Skip to content

Security ni Bolante ang nagpagulo sa airport

Ang Undas ay okasyon para natin gunitain ang ating mga mahal sa buhay na sumakabilang buhay na. Sa mga Kristiyano kasi naniniwala tayo na panibagong buhay pagkatapos ng ating buhay dito sa mundo.

Ang undas ay pagpa-alala rin sa atin na ang buhay natin dito sa mundo ay temporario lang. Dumadaan lang tayo. Lahat tayo ay mamamatay.

Paala-ala rin sa atin na walang kabuluhan ang pagnanakaw at panloloko ng kapwa tao dahil hindi natin madala ang mga kayamanan sa kabilang buhay.

Ito dapat ang nasa-isip ni Jocjoc Bolante, ang kaibigan ni Mike Arroyo at dating agriculture undersecretary na bumalik sa Pilipinas noong Martes pagkatapos ng dalawang taong pagkakulong sa Amerika sa kakaiwas niyang humarap sa imbestigasyon ng Senado tungkol sa sobra P3 bilyon na pera para sa mga magsasaka na ginamit niya sa kampanya ni Gloria Arroyo noong 2004 na eleksyon.

Sa sobra tatlong bilyon na yun, dokumentado ang P728 milyon. Kaya yan ang takot na takot si Bolante harapin. Siyempre alam naman ng lahat na hindi naman maa-aring nagawa yun ni Bolante na hindi aprubado ni Arroyo. Kaya ayan, binabatikos ni Arroyo ang mga senador na sinusulong ang imbestigasyon kay Bolante.

Hindi lang mga senador ang binabatikos. Ito naman si Alfonso Cusi, bata rin ni Mike Arroyo na ginawa niyang general manager ng Manila International Airport Authority, naghahanap ng rason na masensor ang coverage sa airport.

Sinisisi niya ang mga reporters at photographers na nasa arrival area noong Martes sa kaguluhan daw sa pagdating ni Bolante. Binale-wala raw ng mga photographers ang cordon na linagay na naglilimita kung hanggang saan lang sila.Nagtulakan raw at naperwisyo ra ang ibang mga pasahero na dumarating.

Kaya, sabi ni Cusi, magpapalabas sila ng mas istrikto na guidelines sa coverage sa dumarating na mga pasahero.

Inis ang mga reporter at photographers na pinapalabas ni Cusi na iresponsable sila at hindi marunong sumunod sa usapan samantalang ang may kasalanan ay ang mga security ni Bolante.

Sabi ng media na nasa arrival lobby, klaro ang usapan na dadaan si Bolante sa lobby (hindi ibababa sa tarmac para umiwas sa media) para makakuha sila ng litrato na siyang inaabangan ng sambayanang Pilipino. Pera nila ang ninakaw ni Bolante kaya sinusundan nila ang balita tungkol kay Bolante.

Kaso, pagdating sa arrival lobby, nakatakip ang sangkatutak na security ni Bolante sa kanya. Puro na lang ulo ng security ni Bolante nakikita sa camera. Yung ibang gwardia nga tinatakpan mismo ang camera. Kaya nagka-tulakan at lumapit ng husto ang media.

Sino ngayon ang lumabag sa usapan? At bakit pinayagan ang ganoon kadaming security ni Bolante? Di ba sa custody na siya ng Senate sergeant-at-arms noon?

Published inGovernanceWeb Links

33 Comments

  1. bitchevil bitchevil

    Obviously, they (Malacanang and government) deliberately created the confusion to once again snatch the criminal but were unsuccessful due to the media’s watchful eyes. The Senate Sergeant-At-Arms team was supposed to be the one to pick up Bolante. Why were other agencies there? Do we need to ask? Another attempt that failed.

  2. What can you expect? Parang mga yakuza iyan na mga kriminal. Kriminal ang amo, natural, ang trabaho ng mga tauhan, kriminal din.

    Saan ka naman nakakita na ang gobyerno ang mismong nagtatakip ng kawalanghiyaan ng mga lumalabag sa batas dahil inutusan lang naman ng isang namumunong kriminal? “Onli in da Pilipins!,” ‘ika nga!

    ‘Pag tauhan ni Gloria Dorobo, pinalulusot ni Gonzales at ng mga appointee ni Dorobo sa korte Suprema, etc. Pero kapag kaaway niya, nakakulong na walang kaso, dinidelay pa ang mga hearings.

