Noong Martes, pang-apat na anibersaryo ng pagkamatay KC de Venecia, ang dalagitang anak nina dating House Speaker Jose at Gina de Venecia. Namatay si KC nang masunog ang kanilang bahay sa Dasmariñas Village noong Dec. 16, 2004.
May misa sa Santuario de San Antonio at may almusal sa bagong bahay ng mga De Venecia sa Forbes Park.
Pangalawang taon ito na nagkaroon ng pagtitipon sa bahay nina JDV sa pagala-ala sa pagkamatay ni KC. Natuwa naman ako makita na naka-recover na ang mag-asawa lalo na si Manay Gina. Nang unang dalawang taon kasi, hirap na hirap si Gina. Siyempre mahirap tanggapin ang ganoong pagkamatay ni KC.
Sabi nga ni Gina, ang pagkamatay ni KC ang pinakamalaking dagok sa kanilang buhay. Naka–recover sila at naging malakas at mas matatag. “Ang mga pagsubok na dinadaanan namin ngayon sa pulitika, ang pagpatalsik kay Joe sa pagka-speaker, wala yun.”
Maganda ang ganoong pananaw. Ang pagpahirap ang binibigay sa atin ng Panginoon para tayo ay lalong magiging malakas.
Kaya na ni Gina alalahanin ang nangyari ng araw na yun noong Dec. 16, 2004. Nandoon kami ng tanghali noon sa aming taunang pagtitipon na mga kaibigan ni Gina. (Si Gina at ang kanyang kapatid na si Marichu Maceda ay mga mababait na tao. Sa hirap at ginhawa kami magkasama. Hindi namin pinaguusapan ang aming diperensya sa pulitika.)
Naala-ala ko pa na napansin ko ang Christmas tree na pinanggalingan ng sunog Naka-ilaw yun nang tanghali. Na-overheat siguro at lumiyab nang gabi. Nakulong si KC sa loob ng kanyang kuarto na siyang ikinamatay.
Ang maganda kay Gina, ginamit niya ang kanyang pagdurusa para makatulong sa ibang tao. Nagtatag siya ng grupo ng mga nawalan ng anak o miyembro ng pamilya para magtulong sa bawat isa at sa iba pang nagdurusa.Kasama dito si Ali Sotto, nanay ni Miko na nahulog mula sa veranda ng kaniyang condominium.
Sinasabi natin na ang krisis sa buhay ay binibigay ng Panginoon sa atin upang magising tayo at magbago. Noong sinusulong ni JDV and cha-cha at nakipagsabwatan kay Gloria Arroyo sa Northrail at iba pang proyekto, sinasabi namin na bakit parang walang leksyon na nakuha si JDV sa pagkamatay ni KC?
Nang nabulgar ang kurakutan sa NBN/ZTE at si Joey de Venecia, anak ni JDV sa unang asawa ang naka-prente at nagiging hamon kay JDV para manindigan, sabi ni Gina, “siguro tumutulong si KC ituro sa ama niya ang tamang landas.”
Nanindigan si JDV laban sa kasinungalingan at garapal na pangungurakot nina Arroyo at tinanggal siya bilang House Speaker.
Sa Lunes, ilabas dito sa Pilipinas ang libro ni JDV, “Global Filipino” sa Podium sa Mandaluyong, 3 p.m. Tingnan natin kung ano ang kwento niya.
Puwede bang paki-review mo Ellen yung libro ni JDV? Mahal sigurado yan. Sana meron kang complimentary copy! Baka katulad nung libro ni Art Panganiban, pinakyaw ni Mike Arroyo sa lahat ng bookstore para hindi mabasa ng tao yung kalokohang ginawa nila sa EDSA2
Sometimes, something tragic has to happen to remind us of the mistakes and sins we made. God does this in so many mysterious ways. It’s a test of faith and how willing one is able to change for the better. Losing someone you love so much is hard to bear. That’s what happened to the De Venecia family. That was four years ago; yet it’s only now that JDV comes to his senses of deciding to part ways from the evils in Malacanang. JDV should have done that long ago…after his daughter’s death. But what did he do? Nothing. He continued to cover up for the Evil Bitch’s crimes. He was her partner, her protector. Many believe that had it not for his son’s Joey’s trouble with the ZTE scam expose, JDV would still be the House Speaker…very much an ally of the Evil Bitch. I hate to say all these because I can understand how painful it is to love a beloved member of the family. If JDV really wants to make her soul happy, he must redeem himself by telling everything he knows about the Evil Bitch.
