Skip to content

Takbo,Manny,takbo

pacquiao
Marami ang nagsasabi kay Manny Pacquaio na huwag pumasok sa pulitika. Sa akin naman, sige, Manny, tumakbo ka.

Sa ating sistema ngayon, para magiging kandidato kahit anong posisyon sa pamahalaan, kailangan lang naman ikaw ay Filipino citizen, registered voter, marunong magbasa at sumulat. Lahat naman yan qualified si Manny.

May political party na si Pacquaio ngunit sabi ng Comelec , local lang ang accreditation.Ang balita, sa Saranggani tatakbo si Pacquiao para congressman. Walang problema yan dahil ang age requirement para sa pagiging congressman at 25 taong gulang.

Sa senator, 35 taong gulang ang requirement at sa pagka-president naman at 40 taong gulang.

Sinasabi ko ang pagka senador at pagka-president kasi sinasabi ng Time Magazine na malaki daw ang posibilidad na magiging presidente ng Pilipinas si Pacquaio.

Malalaman yan sa 2019. Ano na si Pacquiao sa panahon na yun? Sigurado boxing legend pa rin siya dahil ang narating naman niya ay hindi na yun mawawala. Ngunit magba-boxing pa ba siya hanggang sa panahon na yun? Malamang hindi na dahil siyempre iba na ang katawan niya nun.

Sinasabi ng mga sports reporters na mga dalawang fights pa raw ang nasa plano ni Pacquiao bago mag-retire. Kaya siguro hanggang susunod na taon na lang siya magiging aktibo sa boxing.

Kung hindi na siya aktibo sa boxing, kasing popular pa ba siya kaysa ngayon? Depende yan kung paano niya gamitin ang kanyang popularidad at kayamanan.

Kaya gusto ko tumakbo si Pacquiao para magkaroon ng re-distribution of wealth. Grabe ang yaman ni Pacquiao. Bilyun-bilyun ang pera. Sa eleksyon, makabahagi lang naman kahit kaunti ang maraming mahihirap sa Saranggani, okay na yan.

Ang balita, ang budget raw ni Pacquaio sa 2010 eleksyon ay P350 milyon. Sa ganyang kalaking pera, kayang-kaya na ni Pacquiao bilhin ang lahat na botante sa Saranggani.

Baka natuto na siya sa nangyari sa kanya noong 2007 eleksyon kung paano gamitin ang kanyang milyones. Noong 2007 kasi, na-knockout siya ni Darlene Antonino-Custodio kahit na binaha niya ng pera ang Gensan dahil kinuha lang mga mga tao ang pera niya at si Custodio ang binoto.

Kung mananalo siya ngayon, di mabuti. Siguro putaktihin yan ng maraming manghihingi ng pera sa House of Representatives.

Kaya lang ito ang nababahala ako. Kung gusto talaga ni Pacquiao makatulong sa mga mahihirap, bakit gusto pa niya pumasok sa pulitika? Sa yaman niya kayang-kaya niya magpatayo ng mga kumpanya na maaring tumulong sa mga mahihirap.

Ang ikinababahala ko ay, ang klase ng pulitika na alam ni Pacquiao ay ang nakikita niya sa mga malapit na kaibigan niya na sina Lito Atienza, environment secretary at Chavit Singson, gubernador ng Ilocos Sur.

Wise si Pacquaio. Kung gusto niya itulong ang kanyang P350 milyon ay pwedeng niyang ipamigay yan sa mahihirap. Sa pagtakbo niya sa eleksyon, yan ay magiging puhunan. Kanino niya babawiin yan?

Published inGeneral

77 Comments

  1. bitchevil bitchevil

    Comes 2010, the ones that would benefit again from Pacman’s running for public office are the people around him. Even in LA, it took the Police to discover his long trusted friend and driver to discover the guy withdrawing all of Manny’s bank account. Stupid, uneducated, rags to riches, inability to handle finances…these are all his weaknesses. There are reports that Lito Atienza and Chavit Singson are now Pacman’s big time business partners. One day, Manny would end up the loser and owning nothing.

  2. Re: “Kanino niya babawiin yan?”

    Good question well put!

    Pacquiao won’t be wanting for mentors…

    For starters, he has Pidal-Arroyo, then he’s got self-confessed criminal Chavit Singson, and of course, he’s got Atienza, not to include and a host of other corruption experts who can advise him and instruct him him how to recover his puhunan (and topped by huge profits to boot.)

  3. Sige Pacman,basta’t “Payt ka lang ng Payt”.

  4. £350M investment in his own election?

    And he gets knocked out again by Lu Antonino’s daughter… Ouch!

  5. For starters, he has Pidal-Arroyo, then he’s got self-confessed criminal Chavit Singson, and of course, he’s got Atienza, not to include and a host of other corruption experts who can advise him and instruct him him how to recover his puhunan (and topped by huge profits to boot.)

    You said it, Anna. I googled an adviser and friend of Pacquiao whom I met when I interpreted for him. Golly, the guy turned out to be a big-time gangster in Cebu, one who is untouchable because he is a patron of some police and military officers there.

    In short, he’s actually surrounded by a lot many kurakots!!!

