Skip to content

Ang mga Pilipino sa Lebanon

Nang mabasa ko ang banatan na naman ngayon sa Lebanon, naala-ala ko ang anak ng aming kapitbahay sa Antique.

Ang pangalan niya ay Rizalina at mga 20 anyos siguro. Namasukan bilang katulong sa Iloilo at sa Maynila. Katulad ng maraming mga Pilipino na ang ambisyon ay mag-abroad, nabalitaan niya na may nanganga-ilangan ng katulong sa Lebanon. Nag-apply siya at nakuha naman.

Nang sinabi niya sa akin yun noong isang taon, na pupunta siya sa Lebanon, sinabi ko sa kanyan, “Naku, may giyera sa Lebanon!” Parang wala lang sa kanya at excited siya mag-abroad.

Sinabi ko sa kanyang nanay na delikado sa Lebanon at maraming kasong ng rape ng katulong doon. Parang wala rin lang sa nanay niya dahil gusto rin niyang mag-abroad ang anak. Akala siguro parang Hongkong ang Lebanon.

Noong Abril, ipinagmamalaki niya na nakakatanggap na siya ng dolyar mula sa anak niya sa Lebanon at inggit naman ang ibang kapitbahay namin.

Sinabi ngayon ng Department of Foreign Affairs na libo-libong Pilipino ang nasa panganib dahil sa bombahan sa pagitan ng Israel at ng Hizbollah.

Matindi at malalim ang away ng Israel at mga Palestinians na Hizbollah. Medyo humupa ang sagupaan nitong mga nakaraang taon nunit umigting na naman noong isang linggo dahil sa pag-atake ng Hezbollah ng isang barko ng Israel sa pamamagitan ng missile. Kaya binobomba ng Israel sa mga Hizbollah sa Lebanon.

Mga 30,000 ang mga Pilipino sa Lebanon, karamihan ay domestic helper. Maraming kaso ng rape na ang nai-report sa DFA at sa Department of Labor. Meron ngang kaso noon na tumalon sa bintana ng gusali ang dalawang katulong para lamang makatakas sa paglulupit ng kanilang amo. Humingi sila ng tulong sa Philippine embassy ngunit hindi sila tinulungan.

Sinabi ng DFA na may simbahan katoliko raw sa northern Beirut na ang pari ay Pilipino at marami nang Pilipino doon ang nakisilong. Parang evacuation center na ang simbahan. Ngunit mga 5,000 lang daw ang kaya nilang tanggapin.Naghahanda na raw ng evacuation and embassy doon.

Ito ang napapala ng mga Pilipino sa itinataguyod ni Gloria Arroyo na manpower export para lamang may pangsustento sa kanyang pamahalaan. Ipinagyayabang niya na dumadami ang mga Pilipino na pumupuntang abroad bilang OFW. Ipinagmamalaki niyang lumalaki ang remittances galing sa OFW. Wala siyang paki-alam kung sila ay nanganganib.

Sa halip na isa-ayos ang bayan para makapa-patayo ng mga negosyo, ang mahalaga sa kanya ay may makurakot na pera para pansuhol sa mga tumulong sa kanyang pandaraya hindi lamang nong 2004 elections kungdi sa araw-araw na pamamalakad ng bayan.

Nakaka-iyak ang sitwasyon ng Pilipino.

Published inWeb Links

386 Comments

  1. jorgie jorgie

    Bakit hindi takot sa mga panganib ang mga Pilipino natin sa ibang bansa? Sa kabila ng kidnapping, hostage taking, rapes, patayan at iba’t ibang mga panganib ay patuloy pa rin silang nagtitiyaga at nagtitiis doon tulad sa Lebanon. Simple lang ang sagot: Para sa kanila walang ibang paraan para makahaon sa hirap sa atin. Ang sakripisyo nila ay para din sa mga mahal nila sa buhay. Kung hindi sila kikilos paano na? Hindi naman maaasahan itong pekeng gobyerno ni tiyanak. Itong tiyanak na ito imbes na gumawa ng paraan para bumalik o manatili na lang sa sariling bansa ang mga Pilipino ay itinutulak pang palabas. Sa katunayan, nakiusap pa sa mga bansang dayuhan na huwag paalisin ang mga ilegal na Pilipino doon. Anong klaseng pinuno ng isang bansa itong tiyanak na ito? Ano kaya kung siya ay isang OFW? Sa liit niya ay baka hindi niya malinis ang bintana ng kanyang amo at ihulog na lang siya sa itaas ng bahay!

  2. Amen to that,jorgie!
    May kamag-anak din akong na-recruit ng UN; Dinadala sila
    sa iba-ibang lugar na kailangan ang serbisyo nila. Nung una sa Baghdad, ngayon ay nasa Congo. Gusto nga raw nyang malipat sa Syria o Afghanistan para DOBLE ang suweldo.

    He used to be a government employee serving in one of the most important sector….kaya lang, sa liit ng sweldo, napilitan siyang umalis kasi may anak na. Para raw sa Pamilya. Ganun yata talaga: TIIS kasi walang pakialam ang kurakot sa gobyerno:Nagpapasasa habang ang mga OFWs ay naghihirap magpadala ng dolyar sa Bansa! Hinahakot naman ng mga ganid papuntang switzerland at amerika!

  3. Isagani Isagani

    Talagang masaklap ang kalagayan ng mga na diasporang pinoy. Lalo na yung mga walang pag-asa kundi mangibang bayan. Di lang sa lebanon, ngunit sa irag, saudi at iba pang bayan sa buong mundo. May liwanag kaya sa dulo ng kanilang, NG ATING, pag lalakbay?