    Dito sa Japan, hindi puedeng i-delay ang mga kaso lalo na kung walang ebidensiya kasi paglumabas talagang gawa-gawa lang ang bintang, malaking bayaran ang mangyayari, bayad-buwis ng taumbayan na siyempre kailangang may managot. Dito kasi puedeng idemanda ang gobyerno, at iyong mga hepe ang nasisibak. Iyong mga public servants namin kasi alam na mas mataas ang taumbayan sa kanila. Puede silang nakasaludo sa tao. Sa Pilipinas, yuck! Sila ang amo!

    Iyon ngang sinungaling na, magnanakaw pa, akala mo sila ng asawa niya ang may-ari ng Pilipinas. Pati iyong mga anak kung kumilos, akala mo mga prinsipe at prinsesa—kurakot naman pala! Pweh!

    Tama si Ellen. May katapusan din naman ang mga buhay nila. Hindi nila pagsisihan at sagutin ang kasalanan nila habang nasa lupa pa sila, mas masahol ang magiging parusa nila sa kabilang buhay. Sabi nga sa isang pelikula, “with privilege comes responsibility.”

    Mas maraming pribelehiyo, mas maraming sasagutin sa itaas. Bakit hindi iyan tinuturo doon sa mga parochial school na pinasukan ng mga ungas? Kung sabagay di naman yata marunong makinig dahil feeling diyos na ngayon ang mga animal.

  3. Toney Cuevas Toney Cuevas

    “Dumadaan lang tayo. Lahat tayo ay mamamatay.”…It would be good if whore Gloria Arroyo and fatso Miguel will do as the honor first, and tomorrow is not soon enough. Killer Kidlat will be just the doctor’s order when the whore initiate the impeachment campaign with her most famous breakfast brown bags give away in stinking Malacanang, more the merrier, I suppose. I still think Malacanang is an evil place and should be burned to the ground.

  4. Valdemar Valdemar

    It was a simple order to a subordinate. Anyone would follow it. It was a lawful order. If only the press could form a queue line, not in line abreast or an attacking horde we could have orderly coverage. Of course, everyone would like to get a scoop. Some are just plain fans or fanatics or paparazzi.

  5. rose rose

    A military tactic in war I was told once is “confuse the enemy” and that it seems is exactly what the administration is doing.

  6. Toney Cuevas Toney Cuevas

    Here what I think should be done with this a*s h*le bolate. If the people wants the truth and nothing but the truth from bolate, they shouldn’t wait for the judicial and legislative branches to get the truth out from this liar bolate since the executive branch of wh*re Gloria has already way ahead of everybody on this, it’s now just a matter of going through of wh*re Gloria’s infamous fixation. It’s already a done deal, bolate will get off. I truly believe that the people should take it upon themselves to grab bolate from wherever he’s at and have a public trial in Luneta Park where the ordinary people will decide, judge and the jury of his crime(s). It’s the only possible way will get the truth out of that bolate. Philippines gov’t officials are nothing but corrupt and incompetent, and all bought and fully paid by the wh*re Gloria, so they can’t be trusted. Another opportunity to hang wh*re Gloria, I hope the people will be smart enough to realize it. We shall see.

  7. In US politics Mc Cain is closing the gap on Obama.Whoever win in California will be the next US President.

  8. Toney Cuevas Toney Cuevas

    I don’t agree. California a liberal State always vote democrat in national election. In 2000, Al Gore won California. In 2004, Kerry won California. McCain already given up California and Obama will carry California. California is not a battle ground State, same as Texas.

  9. Pinadalhan ako ng mga barkada ko sa Wall Street ng mga pictures sa Halloween Parade sa Greenwich Village. Merong mga zombies na nakapalibot sa rebulto nung toro sa Wall St. at binuhusan ng fake blood. May mga dalang tombstone na may nakasulat na “R.I.P. – Your Bank” o kaya’y “R.I.P. – Your 401K”, “WaMu”, “Wall Street”, o yung “McCain-Palin: died 2008” meron ding naka-placard ng “Zombies for Obama” at saka “Resurrect Subprime Morgue Ages” masaya!

    Dito sa Pinas, kahit nasa memorial park ka na akala mo secure at private dahil karamihan maykaya ang nakalibing, sandamukal ang mga iskwater na nagkalat na namamasyal o nag-uusyoso lamang at naghihintay ng pagkakataong umalis ang mga dumalaw sa puntod upang nakawin ang mga flower arrangements o bouquets para maibenta uli sa labas ng sementeryo. Kasama na yung mga ninenenok yung mga tulo ng kandila o yung kandila mismo kahit may sindi pa. Naibebenta yata ng P20 kada kilo.