  6. Mike Mike

    Takbo Pacquiao, takbo. Madapa ka sana (ulit) para matauhan ka na. Sayang lang ang galing mo sa ring. Pambansang kamao ka pa naman, mapupunta lang sa wala. Pagnatalo ka ulit sa election, ito lang ang masasabi ko saiyo…

  7. Mike Mike

    ito lang ang masasabi ko saiyo…

    NOW YOU KNOW!

  8. Pareng Joeseg,

    Donya Dionisia! Hehehehe.

    My warmest sympathy goes out to the Pacman families and friends. Donya Dionisia Pacquiao, mother of Manny Pacquiao, is Malacañang’s “poster girl” for this year’s celebration of Mother’s Day. Although the plastic surgeon at Beverly Hills spent thousand hours and million of dollars to reconstruct her not so good looking face, Pokwang must be Happy! She still has a big chance.

    Hihina ang Tures industry sa atin dahil kay Donya Dionisia,akala ng mga porindyir lahat ng Pinay ay kamukha ng Donya.

  9. ron ron

    For sure me nag -udyok and nag sulsol dyan kay manny..tsaka kung gusto nya talagang tumulong he can put up a charity or foundation naman..mag brgy captain/kagawad muna sya.. sino ba ang magpapatakobo if mananalo sya? hay naku gagamitin lang sya ni Gloria!!!! at nagpapagamit naman sya..hay sana suntukin ka ni Hatton ng matauhan ka.

  10. parasabayan parasabayan

    Pacman can dream too. Can’t he? I just want him to be a BOXING KING. If he will be in politics, he is the “FRONT” man of sabit swingson, the pidal, atienza and all the gambling lord inc of the country.

    My advice to him is to go back to school (management, public administration or anything that will give him knowledge of running a government) and hire a speech therapist so he can tame his toungue. Lacking these, from a BOXING KING, he will become a JOKE KING!

  11. parasabayan parasabayan

    His fists, no matter how strong they are, can not knock out the problems of his locality. He will just be used for his MONEY and his POPULARITY. WAKE UP PACMAN!

    I like the idea of just putting up livelihood businesses in both his towns (Jinkee’s and his). He will be more loved. Mas makakatulong pa siya talaga ng tunay na tunay. Kikita pa siya at mabibiyayaan din ang mga kababayan niya.

  12. Diego K. Guerrero Diego K. Guerrero

    Re: There are reports that Lito Atienza and Chavit Singson are now Pacman’s big time business partners.

    Baka sa illegal logging at jueteng sila mag-business partners. May bagong posisyon si Puckyaw sa DoJ. Intelligence agent 0010. Puede niyang silipin ang racket ni Chavit at Atienza. Sige Manny ubusin mo ang bilyones mo sa pulitika. Takbo takbo!

  13. Rose Rose

    Baka nakalimutan na niya ang Tagalog kaya Run Money Run!
    Yong sinabi sa Time Magazine..ang palagay ba nila ay mananalo si Pacquiao for President? Akala pa nila sa nga Pilipina ay tanga? Nakaka asar!

  14. Rose Rose

    Run Money Run!..Baka ma chabit ka..Run Money Run!

  15. Takbo, Manny, takbo, habang nasa kasikatan at tumatabo ng kadatungan at kakampi mo sina glorya.

    Kung pwede nga, patakbuhin din si Jinkee as Mayor or Governor, si Aling Dionisia este Donya Dionisia, kahit konsehal ng isang bayan, tiyak lulusot. Baka pwede rin mag Mayor, malay natin. Yong erpat ni Manny, patakbuhin na rin. Ganyan talaga kung iniispatan ni Manny mag prisidinti balang araw, ngayon pa lamang, larga na.

  16. Anna, Pacquiao has, in effect, surrendered to GenSan to the Antoninos. He has registered in nearby Saranggani where his chances are much better.

    There’s a good chance he will make it this time.

  17. parasabayan parasabayan

    Huwag lang sana siyang pagagamit sa mga mapagsamantalang mga tao. Manny has a good heart and he can easily be fooled by con artists. He is surrounded by many. Di na ba siya nadala noong nakaraang halalan? Ibabalik daw sa kanya yung ginastos niya sa elections but he was never given back any money. Sabagay may pera naman siya kaya ok lang. Baka kapag talunan na siya sa boxing eh said na rin ang bangko niya. If I were him, mag-business na lang siya para sa mga ka-probinsiya niya. Panalo pa siya dahil may kikitain siya at makakapagbigay pa siya ng maraming traho sa mga tao. Now this is a better public service!

  18. PSB: Manny has a good heart and he can easily be fooled by con artists. He is surrounded by many.
    *****

    Tama ka. Iyong pasabit-sabit nga kay Pacquiao na taga Cebu, balita ko pinuno ng isang matinik na sindikato doon. Iyong hapon na pasabit-sabit din sa kaniya, alam ko pinuno ng isang yakuza group sa Tokyo.

    Tama si Tongue, tama na ang padasal-dasal niya. Pag binilang ang mga anak niya sa labas, pihado ko di naman siya makakapasok sa langit kahit anong suhol pa ang gawin niya doon sa bantay doon.

