Kaduda-duda daw ang appointment ni retired General Tirso Danga bilang hepe ng National Printing , sabi ni Sen. Mar Roxas.
Si Danga kasi ang hepe ng ISAFP (Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines) nang mangyari ang pag-tape ng usapan ni Gloria Arroyo at Comelec Commissioner Virgilio Garcillano. Ngunit nang mag-imbistigas ang Senado, hindi sumipot si Danga.
“Hindi pa nga nasasagot ni Admiral Danga ang mga tanong sa kanyang naging papel sa kaso ng Hello Garci ay eto at siya pa ang ilalagay sa ahensyang gagawa ng mga balota para sa eleksyon. Talagang garapalan na ang ginagawa ng Malacañang,” sabi ni Mar.
Maala-ala natin na doon sa usapan ni Arroyo at Garcillano, klaro na pinag-uusapan nila ang pandaraya na ginagawa para matakpan ang lamang ni Fernando Poe, Jr.
Marami ang nagtataka noon bakit na-tape ang pag-uusap ni Arroyo. Di ba delikado yan na tina-tap ang cell phone ng Presidente (kahit na siya ay epeke). Sinabi ng mga taga-ISAFP na si Garcillano talaga ang pina-tape ng Malacañang dahil hindi sila sigurado kung nabili na rin ni FPJ.
Sinabi ni Sgt Vidal Doble, yung naglabas ng “Hello Garci” tapes na laking gulat raw nila nang marinig nila ang boses ni Arroyo at nag-uusap pa tungkol sa pandaraya.
Sabi ni Mar, kung nagawa ni Danga na ipagamit ang kanyang opisina, na dapat ay magprutekta ng kapakanan ng sambayanang , para sa pandaraya ni Arroyo, malamang ipagamit rin niya ang NPO sa pandaraya sa 2010 para lang mapanatili sa kapangyarihan o maprutektahan si Arroyo.
Ang NPO kasi ang nagi-imprinta ng mga balota na ginagamit sa eleksyon.
Alam natin na kakapi at kakapit si Arroyo sa kanyang puwesto ngayon kung maa-ari. Kaya buhay pa ngayon ang charter change. Maa-ari nilang ipilit ang Cha-Cha kahit ayaw ng Senado sa tulong ng mga galamay ni Arroyo sa Supreme Court. Hawak naman nila ang karamihan sa mga mayor at gubernador kaya lulutuin na rin nila ang plebiscite.
Kaya tinatantya ng Malacañang ang mood ng mga tao. Kung hindi naman masyadong maiinit, itutulak nila ang cha-cha. Kung medyo tagilid sila, ibang paraan naman ang kanilang itutulak.
Itutuloy nila ang eleksyon sa 2010 ngunit garapalan ulit ang dayaan para mananalo ang kandidato na suportahan ni Arroyo.Sabi ni Mar, “Mahalagang ibalik ng ating gobyerno ang tiwala ng taumbayan sa malinis na eleksyon sa 2010, pero sa pag-appoint ni GMA kay Danga sa NPO ay lalo lang tumindi ang suspetsa natin na walang balak si GMA na gawing malinis ang susunod na halalan..”
Kasi kung hindi sila mandaya, sguradong matatalo ang sino mang kandidato na dikit kay Arroyo. Sa baho ba naman niya.
Siyempre ang kandidato na yan ay mangangako kay Arroyo na hindi sila kakasuhan at ikukulong. Tuloy ang ligaya nilang magasawa at ng kanilang mga alagad.
Papayag ba tayo ng ganun?
“Sabi ni Mar, kung nagawa ni Danga na ipagamit ang kanyang opisina, na dapat ay magprutekta ng kapakanan ng sambayanang , para sa pandaraya ni Arroyo, malamang ipagamit rin niya ang NPO sa pandaraya sa 2010 para lang mapanatili sa kapangyarihan o maprutektahan si Arroyo.”
Spot on!
Wait and see…pag nangyari uli ito eh wala na talagang patutunguhan ang ating bansa. Dapat isa-isahin ang mga salot sa ating lipunan, wala silang karapatan na mamuno sa ating bansa?
“…..wala silang karapatan na mamuno sa ating bansa.”
Wala silang karapatang MABUHAY pa sa MUNDONG ito.
May dangal pa kayang natitira kay Heneral Danga? Tapos na ang resulta ng eleksyon 2010. May sapat silang panahon para sa maduming oplan daya 2010. Kung sinong kandidato pagka-pangulo ang suportahan ng Malacanang tiyak panalo. Siguradong may kapalit ito. Walang kasong isampa laban kay Gloria Arroyo.
Diego,
Malinaw na wala ng Dangal.Tinangal mo ang L sa apelido niya.
Cool! Walang dangal pati ang kanyang among Gloria. Lahi ng mga suwitik.
Pareng Diego,
Palitan mo kaya ng T iyung unang letra sa halip na D.Kung ano ang kalalabasan sa basa ng apelido niya ay iyun ang palagay ko sa pagkatao niya.Hehehe!
Hahhha! Tanga na walang dangal pa. Double jeopardy.
Fool me once,shame on YOU!
Fool me twice,shame on ME!
Tutal wala rin tayong magawa sa kanilang ginagawa, eh, relax na lang. What can we did.
Kinasuhan pa ng rape ang hepe ng NPO kaya kahit na pumiyak siya sa mga anomalya na nangyari sa opisina nya walang maniniwala sa kanya dahil sira na ang krebilidad nya. All bases covered again. Dalawang taon pa ang eleksyon pero ngayon pa lang niluluto na.