    Ang sabi ng kaibigan ko, gusto na raw umuwi ng mga magulang niya sa bulakan. sa pinagsamang social security pension ng mag-asawa na kulang-kulang ng $3,000, isip nilang maligaya ang kanilang hinaharap sa pinas sa iilang taong natitira sa kanilang buhay.

    Ang problema ay ang pangamba na sa halip na matamasa nila ang premyo ng kanilang pinaghirapan, ay mahirapan silang muli. nangibang bayan ang mag asawang ito ng panahon ni macoy. masigasig silang nag trabaho at sa kanilang pagsisikap at sakripisyo ay nabigyan ng magandang kinabukasan ang kanilang mga anak at ilang sawing kamaganak.

    Pero ito, deja vu, all over again, ang tinakasan nilang halimaw noon ay nariyan muli.

  4. jorgie jorgie

    Salamat Kabayang Isagani. Si Isagani Cruz ka ba? May tanong lang po ako sa inyo: Sakaling hindi talagang mapigilan ang patuloy na pag-alis at pagdami ng mga OFW, saan pong bansa ang sa tingin niyo na dapat sila pumunta at magtrabaho? Sa Japan? Balita ko po number one ang bansang Hapon ngayon…

  5. Diego K. Guerrero Diego K. Guerrero

    Kapit patalim ang mga OFW. Wala tayong maasahan sa bulok na gobierno at pekeng pangulo Gloria Pidal Arroyo. Baka may lagay pa sa evacuation processing center.

  6. @Diego:
    Malamang. Sa hangad na makaalis nang buhay sa Evacuation Center, baka magkaroon din ng lagayan: may ginagaya eh!

    @jorgie: Karamihan ng nasa Japan ngayon ay kasama sa “Trainee Program”….Most are into three-year programs.

  7. jorgie jorgie

    Off topic lang po ito. Matagal nang balita at naniniwala ako na isang gambling addict si Manny Pacquiao. Lalo na nang mapasama siya sa grupo nina Mike Arroyo at Chavit Singson. Here’s a recent report about his gambling habit:

    Pagcor managers are happy to see a new high roller in their casinos.

    Silahis casino dealers are talking about boxing champ Manny Pacquiao and Team Pacquiao descending on the Roxas Boulevard casino after winning his fight with Larios. The Pacman was making million-peso bets and ended up losing P15 million. Already known for big bets on cockfights and billiards, the Pacman has added baccarat to his gambling repertoire. Will he knock out the casinos too?

    As a confirmed big-time gambler, one is tempted to ask, did he place a bet that Larios would last 12 rounds? Pacquiao can make as much as P1 billion this year. He should make about $10 million (or P530 million) from his fight purses, and another P500 million from advertising promotions. Will the Bureau of Internal Revenue (BIR) tell us how much taxes it has collected? Isn’t he subject to withholding tax? After all, the BIR has docked Regine Velasquez, Judy Ann Santos, Ruffa Gutierrez and Richard Gomez for underreporting income from TV ad appearances.

  8. jorgie jorgie

    @jorgie: Karamihan ng nasa Japan ngayon ay kasama sa “Trainee Program”….Most are into three-year programs.

    Taipan, sinong trainer nila? Kilala mo ba? Balita ko iyong isang kasama natin dito.

    Anyway, wala nang natitira sa Pilipinas. Pati mga Dean at high level staff ng nursing schools at hospitals sa atin umaalis na. Paano na ang mga kababayan natin? I don’t want to imagine what would happen to our country in the years to come….

  9. As far as I know, they are recruited by the owners of factories….directly, that is. And trained by some agencies in major cities in Inang Bayan like Cebu, Davao…etc.

    Wala na ngang skilled workers na matitira kapag nagkataon. Halos lahat ay nag-aabroad na. Di hamak na mas malaki ang natatanggap kaysa sa atin, eh.

    If only there are better jobs in Pinas that pays well, maybe Kababayans wouldn’t want to leave our country.

  10. Isagani Isagani

    jorgie, kung saan sila tangapin. pero hindi yan ang issue. ang mahirap ay ang programa ni gma na alila ang iniisip. na brain wash na ang common tao na hangan diyan lang sila. Dahil mabilis at madali ang pag-alis. madali at mabilis din ang remittance para kay gma. kung ang pakay ay mag paalila, alila ang hahantungan. Hindi ba alam ni gma ang hirap ng maging atsay? lalo na sa mga arabo o conservative muslim, na ang mga babae e walang karapatan?

    Teka, dapat alam ni gma yan. me history ang linya ng pamilya niya diyan. hindi kay lakandula o lapu-lapu na gusto nilang paniwalaan, ngunit sa labanderang kanyang pinagmulan.

    No offense sa mga labandera ang pamumuhay.

  11. jorgie jorgie

    Sasabihin na naman ng mga tuta ni Pandak na siya na naman ang sinisisi sa pagkawala ng mga skilled workers sa Pilipinas. Pero sino na naman ang sisisihin? Si Jose Rizal, Marcos, Erap? May nangyari ba sa atin sa pag-upo nitong Pandak sa loob ng anim na taon? At tatlong taon pa tayo magtitiis sa ilalim ng kanyang mapang-abusong administration. At posible pang maging Prime Minister ang gaga o kaya’y mag-Martial Law. Wala nang ibang paraan si Pandak kundi manatili sa poder. Kung wala na siya sa kapangyarihan, isang tambak na kaso ang ibabato sa pangit niyang mukha at pati ang kaisa-isang nunal niya ay matanggal sa lakas ng pagbato. It’s because she’s going to lose her immunity if she’s no longer in power. Iyon lang na wala siyang kasalanan ay igagawa siya ng kasalanan ng mga kaaway niya. Tingnan niyo na lang ang nangyari kay Erap. Siya pa kaya na kasing taas ng Smokey Mountain ang mga atraso niya?

