Skip to content

Mga sundalo at pulis, biktima ng Legacy

Hindi lang pala mga retired na guro at mga vendors ang naloko ni Celso de los Angeles at ng kanyang Legacy Group of companies.

Ang educational plan ng 15,000 na anak ng sundalo at pulis pala ay napurnada na rin. At ang malungkot pa nito, marami sa mga sundalo ay walang kamalay-malay na wala na pala ang inaasahan nilang educational plan para sa kanilang mga anak.

Nabulgar lang ito noong isang araw ng mag-anunsyo si Fe Barin ng Securities and Exchange Commission na para raw tulong sa mga nabiktima ni de los Angeles, magpapalabas ang SEC ng pera para pambayad ng tuition ng mga planholders sa darating na pasukan. Sinabi niya ang Scholarship Plans Phils. Inc., ang isa sa mga kumpanya ni de los Angeles.

Sinabi ni Barin na March 31 ang deadline ng filing ng claim.

Mabuti napanood ni Maria Flor “Pong” Querubin, asawa ni Col. Ariel Querubin na nakakulong ngayon sa akusasyun ni Gloria Arroyo na nagtangka raw silang mag “mutiny” noong Pebrero 2006 nang mabulgar ang “Hello Garci” tapes kung saan narinig ng lahat ang kanilang pag-uusap ni Comelec Commissioner Virgilio Garcillano tungkol sa pagmani-ubra ng resulta ng eleksyon sa Muslim Mindanao.

Naala-ala ni Pong na ang educational plan ng kanyang anak na si Jack ay SPPI sa halagang P102,000 at binayaran nila ng limang taon sa pamagitan ng salary deduction. Kinuha daw nila ito noong 1991 nang na-assign si Col. Querubin sa Palawan.

Ilang linggo na itong imbestigasyon ng mga kumpanya ni Celso de los Angeles na nadawit na ang isang SEC commissioner (Jesus Martinez), si Rep. Eduardo Zialcita, si House Speaker Prospero Nograles, at si Bise Presidente Noli de Castro. Ngunit ang pangalan lang na alam ng marami ay Legacy.

Hindi naman nai-isip ni Pong, at sigurado ng marami na may hawak ng SPPI plans, na kasama pala ito sa mga nabangkarote na mga kumpanya ng Legacy. Naala-ala ni Pong na ang ahente nitong SPPI ay pinuntahan ang mga sundalo sa bundok at kina-usap. Marami siguro ang nakumbinsi noon dahil sa ating mga Filipino, mahalaga ang edukasyon ng mga anak. Kahit maghihirap tayo, kailangan masigurado na makapag-aral ang mga bata.

Talaga nga palang marami dahil nang pupunta si Pong sa AFP Savings and Loan Association Inc. para kumuha ng certification ng kanilang binayad sa SPPI, nalaman niyang mga 15,000 pala ang SPPI planholders sa mga sundalo at pulis.

Nalaman din niya na mga isang libo pa lamang ang nakakuha ng certification pala sa claim sa SEC. Ibig sabihin noon, delikado na hindi makapag-claim ang 14,000 na mga sundalo at mga pulis.

Ito ang masakit sa ginawa ni de los Angeles. Hindi ang mayayaman ang kanyang biniktima. Ito ay mga sundalo at pulis na ang mga buhay ay nasa panganib para lamang maprutektahan ang sambayanan, kasama na si de los Angeles,sa mga gustong magsira ng demokrasya at ng bayan.

Sana naman paki-usapan ni AFP Chief Alexander Yano at PNP Chief Jesus Verzosa ang SEC na i-extend and deadline para sa kanilang mga tauhan na hindi pa alam o hindi pa ayos ang mga papeles.

Published inWeb Links

25 Comments

  1. Rose Rose

    baka sa pangyayari na ito magising na ang mga sundalo kung ang kanilang pinoprotectahan na pangulo ay may malasakit sa kanila…at hindi lang sa mga generals..time to think and act…

  2. If the cops and soldiers were also victims, then what are they waiting for? Go and shoot De los Angeles and those AHs!

