Skip to content

Welcome home, Garci

Maliban kay Mrs. Grace Garcillano, asawa ni Virgilio Garcillano, wala pa akong narinig o nakitang nagsabing nakita niyang buhay ang nawawalang dating Comelec commissioner.

Ngunit, sige na. Bigyan na natin ng halaga ang sinasabi ni Mrs. Garcillano na bumalik nga sila dito sa bansa dahil pagod na raw sila sa kakatago sa ibang bansa. Oo nga naman, ano ba namang klaseng buhay ‘yan na natatakot ka makita ng ibang tao.

Ang matalinghaga sa akin ay kung bakit pinayagan ng Malacañang na bumalik si Garcillano. Alam naman natin na hindi naman naka-alis sa bansa si Garcillano na walang karecord-record sa immigration kung walang pahintulot ang Malacañang. Ginagawa naman nila masyadong tanga ang taong bayan sa kanilang pagmaang-maangan kung paano nakalabas si Garci.

Hawak ng Malacañang sa leeg si Garci. Kahit ba nahirapan siya sa buhay na patago-tago, kung ayaw ng Malacañang, wala rin naman siyang magawa. Bakit siya pinayagan bumalik dito kung saan hindi siya titigilan ng media at ng oposisyon?

Sinabi ni Mrs. Garcillano na handa raw humarap sa Congress ang kanyang asawa kung ilalabas ng oposisyon ang lahat na tape dahil doon raw maririnig ang ibang miyembro ng oposisyon na nakikipag-usap rin kay Garcillano.

Mukhang patuloy ito ng kasinungalingan na sinimulan ni Arroyo at ng kanyang mga alagad bago pa ang eleksyon ng 2004.

Hindi mangyayari ang sinabi ni Garcillano dahil wala ng ibang tape. Kung nakipag-usap man si Garcillano sa miyembro ng oposisyon, ang gamit noon ay ibang cellphone. Hindi yun ang nai-tap ng military intelligence (ISAFP) na siyang nagsagawa ng wire-tapping.

Maala-ala natin na sa testimony ni Michaelangelo Zuce, ang pamangkin ni Garcillano, binigyan ang Comelec commissioner ng cellphone ni Lilia “Baby” Pineda, ang asawa ng sinasabing jueteng lord na si Bong Pineda. Hotline raw yun sa Malacañang. “yun ang naka-wiretap na cellphone.

Malacañang ang nagpa-wiretap kay Garcillano dahil hindi sila tiwala sa kanya. Alam nilang bayaran siya kaya takot sila na baka makuha ng oposisyon sa mas malaking bayad. Kaya gusto nilang siguraduhin na alam nila ang pinaggagawa ni Arroyo.

Hindi naman akalain nina Arroyo na lalabas ang tape. Sino naman ang mag-akala na mangyari yun. Sa akin, kahit sabihin pang pera ang rason nang paglabas ng tape, kamay pa rin ng Panginoong Diyos ang sa likod nito lahat.

Kahit pa kausap ni Garcillano ang mga myembro ng oposisyon, hindi yan nagpapawalang sala kay Arroyo. Kung may kasalanan ang nasa oposisyon, imbestigahan. Ngunit hindi yun dapat gawing panggulo sa kasalanan na ginawa ni Arroyo na pagnakaw ng boto ng taumbayan.

Published inWeb Links

2,286 Comments

  1. Magandang umaga po sa inyo…Aling Ellen. Magandang pagkwentuhan (at “pagkwentutan”) ang “istoryang walang katapusan” ukol sa “Sabi niya, Sabi ko, Sabi nila…Ewan ko talaga…”)

    Umpisahan ko and “chism at rumor-mongering” sa mga sumusunod na katanungan:

    1. Si Grace ba ang tunay na maybahay ni Mang Virgilio? Kung ganoon, puede ba siyang tanggapin bilang “testigong kapani-paniwala”? Hindi ba sa batas ng panglilitis ay may sinasabing “Hindi puedeng tumestigo ang isang asawa para ipagtanggol ang kabiyak ng dibdib?” Kung ganoon, bakit ininterview ng reporter ang asawa???? (si Ric Carandang ba ang naginterview?)

    2. Dapat alamin muna natin ang “istorya” ng reporter. Bakit niya ininterview si Grace? Para malaman ang katotohanan? Para gumawa ng istoryang puedeng maging “telenovela” sa darating na mga araw?

