lt. Gen. Eugenio Cedo, dating commander ng Western Mindanao command, si Gadian sa nawawalang P2.3 milyon. Binweltahan ni Gadian at sinabi na ang heneral at iba pang matatas na opisyal ang kumurakot ng halos P40 milyon sa P46 milyon na budget para sa Balikatan noong 2007. At sinabi ni Gadian na ilalabas niya ang dokumento sa tamang lugar at oras.

Pina-iimbistigahan na ni Senator Rodolfo Biazon ang akusasyon ni Gadian. Ngayon sinasabi na ng military na walang nawawala raw sa P46 milyon na budget ng 2007 Balikatan. Kaya wala raw anomalya doon. AWOL na lang ang kaso ni Gadian.

May balita akong may mga miyembro ng civil society at simbahang Katoliko ang gustong tumulong at kumupkop kay Gadian at ng kanyang pamilya. Sinabi ngayon ni Arevalo na hindi na nila ipapatupad ang warrant of arrest kung kusang babalik si Gadian sa kanilang custody.

Siyempre kapag sa military custody na si Gadian, hindi na siya pwedeng magsalita. Walang mangyayari na doon sa napabalitang kurakutan ng P40 milyon.

Published inAbanteGovernanceMilitary

117 Comments

  1. That’s another double standard policy by this evil administration. They charged Lt. Gadian with AWOL while Martir was also AWOL for one year in the US. And he was even promoted. I strongly suggest that Gadian should use this argument in her defense.

  2. Dada Dada

    ano ba yan lagi na lang ganyan pag kinasuhan ang isang opisyal ang laging panakot may ilalabas ako na ebidensiya na may ginawa din cya..kakainis na pano pare-pareho lang naman sila gumagawa ng mali nagtuturuan pa baka kaya ganyan kc nagkaonsehan…

  3. vic vic

    We must be all reminded that the one and only reason why GMA is still occupying the Palace is because of the Generals…

  4. Liwayway-Gawgaw Liwayway-Gawgaw

    Wala ‘yan!

    Kahit maglupasay pa tayo. Hindi nila gagalawin ang baklang hikaing daga na ‘yan. Bakit ‘kan’yo?

    Sasambulat ang baho nina gloria arrovo!

    Mapipigilan ba nila ang bibig ng dalahira kapag kanilang kinalkal ang halos tatlong taong paglalamyerda ng bruha at pagsahod ng hindi niya pinaghirapan?

    Taragis! Nag-aral ng computer, sa tate pa?

    Sosyal talaga. Kamag-anak ni Asyong Aksayang kumpare ng kanyang ninang na si gloria.

  5. Vic, how’s the political situation in Canada? There’s a new Liberal leader now.

  6. Catherine Catherine

    Vic, you are are absolutely correct. The dream on creep is in power because of the brainless Generalsls. I have heard this comment from this outspoken foreigner missionary. He sais, ” Why not BTK all those Generals, the crooks,thieves, liars, cheats in the EK.”

  7. parasabayan parasabayan

    The Martir awol case is indeed very demoralizing to the AFP as a whole. It sends the wrong message. Martir is also the lead witness in the Tanay Boys’ court martial. He was on the witness stand in the last hearing and will be cross examined in the next hearing on the 19th of May (I am not very sure of this date).

    Kung AWOL lang ang ikakaso nila kay Gadian, tama ka BE, she can use Martir’s case as a WORSE THAN HER CASE defense.

    Given the way the AFP has been used again and again to cheat,lie and steal for the putot, ano na lang ba naman yung 46 million to silence all those who know where the money went. I will not be surprised if the putot herself and her vulture hubby kept chunk of the money and asspweron another big chunk. Yung panahon na yun, 2007 was the height of the Tanay Boys’ “kalbario” and the local elections. Money was needed to buy votes for their local candidates. There were no Fertilizer funds,Swine Scam funds, NBN-ZTE funds and the like then so more likely, this 46 million may have been used for the same purpose, ELECTIONS of 2007!

  8. kabkab kabkab

    Kaya nga sinabi ni Lt. Gadian ay “dahil ba siya ay hindi isang PMAyer”. So ang intindi ko dito ay hindi siya puwedeng mag-awol at lalong hindi siya puwedeng mangurakot. Taga-PMA lang ang puwede … lol

  9. kabkab kabkab

    Sa totoo lang naman lahat yata ng mg General na nasasangkot sa kurakutan ay puro PMAyer. Meron bang hindi … sagot

  10. parasabayan parasabayan

    If I were Gadian, I will do a Lozada. Seek help from the nuns and priests. She and her family will be safer there. Gadian, do not surrender to the Navy! They will break you and brainwash you so you will recant your testimony. Wala na namang kahihinatnan and mga sakripisyo mo!

    Akala ko ba eh Pia Cayetano will look into Gadian’s case. Ang tagal naman! Aantayin pa ba niyang kakatayin muna si Gadian ng mga generals ni putot?

  11. parasabayan parasabayan

    Sen Trillianes should help in Gadian’s case. It is time for Trillianes to bring out the anomalies of the Navy once more. Sonny, give this woman the light so she finds her way to the “TRUTH”! It is time to again expose the anomalies of the NAVY that caused your “Oakwood”, the death of the 23 yr old officer 14 yrs ago and now this. More than anyone, Sonny, show the Filipinos that incarceration has not diminished your capability to defend the truth and expose the anomalies of the most corrupt regime!

  12. parasabayan parasabayan

    Kabkab, marami ring hindi sangkot. Huwag nating lalahatin ang ating mga PMAers.

  13. kabkab kabkab

    Tama ka diyan PSB, pero wala man lang tumayo sa kanila na pigilan ang masamang gawain ng kanilang mistah. Kaya palagay ko nagtatakipan na lang sila. Kung hindi man lahat ngayon balang araw sila rin ay gagawa. Parang virus yan kasamang PSB.
    Napanood ko kanina yong TV Patrol at ininterview ang mga magulang ni Lt. Gadian. ako ay naa-awa sa kalagayan nila. Pati ang mga anak ng Lt. kasama nila. Kung talagang totoo ang bintang nila sa butihing Lt. hindi dapat ganun ang kalagayan nila.

  14. kabkab kabkab

    Gusto kung makita na lahat na sangkot sa katiwalian na mga General ay maparusahan at makulong. Wala silang pinag-iba sa mga kriminal. Kagaya na lang ni Garcia, pati pamilya kasama sa kawalanghiyaan. Lagi na lang bang “excuse me”. Dapat ikulong at kung kasama ang pamilya .. isama nila para hindi na tularan pa ng iba.

  15. Rose Rose

    Totoo maraming PMAers na hindi corrupt..but where are they? silence of the lambs? or silence of the wolves? their silence and not doing anything enables putot & co. to do what she wants to do at her whims..bakit tahimik..their silence is deafening indeed..Gen. Renato de Villa where are you? General Cimatu where are you? ang isa ay nasa bundok ng San Juan, Batangas at ang isa naman ay sa bundok ng Antique..sa Madiaas? Ala eh ano ‘ga.

  16. Rose Rose

    PMAers raad pero bingi? bulag? ‘ala eh ano ‘ga..nakain seguro ng isda!

  17. parasabayan parasabayan

    Isn’t Cimatu an ambassador to the Middle East? I do not know where de Villa is now.

  18. Kim Kim

    Like the USMA (West Point), the PMA corps of cadets have one motto and it goes like this:

    “A cadet will not lie,cheat or steal nor will he tolerate anybody who will.” Yeah,…….right !!!!)

    With the likes of Esperon,Ermita,Ebdane, Palparan, Garcia, Reyes to name a few of the “stalwarts” and the rest of their ilk who have compromised honor to being “prostitutes” of a mob masquerading as a government, how would they even look at themselves at a mirror and honestly say they were graduates of the PMA who earned their stars through merits ? They have even stung the reputations of the likes of Lim, Querubin, Trillanes, etc. for trying to live up to the covenant they swore to uphold as honorable men in uniform.

    This regime truly deserve each other. Magka-ka-kampi silang lahat !! Sa inglis, they are “All–Lies (allies)”.

  19. In confronting a fellow PMAer to tell the truth, this question is asked: “All right sir ?”

  20. Boyner Boyner

    Ang nangyayari ngayon sa mga nasa pamahalaan tulad sa AFP ay self survival at ayaw matulad sa sinapit ng ZTE NBN whistleblower na si Jun Lozada. Magiging markado ka kung ikaw ay isang idealist and patriotic. Hindi mabibigyan ng command o di kaya juicy assignment, bitin sa promotion, malabong mapadala abroad for schooling o di kaya hahanapan ng butas para ma Court Martial. Sana ang mga matitinong officers ng AFP, PMAer man o hindi ay magkaisa at kumilos na para sa magandang kinabukasan ng ating bansa at sambayanang Pilipino.

