Skip to content

Simula ng panibagong laban

Kung akala ni Gloria Arroyo, nailibing na ng kanyang kinurakot na pera at inagaw na lakas ang kanyang pandaraya noong 2004 eleksyon at ang iba pang krimen, nagkakamali siya.

Nai-file na kahapon ang pangalawang impeachment complaint laban kay Gloria Arroyo 15 minutes magbukas ang opisina ng secretary-general ng House of Representatives na siyang tumatanggap ng mga impeachment complaint.

Gabi pa lamang ng June 25, Linggo, nagbantay na marami sa mga miyembro ng Akbayan at Bayan Muna sa Batasan. Sabi ni Leah Navarro, kilala nating singer at ngayon ay aktibo sa paghahanap ng katotohanan bilang miyembro ng Black and White Movement, alas-sais ng umaga siya dumating.

Isa si Leah sa sobra 200 na complainants. Kasama rin si Nini Quezon-Avanceña, anak ng Pangulong Manuel L. Quezon, na aktibo rin sa pagsulong ng katarungan.Kasama rin si Randy David, si dating Social Services Secretary Dinky Soliman, dating Secretary for Poverty Alleviation Mely Nicolas, National Artist Bien Lumbera at marami pa.

Sinamahan nina Rep.Francis Escudero ng Sorsogon at Rep. Ronaldo Zamora ng San Juan si Mrs. Avanceña sa pag-file ng complaint.

Sabi ni Leah wala raw sinabi si House Sec-Gen Roberto Nazareno na may nauna na nag-file. At imposible naman na may nauna dahil nandoon nga sila naka-abang mula pa ng Linggo ng gabi.

Maraming krimen ni Gloria ang nakalista sa complaint at ito ay hinati sa tatlong classification. Unang-una ay ang paggamit ni Arroyo kapangyarihan ng pagka-diktador upang mapatahimik ang masupil ang mga nagpu-protesta sa kanyang hindi lehitimo na pagka-presidente. Kasama na diyan ang mga ginawa niyang pabbaluktot ng batas para lamang matago ang katotohanan katulad ng Executive Order 464, Calibrated Pre-emptive Response o CPR, Proclamation 1017, ang pag-raid sa daoly Tribune, ang paghuli sa batasan 5, at ang pagdaya sa eleksyon.

Ang pangalawang charge ay ang pagkunsinte niya sa pagpapatay ng mga kritiko sa kanyang administrasyon katulad ng mga journalists at mga miyembro ng mga progresibong organisasyon. Itong charge ay sampal sa pinagyayabang ni Arroyo na pag-alis ng death penalty.

Ang pangatlong charge ay graft at corruption. Ginamit niya ang pera ng taumbayan sa eleksyon katulad ng fertilizer fund para sa magsasaka. Kasama na rin ang Jose Pidal accounts, ang panunuhol ng PIATCO na siyang nagpatayo ng NAIA3, Northrail, ang pangungumisyon sa jueteng, at ang pag-ipit ng Internal revenue Allotment ng mga local government units kapalit ng kanilang pagsuporta sa kanya.

Maliban sa na i-file kanina na impeachment complaint, marami pa ang magpa-file sa susunod na araw. Iba namang krimen ni Arroyo. Maari yan ipagsama-samahin sa pagbukas ng Kongreso sa July 24.

Ang susunod na hakbang ay paano makapag-kumbinsi ng 79 na kongresista na pumirma para deretso sa sa Senado at doon na mag-impeachment trial.

Ipagdasal natin na masundot ang kunsyensya ng iba pang kongresista.

Published inWeb Links

164 Comments

  1. Ellen,

    Your prayer is the same as 80M Filipinos I guess so that the truth will be known.

    Frankly, the trashing of the Impeachment last year has proved to be a blessing in disguise with more and more people having the courage to see the kind of person they have been patronizing all these years to be nothing but a fraud and a thief!

    I am fasting for this Impeachment. God willing we will see it succeed!

  2. Oops, erratum. This should read: “Your prayer is the same as THE PRAYERS OF 80M Filipinos I guess so that the truth will be known.”

  3. alitaptap alitaptap

    Last time, on IMPEACHMENT I deVenecia bragged that he got 189 tongressmen in his pocket who will not endorse the impeachment as filed. Chances are JdV can easily collar 190 of his ilk considering that there is plenty of money to go around now, i.e. the $200 million loan from USA and the $80 million from Japan. It will be christmas in July in the house of tongress.

    By the way Ellen, what does ” Pasang iklan di situs ini ” mean, as posted in your blogsite?

  4. jinxies6719 jinxies6719

    27 June 2006

    Yup, I agree, it started the very moment the 2nd impeach case was filed against the leprechaun, was received by the sec. gen of the LOWERhouse. Actually the fight started the moment the leprechaun, her clowns and goons forcibly removed the duly elected president in 2001 and then again when the question of leprechaun’s lying/stealing and cheating in 2004 came out with the infamous “i have two discs, the left and the right”, heheheheheh….. and the famous quote of mike defensor, its the “presidents voice, but it she’s not it” something like that, hehehehehehehehe…… again my clalor is for us to force a snap election, that way we can start from scratch and remove those SOBs in the LOWERhouse

    By the way, the oust GMA campaign has reached Italy, even in vatican perhaps, where filipinos are calling for her ouster, tsk, tsk, tsk, talaga naman, hanggang Vatican na ang panawagan sa kanyang pagpapatalsik, hehehehehehehe GUYS, GUYS….. have you seen the picture of the leprechaun with his holiness, the smile on her face, parang tawa ng kampon ng kadiliman (leprechaun nga e), hehehehehehehehehe………

    ANother thing, did you know that the Italian president or was it the PM gave more importance to the game of italy in world cup 2006 in germany, he move the meeting for an hour or so, so he could watch the game instead of meeting the leprechaun, tsk, tsk, tsk, what does it mean???? it means the italian will give more importance to the game of footbal rather than meeting the leprechaun, baka pinagbigyan na lang para hindi magngangawa, hehehehehehehe, talaga namannnnnnnnn….

    jinx

  5. goldenlion goldenlion

    Wish ko lang wala ngang naunang case ng impeachment na na-file ang mga kaalyado ni black magic woman!. Sa malaon at madali ay lalabas ang katotohang matagal na rin pinagtatakpan ni gloria, de venecia, bunyeta at defensor. Lahat ng congressman na magtangkang ilibing ang 2nd impeachment case ay ay parurusahan- itatali sa puno ng mangga na maraming langgam, o di kaya’y kilitiin hanggang sa mamatay. Magaan lang kasi iyong parusang huwag iboto sa 2007. Dapat sa kanila makatikim ng hirap dahil nagpasarap naman sila sa perang ibinayad ni donya sinungaling, mandaraya at magnanakaw na ngayon ay reyna ng kadiliman at ng engkatasya.

    Pangit ng ngiti niya, kasama si Pope, talagang ngiting demonyo!!! Mahirap talaga itago ang tunay na pagkatao sa panlabas na anyo. Kusang lumalabas sa mukha niya ang nasa sa loob ng kanyang puso at isipan. PANGIT!!!!

  6. Jinx:

    Kawawa iyong mga taga-embassy doon. Sila ang babanatan ni Pandak sa mga palpak na nangyari sa lakad niya. Gusto lang kasing bumili ng mga bagong damit na brand dahil nga hindi na niya masuot ang mga damit niya inartehan pang state visit kasi. Ganyan ang ginagawa niyan dito balita ko. Pinapagalitan iyong mga tao sa embahada kapag hindi siya nakahingi ng slot sa busy na schedule ng emperador ng Hapon. Nang pagbigyan naman, walang maisuot ang asawang sinabihang mag- coat and tie nang bigyan ng slot! Abusada talaga. Kundi pa nandaya hindi nakaupo ng Malacanang!

    Kasi naman ibinoboto pa ang mga ganyan na alam naman nilang walang kuwentang bumoto ng mga Macapagal! Wala kasing kadala-dala!

  7. Tanong lang, bakit nakaluksa si Bansot! Sinong namatay sa pamilya niya? At saka iyong suot niya na humarap sa Papa style noong panahon ni Elizabeth I nang maging Virgin Queen siya. Aba, anong gusto ni Balyenang Bansot, maging reyna din siya? Kaya pala si De Venecia asta mayordomo. Pero kahit anong sabihin nila, hindi bagay na maging royalty si Bansot! Ang bastos e! Kailangan niyang pumasok sa isang finishing school. Nakita ninyo ba si Queen Elizabeth na nagwala? Never! Nambabato ng notebook, etc. si Bansot? Que barbaridad!

  8. analyst04 analyst04

    Tanong lang po. Ano po ba talaga ang gustong mangyari ng mga BAYAN? Sila na ang pinakamalaking gropo na nagpaalis sa rehimeng Marcos at Erap, niloklok ng mga ito si Gloria. Ngayon gusto naman nilang patalsikin…….Isip-isip…. Ang nakaupo ba talaga ang kanilang gustong patalsikin o palitan ang Demokrasyang gobyerno ng isang Kumunistang mapang aping gobyerno….. Kayo ha… Di nalang nyo ipaliwanag sa madla ang talagang pakay nyo, pati mamamayan inyo pang isahan….. Sorry po, de love DEMOCRACY….Walang puwang ang KUMUNISTA sa ating bansa….

  9. Ronnie Mabini Ronnie Mabini

    To Analyst04;
    Nakuh, makapagREACT na nga rin, wag k ng magtaka kung bakit hindi makausad ang bayan natin. Kahit sino pa ang maupong Presidente, kahit mismong c Pope Benedict pa ang ilagay na President ay hindi p rin matatahimik at makakausad ang Pilipinas. Kasi naman po maraming nagmamagaling na Pilipino, na wala ng ginawang kundi mamulitika at manira sa halip na tumulong. Akala mo kung sinong malilinis, pwede ba pare-pareho lang kayo ng likaw ng bituka noh!