  3. Patay tayo dyan kay Boy Seseng! (Marikina knows him with this nick)

    Ang tigas ng mukha. Dapat sa kanila magtabi sila ni Madoff sa iisang kama.

    Very demoralizing!

  4. Reynaldo M. Chai Reynaldo M. Chai

    Matagal ng gising ang mga sundalo at pulis, may magagawa ba sila? Kung ang pulis o sundalo ay umaasa lang sa kanilang mga suweldo lahat ng gustuhin ng mga nasa itaas nila TAMA o MALI susundin ito, dahil kapag hindi sila sumunod harassment ang aabutin nila. Ang hustisya sa Pilipinas ay para lang sa may pang-gastos kung wala kang pera paapi ka na lang.

  5. Valdemar Valdemar

    Kung ambon lang naman ng malacanan ang nagamit, eh, di masakit. Marami pa ang kasunod.

  6. Ellen,

    Ang mga nangungurakot na yan sa mahihirap ang kailangan bigtihin ng baligtad.

    Minsan naiisip ko, tama wala ng trial trial — waste of precious ration pa yan tapos wala namang resulta. Sa Pilipinas puro lutong macau ang hustiya, kasing pangit ng Macau!

    Sabi nga noong nabasa kong comment (can’t remember who wrote it), ipadampot sa hatinggabi na lang.

  7. Rey Chai Rey Chai

    Natatandaan pa po ba ninyo yung GLASGLOW na na-involved sa pyramid scam, ang pera po nito ay kinuha ng SEC at sila na ang nag-distribute sa mga tao pero kulang na. Ang masaklap meron mga hindi nakakuha, katulad ko nakita ko ang tseke na para sa akin pero ng kukunin ko na may listahan na nakuha ko na daw, ang resulta hindi ko na nakuha ang halagang 70,000 plus na para sa akin ang advised may file daw ako ng Motion for Intervention pinabayaan ko na lang dahil pag pinadaan ko pa sa batas mag-aabono pa ako. MALAMANG GANITO RIN ANG MANGYARI DITO KAPAG SEC ANG NAGBIGAY NG PERA MERON MGA HINDI MAKAKAKUHA.

  8. Valdemar Valdemar

    A very good reason to change our charter, all these complaints. Of course, those with bright minds should come here and vote for what we wish to have as changes. Not chatters.

  9. nahnah nahnah

    Bakit kailanga pang humingi ng certification, bakit hindi na lamang sila (Savings and Loan asso.) magissue sa lahat ng planholders at i post duon sa mga addresses nila. Nakupo, talagang ginagawang kawaawa ang mga poor people. Masisimple pa ang process kung ideretso na nila ang list sa SEC. Maraming paperworks na kailangan kaya pwepwedeng mang’komisyon’ ang mga taga issue, at saka ang tagal ng process. Ngeek

  10. syria syria

    Binayaran ba si Barin ng Legacy para gawing March 31 ang deadline sa pagfile ng claim na wala man lang abiso sa mga libo libong planholders?

    Mukhang kasabwat si Barin sa lagay na ito at dapat ring maimbestigahan at ikulong kung mapapatunayan.

    Barin, proteksyon ba ng tao o proteksyon ni Celso at yung mga katulad niya ang interes mo? Sa totoo lang Barin, parang binaril mo sa likod ang libo libong sundalo, pulis, guro at atbp. sa sabwatan ninyo ni Celso.

  11. pugong_gala0101 pugong_gala0101

    Mga kapatid, pera ‘yan. Milyong piso kaya ang SEC ay naglalaway sa paghawak upang sila kuno ang mag-distribute sa mga nabiktima. Eh, mahihiwalay pa ba ‘yang mga ‘yan sa kategorya ng kanilang kinikilalang panggulo? Kawatang sugapa rin ‘yang mga ‘yan! Magkakabalahibo, di ba?

    Ano kaya’t mag-aklas nang sama sama ang mga kawal at pulis na nabiktima ni Celso delos Diablos?

    Wala na. Kanser na talaga ang katulad ni gloria. ‘Yan ang kanyang legacy!