Correction: …to lose a beloved member of the family.
Masakit para sa isang magulang na mawalan ng anak. Lalo’t lalo na kung ang ikinamatay ng anak ay mula sa isang aksidente. Naalala ko, 5 taon na ang nakakalipas, ang aking pinsan na may edad 18 na taong gulang ay namatay sa isang malagim na aksidente. Tumaob ang kanyang bagong sasakyan na regalo ng aking tito sa kanya dahil sa pagiging valedictorian. Ang aking pinsan ay isang napakabait na bata, matalino, mabait at magalang. Nakita ko kung papaanong nag dusa ang aking tito, halos pinabayaan ang kanyang negosyo at ang kanyang kalusugan. Nauwi sa pagiinom at palaging mainit ang ulo. Sinisisi niya ang kanyang sarili kung bakit pa niya binilhan ng bagong sasakyan. Na sana, di mangyayari ang sakuna kung di niya ito binili.
Ngunit dahil na rin sa suporta ng kanyang mga kamaganak at kaibigan, lalo’t lalo na sa kanyang asawa at natitirang anak. Nanumbalik ang kanyang sigla at pananalig sa Diyos na makapangyarihan.
Mahirap mawalan ng isang anak, ngunit hindi ito ang katapusan ng mundo. Siguro, mayroong pahiwatig ito mula sa ating Panginoon kung bakit nangyayari ito. Lahat ng problema at pagsubok sa buhay ng isang tao ay may rason. Na ang rason na ito ay maibubunyag lamang sa atin sa panahon ng ating Panginoon.
Let us all be reminded that we are all journeying in this world. This is not our permanent home. We need to make good use of the life God has given us. Question that should be asked is why are we created by God? Why are we in this world? To believers and non-believers alike, my answer is we’re created to worship and serve Him. And while we’re still alive, don’t forget people around us we see everyday…our parents, spouses, children, siblings, friends. How many times did we tell our parents we love them? When was the last time we told our husband or wife how much we love him or her? Many fail to even say it until it’s too late. Does it help to say “I Love You” to our beloved one who has already passed away?
While report is spreading that Loren Legarda and Chiz Escudero are NPC’s candidates in 2010, another report says that Ping Lacson and Mar Roxas may also be partners.
Gusto ko yan …. Lacson-Roxas or Roxas-Lacson … ayos yan. May pag-asa akong nakikita pag sila ang mananalo. Baka puwede kong sabihin ulit na ako’s isang Pinoy …. sa ngayon dehins ko masabi dahil hiya ako e … Peke, kurap, magnanakaw at mamamatay tao ang kasalukuyang Pang-gulo natin.
Legarda-Escudero wa ako bilib sa mga yan ….. Glorya at Angara oks lang sa kanila dahil may koneksyon sila sa dalawa. BF at Ninang ….. lol
That’s what I think also, Tedanz. Ping Lacson could help solve the peace and order as well as corruption while Roxas could help on business and economy.
There is a variety of book writers. I can already imagine the sourgrapes in the JDV book written after a political tempest. Its so different from the cheque books written at the height of romantic bliss with the higher echelon he belonged.
The poor die in candlelight fires.
The rich die in Christmas light fires.
Naalala ko itong insidente na ito.
May hindi magandang sinabi si JDV laban kay Poe. Nadale tuloy ang anak niya.
Matandaan kaya ni JDV yung sinabi niya laban kay Poe?
Pareho din ang araw ng libing ni Poe at anak ni JDV noon.
Pero, wala sa kalingkingan ang dumalo sa libing ng hari.
Correction:
Wala sa kalingkingan ang dami ng taong dumalo sa libing ng anak ni JDV kumpara sa dami ng dumalo sa libing ng hari.
JDV sent flowers to FPJ’s wake and was rejected.