    SILA ANG TUNAY NG MGA UNGAS AT UTAK TALANGKA!!!!

  10. Spartan Spartan

    analyst04, meron ba sumisigaw sa forum na ito na….”alisin si GLORIA! palitan ang gobyernong demokratiko ng maka-komunistang pamamahala!!!”…sa tinagal-tagal ng pagsubaybay ko sa forum na ito, parang hindi ko matandaang me ganyang “usapan” na napasok dito. Sa palagay ko maling “forum” (website) napuntahan mo. Punta ka sa http://kilusan.net , duon ka magbigay ng ganyan mong komentaryo. Duon, me makasasagot sa mga “haka-haka” mo.

  11. analyst04 analyst04

    To Ronnie Mabini
    Mag isip ka, idilat mo ang iyong mga mata. Hindi si GMA ang gusto nilang palitan. Ang DEMOKRASYANG gobyerno natin palitan ng KUMUNISTA. Yan ang dahilan. Kung sa isip nyo nandaya si GMA dahil nag pa daya kayo..May kasabihang WALANG MANLOLOKO KUNG WALANG MAGPAPALOKO….Nagpadala ang sambayanan sa mga lider nila noong nakaraang election kaya nagkaganon..Masmabuti pa, magtulongan tayong mag paintindi sa taong bayan na di padala sa salapi kung may halalan. Di puro dakdak ka ng dakdak wala ka namang nagawang tulong sa ating lipunan…. Baka isa ka sa mga makinarya ng mga progresibong gropo..malas mo lang

  12. Spartan Spartan

    Ronnie Mabini…ano ba ang ibig mong sabihing “naninira”? Ang pagpuna, pagtuligsa, at pagsasabi ba ng mga kawalanghiyaan at pagsasamantala ng mga taong nakapwesto at namumuno sa ating pamahalaan na hantaran nating nakikita at may mga sapat na ebidensyang pilit lamang inililibing, itinatago, at pinagtatakpan ng mga gobyerno-opisyales na kasangkot sa mga “shenanigans” na ito ay masasabing “paninira”? Ang alam ko, masasabing paninira ang isang bagay kung walang sapat na batayan ang mga sinasabing “masama” patungkol dito. Pero sa kaso ng kasalakuyang “administrasyon”, maaaring ang mga bulag at bingi, o mga nakikinabang nating mga kababayan (baka tulad mo) sa mga katiwaliang pinag-gagawa ni GLORIA at ng kanyang “ROYAL COURT” ang magsasabi na PANINIRANG PURI nga lamang ang bagay na sinasabi namin sa mga “forum” na gaya nito. And beside, hindi tayo “nagpapagalingan” dito…inilalabas lamang namin ang aming kaniya-kaniyang malayang opinyon. Walang nagmamalinis dito at palagay ko, kung me “ungas at utak” talangka man dito, ay walang iba kundi ang mga taong “nagbibigay” ng taliwas at hindi makatotohanang komento.

  13. Sinong may sabing may puwang ang mga komunista sa Pilipinas? Buti pa nga kaming mga hapon, recognize namin ang Communist Party dito, but they do not pose any problem to the country. Malaking pakinabang nga sila na hindi makakurakoy ng husto si Koizumi e!

    Who’s talking of changing the Philippines into a Communist country? Maski nga si Satur Ocampo, hindi ko naringan ng ganyang salita! Tingin ko nga sa kanila, wala namang naiba sa kanila doon sa ibang mga pilipinong politiko. Mas social-oriented pa nga sila nina Ka Beltran!

    Wala nang komunista ngayon kundi si Joma Sison siguro! Tingin ko sa mga kasama nina Ka Roger wala naman silang alam tungkol sa ideology na iyan! Ang pinaglalaban nila sa pagkakaalam ko ay katarungan at pagkakataong mamuhay na marangal at hindi magutom! Kung hindi mo papaalisin ang pinakamalaking magnanakaw ngayon, baka talagang hindi na sila mangingiming mamamatay matupad lang nila ang pangarap nilang guminhawa!

    Bakit akala ba ni Bansot babango siya kay Bush kung sabihin niyang makikibaka siya sa mga komunista sa Pilipinas at pagpapatayin niya sila? Masaya siya! Hindi na komunista ngayon ang kaaway ng Amerika? Moro na terorista daw! Balik sa Middle Age ang tinamaan ng lintik! Para ka ngayong magku-crusade pagpunta mo sa Middle East lalo na doon sa bayan ni Abraham na kababayan ni Saddam!

    Itong mga sundalong pilipino dapat maging abreast sa balita na pati nga Tsina, ang siyang natitirang Komunista pero Maoist naman, ay kapitalista na rin para hindi sila nagmumukhang walang mga pinag-aralan katulad noong si Palparan. Pakulo lang ni Bansot ang sinasabi niyang paglipon sa mga komunista! Lumang tugtugin na iyan! Bakit ka kumakagat?

    Mahirap maging tunay na komunista ang mga pilipino unang-una ay dahil sila ay mga kristyano maliban na lang kung dahil sa kahirapan ay binabastos nila ang religion nila. Si Karl Marx na pasimuno niyan ay walang Diyos kaya bakit kailangang mag-alalang magiging komunista ang Pilipinas. Ang bobo naman! Sa totoo lang, maraming paring pilipino ang tingin ko ay mas komunista pa doon sa mga intsik na kakilala ko. O naging komunista ba ang Pilipinas dahil sa kanila? Puede ba, maging original naman kayo! Ginagawa pa ninyong mga inutil ang mga kapwa ninyo pilipino sa pagpipilit ninyo na ang pagbatikos kay Bansot ay mga komunista lang ang may gusto. Lahat ng kakilala ko burgis pero galit sila kay Bansot!

    Itong mga komunista lang ang bukang-bibig nagmumukha lang talagang bobo at walang alam. Iyan ang talagang mas delikado sa totoo lang!

  14. Spartan Spartan

    “..religion is the opiate of the people” this is one of Karl Marx’s popular quotation from his doctrine, that is why in a “TRUE COMMUNIST” state, religious practices, be it christianism, hinduism, buddhism, islam, or whatever sect, belief, denomination it is…are persecuted. Would the entire filipino nation and it’s people would just stand still while their individual religious beliefs would be “taken away from them”? I guess not…so, comm’on the issue of communism “over-running” our “political practices and beliefs” is as extinct as those giant lizards of the Triassic and Jurassic eras. 😀

    The “real and present issue” at hand now is how this 2nd Impeachment Complaint would “prosper”. Because for me, and maybe to millions of other pinoys, this is the only and best solution to solve not only our problems (us who seeks GLORIA’s ouster) but also “REYNA ENGKANTADA” herself. If she would allow the “wheel of the process” to just go on…and….at the end of it all…by some “DIVINE INTERVENTIONS or MIRACLE”…and SHE got EXONERATED of all the CHARGES against her and her “cohorts”. Then, borrowing the famous line from Mirriam Defensor Santiago…”magpapabaril TAYONG LAHAT (who are against GLORIA) sa Luneta”. 😛

    “Manang” Yuko, if it indeed happens…ikaw magse-seppuku dyan sa Japan… 😉

  15. Oh, no, Spartan, dahil hindi naman ako brain damage katulad ni Miriam! 😛

    Bakit ako magpapakamatay e hindi naman worth. Mapunta pa ako sa impyerno e ayaw na ayaw ko pa namang makasama si Bansot!

    Ang gagawin ko, itong mga kasama ko sa coalition ng mga sapian ng mga pilipino dito sa Japan (Meron kaming itinayo na kasama ang 20 organizations ng mga pilipino dito sa buong Japan para lang magkaroon ng tunay na leverage ang mga pilipino na provided ko ang venue) ay tutulungan kong isampa ang kanilang hinaing sa ICC lalo na’t may back-up group kami na mga abogadong hapon na puedeng tumulong sa pakikibakang ito kasama na iyong mga grupo ng mga abogado sa Pilipinas na nagtayo ng People’s Court diyan. Malaking proyekto ito sa totoo lang.

    Salamat naman sa Diyos at dito sa Japan ay di tulad sa Pilipinas na mismong pulis at militar ay kasabwat ng mga kriminal! Dito ang mga hinuhuli ng pulis ay iniimbestigahan para malaman kung may kasalanan nga sila bago sampahan ng kaso sa korte dahil sa Japan, hindi sinasampahan ng kaso ang mga walang kasalanan sa korte.

    Sa Pilipinas, iyong mga pulis at militar ay ayaw mag-imbestiga dahil alam nilang ang mga ipinagtatanggol at pinagtatakpan pa ay talagang may kasalanan katulad ni Bansot at mga kasama niya.

    Patawarin sila ng Diyos sa mga kabulastugan nila. Basta tayo, arya. Tulungan nating magkalakas ng loob iyong mga may alam sa katotohanan na tulungan nila iyong mga nagsampa ng Impeachment para matanggal na iyong nagkaroon ng “daya-rhea” at gustong patayin ng “Loose Bowel Movement”! 🙂

    Mabuhay si Dinky Soliman! Mabuhay si Ka Beltran! Hang on there Ka Bel! Marami kang kaibigan sa Diet ng Japan! Panay ang tanong nila tungkol sa kalagayan mo!

  16. Spartan, salita lang ni Karl Marx iyan, pero si Mao Tse Tung, pati simbahang katoliko pinakialaman. Kahit ngayon sa China, iyon mga foreigner may kani-kaniyang pinupuntahan kapag nagsasamba sila.

