FEB. 16, 2009
Galing ito kay Arman Eusebio:
Gusto ko po sanang idulog sa inyo ang isang mistulang ‘big time extortion’ na ginagawa ng ilang empleyado ng Meralco sa amin.
Nagsimula po ito noong October 2008 nang magsagawa ng inspection ang ilan nilang mga tauhan sa lugar namin. Apparently ay may nakitang ‘two-line jumper’ ang mga inspector sa isang katabing bahay namin. Kapagdaka’y pumunta sa bahay namin iyong isang inspector. Ikinagulat po ito ng Nanay ko dahil unang-una ay hindi naman niya alam ang nangyayari dun sa ibaba dahil nasa itaas po ang bahay namin. Bigla daw pong pumasok itong inspector na ito na nang tanungin ng Nanay ko kung sino siya at kung ano iyon… sinabi lang daw niya na taga-Meralco siya at inspeksyon lang daw.
Labis na ikinagulat ng Nanay ko nang bumaba siya at makita na tila kukumpiskahin ng mga inspector ang aming metro at nang kanyang tanungin kung bakit nila gagawin iyon ang naging tugon daw ng inspector ay ‘Nay, makipag-ayos na lang po kayo sa akin!’
Natural hindi ito naging maganda sa pandinig ng Nanay ko dahil pinalalabas ng inspector na may ginawa kaming mali. Nagkaron ng pagtatalo at nakarating ang usapan sa aming baranggay kung saan parehong pinakinggan ng aming punong-baranggay ang magkabilang panig.
Dito ipinaliwanang ng inspector na may nakita silang tinawag nilang ‘two-line jumper’ sa aming kapitbahay. Naka-tapped daw ito sa labas papasok don sa loob ng bahay kung saan nila ito nakita. Dumaan sa kisame ng unang palapag papunta sa may bandang dingding. At dahil kami po ang nasa kabila ng dingding, ipinagpalagay po ng inspektor na iyon ay sa amin.
Gumawa siya ng kanyang report at pinanindigan ang nakita niyang iyon. Na kami daw ay nagkaroon ng ‘Violation of Contract’.
Hindi po namin matanggap ang kanilang naging basehan kung kayat nagkaron ng pagtatalo. Hanggang sa nagmungkahi ako na kung maari ay tumawag sila ng isang nakataaas sa kanila upang ipasiyasat sa kanila iyong ginawang report ng inspektor.
May dumating naman po na taga-Investigation Division at Para-Legal Office ng Meralco. Wala na noon ang mga inspektor ngunit ipinatawag sila upang sila mismo ang magpaliwanag ng kanilang report.
Itinuro ng inspector kung saan nila nakita iyong iligal na linya at ipinaliwanag niya kung paano siya nakarating sa konklusyon na kami ang nakikinabang dito.
Nang tanungin ko siya kung nagawa ba niyang pumanhik don sa itaas ng bahay na iyon upang tingnan kung konektado pa din don ang kawad na itinuturo niya, kitang-kita namin iyong pagkabigla niya at ang tanging naisagot lang niya ay ‘hindi ko alam na may itaas pa pala’.
Sa harap ng kanilang dalawang opisyal at ng aming punong baranggay, muli ko siyang tinanong kung posible bang iyong kawad na iyon ay papunta sa itaas at hindi pa-diretso, ang naging tugon naman niya ay ‘ewan ko, basta dito ko nakita iyong kawad’.
Sa puntong iyon, kusa naming inalok na aming gigibain iyong dingding ng bahay upang makita nila kung may kahit na maliit na butas na pwedeng pasukan ang mga kawad na sinasabi nila papunta sa aming bahay. Pero sinabi ng kanilang opisyal na hindi na kailangan at nakita na nila ang dapat nilang makita. Nangako sila sa aming punong baranggay na magbibigay sila ng kanilang ‘final report’ kinabukasan at nagpaalam na.
Nagdaan ang mahigit isang buwan at wala na kaming narinig pa mula sa kanila. Subalit bago mag-pasko ng nakaraan taon ay may dumating na isang sulat or ‘Demand Letter’ sa amin na nagsasabi na kami daw ay kailangan magbayad ng ‘Surcharge’ sa halagang Php602.90 dahil kami daw ay may ‘Violation of Contract’. At kung hindi ay kukumpiskahin na nila ang aming metro.