    Kaya lang naman siya mabango sa mga dugong aso, et al, madatong siya ngayon. Golly, ipinagmalaki nga niya iyong 20M dollars na panalo niya sa huling laban niya! Iyong nanay at asawa niya, di na siguro nakakatulog sa pagbibilang ng pera nila plus iyong mga endorsements pa at advertisement fees ng SMC, etc.

    Kung ako kay Pacquiao, magpareretoke ako ng mukha. Kahit anong angulo tignan, walang itinago. Kung sabagay, iyong mukha niya reflection ng tunay na pagkatao niya!!! 😛

  19. Rose,

    Buti na lang na-miss ko iyong comment ng Time Magazine re Pacquiao. Tama ka, iyan ang insulto di primera sa talino ng mga pilipino, ang sabihin na malaki ang prospect ni Pacquiao ngayong meron na siyang more than 20M dollars. Parang sinabi ng Time Magazine na mukhang pera ang mga pilipino!!!

    Ngitngit!!! :@

  20. parasabayan parasabayan

    I am very happy for the man for his fame and fortune. But from the outside looking in, if Manny does not know how to use the blessings he has for his own good, lahat yan eh maglalaho din.

  21. juan juan

    kaya pala di matalo talo si pacman sa boxing, pinag iipunan nya para may gastusin sa election. di naman pala para sa mga pilipino laban nia, para sa election hehehe

  22. Kung gustong tumulong ni Pakman sa mga Pilipino,bakit Congressman lang.Ano ang ipapasa niyang batas? Babaguhin niya ang mga pangalan ng mga kalye,avenida at blvd.Magpapasa siya ng batas na pambansang sports ang boksing at sabong.

    Marami na nga tayong mga payaso,tuso,komikero at albularyo sa Congress at mayroon sa Senate bakit dadagdag pa siya.Sige na nga “Payt na kung Payt”.

    Pero kung talgang seryuso siyang tumulong sa ikauunlad ng bayan–Boksing ang kailangan–Maging Presidint na siya para pagboboksingin na niya ang mga payaso,komikero,majikero,babaero sa Tongress at Senate para siya na lang mag-isa.Iyun tiyak makakatulong siya talaga sa mga Kababayan natin ng tig-iisang salop na bigas at isang latang ligo sardines.E- tayms tayms na niya sa 100 milyon na katao di nabusog pa sila.

  23. Wise si Pacquaio. Kung gusto niya itulong ang kanyang P350 milyon ay pwedeng niyang ipamigay yan sa mahihirap. Sa pagtakbo niya sa eleksyon, yan ay magiging puhunan. Kanino niya babawiin yan?

    It would be wise for Pacquiao to have his own foundation to build schools or university for example. Or he can create a sports center or a gym to promote sports among the youth of this country. The 350,000 million could build him 15 schools across the country and probably 10 sport’s center at least at standard quality.

  24. juan juan

    maraming nagsusulsol kaya ganyan. buti kung pakinggan tau niyan or pakinggan nya mga taga sarangani na wag na sya tumakbo….

  25. syria syria

    Hindi kinakailangan ni Manny ang gumastos ng P350M para manalo. Kung si Gov. Panlilio nanalo na P1K lang ginastos, ano pa kaya kay Manny.

  26. parasabayan parasabayan

    I heard that Syria from the 2010 election forum that Among
    Ed only spent $ 1000 and everything else was paid and done by the voters who wanted change. May this be an example for those who have a passion for public service and are fit to serve the people but simply can’t come up with campaign money.

    The 350 million eh kasama na yung anak ni GOONzales, yung anak ni Atienza at baka meron ding tag along si sabit swingson na maghahangad tumakbo. Hindi si sabit mismo kundi yung alipores niya. Si sabit, kahit na siguro paulanan niya ng pera ang mga tao, buking na buking na siya sa mga illegal businesses niya.

  27. buhaydiboksing buhaydiboksing

    Hindi pa tapos ang buhay. Kaya pagkatapos ng boxing, maaring lumaho ang legacy ni Pacquiao bilang mahusay na boksingero at mas makilala syang marumi at kurakot na politiko kagaya ng mga advisers nyang si Lito Atienza at Chavit Singson. At the end of these all, malamang manaig ang masamang imahe ni Pacquiao bilang politiko kaysa mahusay na boksingero.

    Sana matauhan si Pacquiao ngayon pa lamang bilang isang nilalang,gaya ng pagbangon nya mula sa matinding knockdown bilang boksingero.

  28. Al Al

    Manny, matalino ka. Hindi ka naman nakarating sa kinaroroonan mo ngayon kung hindi ka matalino. Gamitin mo yan sa kabutihan ng mga mahihirap mong kababayan.

    Unang-una sabihan mo ang mga linta mong kaibigan na tigilan na ang kakasipsip ng dugo ng taumbayan.

    Huwag ka papagamit sa moneylaundering ng mga buwaya sa Malacañang.

    Tingnan mo si Bill Gates. Ang kanyang mga foundation at tumutulong sa ikakabuti ng mundo. Wala naman siya sa pulitika.