    Iyong mga intsik meron silang sariling Katolikong Simbahan na hindi kakabit sa Vatican. Nakakasimba ang mga intsik na katoliko pero hindi ko lang tiyak kung ang misa nila ay kapareho ng misa sa Pilipinas. Baka pa nga mas tunay ang dasal nila doon di tulad ng photo-op ni Bansat na akala mo banal demonyo naman pala! 😛

  17. Tangnang Gloria!

    Talagang ang kapal ng mukha. Nagparetoke pa e di lalo ng kumapal.

    Gloria at ang asawa pati pamilya: Mga magnanakaw
    Gloria at ang asawa pati pamilya: Walang dignidad
    Gloria at ang asawa pati pamilya: Walang kaluluwa
    Gloria at ang asawa pati pamilya: Puro sinungaling
    Gloria at ang asawa pati pamilya: Mga bandido

    Dapat sa mga iyan: Isabit sa punong mangga at hatawin!

    Tangnang Gloria talaga! Hindi na kinilabutan…

  18. Yan ang hirap sa ‘di nakaka-intindi kung ano ang pinag-lalaban ng ating mga kapatid sa Kaliwa. Mali ring sabihin na ang Kaliwa ay gumagalaw para lamang palitan ang pamahalaan. Kung hindi ninyo naiintidihan kung ano ang ibig sabihin ng EQUALITY and SOCIAL JUSTICE ay kayo ang isisp talangka.

    Progressive democracy embraces some ideals from the Communist and Socialist ideologies because that is essence of freedom and human rights. The so-called Red Scare has long been dead and is only used by people who only think of themeselves. I am not afraid of the Communists in our country because I understand what they are fighting for. We cannot just dismiss their wants because poverty pulls down the entire society. Okay lang yumaman if you work hard for it, but never at the expense of your fellowmen. You may consider this view cynical but we have to live by this creed if we want a progressive country.

  19. Ronnie Mabini Ronnie Mabini

    Spartan;

    Hindi naman problema yun pagpuna at pagtuligsa pero gawin naman sana sa paraan “constructive criticism lang!” pansin ko lang madalas kaysa minsan ay below the belt ang banat. Buti sana kung ginagawa ang paninira at pagpuna dahil sa pagmamahal sa bayan, ang totoo nyan ginagawa nyo dahil sa sobrang galit nyo kay GMA?! Kahit ano pang makakabuti sa bayan ang gawin ni GMA ay bale-wala sa inyo dahil isa lang naman talaga ang gusto nyo mapatalsik si GMA right?

    Akala mo ba tatahimik at uunlad na ang Pilipinas kung sakaling mapatalsik si GMA? Kahit sino pa ang ipalit kay GMA at ganun parin ang ugali ng mga pilipino, sinisigurado ko s’yo paulit-ulit lang ang lahat ng mga debate at mga rally-rally sa lansangan, sa internet or kung saan-saan lupalop.

    Who cares kung mapatalsik si GMA? Ang concerns lang talaga ng nakakarami ay makaraos ng 3 beses sa loob ng isang araw at magkaroon ng matatag na trabaho para mamuhay ng disente. Kung makaranas man ng kaunting luho ay malaking bonus ng maituturing!

    To be fair, tama ang sabi ni Ate Yuko, imposibleng maging komunista ang Pilipinas dahil likas na sa Pilipino ang pananalig sa Diyos [na kahit sa relihiyon nagtatalo-talo prin ang mga pinoy!].

    Kung mabibigyan lang ng pagkakataon yumaman ang mga lider na si ka Beltran, Satur Ocampo, Randy David, Ka Roger at kung sino pang mga aktibista magiging totoo naman kaya sila sa kanilang ipinalalaban para sa pantay-pantay na hustisya? Meron na bang kahit isang milyonaryo’t kilalang personalidad na sumama sa hanay ng mga iyan na pareho nilang ipinaglalaban na prinsipyo? Meron na bang nabalita na milyonaryong komunista sa Pilipinas, wala pa dib? Kasi PERA at KAPANGYARIHAN lang ang katapat para magbago ang ideolohiya ng isang tao!!!

  20. bulakbulero bulakbulero

    Ang isa sa di ko maintindihan sa Simbahang Katoliko ay kung bakit tino-tolerate nila ang pagsisinungaling, pagnanakaw at pandaraya ni bansot. Nasa 10 commandments pa naman yang “Thou shall not steal”, di ba?

    Sana ay may isang priest/bishop/cardinal na magkaroon ng lakas ng loob upang hiyain si bansot. Imagine this, bansot is attending a mass live on TV. Tapos, pag oras na para magbigayan ng ostsa, lalampasan si bansot at di bibigyan. Yan ang pinakahihintay kong sandali kung saan the Catholic church will redeem itself.

  21. bulakbulero bulakbulero

    Diyan ako hindi naniniwala, Ronnie Mabini. Bakit ba si Osama bin Laden, bilyonaryo ang tatay, milyonaryo na rin siya, pero pinili ang pagiging terorista, namuhay sa bundok na walang amenities?

    Ang conviction ng tao ay di nabibili ng pera. Kung maina ang iyong paniniwala, madali kang matukso ng pera at kapangyarihan. Kita mo nga si Bansot at Dambuhala, mayayaman na ang mga iyan pero dahil nga sa ubod ng sama ang kalooban, hindi magkasya sa daang milyon na kurakot.

  22. Tama ka, Schumey. Dito sa Japan, meron kaming lahat ng mga partido representing all kinds of ideologies. E di masaya. Ako hindi ko pinapansin ang mga marunong mag-preach pero hindi naman sinusunod ang sinasabi niya. Pintas daw ang batikos! Ang linaw ng salita. Creative criticism para sa mga magnanakaw hindi iyan tumatalab. Ang kailangan sa mga iyan hulihin ng pulis para matauhan at iyong mga gagawa rin ng anomalyang katulad nila ay matakot!

    Anyway, gaya ng sinabi mo, trying hard itong mga Internet Brigade ni Bansot ngayon na baligtarin ang sinasabi ng mga bumabatikos sa kaniya. Siyempre kapag natanggal si Bansot wala na rin sila! Pero hindi dapat na parang pagulong-gulong na lang at gantihang palpak.

    Dito wala kaming ganyan. Kung nagkamali kami ng boto, babatikosin namin hanggang sa mag-give up ang binabatikos namin at bababa ng tahimik, hindi katulad ni Bansot na ipapapatay pa ang mga ayaw sa kaniya gayong wala naman siyang karapatan kasi hindi naman siya naboto at nandaya nga. Ang linaw-linaw ng ginagawa, bakit hindi iyan paalisin?

    Kaya, huwag ninyong pansinin ang nonsense na sinasabi ng mga katulong ni Bansot! Nonsense kaya hindi dapat pansinin. Ibulgar ang lahat ng nalalaman ng lahat para tumibay ang panglaban ng mga nagsampa ng impeachment.

    Ang point, bakit tayo ang binabatikos ng mga ito, hindi iyong mga nagpapahirap sa mga kababayan nila komo ba tiba-tiba sila kay Pandak kundi ba tarantado! Pwe! Hypocrite! Nakakatayo ng balahibo!

  23. Dominique Dominique

    Analyst, I’m not a believer of communism. But I will defend their right to their beliefs. In the same way that I want other to respect my beliefs. Communism has been legalized since 1995. Many countries in the world allow communist parties to compete in the political arena.

    We call ourselves democracy and we suppress people’s beliefs? What kind of government do we have that boasts of abolishing death penalty but we encourage the killing unarmed civilians who do not agree with those in power?

  24. Bulakbulero:

    May paring bumabatikos kay Bansot na mataas pa ang rangko pero tignan mo ang kalokohan, doon sa simbahan sa Maynila reyna ang trato kay Pandak! Bakit ganoon? Parang iyong pare sa Dagupan ay sinungaling pa ang labas! Kawawa naman!

    Sa simbahan namin iyan, baka dumaan na iyan ng church court! Anyway, walang kasamaan na hindi winawakasan! Kaya dasal na tayong lahat! Damdam ko malapit na si Bansot na matanggal sa puwesto niya!

    You bet, nakikinig ang Diyos sa mga taong hindi magnanakaw at sumusunod sa mga utos niya.

  25. bulakbulero bulakbulero

    That is the true colour of bansot. She is one of the proponents of the death penalty law, di ba? She only supported it when it was fashionable to do so. Tapos ngayon aalisin para lang may maidahilan sa pamamasyal sa Europe. Sana ay may ma-kidnap-for-ransom yang kapamilya para maramdaman niya ang feelings ng mga biktima ng heinous crime. Isa pang reason kaya niya tinanggal ang death penalty ay para makaiwas silang mag-anak sakaling matanggal sila sa pwesto.

    Ang Spain naman ay may motibo rin kaya sila happy sa abolition ng death penalty. Isa sa mga kastilaloy ay nahaharap sa death sentence in Cebu (Chiong sisters rape/murder, remember?)

  26. Golly, ang sarap-sarap ng huntahan, biglang pumasok ang nagmamaang-maangan na kunyari galit sa mga komunista pero hindi ba si Bansot halos isangla ang Pilipinas sa Tsina? Abaw, umutang doon sa mga intsik na wise na ang gustong bayad niya ay hindi dadaan sa bangkong pilipino kundi diretso sa bangkong intsik. Iyon naman gaga, palibhasa ayaw umamin na bao lang ang ulo niya ay pumayag na hindi iniisip kung ano ang kalalabasan ng pagkakalabasa ng utak niya.

    Napataas ang kilay ng Mr. ko nang mabasa ang kabobohan ng usapan ni Bansot sa mga intsik. Hindi na lang nilinaw sa akin ang mga iyon gawa nang alam niyang kukulo ang dugo ko at masisira ang araw ko.

    O, komunista itong mga intsik, bakit siya nakikipag-usap doon, pero ang kapwa nila komunista sa Pilipinas ay ipapapatay niya? Dahil ba sa wala silang pera? Aba, masaya siya.