I can’t and won’t forgive JdV for his role in stealing the 2004 presidency for his erstwhile best friend Gloria, but I do believe that KC’s death had nothing to do with the bad things his father did to Pinas and kapinuyan.
RE: Ang pagpahirap ang binibigay sa atin ng Panginoon para tayo ay lalong magiging malakas?
Well, at least natauhan din ang mga De Venecia coz’of this scenario…before akala mo walang katapusan ang kanilang pamamayagpag sa pulitika.
It’s a big big lesson sa mga tao na naging pahirap sa bayan at walang inisip noon kundi ang kanilang mga career, na dapat kaya sila naluklok sa poder e upang maglingkod sa tayon bayan.
Ang kaso, akala mo sila na ang hari sa Pinas at kung mag si asta e…mga untouchable, well…ang KARMA pag dumating sa buhay e talagang tagos hanggang buto.
Kaya yang si gloria arroyo y macapagal…nalalapit na rin ang kayang wakas pati na yong mga lapdogs niya, di ba…si De Venicia Sr. e isa sa mga doberman niyan na tinanggalan ng pangil.
Our symphathy to Gng. De Venicia for what happened to her beloved daughter…di pa huli ang halat upang itama ang mali at pagsisihan ang mga kasalanang nagawa sa bayan.
I’m not well convince sa paglantad ni JDV, kita nýo di kinagat ng taong bayan ang kanyang pagdoremi…bakit ka mo, e heto at kabig na naman siya thru his book na ibebenta sa market?
Wise talaga…mukhang pera, mautak…isinalibro yong kapalpakan ng gobyernong arroyo at if in case na masibak siya sa tongreso e may pagkakaperahan pa siya.
Tuso talaga…i’m not interested sa librong yan sapagka’t enough na yong alam natin na si JDV e kabilang yan sa lapdogs ni GMA na nagnakaw at nagpahirap sa taong bayan.
Dapat nga e boycott ang book na yan ni JDV para matauhan siya, ginagawa niya tayong mga tanga e, kung sincere siya sa mga ipinahayag niya laban sa kay GMA dapat noon pa na kasagsagan ang pag-aapoy ng damdamin ng Pinoy, ngayon pa na nalalapit na ang wakas ng master nila.
E boycott ang librong yan?
Korek Valdemar, they will face the same fate…walang mayaman o mahirap pag kinuha na ni Lord!
Kaya akala ng mga lapdogs ni GMA e exempted din sila sa kabuktutan na pinaggagagawa nila sa bayan at pang-aapi sa taong bayan.
Darating din ang kanilang wakas? Buhay ang Dios na Lumikha na siyang nakababatid kung ano ba ang pinaggagagawa natin sa buhay.
Walang unang pagsisisi sa mga tao na walang Dios sa kanilang mga puso!
Ellen,
Gina will LOVE your article!
“……Nang unang dalawang taon kasi, hirap na hirap si Gina. Siyempre mahirap tanggapin ang ganoong pagkamatay ni KC.”
ang paghihirap ng kalooban marahil ang naging naging kaparusahan sa kanila dahil sa matagal na panahon na nilang alam ang mga panloloko’t pagwawalanghiya ng kanilang dating sinusuportahang si gloria ay nagbulagbulagan pa sila subalit hindi pa rin ‘yun ang dahilan kaya ngayon ay kumakanta na silang mag-asawa ng tonong taliwas sa cha cha. ang pagkakapatalsik kay jose taenga ng daga devilnasiya sa pagiging ispiker ang mas naging dahilan kaya kinakalaban nila ngayon si gloria.
namatayan nga sila ng isang anak, subalit ang mga dukha’t naghihirap ay nawalan ng daan daang mahal sa buhay dahil sa gutom at sakit bunga ng kawalang maipambili ng pagkain at pang-unang lunas na gamot.
OO at may libro si Tenga at ang nilalaman ay pawang katotohanan laban sa mag asawang dorobo. Pero sana sa libro rin niya ay nakasulat na kasama siya kung papaano nila pina plano ang pag nanakaw sa gobyerno. Kasama siya na nandaya at dinaya nila si FPJ. Kasama siya sa iba pang katiwalihan.