Sinubukan ko itong i-klaro sa Meralco Pasay Branch at nakausap ko naman iyong mismong taong gumawa at nagpalabas ng ‘demand letter’ na iyon. Pinipilit kong ipaliwanag iyong aming sitwasyon ngunit hindi daw doon ang tamang lugar ng mga reklamo dahil ‘implementation’ lamang sila. Itinuro niya ako na pumunta sa Main Office sa Pasig dahil ang Pasig daw ang nagpalabas ng utos.
Agad din akong nagpunta sa kanilang opisina at itinuro ako sa kanilang Para-Legal Office. Dito, sinabi naman sa akin ng isang abogado doon na ang mga ganitong isyu daw ay dapat sa branch office pa din at hindi sa kanila. Muli niya akong pinabalik sa Pasay Branch at sinabihan na kausapin iyong taong pwedeng mag-desisyon dito.
Pagbalik ko sa Pasay Branch, hindi ako hinarap ng taong dapat kausapin pero nagbigay siya ng instruction sa isang naroon na kung sakali darating ako ay mag-file daw ako ng formal complaint at request for re-investigation. Ipina-hold na rin muna nila ang pagkumpiska ng aming metro habang isinasagawa ito.
Nag-file ako ng akong formal complaint noong January 16, 2009. Naghintay kami na ipatawag or may pupunta sa aming lugar upang magtanong-tanong or mag-occular inspection base sa ipinasang report ng kanilang inspector.
Sa kasamaang-palad, dumaan ang mga araw na wala man lang tumawag or nagpunta sa aming lugar hanggang sa may dumating sa aming sulat (dated February 9, 2009 but received February 13, 2009) galing sa Meralco Pasay Branch Office Head na naglalaman ng resulta ng kanilang ginawang ‘re-investigation’ at ‘re-evaluation’ ng aming isinampang reklamo. Dito kanilang pinangangatawanan ang ginawang report ng kanilang inspector at kami ay pinagbabayad na ng halagang Php237,670.80.
Dito sa ipinadalang sulat ay may binanggit silang kuha ng mga litrato ng kanilang mga ebidensya. Bakit ayaw nilang ipakita sa amin iyong mga kuhang iyon upang i-confirmed kung ang mga kuhang iyon ay sa aming bahay nga ba or sa iba?
Ano bang klaseng trabaho ba ito? Parang isang malaking ‘extortion practice’ itong ginagawa nila eh. Pati ba naman sa Meralco wala na ding hustisya ang mga imbestigasyon?
Kami ang ginugulo ng mga taong ito gayong regular na nagbabayad ng bills ang nanay ko habang iyong may-ari ng bahay kung saan nila nakita ang ilegal na koneksyon ay wala silang ginawang aksyon. At ang masaklap, hindi nila binigyan ng importansya o sinilip man lang na iyong bahay na iyon ay walang maipapakitang metro pero may mga gamit sa loob ng kanilang tatlong palapag na bahay.
Ngayon po ay nagbabanta na naman sila na kukumpiskahin na ang aming metro kung hindi namin mababayaran ang halagang hinihingi nila.
Sana po ay matulungan niyo ako na mailabas ito at muling ma-imbestigahan upang makita kung sino ang mga nagkasala at dapat maparusahan. Gayundin upang mabigyan ng leksiyon o aral ang mga inspector na hindi pwedeng ‘pressumption’ ang kanilang maging basehan sa kanilang mga gagawing aksyon or report dahil napaka-seryoso ng kasong ‘illegal connection’.
Happy Valentines!!!!
I am from The Rainbow Bloggers Philippines and we are inviting you to
visit our website http://www.rainbowbloggers.com
This is a collective effort of several Filipino bloggers located both
here in the Philippines and abroad. We feature articles such as news,
events, and literary genres.
Please patronize our very own LGBT Filipino Blog. Comment on the post
and feel free to express your thoughts and opinions.
If you happened to be a blogger and you want to join our writers
circle, just email us with your Name, Blog URL, Blog Title, and Blog
Email to rainbowbloggersphils@ymail.com
You can also add our friendster account:
rainbowbloggersphils@ymail.com
Make it a habit to visit http://www.rainbowbloggers.com
Thank you and have a nice day!
Yours Truly,
RBP Marketing and Membership Team
Hanggang ngayon ba may ganyan pa rin racket sa Pilipinas? Uso na iyan noon pang bago kami umalis ng Pilipinas. Come to think of it, iyan mga ganyan racket nauso noong panahon ni Dadong Macapagal, pero bata pa ako noon kaya di ako nakikialam sa politika. Nakikinig lang ako sa matatanda. Katwiran pa nga ng nanay ko, “Di bale paalis naman na tayo.”
