Skip to content

Multuhin sana sila ni Marlene Esperat

marlene-esperat Ito ang nasabi ng abogadong si Harry Roque nang malaman niya na ibinasura ng Ombudsman ang kasong isinampa ni Marlene Esperat laban kina Agriculture Sec. Arthur Yap, dating Agriculture undersecretary Jocelyn “Joc-Joc” Bolante, sa salang ilegal na paggamit ng pondo ng bayan.

Ito ang kasong kaugnay sa P728 milyon para sa abono ng mahihirap na magsasaka na ginamit para pambili ng boto para kay Gloria Arroyo noong eleksyon ng 2004.

Ang resolusyon ay inaprubahan ni Overall Deputy Ombudsman Orlando Casimiro at Assistant Ombudsman Jose de Jesus Jr base sa rekomendasyon ni Director Elvira Chua ng Preliminary Investigation, Administrative Adjudication and Monitoring Bureau ng Ombudsman.

Siyempre lahat yun aprubado ni Ombudsman Merceditas Gutierrez na kaklase at matalik na kaibigan ni Mike Arroyo.

Ngitngit sa galit si Harry Roque, na siya talagang sumunod sa kaso ni Bolante mula pa noong hanggang sa pagka-kulong sa Amerika, hanggang sa pagbalik dito sa Pilipinas.

Sabi pa ni Roque,”Dapat i-eksplika ni Merceditas Gutierrez ito sa mga anak ni Marlene Esperat, na saksi sa kahindik-hindik na pagpatay sa kanilang ina.”

Si Esperat ay reporter na unang nagsiwalat ng anomalya tungkol sa paggamit ng pera para sa mga magsasaka sa kampanya ni Gloria Arroyo noong 2004 na eleksyon. Pinatay si Esperat ng isang hired killer sa loob ng kanyang bahay Tacurong City sa Sultan Kudarat sa harap ng kanyang 10 taong gulang na anak noong Marso 24, 2005.

Tatlong suspek ang nasentensyahan ng habambuhay na pagkakulong ngunit hindi naman nahuhuli.Hindi rin umabot sa mastermind ang sentensya.

Sana man lamang, kung mapanagutan ng utak ng fertilizer scam at ng kanyang mga galamay ang fertilizer scam, magkaakroon ng kabuluhan ang pagkamatay ni Marlene. Ang ginagawa naman ng Ombudsman at lalong binabastos ang pagkamatay ni marlene.

“Kahiya-hiya itong si Merceditas Gutierrez hindi lamang sa kanyang opisina kungdi sa buong bayan,” sabi ni Roque.

Nagbabala si Roque na ang pagbasura ng Ombudsman sa isinampa ni Esperat ay nagpapakita ng kahihinatnan ng apat pang kaso tungkol sa ilegal na paggamit ng pera na para sa magsasaka. Nagsampa rin kasi ng kaso ang abogadong si Frank Chavez, ang Kilusan ng Magsasaka ng Pilipinas, Be Not Afraid at ang Senado.

Ang ginawa ng Ombudsman, na kitang-kita namang sunud-sunuran lamang sa Malacañang, ay nagpapakita kung gaano ka-desperado na si Arroyo sa pagtatago ng kanyang mga ginawang krimen. Wala nang paswabe swabe pa. Garapalan na.

Ibig sabihin noon, ang tantiya nila ay kahit bastusin nila ang batas, hindi gagalaw ang taumbayan laban sa kanila. Tama kaya ang tantiya nila?

Published infertilizer scamGovernanceWeb Links

32 Comments

  1. Karumaldumal lalo na kung iisipin mo na ang mga mastermind ng kasong pagpatay kay Esperat ay mga kristyano na alam na alam na bawal ito. Hindi komo hindi sila ang diretsong pumatay kay Esperat at pinatawad sila ng korteng pinamumunuan ngayon ng mga kaalibat ni Gloria Dorobo ay ligtas na sila.

    Nakakasuka halimbawa iyong ipinapakita pa kunong masyadong manang si Gloria Dorobo na binibigyan ng ostiya ng mga katoliko. Yuck! Ang kapaaaaal! Bakit akala ba niya ligtas siya sa paghuhusga ng Panginoon sa kasalanang akala niya ay hindi niya pananagutan?