  29. vonjovi1 vonjovi1

    Matalino si Manny pag dating sa larangan ng boksing pero sa pag pasok sa politika ay ewan ko lang kung ano ang magagawa niya. Maaga pa para husgahan si Manny, ang kailangan lang ay dalangin na di siya magagaya sa mga nasa paligid niya. Lalo na sina Sabit singsong at Lito Atienza. Mga mag nanakaw ang mga iyan. Ang mahirap dito ay papasok siya sa politika at gagastos ng malaking pera. kawawa ang bayan kung ang lahat ng ginastos ni Manny ay bawain sa mga kalokohan. Nasatabi niya si Singson na numerong kurakot king.

    Sana gamitin ni Manny ang talino niya di lang sa larangan ng pag Bo boksing.

  30. Tilamsik Tilamsik

    Ang trabaho ng isang congressman ay gumawa ng batas, kaya kayang gumawa ng batas ni Manny? Anong klaseng batas kaya ang kanyang gagawin?

    O mabibilang lang siya sa mga congressman na nakaupo all sesion through at taas baba ng kamay? Iyan ang nakakatakot!

  31. Hindi naman kailangang pumasok ng pulitika para makatulong sa mga kababayan niya kung talagang gusto ni Pacquiao na tumulong. Puro kaplastikan naman ang iniisip ng taong iyan. Di niya gayahin ang ginawa ni Elorde halimbawa para iangat ang kalagayan ng mga mahihirap na gustung guminhawa sa pamamagitan ng boxing. Nagtayo siya ng sarili niyang gym sa tulong at advice na rin noong biyenan ni Elorde at marami silang na-train na mga aspiring boxers.

    At saka never na nakita kong sumayaw, etc. ang nanay ni Elorde sa TV o maging asawa niya di gaya ng nanay ni Pacquiao na parang si Pacquiao na binabae! 😛

    At saka isa pa, si Elorde pag tumulong sa kapwa niya mga pilipino, walang publicity. Tahimik lang silang gumagawa ng dapat nilang gawin. Never heard ko rin na pinangalanan niya ang kaniyang mga anak ng kingie, queenie, o kahit na chiefie dahil wala naman siyang tupak sa ulong mag-ambisyoon na maging royalty di naman bagay kahit na tawagin noon si Elorde na king of boxing. Tindi naman ng sira sa ulo ng mga iyan!

  32. vonjovi1 vonjovi1

    Mahirap sa atin kapag sumikat ay ang gagagwin agad ay pumasok sa politika. Matutulad siya kay Sirator litong lapid na kailangan ay mag mag translate ng english to tagalog. isa na naman politician na mag bubutas ng upuan.
    pero maaga pa nga para husgahan natin siya diba. Kaso nakaka takot lang naman 🙁

  33. vonjovi1 vonjovi1

    Hintayin natin ang pag pasok ni manny sa politika.
    Ika nga sa interview niya ng manalo siya ay I have a sikret daw. he,he

  34. selcab selcab

    manny, sa boksing ka na lang muna. mag aral ka ng publ;ic administration o management, magbayad ka ng tutor, wag sina lito atienza at chavit ang kukunin mong tutor kasi makucorrupt ka lang. kung ako sa u, mag enrol muna ako sa harvard o sa mga matataas ang standard na universities dito sa amerika o sa england, magsama sya ng isang mahusay at straight na tutor/adviser saka sya pumasok sa pulitika. improve yourself academically muna, manny, at dun ka lalong hahangaan ng pilipinas… at ng buong mundo.

  35. habib habib

    “…..Huwag lang sana siyang pagagamit sa mga mapagsamantalang mga tao…..” – parasabayan

    Teka, my pren. Matanong ko lang, hane?

    Ano ba ang tawag at pagkakakilala mo kina Swab-it Swings-on, Lito Atienza, Mikey Kabayo, Gloria Arrovo en her swine love the PIG, Ka bayag niNoli de Kuwatro at itong huli ay si Sickretary of Injustice Siraulong Gonzales?

    If these people of the enchanted world cannot be called users, even Webster will never be able the exact words fitting decsribing them.

    Pero ako, alam ko kung ano sila. Sikrit.

  36. habib habib

    “……even Webster will never be able TO DEFINE the exact words fitting DESCRIBING them.

  37. habib habib

    Manny,

    Isang tanong lang na maaaring makapagpalinaw ng iyong ginugulong isipan:

    Noong ikaw ba ay nagsisimula sa boksing, noong ikaw ay makalasap ng una mong pagkatalo, MERON bang gloria arrovo na naggawad sa iyo ng “Talunang Kamao”? Hindi ba’t sarili mo lamang motibasyon, kasama na ang taimtim mong pananalig sa Diyos ang nag-akyat sa iyo sa kasikatan sa tulong ng mga taong hindi nagsawa sa pagsuporta sa iyo sa paniniwalang papaimbulog at aalagwa ang pangalang Manny Pacquiao sa larangan ng boksing?

    Nitong sunod sunod na panalo mo, pumutok ang galing mo sa lahat ng sulok ng mundo ng boxing, hindi mo ba naiisip na ang kasikatan mo ay sinasakyan lamang at ginagamit ni gloria upang mapagtakapan ang ginagawa niyang pagwasak sa ating sambayanan? Sa tuwing laban mo ay nagkakatipon ang mga tao at iisa ang inaasam, ang ikaw manalo sapagkat ang isang araw na ‘yun ay napakahalaga sa amin dahil sinismbulo mo ang masang Pilipino.