  12. jorgie jorgie

    Isagani, tama ka…people’s minds have been conditioned into being DH or working odd jobs abroad. Iyan ang dahilan kung bakit kahit na mga titulado at professional ay pumapayag na magpaalila sa ibang bansa. If only our OFWs could be more assertive of their rights, then they would not suffer. Pero marami kasi sa kanila ang walang papel o illegal. Sa Amerika na lang, maraming illegal na kahit ano na lang trabaho tinatanggap basta may makain at maipadala sa Pilipinas.

  13. Nakakalungkot isipin na halos ang mentalidad ng Pinoy eh hinubog na yata na maging DH sa ibang Bansa. Napabalitan pang merong titser na nagpapa-DH sa HK! Until the US cried for more teachers……
    Hence, broken families and other related problems wreck havoc on the Filipino family.
    Nakakasuyang isipin na ang tanging nagtatamasa ng mga dolyares na remittances ng ating mga OFWs eh yung mga nagtatabaang TONGressmen at senaTONGs, isama mo pa ang pekeng huwad na nasa may Pasig.

  14. jorgie jorgie

    Ladies & Gentlemen: Do you know that the Philippines also has missiles? These can be launched to other countries even as far as North America? If Israel has missiles being launched into Lebanon and North Korea plans to launch one hitting America, the Philippines has thousands of missiles ready to be launced at a short notice. These missiles are our OFWs.

  15. jorgie jorgie

    Hanga din naman ako sa DH, taipan. Napanood ko noon iyan…ang “Dirty Harry” ni Clint Eastwood. Kidding aside, nakakaawa talaga ang mga Pilipino. Sa kaunting kita na dolyar, maraming pamilya ang nawawasak. Ilan sa mga naiwang asawa sa Pilipinas ang kumaliwa o sumama sa ibang mga lalaki o babae? Ilan sa mga anak ang sabik at uhaw sa pagmamahal ng isang ina o amang wala sa piling nila? Lalo na kung ang mga magulang ay parehong nasa abroad? Anong saysay ang mga perang ipinadala kung sa paglaki ng mga bata’y wala sa piling ang dalawang magulang? Tuloy marami sa mga kabataan ang naging masama, nabuntis, nalulong sa droga at iba pang bisyo.

  16. jinxies6719 jinxies6719

    18 July 2006

    Tama ang iyong pagaka detalye “jorgie” marami sa ating kababayan ang nagtitiis magtrabaho sa ibang bansa para mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanilang mga anak. Subalit ang kapalit nito ay ang pagkabuwag ng pamilya, ano nga naman ang magagawa ng pera kung ang pamilya mo naman ay watak-watak, di makatuwiran ang ginagawa ng gobyerno na magpadala ng mga pilipnong manggagawa sa ibang bansa, subalit dahil nga sa kawalan ng trabaho sa ating bansa, kapit sa patalim na sila ay magtiis alang-alang sa kanilang mga pamilya. Dapat punan ng ating pamahalaan ang kawalan ng trabaho dito sa ating bansa, subalit papaano magagawa ito???tama ang maghikayat ng mga mamumuhunan sa ating bansa at tanggalin ang korapasyon.

    jinx

  17. Isagani Isagani

    meron akong ka opisinang intsik. Sabi niya, Isagani, alam mo, ng nadistino ako sa hongkong nakakuha ako ng maid na taga pinas. naku nagkalat pala ang mga pinay na titser dun na gustong maging maid.

    Hehehe, alam ko na nantutuya ang hayopak, kaya sabi ko: Oo nga, that’s true, and I hope that they are treated fairly. There are many people in this world who like to take advantage and benefit from the misfortunes of their fellowmen.

    That was the last time I heard her talk about ofws.

    Now, nagkataon lang na intsik yung officemate kung yun. So, it does not mean na ganyan ang lahat na intsik.

  18. Spartan Spartan

    By listening to the reports, it seems that majority of the OFWs deployed in Lebanon are women, mostly DH. Nakakalungkot at nakakahabag ang kanilang magiging “sitwasyon” sakaling ang kasalukuyang “siwasyon” sa pagitan ng Israel at ng Hezbollah would “drag” the Lebanese governement into a “full blown conflict”. Maiipit na talaga ang mga kawawang kababayan natin sa “gulo”….remember Kuwait, in the 1st Persian Gulf War…madaming “report” ng “abuses” sa mga kababaihang pinoy na nalasap nila. Ang problema, iyong ibang bansa like France and England, nuong isang linggo pa sila “nagpadala” ng mga eroplano para ilikas ang kanilang mga “nationals”…itong ating bansa, dahil busy si Gloria sa “pamamasyal” at “pakiki-pag-party” kay Bolkiah, ay walang “aksyon” na ginawa…typical pinoy mentality na “wait for the last minute”. Ayun, niyari na ng mga Israelis yung Beirut Airport, “goodbye” na ang “air evac” option ng bansa natin. Tapos, iyuong magaling na “damontres” na “embahador” ng Pilipinas sa Lebanon, ayun at nasa Pilipinas na pala….umuwi na pala ang “KUMAG” at iniwan nang “bahala sa kanilang mga sarili” ang mga pinoys at pinays sa Lebanon. Yan ang “rehimen” ni Gloria….PWE!!!

  19. jorgie jorgie

    Isagani, maganda ang kuwento mo. Ang salitang “gani” yata ay salitang Ilonggo. Ano kaya ang ibig sabihin ng isa gani sa Ilonggo? At ano naman ang ibig sabihin sa Tagalog ang isang ganid?

