Hindi ginusto ni Manny Villar na matanggal sa pagka- senate president ngunit maaring makakabuti pa sa kanyang political career itong nangyari.
Alam naman natin lahat na may plano si Villar na tumakbo para presidente sa 2008. Kaya nga siya kinukuyog ng ibang may ambisyon rin kasi bilang senate president, may lamang siya. Hindi lamang sa budget ng senado kung di na rin sa media mileage dahil lahat na nangyayari sa senado, dumadaan sa kanya. Nababanggit ang pangalan palagi.
Ngayon na hindi na siya senate president, hindi na masasabi ng iba pang presidentiables – Senators Ping Lacson, Mar Roxas at Loren Legarda – na lamang sa kanila si Villar.
Ngunit ang nakakalungkot lang, dahil sa gusto ng mga senador na may ambisyon sa 2010 na mahila pababa si Villar, parang binigay na rin nila ang Senado sa Malacañang na walang kahirap-hirap si Gloria Arroyo.
Sabi nga ni Sen. Kiko Pangilinan, malapit kay Villar at isa sa hindi bomoto kay Enrile, “Kahit paano pa nila ipaliwanag ang resulta, sinadya man o hindi, mas lalong lumakas ang impluwensya ng Malacañang sa takbo ng Senado dahil sa pagtatalaga kay Enrile at Zubiri bilang mga bagong opisyal at liderato nito.”
Dagdag mo pa na si Sen. Edgardo Angara, masugid na kaalyado ni Arroyo, ang gagawing chairman ng makapangyarihang finance committee. At si Richard Gordon ang Blue Ribbon committee.
Sabi pa ni Pangilinan”Hanggat walang matibay na alternatibo sa dalawang hanay, administrasyon o oposisyon, ‘di uusad at magbabago ang pulitika at pamamahala sa bansa. Sa ngayon, ang tingin ng mamamayan pare-parehas lang lahat na namumulitika at sariling interes ang inuuna. Nakakalungkot isipin.”
Sabi ni Villar ngayon siya ay “malaya na”. Hindi ko alam kung ano talaga ang ibig niya sabihin nito. Dahil ba sa noon ay naninimbang siya sa Malacañang at kailangan sila pagbigyan sa mga delikadong isyu para hindi mawala ang suporta ng kaalyado ni Arroyo?
Ibig ba sabihin niyan ngayon, pwede na siya manindigan laban sa katiwalian ni Arroyo sa bayan? Sana nga. Kasi ang problema kay Villar noon pa ay hindi siya naninindigan. Masyadong sigurista. Titingnan muna niya kung saan ang mas malakas ang ihip ng hangin, tapos doon siya kakampi.
Kung itong pagkatanggal sa kanya bilang senate president ay magtulak sa kanya para manindigan para sa taumbayan at laban sa kasinungalingan at pagnanakaw ni Arroyo, masasabi natin na ito ay “blessing in disguise”.
Sa sobrang galit ng taumbayan kay Arroyo, kasama na rin ang mga kakampi niya. Kaya makakabuti kay Villar at sa kanyang ambisyon sa pagkapangulo na mawala ang duda na suportado siya ng Malacañang.
The cabal must be rueing what they’ve done. How earth can they still take away the sympathy points Villar racked up in the aftermath of the coup?
Making Villar the underdog might have been the costliest mistake of Lacson and the others. They panicked, plain and simple. They decided Villar had to be cut down to size. He was getting too popular.
But the very cold-bloodedness of the operation paints them as very unsympathetic characters. It doesn’t help that they chose Enrile, not exactly a paragon of virtue himself, as replacement for the leader they were accusing of corruption.
The “brutality” could have been blunted had they chosen Pimentel instead. At the very least, this would have been consistent with their pretext of removing Villar.
But they chose to strain the people’s credulity to breaking point.
Enrile? Anak ng kalabaw naman.
Baka himatayin sila sa resulta ng susunod na opinion polls.
Pinoys love underdogs.Particularly victims of Enrile’s bully behaviour.Remember Cory?
I agree with you that Manny Villar may turn out the big winner among the Senate presidentiables IF Villar acts as a TRUE Fiscalizer.
Villar didn’t look too pissed at being unseated, in fact. He probably realized at once the tremendous PR mileage this whole Et Tu Brutus affair would give him. Millions of pesos worth of free column inches and airtime.
Yeah, if he plays Gandalf to Malacanang’s eleventh hour maneuverings, then Lacson et al are royally screwed.
ang buhay nga naman ano! tignan nyo si zubiri. nandaya na sa election may pwesto ba bigla. Wala tayong pwedeng pag ka tiwalaan sa mga politiko dyan. Lahat sila magaling mamangka sa dalawang ilog. Puro interest lang nila ang pinangangalagaan nila at hindi ang taong bayan o ang bansa natin. Di baleng mag hirap ang bansa basta sila maginhawa! mga hayop sila!
I had the suspicion that Villar knew he would be ousted. And perhaps he himself asked to be replaced in exchange for dropping the C-5 investigation.
BE,
After seeing the public backlash, Lacson et al probably really have no choice but to go easy on Villar on the C5 issue.