  12. kabute kabute

    15,000 soldiers and police families victims of Legacy SPPI! Incredible! Celso delos Angeles Legacy scam has financed many politicos in congress and even the Vice-Pres Noli de Castro or Kabayan. That means the 15,000 soldiers and policemen have contributed funds to the likes of VP de Castro, Spreaker Nograles, Cong. Zialcita, Commissioner Martinez, Comm. Barin and many others. They should be enraged. But it seems Comm. Barin is now doing “damage control” by making SEC assure payment of school tuition fees come school enrollment period. Of course not all 15,000 victims will see their funds. Just a few of them will, this is to neutralize the rest of the victims. This is how this administration of GMA operates. If ever there are funds Barin and company will line some into their pockets. That is the SOP of this administration. “Make hay while the sun shines”. The soldiers’ and police generals who are paid for already by GMA will not do anything to this crime and injustice. What we could expect are just lip service and empty actions. Good luck sa inyong lahat na sundalo at police na biktima ng sindikatong GMA. Patuloy kayo sa inyong pagtutulog-tulogan.

  13. Patton Patton

    Kawawang mga sundalo at pulis. With the meager salaries they have, they set aside for their children’s education because they want their children to be better equipped to compete for opportunities than they were.

    Now, they got duped!

    Ate the AFP and PNP helping them?

  14. kabute kabute

    Patton – Are the AFP and PNP helping them? How will the AFP and PNP help them when their Generals are already paid for by the GMA syndicate. The right way to help them is to give them justice by going after De los Angeles and the rest of those who benefited (De Castro and others) from the illegal use of Legacy’s funds. But will the DOJ, Ombudsman, NBI, PNP, AFP and all other investigating and prosecuting entities go after these criminal? To answer that – I’ll say NO. It would not surprise me if some AFP and PNP Generals and other officers are also beneficiaries of De Los Angeles Legacy scam.

  15. jay cynikho jay cynikho

    AdeBrux Says:
    March 29th, 2009 at 6:51 am

    Ellen,
    Ang mga nangungurakot na yan sa mahihirap ang kailangan bigtihin ng baligtad.
    Minsan naiisip ko, tama wala ng trial trial — waste of precious ration pa yan tapos wala namang resulta. Sa Pilipinas puro lutong macau ang hustiya, kasing pangit ng Macau!
    Sabi nga noong nabasa kong comment (can’t remember who wrote it), ipadampot sa hatinggabi na lang.

    AdeBrux:

    Papaano tutuparin and idea mo? Tularan ang Francia para bumuti ang gawi ng tao, malipol ang masasama. Sa Cambodia Wa epeck ang killing fields, nag exile, sila pa rin nasa gobierno yung mga dapat napatay. Dito sa Pilipinas seguro, dapat magkaroon ng pinoy guillotine bawat kapitolyo, bawat city hall. Kung hindi kayang tularan ang nangyari sa Francia, Amerika at Europa, ang bansa natin ay permanenteng bayan ng mga atsay at taga linis ng kubeta.

  16. jay cynikho jay cynikho

    Ito ba ang kailangan ng Pilipinas ngayon?

    Para malinis ng husto ang bansa, heto ang konkretong solusyon na siyang tutupad sa ideyang BIGTIHIN NG BALIGTAD.

    sori don’t know how to cut and paste drawing.

    Dapat itayo ito sa iba’t ibang sulok ng bansa ng mga inaping sundalo. Bahala na ang mga patriotikong mamamayan. Bloodless ito. Tutal marami ang ayaw dumanak ang dugo. Mas malinis kaysa guillotine ng Francia.

  17. pǝʇsıʍʇ-ǝnbuoʇ pǝʇsıʍʇ-ǝnbuoʇ

    Hep, hep! Not too fast. OO, meron siguradong mga pulis at sundalong nabiktima yang SPPI. Pero 15,000? Ganoon karami?

    Assuming P20,000 per semester ang matatanggap ng bawat estudyante and assuming further na ang bawat pulis at militar ay may ISANG ANAK LANG na covered, P160,000 ang sasagutin ng SEC/BSP/PDIC sa bawat estudyante. Ang suma total, P2.4 Bilyon ang lalamunin sa pondong pinaghirapan ng taumbayan! Paano kung ang bawat pulis o sundalo na “nabiktima” kuno ay may dalawang anak? Tatlo? Apat kaya?