Wow, dayaan na naman! Kung bakit hindi pa kasi arestuhin iyong pinunong may bangaw sa mukha! Alam na ngang mandaraya, hindi pa ipakulong pati na iyong mga kasama niyang mga operator mg dayaan. Golly, iyong Garci nga nakalusot, at nakakagala pang parang walang ginawang kahayupan!
Kawawang bansa! Kawawang mga pilipino, ginagago na, lalo pang nagpapagago! Unbelievable talaga. Nasana kasi sa daya. Lahat ng ginagawa puro kalokohan nanghahawa pa ng iba. Yuck!
Akala ko maging computerize na ang election sa susunod at hindi na kailangan ang ballots…incidentally, this coming Sunday (Feb. 1) Consul Rebong will give us a talk here in Jersey City to encourage us here to have a dual citizenship. Noong pumunta si Gloria dito years back to promote the idea..marami ang kumuha ng dual..this Sunday I plan to go and apply (instant approval daw) so I will be able to vote in 2010. As a Filipino citizen, I will have to pay taxes, hindi ba? Because my SSI isnottaxable..halos wala akong babayaran pero baka sa BIR sa atin baka ako babayad..isang paraan din ito para makaroon ng pera si GMA…para paraan nga.
Malinaw na mayroong Option 3, eleksiyon sa 2010. Pero mukhang mas malinis at plantsado ngayon dahil hindi lang Comelec ang hawak nila kundi pati na rin ang NPO. Huwag lang silang madulas baka pati na rin pangalan nila ay maisama na sa imprenta.
2 opton naman ang puwedeng mangyari kung magkakaroon ng eleksiyon. Ito ay:
1- kung walang cha-cha, kakandidato si Oyang bilang bise-presidente at magtatalaga siya ng balatkayong presidente.
2- kung may cha-cha, tiyak na kakandidato si Oyang bilag kinatawan ng Pampanga. Consequently, kakandidato siya bilang Prime Minister.
Para makontra natin ito, kailangan tanggapin muna natin na si Oyang at ang kanyang mga alipores ay sobrang mautak at magulang. Kanya dapat lang na gamitin rin nating ang ating mga utak para malabanan ito. Kung hindi kaya ng utak, itak ni Andres Bonifacio ang gamitin. Kung hindi kaya ng utak at itak, heto mananatili tayong putak na lang ng putak.
dieg, pareng cocoy,
huwag ng T ang ipalit dahil nakakalasing din ang Tangal (tuba).
H na lang ang ipalit. mas bagay na pangalan niya.
marami na sa mga heneral na sinipsip ni gloria ang laman ng bayag ang tila mga “walking dead”.
sige lang ng sige dahil na rin sa pagiging mga “brain dead”.
noong 2004 at 2007, bumoto ang mga baboy, aso at kabayo para manalo ang mga kaalayado ng putang si gloria arrovo.
sa darating na 2010 ay hahakutin nila ang mga limatik, sawa, linta, buwaya, buwitre at hunyango upang lumawig pa ang pananatili sa puwesto!
sumpa ng pitong bungal at kubang demonyo!
magtataka pa ba tayo?
si gloria arroyo ay patented na sinungaling at ISO certified na mandaraya.
She planned the coup against Erap for a year, she overwhelmingly cheated to win the election in 2004 by using the military. She will again use the military to steal the 2010 elections. Ang tawag diyan, TANGA ang mga Pilipino!
Tama ka Syria, mukhang putak na lang tayo ng putak.
The bansot has mastered the art of winning an election by the use of the MILITARY! Very sad talaga.
Correction: Bansot has mastered the art of cheating the elections by the use of the MILITARY!
“Ang tawag diyan, TANGA ang mga Pilipino!”
sakit nu’n, ah?!
puwede bang engot na lamang?
Off topic:
When Obama was being interviewed by Arab TV, he mentioned that America was never a colonial power. Not exactly true. The Philippines was once her colony.
Guts or Balls…
There is a distinction. We’ve all heard about people having guts or balls, but do you really know the difference between them? In an effort to keep you informed, the definitions are listed below:
GUTS – Is arriving home late after a night out with the boys, being met by your wife with a broom, and having the guts to ask: ”Are you still cleaning, or are you flying somewhere?”
BALLS – Is coming home late after a night out with the boys, smelling of perfume and beer, lipstick on your collar, slapping your wife on the arse and having the balls to say: ”You’re next, fatty.”
I hope this clears up any confusion on the definitions. Medically speaking, there is no difference in the outcome, since both ultimately result in death.
Rose: Akala ko maging computerize na ang election sa susunod at hindi na kailangan ang ballots…
******
Computerize, you say? Rose, huwag! Baka magaya doon sa mga metro ng taxi sa Pilipinas na nadadaya. Lalong computerized, lalong madaling maretoke as a matter of fact. Kaya nga taeng-tae si Gloria Tapalani na maging computerized ang Comelec sa totoo lang. Mas madali silang makakadaya lalo na kung mga alaga niya ang magpapaandar ng mga computer. Puede na nilang i-feed ang mga niretoke nilang data sa totoo lang.
Magno: “… ISO certified na mandaraya”. Hahaha! Galing mo!
To be exact ISO 9002 and 9001.
ISO 9002 – magaling sa design.
ISO 9001 – magaling sa design (magplano, magsinungaling, magbaluktot ng batas, etc ) and manufacturing (balota, ebidensiya, witness, etc)!
Isa lang ang masasabi ko sa Pinoy!
“Pinabayaan niyo at di kayo kumibo sa mga ginawa ni GMA sa inyo, huag kayong mag-reklamo , MAGDUSA KAYO !
Buti na lang ako si Obama Presidente ko.