Skip to content

Anak ng droga

Ang pagtatalaga ni Gloria Arroyo sa sarili bilang anti-drugs czar, o pangkalahatang hepe sa laban sa ilegal na droga ay nagpapakita ng pagka-inutil ng kanyang administrasyon.

Halata namang gimik lang para maniobra nila at mawala ang isyu sa media at sa isipan ng mga tao. Wala sa priority ni Gloria na masugpo ang ilegal na droga na sumisira ng buhay ng maraming Filipino, karamihan ay mga kabataan. Ang priority ni Arroyo ngayon ay hindi malaglag sa kanyang nakaw na trono.

Ano ang kanyang utos bilang anti-drug czar? Tumigil sa pagsasalita sa media ang mga opisyal ng Department of Justice sa pangunguna ni Justice Secretary Raul Gonzalez at ang mga taga Philippine Drug Enforcement Agency sa pangunguna ni Director General Dionisio Santiago at Maj. Ferdinand Marcelino, hepe ng Special Enforcement Service ng PDEA.

Halatang takot sa katotohanan si Arroyo. Takot siya sa mga katotohanan na isiswalat nina Marcelino dahil malaki ang utang na loob niya kay Gonzalez.

Pinapalabas ng Malacañang na malaking bagay na pina-bakasyon muna ni Arroyo ang mga prosecutors na sangkot sa pagdismis ng kaso laban sa “Alabang boys”. Pinapalamig lang niya ang galit ng publiko. Walang siyang intensyon na ihinto ang maduming kalakaran sa DOJ.

Kapag medyo lumamig na ang interes ng publiko sa kaso ng Alabang boys, sigurado alisin na si Marcelino sa PDEA at ibalik sa military. Baka itapon na ulit siya sa Basilan. Tapos noon, wala na. Balik na sa trabaho at dating gawi ang mga prosecutors. Tuloy ang kanilang ligaya samantalang dumarami ang Filipino na malulong sa droga at masisira ang buhay.

“Si Gloria, drug Czar? Dyuskopo! Hindi na bayong-bayong na manok ang bigayan ngayon diyan.

“Buong poultry na!”

Ito kasi ang sitwasyon: si Arroyo ay naging presidente sa pamamagitan ng pandaraya at paglabag ng Constitution.Una noong inagaw niya ang pagkapangulo kay Joseph Estrada noong 2001. Pangalawa nang nandaya siya noong 2004 eleksyon. Hindi binoto ng mamamayang Pilipino si Arroyo ngunit sa tulong ng marami, napalitan ang resulta ng eleksyon.

Kung tingnan ng mabuti ang patong-patong na eskandalo at anomalya, ang ugat nito ay ang pandaraya ni Arroyo para siya ay manatili sa kapangyarihan. Ang P728 milyon na kinuha ni dating undersecretary Jocjoc Bolante sa pondo para sa abono ng magsasaka ay ginamit para pambili ng boto para kay Gloria.

Bakit ba ang chairman ng Commission on Elections na si Benjamin Abalas ay pumasok sa telecommunication na kontrata (NBN/ZTE)? Kailangan bayaran si Abalos sa malaking serbisyo niya noong 2004 na eleksyon. Papayagan mo ba naman ang dayaan at paggawa ng mga pekeng election returns.

Marami pang kurakutan ang nangyayari at iyon ay kabayaran sa kanilang serbisyo para sa pagpapanatili ni Arroyo sa kapangyarihan.

Kaya lang, hindi madali ang makakita ng proyekto na madali ng pagkakitaan ng malaki. Kaya ang iba, nasa ibang linya katulad ng jueteng. At ang iba naman ay sa ilegal na droga.

Kaya kung isipin mo, ang bumubusog sa maraming mga tauhan ni Arroyo ay pera galing sa sindikato ng droga. Kaya masasabi natin na malaki ang kontribusyon ng mga sindikato ng ilegal na droga sa pagpapanatili sa kapangyarihan ni Arroyo.