    Sa relihiyon namin, ang kasalanan ay hindi mapapatawad ng Panginoon sa totoo lang kung walang retribution o palit o pagsauli halimbawa ng buhay na inutang kaya nga mabigat ang kasalanang pagpatay. Sa Hapon nga na hindi naman mga kristyano ang karamihan sa mga mamamayan at hindi madalas sumamba ay bitay ang pinakamabigat na parusa kung makapatay.

    Ang sabi ko nga doon sa mga kasong pagpatay na napupunta sa akin bilang isang tagapagsalin sa pulis at korte, mabuti pang pagsisihan na nila at tanggapin ang parusa sa mga kasalanan nila kesa makamatayan nila ang kasalanan nila at sa Huling Pagtitikom nila matanggap ang parusang walang hanggan.

    Kaya kung ako si Bolante, magsisi na siya sa kasalanan niya ngayon at ibulgar na niya ang mga ulupong na kasama at amo niya sa kasalanang ito na naging buwis ng buhay ng maraming mga kahabag-habag na mga kababayan niya kasama na iyong ipinapatay nilang si Esperat.

  2. vic vic

    off topic but a very refreshing breaking news
    http://www.thestar.com/news/world/article/533435
    Tonda MacCharles
    Ottawa Bureau
    and canadian press
    OTTAWA – A CBC journalist who was kidnapped on October 12 in Afghanistan was released today and is now safe at the Canadian embassy in Kabul, the CBC said this afternoon.

    Mellissa Fung and her driver were stopped while interviewing people at a displaced persons camp west of Kabul last month. The driver was beaten, and Fung kidnapped, prompting an all-out effort at finding her kidnappers and securing her release. Details of how she came to be set free were not immediately available.

    Prime Minister Stephen Harper was made aware of the kidnapping, which occurred two days before last month’s election, almost immediately but honoured requests by the CBC, on the advice of security experts, that any attention or media coverage of such kidnappings escalates the incident, and often leads to dire results.

    Note:this kidnapping was not known to the Public or didn’t even solicit question from any member of the public (may have been, but were not published or broadcast) as miss Fung, (check her undated picture in the link above) is quite a very popular reporter for the Canadian Broadcasting Corporation.

  3. After Filipino people kicked Erap’s Ass years of Pinoy independence the lives of commoners is far worse than under Marcos Martial Law.The benefits of independence has reached only few , thus creating islands of few ultra rich people surrounded by vast sea of utterly poor. The rich people in nexus with those in power , are getting favorable laws enacted to suit their ends. Those in power are shamelessly enjoying 5-star luxuries for the police generals and 7-star if you kiss Gloria’s all at tax payer’s expense , while more than almost 80 million are starving to death.

    The criminalization of politics , executive & judiciary is almost complete. The corruption has spread it’s tentacles far & wide , there is corruption from womb to tomb ,from maternity hospital to grave yard. The injustices meted out the atrocities perpetrated by by public servants are worse than leaches and cannibals.

    Ideally in a democracy, the legal recourse of grievance redressal / justice , when a commoner suffers injustice he can appeal to respective government official or police for justice , still if doesn’t get justice he can appeal to court of law , further the aggrieved can get the appropriate law enacted through court proccedings. The sad part in the Philippines is no public servant is neither aware of the value of our hard won independence or the working of democracy.

    When all the legal recourse’s to justice fail to respond , to provide justice to the aggrieved , when corrupt judges-police-politician-public servants act as a criminal nexus & block justice delivery, the commoner has only 2 options , either to suffer in silence or to take law into his own hands & get justice on his own,which the people in Pangasinan and Ilocos chased the criminals with bolos and Balisong in Batangas.In Antique they used broom as means of transportation and in Zambales they believe in citing prayers through the buds of a rosary.But,no Justices happened in this Arroyo admin.Maybe we need to assemble in the street again.

  4. Isagani Isagani

    Malungkot man tanggapin tama ang tantiya ng mga sinungaling at magnanakaw na tiklop at tahimik ang taumbayan sa pambabastos nila sa kaso ni Esperat.