    Dominique, 1995 pang legal na ang mga komunista sa Pilipinas e ano itong ginagawang kabalbalan ni Bansot. Aba e talagang abuso na iyan!

  27. Tell you what Ronnie. Maraming gustong mag-corrupt kay Crispin Beltran sa puwesto niya bilang Congressman, pero hindi siya pumayag kaya galit sa kaniya iyong mga gustong magpaalis sa kaniya sa Congress at kung ano-ano ang ibinibentang sa kaniya.

    Ang akala kasi nila komo walang pera iyong tao ay hindi siya puedeng lumaban lalo na sa hukumang kakampi ni Bansot na mangingikil sa kaniya. Ang hindi nila alam ay maraming tutulong kay Ka Beltran na mga taong humahanga sa kaniya sa tapang at lakas ng loob niya.

    Dito na lang sa Japan, ang daming tumatawag sa akin na tinatanong kung papaano siya matutulungan. And they are all Japanese professionals at may sinasabi sa Japan katulad ng mga miyembro ng Diet, bar association, etc. Kaya huwag kakasiguro si Bansot ng pang-aapi niya sa mga katulad ni Ka Bel. Diyan siya tuluyang babagsak!

    At saka anong kalokohan ang pinagsasabi mo na walang mangyayari sa pagbabatikos kay Bansot. Anong gusto mo tumahimik ang mga inaapi niya? Ano ka ba sala sa lamig, sala sa init?

    Ang alam ko ang mga kasama ko dito na bumabatikos kay Bansot ay iisa ang damdamin na gaya nga ng sabi ni Spartan ay galing sa puso! Pero ikaw, ang tingin ko sa iyo ay bipolar ka! Hindi malinaw ang stand mo. Nakakainit ka lang ng ulo sa totoo lang.

    As for peace of mind, I have lots of that. Kaya wala kang pakialam kung anuman ang gawin ko na alam kong makakatulong sa pagpapabago ng mga kabalbalang nangyayari sa Pilipinas lalo na nang umupo si Bansot. Ang pinag-uusapan natin ay ngayon, walang kinalaman kay Erap bagamat sang-ayon akong dapat na bigyan ng katarungan ang magiting na taong iyan!

  28. Yuko, Dominique, Bulakbulero,

    Moral Decay is the result of the belief that power and riches is what matters most. Good point there Bulakbulero, Bin Ladens family is one of the richest in KSA and yet he pursued a life of conviction. I’m not saying that what he’s been doing is right, but we cannot judge his conviction by his actions. Yes Dominique, GMA is a master of double-talk and deceit. She can and will never be credible.

  29. Bulakbulero:

    Sang-ayon din ako sa death penalty gawa nang may mga taong katulad ni Bansot halimbawa na akala niya tama ang ginagawa niya pero hindi pala, at kahit na anong gawin mo ay wala nang pag-asang magbago pa!

    Ang dami ko nang na-meet na mga kriminal sa trabaho ko at napapailing na lang ang ulo ko sa mga maling katwiran nila na naririnig ko.

    May isang murderer sa Utah ang nagsabi nang hatulan siya ng bitay. Nagalit pa siya sa nanay niya nang magtangka iyon na tumawag sa president ng America na bigyan siya ng clemency. Ang sabi niya ay hindi kailangan dahil kung hindi siya bibitayin ay pihadong papatay ulit siya paglabas niya!

    Tapos, kunyari pa raw si Bansot ay banal na nagpapatawad doon sa mga hindi na mabibitay kundi pa nating alam na sarili niya ang iniisip niya gawa ng siya ang unang-unang beneficiary ng batas na pinirmahan niya! Yehey! Akala niya nakaisa siya!

    Makaligtas man siya sa pag-uusig ng tao, hindi naman siya makakaligtas sa pag-uusig ng Panginoon Diyos. Walang pagsisisi, walang kapatawaran, sabi nga!

  30. Schumey:

    I heard the whole interview of Bin Laden that I translated into Japanese for a special show on Bin Laden that was shown prominently after the 9/11 attack but was actually done two years before that.

    Malumanay magsalita and very refined compared to Dubya Bush na parang walang pinag-aralan. He was very passionate about his religion that I could understand very well because I have the same feeling for my own religion.

    Tama naman siya sa pagbatikos na pambabastos ng Holy Land nila ng mga kano. Conflicting ang sinasabi ni Dubya na binastos ang mga libingan ng mga banal sa religion ng mga Moro halimbawa sa Iraq kaya matindi ang galit ng mga Iraqi sa kanila na hindi nagpapasalamat sa pagtanggal kay Saddam kahit na ayaw nila si Saddam na ang mga Amerikano rin ang may pakana kung papaano nakaupo. In fact, it is the reason why Bin Laden did not like Saddam.

    Kahit dito sa Japan, may pagkabastos talaga sila. Halimbawa, sinabi nang wala nilang isusulat ang kahit na anumang kabalbalan tungkol sa Imperial Family, may Amerikanong nagsulat ng tungkol kay Princess Masako na hindi naman niya na-interview. Nag-alsa ang Japanese Press Club. Kaya dito hindi sila puedeng sumali sa Nippon Press Club at doon lang sila sa kanilang Foreign Correspondent Club.

    But we are in the last days apparently when we see the emergence of a lot of false prophets, etc. and wolf cryers like the Bansot kaya lalong kailangan natin mag-ingat para hindi matanso. Kaya ako di na bumibili ng mga ibang libro na hindi tungkol sa religion, at ang mga binibili ko ay parang pantulong lang para lalo kong maintindihan ang mga binabasa ko sa mga Holy Scriptures.

    Buti na lang nga meron Internet at dito na lang tayo nakikibasa. Huwag nang pansinin ang mga baliw na nagpapanggap na maganda ang kanilang mga layunin para i-promote si Bansot kahit na kitang-kita naman ang kanilang kadiliman!

  31. goldenlion goldenlion

    I still remember what Senator Joker arroyo said on Erap “This nation can not be run by a thief”. WOW!!! ngayon anong masasabi kaya ni joker? This nation is run by a thief, a liar, a cheater, a gambler, a killer, violator of the laws, hypocrite, etc.!!! Grabe na ito!!! Ngayon ka magsalita, Joker!! Sabi nila walang relasyon itong si Joker ke Mike, imposible, ilang lang naman ang mga arroyos d2 sa Pilipinas!! Iisa ang kanilang lahi.

  32. Goldenlion:

    Ang sasabihin ni Joker na kaapelyido ni Fatso ay “This nation cannot be run by robbers and thieves, pimps and murderers!” Alam ko si Erap tumatanggap ng bribe pero pagnanakaw, I doubt! Itong si Pandak, pati mga pondo para sa mga mahihirap, OFW, etc. kinurakoy! Abuloy sa education, etc. pinag-interesan!

  33. bulakbulero bulakbulero

    Sabi ko nga sa mga kapatid ko sa Pinas, ang unang tingnan nila pagbalik ni bansot galing sa Saudi ay kung kumpleto pa ang mga kamay. Pinuputulan kasi ng kamay ang mga magnanakaw dito sa Saudi.

    Ang alam ko kay Dambulahang Mike ay mga Tuazon ang kamag-anak niyan. Ngayon nga ay sinasab pa na may kamag-anak daw silang malapit ng maging santo. Diyos ko po!!!

  34. Sa palagay nagpapalapad lang sila dahil hindi pinapansin si Pandak sa Europe. Dalawang araw nga na maglalamyerda daw on government junket!!! Doble ang gastos sa Europe sa totoo lang. Dapat diyan ay rikisahin ang mga pinagwawaldas na pera ng mga kumag na iyan. Iyong dalawang araw ni Bansot dapat charged sa kaniya dahil hindi naman para sa bansa ang ginagawa niya.

    OK makikipag-usap daw siya sa mga businessman doon pero sino ang makikinabang? Dito nga iyong asawa nag-company shopping para makakita ng prospect na partners nila kung sakaling hindi sila makatagal sa Malacanang. Buti na lang may mga ispiya ako maging sa press dito.

    Sino ba ang niloloko nila kundi iyong mga tanga na komo binabayaran para mag-disrupt ng mga discussion sa mga blog na ito, e ba huwag daw pipintasan si Bansot! Masaya sila! Hindi pinipintasan si Bansot. Binabatikos si Bansot! Pintas at batikos ay magkaiba! Tagalog na iyan ha. Pag di pa naintindihan e bobo na ngang talaga! 😛

  35. bulakbulero bulakbulero

    Si Satur Ocampo nga pinayagan lang makalabas ng bansa kung hindi babatikusin si bansot The nerve ng INjustice Secretary Gonzales. Sino sila para magdikta kung ano ang pwede at hindi pwedeng sabihin tungkol sa mga kabulastugan ni bansot.

    Grabe talaga ang picture niya sa Inquirer. Taning na taning ang dating!

  36. Yuko, talaga namang ka-pintas-pintas ang pandak na yan. Wala ka ngang makikitang mabuti diyan. Ako mismo, hindi lang batikos ang ginagawa ko sa kanya. Ang tulad niyan ay walang pag-asang magbago. Kahit humingi pa yan ng tawad ng paulit-ulit ay ‘di dapat patawarin dahil hindi yan marunong ng bukal sa puso. Walang remorse ang isang yan. Ang alam lang niyan ay magpayaman at the expense of the Filipino people.

    Bulakbulero, ‘di lang taning na taning, Tagnang tangna pa.

  37. Schumey:

    Isang tao lang ngang mamasyal sa Europe, giba na ang resources mo, kalahating eroplano pa? Puro pa mga First Class seats ang mga ungas na iyan sa palagay ko. Kahit na discount, putok pa rin ang kaban ng bansa. Bakit hindi iyan niririkisa?

