Skip to content

Bakit praning si Gloria?

Napadalas yata ang biyahe ni Gloria Arroyo sa Amerika, ah.

Noong Septiembre nandoon din siya kahit na katakot-takot na batikos ang nakuha niya sa biyahe niya doon noong Hunyo sa gitna ng bagyong “Frank”.

Kagabi umalis na naman siya papuntang New York para raw dumalo sa Interfaith conference. Nakahanap lang siya ng rason para pumunta ulit sa Amerika.

Maraming haka-haka kung bakit punta ng punta si Arroyo sa Amerika smantalang katakot-takot ang problema sa bansa. May usap-usapan na inaayos daw ang nabulilyaso nilang investment na inabot daw na milyon-milyon na dolyares sa bumagsak na Lehman Investment company.

Kung totoo yun, pera natin yun. Kasi saan ba naman nya kinuha ang ganoon kalaking halaga.

Mayroon din na nagsasabi na magba-bakasakali si Arroyo na makausap si Barack Obama ang nanalong kandidato para presidente sa Amerika. Di ba tumawag siya kaagad nang lumabas ang resulta kung sino nanalo sa eleksyon noong Miyerkules . Dinedma lang siya ni Obama.

May kumakalat na text joke na dahil daw sa hindi sinasagot ni Obama ang tawag niya, nagtext na lang si Arroyo. Ang sagot daw ni Obama: “Hu u?”

Maliban sa gusto niyang magpa-litrato kay Obama para ipagyabang niya na close na sila, (di ba close rin sila ni President Bush and ni President Clinton?) may mga nagsasabi na gusto rin niya maka-usap ang mga taga- State department dahil pakiramdam niya tagilid na talaga ang lagay niya.

Busy ngayon ang Amerikano sa transition o ang paghanda sa paglipat ng pamahalaan sa kay Obama. Alam ni Arroyo yan ngunit nagbaba-kasakali na makalusot.

Noong Biyernes, nagpamisa si Arroyo ng hatinggabi. Ang sermon ni Lucena Bishop Emilio Marquez, isa sa mga busog na busog na obispo sa biyaya ng Malacañang, ay pagkaisa raw. Kamakailan lang gumawa ng panawagan si Jaro Archbishop Angel Lagdameo, presidente ng Catholic Bishops Conference of the Philippines, para sa radikal na pagbabago ngayon. Sabi ni Lagdameo dapat may “bagong gobierno ngayon.” Hindi sa 2010.

Noong isang linggo, nagtawag ang CBCP ng miting tungkol sa panawagan ni Lagdameo. Marami nga ang patuloy na kumkampi kay Arroyo ngunit sabi ng isang obispo, nagulat siya sa dami ng sumasang-ayon sa kanila.

Ngayong linggo, simula nang uusad ang impeachment complaint sa House of Representatives. Sigurado kahit malaki ang nalugi sa mga kawatan sa Malacañang sa kanilang stocks sa Amerika, meron pa ring bubuhos sa mga kongresista. Kasi kung hindi, baka makarating ang impeachment complaint sa Senado.

Sa Senado naman, isusulong ang pag-imbestiga kay dating Agriculture Undersecretary Joc-joc Bolante sa P728 milyon na pera ng mga magsasaka na ginamit niya sa kampanya ni Arroyo noong 2004.

Published inCha-ChaGovernanceWeb Links

49 Comments

  1. Gabriela Gabriela

    Ganun talaga pag-guilty. Minumulto ng sarili. Hindi ko masabing konsyensya dahil matagal na sigurong erased yan kay Arroyo and her gang of thieves.

  2. vic vic

    hot na hot si GMA kay Obama. Guess she’s expecting to get an invitation for the January 20 turnover and swearing in, another trip. But I doubt it very much, Obama is an American, and any American will not forget what GMA did to them, abandoned them in their time of needs, whether one is against the Iraq war of not, being abandoned by one who pretended to be your friend is like being stabbed in the back.

  3. chi chi

    Bakit hindi mapa-praning e nalusaw ang kanyang ill-gotten wealth, buti nga kahit pera pa iyan ni Juan.

  4. Gabriela Gabriela

    You are right, Chi. I believe this US trip of hers is more of trying to save her ill-gotten wealth than trying to wangle a photo op with Obama.

  5. chi chi

    Gabs,

    Gloria knows her priority. At this point when Barack does not even want to throw a glance at her (at least according to news, ewan natin kung mababago), she knows that she’s already kaput. Mas importante ang pera sa Pidales ngayon baka walang tumanggap na country sa kanila kung konti lang ang milyunes nila.