  21. parasabayan parasabayan

    Dahil sa bulok na pamamalakad ng AFP, the upright officers like Gen Lim, Col Querubin and Trillianes to name a few opted to leave the service once and for all in dismay. At least they wish to continue their crusade in a civilian capacity without having been burned by the way their patriotism is taken for granted.

  22. Dorek Dorek

    “Ang nangyayari ngayon sa mga nasa pamahalaan tulad sa AFP ay self survival at ayaw matulad sa sinapit ng ZTE NBN whistleblower na si Jun Lozada.” — Boyner
    Mga duwag pala sila kung ganun. Walang tatalo talaga kay JLo sa tapang.

  23. parasabayan parasabayan

    It looks like in the AFP, those who wish to implement reforms are bypassed in their promotions. The supposedly coup of 2006 may have just been a case of upright officers yearning to know the truth in the 2004 cheating operations but ended up in jail because of senior officers like Senga and asspweron’s protecting the CHEAT. There may still be another Gen Lim and Col Querubin in the AFP today but they are afarid to come out for fear of the same outcome the Tanay Boys ended up.

    This makes me believe that Gadian may be full of disgust with the way the foot soldiers are deprived of their allowances. So she decided to whistleblow instead. She knows that the higher officers are very good in whitewashing the truth(remember the Mayuga report?) and the truth will never come out if probing will be done the traditional way which is to just “KEEP QUIET” and let the business go on as usual.

  24. Remember Fr. Nori who posted a comment critical of Maj. Ferdinand Marcelino? (The Marine who said ‘No’). Yesterday he posted an answer to all who doubted him. I’m posting it here too.

    fr. josè nori domino – May 17, 2009 7:31 am

    dear Ellen,MP Rivera,TTwisted,CHI,Bitchevil

    I’m not hiding my true identity and my real name is Josè Nori Domino, A Bikolano from Bacon Sorsogon and a Filippino – priest ordained for the Diocese of Macerata, Italy.check it out on our diocese website:www. Diocese di Macerata.

    And pls. read the editorial of your news paper Malaya dated jan.21, 2009 entitled:The myth of the soldier as a savior (The man on horseback cannot right a dys-functional society.To believe otherwise is to succumb to political infantilism.)and tell me if I’m wrong or bias.Let me know.I’m waiting for your answer.

    Now is the time for us to pass from infantilism to a more matured and responsible citizens of our society.let’s be objective and concrete in giving news and avoid subjective-personality centered news reporting which is harmful if not destructive to the future of our society.

    To Mp Rivera,Tongue-twisted,CHI and bitchevil I encourage you all to read also the editorial of Malaya dated 21 Jan.2009 and try to meditate on its content.Maybe,you will all recieved the dose of your on medicine and be healed.I pray for you all.Jesus said that Christians and priests should love their enemies and pray for them.Pray also for me and tell me what happened to the PDEA officer and his revelation which you almost believed to be the would be savior of our country in place of Jesus Christ.

    Fr. Josè Nori Domino Macerata, Italy

  25. iwatcher2010 iwatcher2010

    tama mga kaibigan, hindi naman lahat sa afp at kurakot pero ang nakakabahala dumadami ang tiwaling opisyal na kinakain ng sistema ng corruption…di naman bago ang awol issue sa afp, basta may padrino ka general ay maayos kung anuman ang problema mo…

    ma share ko lang isang captain din ang awol lagi pero kinausap siya ng isang heneral na sa kaniya magdidikit,siyempre masinsinan ang usapan at ang batang junior officer ay pumayag na bumalik sa serbisyo, sa ilang panahon naging mag-amo ang nasabing heneral at junior officer hayun na-promote pa sa pagiging major at na-appoint pa sa isang maselang position…logistics, kaya naman pala inalagaan ng nasabing opisyal ay alam niyang pakikinabangan ang nasabing junior officers…ngayon multi-millionaire na ang nasabing major, may security agency, may mga condo units, may magagarang sasakyan..bilis ng balik ng suwerte na nakuha lang niya sa maikling panahon.

    hindi lahat kurakot, pero marami ang nasa hierarchy ang pasimuno ng kurakutan at nadadamay, pinapahamak, at ginagamit ang mga junior officers…malilinis pa ba ang ganitong sistema sa afp?

    siguro matatagalan pa, dami pa sila nakapuwesto sa ngayon.

    pero kung lilinisin ang hanay ng mga opisyales at sistema ay kayang gawin pero masyado silang nagpapagamit sa mga trapos at pansariling interes na lang ang hinahabol after retirement….nakakalungkot pero ito ang kasalukuyang nangyayari sa afp.

  26. Here’s my response to Fr. Nori. Malaya is among the few papers I read. I don’t need to review your article. You’re being a Servant of God (?) is enough reason for you to refrain from involving yourself in politics. Look at what that late Cardinal Sin did? There should be a separation of church and state. Go and take care of your flock.

  27. Enciong Enciong

    Mga kaibigan,

    Nakakapagpainit ng ulo ang mga posts ninyo. Kasi puro tutoo.

    Meron din akong alam na isang opisyal sa Navy. Napilitang lumabas. Kasi na-try din siya ng ESB. For what? Double compensation. He was assigned as aide sa isang civilian official and being paid for it. Pero at the same time, tinatanggap din niya ang sweldo niya sa AFP. Resulta? Ayun, napilitang lumabas after ESB. Conduct unbecome of an officer and a gentleman daw?!

    Comparing this to the AWOL of MGen Martir na soon-to-be Commandant, Philippine Marines? P_____ _na! Double standard nga! Nag 2-star pa yung AWOListang LtCol?! Dahil false witness siya against Col Querubin et al?

    Papano ko ba naman mapagsasabihan yung iba sa forum na ito na irespeto pa rin nila yung organization na dati nilang pinagsilbihan at nirerespeto??! Eh, kahit ako, nahihirapang irespeto ang mga ito?…

    I can just imagine the serious deleterious effect Martir’s soon-to-be appointment will have on the morale and esprit de corps of the most disciplined fighting unit of the AFP. This is actually a national security issue na, kung tutuusin. I hope the AFP top brass wakes up!

    … Or would they? Martir as Commandant, Phil Marines… Bangit as CS, AFP… at sino pa ang nakalagay/ilalagay sa ibang maseselang unit ng AFP para sa 2010?

    Wala. Mukhang general overhaul talaga ang kailangan. Hindi lang top overhaul.

    Mukhang hindi rin tatapusin ang kaso nina Col Querubin. Double purpose: para hindi siya makapangampanya at manalo… and to remind other reform-minded officers and men sa AFP to toe the line, or else!

    Naw yu noh!!!

  28. neonate neonate

    Though the Martir AWOL case is worthy of the Guinness record book or the Ananova freak news it is beyond the pale of the Separation Board as it smacks of C-I-C manipulation; but the Gadian Awol is within its reach. Whatever the merits of her allegations and the authenticity of LtGen Cedo’s report, I am not confident of commenting on this episode as the details from media reporting are erratic, haphazard and inconsistent (in my view). The intriguing aspect seems to be why Cedo is reporting an anomaly that transpired under his watch. Covering one’s gluteus maximus is a natural reaction in these perilous times.
    I have also refrained from commenting on Col. Querubin and Comelec’s Rafanan who I deeply believe are upright and decent, but they are fellow Ilocanos like me, and my comments would be suspect as biased. (Querubin’s hometown is adjacent to my hometown San Fernando, and I have had classmates family-named Querubin.)

  29. Dorek Dorek

    Enciong, siguro ko yong kakilala mo ay hindi PMA’er

  30. Dorek Dorek

    Sinong Chief-of-Staff nong nayari yong 46 million peysos. Di kaya si Esperon? Hmmmmmmm ….

  31. vic vic

    BE, in reply to your query, there will be another Election Coming sooner than expected…the Liberal is now way ahead in the opinion polls specifically because of their Leader and the personal attack on Him campaign (as to his living more than half of his Life, 34 years, in foreign Countries, notably U.S. and Britain) by the Conservative Party has already started airing…and as soon as the polls started showing a closer contest, the Government might be tempted to go seek a Fresh Mandate, instead of governing with the Oppositions dictating the Agenda with the threat of defeating the Government any day…

    The only reason stopping the Liberals from defeating the Government right now, is the Party is deep in Debt and still way Behind in their campaign funds raising. Meaning, they will be handicapped in mounting a strong campaign..

