Skip to content

Namamayagpag ang mga kriminal

Ang mga kriminal napapalaya, ang lumalaban sa katiwalian ay nakakulong.

Ganyan ngayon ang sitwasyon sa Pilipinas sa administrasyon ni Gloria Arroyo.

Dismayado ang pamilyang Maguan sa balitang ang killer ni Eldon na si Rolito Go ay mukhang malapit nang mapalaya. Nasa diyaryo kahapon na nilipat na sa Go mula sa maximum security complex sa isang section sa New Bilibid prison na pwede silang maglalakad na walang guwardiya basta pagdating ng ika-lima ng hapon, balik siya doon sa kanyang selda . Ang tawag daw nila ng sitwasyon na yun ay “live out minimum security”.

Sa statement na pinalabas ng pamilyang Maguan na pirmado ng ina ni Eldon na si Rosario, sinabi nila na hindi pa nila nakuha ang detalya ng special status ni Go ngunit kung totoo, ipina-protesta nila itong pangyayari.

Nagtataka raw sila kung anong konsiderasyon ng mga awtoridad na ang isang preso na may record na sa pagtakas ay ilalagay sa lugar na “light security.” Sabi nga sa report parang paghahanda sa publiko sa pagpalaya na kay Go.

Si Go ay na-convict sa pagpatay kay Eldon, 25 taong gulang estudyante sa De La salle University, sa San Juan noong 1991. Tumakas siya noong 1993 at nahuli ulit noong 1996.

“Sino ang magiging responsible kung tatakas ulit siya? Sino ang gagastos sa paghuli sa kanya ulit,” tanong ng mga Maguan,

Hindi na kailangan tumakas si Rolito Go. Palalayain naman siya e.Sabi noong isang taon ni Justice Secretary Raul Gonzalez na eligible na raw si Go para ma-parole. Kasunod na ito sa pagpalaya rin kay Claudio Teehankee, ang killer ni Maureen Hultman, noong isang taon.

Hindi naman nagkagtaka dito sa Pilipinas ngayon. Tingnan mo ang mga tao sa Malacañang, sa Senado sa House of Representatives at sa iba’t-ibang ahensya ng gobyerno. Makita mo ang mga naakusahan ng pagnanakaw ay namamayagpag.

Tingnan mo ang nakakulong: sina Brig. Gen. Danny Lim, Sen. Antonio Trillanes IV. Mga opisyal na hindi pumayag mandaya.

Ang pumalit kay Commissioner Jesus Martinez ng Securities and Exchange Commission na tumanggap ng bahay kay Celso de los Angeles na nanggantso ng libo-libong planholders at depositors sa kanyang mga kumpanya ay si Manny Gaite.

Maala-ala nyo, si Gaite, deputy executive secretary, ang nagbigay kay Jun Lozada ng kalahating milyong piso na pan-shopping sa Hongkong noong Pebrero 2008 nang gusto ng Malacañang na tumahimik lang siya tungkol sa anomalya sa NBN/ZTE.

Kung pinapa-iral ang batas, dapat naparusahan rin si Gaite bilang accomplice o kakuntsaba sa pagtago ng katotohanan tungkol sa corruption sa pamahalaan.

Wala e. Dito ang mga sinungaling, mandaraya at magnanakaw ang siyang namamayagpag. Tingnan mo si Gloria Arroyo.

Published inGovernanceWeb Links

18 Comments

  1. May bago pa, Ellen. Akala ko ay matino at inosente itong si Fe Barin ng SEC sa mga kinasangkutan ng mga tauhan niya, lalo na si Jesus Martinez na sabit sa GSIS vs. Meralco at ngayon sa Legacy. Ang ipinagtataka ko ay kung bakit napakakupad kumilos nitong Chairman ng SEC.

    Kaya naman pala, sabit din pala ang asawa niya sa Legacy. Naletse na talaga!