Pero sa isang banda, ang isip ng nanay ko noon para wala nang gulo magbigay na lang ng padulas para walang tsetseburetse. Kawawa iyong umupa sa bahay namin pihado.
Pero nang magpunta na kami sa Tate, nalaman naming mali pala iyong pawilihin mo ang mga demonyo at dapat ipaglaban ang karapatan kahit ikamatay mo.
In short, kasalanan ng mga pilipino kung bakit nauso ang ganyang mga racket. Kahit saan may racket. Pagkuha ng passport halimbawa katakot takot na racket samantalang dito sa Japan for instance, walang hassle masdin sumunod ka lang sa patakaran.
Sa Pilipinas, kunyari pabago-bago pa raw ang policy at process, pero labas racket pa rin. Usong-uso pati sa mga pasuguan ng Pilipinas. Daming racket. Pati mga dayuhan binibiktima kaya kilalang-kilala ang kalibre ng mga pilipino. Di mo tuloy maipagmalaki!
Kung ako ang nanay ni Arman Eusebio, makikipaglaban ako. Puede silang lumapit kay Senator Pimentel o kahit na kay Uncle Johnny basta wala silang kasalanan at hindi sila kakutsaba noong switik naman na lumabag siguro sa patakaran ng Meralco kaya tuloy malakas ang loob ng mga unggoy na manloko din.
On another issue ng Meralco, I wonder kung ano na ang nangyari doon sa reklamo ng mga nakatira doon sa bandang Guadalupe tungkol sa air pollution dahil sa planta doon ng Meralco. Dapat ireport iyan sa CNN para ma-TV lalo na doon sa concern nila tungkol sa environment.
On the other hand, kahit ma-TV ang mga unggoy, walang paki gaya noong expose ng CNN tungkol doon sa mga batang nasa kulungan ng mga matatanda at nagiging biktima ng iba’t ibang klase ng child abuse kasangkot pa ang mga pinuno ng mga kulungan.
Pero as usual kasalanan ng mga ayaw namang humirit na akala tuloy ng mga walang alam talagang ganoon na lang. Tangnanay nilang mga bobo sila!
Kawawang Pilipinas! Kailan ba magigising ang mga pilipino? Pagputi pa ba ng uwak?
Ellen,
I suggest that you forward this column to Meralco through its website http://www.meralco.com.ph/ under the feedback section. Better yet if you introduce yourself that you are from the media and reminding them diplomatically that you will not be happy publishing corruption in their company and politely ask them to help Arman.
Meralco promptly responded to my 3 queries on power factor.
This might help.
syria, what’s your problem with power factor? You must own a business or factory, huh?
Unfortunately, if you hit Meralco you’re as if hitting ABS-CBN and the Lopezes that’s currently critics of Malacanang.
If we talk about problems with power and energy, we can’t help but regret the Bataan Nuclear Plant built by Marcos whose vision then is now very much needed.
tt, I was just curious to know from Meralco your cost savings using power factor correctors. In the US, there are power factor management companies that caters businesses and factories. Perhaps this can be applied in the PI. Do you know is pf correctors are used in PI?
The corruption cancer in the public sector that is spreading in the private sector is sad and worrisome. What happened to Arman may also happen to customers of other utilities like water, telephone and cable and most of which are illegal tapping.
When the highest leader of the country is known to be corrupt, others follow suit, and more so if she pimps.
Buhay, bahay o koryente? Anong gusto niyong mawala? Marami nang namatay, nasugatan, at nasunugan dahil lamang sa ilegal na koneksyon sa koryente. Kamakailan lang, 60 na bahay ang natupok sa Manila Port Area at ang suspetsa ay ilegal na koneksyon.
Bakit delikado ang ilegal na koneksyon?
1- Magiinit kung ang koneksyon nito sa kawad kung ang kontak ay maliit o maluwang.
2- Magiinit ang kawad kung ang kapasidad nito ay di na kaya ang dami ng gamit na nakakabit.
3- Walang overload proteksyon ito na siyang puputol sa koryente kung hindi kaya ng kawad ang dami ng kunsumo ng koryente o kung nagdikit ang dalawang kawad.
4- Karamihan ay hindi wasto ang pagkakakabit at delikado ito sa mga tao.