Published inIllegal DrugsWeb Links

27 Comments

  1. deanr deanr

    Kasi malaking pera ang umiikot sa drugs. Baka pareho lang o mas higit pa sa kita nila kaysa jeuteng. Kung jueteng pinapatulan nila di dapat pati drugs na rin db? Gusto nila palagi silang kahati sa piece ng pie db? sobra ang pagka gutom ng mga hayop na yan. gutom sa pwesto at gutom sa pera!

  2. chi chi

    Nanganak ang droga, naging anti-drugs czar ang putang si Gloria!

  3. chi chi

    Sumawsaw sa hot isyu ng drugs si Gloria, sige posing ka na sa kodakan…klik!

  4. chi chi

    I agree, Ellen. Ang pagtatalaga ni Gloria sa sarili bilang anti-drugs czar ay pag-amin na inutil ang kanyang pekeng administrasyon.

    Inutil na Gloria! Alis Dyan!

  5. balweg balweg

    Naku po, susmaryosep… kilabutan ka naman gloria, ang dami mong dakdak e ikaw din ang puno’t dulo ng mga kahayupang nangyayari sa ating bansa?

    Gusto mo talagang pagtakpan ang lahat ng kabulukan ng iyong mga lapdogs, kesyo ang dami mong patutsada pero ikaw ang tisod sa hustisya na dapat na umiral at maging panuntunan ng lahat ng Pinoy.

    Gusto mo talagang wasakin ang lahat ng institutions sa ating bansa at busalan ang mga taong naghahanap ng tunay na hustisya.

    Matakot ka sa multo na iyong pinaggagagawa sapagka’t ito ang masamang bangungot na tatapos sa iyong talipandas na puso.

  6. balweg balweg

    Anti-drugs czar si gloria? Close the issue, ngising ahas na naman ang mga drug lords at dealers ng droga sapagka’t protektado sila ng reyna ng mga drogamania.

  7. bitchevil bitchevil

    Managing drug problem is not managing economy. Even as economist as she claims she is, the country is faced with so much serious economic problems which she failed to solve after 8 years. What more about illegal drugs? An illegal President solving illegal drugs?

  8. Elvira Elvira

    BE:
    FAILURE na nga siya in managing the economy, she still added the Pilipins “Drug Economy,” so a negative plus a negative is equals—? Siyempre…since when did a negative and negative produce a positive? Onli in Illegal Czarina’s kingdom, noh!

  9. Bobitz Bobitz

    Itong gagong si Glueria nakakita nanaman nang malaking pagkaka-kitaan, kaya gusto niya siya mamuno kasi nalaman niya milyon ang lagayan.Magnanakaw na Ganid pa.

  10. rose rose

    putot is in a real mess now and hipit na hipit na siya..Punong puno na siya ng Sugar Honey Iced Tea!

  11. ParengPepe ParengPepe

    What about a Dorobo Czar?

    Czarina – Gloria Arroyo
    Asst. Czar – Mike Arroyo, aka Jose Pidal
    Members – Garciliano, Ben Abalos, Jocjoc, Chavit

    Our intelligence has been insulted for a long time. Lubos lubosin niyo na.

    E di sipa lata na lang pala si Tito Sotto. Titosen, unhinge your nose from GMA’s posterior. Talaga bang manhid na ang sense of smell mo? GMA is positioning herself for 2010. Unti unti na kayong inilalaglag. Hindi ka naman siguro kasing hunghang gaya ni Lito Lapid (you can’t fix stupid).

  12. Si Gloria Dorobo atni-drug czarina? Parang iyong pinuno ng Mafia nagsabing magiging Chief of Police na siya ng New York! Ulol talaga ang boba! Lalong dadami ang pagawaan ngayon ng shabu sa Pilipinas pag nagkataon! Heaven forbid!

    Puede ba iyong boba magkaroon naman ng kaunting hiya. Iyan ba ang itinuro ng mga madre sa Assumption sa kaniya, ang maging garapal na kriminal na candidate sa impiyerno, no doubt? Pwe!

    Serious na usapan, palandi-landi pa ang tarantada!

  13. MPRivera MPRivera

    si gloria, anak ng droga?

    hindi ‘ata! anak siya ng daga.

  14. MPRivera MPRivera

    time for ASO to change into OSA.

    reunite with the people who once supported you but whom you abandoned infavor of the queen evil!

    it’s still not late to make up for your mistakes.