Huli na TENGA para mag pakabayani…. isa ka rin dapat isama sa firing squad or bitayin dahil kulang pa ang parusang ito sa ginawa ninyo sa bansa natin.
i believe that one of the greatest sorrows in life is to bury ones’ own child. still this is not reason enough to forgive nor forget the deeds of a corrupt politician.
may bahagi din si gina sa mga kasalanan ni jose taenga sapagkat bilang maybahay alam niya ang mga kawalanghiyaang pinaggagagawa ng kanyang asawa na naging dahilan ng paghihirap ng mamamayang umasa sa pagbabagong samasamang ipinamarali ng mga mandaraya, magnanakaw, sinungaling at gahamang magkakaalyado na pareparehong walang ginawa kundi huthutin ang kaban ng bayan!
kulang pa ang buhay ng kanilang anak bilang kabayaran!
Alam kung maraming katiwaliang nagawa si JDV pero hindi sana mangyayari kung hindi hinayaan ng mga Pangulong pinaglingkuran nito. Kung mayroon mang nagawa o tong-pats na nakuha sigurado ko na mas malaki ang napunta sa Pangulo. Kaya kahit pa anong sabihin ng Gobyernong ito kay JDV at kahit sino pa mang nagsisilbi o naglilingkod sa Pekeng Pangulo na ito … kay Glorya pa din ang sisi. Dapat lang dahil siya ang Pangulo (DAW). Puwee!!!!!
Magno,
Halos lahat ng nais kong sabihin ay nabanggit mo na. Korek, hindi ang pagkamatay ni KC ang dahilan kung bakit iniwan ng mag-asawang JdV si Gloria kundi sila ang inilaglag ng Arroyo-Pidal dahil sa revelation ni Joey jr. tungkol sa ZTE/NBN na hindi nakayang supilin ng ama. At si Gina, hindi man sya nagsasalita ng pulitika sa kanyang mga amiga ay kasama pa rin sya sa kasalanan ng asawa by virtue of TOLERATION (of course, hindi mawawala ang vested interest). We were not born yesterday.
I just want to separate KC’s life and death from Gina and JdV because I don’t believe that the poor girl had to pay for her parents’ sins against the country and people.
Teka, teka, huwag muna nating iboycott yang libro ni JDV. Ni hindi pa natin nababasa ang laman. Walang nagsalibro ng biography nila na walang katotohanan. Maaaring merong mga iniwasan na issue pero siguradong may lamang maanghang rebelasyon iyon. Kundi e sino’ng bibili no’n?
Kung sakaling may mga detalye doon ng kalokohan ng mag-asawang Pidal, ang libro mismo ang ebidensiya.
Tignan ninyo:
-Ang libro ay unang ini-launch sa Washington DC. Ibig sabihin ang target audience ay mga politikong Kano kasama o lalo na sa nasa White House. Pagkatapos ay sa mga lugar kung saan malaki ang Filipino communities. Bakit? Kasi, ang mga mambabatas doon ay tiyak na merong kopyang ipapadala si JDV. Ang poder ni Arroyo ay nagtatapos sa loob lang ng boundary ng Pilipinas, samantalang ang isang “political leader” ay may hatak saan man merong nakikisimpatiya sa kanyang ideolohiya. Huwag kalimutan na si JDV ay kilala sa buong mundo ng mga politikong Christian Democrats. Si Barack Obama mismo ay Christian at isang Democrat.
-Tandaaan na may policy announcement si Bush na “No safe haven for kleptocrats”. Kung may ganitong librong nagsasaad ng pagsalungat at paglabag sa policy na iyan at iwinawasiwas sa harap ng mukha nila ang isang ebidensiya, kahiya-hiya ang pangulo ng America kung hindi niya pipitikin yung mga kleptocrats na iyon. Lalabas na maari pa siyang sangkot sa pagkunsinti sa kaswapangan ng mga Pidal. Yung pagpabalik ng eroplano upang bumaba si Big Mike sa Japan, sa halip na sa Hawaii o sa mas malalapit na American Micronesia sa Pacific, ay maaaring totoo na dahil sa isang tip na dadamputin si Taba pag landing sa LAX, gaya ng nasabi ni Ellen dito kamakailan.