    Hinde ba hanggan salita lang tayo? Hinde ba hanggan babala at pagka-dismaya lang ang pakita ng mga taong nasa puwesto ukol sa mga kawalanghiyaan ni PGMA? “Violate now validate later,” collusion among gov’t officials shocking! Hinde ba ganyan lang ang sagot ng mabubuti nating tagapagtangol ng katarungan? Puro na lang palo sa kamay.

    Gusto natin idaan sa maginoo at tamang paraan ang pag-laban sa mga walanghiyang nasa kapangyarihan. Matagal na laban iyan. Tagilid ang mesa sapagkat kidnapper, holdaper, murderer, at kung ano pang malaswang katangiang pagka-animal ng nasa kapanyarihan ang kalaban.

    Sensya na mga kasama, ngunit iyan ang katotohanan. Datapwat, hinde paq rin ako nawawalan ng pag-asa na nagmamatyag ang tunay na may kapangyarihan na hahatol sa mga may kasalanan.

  5. parasabayan parasabayan

    off topic: Malacanang’s list of presidentiables included Teodoro. If he is indeed an intelligent morally upright man, he should not run under the evil bitches’ ticket. He will have the same fate as Mc Cain in the US. With the evil bitches’ very negative popularity, no matter what Teodoro says and no matter how much money he has to buy votes, HE WILL NOT WIN!

  6. parasabayan parasabayan

    The spirit of the dead somehow finds its own way of getting the justice it deserves. These criminals who killed Marlene may suffer the same fate as Nida Blanca’s husband who simply killed himself or may just be the recipient of a single bullet which killed two Comelec lawyers so far or even an ambush, or a snipe from a motorcycle bandit or worse, a prolonged ailment like what the GungGongzales has now that is eating up his brain or it can be an incurable lunacy like that of Brenda’s or an incurable disease like that of the fat guy who lies, steals and kills until he dies or gets imprisoned, either or will eventually happen.

  7. Jake Las Pinas Jake Las Pinas

    The sponsor of the evil bitch will be gone next year. I sincerely hope that Obama will not continue the policies of his predecessor. Obama should not give any signal that can be used as propaganda by the evil bitch, not even a photo op. If Obama is truly for change, then change is what we need. The regime of the evil bitch has suppressed truth and justice for selfish intentions. Hopefully by next year, without the support of the Bush Administration, it will be easier to remove this giant leech who lives near that stinky river.

  8. Actually I am sick and tired with Filipinos in the Philippines who are vocal and critical to Arroyo’s regime.They can not walk the talk.

    Hable demasiado, ningún resultado

    Move and fight for all your freedom.

  9. Don’t wait for Obama to fight for all Filipinos in the Philippines.His priorities is KENYA.

  10. What happen to those 5 bishops from CBCP who are calling radical change? Why they are now SILENCIO.

  11. This is why I Love America,I am free to say anything to Obama.
    This is the land of the brave
    And home of the free.

  12. If Bolante is in America,Malingering to avoid investigation,they will send him to psychiatric ward or they will make him a king and set him on the one million volts of electric chair.

  13. Cocoy:

    FYI, a lot many extrajudicial killings done during the Marcos regime are now being admitted by the Communists themselves to be done by their own people in some internal conflicts/fighting.

    Satur Ocampo himself has admitted that Gloria Dorobo is far worse than Marcos with the now more than a thousand cases of unsolved “disappearances.” Iyan ang mas garapal!

    I’m not saying this because Marcos is a relative of my mother, but fact is fact. It should be told!

  14. Idiot doctor.Bolante could not talk because he has ulcer.More than 80 millions of Filipinos has ulcer because their stomach are empty yet,they are running to catch the bus.If Ulcer is the cause there will be no Filipinos talking and go to work.

  15. Nope, Bolate has been deported from the USA. He cannot go back there anymore. He is marked for life! 😛

    Iyon nga lang ma-deny ka ng visa to the US of A, mahirap nang makapasok, iyon pang makasuhan ka, makulong at ma-deport. Imposible! Hindi naman Pilipinas ang Tate na maglagay ka lang ng favorite figure ni Gloria Dorobo sa white envelope lusot ka na.