    The mistake of most people is to generalize and stereotype.
    Hindi porke nasa gobyerno lahat ay masasama na. Hindi porke tauhan ka ng administration ay masama ka na. There’s always a basic kindness in a person no matter how bad he is.
    In fairness to bansot, deep in her heart she may really want to change and improve the country’s condition. Of course she also wants to be remembered in history as someone even as a fake president who has tried her best to help the country. Ang problema kasi patuloy niyang binabayaran ang mga utang niya sa mga tumulong sa kanya sa election at pag-upo. Nandiyan ang mga Heneral, mga pulitiko, mga malalaking negosyante, mga simbahan (hindi lang CBCP). Sa pagnakaw niya ng kapangyarihan at sa lahat ng kanyang kasinungalingan, hindi na naniniwala ang mga tao sa kanyang sinasabi kahit tutoo. Wala nang naniniwala kahit na pilit niyang gawin ang paraan para sa bayan. Iyan ang predicamente ni bansot. Basang basa na siya. Eh kasi ba naman pati si Lucifer binola niya…ayon baka pati sa impiyerno hindi na siya tatanggapin doon!

  20. goldenlion goldenlion

    Jorgie, talagang si gloria ang sisihin ng tao sa mga nangyayari sa ating mga OFWs sa Lebanon. Sabi ni pandak ay siya ang nanalong presidente noong eleksyon, e di pangatawanan niya!! Siya ang mamroblema kung paano iuuwi ang mga Filipino doon sa Lebanon. Takaw niya sa posisyon eh, buti ng asa kanya. Well, doon sa mga alipores ni bansot, sorry na lang kayo, pinagtatakpan nyo kasi ang kasinungalingan ng amo nyong pandak, e di tanggapin nyo ang hatol ng tadhana. Pwee!!!

  21. Spartan Spartan

    “duduy”, deep in her heart she may really want to change and improve the country’s condition….ang “isda” sa bibig talaga nahuhuli….hehehe. At ang “isda” kahit sabuyan mo at ibabad sa “pabango”…amoy isda pa rin. Ang KAPAL talaga ng MUKHA ng mga “mapag-balatkayong” anti-gloria dito. Ewan ko…pero talaga naman, how could some people would have the “guts” to say such “comment” in here…kundi talagang “gusto” lamang “IPILIT” yung kanilang “adhikain” na MANGGULO at GULUHIN ang “KATOTOHANAN”. Which “condition of the country” ang gusto talagang “pagbutihin” ng “AMO” mo??? Nagbukas na ang mga “klase sa mga pampublikong paaralan”, pinagyabang ng “GILAGID” na yan na walang KAKULANGAN sa mga silid-aralan….pero ano? You would see thoudands of gradeshoolers and high shool students doing “classroom sessions” under the “alatires trees”. QC General Hospital…tumutulo, ER mamamatay ang pasyente imbes mabuhay dahil WALANG GAMIT…ngayon, me isang “baliw” dito na “magsasabing”…”deep in her heart she wants to improve the condition….”. eFf yoU Cee Kay whY Owe yoU !!! 😛

  22. Dominique Dominique

    Busy si Arroyo sa pagpi-PR kay Ghadaffi sa Libya habang nagtatakbuhan ang kawawang mga Pilipino sa Lebanon. Nakipagnegosasyon raw ng “friendly prices” para sa oil supply. Sino ang inu-ulol niya. Di ba ganoon rin ang press release niya noong pumunta sa Saudi Arabia?

    O nasaan ngayon ang kanyang “friendly prices”?

    Ang oil producing countries ay magbebenta sa kahit kanino basta may pera. Assured ka ng “stable” supply basta may pera ka. Hindi ka na kailangan gumastos ng milyon para ng magliwaliw sa buong mundo at manloko ng taumbayan.

  23. jorgie jorgie

    Ganito ang pagbati ng bawa’t isa nang magkita si Pandak at Khadaffi:

    Pandak to Khadaffi: Hello Khadaffi !
    Ghadaffi to Pandak: Hello Khadiri ka!

  24. juanmapagpalaya juanmapagpalaya

    tama ka dominique… matagal na tayong niloloko at ginagago ni gloria at ng kanyang mga asong gutom! ginagawa tayong mga tanga! mga demonyo talaga ang mga ugali!!! kulang na lang paalisin (ang iba ay pinapatay) lahat ang mga taong kumokontra sa kanya at itira ang mga taong sunod sunuran sa kanilang kapritsohan! tamaan sana sila ng kidlat para malaman nila galit ang Diyos sa kanila!

  25. nelbar nelbar

    ang kasalukuyang israel blitz (2006 arab-israeli war) ay gagamitin ng grupong jewish interest sa US para pang bargain sa troop pull out sa Iraq kapalit ng Arab world recognition of Israel.
    kung mapapansin nyo sa western media, pilit na isinasama at idinadawit sa labanan ang syria at iran.

    Tungkol naman sa GMA-Khadaffi affair, ito ang isa sa mga gusto ng amerika.Ang malaman ang mga loopholes ng Arab world-US/West relationship.

    Sino ang inu-ulol ni GMA: hanggat nagpapaulol ang sambayanang pilipino, uululin at uululin lang sila ni GMA.

  26. jorgie jorgie

    juanmapagpatawad, patawarin mo na si tiyanak. Minsan lang naman magkamali at magkasala iyong tao eh…minsan lang sa isang araw.

    Kaunting pasensiya at tiyaga…malapit na ang araw ng kaligtasan…kaligtasan ng mga mamamayang Pilipino mula sa kamay ng mga kampon ni Satanas sa Malacanang!

  27. juanmapagpalaya juanmapagpalaya

    ka jorgie, sa lahat ng tiyanak… si gloria arrovo ang pinakamaladita to the max! hehehe! sana kunin na sya ni Lord at itapon sa dagat dagatang apoy ng impyerno!!!