    Ang ayaw lamang namin sa iyo ay pilit mong isinisiksik ang sarili mo sa mga taong mahilig manggamit. Alam mo kung sino sino sila.

    Gising, Bro.

    Unified GUARDIANS Brotherhood International
    Kingdom of Saudi Arabia

  38. Bakit gustung-gusto ng mga unggoy sa Pilipinas na pumasok sa politika? Sirit? Kasi iyong ang pinakamadaling paraan na yumaman at maghari-harian. Sawsaw ang buong katawan sa kaban tapos libre ang mag-landgrab.

    Sabi ni Manny gusto daw niyang magsilbi para sa bayan? Di ako naniniwala diyan. Inuudyukan lang siya noong mga baboy at kriminal na mga kabarkada niya that’s what. At ni hindi para talagang itaguyod ang kandidatura niya kundi para gawin siyang palabigasan ng mga gustong bumalato sa panalo niya.

    Ngayon kung talagang matalino iyan, hindi iyan magpapauto sa mga mandurugas na umaaligid sa kaniya!!! Pero what can you expect sa isang trying hard lang naman talaga? Kundi pa nga naging boksingero, di naman mapapansin. Kapareho niya iyong mga manok na pangsabong na ipinapaalaga sa kaniya ng mga baboy at pating na nang-uuto sa kaniya.

    Kawawang nilalang!

  39. PSB:

    Tama ka. Malapit nang malaos si Pacquiao. Magaling lang talaga iyong nagbabalot ng kamay niya bago makipagsuntukan. Parang bato ang gazang pambalot sa totoo lang. Tutumba talaga ang kalaban. Pikit mata na lang siguro iyong nagtse-check ng mga kamay niya bago balutan ng gloves dahil siya ang tinatayaan ng majority.

    Hindi ko hihintayin ang pagsu-suicide niya sa politika. Hihintayin ko ang pagbagsak niya sa ring. Tignan ko kung mamahalin pa siya ng mga mandurugas na nakapaligid sa kaniya.

    Ngayon pa ba, sasabihin ko na, “kawawang nilalang!”

  40. TruBlue TruBlue

    The Pakyaw is adored by millions, and rightly so. He has avoided most lethal punches from his opponents thus far. In UFC fights or MMA, one punch in the head and kiss the night goodbye. Pakyaw will soon meet his comeuppance one day if he doesn’t quit while ahead.

    Coach Roach has all the symptoms of what Muhammad Ali is shouldering, luckily he has the money (courtesy of Pakyaw’s wins) to pay for his ongoing healthcare bills.

    Pakyaw sees Lapid, Revilla, Jinggoy, De Cashtro, and hey, if they can make – why not me? It’s a culture nowadays.

  41. norpil norpil

    sa kanya dapat sinabi ni golez na everybody is free to dream. una una hindi naman katakataka na mag politician siya dahil lahat yata ng mga taong ka kontakt niya ay mga politiko. problema ay hindi niya in analyse kung bakit nangaka paligid sa kanya ang mga ito.

  42. Liwayway-Gawgaw Liwayway-Gawgaw

    Although ganyang madaling mapaikot ang ulo ni Manny Pacquiao sa pag-aakalang tunay ang pakikisama’t pagkilalang iginagawad sa kanya ng mga kawatan sa maalakanyang ay di hamak na mas marangal siya kaysa mga taong galing sa nakaw ang yaman lalo’t higit sa mga nambibintang ng wala namang batayan.

    Unggoy sa Pilipinas? Ano naman kaya sa Japan?

    Tsonggong puyat?

  43. Politics is not the way for Pacquiao. Kung siya ba naman ay marunong makuntento, dapat hindi na niya suungin ang politics. Buhayin na lang niya ng matiwasay ang kanyang pamilya at tumulong sa mga tao bilang isang private citizen.

    Ang dami nyang pera – pero I did not hear anything na itinulong niya sa iba pang mga atleta na nagpapakahirap magtraining kahit kapos sa budget at training facilities. E anong ginagawa nya? 10 million cock derby para daw pangtulong sa mahihirap??? E ano naman ang value ng cock derby na yun? Turuan ba ang mga tao na umasa na lang sa swerte ng sugal at maging sugalero din? Yan ba ang role model daw???

    Politics and boxing are like oil and water. Wag na lang siya tumakbo to spare his already teetering reputation.

  44. Luga Luga

    “Hihintayin ko ang pagbagsak niya sa ring. ” Kung sino man ang nagsabi nito ay mukhang mali yata. Hayaan na lang natin siya. Pinagsikapan niya lahat bago marating ang kanyang posisyon ngayon. Nakikisawsaw lang tayo sa na-abot niyang success.
    Ipagdasal na lang natin na huwag siyang sumali pa sa magulong daigdig ng politika. Sana’y siya ay matauhan. Nakikita naman natin na ngayon ay napapaligiran ng mga buwayang hayok sa kuwalta pero hindi rin natin masisisi dahil ang boksing ay sugal din yan.