  2. bitchevil bitchevil

    I still have to see one government official under this Evil Bitch administration who voluntarily resign due to anomalies in his or her department. Even if there’s a strong call for them to resign by the public, they have no shame and continue to hold on to their offices. SEC officials from the top all the way to the mid-level must all resign. But well…if DOJ and other agencies don’t, why would SEC do?

  3. kazuki kazuki

    Well dapat i-isolate na lang natin sila para mawala na sila.

  4. kazuki kazuki

    i mean isolate mawalan ng kakampi sa mga taong bayan.

  5. Re Fe Barin: ang lakas pa ng loob to say “I am not resigning”.

    Ang kapal!

  6. bitchevil bitchevil

    Fe Barin is just following the line of her collegues like Neri. “I’m not resigning” is the slogan of this administration. It was the Evil Bitch who started it.

  7. bitchevil bitchevil

    Scandals continue to rock this evil administration. Do you know a certain Gaite? He was the one who became controversial at the height of Jun Lozada’s expose. Gaite had questionable transactions. And now, Malacanang is appointing him to SEC to replace the on-leave Martinez.

  8. bitchevil bitchevil

    While the Evil Bitch was in Baguio, she told the people “YOU must cut down on expenditures now.” She said “YOU” except of course herself, her family, government officials and political allies.

  9. bitchevil bitchevil

    Word is around that if Ping doesn’t run in 2010, he would support Mar Roxas.

  10. bitchevil bitchevil

    Malacanang says it would try to find out why the Evil Bitch’s rating has gone down. Ha, ha, ha…

  11. bitchevil bitchevil

    FYI…SEC Chief Fe Barin was the Evil Bitch’s wedding sponsor.
    Her husband was once Mike Pidal’s law partner. Another clear connection ! Manuel Gaite who was involved in ZTE scam is replacing Martinez.

  12. Valdemar Valdemar

    Lets come down to earth. We even help our criminals abroad pay blood money to get out of the gallows and give them a clean slate. How much more with our local convicts that show promise financially or politically.

  13. eddfajardo eddfajardo

    Pag nagkita kami nitong pamangkin ko na si Lorelei, pupulbusin ko ito ng mura. Biruin mo lolokohin tayong si Gaite raw ay kilala nila na very generous at religious. Very generous dahil kung maalaala niyo mga katoto, at the height of Jun Lozada’s expose’, niloko niya ang mga Pilipino na binigyan niya si Jun ng PHP500,000 na galing daw sa bulsa niya at hindi suhol na alam naman natin na imposible dahil suweldo niya ay PHP35,000 lamang kada buwan at religious dahil simula noon hindi na siya pinapatulog ng budhi niya sa panloloko niya sa taumbayan. Itoy katwiran ng bankrupt na utak!!!

  14. bitchevil bitchevil

    Whenever I see and hear this Lorelei and Golez talk, it makes my day so bad that I become so depressed. Two most stupid spokespersons the country ever had.

  15. Magno,
    Basahin mo yung transcript ko ng wiretap kay Jalosjos sa susunod na thread.

    Biruin mo naman, pareho lang prostitute ang biktima nila ni Smith pero siya 11 taon na nakakulong si Smith mukhang lalaya na agad.

    Tapos nagbayad na siya ng P800,000 danyos, si Smith P100,000 lang.

    Pareho lang pinabiyahe nila ang mga biktima nila sa Tate.

    Siya, nakakulong sa Bilibid, si Smith naka-aircon sa container van.

    Pati sa mga preso, lamang pa rin ang mga Kano sa Pinoy, kahit pa bigtime na politiko, ‘alang binatbat basta katapat ay Kano.

    Hindi ako naniniwalang dapat makulong si Jalosjos. Yung bugaw dapat ang nakulong, si Sim Bakla. Siya ang nagbebenta ng ampon niya.

    Yun kayang bugaw ni Nicole?

  16. bitchevil bitchevil

    It’s no longer news. Jalosjos was freed long time ago. They’re just making it official this time.

  17. saxnviolins saxnviolins

    Ellen: Check mail.

Comments are closed.