    3. Pangalawa, bakit naman pagkatapos magtago ng katago-taguan ang mga Garcillano, ngayon naman biglang hantad-salakay si Grace?

    4. Pangatlo, bakit dapat paniwalaan ng publiko ang mga pahayag ni Grace? Ano ang tunay na motibo? Ganoon din ang reporter, ano ang motibo ng reporter?

    =================

    Binasak ko ang iyong haka-haka sa mga pangyayari ukol sa “hellowwww Garci”, ilan ang tape, alin ang tunay na tape, sino-sino ang may tape, at kung ano-ano pang mga “tsismis”…

    Tutal nagtsi-tsismisan naman tayo, eto naman ang nadinig kong tsismis noon pa.

    1. Nangyari ito sa California. Sa Elephant Bar and Restaurant. Sa Fremont. East Bay yan, across the San Francisco Bay. Noong Hunyo 2004. Isang buwan makalipas ang eleksyon noong May 2004.

    2. May 4 na Pilipino nakipagtagpo sa isang Amerikano. Bata. Makisig. Expert sa IT. Itong taong ito (daw) ang gumagawa ng mga “commercial” ng US Marines sa TV…”Be the Best You Can Be.” Pati sa US Navy – “Join the Navy and see the World.” Mga TV spots. Siya ang batikang “digital electronic sound engineer and arranger”. Ang pangalan niya, sabihin natin KEVIN T. Or KT.

    3. Kinontrata siya ng isa sa apat na Pilipino na “audit-edit-putol-dikit” ang 4 na tapes, at isang CD, na dala-dala ng tropa galing sa Pinas.

    4. Ang fee niya, para isakatuparan ang trabaho ay $35,000.
    Ang kailangan niyang gawin ay ipagdugtong ang mga 4 na tapes at isang CD para mabuo ang “short script”, na anya ay gagawin pang “background” sa isang dokumentaryong “pelikula
    ng milenyo.” Hindi lalampas sa limang minuto.

    5. Natapos ang tape. Nagtagpo uli si KT at ang tatlo na lang na Pilipino. Yung isa..na parang “bosing” ng tatlo ay hindi na dumating. Pinakinggan. Okey. Binayaran. Tapos ang transaction. Naghiwalay. Hindi na nagkita magmula noon. Hunyo 2004.

    6. Noong lumabas ang istoryang si “M’am” at si “Garci” ay phone pals pala, umikot na ang mga “alagad ng batas” (na bayad – mercenary ang tawag diyan – ika nga “private eye”) sa Amerika. Natuntunan si K.T. Nagkagirian. Sagot ni K.T. “Hey, don’t lean on me. Ayam a pro. I got hired to do a job. I did it. Got paid for it. And that’s it. You have a problem with that?”

    7. Bumalik ang bagong “pangkat na intelligent surveillance experts”. Dinaan sa mabuting usapan. Ika nila: “Alam mo Kevin…you is right. Sa amin, pakiusap lang naman, kung magkokooperate ka na ilabas ang katotohan, eh di, sikat ka lalo, puede mong lagay sa RESUME mo…da hole trut and nuting but da trut…lalo sigurong dadami ang kontratang ibibigay sa iyo ni Uncle Sam, dibs? Kasi pangit naman na masangkot ka sa gulung pulitika ng ibang bansa, samantalang ikaw ay kanong propayshunal, dibs?” Tumango tango si Kevin.
    Sumulat. Isiniwalat lahat ng detalya ng pagkakilala niya, sino-sino, at iba pang mga bagay, na sa kanyang nilagdaang papel…”is da trut, and nothing but the fucking trut, and ya all can go to hell, if ya guys make me look like I did something wrong, because, I will deny everything. Get my drift?”

    8. Ano ang linahad ni Kevin sa kanyang statement na nilagdaan? Eto ang mga – second hand or baka third hand – information:

    a.) May kaibigan siyang Pinoy. Apelyido lang ang natatandaan niya. Hindi. Hindi si Manny. Pero Pangilinan ang apelyido. (inulit ang tanong nga ukol sa pangalan…”sigurado ka PANGILINAN? Hindi PANGANIBAN?” Taga Pinas yun pero mukhang PR sa isteyts. (Hindi media. PR = Permanent Resident).

    b.) Si PANGALINAN ang conduit-koneksyon kay KEVIN. Yung tatlo…hindi matandaan lahat dahil wala naman daw kakibu-kibu buong gabi nagusapan sila.