  28. nelbar nelbar

    From Yahoo News: 
     
     

    WORLD LEADERS STEP UP MIDEAST DIPLOMACY
    By LAUREN FRAYER, Associated Press Writer
    Mon Jul 17, 4:48 PM ET
     

    DAMASCUS, Syria – The United Nations and Britain urged the deployment of peacekeepers in Lebanon and Russia offered troops for any such force, as the U.N. sent an envoy to Israel on Monday in the first big swirl of diplomatic efforts to stem Middle East violence.

    Iran called for a cease-fire and exchange of prisoners, while Israel signaled it was scaling back its demands.

    Israeli Prime Minister Ehud Olmert said Hezbollah, a Shiite militia that controls much of south Lebanon, must free two captive Israeli soldiers and pull back from the border for fighting to halt. An aide to Olmert indicated the prime minister was ready to compromise on his demand that Hezbollah be dismantled, but said he might oppose the idea of international forces.

    The stepped-up diplomacy was the first real movement toward an end to the Israeli-Hezbollah fighting that broke out Wednesday in Lebanon. President Bush and others have come under criticism for taking little seeming action while the Islamic militant group fired rockets at Israel and the Israelis retaliated with airstrikes.

    But on Monday, British Prime Minister Tony Blair joined U.N. Secretary-General Kofi Annan in calling for deployment of international forces to stop Hezbollah from using southern Lebanon as a launching ground.

    “The only way we’re going to get a cessation of hostilities is if we have the deployment of an international force into that area, that can stop the bombardment over into Israel, and therefore give Israel a reason to stop its attacks on Hezbollah,” Blair said.

    However, the U.S. ambassador to the U.N., John Bolton, said the Security Council should delay any action until the U.N. envoy now in the Mideast returns to New York this week.

    That envoy, Vijay Nambiar, expressed optimism about efforts to resolve the crisis and said he would go to Israel shortly with “concrete ideas” on ending the fighting.

    “We have made some promising first efforts on the way forward,” Nambiar, Annan’s special political adviser, told reporters in Beirut. He called time an important factor.

    U.N. Undersecretary-General for Political Affairs Ibrahim Gambari said Nambiar had “very useful discussions” with Lebanese Prime Minister Fuad Saniora and parliament speaker Nabih Berri, an ally of Hezbollah leader Sheik Hassan Nasrallah.

    “They have agreed on some specifics, and this is going to be carried to Israel, and they will probably go back to Lebanon if they are a promising signal. I wouldn’t like to go further on that,” Gambari said. Nambiar went to Israel late Monday.

    French Prime Minister Dominique de Villepin, the highest-level visitor to Lebanon since the crisis began, also urged Hezbollah and Israel to join in a cease-fire and proposed dispatching international monitors to southern Lebanon.

    But he stressed an end to the worst Lebanese-Israeli fighting in 24 years must include the release of the two Israeli soldiers seized last week.

    Blair said assembling an international peacekeeping force could take time. He said Britain would work with other countries although he called British forces, which are part of U.S.-led efforts in Iraq, “somewhat stretched.”

    Russian President Vladimir Putin said his nation would contribute troops to a U.N. peacekeeping force. The European Union said it also was considering deploying peacekeepers in Lebanon.

    Israel, which distrusts the U.N. and views international bodies as pro-Arab, has had bad experiences with international forces and prefers the Lebanese government to patrol the south of the country.

    UNIFIL, an international force already in south Lebanon, failed to prevent the Hezbollah raid and missile firings that triggered the current crisis. Also, a large international force could hinder Israel’s freedom to wage such a large-scale offensive were Hezbollah to attack again.

    Asked about the comments from world leaders on an international force, White House national security spokesman Frederick Jones said, “We’re open to the possibility of that force being necessary.”

    Throughout the conflict, Bush has defended Israel and said he would not demand a cease-fire, despite accusations by other world leaders that the Israelis have gone too far.

    Bush, not realizing his remarks were being picked up by a microphone, candidly expressed his frustration with Hezbollah, a militant Islamic group backed by Iran and Syria, on the margins of the Group of Eight summit in Russia.

    “See the irony is that what they need to do is get Syria to get Hezbollah to stop doing this s*** and it’s over,” Bush told Blair.

    Bush also suggested that Annan call Syrian President Bashar Assad to “make something happen.”

    The White House said it had nothing to announce about a trip to the Middle East by Secretary of State Condoleezza Rice, even though Bush was overheard telling Blair, “She’s going. I think Condi’s going to go pretty soon.”
     
     
     

    ________________
    Associated Press writers Kim Gamel in Cairo, Egypt, Steve Weizman in Jerusalem and Donna Abu-Nasr in Beirut, Lebanon, contributed to this story.

