Skip to content

Pagwawaldas ng pera sa Dubai

Kunwari sa mga press release ng Malacanang ay inaasikaso ni Arroyo ang paghihirap ng mamayang Pilipino sa gitna ng krisis pang-ekonomiya kung saan libo-libong OFW ang nawawalan ng trabaho.

Pero sa totoo lang patuloy ang pagwaldas ng pera ng taumbayan sa sariling luho kasama na ng kanyang mga alagad.

Sumulat sa aking blog si Ares Gutierrez, isang Pilipinong manunulat na nagtatrabaho sa XPRESS sa Dubai, tungkol sa bisita ni Arroyo. Sabi ni Ares, inis na inis raw siya nang pinakilala ni Arroyo ang sangkaterba niyang kasama.

Sabi ni Ares, “Parang naubos ang mga top politicians ng ARMM (Autonomous Region for Muslim Mindanao). Mga sampu o sobra pa na opisyal ang galing ARMM. Nandun ang mga Ampatuans na who were with her purportedly to witness the signing of a proclamation declaring Eid Al Adha as a national holiday.”

“Marami pa, “ sabi ni Ares. “There’s Martin Romualdez of Leyte who was seated in front and looked clueless. Ang sarap tanungin kung bakit di nila pinapasuweldo mga employees ng Journal. A few days ago one of my former colleagues at the Journal told me that they were only given P1,500 to cover their salary for Mar 1-15!”

Ang iba pang nakita ni Ares doon ay si Congresswoman Girlie Villarosa ng Mindoro na nagshopping daw pagkatapos dumalo sa pagsalita ni Gloria Arroyo, sina Congressman Dodo Mandanas ng Batangas, Danilo Suarez ng Quezon. Hindi natandaan ni Ares ang iba.

Mula sa cabinet naman, ang bibit ni Arroyo ay sina Presidential Peace Adviser Sonny Razon, Energy Secretary Angelo Reyes, Foreign Secretary Alberto Romulo, Trade Secretary Peter Favila, Finance Secretary Gary Teves, Press Secretary Cerge Remonde, Labor Secretary Marianito Roque, at Presidential Assistant Nedy Poblador,.

Sabi ni Ares, “I’m supposed to attend her morning press conference but the venue was moved to The Atlantis. Di na ko pupunta. Ang mahal ng pamasahe papunta doon. Just google what Atlantis is and find out for yourself.”

Hinanap ko nga sa Google ang Atlantis at talaga naman, five-star resort hotel. Sabi nga ng isang blogger, P500,000 ang isang kuarto bawat gabi. Talaga namang walang krisis para sa mga nakadikit kay Arroyo.

Ang nakapagtataka, bakit balik ng balik si Arroyo sa Dubai. Sabi ni Remonde, kaka-usapin daw niya ang mga negosyante doon at mga opisyal para mabigyan ng trabaho ang mga Pilipino na marami ngayon ay pinapa-uwi na dahil mahina ang negosyo sa buong mundo.

Sabi ni Emmanuel Geslani, dating vice chair ng Philippine Association of Service Exporters Inc. (Pasei), natutuyo na rin daw ang job opportunities sa Dubai. Ibig sabhin noon, nagsayang lang ng pera si Arroyo. Nagwaldas siguro ang mas tamang salita doon.

Baka naman may iba silang pakay. Sabi ng kilala kung financial officer, madali magpasok ng pera doon sa Dubai dahil sanay ang mga Arabo doon sa male-maletang pera. At kapag nasa presidential flight ka, hindi masyado nag-iinpeksyon ang Immigration at Customs.

Preparasyon yata baka saka-sakaling mapipilitan bumaba sa 2010.

Published inForeign AffairsGovernanceWeb Links

16 Comments

  1. Ellen:

    1)“Cut government waste. Tighten your belts and live within your means.” This was the marching order of President Gloria Macapagal-Arroyo to all government departments and agencies to save money for food, fuel and rice subsidies for the poorest of the poor.

    2)Gloria Arroyo said in her Easter Message:We must prove our love for Truth!

    EQ

  2. JocjocAbalos JocjocAbalos

    Hindi kaya kinikilabutan ang surot na ito sa mga pinagsasabi niya. Mukhang may tupak na nga talaga. Kahit bistado na sa pagka-corrupt tira pa din ng tira. Wala siyang paki-alam.
    Dapat na talaga tayong maki-alam mga kababayan ko. Kung hindi ngayon …. KAILAN????????

  3. JocjocAbalos JocjocAbalos

    Tinatawanan na tayo ng mga Arabo …. isang babaeng sinlaki ng surot …. niloloko ang mga 80+ milyong Pinoy. KAILAN tayo kikilos?????????

  4. Hi Ellen

    Correction lang. I work for XPRESS, a weekly tabloid published by Al Nisr Media. Sister-paper namin ang Gulf News. Thanks

  5. Will corect it. Thanks Ares.

  6. From JoeSeg (na matagal-tagal na ring nananahimik but patuloy na sumusubaybay):

    A friend emailed me this a month ago and asked me to warn those who would be lulled to the promise of jobs in Dubai. He is also apprehensive that he might also be losing his job in a construction company before many of his co-workers are already terminated. The reason:lack of funds.

    We wonder what kind of jobs GMA has been promised by her Dubai hosts. At ito palang -pinagyayayabang na 200,000 jobs, it’s purportedly from other Middle East countries kaya nakakadudang masyado o sanay na tayo na hindi naniniwala. Bakit kailangan pang pumunta sa Dubai pa para doon i-announce ang available jobs (39,128 Filipino workers are needed in the United Arab Emirates) at sangkaterba pa ang alalay sa kabila ng krisis? Ang tantya ko, nabasa lang nila yan sa wanted ads at sinuma ang vacancies ng bawat bansa but not necessarily for the Philippines alone. Kung hindi naman talagang pagwawaldas ng pera!