    c.) Pero sigurado daw siya, ani Kevin, pag nakita niya uli yung isang “dark skin, short, stocky, ken ispik pretty gud inglis” matatandaan niya. “Yun bang tinatawag nilang *bosing*?” “No…” sabi ni Kevin. “they call him guvnor or senator or millenium president, something”. Hindi raw niya inintindi masyado. Basta ganoon na din ang tawag niya. Kung minsan “guvnor”, kung minsan “senator”.

    d.) Pinakitaan ng retrato, iba-ibang retrato ng mga opisyales, autoridades ng Pilipinas…”Dast’s him…yeah! Da guy they call da “senaytor”…He did not show up during the preview of the tape I put together…”

    9. Lahat itong usapang ito ay nangyari sa loob ng tatlong linggo pagkatapos lumabas ang istoryang “Phone Pal tayo, huh?” Habang abalang-abala ang media, opposition, at pro-Malacanyang at pro-GMA, na gumawa ng kanya-kanyang istorya, interpretation, chism kaliwa-kanan…accuse-deny-counter accuse-counter deny “show time”….!

    Ang mga “intelligent surveillance team” nakakuha ng KOPYA ng tape na ginawa ni KEVIN. Pinadala sa Pilipinas. HINDI PA NILALABAS ANG TAPE NA ITO, HANGGANG NGAYON. Ang istorya ngayon ay ganito…baka, itong chismis na lalabas na si Garcillano, ang “kontra senyal” para ilabas ang tape na ito.

    10. ETO NAMAN ANG DAG-DAG BAWAS NATIN SA ISTORYANG ITO:

    a.) Sounds like, looks like “milenyong produktion”? Sabi ang tape daw gagamitin sa isang dokumentaryo na pang-milenyu? Hindi ba meron yatang ganyang kumpanya ng pelikula? Sino ang mayari noon, kung tunay na merong ganoong kumpanya, kaya?

    b.) Senaytor? Gov? Gub’nor? Short? Stocky? Dark-skinned?
    “ispik inglis gud”? Madami yatang ganyan sa pulitika ng Pinas, dibs?

    c.) Sino ang may kopya ng tape na ginawa ni Kevin?

    ETO IMPORTANTE: Sabi ni Kevin…yung 4 na tape at CD na ginamit niya ay HINDI MAARING PRODUKTO NG WIRE TAPPING….Sigurado daw siya, as in SIGURADO. Bakit?

    Kasi daw, kung ang tape ay galing sa “wire tapping” mayroong “voice pattern” na kakaiba. Kakaiba kung kumpara mo sa “taped voice” sa “answering machine”.

    Halimbawa, ang telefono ko ay na “wiretap” (kuno). Pag ring ng telefono ko…ako ang unang magsasalita…”Helllowwww” (boses ko muna ang madidinig)..at pag pinaSCAN mo, and dini-gitize mo, sa voice machine, may pattern na makikita, siguro sa decibel, sa sound waves level, kung ano man yun.

    Ngayon, halimbawang ako naman ang tumawag…”Hoy, si ako ito, kamusta ka na, kaya kita tinawagan ay…” ang recording pattern ng boses ko at ng kausap ko ay iba naman din. Ako ang unang nagsalita sa situation na ganito. Importanteng ebidensya yan.

    Sa kabilang dako…halimbawa…”voice machine” ang ginamit para IRECORD LAHAT NG INCOMING CALLS…iba din ang pattern ng voice, etc…..kanya-kanya ang “digitation ng sounds”.
    Yang ang paliwanag ni Kevin, kaya sigurado siyang, ang 4 na tapes, at 1 CD na ginamit niya, ay hindi PRODUKTO NG WIRETAPPING…malamang TAPE RECORDING, lang.

    d.) Sa madali’t sabi…possibleng…ang mga TAPES na umiikot sa Pinas, ay produktong ng SARILING TAPE RECORDING ni Mang Virgilio, di po ba? At bakit naman kaya gagawin ni Mang Virgilio ang itape ang mga phone conversations niya???
    Obvious ba? Isa, para sariling proteksyun niya, op course. Pangalawa, (ayan pasukan na nating ng malicia) – aba, eh kung may prueba kang hawak na ang isang pulitiko ay humihiling sa iyo ng hindi kanais-nais at masagwa, eh di…HAWAK MO SIYA…di ba?