  32. Naipangako ko sa sarili ko na hindi ako mag comment ng pros and cons sa mga sundalo dahil nagiging senador at congressman sila.Umaalis na sila sa pagiging sundalo.

  33. chi chi

    I still doubt you Jose Nori.

    Next time, sumagot ka ng maaga. I was in Italy for 3 weeks just last March-April. Pinuntahan sana kita at nagkatitigan.

    Anyway, no one among those names you mentioned believed Major Marcelino “to be the would be savior of our country in place of Jesus Christ”. I support him fully until now because I believe that he perform his duty for truth and justice, unlike korap Gloria.

    Your article does not interest me, sorry.

  34. chi chi

    Ltsg. Nancy Gadian, ilabas mo na kaagad ang mga dokumentos, your only protection. Huwag lang magpakupkop sa militar, lagot ka!

  35. Balweg Balweg

    TO: Fr. Josè Nori Domino Macerata, Italy

    T.Y. Maám sa tread ni Fr. Noli, mawalang galang na po sa ating mga kaparian.

    Ang husay nýong manalita at mangaral pero ang aking puna sa inyong tribes e mismo sa inyong hanay e masyadong polarize at kita nýo magkakasalungat kayo ng stand sa pagkastigo sa rehimeng Arroyo.

    Wag nýong mamasamain father, tulad din kayo ng AFP na siyang ugat ng pag-aalburuto ng Sambayanang Pinoy sapagka’t sino ba ang pasinumo sa mga paghihirap ng bansa di ba pagkunsintidor at isa sa utak ng mga PRO na Obispo sa rehime.

    Aminado tayo na mayroong matitinong Pari at gayundin sa AFP/PNP pero ang bottom lin sa usapin ito e yong mga promotor sa pagpapabagsak sa lehitimong gobyerno at nagupo kayo ng pekeng panggulo…kaya kita nýo naman ang hirap at pasakit na dinadanas ngayon ng bayan.

  36. Minsan naiisip ko na mas better pa kung may mga hari/emperador tayo like noong panahon nina Lakandula.

  37. caduceus caduceus

    you’re right enciong about plan of this admin. na di tapusin case nila Col.querubin & yung mga nasa crame for fear na may aangal na naman sa mga plano nilang mag massive cheating sa election. I am sure, pandak and her “ALL-LIES” will do everything & anything to hold to their power… \
    So I encourage that people should be vigilant with their (this wicked gov’t) moves… let us not allow na mabulok lang ang mg magigiting nating sundalo sa kulungan…Let Querubin, Trillanes etal. be out of jail!!!
    ano pa ba hinihintay natin, Lozada has courageously came out in the open, sen. trillanes & company were jailed(again for the 2nd time) for fighting the truth & so with col. querubin, gen.Lim et al ( “excluding the voltes 5”, for they are not really patriotic after all, naglabasan na mga kulay nila tong 5 during incarceration!!)…
    sana magbantay tayo bayan!…

  38. Liwayway-Gawgaw Liwayway-Gawgaw

    Father Nori,

    Tell all your sermon to gloria arrovo and her family. Gather also all members of her cabinet and preach them the proper public service.

  39. Rose Rose

    Padir Nori:
    With the blessings of your Archbishop why not invite Gloria and her entire cabinet and officials for a week retreat sa Baguio , Ignatian Exercises..silent..most of them should know how this is done..Atenista naman ata ang ilan sa kanila,,oh baka nakalimutan na..mag muni muni sila hindi yong mag money money..you can do this can’t you padir..

  40. Dorek Dorek

    Off topic (kakainis kasi): “It is time that the wounds of the Filipinos heal. Let’s forget retribution. Let’s heal. We should move on,” —- Teodoro.
    Ogag talaga itong ampon ng demonyo. Anong gusto, ang nagnakaw, pumatay, nandaya ….. patawarin na lang? “Excuse me” na lang? Nasan ang katarungan dito? Kaya maraming uma-abuso dahil sa attitude natin na ito. Kailangan may managot para huwag ng tularan. Gago na ang kapinoyan pag ibinoto pa etong Teodoro sa pagka-Pangulo.

  41. Rose Rose

    sori padir Nori hindi ko narealize na your diocese is in Italy..iba ang culture nila kay sa atin. For three years I served and worked at Holy Rosary here in Jersey City, the first Italian Church in New Jersey established in 1895. Hindi pa padir very basic sa Christiano ang ten commandments? I grant they all know and follow the first 4 but yong mga susunod..thou shalt not kill; thou shalt not not steal, thou shalt not bear false witness against thy neighbor…etc. pagtapos ba ng pagnakaw, pagsinungaling, makumpisal at magtirik ng kandila and go back doing the same day in and day out? Hindi ba ang sabi ni Jesus sa isang nagkasala..”Your sins are forgiven, go and sin NO MORE..puede bang umawi ka dito muna ang turuan ang mga ito..hindi ko tunay maintindihan..BTW I still serve HR as a volunteer..and we were not accepted at first by many parishioners with the backing of our pastor..ok na ang samahan at tunay na nagmamahalan..nagtutulungan..

  42. Perhaps this Fr. Nori belongs to the Italian Mafia. As you all know, the Vatican has aligned herself with criminal groups (Mafia, Nazi) to protect herself. No wonder the Pope is referred to as the 666 in the Bible. What you say, Fr. Nori? The bible even warns us not to call anyone on earth as “Father” since there’s only one Father in Heaven.

  43. chi chi

    Time to move on, time to heal – Teodoro

    Puckyo!

  44. fr. josè nori domino fr. josè nori domino

    dear bitchevil,
    your name speaks for itself and i don’t expect anything good will come from you.You sound very critical,offensive and unforgiving. your frame of mind is very weak and short sighted that the only thing you can do best to defend your self is to accuse and denounce other.I think you need to look at your own personal history specially your early childhood years because there are some signs of unhealed and open wounds in your life that you need to be riconciled of.Violence,anger and hostile behavior are signs of a person who felt unloved, unwanted and uncared for by their love ones.To me you sound like a left leaning ideologist.

  45. fr. josè nori domino fr. josè nori domino

    dear bitchevil
    and even a fundamentalist when it comes to Bible culture.No wonder!

  46. Mr. Nori, I got the name from the Evil Bitch. I thought it would create an impact by inverting it for my handle…and it worked. That fact that you took notice of it was enough for me to continue using it.

    The church specifically the Catholic Church has been meddling in the country’s political and economic affairs for too long now. It’s high time for her to STOP. She conspired with other groups including the Left to bring down to duly elected Presidents and yet did not lift a finger to remove the current evil leader who’s been hurting the country for nine years.

  47. Some corrections: THE, TWO…

    Mr. Nori, I suggest that you take care of your flock which is now declining in alarming rate. Something’s wrong somewhere not only with the manner the false prophets take care of their souls but the teachings that are alien to God’s.

  48. That’s always your church’s argument; that is, you follow not only bible but traditions as well. Yet, God teaches that we shall not practice man-made teachings and traditions. When it comes to the words of God, we must choose to be fundamentalist. There must be no addition or subtraction to God’s words. No wonder wolves in sheep’s clothing like you now find it very hard to shepherd your flock. How can a blind lead another blind?

  49. fr. josè nori domino fr. josè nori domino

    dear rose,liwayway-gaw gaw
    preaching and retreats are short term remedies and they are not lasting solutions. what we need is conversion.In the Philippines we don’t need remedies.To solve many ailing problems of our society we need TRUE PERSONAL CONVERSION.Not specifically in moral sense but in an existential,prophetic and self liberating approach.we are not born christians,we just become one through our daily conversion.
    Thanks for the invitation to preach to our government officials.But what they need is a change of heart and not a well prepared theological discourse.Jesus said: <>.Money greed and power corrupt human hearts.
    In the Philippines we have many serious problems and deeply rooted ills of our society.Solutions are hard to find. We are divided among ourselves.Bikolanos against Ilokanos.Ilokanos agains Ilongos ..and the likes.We need unity and self sacrifice and not violence to make a change in our society.We don’t need to change the structure but to purify,solidify and protect our own hard earned democratic system of government. By God’s help,maybe, oneday before we say goodbye to this mother earth, if we respond to this holy and noble endeavor, we can all say that our dreams fulfilled and we can joyfully sing the song close to our hearts the <>, when at last the Philippines becomes a peaceful place to live in, a happy family to be part of, governed by responsible,nationalistic and God fearing leaders of our society.A nation we can be proud of. A true gift to the young generation of our society and a testimony of hope for a better world of tomorrow.Its our responsibility and history will judge us if we lived up and performed well according to the expectation of our times.