-Yung timing, isipin ninyong ang paglabas ng libro ni JDV ay nangyari sa kalagitnaan ng dalawang matinding pagkilos sa Kongreso – impeachment at Charter Change. Nalalapit na rin ang panahong alin sa dalawa: 1. Maging lame duck si Arroyo at hayaang pagdadamputin sila ng papalit na pangulo sa 2010 o 2. Gumawa si Gloria ng dahilan upang magkaroon ng pagpapalit ng konstitusyon na hindi kayang pigilan ng Senado : sa pamamagitan ng martial law, malinaw sa konstitusyon na ang Senado at Batasan ay boboto jointly upang pagtibayin ito na pati ang extension nito ay ganun din. At habang nakaupo ng sabay ang Senado at Batasan, walang magagawa ang 23 Senador kung may magpanukalang isantabi ang konstitusyon at pairalin ang martial law indefinitely. Dahil nga pagbobotohan iyan “jointly”. Sa tingin ko, kaya matapang si JDV na ilabas yung mga detalye ng ZTE sa libro ay dahil alam niyang lame duck na nga si Gloria, at kung sakaling ituloy ang martial law, lagi siyang talo pagdating sa huli. Wala ng choices si Arroyo.
-Tuso si JDV. Hindi niya isasambulat lahat ng mga detalye sa librong iyan. Magtitira sigurado siya ng mga alas na maaari lamang mabunyag kung sakaling hindi matupad ang balak niyang mangyari sa paglabas nitong unang libro. May kasunod iyan. Patayin man siya ngayon ng mga Pidal, siguradong ang pangalawa, o maaaring pangatlo pa, sa seryeng ito ay hawak na ng publisher ngayon pa lang. Ang natitira niyang alas ay maaari niyang gamitin upang makapag-leverage sa mga Arroyo sa kanyang pansariling kapakanan o gamitin para sa isang tunay na makabayang hangarin. Kung piliin niya ang una, wala rin tayong magagawa doon.
-Maraming contact si JDV na mga counterpart niya saan mang kongreso sa mundo. Bilang isang Speaker na nanungkulan sa mahabang panahon, di hamak na may kredibilidad siyang magsiwalat ng mga pandarambong na ginawa ng mga Arroyo sa kanyang panunungkulan kesa sa pagtatanggol sa sarili ng mga Arroyo mismo. Kung dumating sa pagkakataong kailangan pumili ng ipagtatanggol ang mga mambabatas sa ibang bansa sa pagitan ng dalawa, si JDV ang malamang na piliin.
Ano ngayon ang mapapala natin sa libro ni JDV at bakit niya pinagkagastusan ng pera at panahon iyan? Dahil ba sa gusto niyang linisin ang kanyang pangalan at tuluyan ng kumilos para sa kanyang “moral recovery”? O para ituloy ang personal niyang laban nang niyurakan ang kanyang pagkatao ng mga alipores ni Gloria.
Kilala natin si JDV na hindi lumalaban ng harapan, kundi laging umaareglo ng solusyon. Diyan tayo nahihirapang tanggapin na si JDV ay tuluyan na ngang nagbago at ngayo’y lalaban na. Sa ganang akin, bibigyan ko si JDV ng pagkakataong isalba niya ang sarili at ibangong-puri kasama na ang buong bansa. Hindi ako magiging hadlang sa paraang gagamitin niya para marating iyon, ngunit wala akong panahong maghintay ng matagal. Hindi muna ako maghuhusga sa anumang ginagawa niya ngayon kahit pa alam kong namamagitan na ang paborito kong negosyante para maiayos muli ang kanilang mga negosyo.
Tedanz,
Kaya yan si GMA e naupo sa poder ng kapangyarihan ng dahil kay Tabako at JDV, di ba sanggang dikit yan na magkasamang nagbuo ng Lakas party.
Si GMA e ginawa nilang dummy para maagaw ang presidency kay Erap sapagka’t gustong pagtakpan ni Tabako ang lahat ng kanyang ninakaw sa kabang-yamang ng Pinas?
Si Tenga ang kanyang trusted na trapo at hayon nagtagumpay sila not ONCE but TWICE di ba!
Kaya never nýong kakalimutan na ang puno’t dulo ng mga kawalanghiyaang ito e si Tabako ang pasimuno.