    Walang pagbabago, taun-taon na lang ganito. Grabe ang traffic. Mula sa kanto ng McDonald’s BF hanggang sa loob ng Manila Memorial Park na wala pang kalahating kilometro, TATLONG ORAS ang gapang, dahil yung mga sasakyan na nasa outer lanes sumisingit papasok sa inner lanes pag dating ng intersection kundi matataboy sila lampas ng Memorial Park. Pag nasa loob na, basta na lang magdo-double park kahit bawal, kaya lalong nagbuhol ang trapik sa loob. Siguradong iinit ang ulo mo.

  10. vic vic

    I was in a funeral service of a relative today and the Pastor was telling about the story of a person who was so afraid of death that he was quoted saying that death is alright and he knows it will come to us all, but he just wants to be sure he is not around when it gets there. I believe the same is the Philosophy of those who can not just seem to satisfy themselves of enjoying the fruits of their own labour and strife, but go to the extent of stealing that of the Masses. They want to live forever, yet it will also come to them and sometimes it comes even when they are not ready..they are never READY.

  11. Email from Obet:

    gusto ko lamang ibahagi sa inyo kung may basehan nga ba ang mga kumpanya ng langis dyan sa pilipinas para hindi sila magbaba ng presyo ng langis sa tamang halaga. Sinasabi nila na mas mura pa daw ang benta nila kesa sa ibang bansa na umaangkat din ng langis.

    Ikumpara nga natin kung tama ba yun. Magbigay lang ako ng isang halimbawa, sa Taiwan. Ang presyo ng diesel ngayon dito ay NT$20 x P1.48 = P29.60 at ang presyo naman ng gasolina ay NT$22 x P1.48 = P32.56.

    Sino ngayon ang murang magbenta?

    Ang presyo na ibinigay ko ay presyo ng mga distributor ng 2 higanteng kumpanya (Formosa – private at CPC – pag-aari ng government) dito. Magkaroon man ng diperensya ay NT1 lang. So, mura parin.

    Ngayon kung sasabihin nila na mura ang palitan ng $ dito (US$1 = NT$33). Eto naman ang sagot ko. Ang minimum wage salary dito ay NT$15,840 x P1.48 = P23,443.20. Bukod pa don mas marami na ding bilihin dito na mas mura kesa sa pinas. Sweldo lang yan ng mga karaniwang trabahador gaya ng saleslady, waiter/tress, gasoline boy/girl etc.

    Dito pag mababa ang inangkat na langis, mabilis pa sa alas kwatro nagbaba agad sila ng presyo. From NT$36.40 na presyo ng gasolina, ngayon NT$22 nalang.

    Gumagalang,
    Obet (contract worker ng Taiwan)

  12. bitchevil bitchevil

    Vic, most Canadians favor Obama, right?

  13. Mike Mike

    Someone texted me a while ago:

    jocjoc: nurse, kunan mo nga ako ng bp. nahihilo kasi ako.
    nurse: (kinunan ng bp si jocjoc) sir, ang bp niyo po ay 120 over-acting po. 🙂

  14. bitchevil bitchevil

    Let’s keep a close watch on Bolante. He might sneak out of St. Luke’s.

  15. iwatcher 2010 iwatcher 2010

    bitchdevil…the original plan is to immediately transfer jocjoc bolante from our airport to an asean country and back to a province in northern mindanao, eh kaso maingay ang media kaya plan b – from st.lukes itatakas sa probinsiya same province pa rin sa northern mindanao.

    magmatyag at magbantay…ang pobreng jocjoc naging sunud-sunuran na lang sa malacanang mafia at arroyo corrupt-poration, ang laki ng takot kasi alam ni kingpin pidal na hindi lahat ng pera ay nakarating sa mga local officials at political operators during 2004 elections.

    ano ang aral? huwag magnanakaw sa magnanakaw at kung hindi malinis ang pagnanakaw dapat mag-ingat kasi pag sumabit patay ka kay kingpin pidal. at nakakalungkot dahil takot ang umiiral ngayon kay jojoc at mas pinili pa niyang mamuhay sa takot kesa malinis ang kaniyang pangalan at ang respeto sa kaniyang sarili at pamilya.

    at ang insidente sa airport na kung saan daming civilian security agents ang dumating…akala ko ba hands-off na ang malacanang mafia at arroyo corrupt-poration? eh bakit tila yata takot at naniguro na di kakanta si jocjoc.

    same script, same plan courtesy of the infamous trio of ermita, puno and norberto gonzales.

    haay pilipino…kailan ka kaya magigising sa katotohanan na ang kasalukuyang rehimen at puro panlilinlang, pagtatakip at pagsisinungaling.

    gising pilipino! may pag-asa pa kung ikaw mismo ang kikilos at magtatakda ng kinabukasan ng bansa mo.

    mabuhay ka pilipino!

