Palagi nating sinasabi ang katotohanan ay parang tubig na dumadaloy. Hindi ‘yan ma-aaring pigilan. Dadaloy at dadaloy yan.
Ganyan ang nangayari sa katotohanan tungkol sa pandaraya ni Arroyo noong 2004 elections. Pinipilit niyang takpan at ilibing. Lumalabas pa rin.
Kahapon, inilunsad ng Citizens’ Congress for Truth and Accountability ang “People’s Court” na siyang magdinig ng mga akusasyon laban kay Arroyo na pinilit ng mga kongresistang kaalyado ng Malacañang na ibaon sa pamamagtian ng pagpatay ng impeachment complaint.
Pati mga imbestigasyon sa Senado ay ginagawang intuil ni Arroyo sa pamamagitan ng E.O. 464 na nagbabawal sa mga opisyal ng pamahalaan kasama na ang mga miyembro ng military at pulis na huwag sumipot sa mga hearing na walang panhintulot ni Arroyo.
Itong People’s Court ay pangununahan nna dating Vice President Teofisto Guingona, isang dating Supreme Court Justice at iba bang mga personalidad na kilala sa kanilang integridad.
Siyempre minamaliit ng Malacanang ang “People’s Court”. Bias daw at puro mga anti-Arroyo ang kasama sa grupong nagpatayo nito. E di sana hinayaan nilang matuloy ang impeachment complaint.
Ang pagpipilit ni Arroyo na ibaon ang katotohanan sa likod ng Garci tapes ay lalo lamang nagpapatunay ng mga alegasyon ng kanyang pandaraya noong 2004 eelction. Kung nandaya nga siya, wala siyang karapatan ni isang minuto umupo sa Malacañang.
Hanggang hindi lumabas ang katotohanan, wala siyang kredibilidad. Hindi siya maaaring respetuhin. Hindi niya maa-aring takbuhan ang katotohanan.
* * *
Sa Jamaica pala, marami ring Pinoy doon, sabi ni Tony Godoyo at alam na lam nila ang nangyayari sa bayan sa pamagitan ng internet at pababasa ng Abante. Sabi ni Tony: “Kailangan na ang people power laban kay Gloria Ayoko. Lalong magiging magulo kapag hindi maalis ng pwesto si Ayoko.”
Sabi naman ni Robert Deinla na nasa Singapore: “Palagay nyo ba maaayos ang pilipinas pag natanggal si GMA? Palagay ko hindi. Kahit sinong umupo dyan hihilahin at hihilahin yan pababa. Kahit kailan simula nung nagkaisip ako hindi pa nagkoroon ng malinis na elections sa Pilipinas. Lahat ng nakaupo dyan simula sa barangay kapitan hanggang sa presidente ay mandaraya yan nuong election. Sobra ang pulitika sa atin napakadumi. Ang kailangan natin ay political cleansing ibig kung sabihin ikulong (mas maganda
siguro kung patayin na lang) lahat ang mga pulitiko isama na rin mga NPA, mga corrupt government officials, mga aktibista na ang alam lang mag rally wala namang naitulong sa bayan.”
Magulo talaga ang takbo ng pulitika sa Pilipinas. Sa kwentada ko ay kasalanan din nating mga mamamayan iyan. Unang-una, karamihan sa ating mga botante ay nabili na ng mga “highest bidders.” Kaya, kapag nasa pwesto na ang mga nakabili sa atin, kahit alam natin na magnanakaw at mandaraya ang mga ito, hinahayaan natin sapagkat maaaring nakikinabang tayo sa pagkakaupo nila sa pwesto. Pagkatapos, kapag talagang bulagsak na ang nakawan, pumiyak man ang mga kontra partido, puro amba lang ang mga ito dahil baka mabisto din ang kanilang mga katarantaduhan.
Pati ang pagpapatupad ng batas ay dinadaan sa panduduro at pananakot. Halimbawa na lang ang pagpapabagsak key Erap ng grupo ni GMA. Alam ng mga maraming matatalino sa atin na ilegal ito, pero dahil sa akala nila ay makikinabang sila sa pag-upo ni GMA, pinalusot nila ito. Nang mabistong nandaya diumano si GMA sa 2004 eleksyon, hindi batas ang ginamit kundi palakasan ng boses at palakihan ng masel. . . duru-an at takotan, at dahil naduro ang karamihan ng mga lider natin, talo ang sambayanan.