    Kapal naman ng mukha ni Bolate kapag bumalik pa doon. Iyan ang walanghiyang tunay! Bolate talaga! Kadiiiiiri!

  16. Baka naman ulcer sa bibig! Hindi nga makakapagsalita iyan! Hindi pa man pinaparusahan na ng Diyos!

    Or, utos ni Fast Gapang, lagyan ng tintura de yodo ang bunganga para mamamaga at nang matuluyan na…….matuluyan nang mapipi! E di ligtas na nga naman siya!

    Bibilib pa siguro tayo kung sinabing nilagyan ng iodine ang bunganga ni Bolate dahil meron siyang goiter. Iyong St. Luke, bakit hindi nagrereklamo ang mga director doon sa pakikialam sa politika at hustisya ng isang doctor lamang sa ospital nila. Meron ba kasi silang anomalous activities na pinagtatakpan ni Gloria Dorobo gaya noong pagbebenta ng mga kidney na ilegal? I wonder!

    Bakit hindi makasuhan iyang Fast Gapang na iyan ng obstruction of justice, contempt, etc. Ang bobo naman!

  17. Sa totoo lang nadenggoy ni Gloria Dorobo si Dubya. I bet that through Tabako she was able to convince Bush to agree to her snatching the presidential position on the same day Bush was inaugurated as President of the USA in 2001. Sabi siguro ng mokong, “OK lang as long as you promise me to support my plans to seal the oil pipeline from Iraq.”

    Tapos provided pa ng facilities para doon sa tropa na ipapadala sa Iraq and Afghanistan e di tuloy ang kaniyang ligaya under the flat noses of everyone lalo na iyong hindi pa nagpaparetoke kay Bello. 😛

    But that is past history. Tignan natin ang itatagal pa ni Dorobo. I bet, kinakabahan na iyan kahit na parang hilong talilong pa rin ang mga pilipino.

  18. Gloria Arroyo is inspired for Obama’s victory.Now she is talking to his two son and gave then 2 toothpick and whoever pick the longest on her thumb will run for president for 2010.

    Mickey was upset because Datu picked the longest toothpick.To relief his older brother dismay Datu said,”I really don’t want to become a president and even a congressman in Bicol,it was mama who pushed me unto it.I am afraid that if i disobeyed her I won’t have allowance for my dope.”

    Gloria heard the conversation.”Stop complaining Datu.If Obama did it in America because of his ‘Change’,you can do it too here in the Philippines.Just give every voters change.You want us to go to jail if Lacson win?”

  19. Alam mo kasi Yuko. ng bata pa si Bolante ay mahirap lang sila,bundat ang tiyan niyan dahil walang pambili ng purga ang magulang niya.Iyang kanin na pumunta sa bituka niya ay inaagaw ng bulate at kapag nauubos na ng bulate,bituka naman niya ang inuunot ng bulate kaya nagkaroon ng ulcer simula pa ng pagkabata.Ng nagkaroon na siya ng pera gumanda ang tawag sa sakit niya at naging “Gastrointestinal”

    Ganoon talaga.
    Kapag mahirap ang tao at malakas kumain.—Masiba ang tawag
    Kapag mayaman–Maganang kumain

    Ang sakit ng mahihirap ay TB
    Ang sakit ng mayayaman ay High Blood.

    Kaya kung nasa pinas ka at may mamatay.Kapag TB ang sakit magdala ka ng sarili mong kutsara kung kakain ka sa lamay.
    Kapag high blood naman ang ikinamatay tiyak masarap ang handa nila sa lamay at kailangan maganda ang isusuot mo at huwag kang magdamit ng kulay pink.

  20. Ngayon mahirap man o mayayaman ay pareho-pareho na ng sakit.Cancer na simula ng umangkat ang Pinas ng mga pagkain galing sa China.Kung mayaman ka hahaba ang buhay mo.Kung mahirap ka baka hindi ka na abutin sa taning ng doctor na 6 months.