5- Karamihan ng kawad na ginagamit ay hindi gawa para sa labas ng bahay.
6- Hindi mo nakikita ang koryente kanya marami nakokoryente sa bubong at grills ng bahay.
7- Kung hindi man koryente ang pipinsala sa iyo, ang iyong pagkagulat ay maaring ikahulog mo.
Mas ikabubuti ng karamihan sa ISUMBONG KAADAD ang mga ilegal na koneksyon. Ang pakinabang nito ay,
1- kaligtasan mo at iyong mga kapitbahay.
2- mababawasan ang singil sa koryente dahil bababa ang system pilferage loss.
garapalan na!
meralco, sa lopezes ‘yan, di ba?
TFC ng abs-cbn, sa mga lopez din.
ang mga empleyado? parepareho ang kanilang mga raket. para sa sariling bulsa.
ganyan ang IN THE SERVICE OF THE FILIPINOS, NATIONWIDE & WORLDWIDE nila. ang katapat ay KUWARTA!
Sa kaso ng Kaibigan 5 years na nasa city Engineering office ng Maynila wala pa rin nangyayari. Tinatakpan pa rin yun nasa Office of the Building official na si Engr Edgar Soriano, kapal muks, ang mga pagkakamali ni Mr Tan na nagclosed ny isang public street kaya walang access ang friend ko sa lupa nila. Ki ko alam kung alam nito ni Mayor Lim. Biro mo kinomplain niya sa city assessor na huwag na siyang magbayad ng amilyar pero no dice daw, he need to pay. Ano ba ang pakinabang sa isang lupa na di mo naman magamit?
The case of a public right of way had been dragging for 5 long years already. You make a complain, the mayor calls in the same officials that create the problem for their opinion. Those are the thick faces of Manila City Engineers office
1. Engineer Alamapy, Engineer Disu, Engineer Armando Andres
Please try to avoid transacting official business with these people. Beware.
Engineer Edgar Soriano had been giving my friend the ” paikot-ikot ” If a person is not learnt as my friend, he’s a dead duck. It’s either he doesn’t know how to perform his job or ……
dizonlea,
Thank you for giving us those names, malaking tulong sa mga relatives and friends in Manila.
This for Arman. One thing I am not clear yet is that whether your house has a legitimate wiring diagram. Meaning approved by cityhall. Otherwise, you are prone to those Meralco shennannigans. And to be on the safe side, dont quarrel much with your neighbors.
Abusado na talaga ang mga kababayan ni Brenda, korek…sobra na talaga ang pang-aabuso ng Meralco sa kanilang mga kliyente, isa na rin kaming biktima ng mga ulol na yan.
Bakit po ka nýo, susog sa reklamo ni ginoong Eusebio…e doon din sa aming lugar grabe yang mga taga-Meralco sapagka’t kung mayroon silang troubleshooting sa linya e bigla na lang magpapatay ng power at saka bilang “ON” so hayon sira ang mga appliances like TV, REF, Aircon.
Kaya minsan nang aking bakasyon e nataon na ginawa nila yong palpak na maintenance procedures nila so hayon nasira ang aking Ref at TV both galing pa nang abroad ito at branded.
I tried to call them in their Hotline number ang kaso walang sumasagot at talagang kakatkatan ko, pero di ko pinalagpas yon…dumaan ako sa kanilang office at sinermunan ko yong nasa desk Info.
Sa totoo lang! Yang Meralco e abusado yan at for sure laki ng tongpats niya sa mga kurap at sinungaling sa ek-ek gov’t. kaya akala mo kung gasino na sila.
Dapat magkaroon ng independent power supplier sa MM at karating probinsiya para yang Meralco na yan e wag mang-abuso ng costumers.
Dapat bigyan ng leksyon ang mga iyan ng matuto!
Alam mo Syria, sa totoo lang…alam ng mga taga-Meralco yang mga illegal connection na yan, but they are ignoring the racket of some of our Kababayan…kasi po e PAID yan ng lahat ng residential consumers doon sa power lost.
Pinababayaan yan ng Meralco upang maging alibi nila para sa pagsingil ng dagdag na penalty sa power distribution lost, nakaw ng ibang Pinoy at bayad nating lahat. Ang siste pa nito, double charges sila…kakasuhan nila yong mga magnanakaw ng kuryente at sa babayaran pa natin yong ninakaw nila.
Two birds down in one shot di ba! Ganyan ka wise ang kababayan ni Brenda, gungoonzales, tol yabang Defensor et. al.