  29. REYMAL0206 REYMAL0206

    Magandang hapon ho sa inyong lahat, tama po kayo jan ate helen isa ho ako o kaming mag asawa na masuwerteng nakapagabroad sa laki ho ng naipapadala namin sa pinas napalaki po talgng tulong lalo na ho at pareho lang kami high school graduate. noong ho akong dating dito sa korea masaya ho talga dahil sa laki ho ng pinagbago ng buhay namin pero lagi din ho ako nagbabasa ng news jan ho sa pinas nakikita ko ho kung gano na kahirap at kagulo buhay ngayon jan simula naupo si gloria.Nagtataka lang ho bakit marami pa rin nasuporta kay gloria san ho ba tayo nakakita ng Presidente ng isang bansa na sa halip na ang kanyang programa eh paunlarin ang kanyang bayan para mamuhay ng maginhawa ang kanyang mamamayan eh baliktad ho pupunta sa ibat ibang bansa para makiusap na gawin katulong ang kanyang mamamayan, totoo marami ang guminhawa ang buhay sa pag aabroad pero di alam ng mga nasa pinas kung gaano karami din ang nasirang buhay sa pag aabroad mga anak na nawala ng magulang mga magulang na nawalan ng anak.Naniniwala ho ako na hindi ang pag aabroad ang tunay na makapag papaangat sa buhay nating mga Pilipino kung magiging matalino lang tayo sa pagpili ng tamang mamumuno sa gobyerno natin may pag asa tayo, ang problema kasi sa tin sinisisi lagi natin mga pulitiko hindi ho basta naupo ang mga yan jan tayo rin ho ang dahilan kung bakit sila ang namumuno sa tin, ngayon galit tayo pero pagbinigyan lang tayo konti pera pagdating ng election sila pa rin iboboto natin nasa atin din mismo mamamayan ang ikapagbabago ng bansa natin magising na tayo…MAGING MATALINO SA PAGBOTO AT MAGING MAPAGMAHAL HO TAYO SA KAPWA NATIN, hindi kesyo hindi tayo apektado hindi tao kikilos yan ho problema natin, hindi mauupo si GLORIANG DEMONYA kahit pa sabihin nandaya kung hindi rin tayo mismo ang nagpagamit…pahabol sobrang kapal na talga nitong si Gloria at mga ibang pulitiko satin pagpupunta sa ibang bansa dami ng kasama, pera ng Pinas inuubos kapal pa haharap sa mga lider ng ibang bansa ganun alam namn sa buong mundo kung gaano kahirap ang Pinas…

  30. Marami kasi ang kapag inalok ng kaunting barya, handa nang ipagbili pati anak nila. Yung inaakala nating “malinis at walang salang” mga Obispo nga, eh….nalalagyan, yun pa kayang si JuanTamad? Sa pamamasyal naman ni ate glue: Hihingi daw ng tulong para maging stable ang presyo ng langis, samantalang ilang bariles kaya ng langis ang ginamit sa kanilang jet-setting spree, kasama ang kanyang alagad? O baka naman sinasamantala na ni glue at malapit na siyang masipa?

  31. Ellen,

    An urgent announcement for our kababayans who may have friends or families in France:

    Following the end of the school year, France is about to expel back to their home country thousands of young people (who were enrolled in French schools in 2005) who have no legal right to live in France, i.e., no residence permit. The expulsion decree took effect on July 7 immediately on the last day of school.

    If any of you have friends in France who do not possess a residence permit or a work permit, please notify them. France will be very hard now on illegal immigrants because of the economic situation in the country.

    The Federation of Philippine Association in France estimates that there are about 20 thousand Filipinos living and/or working in France illegally.

    For Filipinos who might encounter any problems, they should get in touch with a French network called : Education Sans Frontières (Education Without Borders)http://www.educationsansfrontieres.org/

    For the Summer, the Education Sans Frontieres has special telephone number (indigo number) in case of emergency: 08 20 20 70 70 (valid France only)

    Emergency e-mail for the summer: reseaudeveille@no-log.org
    vendredi 30 juin 2006.

    Note: the number is operational only from 3 july to 3 september during office hours on week days but not on week-ends.

  32. Ellen,

    I tried to post an urgent notice for our kababayans who have relatives or friends in France but it didn’t go through…hope it will eventually. Thanks.

  33. Toney Cuevas Toney Cuevas

    Rizalina is another prime example of economic desperation in the Philippines when good paying employment jobs are scarce and only reserved to very few connected. Overseas is somehow the only option left, no matter how dangerous it may be. Of course, Bogus Gloria Arroyo with her blinders doesn’t see it that way. All Gloria cares about is to remain in power even at the expense of the many Pilipinos abroad inspite of the hardship along with it, not mentioning the harassment they’ve to endure from other ethnic groups. This is one of the numerous reasons why Gloria Arroyo must vacate Malacanang, not tomorrrow or the next day, but as soon as possible. The future of the Philippines can no longer wait. Gloria must go!

  34. Emilio_OFW Emilio_OFW

    Walang makapagpapaliwanag ng mabuti sa dinaranas ng pagiging isang OFW kundi ang OFW mismo! Ito ay hindi usapang kuru-kuro kung hindi mo naranasan maging isa sa amin!

  35. jorgie jorgie

    Kung hindi ako nagkakamali nasa Saudi ka ano Emilio? Tutoo…ang OFW lang ang nakakaranas kung anong hirap…hindi ang mga tao sa atin…at lalo na hindi si Pandak!

  36. vendictimus vendictimus

    officemate ko graduate ng UST. nanay nya DH sa HK up to now, at yun ang source ng tagumpay nila sa edukasyon.

    Noong ako’y nasa Riyadh nagtrabaho, nakakasuka ang kahayupan ng ilan sa mga Phil.Embassy Raket. : (1)marriage certificate (para legal kuno magsama)price: SR1,000. pwede rin bibilhin mo ang indonesian na babae (another fee yun) (2)Sadique(home made wine known as Gin Bulag= SR100/1 liter miniral water bottle)& other imported brand na alak. (3) Eto matindi: SR300(+ -)depende: sex sa runaway DH pang pocket money daw. secret yun kailangan contact ang bugaw sa labas at loob ng embassy. Noong ako’y nasa Jeddah naman ganon din, katrabaho ko mismo (Mar) ang contact ng bugaw sa loob ng embassy, may contact din sya sa ibang Red House na ang mga Prostitute ay Lebanese,Syrian,Thailand,China&Phil.(frequent change address to elude police) mas mahal ang Lebanese&Syrian dahil magaganda SR500 (PHP7,000) itoy mga supling ng mga magsasaka sa border ng lebanon at syria. si Mar hindi basta basta nag aalok sa mga pilipino maingat sya, naging close lang sa akin dahil nakilatis nya di ako tarantado. gusto nya akong ilibre minsan pero di bale na, katumbas ng pugot ulo!!! pag nakita mo ang Phil.embassy sa jeddah at riyadh parang squatter ang dating ng mga rented building, madilim ang ilang sulok. mga satanas nagsipagkubli.