    The impakta makes the UN affairs as cover ups for her monkey business in the US. Bakit ba hindi pa yan itumba?

  6. The First gentleman goons and Bolante’s boys have less than 48 hours to look for Capt.Nick Faeldon, not to arrest the captain but to borrow his daring escape anting-anting.If they could not find Capt.Faeldon the Senate sergeant-at-arms will haul Bolante’s ulcer stomach in the Senate, then,Sen Pimentel will make Bolante his punching bag and a shooting practice for Sen.Lacson.

  7. Iyan ang napala ng ninang ni Angelo dela Cruz.Pinul out ni Gloria ang isang katerbang dalawang dosenang sundalo dahil pupugutan ng Taliban si Angelo.Sukutan kasi at nakatala na sa Libro ng Pentagon na “About Face” ang order ng Malacanang.Kung hindi sana kumambyo ng atras si Gloria maagang natapos ang gera sa Iraq dahil ang mga sundalong pinauwi niya ay kasa kasama ni Sadam dahil sila ang kusinero niya at nagluluto sila ng chicken curry na favorit ni Sadam na pinasarap sa maraming betsin.Tapos na sana ang plano kaso hindi natuloy ang last super ni Sadam na lalasunin sana nila ng dinikdik na ugat ng banaba kaso pinuwi na ni Gloria kaya bulilyaso at hindi nalason si Sadam,May bonus pa sana ng tig-isang milyon dolares ang mga sundalong pinoy na bigay ni Bush kung malason nila si Sadam,gumastos tuloy ng katakot takot ang kano sa paghuli kay Sadam.

    Isa pang dahilan kaya hindi iniimbita ni Obama si Gloria na makipag dinner sa kanila dahil dalawa lang ang naka reserve na high chair na para lang sa anak ni Obama.Liability pa nila si Gloria kapag matapakan sa pusod.

  8. parasabayan parasabayan

    This midget will hound Pres-elect Obama when she goes to Chicago. Para siyang sira ulo, a jilted lover and a stalker! Wala siyang delikadesa! Does she not know the protocol in the top positions of the government? She only knows that in the Philippines anything she wants she gets. She drops by any place unannounced at times. She throws tantrums too.

    Even a very popularly elected Pres elect Obama knows how to wait for his turn to act as a real President. Itong si midget, kapag may gusto, dapat gawin kaagad. What a low life! No grace, no dignity , just plain arrogance!

  9. Golberg Golberg

    Praning kasi simula pa lang praning na siya. Bata pa lang mukha ng praning. Nung ma-upo sa palasyo dahil coup lalong na praning dahil sa kalasingan sa kapangyarihan. Konti na lang baliw na iyan. O baka ako na lang ang nagsasabing mababaliw na iyan?
    Ang mga minumulto ng ginawa nilang krimen ay talagang napa praning.

  10. Elvira Elvira

    Siguradong may misteryong gagawin si Gloria sa America. Interfaith conference…my foot…kailan pa naging trabao ni Impakta ang mga pa-ek-ek na ‘yan! Pinadala na lang niya sana ‘yung “busog na busog” niyang Obispo!

  11. Isaac H Isaac H

    Malabo na talaga si Gloria pag Democrat and nasa pwesto. Baka no pansin na yan, sa daming problema ng America. Kung sa investment ang pagusapan, kung may 10 billion siya noon ngayon 4 na billion nalang nalusaw na ang 6 billion, hindi na maibalik yon. Iyon ang totoo, hindi talaga natutulog ang Dios.

  12. syria syria

    That grunt will be asking blessing to declare Martial Law.

    That grunt’s destabilization prayer is just a drama. They themselves will orchestrate destabilization justifying the declaraton of Martial Law.

  13. What’s the purpose of her latest U.S. trip?

    Inquirer Editorial:Stalking Obama

  14. Tilamsik Tilamsik

    Sinipa ang dating “inahing aso” sumobra na ang baho niya. Siyempre napag iwanan ang “tuta” susundot sa puwit ng bagong “inahin”. Iyan ang papel ng “tuta” at kasama pa ang mga alipores na “garapata” gastos ng bayan ang pamasahe, hotel at pagkain malamang may panalubong pa.

    Iyan ang buhay “tuta” pansariling kapakanan ang una. Alam yan ng “inahin”, dahil may pakinabang siya sa kanyang “tuta”.