Dapat pauwiin yan sa kanilang lugar at wag dito sa ating balwarte mag kalat ng kawalanghiyaan. Enough is enough. Bakit dito sa Luzon nagsisiksikan yang mga pasaway na yan at nagiging biktima pa tayo ng kanilang kaululan.
Dapat palayasin ang mga iyan at magsibalik sa kanilang lugar at doon nila ibuhos ang pagpapaulad ng kanilang probinsiya at wag dito sa Kamaynilaan.
17 Feb 2009
Geeezzz!!! we never really learn, when can the lopezes can really say that they feel the pains of the masses???? in you wildest dreams. For example they will hold hostage the nation by creating electric interruptions and brownouts here and there, left and right, straight to our noses, the the poor people cannot do anything. They will ususally time it during the hot summer months, where most of the pinoys are really using their electric fans, if your rich you will be lucky to use your airconditionings. Whew!!! grabe na talaga ito.
On the other hand, what do your from the likeable(??? pwe!!!) vice president noli kayabang de castro???? nothing, of course its the master who says and commands it, so he cant do anything as well.
Kaya ang ating mga pobreng kapatid ay kawawa.
On the other side of the news, TONGressmen of the evil bitch wants the ethics committee of the LOWER house (get it LOWER) to investigate de venecia regarding his claim na nag kabayaran noong 1st impeachment case against the bitch (tama ba ako noong una ba iyon).
If I were jdv then go ahead at ng malaman ng taong bayan kung ano talaga ang nangyari at ng magkabukingan na, anyhow, pare-pareho naman silang mga talamak sa pera ni juan de la cruz e.
On the case of the WB fiasco, good riddance kay brenda at talaga namang napaka-anghang talaga ng dila ng luka-luka na yun. anti0corrupt official daw sya ay sya pala talaga ang tagapagtanggol ng mga kurap e. Sige na nga CHOOT!!! yourself in the head na nga or jump from a plane without a CHOOT!!!!
Mga buset!!!!
prans
correction…
>>>what do you think you will hear from the…..
Syria: What happened to Arman may also happen to customers of other utilities like water, telephone and cable and most of which are illegal tapping.
******
It is already happening. In fact, it has been a racket from since the time of Dadong Macapagal. Nothing new as a matter of fact.
Kesa maputulan nga naman, di magbayad na lang. Ang lagay e! Palpak din kasi iyong nagkabit at nagpakabit! 😛
BTW, this reminds me of Ka Bel who told us of his refusal to pay Meralco’s high bills.
I wonder if he had managed to have light in his house before he died.
Iyan ang tunay na tagapaglingkod ng bayan.
syria,
power factor is a separate item for commercial and industrial customers only. You cannot benefit from the extra cost of installing the power factor correction equipment in residential accounts.
For comm’l/ind’l users, PF lower than 75% is penalized while those higher than 85% get rebates as reward. I used to install a lot of these equipment but when competition started collecting payments limited by the monthly rebates, I discontinued the service.
***********
In the case of Arman Eusebio, he should take his case with consumer protection groups. US’ BBB (Better Business Bureau) protects all consumers from abusive practice of businessmen and that kind of office is sorely lacking in our country. Arman should start checking with DTI.
tt, below is the power factor info Meralco sent.
1. Discount of 0.3 percent for every percentage point above 85 percent.
2. Penalty of 0.6 percent for every percentage point below 85 percent
Power Factor Adjustment is applied to Distribution and Transmission charges only.
balweg, tama ka. Ikinakarga ng Meralco ang System Loss at Pilferage Loss sa mga customer nila. Maling mali ito kasi bakit papasanin natin ito kung hindi naman natin kasalanan at responsibilidad ang mga losses na ito.
Mas masama pa ang nangyayari kay Arman. Pinagbabayad siya ng hindi niya kasalanan.
syria: “Ikinakarga ng Meralco ang System Loss at Pilferage Loss sa mga customer nila.”
Yan ang kakaguhan ng EPIRA LAW na isinabatas upang itago sa tao yung dating PPA na binabayaran kahit di ginamit.
tt, tama EPIRA LAW is nothing but iPERA LAW. Ang ating batas ngayon ay nagawang pinagperahan, pagpeperahan at para sa may pera. Karamihan sa ating mambabatas ay may UP mentality – Utak Pera.