  50. fr. josè nori domino fr. josè nori domino

    dear bitchevil
    your accusations are unfounded.you MUST support it with hard evidence otherwise you sound like a bell ringing tililing tililing without tones.it will ruin the ears of those innocent ears near you.And maybe no one will no longer log on to this site because of you.

  51. iwatcher2010 iwatcher2010

    amen padre damaso….este father nori

    tutal tinukoy mo ang malalim na problema ng bansa dahil sa ating pagkakanya-kanya (regionalistic) ayon na rin sa iyong tinuran, ang problema ng bansa dahil sa tiwaling rehimen at mapang-api at abusadong elitista…bakit di mo rin kaya ipaliwanag sa masang pilipino na ang kaparian at simbahan ay dahilan din ng pagkawatak-watak ng bansa…naitanong mo na ba sa sarili mo kung bakit dumarami ang relihiyon sa ilalim ng katoliko? naitanong mo na ba sa sarili mo na bakit ang kaparian ay mistulang sandalan din ng mapang-abusong rehimen at pamahalaan…maraming problema ang bansa, pero dinagdagan pa ng pagiging tikom, bulag at bingi ng kaparian at ng simbahan sa hinaing ng masang pilipino na humihingi ng saklolo dahil sa kahirapan, kawalan ng katarungan, kawalan ng oportunidad at iba pang tunay na kaganapan ng bansa.

    lahat ay may kasalanan sa pagkalugmok ng ating bansa, ang tinutukoy mong pagpapatibay ng democratic system ay malabo sa kasalukuyang rehimen hanggat ang ganid at tiwaling pinuno ang nagpapatakbo ng bansa.

    sa aming parish na isang katolikong simbahan, ang pari ay abala lamang sa pagpapaganda ng simbahan, pagpapalaki ng koleksiyon o abuluyan, parish activities at pag-aya sa mamamayan na magdasal at lumapit sa diyos…pero paglabas ng simbahan ang tunay na kalagayan ng bansa…sana kung anong galing ng mga paring magsermon at makialam sa usapin ng bansa ay ganun din sila kasigasig upang tunay na maramdaman ang kahirapan at karaingan ni juan dela cruz.

    hindi ko nilalahat, pero ang simbahan at kaparian ay malaki rin ang pagkukulang sa pagbuo ng isang matatag at demokratikong sistema ng pamamahala.

    kaya bilib ako kay fr. reyes, bishop cruz at ibang haligi ng simbahan na bukod sa espirituwal na tungkulin sa mga pilipino ay aktibong nakikiisa sa damdamin at pighati ni juan dela cruz…pero hindi sila left-leaning ideologist gaya ng iyong tinuran kung hindi may pakialam lang sila sa bansa, yan ang dapat na lingkod ng simbahan…kumilos kung kinakailangan upang paglingkuran at protektahan ang karapatan ng kanilang parishioner.

    at kung tayo man ay maglaho sa mundong ito…naging mabuting mamamayan ba ako ng aking bansa? naging mmabuting pastol ba ako ng simbahan? nagawa ko ba ang lahat ng aking makakaya upang maging bahagi ng isang pagbabago para mapagkaisa ang damdamin ni juan dela cruz?

    kasaysayan lamang ang huhusga kung tama ang landas, ang kilos at desisyon natin sa buhay..pero maaari nating baguhin ang kasaysayan kung ang kaparian at simbahan ay tunay na magiging sandalan at tagapagtanggol ni juan dela cruz, gaya mo father nori….ang lahat o higit na maraming pilipino ay naghahangad ng isang bansang nagkakaisa, maunlad at maipagmamalaki kung paano sisimulan ay hindi ko rin alam…

    ngunit baka kayo rin ang magsilbing liwanag, at mag-akay sa amin at susunod lamang masang pilipino upang mapagtagumpayan natin ang isang bagong pilipinas na ating pinapangarap.

    fr. nori ipagdasal nyo po sana ang kaluluwa ko kung ang aking pagpapahayag ay labag sa batas ng diyos at batas ng simbahang katoliko, kung ang pagtugon ko sa iyong salaysay ay isang kasalanan…

  52. fr. josè nori domino fr. josè nori domino

    dear b.evil
    The Catholic Church is not apolitical institution in the sense that its primary mission is limited only to a purely spiritual level.
    It also plays a significant role in the society in matters of faith and morals.

  53. iwatcher2010 iwatcher2010

    your accusations are unfounded.you MUST support it with hard evidence otherwise you sound like a bell ringing tililing tililing without tones…sounds familiar, next line “bring it to the proper forum”

    it will ruin the ears of those innocent ears near you.And maybe no one will no longer log on to this site because of you…
    hmmm siguro kabaligtaran fr. nori dahil karamihan sa pilipino ay uhaw sa katotohanan na pinagkakait ng gobyernong ito na minsan ay di tuwirang sinagot ang mga akusasyon o paratang na iyong tinuran, na ni minsan ay hindi nagpaliwanag sa tao kung may katotohanan ba ang mga akusasyon at paratang, na ni minsan sa kabila ng ebidensiya at witness ay ipinagwalang bahala pa at sa halip ang mga akusado ay naipuwesto pa sa matataas na posisyon, na ni minsan o ni isa ay walang naparusahan sa kabila ng ebidensiya at pagpapatotoo ng mga witness…

    siguro kahit sabihin ng isa sa mga blogger na si kingpin pidal ay pasimuno ng malalaking suhol, pihadong maniniwala ang mas marami dahil sa kilos at paglilihis sa mga usapin at di tuwirang pagsagot sa mga isyu, na naging expertise na ang malacanang mafia at arroyo corrupt-poration.

    hanggat walang katotohanan at tunay na pagsagot sa mga isyu ng katiwaliaan, pagmamalabis, paglabag sa saligang batas, paglabag sa kaarapatang pantao at iba pa ay hindi mawawala ang blogger sa site ng ellenville…bagkus dadami pa dahil ako at marami sa mga blogger ay patuloy na naghahanap ng kasagutan sa bawat isyu…patuloy na naghahanap ng katotohanan…

    ano ba talaga father? magiging tanglaw ka ba namin sa paghahanap ng katotohanan o magsisilbing tagahawak na lamang ng sulo’ at kami ng maraming juan dela cruz ay patuloy na mangangapa sa dilim.

  54. xman xman

    Mr. Nori,

    What bitchevil stated were not an accusations. They are supported by the holy scriptures. The Catholic Church possess the number 666 and the Vatican is the home of Satan as stated in the bible. Can you prove to us through the holy scriptures that we are wrong?

  55. fr. josè nori domino fr. josè nori domino

    dear b. evil
    you must read the Holy Scriptures specially the Old Testament and learn from the history of the people of Israel that God didn’t saved the whole people of Israel but only its remnants who remained faithful to the covenant.To be worried about the declining rate of Catholic faithful, its number is a sign of lack of faith.God can raised from these stones children of Abraham.
    The Catholic Church is only an instrument of salvation and not the Savior.Its a means of salvation and not its end.

  56. iwatcher2010 iwatcher2010

    nawawala na sa topic ang usapin at papunta na sa holy scriptures….siguro ang pinakamainam mong gawin father nori ay ipagdasal ang kaligtasan ng bansa natin, ipagdasal ang kaluluwa namin at ipagdasal na sana ang simbahang katoliko at kaparian ay maging tanglaw ng mga kaluluwang naliligaw ng landas at patungo sa lugar ni taning.

    topic po awol…yung sermon pag linggo, at may prayer meeting naman kami every thursday kaya siguro sa sunday na uli sermon.

  57. gapoboy gapoboy

    I will NOT call Mr. Martir the traitor on his rank. He doesn’t deserve it and my respect also to him. You “RAT”

  58. fr. josè nori domino fr. josè nori domino

    dear b. evil
    you must read the Holy Scriptures specially the Old Testament and learn from the history of the people of Israel that God didn’t saved the whole people of Israel but only its remnants who remained faithful to the covenant.To be worried about the declining rate of Catholic faithful, its number is a sign of lack of faith.God can raised from these stones children of Abraham.
    The Catholic Church is only an instrument of salvation and not the Savior.Its a means of salvation and not its end.
    if people now are less attracted to spiritual things, its because of social and economic changes in our society.We live in a more secularized world and relativistic society where God don’t exist or if He exist, He is of no use.Man became the God of his own creation.