  15. MPRivera MPRivera

    elvie,

    negative plus negative equals positive.

    have you forgotten all her negative moves resulted into positive sufferings of our people? and all her negative decisions produced positive wealth to her family and minions?

  16. rb rb

    bilib na talaga ako sa takbo ng inyong mga imahinasyon.. ang husay nyong lahat… bravo bilib ako…. mabuhay kayong lahat pagpalain sana kayo!!!!!!!!!!!! ang galing ng mga utak nyo… sana kayo na ang presidente ng PILIPINAS… advance ang isipan… MABUHAY!!! he…he….he….

  17. MPRivera MPRivera

    ang anay ay walang pakialam sa anumang masisirang bunga ng kanyang pagiging anay. maging ang pinamatibay na konkretong pundasyon ay guguho kapag nagkaroon ng pagkakataon at magawa ng anay na makaukit kahit munting butas man lamang na pag-uumpisahan ng kanyang pagbabahayan. mula roon ay tuloy tuloy na lalamuning walang pagkasawa hanggang bumigay ang dating moog at tuluyang bumagsak tanda ng pagsuko sa kasibaang walang pinapatawad.

    gayundin, ang ating mabuway nang lipunan ay tuluyang hahalik sa burak kung hindi magigising ang mga taong ginagawang TANGA ang mga sarili sa paniniwalang umuunlad ang ating bansa sa ilalim ng isang huwad na pangulong ang tanging layon ay alipinin at ilublob sa pusali ng kawalang pag-asa ang pinaasa’t pinaglalaruang taong bayan.

  18. chi chi

    Bakit negatibo ang reaksyon sa pag-appoint ni Gloria sa kanyang sarili bilang nati-drugs czar? Dahil kasi wala nang naniniwala sa kanya. Kahit na sabihin pa ni Gloria na siya ay babae ay wala ring maniniwala. Sabi ni Tonying yan, hiniram ko lang uli, hehehe.

  19. MPRivera MPRivera

    chi, kung ‘yun ngang magnanakaw ay hindi gustong masasapawan ng kapwa magnanakaw, ang taumbayan pa kayang bugbog sarado na dahil sa kawalanghiyaan ng numero unong magnanakaw?

    lahat na lamang gustong sakupin at upuan eh sa liit ba naman niya na ‘yun, kung hindi ba naman limatik eh bakit hindi mabusog kahit anong dami na ang nilamon?

  20. Anti-drug czar ba ‘kanyo? Baka czaring lang yan?

  21. bitchevil bitchevil

    This is not the first time the Evil Bitch appointed herself with a position. In 2001, she appointed herself as President.

  22. chi chi

    Two weeks lang daw na drug chacharing si Gloria, sabi ng EK.

    Hehe, inutil talaga! Nagpa-news lang ang puta!

  23. “Nagpanews lang ang puta” ang lutong! Sarap sa tenga.

  24. Bwahahahaha! Sabi ko na sa inyo pa-czarming lang ang puta. Wala namang ibubuga. Akala niya puede niyang landiin iyong mga drug lords. O baka gustung makatikim ng shabu na nilalagay sa ari para lalo siyang lumakas at di lang 3 times a day ang gawin niya with or without the fat guy!

    Who knows baka nga gumagamit na iyang ng droga kaya malakas ang loob na sabihin na hindi na siya halos natutulog para hindi makaarya iyong mga taong gustung-gusto na siyang itulak sa ilog Pasig.

  25. MPRivera MPRivera

    kahit kailan, dancing queen ang gaga!

    bangag nga lang.

  26. MPRivera MPRivera

    dahil sa pagkabangag, saliwa pareho ang mga paa.

    kaya imbes na pasulong paatras ang istep niya!

    haaayy!

    bruhang puta!

  27. gusa77 gusa77

    Another cover up again ang kanyang self appointment, dahil mabibisto ang ang mga kawalahiyang deal sa mga singit dahil ang Pinas ngayon ay main outlet for exportation ng mga singit internationally,dahil set up na mga lab dito ngayon ang local comsumption are only drop in a bucket,exportation are main goal of the singit tribes w/c international eyes won’t be on them.

Comments are closed.