  15. PSB: a jilted lover and a stalker!

    *****

    Hindi jilted lover, more like a stalker kasi criminal ang utak ng gaga. Remember, stalking is now considered a crime.

  16. men0k men0k

    Habang papalapit na ang Senate re-opening ng case ni Bolante tsaka pag-usad ng Impeachment sana naman wag ng sumabog uli ung tanke ng LPG or tangke ng Pozo Negro sa Glorietta tsaka wag na sanang bombahin ang Congress.. O kya bka naman biglang “mahuli” na si Faeldon..

    Ano naman kya ang bobombahin at ilan na naman kya ang madadamay na buhay para lang mailayo ang issue?…

  17. A former president of Taiwan has just been arrested for graft and corruption committed during his presidency. I wonder when a similar action will be taken against the present occupant of the palace by the murky river together with her husband, et al. Then and only then, maybe, we can really say from the heart, “I love the land of my birth!”

    What makes me really sad is when I visit a Filipino in jail and tells his lawyer he wants to stay in Japan even in jail and not go home to the Philippines. Para bang wala na silang pag-asa pag napauwi sila sa bansang sinilangan. Lungkot talaga!

    On the contrary, iyong kriminal na pandak sayang-saya sa pagnanakaw niya. Lustay dito, lustay doon ang gawa.

  18. Tita Ellen,

    Obama is not our friend yan ang sabi nung isang peryodista. (http://reynaelena.com/2008/11/11/obama-is-no-friend-to-the-philippines/)

    What was the basis of his conclusion? Dahil daw ang US President-elect Barack Obama accepted congratulations from nine presidents and prime ministers and returned their calls at eche-pwera si Senora Gloria Macapagal-Arroyo. Mas lalong nasaktan ang feeling ni Gloribe nung inak-naledge ni Obama yung tiga-Iran haha! Leche naman talaga oo! Grrr!

    Now, recall that Obama snubbed Arroyo twice. Di ba? Eto ngayon ang drama. Arroyo left for the United States to attend some inter-faith chorvalais in New York. Pero bago nyan, dadaan muna sya sa Chicago at me picnic ata ang Filipino community. Pero tingin ko, china-charing lang tayo. Duda ko, ini-istok lang si Obama! Hahaha! I mean, why the Filipino Community in Chicago? Why not the Filipino Community say, in Philadelphia? Wala lang, kape-kape wid Reyna Elena. Or in Orlando? Or in Virginia Beach? O para tipid, sa New Jersey na lang! An dami kamong Pinoy sa Jersey City! Harap pa sya nang Manhattan. Why Chicago? To see Oprah? Picnic sa Millenium Park? Winter ngayon! Hehehe!

    Yan po ang current na nakabalandra sa blog ko: http://reynaelena.com/2008/11/11/obama-is-no-friend-to-the-philippines/

    Pero inferness sa mga tiga-Pasig, duda ko talaga, dahil subprime, na-lowbat lang talaga si Obama. Hakhakhak!

  19. Tedanz Tedanz

    RE says: “dadaan muna sya sa Chicago at me picnic ata ang Filipino community. Pero tingin ko, china-charing lang tayo. Duda ko, ini-istok lang si Obama!.”
    Yan ang gusto ni Glorya yong sabihin natin na atat-na-atat niyang makausap si Obama, cover-up lang niya yan.
    Mas tama yata yong haka-haka ng iba na kaya pumunta sa Chicago si Glorya ay dahil inaayos niya yong investment niya sa Lehman Investment Co. Corporate office ng kompanyang ito ay nasa Chicago.

  20. Tedanz, that’s really interesting! hahaha! baka nga! para di halata masyado!

  21. Mike Mike

    You stole the presidency not only once, but twice.

    Kaya:

    You’re snubbed by Obama not only once, but twice.

    🙂

  22. Mike Mike

    She is stalking Obama alright. Naku, baka magselos si mister niyan. Hehehe 🙂

  23. Bakit masasaktan iyong inutil na peryodista e alam naman ni Obamang di naman naboto si Gloria Dorobo, at nagnakaw lang ng boto para kunyari siya ang panalo. In other words, pekeng presidente.

    Iyong mga tinawagan naman ni Obama mga legitimate naman na mga lider ng kani-kanilang bansa, at saka siyempre, hindi naman para manghingi ng abuloy, etc. from the US kaya siya tinawagan. Alam naman ni Obama na kaya lang tumawag si Gloria Dorobo may pakay na gamitin siya and at the same time, humingi ng perang pangba-bribe niya doon sa boboto against the impeachment, etc.