  59. Mr. Nori, don’t worry about those who may not log into this blog because of my position. This blog has existed more than your new membership and survived worse and more controversial issues. The owner and moderator is fair and equal to all. She respects everyone’s opinion.

    You ask me to read the Holy Scriptures but did the Catholic Church encourage the members to read the Bible? No. It’s only now that some are flipping the bible and fail to understand it.

    Do you believe in Apostasy ?

  60. iwatcher, if you have a priest voicing his opinion in this blog, you can’t prevent some from raising some religious issues.

  61. fr. josè nori domino fr. josè nori domino

    yong mga hinaing ninyo,yong mga paniniwala ninyo atbp.para sa akin ay mahalaga at dapat lamang.naranasan ko din iyan at nabuhay din ako sa kahirapan.naranasan ko ring magutom,malungkot at magdamdam.mawalan ng pag asa. però nanampalataya ako sa Diyos at sa buhay ko sinikap ko lamang na mag mahal at maglingkod sa kapwa.tuklasin ang katotohanan
    hindi ako pumapanig kay gloria at kung sino pa man.pari ako dapat lang patawarin ko ang lahat at mahalin lahat.
    iyan ang buhay ko at maliban dito lahat pinapasa kamay ko na lang sa buong Maykapal.Hindi ako kaliwa o kanan.dilaw o pula ako ay kristiyano at ako ay masaya na ganito.

  62. iwatcher2010 iwatcher2010

    kaibigang be…

    ginagalang ko at nirerespeto ang opinion ni fr. nori, dahil nga ang opinion niya ay tungkol sa kalagayan ng ating bansa at ang paalala na lahat ng pagpaparatang ay dapat na may kaukulang ebidensiya…dapat din sana ay umayon ang malayang palitan ng kuro-kuro sa nasabing usapin lamang.

    at ang pagsesermon ng tamang gawi ng isang katoliko ay di naaangkop sa ating paksain, bagkus maging balanse rin sana siya sa pagsagot sa mga opinion at paliwanag ng ibang bloggers na naayon sa tamang usapin kesehodang alagad pa siya ng simbahan.

    at kung usapin man ay tungkol sa relihiyon at simbahan, ang sermon niya ay hindi ko tututulan…

    sa susunod hingi tayo ng pahintulot kay ms. ellen tungkol sa topic na holy scriptures at role of priest in nation building, at si fr. nori ang moderator.

    paalala…kasagutan at opinion lamang tungkol sa topic para di lumalayo ang palitan ng kuro-kuro.

  63. iwatcher2010 iwatcher2010

    fr. nori…kaya higit namin kayong kailangan sa mga panahong ito, upang magsilbing liwanag sa paghahanap namin ng katotohanan at magsilbing tanglaw upang marating ang dapat nating paroonan bilang isang bansa.

    buong-buo ang pananampalataya ko sa ating Poong Lumikha, patuloy akong nagmamahal at nakikiramay sa pighati at karaingan ng aking mga kababayan at walang gatol na naglilingkod sa aking kapwa sa abot ng aking makakaya…

    ngunit pawang ang mga daing at hinaing ng ating kababayan ay walang katugunan, ang kalabisan sa kapangyarihan, pagnanakaw at katiwalian, pagyurak sa karapatan at ang malawak na kahirapan dulot ng maling polisiya at pamamalakad ng rehimeng ito.

    lahat ng paalala at pangaral ng simbahan ay aking tinutupad at aktibong kabahagi ng CFC, pero parang kulang kung mananahimik at patuloy lamang magdarasal ng pagbabago at kaligtasan…ngunit parang kulang kung mananahimik at maghihintay na lamang ng kasagutan sa bawat katanungan, ngunit parang kulang kung hindi makikibahagi at makikiisa sa ibang pamamaraan upang mahanap ang katotohanan…

    maraming katanungan at hindi sapat ang kasagutan…

    marahil ang kaparian at simbahan ang magsilbing tanglaw at liwanag ni juan dela cruz na aakay sa amin sa kadiliman dala ng kahirapan at kawalan ng pag-asa..masunurin at madasalin ang masang pilipino, naghahanap lamang ng tamang lider na magdadala sa tunay na pagbabago.

    mas higit naming kailangan ang liwanag at proteksiyon ng simbahan at kaparian sa kasalukuyang kalagayan ng bansa…

    fr. nori,akayin mo kami sa liwanag ng tunay na pagbabago at sa kadiliman ng kawalang pag-asa.

  64. The church should clean her own backyard before meddling with the affairs of the government. Christian? Pardon me, many especially those non-Catholics believe Catholics are not true Christians. I’m sorry to say that. A Christian is one who follows Christ. To follow Christ is to obey His words and commands. When the Lord says thou shalt not worship idols and graven images, that must be followed.

  65. fr. josè nori domino fr. josè nori domino

    naiintindihan ko ang mga mabubuting intensiyon at mga mabubuting balakin ninyo.marami ding mga kaparian na naghangad na baguhin ang ating lipunan na kagaya ninyo ngayon.Si Balweg,Jalandoni etc.Sa Americana Latina sina Oscar Romero atbp.kung ako ang tatanungin si fr.Balweg ay pinatay ng kanyang sariling kapatid,si Jalandoni ay nasa ibang bansa at marami pang mga pari at madri nasa bundok na patuloy na nakikibaka at naghahagad ng pagbabagopara.noong Edsa Rev.1986 ako din ay isa sa nagtaya ng aking buhay para makalaya ang bayan sa kamay ng diktatura marcos.marami na ang buhay na nasawi,marami na rin ang hirap na ating nadanasan ngunit patuloy pa rin ang kawalan ng paglutas ng mga kasamaan.Siguro sa aking paniniwala ay may mga bagay bagay sa mondo na hindi nagbabago. kagaya ng kahirapan,kawalang hustisya atbp.at ito ay dapat nating tangapin at huwag lisawin.harapin at huwag palalakihin mahalin para baguhin.marami na akong nakita at natuklasan na mga tao na naghangad ng isang mondo na walang pighati at kahirapan.ngunit lahat ng kanilang pagod ay nagbunga lamang
    ng pansamantalang pagwagi para ipaghanda ang sarili sa panibagong pakikipagtigwali sa bagong bighati bunga ng pansamantalang pagwagi.ito ang misteryo ng kasalanan.ang dapat natin sigurong gawin ay matutunan nating muling manampalataya sa Diyos na para bang ang lahat ng bagay ay nakasalalay sa kanya at kumilos ng kumilos na para bang ang Diyos ay wala at ang lahat ng bagay ay may kaganapan lamang kung tayo ay magwawagi lamang.

  66. chi chi

    Let’s move on to the real issue: The kababuyan of Gloria Arroyo!

    Ellen, naging pulpito na ang Ellenville. Hindi ako pari kaya hindi ko patatawarin si Gloria! Hang her upside down!

  67. fr. josè nori domino fr. josè nori domino

    you b.evil
    moralist are worst than ideologist.remove first the dirt in your eyes and your eyes will see that the dirt you saw in others eyes is non other than your dirt in your eyes before you know it was non other than yours in your dirty eyes.

  68. But I’m not blind. Dirt can be removed but blind cannot see.
    I’ve seen the light since I left the darkness. And that darkness was the false religion I inherited from my parents and grandparents.

  69. fr. josè nori domino fr. josè nori domino

    who brought you out of darkness? if you say that you are blind your sins are forgiven but because you said that you can see your sins remain.Pity boy

  70. All have sinned except Christ. God forgives our sins and shall continue to forgive us as long as we confess and repent.
    Seeking the truth and the truth is the words of God written in the Holy Scriptures. That was how I was brought out of darkness.

  71. Dorek Dorek

    AWOL po ang topic.

  72. josé miguel josé miguel

    I have always written manually my e in José with an é. This is because the stress in pronouncing the name is at the last. This is really the proper way of writting this name. But either because I did not know how to write this in the computer or was just in a hurry to press what is more accessible that I just spelled it in the computer as Jose without the é. But just recently I was able to find out how to write it in the computer so now I sometimes place the é. This is the first time I saw an e in José written in è. Maybe José written in Josè sounds foreign or Italian, I do not know. Maybe somebody who is knowledgeable in language could tell us if there is such a spelling of José spelled in Josè. Tell us also what the è means. Maybe somebody could also cite a source of that language information. It is because I feel guilty of having doubts on the authenticity of the said priest– Father Nori.