  45. dada dada

    I hope Manny is in his right mind..what is he thinking? politics is not like boxing…

    Gusto nya tumulong gamit ang pork barrel? i hope mali ako kc kung gugustuhin nya pwede cya tumulong kahit wala cya sa congress,am I right? sa daming pera nya a lillte percentage of it wont hurt him pwera na lang kung may iba pa cyang balak or should I say may balak ang mga sulsol…

  46. chi chi

    Ako, hayaan ko lang na sumabak sa pulitika si Mani Pakyaw, that’s his problem. Mas OK nga sana kung pwede na s’yang prisidinti at iindorso ng kanyang bff na Gloria. Diyan natin masusubok kung talagang wala ng kapayapag-asa ang pinoy….madadali ang karma ni Juan at Juana to perdition.

    Although I haven’t watched nor seen him boxed (ayaw ko ng me tinatamaan), I continue to wish him well in that field which is his today. Politics is another game.

    Kung magsabog s’ya ng pera sa mga hirap na kababayan, ayos lang, kung hindi kanya ring desisyon yun. Best friends sila ni Gloria, Mike, Sabit at Lito, Ok ngarud sa akin…matatapos rin ang kanyang halusinasyon na best friend din siya ng mga hinayupaks kapag laos na ang kanyang kamao.

  47. Rose Rose

    “ang trabajo ng congressman ay gumawa ng batas”…bakit may ma nga congressmen sa administration ni Gloria “ang alam ay gumawa ng “butas”? “butas ang pork barrel” kaya walang pera para sa mga taumbayan…butas ang treasury, kaya walang pera sa mga taumbayan..etc. endless butas na batas..but soon there will be congressmen who will put a plug at wala ng butas…

  48. Rose Rose

    grizzy: my sister in law who is from Paranaque told me that marami daw na tulungan si Flash Elorde..at simple lang walang ‘angin ang hutal’ but it seems Money Fackiaw is of a different breed..kaya pala maraming bagyo ang dumarating sa Filipinas..malakas pa at maraming nasasawi..kung hindi seguro siya pachabitchabit marami siyang matutulungan..sana hindi siya ma lito lito..sad!

  49. Luga Luga

    Alalahanin natin na ang yaman ni Manny ay pinaghirapan niya. Hindi gaya ng iba diyan na kinurakot lang at kahit bistado na … nakataas noo pa. Nature na siguro natin na mainggitin. Huwag na natin pagaksayahan pa ng panahon si Manny. Igalang na lang natin kung ano ang pagpasyahan niya. Hindi niya ma-abot ang narating niya kung hindi niya pinaisipan yan … matanda na siya. Pray na lang na huwag na lang sana niyang dungisan pa ang pangalan niya.
    Sa mga Arroyo & Co. na mga kurakot na lang ang pagpapansinin natin.

  50. Luga Luga

    Maiba lang ako: etong si Teodoro na anak ng tatay niya …. dapat mag-resign siya sa puwesto niyang Defense Sexytari ng Armed Forces ng mga Pidal kung balak siyang tumakbo sa Pagkapangulo para kung manalo ay isa-salba ang kanyang Reyna na mandurugas. Ipinagmamalaki pa niya yung mga ginawa ng kanyang Reyna. Hindi kaya kinikilabutan siya? Eto ang sinasabi ko na Bar Topnotcher na nagpa-alila sa isang Pekeng Pangulo. Ginamit ba niya ang galing niya? Mga kababayan ko wag natin itong iboto.

  51. jojovelas2005 jojovelas2005

    Kung minsan kasi di mo rin siya masisising tumakbo bilang congressman…eh kasi naman yun iba doon sa congress asawa ng dating congressman, anak ng dating congressman, artista,
    businessman…so siguro yun ang pagkaintindi niya. SIguro sa sarili niya mas matino siya at makakatulong talaga.
    Pero sana Mayor na lang itakbo niya sa tingin ko mas bagay sa kanya kahit paano may bise ka na puwedeng mag take over sa iyo kung wala ka sa bansa at decision making lang talaga…sa congress kasi wala naman puwedeng mag take over lalo na kung lalaban pa din siya ng boxing eh halos 3 months kang mawawala at masisira lang siya diyan.
    Sa akin kasi ngayon mahalaga yun intention sa tao at hindi corrupt.
    So for me, takbo Manny as Mayor.

  52. chi chi

    And Luga, don’t forget that Teodoro is a shame to Harvardians!

    My dad says, the younger Teodoro is the opposite of his dignified father who was once an SSS chair. Sa kanya raw lumago ang SSS na ngayon ay kinukarot ni mareng Nerissa bigay kay Gloria at Mike!

  53. chi chi

    Sa akin kasi ngayon mahalaga yun intention sa tao at hindi corrupt. -jojovelas

    Not for long if Pakyaw’s bffs (habang nakikinabang sa kanyang kasikatan) are all super koraps! Mani’s kamao maybe made of titanium but not his better disposition in terms of associations.

    I agree and believe, Pakyaw would make a good mayor.

  54. Luga Luga

    Chi,
    Ibig mong sabihin nag-aral din sa Harvard etong si Teodoro? Hindi katakataka tignan mo si Miriam Defensor? Topnotcher din yata si Miriam ano? Oh my goli tatlo na silang topnotcher yong isa nagtatago sa SC. Walang hiya talaga itong mga taong ito oo .. topnotcher nga … naging puro YES Maam’ lang sila ni Glorya.