The last thing they need is for the public to witness them delivering the coup de grace on a bloody Villar.
That would confirm to the public that they staged the coup not out of lofty principles but out of base ambitions.
Syempre lie low muna.
The Equalizer,
….if Sen. Villar knows and understand the real meaning of “KARMA”?
Remember, during Erap’s watch, tinulungan niya ito upang maupo sa Mababang Kapulungan bilang speaker of the house, pero ano ang kapalit he stabbed Erap at his back.
But, Erap helped him again to become a Senator and Senate President, ang kaso lately hayon kinasuhan ni Lacson sa P200 million insertion in the 2008 budget which doubled the funding for the C-5 road extension project in Parañaque.
Di pa tapos ang issue ha!
Exactly bitchevil,
Ang 200M insertion case against him eh yan ang tunay na dahilan kaya siya sinipa at bigyan ng leksyon para matuto.
Lahatin na natin sila deanr, kaya ang Pinas eh lalong naghihirap eh wala nang bait sa sarili ang mga pulitiko natin.
Walang tulak-kabigin, puro sila pahirap sa bayan… ang balimbing eh kapatid ng dinungaling! Kaya ang Pinas kaawaawa na talaga.
Salamat na lamang at mayroon pang isang sektor ng lipunan na siyang inaasahan at walang iba kundi ang mga OFWs. Kung nagkataon bangkarote na si juan de la cruz, pero may umamin o nakasuhan sa corruption sa Pinas di ba WALA as wala.
Kung napanood mo yong senate hearing last thursday eh kung itong si JOKE JOKE eh nalapit lang sa tv for sure ang sarap igapos at ipakiliti sa hantik at ibok ng matauhan sa sobrang kasinungalingan.
Lying tongue grabe, kaya itong si Sen. Villar eh na tigbak, sorry na lang siya ang dami na niyang pera e gusto pang humirit. Paano na kung maging Presidente yan, ano ang susunod, triple or several insertion naman, yaks!
Text from an UNO member:
Nice to see you back, Balweg. Saan ka nanggaling?
Balweg just came from Cordillera…he, he.
Binaybay ata ni Ka Balweg ang Cordillera at Sierra Madre. Mabuhay sayong pagbabalik Ka Balweg.
Villar should thank Ping Lacson for a boost to this presidential bid. He is now the underdog.
He will just have to hit Arroyo harder from now on.
Ito naman si Ping Lacson, spoiler na naman. Nakaka-irita.
Nag unwind Maám Ellen, wala lang medyo nagrelax lang muna kasi tumataas ang highblood ko kapag si GMA ang pinag-uusapan eh.
But di ko kayo nakakalimutan at every day kong binabasa ang iyong column sa Malaya at sa aking e-mail, regular ko ding binabasa ang mga thread dito sa Ellenville.
Heto di ko talaga na matiis na makadaop-palad kayo dito kaya i decided to be visible again.
Heto nakapag unwind na uli Sir SULBATZ, sama-samang lakas uli tayo sa walang katapusan problema ng ating Inang Bayan.
Imagine ilang panahon lang akong nawalay eh no. 5 tayo sa buong mundo na pinakamarami ang nagugutom, ibig sabihin puro kasinungalingan ang pinagkukukwento ng Malacanang boyz.
Mahirap palang hanapin yong kitang-kita nang ating dalawang mata, yong kasinungalingan na pinaggagagawa ng rehimeng GMA.
bitchevil,
Di na sila nahiya kay Father Balweg, kaya namundok ang pobre dahil sa kawalang hustisya sa ating Bayan.
Kaya pa ba natin sikmurain ang 1 1/2 years ng rehimeng ito, masyado nang apektado ang taong-bayan at halos lahat eh apektado na.
Pinaglalaruan na lang tayo nga mga iyan, maliwanag pa sa sikat ng buwan ang pangloloko nila sa ating lahat.
Kaya dapat paghandaan natin ang 2010!
Its Erap the issue is about. He is polarising towards Villar. So anything on Erap is becoming negative to the opposition. Even that of the brash senator son.
So Val, you believe that Erap had a hand on Villar’s ouster? Erap’s influence on the current senators is amazing. It seems both the opposition and administration senators either respect him too much or are scared of him. When Jinggoy was re-appointed as Senate Pro-Tempro, not even one objected. Yet, they are fighting over all the committees.
Why???
You can give 101 reasons why Manny Villar had to be replaced and I would probably agree.
BUT I can’t even see ONE GOOD REASON why Manny had to be replaced,of all people by Juan Ponce Enrile, Marcos’ right-hand man!
Mahirap talaga tanggapin si Enrile. Kapag minalas pa lalo ang Pilipino, baka siya pa ang magiging presidente sa 2010.
Courtesy of the bickering anti-Gloria forces.
Naloko na.
Don’t you worry Al,
Enrile still alive and kicking! People voted for him to stay as public servant unlike many peoples think that he was Marcos hatchat man.
Remember, Marcos is better that than our present illegitimate President and infairness to apo Macoy…i’m martial law young graders witnessed his legacy till his last day in power.