    Iba ang naaamoy ko. Tongpats! Madaling papirmahin ni Commander ang mga kabo ng walang tanung-tanong at magpanggap na biktima rin. Madaling gumawa ng claim at siyempre aaprubahan ng mga pesteng taga-SEC. Nagmamadali si Barin na ipamigay ang kuwarta, nakakaduda yata.

    Tignang mabuti ang anggulong ito!

  18. pǝʇsıʍʇ-ǝnbuoʇ pǝʇsıʍʇ-ǝnbuoʇ

    Nabuhay ka, jay. Kamusta na ang kalusugan mo? Mabuti’t nagparamdam ka.

  19. jay cynikho jay cynikho

    salamat naman at meron naka alaala sa akin.
    hindi ako pusa, pero sa kalusugan nakaka apat
    na seguro. lima lang swerte na ako.
    drawing ko ay Pinoy Gallows, mas malinis kaysa
    guillotine. kaya lang ang hatak puedeng kasing
    lakas ng dalawang kabayo, 2 HP baga. baka
    sakaling ma i post kung may interesado.

  20. these are the things that pisses me off. ang mga tinatamaan, sya pa yong mga nakataya ang buhay para ipaglaban ang bayan naten.

    the big question in this legacy scam is that – who signed the audited financial statements of this company? anong klaseng audit ang ginawa? anong klaseng disclosure ang ginawa?

    Ooopps! why in the world did i ask.

    naka-konek pala dun sa isang opisyal nang SEC.
    tsk! tsk! tsk!

  21. parasabayan parasabayan

    This Legacy case, I hope, will not just be another NBN/ZTE, Fertilizer Scam, Euro General, WB and much more cases that consumed the legislators time but ended up with NOTHING! There are just so many sacred cows. Once a BIG GUY has his fingers on the pie, everyone just STOPS! Never mind who loses! This time, it is the little guys, our soldiers!

  22. Yet, most if not all of the scams involved FG Mike Pidal.

  23. The crooks won’t stop at the billions they made in Legacy, will they? So they’re now about to use the same scam to make more billions at the expense of gov’t (our) money.

    Here’s how it’s done:

    The scammers will provide fake records of fake victims claiming to have invested in Legacy’s banks, insurance, educational plan, or whatever instrument. A parallel operation may also overstate the amount of investments the co-scammers/victims who are legitimate investors.

    Their contacts in the regulatory body that will confirm and thereafter, approve payouts, will surely pass these claims to be legit. The SEC or PDIC or BSP then disburses the claim checks.

    The double-fraud is executed first on the investor-victims and second, on the disbursing agency when the ensuing payout for reimbursement is made.

    “Lagareng-hapon” in Filipino, “slopping” in scam-speak. Slopping is a term coined by British boiler room operators after the UK and Scottish courts granted cash payments to criminals in prisons who claimed their rights were violated when they were denied toilet facilities in jail. The prisoners were provided with pails and they “slopped out” the contents every morning.

    It was money used to pay settlement for the criminals, thus the boiler room scammers’ use of “slopping” when they represented themselves as lawyers to their previous victims out to help them reclaim their money after they pay a certain acceptance fee. The victims get hit by the same crooks twice over.

    This is what I see in this fast-tracked Legacy payout. Another scam to settle a previous one. The public coffers are milked twice.

    Mar Roxas, eyes on the ball!

  24. Kaya yung duda ni reyna elena tungkol sa audit, siguradong yan din ang mangyayari dito sa bayaran. Malinis ang pagkakayari. Tukuyin kung sinu-sino yang 15,000 na sundalo at pulis na yan kung totoo, para ma-subject sa audit ng mga private volunteers. Hindi dapat pagtiwalaan yang ginagawang verification ng SEC na puro sabit din pala sa Legacy. Lalo na si Fe Barin!

    Mukhang tuloy na talaga ang eleksiyon sa isang taon, bilyun-bilyong piso ang nakataya dito.

Comments are closed.