    Lahat iyan dapat isingil sa kanila pagdating ng araw para madala iyong mga mahilig magpalibre. Isang masamang ugali ng mga pilipino itong palaging nagpapalibre na talaga namang para silang mga parasitiko! Mga buwaya na bulate pa! Tangna talaga!

  38. Ayokong isipin na hindi makukulong si Bansot at mga galamay niya sa nakawan, etc., pero hangga’t hindi nila tinatanggal ang mga nagpaupo sa kaniya at mga in-appoint nila sa Korte Suprema, malabong matanggal nga iyan gawa nang siyempre pipilitin ng mga animal na manatili siya sa puwesto para hindi rin sila matanggal.

    Pero gaya nga ng sinabi ko kay Spartan, hindi ako praning na katulad ni Miriam Brain Damage Defensor na magpapakamatay dahil malaking kasalanan iyon sa Panginoon. Mapunta pa ako sa impiyerno na alam kong doon pupunta si Bansot at ayaw ko siyang makasama!!! 😉

    Ano ang magagawa natin para magtagumpay ang Impeachment na ito? Iyan ang dapat nating isipin ngayon sabay katakot-takot na dasal kasi sa totoo lang ang Diyos ang siyang pinaka-powerful na makakatulong sa sambayanan. Huwag kayong matakot na hindi makikinig ang Diyos komo nagpunta si Bansot sa Vatican at kahit na anong tapik ng Papa sa likod niya, ang pakikinggan pa rin ng Panginoon ay ang hinaing at dasal ng mga naghihirap na mga pilipino na ang tanging paraan na makaahon sa hirap nila ay makipagsapalaran sa ibang bansa, kahit na anong trabaho—kahit magputa (hindi na dildil ng asin), etc.—basta may pagkain tatlong beses isang araw sa lamesa nila.

    Iyong mga nagsampa ng Impeachment, sakripisyo din ang kailangang gawin nila. Iyong mga may kabit diyan, mag-say goodbye na kayo sa mga kabit ninyo, etc. and live a life in accordance with the Commandments of God dahil ang Diyos ay sumasagot lamang sa mga masunurin sa Kaniya at sa Kaniyang mga Utos.

    Let the Beatitudes Christ gave during His Sermon on the Mount be our guide: (1) Blessed are the poor in spirit: for theirs is the kingdom of heaven. (2) Blessed are they that mourn: for they shall be comforted. (3) Blessed are the meek•: for they shall inherit the earth. (4) Blessed are they which do hunger and thirst after righteousness: for they shall be filled. (5) Blessed are the merciful: for they shall obtain mercy. (6) Blessed are the pure in heart: for they shall see God. (7) Blessed are the peacemakers: for they shall be called the children of God. (8) Blessed are they which are persecuted for righteousness’ sake: for theirs is the kingdom of heaven. (9) Blessed are ye, when men shall revile you, and persecute you, and shall say all manner of evil against you falsely, for my sake. (10) Rejoice, and be exceeding glad: for great is your reward in heaven: for so persecuted they the prophets which were before you.” (Matt.5:3-12)

    As for the Bansot, we should not be worried for she is indeed the epitome of all that God hates: “These six things doth the LORD hate: yea, seven are an abomination unto him:
    (1) A PROUD LOOK, (2) A LYING TONGUE, and (3)HANDS THAT SHED INNOCENT BLOOD, (4) AN HEART THAT DEVISETH WICKED IMAGINATIONS, (5) FEET THAT BE SWIFT IN RUNNING TO MISCHIEF, (6) A FALSE WITNESS THAT SPEAKETH LIES, and (7) HE THAT SOWETH DISCORD AMONG BRETHREN.” (Prov. 6: 16-19)

    Now, you know kung sino iyong mga kampon ni Mother of Lies and Deceit—iyong napapaso kapag may mga pagbanggit sa mga ganitong banal na usapan. Baka pa nga mga demonyo iyabn na nagpapanggap na tao! Marami sila. Legions ang tawag sa kanila.

    Kuha ito sa Old Testament kaya sa palagay ko alam din ito ng mga Moro na ang Dios na pinagdarasalan sa totoo lang ay Diyos din ni Abraham na kapareho ng Diyos ng mga Hudyo at Kristyano!

  39. Ronnie Mabini Ronnie Mabini

    Ate Yuko:

    Cool k lang, hindi ako maka-GMA at hindi rin ako anti-GMA, mahal ko lang ang bayan ko. Marami ng mga nangyari mula sa pagre-resign ng Hyatt 11, impeachment, destabilization, people power, kudeta pati yata inodoro at lababo ibinato nyo na kay GMA pero hayan naka-smile prin kahit dinadale na ng pagtatae!

    Naniniwala ako sa sinabi mo na kung “nakaligtas man sa pag-uusig ng tao ay hindi rin naman siya makakaligtas sa pag-uusig ng Panginoon Diyos, walang pagsisi walang kapatawaran” So, bakit kailangan pasanin mo ang ganiyan galit sa dibdib mo?

    Sige lang, murahin, tirahin, sirain, pintasan at kung ano-ano pa kung yan ba ang mas makakapagbigay s’yo ng kaligayahan. Kaya lang wag ka naman padadala sa sobrang galit mo kay GMA dahil ang kalusugan mo rin ang maapektuhan. Masyado kang nagpapa-apekto sa pulitika, nagreregodon lang naman ang mga yan, magka-away ngayon, magkakampi bukas tapos magka-away naman uli ngayon. Harinawa matupad na ang matimtim mong panalangin sa Itaas para sa magrest narin ang isip mo.

    Kung nakakapag-pabata at nagpapaganda lang ang laging nagagalit siguro ang ganda-ganda mo na ngayon 🙂

  40. Bagong joke tungkol sa No. 1 Utangera ng Pilipinas:

    Aru, U-tangna naman si Gloria!

  41. May isang libro noon na ang pangalan ay “Sainthood Delayed!” tungkol kay Cory. Sino kaya naman ngayon ang magsusulat ng “Sainthood Denied!” tungkol naman kay Bansot!

    Galing ito sa isang kasama ko sa isang egroup:

    RE: Most Unforgivable Lie

    Obviously, if the Arroyos are somewhat related to a saint, the miracles should first work on them, instead of on strangers from Manila. Pero…hindi yata tatablan ng milagro ang mga walanghiyang ito. And…”descended from Santa Teresa de Avila”? Que horror! If such a claim could be proven, then I would recommend that Santa Teresa be “demoted” and stripped of her sainthood.

    I wonder what other “pang-gulat” the Filipino People will hear after this visit to the Vatican – that the Pope gave La Gloria the go-signal to declare martial law? Kasi naman, iyong isang Papa – binindisyuhan (daw) ang candidatura ni GMA noong 2004.

    Ad

  42. Tribune reports, “Yet another impeachment complaint was filed yesterday against President Arroyo, this time by former Vice President Teofisto Guingona Jr. and several other organizations including Courage, an organization of government employees, and the Assalam BangsaMoro party.

    “The prime charge was focused on her alleged receipt of a monthly P1 million per region in jueteng payoffs. The complaint was endorsed by his congressman-son, Rep. Teofisto Guingona lll.”

    I believe him. Last year, I met a boxing promoter and even Manny Pacquiao who informed us of the payoffs to the Fat Guy especially during the election when they were required to give 5M pesos monthly due from their earnings from their gambling establishments. When I asked why they gave such big money to the Fat Guy, the gambling lord said, “Anong gusto mo masarado ang esablishment ko?”

    And I thought it was feudalistic! I did not realize that because of the greediness of these people, the Philippines has in tagalog, “naiwan na ng panahon!”

    PATALSIKIN NA, NOW NA!

  43. Ellen:

    Sabi ng isang kaibigan ko, kung mababait daw ang mga Arroyo gaya ng sabi ni Iggy Pidal na perjurer din e wala nang salbahe sa mundo! 🙁

  44. vonjovi1 vonjovi1

    To Ystakei,

    Balita ko ay uutang na naman si Reynang Magnanakaw sa JAPAN at kung ito ba ay totoo. Diyan ka naka base sa JAPAN diba.

  45. Yuko,

    Kung meron mang ayaw umunlad ang Pilipinas ay ang tulad yan ng mga Arroyo. Kaya kung kani-kanino ipina-rerenta ang ekta-ektariyang lupain para hindi maibigay sa CARP. Tama ka, hindi democratic society ang gusto ng mga yan, feudalism. Ang nakakatawa ay kung papano mag-malinis ang mga ito kahit alam ng buong bayan kung gaano kagarapal ang mga ito.

    Sino kaya ngayon ang utak talangka? Kami ba na hindi manhid sa paghihirap ng mga Pilipino o ang ilan na panay ang sabit sa mga magnanakaw para lamang sa kakaunting barya? Paano kaya na-aatim ng mga ito na ang ikinabubuhay nila ay mula sa pawis at dugo ng kababayan nila? Mabuti pa ang mga nag-kakahig ng basura, pinag-hihirapan nila ang pantustus sa pamilya nila. Mas marangal pa ang mga ito kesa sa iba diyan na salat sa prinsipyo.

  46. You bet, Vonjovi1, handa na ang mga strategy namin dito. ang ipinadala dito ni Bansot si De Venecia, pero dito kapag may mga nagrereklamo, napapahiya ang pamahalaan. Kaya ang rekomenda ko sa mga pilipino, magreklamo kay na sulatan ninyo ang Ministry of Finance, Ministry of Foreign Affairs at si Koizumi. Matatagalan pa naman iyan dahil titignan ng mga pamahalaan namin kung totoo o hindi ang proyekto. Ang masama nito pihadong maraming padding of bills ang gagawin ng mga ahas at ulupong diyan. Same old story lalo pa ngayon na wala nang nagbabantay sa mga magnanakaw kasi pati pulis at militar sa Pilipinas magnanakaw na rin!