    11. TSAPTER ONE pa lang ito. Madami pang katanungan na dapat siyasating ng lubos upong mabunyag ang tunay at kapani-paniwalang katotohanan.

    a.) Alam na daw ng Malakanyang – bago pa nagkausapan sa telefono si Garci at si M’am…na panalo na si GMA, base sa surveys, sa trending, at iba pang pagsusuri. Kung ganoon, bakit pa tumawag si M’am para manigurado????

    ETO ANG SAGOT DIYAN: “4daEXTRA-EDGE ADVANTAGE” Merong taga-La Salle noon. Straight A ang mga grado. Candidate for top honors. Summa Cum Laude. Pero, noong last exam na, before mag-graduate, nagkaroon ng “exam leakage”. Akalain ninyo bang sumabit ito sa exam leakage? Dahil gusto lang niyang siguraduhin na HINDI SIYA MAGKAKAROON NG GRADE LOWER THAN “A”..(requirement ng Summa Cum Laude honors yan no grade other than “A”). NAHULI. EXPELLED. Ngayon congressman na. hehehehe. Galing ano?

    b.) ISA PANG KABABALAGHAN NA NAKAYAYANIG DIBDIB: Ito daw ay alam na ng mga kinauukulan, matagal na. Pero, walang expose, walang ginawa. Ang autoridad? Oo. Pero bakit ang media, sa parehong panig or kontra panig walang kibo din? Anong sagot diyan???

    Aba, Happy Thanksgiving, nga pala….Araw ng pasasalamat…na tayo ay…buhay pa….

    Pepeton

    November 24, 2005 at 12:07 am
    Welcome home, Garci
    Maliban kay Mrs. Grace Garcillano, asawa ni Virgilio Garcillano, wala pa akong narinig o nakitang nagsabing nakita niyang buhay ang nawawalang dating Comelec commissioner.

    Ngunit, sige na. Bigyan na natin ng halaga ang sinasabi ni Mrs. Garcillano na bumalik nga sila dito sa bansa dahil pagod na raw sila sa kakatago sa ibang bansa. Oo nga naman, ano ba namang klaseng buhay ‘yan na natatakot ka makita ng ibang tao.

    Ang matalinghaga sa akin ay kung bakit pinayagan ng Malacañang na bumalik si Garcillano. Alam naman natin na hindi naman naka-alis sa bansa si Garcillano na walang karecord-record sa immigration kung walang pahintulot ang Malacañang. Ginagawa naman nila masyadong tanga ang taong bayan sa kanilang pagmaang-maangan kung paano nakalabas si Garci.

    Hawak ng Malacañang sa leeg si Garci. Kahit ba nahirapan siya sa buhay na patago-tago, kung ayaw ng Malacañang, wala rin naman siyang magawa. Bakit siya pinayagan bumalik dito kung saan hindi siya titigilan ng media at ng oposisyon?

    Sinabi ni Mrs. Garcillano na handa raw humarap sa Congress ang kanyang asawa kung ilalabas ng oposisyon ang lahat na tape dahil doon raw maririnig ang ibang miyembro ng oposisyon na nakikipag-usap rin kay Garcillano.

    Mukhang patuloy ito ng kasinungalingan na sinimulan ni Arroyo at ng kanyang mga alagad bago pa ang eleksyon ng 2004.

    Hindi mangyayari ang sinabi ni Garcillano dahil wala ng ibang tape. Kung nakipag-usap man si Garcillano sa miyembro ng oposisyon, ang gamit noon ay ibang cellphone. Hindi yun ang nai-tap ng military intelligence (ISAFP) na siyang nagsagawa ng wire-tapping.

    Maala-ala natin na sa testimony ni Michaelangelo Zuce, ang pamangkin ni Garcillano, binigyan ang Comelec commissioner ng cellphone ni Lilia “Baby” Pineda, ang asawa ng sinasabing jueteng lord na si Bong Pineda. Hotline raw yun sa Malacañang. “yun ang naka-wiretap na cellphone.

    Malacañang ang nagpa-wiretap kay Garcillano dahil hindi sila tiwala sa kanya. Alam nilang bayaran siya kaya takot sila na baka makuha ng oposisyon sa mas malaking bayad. Kaya gusto nilang siguraduhin na alam nila ang pinaggagawa ni Arroyo.