    I also notice that the supposed priest was preaching about rewards here on earth. What good is heaven if we just set our eyes here on earth? If this is the case, then there is no more hope for the victims of the recent earthquake in Italy. If we hope for life from this world only, then there is no more need for the spiritual dimension and eternal life. Then there would be no more need for priests. But the priests that I know gives hope in the name of Jesus Christ love till eternity to our present material life. Their teaching is the experience of the cross that enables us to validate that there is eternal life. They have given me liberty to love in the midst of death in this world. I hope somebody can explain to me again what is the real role the Catholic Church in this world of wars, oppression, calamities and clinging hope in the finite world.

    I feel guilty again for having doubt in the authenticity of the supposed Father Nori involving in concerns of the world. I am sorry to the supposed priest!

  73. fr. josè nori domino fr. josè nori domino

    you b.evil
    you are almost there but not yet. you need to study more about diachronic approach to scripture rather than synchronic approach.then you will understand what is biblical truth compared to revealed truths.Johanine vocabular truths comparen to synoptic truths.bye

  74. I think there have been enough exchanges on the point raised by Fr. Nori. May I request that we go back to the topic of this thread which is the AWOL- the case of Lt. Gadian.

  75. fenix fenix

    Irrelevant topics brought up by irreverent blogger-posters hasn’t learned about Russell’s Teapot and merrily abuse the leniency of their host.

  76. chi chi

    Talaga, fenix.

    Back to topic…

    “Pina-iimbistigahan na ni Senator Rodolfo Biazon ang akusasyon ni Gadian. Ngayon sinasabi na ng military na walang nawawala raw sa P46 milyon na budget ng 2007 Balikatan. Kaya wala raw anomalya doon. AWOL na lang ang kaso ni Gadian.”

    In 2007, Asspweron was Gloria’s chief-of-staff.

    With the ASS as Gloria’s super nanny, no wonder the P46M was nawawala, but now was found na.

    Eureka! Biglang nakita ang pera nang nagkakabistuhan na!

  77. There’s no irrelevant topic in this blog. You’re insulting the intelligence of some bloggers. While sometimes one is tempted to deviate from the main topic, the comment even if not exactly related has some contribution. Why do we have to be critical of what others would say? If you don’t agree, either you say why or ignore it. Get it fenix (another new name)?

  78. Siguro naman alam nyo na hindi nakakatuwa ang nag-aaway, ano? It’s not pleasant.

    Ang topic ay si Lt. Gadian and her being accused of AWOL. As much as possible, let’s stick to that.

  79. Liwayway-Gawgaw Liwayway-Gawgaw

    I don’t know why new bloggers here are seemed to be suspect of something.

    Do we have to obtain permit/approval? From whom? From bitchevil whom Habib referred also as artsee, the old spoiled brat here who just changed his handle? What he’s doing here before he was banned was what he is doing in other blog and again doing here this time.

    I joined here to share my views and be counted with most of bloggers with same gripe. I also want to be part of a cause I believe could free our country from its long years of suffering under the abusive administration of gloria arroyo.

    I’ve been fighting alone unheard and when I learned about Ellen’s blog, her fearless stand, I wasted no time coming here knowing we will not fail.

    But, why like this?

    Are we new names here suspected as plant?

  80. Enciong Enciong

    Tama na yan. Lets get back to the topic of this thread. AWOL of Gadian as opposed to AWOL of Martir.

    The question to be answered: May magagawa pa ba tayo, and I mean solid move ang hindi lang daldalan, para hindi maiupo so Jonathan Martir as Commandant, Philippine Marines?

    As for Lt Gadian, ewan ko lang. Pero ngayon pa lang, mukhang talo na siya sa labang ito.

    Ms Ellen, maganda siguro create ka another thread — as recommended sa itaas — on the role of the church in handling corruption/moral issues associated with the present regime. Let’s see how Mr Nori would enlighten and guide us.

    Kaibigang BE, I totally agree with you.

  81. Enciong Enciong

    Gabopoy said:

    “I will NOT call Mr. Martir the traitor on his rank. He doesn’t deserve it and my respect also to him. You “RAT”

    Kaibigang Gabopoy, pakilinaw please.

    Are you saying Martir is not a traitor and does not deserve the flak he is getting here and you still respect him? Or are you saying that Martir does not deserve your respect?

    Pasensya na, ha? Ang gulo kasi, eh. Di ko alam kung si Pacquiao ang nagsasalita o si Donya Diony.

    If you mean the former (as I assume that is what you mean), on what grounds do you support Jonathan Martir? Bakit mo siya nirerespeto? Kagalang-galang at kapita-pitagan ba siyang talaga?

    I do not recall anybody here calling Martir a “traitor”.

    Sinabi lang dito na nag-AWOL siya for more than 470 days at sumusweldo ng tuloy-tuloy habang nasa US siya at sinusubukang ayusin yung immigration papers niya. Hindi siya sinabing “traitor” dito. Sinabi lang na Jonathan Martir deceived US immigration personnel by presenting himself as a private citizen by using his regular passport to enter the US a number of times, thereby escaping the need to present official travel documentations — a requirement for a regular AFP official that he is.

    If anyone here called Martir a “traitor”, I apologize if that escaped my eyes. Pero so far, wala akong nabasang ganun. Nag-AWOL for more than one year and three months lang. Conduct unbecoming of an officer and a gentlemen lang. Deception lang. Yun lang naman.

    Kaibigang Gabopoy, kagalang-galang ba talaga si Martir? Enlighten us pleassssseee…..

  82. fenix fenix

    My alias was called — Get it fenix (another new name)? – and good manners obliges a civil response, with Ellen’s indulgence as it is off Gadian AWOL topic.
    Fenix (a variant of Phoenix) dropped in two years ago posting restrained comments with the exception of Ate Glue as the subject under discussion. Please read my post again, as it reinforces comment number 75, and note in particular the item about Russell’s Teapot.

  83. From hereon, any petty exchanges, I will delete.

  84. ron ron

    Tama yan ellen.. sobrang init ng diskusyon dito! use ur personal e-mail add nalang for your future discussions and debates (suggestion lang po.)

    Di yan sasampahan ng kaso si Martir kasi mawawalan ng tuta si gloria pano na sya pagdating ng election? maganda siguro me magreklamo and mag imbestiga din kay martir para patas ang laban..

  85. Liwayway-Gawgaw Liwayway-Gawgaw

    Kasalanan ng mga senador na miyembro ng CA, partikular si Jinggoy!

    Kunyari, oposisyon. ‘Yun pala ay pumupusisyon para sa pansariling interest? Alam kaya ni Erap?

    Mga hudas!

  86. chi chi

    Nag-iisip ako, Liway, kung alam ni Erap. Wala yata akong mapagkatiwalaan sa mga pulitiko kaya dun na lang ako sa mga nakakulong ng walang kasalanan!

    Oo nga ‘noh, ron. Wala yatang may gustong senador o kahit sino na nasa poder ang gutong bumangga at magreklamo kay John Rat Martir.

  87. Balweg Balweg

    Folks enjoy lang sa tsikahan ok, walang personalan para maganda ang usapan at palitan ng kuru-kuro sa mga usaping ating pinagdidiskusyunan.

    Pare-pareho tayong matututo sa ating mga pinag-uusapan maging ito man e positibo o negatibo na tumutukoy sa anumang paksa na may kinalaman sa pangkasalukuyang buhay sa Pinas.

    Tutal libre naman at walang VAT ang ating pinagdidibatihan e pasalamat tayo na mayroon isang tulad ni Maám Ellen na kumakalinga sa atin upang bigyang buhay ang pag-aalburuto ng ating diwa’t isipan upang maihinga natin ang sama ng loob sa rehimeng arroyo o sinumang kinauukulan na pahirap sa ating lipunan.

    Tuloy ang ligaya at pasasaan ba e magkoconnect din ang ating diwa sa mga usaping nagpapasakit sa ating mga ulo at damdamin.

    In short dapat magtagumpay tayo sa bawat hakbangin sa buhay o anu pa mang adhikain na may kinalaman sa pag-unlad ng ating bansa at makatulong sa mga less fortunate nating kababayan api at lunggati sa hirap.

  88. Balweg Balweg

    Well Ka Enciong…paki sabat po, ke AWOL o namumundok ang isang kawal e dapat patawan yan ng kasong administratibo, for sure may panuntunan ang AFP upang tupdin ng mga aktibong kawal.

    Ngayong nagkabukingan na about pag a AWOL ng isang kawal e dapat pakibusising mabuti yan sapagka’t practices pa yang sa mga naunang rehime at bakit ito tolerated ng mga SIRs sa Aguinaldo o kaya sa Crame (PNP)?