    Akala kasi ni Gloria Dorobo pirmi siyang makakaloko. O di nakatagpo siya ng isang di paloloko sa isang gagang social climber na sinungaling na magnanakaw pa na gaya niya! Yuck!

  24. Best thing talaga, sundan ng mga protest rally si Gloria Dorobo kahit saan siya pumunta gaya ng ginawa namin nang pumunta siya dito. Di nayanig pati iyong mga kinakatagpo niya kaya reluctant na ngayon silang kumbidahin siya sa Japan. Ang dami pa naman mga pilipino sa Tate, bakit hindi nila gawin ang mga protesta doon imbes na kinukumbida nila ang inutil sa mga piknik nila na hinaluan pa ng mga hakot niya galing Manila at saka mga kamag-anak ng tatay at nanay niya.

    Taragis talaga ang gimmick ng inutil. Meanwhile, bakit hindi nila inuumpisahan na imbestigahan ang mga activities ng ungas pag umaalis ng Pilipinas? Iyong mga member ng diplomatic mission ng Pilipinas in fact ang dapat na nakakaalam dahil sila ang bantay niya.

    On the other hand, iyong siguro naman ang dahilan kung bakit puro appointee at kaibigan/kamag-anak nilang mag-asawa ang mga nasa key positions ngayon sa mga diplomatic mission sa ibang bansa. Tinitiktikan pa yata iyong mga may balak na umalma laban sa pamamalakad niya.

    In short, walang makahirit. Kawawang bansa talaga!

  25. Your Highness, I don’t agree with Doronila’s analysis that just because Obama snubbed Gloria Arroyo (dapat naman!), he doesn’t love the Philippines.

    Gloria Arroyo is not the Philippines.

    Si Doronila talaga. I hope it’s not senility.

    I’m sure Obama clearly distinguishes the Filipino people from Arroyo.

  26. Your Highness, hindi yata natatanggap ang aking post in your blog.

  27. Galing kay Rodelio:

    Sana matuloy na ang pagbagsak ng gobyerno ni arroyo upang makaahon naman sa kahirapan ang taum bayan.

    Siguro kaya bumiyahe na naman sa New York para sumipsip kay Barrack Obama dahil dinedma ang mga tawag nya. Natatakot siya oras na nagkudeta o mag alsa ang taum bayan wala siyang makukuhang suporta sa US military.

    Panahon na para magkaisa upang ibagsak ang numero unong korap na gobyerno ni arroyo.

  28. Tita Ellen,

    Once na you’ve commented in my blog before, unmoderated na sya. I just saw it. Matagal siguro byahe sa Pacific. Nag-sagwan pa. Mahal gasolina eh. Salamat sa pagbisita. Magwawala ang mga readers ko pag nakita ka run hahaha!

  29. eeek! magwawala sa saya i mean! hehehe!

    “Si Doronila talaga. I hope it’s not senility.” Thunders na ba sya?! hahahaha!

  30. Tongue, someone sent a message to you by email. I forwarded it to you. Please check.

  31. Valdemar Valdemar

    She is only earning her free air miles. Gagamtin sa next honeymoon.

  32. Gloria has all the reasons to be paranoid. Remember that it was precisely during the US presidential handover from Clinton to Bush that the withdrawal of support by Reyes and his cohorts happened. Clinton was as lame as any duck could be and incoming Bush could not alter US policy on RP in an instant.

    So it is safe to assume that the thought of the possibility of repeating the synchronous events that happened in noontime of Jan 20th, 2001 in both Washington DC and in Malacañang will probably haunt Gloria in her sleep for the next 2 and a half months.

    The Bishops call for radical change is serious, the young officers’ websites are again buzzing with activity echoing the call they made just before Manila Pen siege happened, the people are still hurting from runaway prices of oil and food, the jobless numbers are fast rising and more OFWs are being sent home, Thaksin’s bro-in-law is facilitating his exile in Manila (another vision of similar fate hounds Gloria), Gloria is unsuccessful in stalking Obama in Chicago after she arranges a midnight mass way before the Christmas Misa de Gallo, Jocjoc Bolante goes to testify in the Senate tomorrow, and the House of Reps is torn between railroading either Charter Change or the JDV-endorsed impeachment complaint.