  16. bitchevil bitchevil

    Malacanang always has contingency plan for cases like that of Bolante. They have Plan A, B and C. They were unsuccessful in implementing the Plan A, B, C to Jun Lozada. That’s why they want to make sure they get it this time with Bolante. The media has always been a pain in the ass for Malacanang. Thanks to media and of course our very own Ellen.

  17. bitchevil bitchevil

    A reliable source at St. Luke’s, a doctor, said that Bolante’s health condition is normal. No serious illness except hemorrhoids. He should be holding his ass at the airport instead of his chest.

    Seriously, Bolante’s lawyer who’s also Mike Arroyo’s lawyer openly promised that he would do everything to stop the Senate from investigating his client. By “Proper Forum”, they mean any court other than Senate. Case dismissed!

  18. bitchevil bitchevil

    What’s Senator Angara up to? First, as Chairman of Committee on Agriculture, he refused to investigate Bolante saying the case has been closed. When Bolante was still in Manila, he snubbed the hearings called by then Chairman Jun Magsaysay. Now that he’s in Manila, why doesn’t Angara investigate? Blue Ribbon Committee Chairman Alan Cayetano then said he was willing to take on the investigation. Upon learning this, Angara warned the Senate that there would be a class between Blue Ribbon Committee and Ombudsman. Obviously, Angara is stopping Bolante’s investigation. Every time a Malacanang boy is to be investigated, there is always someone sent by Malacanang to trouble shoot.

  19. Valdemar Valdemar

    Obet,
    Mura kung per barrel jan?

  20. Valdemar Valdemar

    Tongue,
    Ano kaya kung gawin na lamang color coding ang undas para maiwasan ang gulo.

  21. BE, Malaya headline: Angara waffles, wants piece of ‘Joc Joc’ action; Seeks joint probe with Blue Ribbon.

    http://www.malaya.com.ph/nov03/news1.htm

    I think he has realized that he can’t stop Senate investigation so he might as well join, so he ,in a way, manage (sabotage?) it.

    Shrewd…. wily.

  22. bitchevil bitchevil

    Yes Ellen, a Senate Committee Chairman or member could always sabotage the hearing. Experts on these are Enrile, Joker, Santiago.

  23. bitchevil bitchevil

    Senator Ping Lacson’s mother just passed away. Let’s extend to him our condolences.

  24. Val, kaya nga siguro pinaghiwalay ang All Saints’ Day sa All Souls’ Day. Kasi yung papunta ng langit, sa All Saints’ Day sila. Yung papuntang impiyerno ba ang dapat sa generic na All Souls’ Day?

    **********

    Ellen,
    Iyan din ang basa ko kay Angara, kung kaya niyang pigilan, pipigilan niya. Kung hindi, gagawa siya ng paraan para may kontrol siya. Tuso rin ang gago.

  25. Sa mga naghahanap kay makatang Magno Rivera, nag-email siya para sabihing busy lang siya at okey naman sa Riyadh. Bago ang trabaho niya kaya sumisipsip pa, kaya absent ng matagal sa eskwelahang munti ni Ellen. Yun lang.

  26. myrna myrna

    so bale pala ellen, ang mangyayari nito na naman sa senado: enrile, miriam, joker, at si angara. sila ang magiging (kontra)bida uli.

    hah! kung bakit kasi hindi pa mawala sa ibabaw ng lupa ang mga yan. kasali na siempre yung pandak sa palasyo. pahirap na lang ang ginagawa kay juan dela cruz!

  27. gapoboy gapoboy

    i read in the Abante website courtesy of Ellen, na mapupuno ng tongressista ang muntinlupa sa dami ng involved sa jocjoc bolante’s fertilizer fund scam pag nagsalita na si jocjoc bolate.
    dapat isama na nila si pekeng unano sa dami ng kasamaang ginawa kay juan delacruz…

  28. Yup, miss na namin si Magno! Hope OK siya.

  29. Assured naman pala si Bolate na hindi mapapakanta at hindi makukulong, VIP treatment pa, e bakit nagpakulong pa ang ungas sa Tate? Ayaw pakulong sa Munti pero hindi nabagabag na tratuhin isang kriminal sa Tate? Wow, ang tindi din ano?