Well TonGuE-tWisTeD, the door is open very wide kaya ito ang pagkakataon niya na isiwalat ang mga kawalanghiyaan na ginawa nila sa sambayanang Pilipino.
Dapat pati si Tabako e kasama sa librong yang if not or selective ang kanyang istorya e lalong magngingit-ngit ang Pinoy.
Alam nating lahat na siya ang trojan horse ni Tabako at si GMA e pawang dummy lang ng kanilang kabuktutan.
So, kung tutuusin mafia ito ng mga ganid sa ating lipunan…sa wakas heto at sila-sila mismo ang nagkakaonsehan na.
Before 2010, magkakanya-kanya ng langoy ang mga lapdogs ni GMA sapagka’t ang nagpupuyos na galit ng Sambayanang Pinoy ang tutuldok sa kanilang kapalaran.
NO MORE EDSA at antayin natin ang 2010…enough na yong EDSA 2 na sumupil sa ating karapatan at kalayaan. Tutal nagtiis tayo ng 7-years e more than a year na lang siya sa nakaw na kapangyarihan.
Lubuslubusin na niya ang mga nalalabing araw sa kanyang buhay sapagka’t sa atin lahat ang paghuhusga sa 2010.
Sa atin nga kaya?
Balweg,
Tama ka kabsat. Ang sa akin lang, malaking problema natin talaga ay yang mga Arroyo. Tanggal na yong isang tinik at yong pumalit sa kanya ay isa ring tinik. Hanggat nandiyan pa ang Reyna ng mga Kawalanghiaan marami pa ding magsusul-puta-ng mga payaso.
Tama ka din na dapat isinama din niya sa kanyang libro ang mga kawalanghiayaang pinag-gagawa ng kanyang ka-probisiyang si Ramos.
That’s why JDV means Joe De Vagina.
JdV wrote the book as his insurance from the wrath of Pidal and not for our country. When did this guy acted right for the people?
I won’t buy his book but I will read it kung meron magpapahiram; o kaya ay ihihintayin ko na lang na ma-serialize sa diaryo; o hihintayin ko na lang and kwento ni Tongue, heheh.
Chi,
Makikibasa na rin ako ha pag may nakuha kang kopya, but i will not buy kasi nga magkakapera na naman si Tenga…if he will donate sa mga kapus-palad e pwedeng magbago ang mind ko why not?
Di ba no. 1 ang Pinas sa pamimirata ng DVD, so for sure di rin yan ligtas sa mga kawatan. Sigurado sa Recto e may kopya na yan na for sale.
Hindi ako bibili niyan. Sigurado libo ang presyo, mas maraming pagkakagastusan na mas mahalaga. Kaya nga sabi ko pakireview ni Ellen baka kasi mabigyan siya ng complimentary copy.
Hindi naman pera ang habol ni JDV kaya yan gumawa ng libro. Yung laman ang mas mahalaga. Hindi rin ibubunyag si FVR diyan. Asa pa kayo.
Sabi nga, “Once bitten, twice shy.” Wala akong tiwala kay JdV kahit ngayon. Yup, he has to tell the truth. Tungkulin niya iyan, and I won’t hail him as a hero if I were you even when he does.
Kaya nga hindi ako bibile e, hindi niya ibubunyag ang lahat-lahat. What for?
Isa pang bugaw iyan si JdV sa totoo lang. Ang balita ko nga siya ang king ng pagtaboy sa mga pilipino sa Middle East nang ginawa ni Marcos ang programang iyan as a temporary to alleviate the problem of unemployment noong rehimen niya. Pero itong mga kurakot na ito ginawa nang permanente ang programang iyon.
Ang dami pang pakulo ni JdV sa totoo lang para huwag nang bumalik ang mga pilipino sa Pilipinas at maghirap na lang magbanat ng buto sa ibang bansa. Yes, maraming nakakabili ng bahay sa pag-a-abroad nila pero tignan mo naman ang epekto sa lipunan. Karamihan sa mga pilipino nawalan na ng moralidad sa totoo lang. Ibang kultura ang pinasukan, pero hindi maintindihan. Ang malungkot, pati sariling kultura, kinalimutan at pinairal na lang ang gusto ng katawan! Yuck!
bitch e,
di ba tagalog n’yan ay jose de ….
pangit ‘no?
chi,
maaaring kaya maagang kinuha ng Diyos si KC ay dahil ayaw niyang madamay ang bata sa katiwalian ng ama at pangungunsinti ng ina.
simple’t mailawanag, di ba?