  55. Luga Luga

    Idolo ko yang si Pacquiao. Hindi yan in-appoint ni Glorya para marating niya ang kanyang kinaroroonan. Hindi siya nangurakot. Noong una hindi siya gaanong bihasa sa English at hindi rin yan tinuruan ni Glorya. Sariling sikap siya. Hindi gaya ng mga Tongressman ni Glorya na nanood sa kanyang laban, pumusta sila at ang ipinusta nila ay yong nakurakot nila sa ating Bayan. At kung sakaling natalo yang si Manny siyempre talo din yong pera nila … asahan natin pagbalik nila dodoblehin o tritriplehin pa nila ang pangungurakot makabawi lang sila. Si Manny … maiiwan na nagkakamot ng yag-bols.

  56. Ano’ng natutunan ni Manny sa mga kupal na politiko sa paligid niya?

    Mag-sabong, courtesy ni Chavit at yung mga Chiongbian ng Saranggani na parehong milyon kung pumusta kada manok.

    Mag-casino, pagkatapos nung laban niya kay Morales, nagpatalo ng $200,000 sa isang gabi.

    Mambabae, kagaya ni Chavit na may kaladkad na batambatang Australyana sa Mandalay. Tanungin ninyo kung sino nakatira sa condo na regalo ng Maynila sa kanya.

    Tapos sa TV padasal-dasal pa ha.

  57. chi chi

    Here’s the reason why Gloria uses Pakyaw to insult pinoy intelligence. “Pacquiao’s earnings $4-M shy of RP’s foreign investments in February…while Gloria’s fake gov’t “has been losing out in striking investment deals with foreigners”.

    Gloria needs Pakyaw’s recent winnings of $12M, nawawalan na kasi ng laman ang baul ng treasury.

  58. Laos na si Manny.

  59. parasabayan parasabayan

    Luga, ang pagkakaintindi ko, ang “intention to run” does not really mean tatakbo na. Most of these politicians have to study their chances. If the surveys are ok, then they should go ahead. If there are obstacles seen, pwede pa silang umatras. The point is, until they have officially filed their candidacy, they still can hold on to their jobs. Huwag lang nilang gamitin ang resources ng gobierno para sa pangangampanya. Foul yun dahil yung mga ibang wala sa pwesto, siyempre madedehado.

    Example na lang si Bayani Fernando. Where does he get all the money for his billboards etc. Yan tuloy Jinngoy brought up a million dollar check made to Bayani for the Fil Festival. Sobra daw malaki yun. I am not saying that Bayani uses his position to promote himself, but sometimes public officials do.

  60. vonjovi vonjovi

    Alam ng lahat kapag pumasok ka sa politika ay instant millioners ka agad within one year. Kaya marami ang pumapasok sa politika dahil sa ganyan patakaran sa batas natin na MAg NAKAW ka ay di ka makukulong. Baliktad tayo sa batas eh. Mag sumbong ka na may nag nanakaw ng pera ng bayan ay ikaw ang makukulong.

    Hintayin ninyo si Manny Pakyaw dahil magandang laban iyan sa Tongress. sa 2015 ay silang dalawa ni Lito Lapid ang tatakbong Presidinte and bisi Presidenti- – He,he.. Likes Martin Luther King ” I have a dream” kay Manny I have sikret …

  61. chi chi

    Ernesto Bagtas, 47, electrician, Pasay City — Payag ako diyan sa plano ni Pacman, kasi hindi ko naman siya idol eh, lahat nga ng laban niya doon ako pumupusta sa kalaban niya kahit ako matalo, kasi napupuna ko mukha na siyang pera, puro if the price is right ang laging bukambibig kapag tatanungin kung sino ang susunod niyang kalaban. Tiyak na lalabas ang kanyang tunay na kulay kapag nasa Kongreso na siya kasi doon niya makakasama ang mga tulad niyang mga mukhang pera, ha ha ha. -(I lifted this from http://www.abante.com, na-intriga kasi ako sa public comments).

  62. Noel Noel

    Many will say Manny Pacquiao may be over-qualified when compared to them. They are all under-qualified.

  63. Memo: To all ET bloggers

    From: Manny Pacquiao
    Special Ambassador for Peace & Understanding
    Concurrently, Special Assistant, DOJ
    Master Sergeant, AFP

    I read with chagrin your irreverent comments in this blog and I am definitely not amused not even my beloved President, Gloria Macapagal Arroyo, who is befuddled by the atrocity of your litanies in besmirching my reputation. It’s full of uncalled for innuendos not to mention the grammatical error compounding the misplaced syntax. Its incongruency however made me cringe in muted amusement that, perchance, you are just following my pugilistic success but many of you are unaware of my doctorate degree received from a Cebu University and for that matter, you here are still not within my caliber in so far as the clear elucidation of the matter at hand.