    Hindi naman akalain nina Arroyo na lalabas ang tape. Sino naman ang mag-akala na mangyari yun. Sa akin, kahit sabihin pang pera ang rason nang paglabas ng tape, kamay pa rin ng Panginoong Diyos ang sa likod nito lahat.

    Kahit pa kausap ni Garcillano ang mga myembro ng oposisyon, hindi yan nagpapawalang sala kay Arroyo. Kung may kasalanan ang nasa oposisyon, imbestigahan. Ngunit hindi yun dapat gawing panggulo sa kasalanan na ginawa ni Arroyo na pagnakaw ng boto ng taumbayan.

  2. bfronquillo bfronquillo

    MAAARI bang huwag na nating pansinin si Garcillano?
    Ang tutuo ay tapos na talaga ang paglilitis sa Garci Tape Controversy. Matagal nang pumasok ang hatol ng sambayanang Pilipino – Si GMA ay GUILTY ng pandaraya sa nakaraang eleksiyon at ang tunay na nanalo ay si Fernando Poe Jr. Pero si Gloria ang nakaupo bilang Pangulo ng Pilipinas.
    Tapos na ang kuwento at ang biro ay sa lahat ng Pilipino. Kung bumalik na si Garcillano ay wala akong pakialam. Bayaan na siyang mainis na walang pumapansin. Kalimutan muna natin ang lahat at salubungin ang Pasko na masaya.

  3. Dina Ya Dina Ya

    ate ellen:

    tama ka. wala akong pakialam kung sino pa ang kinausap ni garci – malakanyang man o oposisyon. ikulong. sipain. sukang suka na ako sa double standard morality na umiiral sa lipunan natin. or is something really wrong with the filipino psyche?

    subukan nyang magsinungalng at pupulbusin ko ang mga buto nya sa pagpalo ko ng bakya ko. 🙂

    pepeton: puro ka conspiracy theory, isulat mo sa sarili mong blog yan… labo mong magsulat…. parang kalat din ang pagiisip. sorry ha? tell me where your blog is, dun tayo magsulatan. blog ko sana, kaya lang busy e, pang net cafe lang po ako.

    bfronquillo: ganun na lang po ba un? alam mo nang guilty tapos tatahimik ka na lang? salubungin ang pasko? bertdey ni Kristo? na siyang lumaban sa kalokohan nung mga panahong yun? sus…

  4. gimik ng malacanang yang pagbabalik ni garci para takpan panandalian yung fertilizer scam at marcos fund habang hindi pa nasisilaban yung mga opisina na kinalalagyan ng mga dokumento o ebidensya.

  5. Onin Onin

    E ano kung bumalik si Garciliano? wla naman mababago. Lalo lang na ha highlight ang katangahan ng mga pinoy,Nakaka buwisit na marinig o makita sa telebisyon o pahayagan…may nalutas ba? o may nalinawagan ba sa isyu lalo lng gumugulo..Iyun na lng pag tatanga tangahan ni Immigration Commissioner Alipio Fernandez sa interview ni Ted Failon sa TV patrol nakakasuka na, tanong ni Ted Failon kung di ba raw NAIINSULTO si Fernandez na nakaalis, nakabalik si Garci sa Pinas, nang wlang kahit anong record sa Immigration o nakakita man lang? Kung ano ano ang isinasagot..na irrelevant at immaterial sa tanong..sinabi na lng ni Ted Failon..THANK YOU.. tapos ang interview, nasisikmura nila yun..Diba dapat magresign na lng sila..Sayang ang ipinapasweldo sa kanila..

  6. Dina Ya,

    Pag nakita mong talo ka na, dahil mali ka, umatras ka na. At talagang hindi ka lulusot. Sa katotohanan. Or sa akin. Hindi mo ako kayang linlanging ng mga kilos na padaskul-daskul. You are out of your league. Magaral ka pa. Magbasa ka pa. Magisip ka pa. At sumulat ka pa ng matino Para pag oras na ng masinsinang pagbabtikus, may laman ang iyong mga
    binibigkas. “Reading makes a ready (able) man. Writing, an exact (accurate) man. Discussion, a complete man.
    Nasa first phase or first stage ka pa lang ng “intercourse sa cyberspace”.

    Kaya hindi umaasenso ang Pilipinas ay dahil sa mga ganyang klaseng pagbabtikus. Noon ngaw-ngaw kayo ng ngaw-ngaw..ILABAS SI GARCI…o, eto na ngayon, dadating na daw…

    But pinsasingawan lang kayo ng “ilabas lahat ng tape…dahil madaming iba pang pulitiko ang tumawag sa akin…” ANOOOO? Nataranta na agad kayo? Ngayon, wala na kayong pakialam kung dumating si Garci or hindi?