    On the other hand, magkano kaya ang sustento ng pamilya niya during his incarceration in a US prison by the Pidals? I bet hindi siya papayag na makulong ng ganoon katagal kundi bayad todo ang pamilya niya, at saka assured ng malaking savings sa bangko pihado in exchange for his “loyalty” for the Pidals lalo na doon sa kamukha niyang magaling din magsakit-sakitan to get public sympathy.

    Alam na alam ni Gloria Dorobo and husband kung papaano bilugin ang ulo ng mga pilipino para sa kanilang kapakanan. Pihado tawa ng tawa ang mga kurakot at panay ang belat kay Harry Roque at Frank Chavez.

    Kawawang Pilipinas!

  30. iwatcher 2010 iwatcher 2010

    grizzy nagpakulong na lang sa tate si jocjoc sa takot kay kingpin pidal..nalaman kasi ni pidal di lahat nakarating sa mga political operators at local execs yung perang ipinangako niya as campaign support fund during 2004 election.
    kaya ganun na lang ang takot umuwi sa pinas kasi ninakawan din yung magnanakaw..marami sa mga local execs na umamin na kung hindi kulang ay walang natanggap na pera from fertilizer funds..at yung iba nakipagsabwatan pa na dagdagan yung campaign funds.

    alam mo naman ang convincing factor ng malacanang mafia at arroyo corrupt-poration kaya hayun si jocjoc naniniwala na naman na bibigyan cya ng proteksiyon ni kingpin pidal. remember yung pidal witness? yung isafp agent? si neri? di ba lahat bumawi at bumaligtad matapos ang magandang usapan…

    nagtatanong lang po…eh bakit mas takot si jocjoc kay kingpin pidal kesa sa taongbayan? bka naman salbahe talaga si kingpin pidal at marami na siyang nalaman kung paano magalit ang best friend rotarian niya…

    nakakatakot ang pamunuan natin ngayon walang pinagkaiba sa batas ng mafia… padasal-dasal pero puro kabulukan naman pala ang pinag-gagawa, just imagine kung paano naging overnite multi-millionaire si iggy arroyo at ang arroyo bros? si pagcor chairman, gsis head, mike defensor and etc. etc. nakakagulat ang kayamanan..nagtatanong lamang po?

  31. iwatcher 2010 iwatcher 2010

    offtopic…

    ms ellen pa check naman yung incident sa mabuhay manor hotel-pasay city dis morning (around 630am)wherein a woman na naka-check in sa nasabing hotel ay biktima ng hulidap ng mga pulis..nakakaawa naman kasi malaking pera yung nakuha at nag search pa sa bawat room para palabasin na legitimate operation kahit walang special order or warrant of arrest…kawawa naman ang pilipino, ang pulis na dapat sanang magtatanggol ay siya ngayong mga magnanakaw na naka uniporme pa…i still dont know kung may media na but the info is reliable, pls check with hotel operators or guards to expose abuses of this corrupt cops.

    mabuhay ka pilipino!

  32. iwatcher 2010 iwatcher 2010

    munting opinyon ko lamang

    katatapos ko lang mapanood ang speech ni us pres. elect obama at akoy lalong napahanga-visionary, may unifying factor, balanse at siguradong isa sa magaling na pangulo ng US, makikita mo sa kaniyang pananalita ang leadership at wisdom at siguro ay napansin nyo rin kung gaano ka-emosyonal ang mga nakinig at nanood.ramdam ang sinsiridad at punong-puno ng pag-asa at kahandaang tumulong para sa pagbabago at muling pagbangon ng US.

    kakabilib, ang boses at boto pa rin ng tao ang pinakamahalagang sandata laban sa palalo at mapang-abusong pamunuan.

    naalala ko tuloy nung nag speech si gloria after the unconstitutional removal of estrada 2001-walang dating, hindi seryoso at alam mong hindi kapani-paniwala.

    ang bilis ng resulta, samantalang sa pinas dinadaya na sa polling station dinadaya pa sa comelec at dinadaya pa sa electoral tribunal ng congress.

    sana maging daan ito sa mga pilipino na may pag-asa pa ang ating bansa na magkaroon ng isang lider na katulad ni obama, kaya nga hanggat maaga we nid to inform the filipino people the importance of choosing the head of our govt come 2010(at sanay may eleksiyon)

    after glorias regime may magandang bukas pa ring naghihintay sa pilipino, magtiwala, magdasal at sama-samang magkaisa at magtulungan upang labanan ang korupsiyon ng malacanang mafia at arroyo corrupt-poration.

    mabuhay ka pilipino!

Comments are closed.