  47. Schumey:

    One thing that TV networks there should try to introduce are documentaries and exposes to make Filipinos be aware of the things happening in their country based on truths not fantansies. Ang kaso mukhang mahilig lang ang karamihan ng mga pasayaw-sayaw.

    In fact, iyan ang problema ng mga Filipino associations kahit saan—sayaw lang ng sayaw at sosyalan—kaya wala silang talagang naa-accomplish. Para sa akin iyan ang utak talangka dahil hindi naman talangka na hilahin mong pababa ang mga magnanakaw!

    Napansin ko iyan una sa America kumpara sa mga hapon doon na may mas malakas na samahan dahil gusto nilang may proteksyon at leverage gawa din siguro ng ginawang pagtrato sa kanila noong WWII. Walang sinabi ang mga pilipino sa States sa totoo lang. Pumunta ka sa Japan Town halimbawa sa SFO, meron doong historical association na nangangalap ng mga detalya tungkol sa mga hapon sa America na tinutulungan ng pamahalaan ng Hapon at ng mga negosyanteng hapones. Maraming incentives para ang mga hapon doon ay hindi makalimutan ang kanilang lahing pinanggalingan. Kaya wala pa akong nami-meet na hapon doon na ikinahiya ang bansang Hapon kahit na trinato silang parang mga kriminal noong WWII doon.

    Dito nga pagmay dumating mula Pilipinas, ang tanong ng mga pilipino lalo na iyong mga overstay na gusto nang umuwi kaya lang nag-aalalang mas mahirap ang katayuan nila doon, magtatanong kung matutulungan sila para makauwi na, pero ang sagot ni Bansot at ng mga katulad niyang kurakot, “Bakit gusto ninyong umuwi? Mas masarap ang buhay ninyo dito? Kakausapin ko na lang ang mga hapon para ma-amnesty kayo!”
    Stupid! Hindi ba niya alam na krimen ang mag-overstay at magtrabaho ng ilegal sa Japan?

    Kasi ang totoo ay walang amnesty sa Japan. Mag-asawa ka ng hapon o magkaanak ka ng hapon baka pa. Kaya ayon ang mga kababayan ni Bansot na mga pilipina, nagpapabuntis sa mga hapon para makapanatili lang sa Japan! Tama ba iyan?

    Samantalang kung matino ang gobyerno at may matatag na land reform program halimbawa at saka sapat na edukasyon ang mga pilipino ay baka umunlad na iyan! Ang kaso ninanakaw pati nga iyong OWWA fund na para sa mga OFW at saka binobola na lang ang mga pilipino.

    Ganyan na ang problema noong araw pa at lalo na noong panahon ni Dadong Macapagal. Natatandaan ko ang karamihan sa mga professor ko noon, galit na galit sa tatay ni Bansot kasi mahilig din mangutang. Sabi ni Prof. Agoncillo sa amin, “Yours and the future generations of Filipinos will never be able to pay the debts of the Philippines incurred by Macapagal!” Tama nga siya! Lumaki pa ang tubo lalo na ngayong panay ang parang equity ni Bansot! Dagdag pa ang malaking utang sa Tsina na naka-collateral ang lupain ng Pilipinas!

    Maraming walang alam diyan kasi hindi nagbabasa ng pahayagan. Ang binabasa komiks, at ang mga pinanonood naman sa TV ay mga sayaw-sayaw! Buti na lang may Internet na ngayon kaya iyong mga nakaka-hook up ay natoto naman.

    Kaya, kung ako sa inyo, sasabihin ko sa mga kaibigan ninyong mag-blog ng mag-blog dito. Huwag ninyong pansinin ang mga Internet Brigade ni Bansot at iyong mga walang magawa kundi manggulo lang.

  48. florry florry

    Ay naku heto na naman ang mga defenders ni mrs. pidal! Pwede bang malaman kung bakit atat na atat kayo sa pagtatanggol kay mrs.pidal? But don’t include this ok?
    First sa panghuhurakot ng amo nyo – kaya untouchable yan dahil milyones bayaran ang mga henerals nya kaya pulubing – pulubi na ang Phil.
    Second-Mandaraya sa election 2004 -“Hello Garce” at ang “I am sorry”.
    Third – Super – Liar (tama ang hula ko I posted it last week)
    and pls. read this latest news “Bishops indisbeliefe over arroyo papal claim”
    Mabuhay kayo mga activists sa Rome !Saludo ako sa inyong lahat!(Ann pahiram, thanks!)TANGNA YANG MGA DEfenders at mga alipores ni pekeng pres.

  49. vonjovi1 vonjovi1

    ystakei,

    Tutal ikaw ang naka base sa Japan at ikaw ang gumawa ng paraan para mahadlangan ang mga ARROVO. Tutal marami ka mong kakilalang personalidad at bar association ng mga hapon diyan at mayroon rin may kaya. Dahil kung kami dito ang susulat ay sa pansitan lang pupulutin ang mga sobre namin diba. Kamo may koneksiyon ka diyan. Ikaw na lang aasahan namin diyan diba.

  50. pandawan pandawan

    Is impeachment a GAME? Congressman Nograles thinks it is. And yet according to him it is not a game of skill and ability but of numbers. Rather, it is decided by how many more people are on one side. To him it is not a matter of right or wrong but of who’s got the numbers. If this is true, then a Parliamentary System, if they are going to be the players, will also be a numbers game. That is PATHETIC.

  51. Vonjovi1

    Iba sa Japan. The more maraming pirma at sulat, the more na kinakabahan ang mga nakaupo. Kahit na may connection ako dito, ang mas may power ay lakas ng tao. Puede ko lang kausapin ang mga kaibigan ko pero mas malakas ang boses ng taumbayan. Puede kong hingian ng tulong iyong mga kaibigan ko sa Press, pero ang mas gusto nila ang sensation gaya ng pagsulat ng maraming pilipino laban sa pangungutang ni Bansot.

    Iba dito sa Pilipinas. Mas malakas ang mga taumbayan dito pero bakit makikialam ang ordinaryong hapon sa problema ng Pilipinas na hindi ninyo ipapakita sa kanila ang ginagawang pag-aabuso ni Bansot sa mga inuutang niya.

    Conflict of interest kung ako lang dahil sa may lahi akong pilipino at baka ipalabas lang ng mga galamay ni Bansot na gusto kong maging presidente ng Pilipinas gaya ng ipinaglalandakan ng isang istupidong nag-blog dito! Ang ungas, palibhasa bobo, hindi alam na wala kaming dual citizenship dito. Puedeng makulong ang isang hapon na lalabag ng aming Nationality Law na ipinagbabawal ang pagkakaroon ng dalawang nationality. Pagdating ng 20, kailangan magpasiya ang isang hapon kung gusto niyang maging hapon o maging amerikano kung may dual citizenship noong bago siya dumating ng 20 years old. In short, hindi ako sumasali sa mga advocacy para tumino ang Pilipinas dahil gusto kong tumakbo. Unang-una hindi naman ako kasing ambisyosa ni Bansot na wala naman palang belesa! Kawawa talaga ang bansa at taumbayan sa salbaheng ito!

  52. Delikado kung ang gagawin nila ay ang gusto ni Bansot na unicameral Parliament para siya lang magdidikta. Aba, sinapawan na ang lahat at ang mga inuutang ay pinamumudmod sa mga katulong niya sa kawalanghiyaan, bakit hindi umaalma ang pilipino? Komo ba umaasa din silang lalagyan?

    Balato style pa ha?

  53. Ronnie Mabini Ronnie Mabini

    Yes, Pandawan it’s numbers game, kumbaga, PARAMIHAN NG KAKAMPI. Haven’t you notice kung bakit hindi kayo makausad AT kakaunti ang kakampi sa mga pakikibaka nyo? Kasi ampaw at walang “substance” alam ng mga nakakaraming mamayan Pilipino na pangsariling interest lang ang pakikibaka nyo! Magagaling lang kayong manira, wala naman kayong binibigay na solusyon! Kung pagmamahal ba sa bayan ang ginagawa nyo, sisiguraduhin ko na hindi nyo na kailangan lumabas ang litid nyo sa kasisigaw ng OUST GLORIA, maraming sasama sa inyo kaso WALA as in WALA talaga. Matuto naman kayong makiramdam, hindi lang kayo nakakaistorbo sa kalye, naibubugay nyo pa palabas ang mga dayuhan namumuhunan, sa totoo lang!

    Sana lang maginoo at marangal nyong tanggapin ang pagkatalo sa Kongreso, sa kalye or kahit saan labanan. Okey lang mapatalsik nyo si GMA, tatanggapin namin ang hatol ng nakakarami, dahil yun talaga ang kapalaran ni GMA. Kayo meron ba kayong pananaw at paninindigan na marunong tumanggap ng pagkatalo! 🙂 🙂 🙂

  54. bulakbulero bulakbulero

    Ronnie Mabini, lumabas na talaga ang tunay mong kulay. Mabini ka pa naman, mahiya ka naman dahil disgrace ka sa lahi ng mga Mabini.

    Patalsikin si Bansot, NOW Na!

  55. Bulakbulero,

    Huwag mo nang patulan ang isang yan. He’s not worth it. Pag napaalis natin si GMA sa puwesto mag-ngangawa yan habang masasaya tayo.

  56. Ronnie Mabini Ronnie Mabini

    Bulakbulero & Schumey;

    Kung magkatotoo ang pangarap nyong mapatalsik si GMA, siguro talagang tama kayo at tatanggapin namin ang hatol ng bayan at ng nasa ITAAS. Pero hindi kami mag-ngangawa tulad ng ginagawa nyo ngayon na hindi naman nakakatulong para umunlad ang Pilipinas!