    Teka, Dina Ya, bfronquillo, alagad ba kayo ni Ping Lacson?

    Ang tagal tumahimik ni Ping Lacson…magmula noong yung bata niyang si Michael Ray Aquino ay “na-indict” sa USA…kasi pinayuhan siya…”Keto ka muna, Chief…iba sa isteyts…”anything you say can and will be used against you in a court of law…you have the right to remain silent…” (kaya better keep your fucking mouth shut). Tumahimik ng mga ilang linggo din yung mama…ngayon, bumanat na naman…

    Ang pagbalik daw ni Garci ay “staged by Malacanyang”…Kayo naman ay sakay din…Oo nga…magsisinungaling lang pala si Garci…bakit pa siya babalik???”

    Wala pang sinasabi si Garci, hoy! Ang nagsalita pa lang ay si Grace, according to the reporter who interviewed her. Paano ninyo nalaman na accurate ang report ng reporter?
    Banat agad kayo…

    Si Pichay, banat din…nakausap naman daw niya si Garci. Gusto daw ni Garci, siya ang in charge sa custody ni Garci.

    Meron namang isa pa, sumulat daw ng libro si Garci where “he told it all….”

    Kayo naman ano naman ang reklamo ninyo???? – BINAYARAN SI GARCI???? Tanong ko, MAGKANO? Kelan binigay ang bayad? Madali talagang gumawa ng kwentutan. Napakahirap patunayan…ang KASINUNGALINGAN…hindi katotohanan ang mahirap patunayan…ang katotohanan ay SIMPLI lang. Ang mahirap patunayan ay yang mga binabatikus ninyong puro “allegations at story telling lies…” kaya nagkakabuhol buhol ang mga declarationes ninyo.

    DINA YA, HUWAG MONG SAYANGIN AT AKSAYAHIN ANG PERA MO SA NET CAFE OR CYBERCAFE…Bumili ka ng computer, maski na hulugan…bad investment ang ganyan…lalo na kung ang mga pahahayag mo lang sa internet ay panay “tampo at himutok” dahil YOU ARE ON THE LOSING SIDE.

    Magaral ka pa. Gamitin mo ang pagiisip ng wasto at derecho. Huwag kang magpapadala sa mga nababasa mo sa dyaryo or nadidinig sa radio at telebisyon…hindi ko sinasabing, huwag kang maniwala sa lahat…ang payo ko, huwag kang magpapadala sa propaganda. Mahirap distinguish talaga ang propaganda sa katotohanan. Kailangan mo experiensa. Research. Pagiisip ng wasto. At pakikipagtunggali ng derecho at maranggal. Otherwise, you will always be in the dark…and on the losing side. Kilalanin mo ng husto ang kabayong gusto mong sakyan. Dahil na maski na magaling kang hinete…kung lampa naman ang kabayo mo…TALUNAN KA DIN.

    And I can understand…nakakapikon talaga pag palagi kang nasusupalpal dahil mali ka. Pero, may pagasa ka pa. Don’t give up. Just learn how to give in…when to throw in the towel…and more important, when to come back to fight a better fight.

    Pepeton

  7. penoybalut penoybalut

    sa ibang bansa, kapag nasasangkot sa mga anomalya, kusa na silang nagbibitiw out of delicadeza .

  8. Pang Pang

    e papano si gloria walang delikadesa!!

  9. Email from Alex:
    Hi Ellen.

    Ako si Alex ng Toronto. May sagot ako sa tanong mo
    kung bakit pinayagan ng malacanang na lumantad na si
    Garci, ang sagot; Tapos na ang script. Siguro tapos na
    ang script na malamang ay puro kasinungalingan na
    naman (ano pa nga ba?). Sana si Mike Defensor ang
    gumawa ng script para masaya. Napanood ko sa balita na
    sumusulat pa raw ng libro itong si Garci, mukhang pera
    talaga! Pinagkaperahan pa ung pako na gagamitin sa
    krus nya. Siguradong may partisipasyon na naman ang
    mga alipores ni Arrovo dito. Abanagan natin ang
    premiere night ng bagong drama sa panulat ni Defensor
    at Bunyi at sa dereksyon ni Ermita at Gonzales.