To Valdemar:
First of all, thank you to the encouraging remarks/comments from the other readers. I am really going to bring this fight wherever it leads us. Kung kinakailangan makarating sa korte, ilalaban ko talaga ito hanggang dulo.
Doon sa tanong mo Valdemar, matagal na kami sa lugar na iyon eh. 43 yrs old na ang panganay naming kapatid at ni minsan hindi kami nagkaron ng kaso tulad nito. If only the ‘evidences’ they claimed they have were taken from our home, OK lang siguro eh. Tatanggapin namin.
As a matter of fact, iyong tungkol sa mga pictures na sinasabi nila, nakiusap pa kami na ipakita sa amin ang mga iyon eh. At kung talagang sa aming bahay nga iyon, luluhod ako sa harapan nila para humingi ng tawad at babayaran namin kung magkano man iyong magiging danyos. Sinabi ko iyon sa harap ng aming baranggay captain at ng mga opisyal nila.
Unfortunately, hindi daw pwede ipakita sa amin iyong mga pictures. Can you believe that?
Good thing I was able to video taped iyong ibang nangyari sa loob ng baranggay hall and it was very clear there how this inspector, VIC ACOT, admitted na ‘hindi ko talaga na-checked. tinanong ko iyong bata kung saan papunta itong kawad. ang sabi niya don po sa kabila, halika po kayo samahan ko kayo.’
That was it. And he pressumed we’re guilty already.
When i inquired about the identity of the child he was referring to, it turned out na anak pala nong may-ari ng bahay kung saan nakita iyong illegal connection.
At ito lang po ang naging basehan niya. And the people in Meralco Pasay Branch believed his report hook, line and sinker!
paki inspection naman po sa mga bahay dito sa pasillo 10 ng M. H. Del pilar St. Calamba City,sa may baybay ng ilog. marami po dito ang mga bahay na wala namang metro ng meralco pero my mga kuryente sila, sa madaling salita ay may mga jumper sila
just wanna post this to give everyone an update on this case now, more than 5 years ago since this incident happened.
as of today, 30th of October 2013, the case is still on going at the office of the Energy Regulatory Commission. i just received a letter coming from the ERC regarding the Motion for Reconsideration filed by dependent which was DENIED. it’s their 3rd MR and all of them were DENIED.
the formal hearing on this case started only in January 2010… iyon po ay matapos akong mapuno at magreklamo sa ginagawang delaying tactics ng abugado ng Meralco. mula po ng ako ay maghain ng reklamo, siguro po ay nagkaroon na kami ng at least 10 beses na pagkikita. at sa bawat pagkikitang iyon ay ibang abugado ang aming nakakausap. ang ibig pong sabihin, laging narire-set ang hearing dahil hindi daw alam ng ipindalang abugado ng araw na iyon iyong tungkol sa kaso or hindi nila dala iyong folder na naglalaman ng mga dokumento ng kaso.
two of my main witnesses already passed away during that year. fortunately, my mother was able to come and testify before the court. however, she passed away 2 weeks before her scheduled cross-examination. my father, who was supposedly to testify next, died a little over a month after my mom’s. my third witness, the barangay official whom the inspector said was with him when he barged into our house, was then at the hospital after suffering a major stroke. fortunately, he survived and went on to testify and got cross-examined when he got well-enough. my elder sister took the next witness stand next in 2011. then it was my turn in May of the same year.
since then, we didn’t hear anything anymore from Meralco and or ERC. i was told by my lawyer that Meralco was to submit a comment regarding the case that we presented and we are just awaiting for that and ERC’s decision. and that i should get ready now because it’s Meralco’s turn to present their witnesses, if there are any.
my lawyer received a notification from ERC, requiring our presence on May 21, 2013.
i got in there earlier ahead of my lawyer. suddenly, someone approached me and asked my name. then she introduced herself and she happened to be one of Meralco’s lawyers. specifically, the new lawyer who will be handling their case against me.
she told me about what happened to the previous lawyer handling my case and without mincing a word, asked me “ayaw mo bang ayusin na lang ang kasong ito? magkano ba ang kaya mong bayaran?”
to which i replied, “attorney, nabasa mo ba iyong detalye ng kaso? ako ang nagdemanda hindi kayo.”
that was when my lawyer arrived and the two lawyers talked.
seriously, i dont know how this case will end. but i am very eager to meet that inspector again in person… in court… during the cross-examination… (if they will present him).
sana naman buhay pa ako pagdating ng oras na iyon…