    Ang bottom line ng problema e simple lang…”PAKISAMA system”, yan ang ugat ng lahat ng kahinaan ng isang institution maging private o public entity.

    Nagkakaungkatan po lamang kung nagkakagulangan o kaya pag may nasagasaan at di marunong bumusina…so heto bakbakan na ang mga iyan.

    Kaya si Martir kung mayroon pang delikadesa sa sarili eh makunsensiya naman siya sapagka’t abvious naman 477 days with pay pa. Sige nga po mga SIRs paki isplika ang scam na ito.

    In other word dapat tagawin itong, “Martir the RAT scam”.
    Once and for all dapat wag na yang pamarisan pa ng mga darating ng saling-lahi ng mga kasundaluhan.

    Tanggalan yang ng stars sa balikat nang di na pamarisan pa! Sobra sipsip sa rehimeng arroyo ng makaligtas sa kaso, mag-antay ka sa 2010 baka back to sarhento poponggay ka Sir Martir…ang sakit sa tengang pakinggan di ba!

  89. Lt. Gadian’s poor parents are living in a very humble place down south. If she was corrupt, do you think she would allow her family to remain poor? Same is true with Maj. Marcelino’s mother in Bulacan.

  90. Balweg Balweg

    To GOD Be the GLORY fr. josè nori domino, korek po na maraming Kaparain ang nagbuwis ng buhay alang-alang sa tunay na pagbabago ng lipunang kanilang ginagalawan.

    Dito sa Pinas e nakakabahala po sapagka’t di kaila sa lahat e ang simbahang Katolika in particular e divided kung ang pag-uusapan e paninindigan sa Katotohan.

    Bakit po, ganito yon…ang ating mga Obispo e kanya-kanya ng leaning, may kontra at pabor sa rehime. Ang EDSA DOS e may basbas sa Principe ng Simbahang Katolika sa Pinas NOT ONCE, but TWICE…ewan ko lang ngayon 2010 kung makakahirit pa.

    Ang aking puna bilang isang Katoliko e dapat mag-kaisa ng pag-iisip ang lahat ng mga Kaparian natin together with all flocks. Ang kaso e watak-watak ang diwa at kampi-kampi sa iba’t ibang bagay sa buhay na pinaninindigan.

    Paano magkakaroon ng bisa yong FAITH natin kung mismo tayo na nagpapatupad o nangangaral ng Katotohan ang siyang promotor sa pagkakabaha-bahagi…sige nga po.

    In laymans word, “Nawika na ayusin muna natin ang ating tahanan, bago ang iba.” Isang malaking hamon ito una sa ating Inang Simbahan sapagka’t karamihan sa mga kurap at magnanakaw e nangungumunyon yan sa pagsisimba nila kung araw ng linggo ng pagsamba.

    Dapat ang pangangaral at sermon e may powerz upang baguhin ang ugali’t asal ng isang tao. At umaasa tayong lahat na TODAY is the DAY of SALVATION…WELCOME to the Family of GOD Sir Martir and co.

    Para matapos na ang mga problemang ito!

  91. ron ron

    chi, pano naman nila babanggain si martir e di parang binangga na rin nila si Gloria. I was expecting Biazon,lacson or Honasan to question martir’s awol..ewan ko ba nakakadisappoint din itong mga senador natin, gagawa lang ata ng ingay if it will benefit them..

  92. chi chi

    Same here, ron. Mistah yata e!

  93. A sister of Lt. Senior Grade Nancy Gadian, the whistleblower on the alleged Balikatan fund scandal, said Monday that a “shoot to kill” order has reportedly been issued against the resigned Navy junior officer.

  94. ron ron

    OO nga mistah chi, nagtatakipan at nagdadamayan sa lahat ng oras.(as what my uncle says-who happens to be a pmaer too!)

    Kung me ganyang order bat pa sya lalabas e di parang nagpakamatay na rin sya nyan.. ang gulo talaga ng military system!

  95. Enciong Enciong

    Sa kabilang post, may question si Rose kung counted yung AWOL ni Martir sa retirement pay niya.

    Ang sagot ko is dapat hindi isali yon. But the way things went, mukhang burado na yung 477 days of AWOL ni Martir. Kasi na-promote pa siya to Colonel then 1-star and now 2-star General.

    In short, pag-retire ni Martir, counted sa pension niya for life yung “service” rendered niya sa US as an AWOL LtCol in the Marines. Kukubra na sa Communtation of Unspent Leave Balance niya, pasok pa sa pension for life yung 477 days!

    Ang galing talaga ni Martir. Alam niya kung kaninong puwet siya hihimod. Ganyan kagaling mag-alaga sina GMA and Esperon. Sigurado nang hindi matatapos ang non-case nina Col Querubin et al.

    Kaya nginitian lang ni Martir yung sinabi ni Col Querubin sa kanya na (paraphrased) “Pag-isipan mong mabuti ang mga sinasabi mo sa korteng ito. Mga buhay ng mga kasama mong sundalo ang nakataya dito. Alam mo ang katotohanan. Magsabi ka ng tutoo.”

    Ron and Chi… take note na mag-mistah yang dalawang iyan. But they stand on opposite ends. So please re-consider your thoughts on PMAyers being mistahs. Hindi lahat ng PMAyer ay nabibili.

  96. The only way for Querubin and company…all the detained Magdalo soldiers to be released is when the new administration, a genuine opposition, wins in 2010. The officers could avail of the Presidential Pardon. If another GMA puppet wins, that’s the problem.

  97. Rose Rose

    This RAT is so damn lucky..nanalo siya sa lutong luto scratch ni putot..yong rub the pwet and scratch it right…hindi ba may mga lottery na scratch the boxes and if you get three of the same pictures you win..

  98. Liwayway-Gawgaw Liwayway-Gawgaw

    The officers could avail of the Presidential Pardon. -B. evil

    There was no crime committed. Therefore, presidential pardon is not necessary for their release. They were just victims of personal whims of gloria and the cowardice of assperon. All charges were fabricated and witnesses have no credibility, one of them is John d’ Rat.

  99. Liwayway-Gawgaw Liwayway-Gawgaw

    “…….mag-antay ka sa 2010 baka back to sarhento poponggay ka Sir Martir…” – Balweg.

    No. Do not pollute the file with that trash. Let that creature transforms back to his real self, a RAT. But not just an ordinary rat. A filthy rat!

  100. Valdemar Valdemar

    During war its no longer AWOL. Its desertion or cowardice.
    During peacetime, its malingering.

  101. Valdemar,

    Just a correction: Depends on nation and/or which military; even in peace time AWOL can be declared desertion, i.e., if the soldier/officer does not return after a few weeks after AWOL, he/she can be declared a deserter.

  102. Liwayway-Gawgaw Liwayway-Gawgaw

    Valdemar,

    Tama si Anna. Any soldier or officer who absents himself/herself is declared a deserter after weeks of not reporting to his unit, be it in war or in time of peace.

  103. Ellen — hope you don’t mind but couldn’t get my email message to Liwayway!

    I was just about to send my email message to Liwayway when my stupid email flashed this message (now I can’t access my email account anymore)

    The error, LaunchHttpError-500, occurred when trying to connect to xxx Mail.

  104. Liwayway-Gawgaw Liwayway-Gawgaw

    Anna,

    Got your mail and answered.

    Take care and have a safe trip!

  105. habib habib

    I was expecting Biazon,lacson or Honasan to question martir’s awol..ewan ko ba nakakadisappoint din itong mga senador natin, gagawa lang ata ng ingay if it will benefit them.. – Chi

    Chi, habibi (dear friend), wala na tayong aasahan sa tatlong ‘yan!

    Si Biazon, magre-retire na rin lang sa senado, hindi pa napatunayan kahit minsan na naging sulit ang boto sa kanyang ng mga nagtiwalang tao. Ewan ang direksiyon ng kanyang mga argumento.

    Si Ungasan, alam na nating halimuyak ng salawal ni gloria ang nagpapakilos diyan.

    Si Lacson? Ewan. Burado na siya sa aming grupo. Wal na siyang suportang aasahan. Matagal na niya kaming pinaasang tuloy ang laban, walang atrasan.

    ‘Yun pala, tigis ihi lang ang kupal na ‘yan!

  106. Balweg Balweg

    But not just an ordinary rat? A 2 STARs General LG…kaya remember ko pa sa mga olds na ang tawag sa RAT e mabait sapagka’t pag pinagwikaan mo yan e for sure aatakihin ang personal things mo at ngangatngatin pa yan.