    Sa ibang isyu, magpasalamat pa rin si gloria at
    apelyedo lang nya ang mali ang spelling. Buti at hindi
    naging Fernando Poe Jr ung nasulat sa 100. Wala syang
    karapatang magalit dahil sa unang banda hindi naman
    pangalan nya ang dapat nakasulat dun. Sa umpisa pa
    lang mali na ang gobyernong iyan kaya lahat ng
    nangyayari ay puro mali….siguro ang tawag dyan eh
    karma !!!

    Tungkol naman sa mga ospital na nagsasara, sino ang
    dapat sisihin? sino pa? eh di si gloria. dahil hindi
    nya mapaganda ang ekonomiya kaya nag-aalisan na ang
    mga medical professionals sa pilipinas. Ikaw ba naman
    ang mag-aral ng 10+ taon sa unibersidad tapos ang
    dadatnan mo ay bulok na mga ospital at mababang
    pasweldo eh siguro mag-iisip na ako na mangibang
    bayan. Maraming doktor dito sa toronto na sa pagiging
    nurse o caregiver ang bagsak. May nakilala pa nga ako
    dito nung mga unang buwan ko sa pakikipagsapalaran
    dito na isang doktor sa pilipinas pero sa factory ng
    underwear nagta-trabaho. Ganyan ang realidad na
    hinaharap ng mga professionals na nangingibang bayan
    lalo na dito sa Canada. Dahil hindi pareho ang
    educational system, karamihan sa mga nakatapos sa
    pilipinas ay kailangan pang mag-upgrade ng kanilang
    edukasyon, ung iba dahil sa hirap ng buhay ay walang
    maipanustos sa pag-aaral kaya napipilitan na
    magtrabaho sa mga factory at fastfood chains. Tingnan
    mo gloria ang ginagawa mo sa mga kababayan mo!Habang
    ikaw ay nagpapakasasa sa malacanang, may mga kababayan
    ka na nagtitiis sa ibang bansa tapos inaangkin mo pa
    ang karangalan na dapat ay kanila sa ginagawa nilang
    pagtulong sa pag-angat ng piso. May mga natutulog sa
    kalye, walang makain samantalang ikaw at iyong mga
    kampon ay nagpapakasasa sa perang di naman inyo. Payo
    lang sa mga bayaran na dumadalo sa mga speaking
    engagements ni donya gloria, mangyari lang po na
    dumistansya kayo sa stage dahil hindi natin alam kung
    kailan mapupundi ang Diyos sa kakagamit nitong buliit
    na ito sa pangalan nya, di natin alam baka bigla na
    lang tamaan ng kidlat yang si gloria. Alam naman ng
    lahat na nakikinig kayo sa kanya kapalit ang maliit na
    halaga na pwede na ring ipantawid gutom. Sinong tao ba
    na nasa tamang katinuan ang magtityagang makinig sa
    kasinungalingan kung walang kapalit.

    Salamat Ellen…… nakapaglabas na naman ako ng init
    ng ulo …..whey !!!! hehehehehehehe.

  10. romeo romeo

    dapat kay garcillano binibitay na kasama na pati mga kauri nya. tutal wala na naman syang paggalang sa karapatan ng mga tao, lalo na ang pambababoy sa eleksyon, isama na si gloria…. HOY GLORIA.. NASA KASAYSAYAN KA NA NG PILIPINAS. mababasa ito ng mga kaapu-apohan ko. ANG UNANG PRESIDENTE NG REPUBLIKA NG PILIPINAS NA NAPAKAKAPAL NG MUKHA. WALANG HIYA. MAGNANAKAW, KURAKOT.. SINUNGALING .. !2###@$%! MO!

  11. romeo romeo

    pahabol pa…

    ANG KAKAPAL NG MGA MUKHA NIYO.. ipagbu-BUNYE ng mga tao ang kamatayan ninyo.. mga baboy kayo.. kala nyo GLORIA na yang tinatapakan nyo.. ginaGARCILLANO na kayo.. ANG BABABOY NG MGA HALIMBAWA NYO! SINUNGALING.NAGPASIMULA KAYO NG MALAWAKANG PAGTUTURO NG KASINUNGALINGAN SA SAMBAHAYANG PILIPINO.

  12. Terrific site. Very nice blog template you have too. I read through most of the comments and they seem to be right on the money. Great job, keep up the great blog efforts.

    -Tim

Leave a Reply