    I would like therefore to call incalculate in your mind that in promulgating your esoteric cogitations or articulating your superficial sentimentalities and amicable philosophical or psychological observations, beware of platitudinous ponderosity. Let your conversational communications possess a compacted conciseness, a clarified comprehensibility, a coalescent cogency and a concatenated consistency. Eschew obfuscation and all conglomeration of flatulent garrulity, jejune babblement and asinine affectations. Let your extemporaneous descants and unpremeditated expatiations have intelligibility and voracious vivacity without rodomontade or thrasonical bombast. Sedulously avoid all polysyllabic profundity, pompous prolificacy and vain vapid verbosity.

    If you are really interested to know, the above means: “Be brief and don’t use big words.”

    Now, you know.

    Sgd: Amb. Manny Pacquiao, Ph.D (honoris Causa)
    Malacanang Palace

  64. derriere osculator

  65. Adding more titles to his name, Filipino boxing champion Manny Pacquiao has become, not just an ambassador for peace and task force kalikasan chief, but also — hold your breath — an intelligence agent and special assistant to the Justice secretary, Raul Gonzalez, thus turning the Arroyo government into one big laughing stock, not only in the Philippines but in the world.

    …..Maybe Malacanang wants Pacman to gather information from crooks like Chavit Singson so that they can be prosecuted.

  66. chi chi

    Wendell, baka memoryahin ni Pakyaw yan at gawing spits sa kanyang pangangampanya.

  67. hawaiianguy hawaiianguy

    Tsk! tsk! tsk! Manny is not using his God-given brain to enter politics. While he is undoubtedly a boxing champ, his entering the political arena is more like digging his own grave, professionally.

    SAYANG!

  68. rubi rubi

    Korek ka jan, ernesto bagtas ng pasay. pati nga si chavit singson kay hatton pumusta, eh.

  69. LatigodeKabayo LatigodeKabayo

    Ibigay na natin kay Pacquiao kaligayahan niya. Pinaghirapan niya ang tinatamasa niyang pera, kaya karapatan niya kung paano niya yun gastusin. Alam naman natin na siya ang pinakamabango at pinaka epektibong opium ng gobyerno ni gloria sa mga Filipino ngayon. Dasal ko, huwag sana tayong magpaka lango dahil patuloy ang operasyon ng mga kontrabida para mapanatili ang hawak sa kapangyarihan… Nagtataka ako, bakit pumapayag tayo sa mga panloloko ng gobyernong ito???

  70. BALUGANGGALA BALUGANGGALA

    Si PACMAN tatakbo para Congressman? Electing Lito Lapid in the senate is the worst mistake the Pinoys made. Sabagay hindi naman mahirap magtaas ng kamay sa session o kaya manahimik pag di maarok mga pinag-uusapan sa senado. Sa mga taga Saranggani ang masasabi ko lang, MAG-ISIP naman kayo!!!!!!!!!!!!

  71. parasabayan parasabayan

    Rubi, sabit swingson always wins when he goes to Las Vegas. Marunong magsugal ang taong yan. Yan ang main source of income niya, according to a reliable source. Also, sabit is using pacman to expand his gambling business down south. Mayroon na ngang private plane daw yan eh!

  72. Liwayway-Gawgaw Liwayway-Gawgaw

    Napansin ko lang na merong pagkakamali regarding the appointment of Manny Pacquiao as Special Assistant on Intelligence matters.

    Dapat hindi ito announced in public (kung hindi ba naman TANGA si Raul Gunggongzales) kundi classified order (TOP SECRET). Gagawin mong espiya ang tao, eh mas malaki pa Pilipinas ang pangalan, eh di sunog kaagad?

    Nagsisipsip? Nang-uuto?

    Ano ba ‘yan?

  73. parasabayan parasabayan

    Balunganggala, dyan mo makikita ang kalidad ng mga botante sa Pilipinas. Nakukuha sa papogihan yata,eh. Kaya lang, hindi naman kaguwapohan si Lito Lapid.

    We have to mature electorally. With a super rotten government, expect the cheating operators to favor monied candidates like Pacman. Kaya nga maraming kakabit kay Pacman kasi malilibre na sila sa ads nila. Pacman does not have to advertize anymore which is a plus. Magbabayad na lang siya sa bawat botante and he wins. The question is, will he really be effective in Congress? Magiging joker lang siya. Paano niya maiintindihan ang mga bills? Magdadala siya palagi ng assistant? Mabuti sana kung tagalog ang salita ng mga tongressmen. Eh kung hindi niya maintindihan yung mga pinaguusapan, paano siya boboto? Ay ewan! There are things that needed to be decided on the floor in congress. Hindi na inuuwi yung mga materials. Paano siya magbabasa ng mga legal terms etc?

  74. Enciong Enciong

    Mukhang may planong tumakbo for Mayor sa Iloilo itong siRaulo kaya gusto niyang may utang na loob sa kanya si Pakyaw. Siyempre pa, ayos na ang fund campaign ni siRaulo sa eleksyon, courtesy of Pakyaw.
    May kasabihan… “Tell me who your friends are and I’ll tell you who you are.” Kilala naman natin lahat ng shady criminals and characters around Pakyaw. Need I say more?
    Kaya siguradong kawawa ang bayan pag nanalo si Pakyaw. Mababawi na yung gagastusin niya sa eleksyon, may tubo pa! Panibagong Corruption King as mentored by Singson et al!

Comments are closed.