  21. syria syria

    St. Lokos loves Joke-joke. He is an excellent source of financial opportunity. Medical bills, no problem. Their client is filthy rich. Special services fees like cover up and talent services will be embedded on his medical bills. Supreme services like flowers, food and entertainment will also be added. St. Lokos treats him as one of their most favored VIP (Very Important Plunderer) patient. In so doing, St. Lokos just morally corrupted its good reputation.

  22. Valdemar Valdemar

    Cocoy,
    But we are much freer here back home. We can say anything even against anyone there in the US.

  23. Valdemar

    That’s what we called “Freedom of Speech”
    But,in the Philippines if you say the First Gentleman is fat,you be liable for the wrath of his atorni santos and make sure you can post bail for a charges of defamation.Hehehe!

  24. Gabriela Gabriela

    Harry Roque said concerned citizens will file ethics complaint against Dr. Romeo Saavedra with the Philippine College of Physicians suppressing the truth about the real medical condition of Bolante.

    The report is he refused to order the discharge of Bolante even if after more than a week of all kinds of tests, they found nothing serious about his health condition.

  25. Jake Las Pinas Jake Las Pinas

    Get over it. The grand OLD party is done. No one will want to be seen with Bush or Gloria let alone be endorsed by them. What America wants they get. I hope they want change for our country too.

  26. zen2 zen2

    bakit hindi sampahan ng Impeachment itong talamak na partisanong Merceditas Gutierrez?

    panawagan sa Gabriela, Akbayan at iba pang NGO’s !

  27. Reason why the case filed by Esperat was dismissed: She did not prove that Bolante was involved in the fertilizer scam.

    De puta, patay na nga yung tao gusto pang magpatunay ng kaso. Isa pa, marami nang ebidensiyang lumabas; sila ang imbistigador, si Villa-Ignacio ang Special Prosecutor, bakit hindi maitali yung ebidensiya sa kaparehong kaso sa kaso ni Esperat? Ang kaso ay plunder, ibig sasbihin serye ng parehong krimen. Kung nadismiss itong una, dismiss din sigurado yung mga kasunod.

  28. Tongue: She did not prove that Bolante was involved in the fertilizer scam.
    *****

    Sinong may sabing hindi niya na-prove? Kaya nga nila pinatay si Esperat kasi marami siyang ebidensiyang hawak para patunayan ang mga bintang ng mga magsasakang ipinaglalaban niya ang karapatan. I bet you, pati sa America sinundan niya si Bolate kaya siguro nangangayat. Hindi siya pinapatulog ng multo ni Esperat.

    Kaya nga iyong Dorobo may bantay palagi pag natutulog. Pihado takot na rin doon sa mga multo ng mga ipinapatay nilang biktima ng extrajudicial killing na inuutos niya at ng mga tuta niya. May budhi pa ba ang animal na iyan?

  29. Iyong maldita din na girlfriend ni Fast Gapang, hindi rin ba nakukunsensiya ang alembong na boba?

    Pero bilib ka sa mga pilipino. Sobra na ang ginagawa ng mga kurakot, tahimik pa rin.

    BTW, pakipirma na lang doon sa petiton ni Atty. Roque on behalf of the people of the Philippines, both mga matapang at mga duwag. Sana may website where we can sign up.

  30. hawaiianguy hawaiianguy

    All these happenings in RP only prove one point: there’s no hope for pinoys under gloria. she can do whatever she wants, with the judicial system serving her, the police/military kowtowing to the queen, and a legislature (except the senate) doing all her bidding to stay in power and abuse it with impunity.

    How long can a broken system like this go?

    Good if pinoys are like Cocoy. They can always hide somewhere and live a better life.

  31. chi chi

    Harry Roque said concerned citizens will file ethics complaint against Dr. Romeo Saavedra with the Philippine College of Physicians suppressing the truth about the real medical condition of Bolante. -Gabriela

    Kaya pala natakot si Saavedra at palalabasin na si dyokdyok na ang galing sa drama.

    Ang galing din sa drama ni Romeo. Kung hindi pa dadagukan ng complaint ni Atty Harry at concerned citizens ay patuloy tayong lolokohin.

    Salamat Atty Harry, mabuhay ka!

Leave a Reply