“…………….simple’t MALIWANAG, di ba?”
‘sensiya na kayo, halos 10 degrees celcius ang lamig dito sa aming project site ngayon!
Yan ang tingin ko, Magno.
And yet, hindi nakuha ng mga magulang kaagad, ang tagal pa nilang nakipag-tsatsaring sa puta mama Gloria. Buti na lang at meron pang isang anak na matino (at least sa kanyang ginawa na pagbubunyag sa ZTE/NBN project korapsyon) na siyang dahilan ng kanilang downfall from Glory.
Kung hindi pa talagang yayariin ni Pidal si Joey ay hindi pa mapipilitan ang ama na mag-isip.
“………Na-overheat siguro at lumiyab nang gabi. Nakulong si KC sa loob ng kanyang kuarto na siyang ikinamatay.”
Ang maganda kay Gina, ginamit niya ang kanyang pagdurusa para makatulong sa ibang tao. Nagtatag siya ng grupo ng mga nawalan ng anak o miyembro ng pamilya para magtulong sa bawat isa at sa iba pang nagdurusa.”
nakakaawang anghel na nakulong sa impiyernong nilikha ng sakim na ama.
kung hindi pa sa kanyang maaga at wala sa panahong pagkamatay, hindi pa makakaisip na magtatag ng samahang namatayan ng mga anak ang kanyang ina.
maliwanag na ang mayayaman ay namumulat lamang kapag naranasan nila ang pait na kanilang ipinararanas sa iba.
pero sa kaso ni gina de venecia, bakit mga kilalang tao din at may kaya ang karamihang kasapi ng samahang kanyang itinatag? nakakaabot ba sa mga depressed areas ang kanilang pagtulong?
hindi kaya ito’y pampublisidad lamang?
pasensiya na kayo, alerdyik kasi ako sa mga paimbabaw na pagkakawanggawa daw ng mga sikat na taong sobra sa photo-ops ang mga project pero lapitan mo’t hingan ng tulong, pudpod na ang sapatos mo sa pagpunta kung saan saang ikaw ay ituturo upang mag-asikaso.
‘yung kaso ng pamangkin ko na nga lamang, in-e-mail ko nang lahat ang mga senador at mga nagkakawanggawa sa cyberspace upang hingan ng tulong dahil nangangailangan ng KALAHATING MILYON upang maipa-opera ang magkabilang puno ng hita at malagyan ng bakal dahil ayon sa doktor ay nagagasgas bunga ng pagbubuhat ng mabibigat, hanggang ngayon wala rin!
isa lang ang tumugon, ‘yung opis ni mr. palengke. hanggang ganu’n lang!
ewan!
tama na lang siguro na kaming mga dukha ay maniwala sa mga albularyo at magdasal sa itaas upang humingi ng awa at kanyang himala.
Don’t forget that Gina De Venecia comes from family of entertainers. Those in the movie industry are good at acting.
My impression of her is that she has a dominant personality. As JDV’s second wife, I think JDV follows order from her. JDV’s falling out from the Evil Bitch and decision to testify could be Gina’s idea. We can say that Gina is JDV’s conduit to the opposition. Gina has lots of friends in the opposition camp.
Incidentally, an Erap-Legarda team is possible in 2010. If Erap decides to run, his running mate could either be Legarda or Binay. JV Ejercito is running for Congress while Ronnie Zamora is either retiring to concentrate on being an opposition adviser like Ernie Maceda or he (Zamora) might run for Senate if his health permits.
Maliit na bagay yang ZTE. Mas malaki ang yayariin sa kanila ni Pidal sa Galoc oil. Iyun na lang ang site na walang kontrata hanggang ngayon. Yung mga pipitsuging drillers, meron nang kontrata, sila JDV wala pa. Nasilip lang nila yung ZTE kaya sila bumanat. Linuha na ngang middleman si Ricky R. pero walang nangyari. Kaya eto.