He left Malacanang with only around US%20B national debt for 20-years in power but compare to GMA ( Philippine National Government Debt Recorded at Php 4.02 Trillion As of September 2005). Imagine, for only 4-years in Malacanang our national debt reaching around 4.02T pesos…+ 2006-2008, how much all in all our national debt?
GMA governance is worst compare to all previous President regimes.
Why we worry about Enrile, you need to be more worried to Tabako and co. coz’ he is the grand planner of all this messed done by GMA regime.
He is the invisible ghost in Malacanang, and the master and architec of GMA regime?
But not
The Equalizer,
I’m wondering why many people anxious about Enrile? Di ba mas maayos at walang nagugutom sa panahon ni apo Macoy, unlike today….lahat ata ng kahihiyan eh nasaatin na.
Kung iisa-isahin natin….ang dami nito,
Ang latest eh no. 5 ang Pinas sa buong mundo na may pinakamaraming nagugutom, sige nga. How about those all previous GMA’s kapalpakan ang dami nito?
Di ba si Enrile ang utak sa pagbagssak ni Macoy not Tabako pero sino ang nakinabang di ba walang iba si Tabako din. Nakisakay lang naman ito sa EDSA 1 eh, pero nautakan niya si Enrile.
We all know that they have a lot of concern about Enrile from his previous association with apo Macoy but only few percent of martial law victims who asked for justice.
Noon nga pwede kang matulog sa bukid during agricultural season, but today naku po eh nakakatakot na kasi kundi ka madisgrasya sa mga kawatan o kaya sa mga drug addicts.
During Apo Macoy days, ang sarap matulog sa ginikan at ang sarap kumain ng tuyo with mainit na kapeng barako. Eh ngayon di ba ang taas ng kriminalidad, walang nang safe place for sure disgrasya ka kapag nagkompiyansa sa mga masasamang-loob at addicts.
Ang lahat ng ito eh nakalathala sa lahat ng pahayagan!
After na makinabang mostly itong mga known political personalities sa panahon ni apo Macoy eh ang yayabang na at akala nila sa kanila ang Pilipinas.
Sino ba sila noon araw, di ba ilang pamilya lamang ang known noong araw compare today ang dami nila kasi nakinabang sila sa panahon ni Apo Macoy at ngayon akala mo ang lilinis nila.
Wag na silang maglinis-linisan dahil alam ng taong-bayan ang kartada ng kanilang buhay na tinatamasa ngayon? Yong kayamanan nila na puhunan nila sa pamumulitika today eh galing din yan mostly sa illegal means but not all of them, may exception di ba!
Ang panahon eh nagbabago so we need to understand the world of politics, Pinoy style democracy is par beyond our expectation kasi nga sa halip na magkaroon ng maturity eh parang isang matanda na walang pinagkatandaan, i mean….nag-uulyani na at isip-bata kung magsikilos at mangatwiran, di ba ang hirap espilengin?
Yan ang kabuuan ng Pinoy style politic, walang pagmamahal sa Inang Bayan only for themselves and their belly.
If magpakatotoo sila sa kanilang mga sarili for sure 101% masagana ang pamumuhay ng sambayanang Pilipino ang kaso drawing or immagination lamang ito sa mga corrupt na politiko and their allies.
I personally don’t like Enrile. But, let’s give this old man a chance.
tama si Balweg, si Tabako ang unseen hand that manipulates things in Malacanang and our country. Di ko alam bakit ang haba ng buhay ng talakitok na yan! After GMA, FVR probably is the next most corrupt president. Very quiet, suave, walang nakakapansin sa dami ng kinurakot niya.
Have we forgottet about PEA-AMARI. Centennial Expo, Fort Bonifacio Land deal, National Steel Corp. Sale, Petron Sale, etc….
Bakit ba lagi si FVR sa Zurich, Switzerland? Di naman siguro para mag ski at kumain ng swiss chocolates diba?
Si Erap pinakulong because of political reasons, bakit si FVR, na talagang sobra ang corrupt, di man lang nakasuhan??? Ano nangyari sa Inquirer, Star, ABS-CBN at GMA 7??? Bakit wala man lang sumubok na ilabas ang isyu?
Si Erap lang pala ang kaya niyo dahil di niyo kauri, si Talakitok aka Tabako ayaw niyong galawin???
Andres, FVR is Amboy and 100% protected by Uncle Sam.
Iba na ang untouchable andres, ikaw na ang maging si Tabako eh for sure mag eenjoy ka sa kabibiyahe sa abroad.
Di ba siya ang most travelled President, hangga ngayon nga eh panay pa ang biyahe?
bitchevil/balweg,
I think Gloria the bitch has surpassed FVR by now as the most travelled president considering she has been at the helm longer. And did you notice lately, she goes out of the country at least twice a month! She came back from Xiamen, China last week, came from New York the previous week, and leaving again for APEC next week.
She enjoys and savors the royal treatment given a head of state. Ganyan ata talaga ang maliliit, they cover their insecurities with grandeur!
Sobrang walang konsensya ang hirap na ng buhay panay pa ang pasarap!
Di na dapat makawala ito sa dami ng kasalanan sa taumbayan.