    Sana lang kung kayo naman ang MATALO sa ipinaglalaban nyo ay matanggap nyo rin ng maluwag sa puso at huwag pairalin ang pagiging UTAK TALANGKA, maawa naman kayo sa bayang Pilipinas, bugbog na bugbog na sa maruming pamumulitika nyo!

    Pabawas ng pabawas ang kakampi NYO sa halip na madagdagan kayo dahil sa masamang klaseng uri ng pamumulitika nyo. Pagpalain nawa kayo ng Diyos para maging isang mabuting anak NIYA 🙂

  57. Ronnie,

    Ang pananahimik ay ay pagtanggap sa kapalaluan ng administrasyong ito. Ang pananahimik ang nagpapalakas ng loob ng mga magnanakaw. Di ba kapag walang nagreklamo sa isang krimen ay walang napaparusahan. Iyan sana ang isipin mo. Kapag ikaw na ang nanakawan, magrereklamo ka kaya o hahayan mo nalang na manakawan ka muli. Hindi pagiging utak talangka ang magsalita laban sa isang tiwaling pamahalaan. Kung ikaw ay nasisikmura mo ang ganito, kami hindi. Dahil sa bawat sentimo na binabayad naming buwis ay dapat lang na makita naming kung saan ito napupunta, yan ay kung ikaw ay nagbabayad ng buwis o tulad ka rin ng mga politko nating walang alam kundi ang magpayaman. Hindi kami ang dahilan kung bubog na ang bayan, yan ay dahil sa mga tulad niyo na walang pakialam at hinahayaang maghirap ang bayan. Pasensiya ka na, mahal ko ang bayan ko kaya hindi ko kayang lunukin ang imoralidad sa paligid ko. Kung ikaw a y kaya mong sikmurain ang ganito, hindi kami. Ayos lang kung di ka sangayon sa amin, kami nalang ang lalaban para sa mga tulad niyong walang kakayahang ipagtanggol ang sarili.

  58. Ronnie Mabini Ronnie Mabini

    Schumey,

    Granted na tama lahat ng mga akusa nyo kay GMA, pero dapat bang lahat madamay dahil sa gusto nyo lang siya mapatalsik? Pano nyong nawawalan ng trabaho, yun mahihirap na kapwa natin Pilipino ng dahil sa destibilisasyon na ginagawa nyo? Please lang kung gusto nyo mapatalsik si GMA, DO IT IN MODERATION. Labanan yo siya ng parehas at maginoo. Isipin nyo rin sana ang mga nakakaraming Pilipino na mas naapektuhan dahil sa maruming uri ng pulitika na namamayani sa ating bansa.

    Naniniwala akong mahal nyo ang bayan Pilipinas pero sa paraan ginagawa nyo marami kayong nahihilang pababa!!!

  59. Accountability, yan ang habol namin. Di totoo na dahil sa political crisis ay walang investment. Corruption and redtape is what’s holding this investors back. Hindi ka pa nagtatayo ay commission na agad ang dapat ibigay mo. How do you expect investments to pour in when your officials are more concerned of what they would get out of this investments? 7% is the present going rate if you do not know. No wonder this administration continues to cut corners in getting contracts approved. We must learn to scrutinize and not take the administration’s assertions hook, line and sinker. Politics in the Philippines will for ever be stagnant if the populace would not actively participate in reforms. To just turn a blind eye is not being patriotic. A little traffic is a small price to pay for democracy’s maturity. Sorry pare, but I cannot submit to your views. Politics becomes dirty only when you have politicians out to serve themselves than the people who entrusted their future to. Okay lang if you don’t subscribe to our views. You have your own and we have ours. Lte’s just keep it at that. Peace man!

  60. All:

    Here’s the link to the greeters of the Bansot in Rome!

    Mabuhay silang lahat!

    PATALSIKIN NA, NOW NA!

  61. Dominique Dominique

    Ronnie, mabuti naman at lumabas na totoo mong kulay. Defender ka ni GMA. Okay lang yun. Nire-respeto ko ang iyong panindigan. Kunwari ka pang “magdanak ng dugo, giyera at iba pa” gusto mo lang palang kampihan si Arroyo.

  62. No, Dominique, I recognize this person as the same guy who loves to provoke Filipinos in all the egroups I have joined even before the ousting of Erap. May sakit ang taong iyan na ang daming alias, parang may schizophrenia or split personality dahil gaya nga nang madulas siya at pinuna ni Ellen ay kinakalaban niya pati sarili niya! Minsan lalaki iyan, minsan babae din! In short, mental talaga!

    On the other hand, he can also be a paid staff of the Midget, one of those guys under the watchful eyes of Ermita who always announces this and that destabilization plot that they concoct and then blame on the group of Bayan Muna, etc.

    The point is may naniniwala pa ba dito sa mga tarantadong iyan? I don’t and I pretend to be provoked but I am actually provoking them to post their silly messages and analize their messages with some friends who are experts in police investigations especially when I say that they are from some terrorist organizations!

    As they say, sino ba ang tinatakot nila? Baka sila ang takutin ko!

    Arya, tira ng tira! PATALSIKIN NA, NOW NA!

  63. The link to the site on the greeters of the Bansot in Rome is
    http://www.arkibongbayan.org
    Just click the above and then when you get to the site, click the 4th item on the tab. Save the pictures if you want by clicking te right mouse and then the save image as…

  64. Itong si Malapitan baga hindi na maboto iyan sa susunod na eleksyon sa kagaguhan niya. Hindi ba niya alam na maraming may gusto kay Escudero sa Laguna, mga guerrilla na napailalim sa pamumuno ng lolo ni Francis noong WWII? Iyan ang impression ko doon sa isang group ng mga beterano na na-interview namin para sa isang special noong isang taon ng commemoration ng pagtatapos ng guerra noon Aug. 15, 1945. Hindi na lang siya tumahimik kung ayaw niyang i-support iyong Impeachment at hindi iyong kinukumpirma niya na hindi sila lahat sang-ayon sa impeachment kahit na ang mga taumbayang nirerepresenta nila ay 99% kundimang 100% na against na kay Bansot at gusto na siyang patalsikin pero kailangan niyang mangumpisal muna!

    Bilib ka rin sa mga ungas ano? Dito, kapag may ganyang kalokohan, nag-iimbestiga ang mga pulis, at kumukuha ng ebidensiya na ibinibigay sa prosecutor (taga-usig) na ibibigay ang kaniyang recommendation sa korte at ang korte ay tatawagin ang pinuno ng Diet para tanungin ang nasasangkot kung totoo o hindi ang bintang even with the cooperation of the leadership of the political party to which the suspected politician belongs. Sila ang mag-uudyok ngayon na mag-take siya ng responsibility. Iyong mga may hiya, nagpapakamatay na lang para huwag na lang iharap sa madla dahil dito ang session ng Diet ay televized. Pag napatunayang may kasalanan, tinatanggal sa puwesto, tapos ibinibigay sa pulis para maimbestigahan ng husto tapos after 21 days, ini-indict, at bilang accused ay nililitis para mabigyan ng pasiya kung makukulong, o bibigyan ng suspendidong parusa at kung magbabayad ng multa at bayad-pinsala. At kapag nagkaroon ng criminal record dito, hindi na puedeng tumakbo ulit sa posisyon. Tumakbo man siya dahil may karapatan siya, walang boboto sa kaniya pihado! Sana ganyan sa Pilipinas para hindi magulo at mabawasan ang mga abuso at abusado!

  65. Ronnie Mabini Ronnie Mabini

    Hayan k naman Ate Yuko, nagpapadala ka na naman sa bugso ng damdamin mo! Ang wrinkles at ang blood pressure baka ma-stroke k p nyan kunsensya ko pa. Sakayan lang naman yan, let us enjoy life. Pano ka magkakaroon ng peace of mind kung lahat n lang naapektuhan ka, dib?

    Dominique, sa totoo lang, sinasakyan ko lang ang mga ilusyon nyo, kung napapansin nyo lang yun mga pagdanak ng dugo, giyera pa at iba ay yun talaga ang kundisyon ng mga pag-iisip nyo. O, heto na lang, sigurado ako magkakasakit kayo kung hindi kayo makakapagsalita ng masama kay GMA sa loob ng isang oras este minuto pala. Kasi nga HABIT FORMING yan, hindi naman pagmamahal sa bayan ang ginagawa nyo. SANA NGA MAPAALIS NA SI GMA, baka maraming mahawa pa sa nakasanayan nyong ugali.

    Ate Yuko, takot ako sa sinabi mo, walang takutan, ano lang ba tsika-tsika lang tayo ha? PATALSIKIN NA, NOW NA!!!

  66. Ito ang reaction ng kaibigan ko nang sabihin ko sa kaniya na ang mga tita ni Mike Pidal ay magiging mga santa. “Ano? Demonyo na santo pa!” Sabi ko tuloy sa kaniya, ewan ko iyong mga tita kung demonya sila, pero hindi si Mike Pidal ang magiging santo! Nakahinga siya ng maluwag! Pero, ang lakas ng “Tangna niya!” nang sabihin kong baka angkinin din ni Fatso na apo rin siya nina Mary Magdalene at Jesus Christ gaya ng sabi sa Da Vinci Code dahil mukhang palapit nang palapit na sa South France ang sinasabi niyang pinanggalingan ng mga Arroyong ang pinakalolo ay ponga!

  67. On the other hand, Bulakbulero, i-email ko na lang kay Ellen at siya na ang bahalang magdistribute sa inyo via private mail para iyong Internet Brigade ni Pandak ay hindi makuha ang mga addresses at magpapanggap silang tunay na tinig ng bayan na susuportahan nila ang sinungaling at magnanakaw para manakaw ang perang ibibigay ng Japan! OK ba, Ellen?

  68. Emilio_OFW Emilio_OFW

    Ms. Ellen,

    It’s nice to be back in your blog. Hope the connection is fixed as per my administrator after tuning some parameters in the server especially when many users are simultaneously accessing your popular blog site.