  37. Spartan has a correction on a mistake that I wrote. Thanks, Spartan.

    Ma’m Ellen,Pasensiya na sa aking “kaunting” paglilinaw…you wrote that Hezbollah is a “palestinian” organization against the Isrealis…Ma’m hindi po “palestinian” ang HEZBOLLAH (Party of God)…actually po ay Lebanese Group po sila..it was formed sometime in 1982 to “resist” the Israeli occupation of Beirut, iyong HAMAS (”zeal”) ay iyon po ang Palestinian, which was formed sometime in 1987 out of a number of Palestinian “resistance groups”. Kung tutuusin ay “magkasalungat” dapat ang dalawang “grupo” na ito, dahil ang isa ay Shiite Muslim at yung isa ay Sunni.

    best regard,
    Spartan

  38. jorgie jorgie

    vendictimus, wow ang dami mong alam na sekreto at racket sa Saudi at Philippine Embassy. Pati racket ng sex at babae alam na alam mo. I wanna be your friend. Mag-usap tayo.

    Pero sa tutoo lang, hindi lang sa Middle-East nangyayari ang kababuyan at katiwalian ng mga opisyales natin at mga kababayan. Pati sa ibang mga bansa tulad ng Korea at Europa. Dala doon ang kahirapan ng mga OFWs natin. Kaya kung minsan pag-uwi parang iba na ang mga ugali nila lalo na iyong tumagal sa abroad. Halimbawa sa mga ibang babae aalis na dalaga pero pag-uwi ay may karanasan na. Hindi lang dahil sa lungkot kundi sa dagdag na kita para sapat ang maipapadala sa Pilipinas. Isa din malaking dahilan ang pagkawala ng mga values nila ay ang pagkalimot sa Diyos at spiritual. Sa ibang bansa lalo na sa mga bansang Muslim, hindi nakakapaglingkod sa Diyos ng malaya ang mga kababayan natin. Without spiritual guidance and loss of moral values, they succumb to temptations. Kawawang mga OFWs…Kawawang Pilipinas!

  39. nelbar nelbar

    Iran Claims Solidarity with Lebanon… And So Do the French

     
     
    Jim Kouri
    July 17, 2006

    Late Sunday night, Iran’s top religious leader praised the Lebanese Shiite terrorist group Hezbollah for launching attacks on Israel.

    “The [Israelis] want Lebanon to be a meat in their mouth, but the powerful Hezbollah has prevented their dream from being realized.” Iranian supreme leader Ayatollah Ali Khamenei said in a televised speech on Iran’s state-controlled news.

    “The crimes and the atrocities in the recent weeks in Palestine and Lebanon have proved again that the existence of Israel in this region is an evil and cancerous being and an infected tumor,” he added.

    Meanwhile, former Iranian President Mohammad Khatami hailed Hezbollah as “a radiant sun that emblazons and warms the all Muslims and free nations, including the Palestinians,” Iran’s Fars news agency reported.

    “What is going on in Lebanon today eliminates all the possible doubts about the necessity for the powerful presence of the resistance movement in that country,” Khatami was quoted as saying.

    The Iranian Defense Minister Mostafa Mohammad Najjar stressed that Israel would “regret its crimes once [the] Muslim states resort to action,” according to the Fars report.

    Najjar condemned the Israeli aggressions against the Palestinian and Lebanese people, accusing Washington of indulging Israeli escalation. He also warned Israel of the consequences of invasion into Syria.

    In an obvious show of unanimous support for the terrorists, Foreign Ministry spokesman Hamid Reza Asefi also expressed support for Syria. “Iran [is] standing by the Syrian people and Israel [will] face unimaginable losses if it attacks Syria.”

    “We have offered and will still offer Syria and Lebanon [military] and humanitarian support,” he added.

    On Saturday, the Israeli army said that it had bombed the no-man’s land laying between Lebanon and Syria. But Israel’s head of military operations General Gadi Azincot told a news conference in Jerusalem that Syria was not an objective.

    Israel launched its offensive Wednesday on Lebanon in retaliation for the capture of two Israeli soldiers by Hezbollah guerillas. Over 700 rockets have been fired on northern Israel by Hezbollah since the intense and escalating battle broke out.

    It’s no secret that Iran wishes to see the Jewish State annihilated. It’s been a constant theme for that terrorist-supporting nation. However, many American observers appear surprised that France said it is sending Prime Minister Dominique de Villepin to Beirut to express support for Lebanon’s government and solidarity between the French people and the Lebanese.

    De Villepin did not offer any praise or sympathy to Israel, but that shouldn’t surprise anyone familiar with Frances history of anti-Semitism.

    During the Nazi occupation of France, the French police and security forces were more than willing to help the Nazis round up Jews to send them to the concentration camps. In fact, the French were so good out apprehending Jewish people, the Nazis allowed them to operate practically unsupervised by the Gestapo and the SS.

    Even in unoccupied France, under the Vichy government, Jews were rousted by the French police and military as a symbol of their allegiance to the Third Reich. But French anti-Semitism didn’t end with their liberation from the Nazis. France has a track record of opposing Israel at every turn and voting for every United Nations resolution condemning Israel. In fact, according to United Nations observers, the UN has passed more resoultions condemning Israel than they have any other country including Iran, Cuba, North Korea, etc. And the Israel-haters could always count on the French vote.