Ang E.O. 464 ay alam natin na labag sa constitusyon, dahil nilalabag nito ang karapatan ng Senado na tumawag ng testigo sa kanilang mga hearings. Ito ay tantamount to “Obstruction of Justice.” Pero, nasaan ang mga matatalino sa atin? Naroon po sila sa sulok. Hindi sila makakibo sapagkat baka pagkibo nila ay mabisto rin ang kanilang mga tinatagong kapalpakan. Yong mga oposisyon at administrasyon Congresspeople at Senators, dahil ayaw mawalan ng “Pork Barrel,” tameme ang karamihan sa kanila.
Sa mga oposisyon naman na nagtatag ng People’s Court, katawa-tawa po ang ginawa nilang ito sapagkat wala naman po sa constitusyon natin ang “People’s Court.” Ito po ang tinatawag na “lynch mob.” Ang lynch mob po ay grupo ng mga tao na nagiging “judge, jury, and executioner” na walang sinasantong batas.
Dapat ay bumalik tayo sa “rule of law.”
Hindi po dahil sa ilegal ang ginagamit na sandata ng administrasyon ay ilegal din ang gagamitin nating panangga!
Ganoon pa man, hindi ako nawawalan ng pag-asa na bubuti rin ang political situation sa mahal kong Pilipinas.
Arturo
Tama ka, wala sa Constitution and People’s Court. Kaya lang mukhang napakalalim ng problema natin at ang nakikitang solusyon ay extra-Constitutional.
Ang dahilan rin siguro na nakarating tayo sa punto na lumalabas na ang mga tao sa Constitution ay dahil sa ginagamit ito ni Gloria Arroyo sa pagsupil ng katotohanan.
Ang naririnig kong scenario ay malapit sa EDSA I kung saan pumasok ang military at ibigay ang kapangyarihan sa civilian lider na akala nila makakapagbigay ng reporma sa ating lipunan.Kaya papalitan talaga ang Constitution.
Kaya lang sino naman kaya ang lider na tapat sa taong bayan at hindi pansariling interes ang ini-isip? Ito lahat ay depende sa ating mamamayan. Kung hindi tayo papayag na lokohin tayo ng ating mga lider, hindi uubra ang kanilang panloloko.
Katulad mo, hindi ako nawawalan ng pag-asa. May Diyos ang mundo.
Ellen,
Meron tayong sinaunang kasabihan na, “Sa bayang walang nagpapaloko ay walang manloloko.” Ang tanong po ay: Bakit kaliwa’t kanan ang lokohan sa ating bayan? Ang sagot ay: Bagaman at bistado natin ang mga panloloko ng ating mga lider, umuubra din po ito dahil hindi naman sila naparurusahan.
Ang kasalukuyang mga batas at konstitusyon natin ay meron pong sapat na mga probisyon na maaaring gamitin sa mahusay na pagpapatakbo ng ating gobyerno’t bayan. Ito ang “Rules Of The Game” natin sa kasalukuyan. Dapat lamang na magyari ay lahat tayo should play by the same rules. Kung sa tuwina na lang na magkakagulo ang pamamalakad ng gobyerno natin ay gagamit tayo ng “extra judicial” na paraan para ayusin ang gulo, makailang palit man ang gawin natin sa ating konstitusyon hindi rin masu-solusyonan ang mga problema natin dahil magi-extra judicial na naman tayo.
Alam ko na mataas ang IQ (Intelligence Quotient) ng mga Pilipino, pero, para sa ikabubuti ng buong sambayanan, dapat po nating itaas ang ating MQ (Moral Quotient). Kapag mataas na rin po ang ating MQ natin, there will come a time na “zero tolerance” na tayo sa mga korapsyon at kapalpakan sa ating gobyerno, including the current SOP (Suhol Of Politicians)or kickbacks, na sa aking pagkakaalam ay 30% minimum.
Mahabang proseso ang patungo sa mahusay na pamamalakad ng gobyerno. “Evolution” po ang kailangan natin, hindi “Revolution.” Kailangan natin ang tyaga ayon na rin sa sinaunang kasabihang, “Ang walang tyaga ay walang nilaga.”
Tuwing bago po tayo matulog, ang bawat isa sa atin ay dapat na magtanong: “What have I done to my country, lately?”
Arturo
Correction: “What have I done to my country, lately?” should read, “What have I done for my country, lately?”
Arturo
Tignan natin ‘yang People’s Court bago natin husgahan.
Kung ang People’s Court ay isang paraan lang para maila-lahad at ma-discuss ang mga isyu laban kay Arroyo, malaki ang pakinabang nito para sa kaalaman ng sambayanang Pilipino. Sa ngayon, ito ang nakikita kong papel ng People’s Court.
Kung ito ay magiging kangaroo court na nangyayari sa mga authoritarian regimes, iba yun. Hindi naman ganoon ang sitwasyon natin.