    I think you’re right to be wary with the One Voice movement. I watched former COMELEC Commissioner Monsod and former Senator Alvares in Pia Hontiveros’ Strictly Politics last night. There is nothing in their statements that they are with the opposition in joining the call for Bansot’s resignation.

    Mas matindi itong si Surigao Representative sa pagdedepensa sa kanyang amo. Hindi daw siya nagre-represent ng Malacanang kundi mga mamamayan daw ng Surigao ang kanyang kinakatawanan. Halatang-halata naman sa kanyang pakikipag-palitan ng paliwanagan kay Atty. Harry Roque na masyado niyang minamaliit ang nakasaad sa second impeachment na inihain ng grupo sa clerk ng Secretary General ng House of Representatives. At talagang bastos na katulad ng kanyang amo dahil nagsasalita si Atty. Harry Roque ay panay din ang kanyang daldal. Kaya nahalata ko na medyo napikon ang host na si Pia Hontiveros, eh.

    Katulad nga ng nabanggit ko, Ms. Ellen noong mga nakaraan na mas mayroon pa sigurong matutunan ang mga tao kung sa ganitong talakayan ang maiimbitahan bilang mga resource persons ay katulad nina Vic, Schumey, Yuko at Anna. Mas maganda siguro ang palitan ng paliwanagan.

  69. Emilio,

    Yang asta ng mga alipores ni pandak ay para ikubli ang takot nila sa sunod-sunod na impeachment complaints na hinahahin ng iba-iba’t sektor ng lipunan laban sa diktador na pandak. Hindi na kasi uubra ang dating mga taktika ginamit nila upang patayin ang impeachment. Ngayon ay hindi nila puwedeng yurakan ang prosesong ito dahil mas matindi ang mga ebidensyang ilalahad ng oposisyon.

    Kaya nga ngayon palang ay pinag-pipilitan ni Makalinta(l) na di pa nareresolba ang Amended Impeachment Complaint ni Lozano nuong nakaraang taon. Hindi na rin puwedeng basta ibasura ang mga complaints ngayon kung gagamitin ni Lagman ang kumita ng Prejudicial Question.

    Takot silang kumilos laban sa mga complaints an ito dahil hindi nila sigurado kung gaano kalalim ang galit ng taombayan. Kaya nga pinipilit nilang gumamit ng ibang klaseng technicality upang muling ibasura ang impeachment.

    Kailangan nila ngayong pigilang umabot ito sa Justice Committee ng kongreso para hindi lumabas ang mga ebidensya na maaring magpa-alab sa galit ng tao at tuluyan na silang masipa sa puwesto.

  70. Emilio_OFW Emilio_OFW

    Schumey,

    Tama ka na ang mga alipores ni Bansot ay hindi alam ang kinikimkim na galit ng taongbayan. Iyan ang hindi ko maintindihan dito kay Surigao Representative Pichay nang sabihin niya na mayroong form dahil mas maganda ang pagkaka-compose ng English pero walang substance ang inihaing second impeachment complaint dahil wala naman bago. Hindi siya abugado, ha, at sasabihan niya ng ganoon si Atty. Harry Roque na isang U.P. Law Professor. Pero bilib din ako kay Atty. Roque, eh- cool pa rin siya kahit na parang nagungutya na itong isa.

    Maaari nga na kapag binastos na naman ng mga kaalyado ni Bansot sa Justice Committee ng kongreso ay magiging mitsa ito upang patalsikin na siya sa puwesto. Harinawa!

  71. Emilio,

    Sana nga matuluyan na. Ayokong sapiting ng ating salin-lahi ang ating dinaranas ngayon at lalong ayoko mamulat sa kasinungaling at kawalang prinsipyo ang ating kabataan.

  72. To all:

    As per SC Spokesperson Kahn statement, there is no pending case in the SC regarding the Impeachment last year. All cases regarding this matter has been dismissed Sept. 2005. There is no legal hindrance as to the filing of any new impeachment complaint against GMA at the Lower House.

    Atty. Makalinta(l), who’s forum-seeking now? You are running out of options to stop the impeachment.

  73. Just sharing:

    Note: Number prefixes are mine/ Luis

    Statement of Press Secretary Ignacio R. Bunye: On impeachment

    1 The only matter we are taking seriously at this moment is how to serve
    the interest of the people.

    2 President Gloria Macapagal-Arroyo is half-way around the world drumming
    up investments, jobs for Filipinos and tourism for the Philippines. She is
    focused like a laser beam on her public duty and no amount of political
    gimmickry will take her eyes off her goal.

    3 The futility and irrationality of the moves of the opposition will not
    dent a bit the momentum of President Arroyo’s economic diplomacy, the gains the
    Filipino people have chalked up in the economy and our aggressive campaign
    against terrorism in accord with our global alliances.

    4 The new impeachment complaint is double dead meat, best that it be
    burried, and let us have this country move forward with the rest of the world.

    ————————————————————————–

    Reply

    1. The only matter seriously on the mind of bansot is to loot the coffers
    of the people. That is what she is doing right now, and at all times.

    2. The best way to attract foreign investments is to clean your own
    house. Investors do not spend their investments where there are rampant killings
    of journalist to stifle dissent and where is unbridled thievery by bansot and
    her ilk.

    3. This is unmitigated double talk. Bunye ought to have his tongue split
    at the tip.

    4. Impeachment complaint is double dead meat? That means de Venecia is
    doubling the bribes to tongressmen. deVenecia and his ilk must be strung singly
    and hung at the gallows upside down when the time of reckoing comes.

    Luis

  74. Schumey, All:

    Iyan si Makalintal, salot talaga iyan. Destabilizer iyan kahit na sa pagpapairal ng OAV Law. Ang daming kabalbalan ng bobo naman yatang abogadong iyan. Iyong tactic nilang idinadaan lang sa pasikat ay hindi obra dito sa Hapon lalo na kung ang interest at buhay ng taumbayan ang nakasalalay sa pinaggagawa nila.

    Iyan ang dapat na ma-debar! Saan ba graduate iyan? Sa Ateneo?

  75. nelbar nelbar

    Na-monitor ko yan kahapon si Bunye sa radyo habang nakasakay ako ng taxi nang tinatahak namin ang kahabaan ng Edsa.(Galing kasi ako ng domestic airport at sumundo sa Nanay ko)

    Nakikipagtawanan pa si Bunye habang nagbabalita na bubuksan daw ang Espanya para sa mga Care Giver. At ang sweldo daw ay pumapatak na $1400, libre ang bahay.

    Putris!bakit marami ang natutuwa na mga opsyal ng gobyerno ang dumami at magpadala sa ibang bansa ng mga care givers(aka Nurses)?
    Bakit hindi muna ang mga anak nito ang mag care giver kaysa sa mga kababayan nila ang tinutulak para magpa-alila sa ibang bansa?
    Ang masakit pa nito, ito pang mga dating colonial master ang mag-aalila ulit sa kanila!
    Hahanga ako sa mga Pinoy at Pinay kung pati sa Bamako ay handa sila na maging care giver.
    Iba talaga ang mga Pinoy!

  76. Nelbar:

    I give you you give. Iyan din ang sentiment ko tungkol sa pag-papaalila na ito ng mga pilipino. Kunyari pa raw caregiver ang tawag, pinaganda lang kasi alila din ang labas!

    May caregiver na namatay sa Canada (ewan ko kung alam ito ni Vic) na isang buwan na raw nabubulok ang bangkay sa morgue at hindi maipauwi dahil ayaw sagutin ng OWWA ang pagpapadala ng bangkay sa Pilipinas dahil wala na raw pondo ay ginamit ni Bansot sa mga kalokohan niya.

    Ngayon nanghihingi sila ng abuloy sa mga OFW kung saan-saan. Okay lang sanang magbigay dahil kawawa naman iyong caregiver na hindi na mailibing-libing pero kapag inisip mo na tungkulin ito ng gobyerno na siyang may pakana ng ganitong human trafficking, e bakit ako magbibigay lalo na ang pera ay winawaldas lang katulad nitong rainbow trip ni Bansot na ala-Evita Peron sa Espana, et al. Remember iyong Evita na musical ni Andrew Lloyd Webber nang magpunta si Evita sa Vatican, Rome at Espana?

    Parang ang labas ng mga pilipino sa ibang bansa ay palabigasan pero wala silang aasahang pakinabang sa palpak na pamamahala ni Bansot at mga kapareho niyang bugaw!!!

    Si Bunye siguro ang papalit kay Sto. Tomas. Nakakaawang nakakainis sa totoo lang kasi alam naman ng mga pilipino na raket pasok pa rin sila. Sabi nga ni Mr. Paredes (Ducky) kung walang nag-a-apply, di walang raket!

  77. men0k men0k

    hi.. i just read a news article saying that the “House gears up for impeachment case vs Borra” (Inq7.net) which made me think (again)… how clever this gov’t is.. when the impeachment case againt Glueria is being talked about, these congressmen give no reactions, as if nothing is going on, now that an impeachment case against borja is being talked about, none other than Nograles and Villafuerte are spearheading the preparation for the hearing of the borja case.. tsk, tsk, tsk.. if i read it right, the two impeachment cases will be ‘at the house’ at the same time giving the congressmen excuses such as they have to hear the Borja case first, etc, etc,.. a clear delaying tactic, if i may call it as… or a diversion tactic even… but i know, no matter how good these think-tanks of Glueria are, the people, the “true AFP/PNP officers”, the civil society, the church, the rich, the poor, the middle-class and the youths will one day cry out loud again in the streets and ‘set things straight and correct!’

  78. men0k men0k

    sorry.. borja should be Borra.. bka ma-technicalities na naman eh…

Leave a Reply