    Salamat po.


    Job losses in Dubai result in huge increase in Visas cancellation

    An average of 1,500 work permits and visas are reported to being cancelled in Dubai everyday as companies lay off employees due to financial crisis which have affected local companies.

    The number is expected to rise over the coming months as thousands of foreign labourer start to log in their complaints at the Ministry of Labour. Adding to that figure will be the thousands of employees who have been made redundant and are currently searching for other jobs before their visas expire. Many local companies have given redundant employees a grace period of two to three months to look for alternative work. However, most companies are not recruiting, local sources report.

    An official from the Ministry of Labour told reporters that the Ministry started seeing a rise in the cancellation of visas in late October. On some days, more than 2,000 permits were cancelled, the source added.

    The official, who spoke on condition of anonymity, said the ministry is dealing with a huge number of complaints from workers. “The ministry is swamped with complaints from workers who have not been paid or forced to take unpaid leave or who were fired but not paid their dues.

    A local employee at a construction firm said his company has already laid off 500 of its 5,000-strong work force. “At the moment, the bosses are waiting to see if the situation improves in a few months. If things do not change there will be more redundancies,” he added

  7. Valdemar Valdemar

    She is only doing an Imelda. Or much better with the 7 star service nga naman. Imelda tipped by the $100 bills. She tips with multi-billion contracts and shoe boxes.

  8. andres andres

    Ano ang comment nyo sa headline ng Inquirer kahapon: “GMA in Dubai for OFW Job Hunt”
    Job hunt? Eh alam na nga ng lahat na bagsak ang ekonomiya ng Dubai dahil bagsak din ang turismo, tapos sasabihin ng Philippine Daily Inquirer si Gloria ay nasa Dubai upang maghanap ng trabaho para sa mga OFW???

    Alam din natin dito sa Ellenville na kaya nasa Dubai si GMA ay upang magbuhay reyna nanaman at malamang inaaayos ang pagtatago na kanilang limpak-limpak na salapi!!!

    Bakit ba kasi pinaniniwalaan pa yang Inquirer eh obvious namang nakikinabang kay GMA kaya parang ang headline ay panay good para kay Evil Bitch! Parang Bulletin!

    Boycott Philippine Daily Inquiirer!!!

  9. myrna myrna

    ang malaking problema talaga ni gloria ay kredibilidad!

    kahit ano pa ang sabihin niya (totoo man o hindi), wala nang naniniwala sa kanya. ang kapal lang ng apog, kaya talagang sige pa rin. walang hiya na, ika nga.

    bobo rin kasi yung mga reds sa thailand…sana inuna na siya….malaking pasasalamat siguro ng sambayanang pilipino.

  10. parasabayan parasabayan

    Buking na naman si pandak!

  11. teddy agbayani teddy agbayani

    i stopped being surprised by the callousness of these administration. just really sad because majority of the filipinos, that may include me, is fast losing hope and about to give up.

    honestly though, i hope we can have a suicide bomber or assassin that will finish our problem

  12. Now, Malacanang and DOJ are trying to link the BW case scam to the Dacer murder. If they link the two and implicate Erap and his cronies, then the late Sen. Rene Cayetano’s role would be revealed.

  13. “then the late Sen. Rene Cayetano’s role would be revealed.”

    About time! Dante Tan allowed then Sen Rene Cayetano great leeway — synonimous to insider trading.

  14. And his children senators Alan and Pia Cayetano would block the re-opening of the BW investigation.

  15. May official residence for instance ang Pilipinas sa Japan, pero pag pumunpunta dito si Gloria Dorobo, pero doon siya nag-i-stay sa Imperial Hotel na ubod ng mahal kaya tuwing punta dito ng kumag lagas ang kaban ng Philippine Embassy at ubos ang kinita sa mahal na pasaporte.

    Puede naman sa totoo lang na doon na lang siya magtuloy sa official residence ng ambassador gaya ng ginagawa halimbawa ng mga presidente ng US, PM ng UK, et al sa mga official residences ng kanilang bansa para less burden sa mga taxpayers.

    Pero si Pandak, kasi hindi niya pera, kung waldasin parang akala mo may karapatan talaga siya. Kaya tuwing bisita ng alembong sa Japan para lang magyabang, lagas ang lahat ng kinita ng Philippine Embassy. Worse pa nga ang balita ko na idina-divert pa sa Hong Kong ang kita ng Philippine Embassy dito para sa guratsa ng mga Arrroyo doon.

    Ganoon ka-abusada ng pandak at pamilya niya, kasama na iyong mga sipsip na palagi niyang kasama gaya ni Atienza. Dapat sa mga unggoy na iyan ikinukulong!

  16. Sa totoo lang, nakakahiya ang ginagawa ni Gloria Dorobo. Nagyayabang ng improved Philippine economy pero iniaasa sa ibang lahi ang pangtawid gutom ng mga pilipino. Truth is I cannot see any longlasting benefit of this human trafficking industry of the Philippine government.

    Ang daming sinirang mga pilipino ng deployment ng mga manggagawang mga pilipino na pinakikinabangan ng iba’t ibang uri ng mga sindikato. Worse is the destruction of the family, the foundation of the society.

    Hindi ako magtataka kapag winasak ng dilubyo ang Pilipinas sa totoo lang. May warning na nga like the eruption of Mt. Pinatubo, which used to be a dormant volcano, pero mukhang hindi pansin ng mga na-corrupt nang mga pilipino na hindi na alam ang tama at mali. Tuturuan pa iyong mga ibang lahi ng mga kalokohan nila.

    Kawawang bansa!

Comments are closed.