    In addition, the French have been experiencing a great deal of civil unrest on the part of their Muslim population, and France’s leftist President Chirac was slow to act when riots broke out within the Islamic community and spread into the heart of Paris. It’s believed de Villepin trip to Lebanon is a symbolic gesture of solidarity with France’s own Muslims. Some may point out that in France, there is a very thin line between solidarity and appeasement; just as there’s a thin line between appeasement and cowardice — appeasers and cowards.

     
     

    Jim Kouri, CPP is currently fifth vice-president of the National Association of Chiefs of Police and he’s a staff writer for the New Media Alliance (thenma.org). He’s former chief at a New York City housing project in Washington Heights nicknamed “Crack City” by reporters covering the drug war in the 1980s. In addition, he served as director of public safety at a New Jersey university and director of security for several major organizations. He’s also served on the National Drug Task Force and trained police and security officers throughout the country. Kouri writes for many police and security magazines including Chief of Police, Police Times, The Narc Officer and others. He’s a news writer for TheConservativeVoice.Com. He’s also a columnist for AmericanDaily.Com, MensNewsDaily.Com, MichNews.Com, and he’s syndicated by AXcessNews.Com. He’s appeared as on-air commentator for over 100 TV and radio news and talk shows including Oprah, McLaughlin Report, CNN Headline News, MTV, Fox News, etc. His book Assume The Position is available at Amazon.Com. Kouri’s own website is located at [http://jimkouri.us]

     
     
    From the commonvoice.com

  40. According to Agence France Presse, these are the majorithy of the trapped foreign nationals in Lebanon and how they are going to be evacuated from there:

    • CANADA: 40,000 nationals. Six charter ships due to arrive capable of taking up to 900 people each.

    • PHILIPPINES: 30,000 mainly migrant workers. Manila planning possible evacuation, recommending nationals seek shelter in Catholic churches.

    • UNITED STATES: 25,000 nationals. Some 124 flown out already, 2,240 expected to be evacuated Wednesday. Two charter ships ready for Beirut-Cyprus shuttle. Nine US warships off Lebanon to guard against terrorist attack.

    • AUSTRALIA: 25,000 nationals. About 200 evacuated by bus to Damascus, others by ferry. Charter ship expected Thursday to take 250 priority cases to Cyprus. One-hundred already taken by Britain.

    • BRITAIN: 22,000 nationals. Sixty-three taken out Monday, 180 priority cases taken to Cyprus Tuesday. 5,000 expected to be evacuated by six Royal Navy ships in coming days.

    • FRANCE: 20,000 nationals. Eight hundred arrived in Cyprus on charter ferry, put on onward flights to France. Further evacuations expected on French navy, charter ships.

    • BANGLADESH: 10,000 mainly migrant workers. Dhaka asked Geneva-based International Organization for Migration to help evacuation.

    • SWEDEN: 4,500 nationals. Expects 3,500 out by Wednesday/Thursday. Charter ship with more than 1,000 Swedes expected in Cyprus Thursday.

    • EGYPT: 2,300 evacuations organized since Monday. Hundreds taken by bus to Damascus, flown home.

    • GERMANY: 2,000. German embassy chartered 50 buses for overland journey to Damascus. Military aircraft waiting there.

    • RUSSIA: 1,500. Hundreds left by road to Syria. About 1,000 expected to be out Wednesday.

    • ITALY: 1,000. Several hundred brought out by plane from Damascus and on board Italian navy destroyer.

    How pathetic that the Filipinos are being told to just go and take shelters in churches but with no instruction as to what is going to be done next especially when the staff of the Philippine Embassy there leave for Syria! Anak ng pating talaga!

    Tignan mo naman ang mga Italiano, destroyer pa ang ipapadala to evacuate just 1000 Italians. Iyong mga pilipino mas marami pa kesa sa mga Amerikano. Tapos ikakatwiran ng mga tuta ni Pandak na walang bapor o eroplano, etc. ang Pilipinas? Asan iyong pinagsasabi niyang kinita ng Pilipinas sa mga OFW? Akala ko ba may OWWA fund? Bakit ba mamamatay na ang mga pilipino, ang dami pang ikinakatwiran ng mga neglectful na mga lider daw kuno ng bansa? Puede ba, bumaba na siya at kawawa ang mga pilipino? Hindi sila maliligtas ng pa-cute-cute lang, hoy! 🙁

  41. jorgie jorgie

    Are there other nationals in Lebanon like the Chinese, Japanese? I’m sure there are Chinese since they are everywhere. I know there are also Japanese businessmen (I doubt if there are Japanese OFWs). Also, Koreans, Indonesians. I know there are Thais because bansot even offers to help the Thais evacuate. How stupid this bansot is…she can’t even evacuate our own and yet offering to help the Thais!

  42. vendictimus vendictimus

    jorgie:
    kung ganon hindi lamang pala sa saudi, baboy ang ibang employee ng Phil.embassy. sa Bahrain naalala ko ang sermon ng Catholic Priest doon.”paalala lang sa mga kababayan natin dyan na nagtitinda ng kalan, maghinayhinay lang” ilan minuto ko rin inisip,”kalandian” pala.!!! jorgie: sa jeddah bunker bed (4 or 6 beds) lang kami depende sa room size.decorated by carton & found materials…meanwhile, kala ko tsismis lang! si Nanang (bout 50yrs old) upakan to the max!!!sa bunker bed, natyempuhan ko minsan papalabas na sya, nadiligan na! wow! kurtina lang tabing non ayos na! lantaran yun ha? totoo pala, ako pa ang nahiya tumingin sa kanya, sa compound namin about 80 Filipinos kami kase 2-compound total of 154 heads. maige at wala na ako dun kundi ngatal na naman ang partner ko sa nerbyos! gyera na naman! Desert Storm unang naranasan ko during my Riyadh contract!! jorgie mukang nasa japan ka ah!

Leave a Reply