Skip to content

Fighting spirit

Kahit na marami tayong pagkukulang sa ating pag-uugali, hanga pa rin ako sa Pinoy pagdating sa fighting spirit. Hindi nawawalan ng pag-asa.

Sa pinakahuling survey ng Pulse Asia (Oct. 15 – 27, 2005) tungkol sa kanilangdamdamin ngayong malapit na ang Pasko, lumalabas talaga ang hirap ng buhay kahit pa anong propaganda ni Gloria Arroyo na naging mabuti ang ekonomiya sa ilalim ng kanyang administrasyon.

Dalawa lamang sa sampung Pilipino (16%) ang nagsabing maging mas masagana ang Pasko para sa kanilang pamilya ngayong taon. Halos 40% ang nagsabing pareho lang at 43% ang nagsabing mas mahirap ngayon.

Maramdaman mo naman ito sa shopping malls. Pinagyayabang ni Arroyo na ang isang palatandaan na gumaganda raw ang ekonomiya ay dahil sa puno ng tao ang mall. Dapat nag-obserba siya ng mabuti. Sana nakita niya na kukunti ang namimili. Ang karamihan ay nagpapalamig. Kung wala ka nga namang trabaho, bakit hindi ka mag-istambay sa mall. Makakatipid ka pa ng kuryente dahil hindi mo na bubuksan ang iyong electric fan at ilaw.

Kami nga sa bahay, pinu-problema namin ang aming electric bill. Lahat na pagtitipid ay ginagawa namin at bumaba naman ang aming consumption, pero tumaas pa rin ang aming bill dahil tumatas ang singil ng Meralco. At magtataas pa raw sila ngayong linggo!

Karamihan (54%) pa rin sa mga Pilipino ay nagsasabing may pag-asa pa naman ang ating bayan ngunit tumataas ang nawawalan ng pag-asa.

Siguro dahil sa sobrang hirap ng buhay, ang outlet na lang ng Pilipino ay umasa or managinip ng mas mabuting buhay. Lumabas sa survey na karamihan (70%) ay nagsabing magkakaroon ng pag-asa sa sunod na taon. Hindi natin malaman kung nakikita nilang magkakaroon ng pagbabago ng pamahalaan kaya silang umaasang may pagbabago ang buhay sa sunod na taon.

Siguro dahil nga ang pakiramdam ng karamihan ay nasa baba na sila, wala nang ibang puntahan kungdi pataas. At saan naman ipinapako ng Pilipino ang kanilang pag-asa?

Mas marami ngayon ang gustong mangibang bansa lalo na sa mga may pinag-aralan.

Maraming aspeto ang pangingibang bansa, lalo na bilang overseas worker. Maganda dahil kikita ng dolyar . Makapag-aral ang mga anak at mabibili ang mga panganga-ilangan. Ngunit mawawalay ka naman sa pamilya mo at hindi mo rin alam kung maayos na trabaho ang iyong madatnan sa ibang bansa.

Makikita natin dito sa survey na kaya napipilitan ang karamihan na mangibang bansa dahil wala silang nakikitang oportunidad dito sa Pilipinas. Ngunit laban pa rin. Hindi nawawalan ng pag-asa. At nagbabakasaling sa ibang bansa makakita ng oportunidad na gumanda ang buhay. Nandoon pa rin ang fighting spirit.

Published inWeb Links

1,529 Comments

  1. Sana nga mabigyan pa ng maraming oportunidad ang gustong makapagtrabaho sa abroad lalo na dito sa canada maraming trabaho dito at sa ibang mga bansa basta magsipag lang.Mga OFW ang pag-asa ng bayan kaya kahit maging malayo tayo sa mga pamilya, malaki naitutulong natin sa kanila sa Pilipinas kapalit ng pagka homesick, at least napipigil ang mabilis na pagbulusok ng economy natin sa mga padala at tulong.Kung wala ang mga OFW remittances ano na kaya kalagayan ng bayan natin ngayon. May gloria pa kayang darating sa buhay ng mga mahal natin???

  2. bumababa na ang presyo ng langis, pero mataas pa rin ang singil sa kuryente. bakit kaya?

  3. nandoon na kasi naka-input sa bill ang kurakutan. Lahat na corruption sa Napocor mula pa noong panahon siguro ni Marcos. Nadadagdagan pa ng corruption sa IPPs noong panahon ni Ramos. Sino ba naman babayad ng mga inutang na halos 50 per cent ay napunta sa mga bulsa ng nasa malacañang at sa kanilang mga alagad, di tayo.

  4. Ellen, sana malaman nga ng mga ofw tulad ni valentin na SILA rin ang pinaguusapan mong nagtutustos sa mga nagpapasasa. Kahit nasa Canada na sila, o lalong malayo, ang padala nila’y nakukurakot pa rin, kahit papaano! Malamang alam nila sa kuwento ng mga kamaganak, ngunit, hindi magiging ugali ng mapagsalamating pinoy na palabasing KULANG ang pinapadala ng mga nagmamahal sa kanila abroad!

  5. Anelle Y2K Anelle Y2K

    Given all the needed support and equal importance we can be competent at par with other skilled nationals. Filipinos are streetsmart!

  6. Anelle Y2K Anelle Y2K

    Ellen,the title of this particular issue of your column really depict your personality…the courage!the bravery!the valor!the hope!the voice!the fighting spirit!its not that easy to be in the field of journalism! i know we can not please everybody but just want to let you know that I am one of your believers in your combat for truth.long live ellen!

  7. Thanks, Anelle. There’s a lot to be proud of as a Filipino.

    The present political crisis simply shows that majority of the Filipinos have held on to their cherished values like adherence to truth. Kaya hindi natin matanggap ang pandaraya ni Gloria dahil pinalaki tayo sa paniniwala na mali ang mandaya.

    Kung lahat tayo katulad niya, nina Pichay at iba pa niyang alagad,di kampante sila. Sa ngayon, hindi sila matatahimik sa ating pangungulit.

  8. Anna de Brux Anna de Brux

    Dapat ang SEA GAMES ginamit para mag-unite ang Filipinos, lift the sagging morale, boost the economy, pick up prestige, pero sayang lang.

    Kasi, who will unite them? Si Gloria at si Mike Jose Pidal Arroyo? Di pwede! Bakit? Paano, the guiding motto in life of these two crooks is “divide and rule”. (Almost put “davide” there!)

Leave a Reply