    See, nababahala ang marami sapagka’t posibling maging bosing ng Marino, Inang natin LG…sa hinagap e di ko malirip na sasalaulain ng rehimeng Arroyo ang Marines regiment e yan na lang ang natitirang matino at may K kasi the rest ng hukbo pasaway.

    Mayroon pa sanang gustong magpakabayani ang Scout Ranger regiment from Camp Tescon (San Miguel, Bulacan) ni Honorable Gen. Lim ang kaso e ipinadlock sa selda ang butihing Heneral. At todo bantay ang tropang Ek ek sa pagbabantay sa mga Scout Rangers natin baka mapuga e masupresa uli sila na nasa EDSA na silang lahat like Makati PEN siege.

    Opppss may mga patriotic soldiers pa tayo at nag-aantay lang yan ng order from the Saviours of our country ang tropang Army sa Fort Magsaysay…diyan galing ang mga Patriotic soldiers natin at sa Camp Tecson.

    Yan ang binabantayan ng tropang Ek-ek baka mapuslitan sila uli.

  107. habib habib

    Balweg,

    Sana nga magising na ‘yang natitirang mga patriotic soldiers natin.

    ‘Kakainip na eh!

    Hirap na kame. Gapang na sa pagdarahop.

  108. TruBlue TruBlue

    Desertion in the US Military is after 30 days. On the other hand, you can be declared a deserter on day one, if you made such statement or intent of not returning to your command/unit.

    Biazon is a case in study for me, being a Marine General himself should be the voice-authority in Martir’s AWOL case. Think he’s losing it like Raul, both their brains are travelling downward to their asses.

  109. josé miguel josé miguel

    And Biazon had always claimed that He is a constitutionalist and praised Martir for having defended the constitution.

    Is this being constitutionalist?

    When they also defended the American marines as if they are part of the brotherhood of the US Marine Corp, this unit who are just continuing the invasion of the Philippines they started in 1899 which included their throwing away our Malolos Constitution and until now have not returned it for no valid reason, is this being constitutionalist?

  110. iwatcher2010 iwatcher2010

    kaibigang habib,

    lacson, honasan and biazon???? malaking panghihinayang talaga, puro naging ambisyoso ring maging presidente at si biazon naman playing safe palagi sali dito sali doon walang paninindigan…

    kung legislative achievements lang ang usapan ay mapapahiya sila sa bagitong senador na si sen. trillanes, mas may wenta ang mga panukalang batas at halos lahat of national importance kaso nga lang di umuusad dahil sa kalakaran ng senado kami-kami, kayo-kayo kaya hirap dapat makisama ka muna sa mga tinaguriang “old-time senators” para ma joint sponsor mga legislative bills ng magiting na sen. trillanes.

    malaking hinayang talaga sa tatlong itlog na ito, hindi naisulong ang implementation ng afp modernization bill at walang konkretong legislative measures upang umayos ang antas ng mga kawani ng pamahalaan lalo na mga guro, sundalo at health workers. sa kanilang matagal na pagkakaupo sa senado, walang naisulong na pangmatagalang plano para sa kapayapaan sa mindanao at rebel groups, hindi man lamang nanguna sa peace process at anumang programa na may kinalaman sa kasundaluhan at hukbong sandatahan ng pilipinas,syang ang pera ni juan dela cruz at higit na nasayang ang tiwala at pag-asa ni juan dela cruz…tatlong itlog – lacson, honasan at biazon.

  111. Enciong Enciong

    Pero mas may tiwala akong mahahabol si GMA and ger cohorts pag naging presidente si Lacson kaysa kay Escudero. Si Escudero, mukhang sa pula, sa puti din, eh.

  112. iwatcher2010 iwatcher2010

    kaibigang enciong…lacson ba kamo???? may sariling mundo rin ang taong ‘to…puputak at gagawa ng ingay na akala mo bomba magugulo ang malacanang mafia tapos hayun dahan-dahan nawawala ang mainit na isyu…sabi nga kulang sa follow-up.

    during 2004 election, ang laki ng pinsala ni lacson kung nakipag-isa na lang siya sa kampo ni fpj eh di sana wala tayo sa ellenville na bumabatikos sa kalokohan ni gloria.

    so kahit na tumakbo si lacson muli sa pagkapangulo..mahihirapan siya makuha ang tiwala ng masang pilipino, loyalty at kredibilidad din ang usapin sa pagkatao ng senador na ‘to.

    kung pumayag sana siya sa naging usapan eh di dapat bise-presidente na siya at ngayon puedeng-puede na siyang maging presidente…kaso nga eh ganun, sila lang nakakaalam kung bakit nga ba humiwalay pa siya at tuloy mas madaling nakapandaya ang gloria etal, sayang din ang 3m na boto niya naidagdag sana at pihadong mahihirapan silang mandaya…siguro sasabihin ni garci ‘mam masyadong malaki ang 3M votes na idadagdag natin sa boto ninyo, pati mga patay at ipapanganak pa lamang pabobotohin na ba natin?”

    si escudero, puro rhetoric at palabok sa pananalita kulang sa gawa at aksiyon…kaya nungca ihalintulad kay us pres. obama, magaling magsalita at may kaagarang aksiyon at may sapat na talino at kakayahan.

    wala na bang iba????

    noli-alyas pogi tandem o noli-mega kiko siguro, panggulo lang si gibo, si bayani at si gordon.

    sa oposisyon…pare-parehong hindi mapagkakatiwalaan.

    sa third force baka puede pa, ang problema makinarya at suporta…kaya napakahalaga ng 2010 election, kinabukasan ng ating mga anak at susunod na salinlahi ang nakataya.

  113. Enciong Enciong

    iwatcher2010, noted. Thanks.

    Though wala din akong tiwala kay Noli. Magnanakaw din yan. Ala Mercado yan. Kunwari matino pero pag tiningnan mo lahat ng ginagawa, may magic din pala. Magsisisi mga tao pag binoto nila yan. Mark my word.

    Si Legarda, if there is one word to describe her, it is “User”. Gagamitin lang tayo niyan. May sarili ding mundo iyan.

    Pero between Noli and Legarda, kay Noli na lang ako. Kasi mas bobo yan kesa kay Legarda. Mas madaling mahuhuli sa katiwalian. Tingnan mo si Tabako, maraming anomalya. Pero mabango pa rin. Wais kasi, eh. Delikado tayo kay Legarda.

    Wala talagang fit para sa mga gustong makisawsaw sa Preidency.

    Mabuti na lang nag-self destruct itong si Fernando. At least, hindi na natin siya aalalahanin. Yan ang pinaka-diktador pag napaupo yan. Idol kasi niya yung istatwa sa dulo ng Bayan-bayanan Avenue sa Marikina, eh. Tingnan ninyo yung pinatayo niyang istatwa dun when he was still Mayor of Marikina. Then you’ll understand why ganyan ang leadership/management style niya.

    Villar at Roxas?! Ngayon pa lang na nangangampanya na kahit hindi pa panahon para diyan, kita mo na ang character ng mga ito. Dadaya hangga’t makakadaya. Puro abusado! Pera nila ang ginagamit nila for this early campaigning?! Tell that to John Rat!

    Itong si Erap, imbes na makatulong, lalong bibigyan ng chance ang administration na manalo pag tumakbo siya. Ang saya-saya siguro nina Bansot na Nunal ngayon. Pupusta ako the administration will put up a show countering this Erap move kuno. Para mas ganadong lumaban si Erap. Alam mo naman yan, style siga. Mas labanan mo, mas papalag. Hindi niya alam, ginagamit din siya ng administrasyon. Mahina sa chess.

    As you asked, kaibigang iwatcher2010… Wala na nga bang iba?????

    Kawawang Pilipinas. Mukhang wala tayong aasahang maganda sa 2010 matuloy man ito…

  114. So what’s your option and alternative? If there are many candidates, don’t you think better pick Erap who has a better chance of winning?

  115. Bitchevil, the wise and respectable person votes a candidate who he thinks will lead the country to sustainable progress and not just because a he thinks the candidate has better chance of winning.

    Estrada has had his chance for the presidency, he bungled it. he has not learned from his mistakes.

    Who says Estrada has the best chance of winning? I don’t believe it.

    If he wants to vindicate himself, he should use whatever remaining political clout he has to help a candidate who can best serve the country. I am against Estrada running for president again. It will be a big help for Gloria Arroyo.

  116. One of these days, I will write about Estrada. You may reserve your views for that. Meanwhile, the topic for this thread is AWOL of Martir and Gadian.

Comments are closed.