    Meanwhile 12 o’clock noon of Jan. 20, 2009, which I would like to believe could be a political re-boot for both the US and the Philippines, is fast approaching.

  33. zen2 zen2

    Si Doronilla ba ang legman sa Pilipinas, ng US-based Lobby Agency ng illehitimo at pekeng Presidente?

    O, siya mismo ang local PR director ni Gloria, for image engineering?

  34. zen2 zen2

    Na-praning na si Gloria?

    Paanong hindi, nagbigay malamang siya ng limpak-limpak na salapi sa pondong kampanya ng mga GOP candidates.

    Samantala, tinanggihan nina Barack Obama ang kanyang nakaw na pera. Ayaw pa itong kausapin.

    Ayaw din ni Barack makodakan siya, kasama amg moral midget.

    Alam ni Barack—- pekeng presidente si Gloria– na naghahanap ng basbas sa kanyang mga gawaing kriminal at illegitimate na pamamahala.

  35. norpil norpil

    baka naman gusto nilang palabasin na mag ka eskwela sila obama.

  36. zen2 zen2

    norphil,

    legit na intellectual ang bagong president-elect, Barack.

    free and accepted traveler pa. per BE.

  37. bitchevil bitchevil

    I’m not sure but I think Vice President-Elect Biden was once US Ambassador to the Philippines. The Evil Bitch could ask Biden’s help for a short meeting with Obama.

    It’s not confirmed if Obama is A.F. & A.M. from Prince Hall, Illinois. After all, there are so many well known personalities belonging to the group. But what’s disappointing to see is many of our local leaders and law enforcement officials also belong to the group. Because of temptation, they become corrupt and commit acts that destroy the good name of the group. Versoza and De La Paz are also members.

  38. bitchevil bitchevil

    President-elect Obama is wise to avoid contact and association with someone like GMA whose regime has been characterized in the world press for repression, suppression of freedom of speech and the murder of unarmed political activists not to mention election fraud.

  39. parasabayan parasabayan

    BE, I just said in another thread that Biden used to be an ambassador to the PI at one time and that he may broker a short meeting between the evil bitch and Obama but it may be a meeting that will be hidden from the press(although I doubt it will be concealed from the Philippine press!). Obama is very careful with his associations before he gets installed by the 20th of January. He was associated with several questionable personalities already during the campaign. This time he will be extra careful. Being seen with an illegitimate and much hated president of one of the most corrupt countries in Asia and in the world is the last thing he wants to do at this time! The US is over her head with a lot more pressing problems!

  40. chi chi

    Obama can’t avoid dealing with Gloria for she is the ruler of Pinas, albeit fake. That’s the reality of politics. Even if Barack won’t give in to the stalker Gloria’s insistence the first time in Chicago, there’s always another time. US needs Pinas for its interests and the impakta is a master of back door transactions and sipsipan, she can penetrate Barack’s domain.

  41. bitchevil bitchevil

    I agree with Chi. Unfortunately, the Evil Bitch represents the Philippine government. Obama has no choice but to deal with her until 2010. That’s why we must oust this Bitch earlier in order that someone more decent could represent us.

  42. parasabayan parasabayan

    Chi and BE, maybe Obama will meet with the evil bitch later but maybe not before he assumes the presidency.

  43. chi chi

    PSB,

    Gloria is every second ready for that meet.

    Sabi ni impakta: Just say when Barack, I’ll be there in an instant. Ha!ha!ha!

  44. bitchevil bitchevil

    The only way the Evil Bitch could meet Obama is through the back door; that is, if Obama wants to look at her ass. However, her ass is as bad as the front.

  45. masha masha

    wouldnt put it past her to want to meet obama just to be “in”. gloria is a social climber like her mother. sikat si obama and her star will shine if he pays her any attention. hopefully, matinik ang team ni obama who will advise him to meet with her ONLY when he has to.

    and…hotsie-patootsie ang lola niyo no. wouldnt be surprised if she (or someone in her family-including luli’s husband) has a crush on obama.

  46. bitchevil bitchevil

    Gloria has tried all kinds of men except a Black. That’s why she’s so obsessed with Obama. Obama is tall…and long.

  47. parasabayan parasabayan

    BE, sinabi mo pa! Do you have Olaquer’s book too? The book was banned later. There were a lot of men indeed! Such a tiny body with such sex appetite!

  48. bitchevil bitchevil

    She had a great time with Nani Perez.

Comments are closed.