Natutuwa akong sundan ang mga balita tungkol kay Shiloh Nouvel Jolie-Pitt, anak ni Brad Pitt at Angelina Jolie
Kung hindi nyo alam kung sino si Brad Pitt at Angelina Jolie, siguro matagal na kayong nawala sa sibilisasyon
Ipinagbili nina Brad Pitt at Angelina Jolie ang litrato ni Shiloh Nouvel ng $5 milyon raw sa Grey Images na siyang kumuha at nagdistribute ng mga litrato. Ang pera ay ibibigay sa charity.
Ang mga litrato dito galing sa Hello Magazine sa United Kingdom at pinadala sa Abante columnist na si Jojo Gabinete ng isa niyang kaibigan. Sa mga litrato, kamukha ni Angelina Jolie si Shiloh Nouvel.
Sa America, People Magazine ang nakakuha ng exclusive rights sa mga litrato ni baby Shiloh.
Sa kanilang official statement, sinabi ni Brad at Angelina (naks ha, first name basis) :
“While we celebrate the joy of the birth of our daughter, we recognize that two million babies born every year in the developing world die on the first day of their lives.These children can be saved, but only if governments around the world make it a priority.” (Kahit na ipinagdidiwang naming ang pagsilang ng aming anak na babae, alam naming na dalawang milyong mga sanggol ang namamatay sa araw ng kanilang pagsilang. Maari pa rin maligtas itong mga sanggol kung bibigyan ng mga pamhalaan sila ng halaga.”
Ipinanganak si Shiloh Nouvel noong May 27 sa Namibia, Africa kung saan pinuprotektahan ang mag-asawa ng pamahalaan mismo sa mga makulit na reporter at paparazzi.
Ang mga paparazzi ay ang mga photographer na talagang nagpupumilit makakuha ng litrato kahit na malagay sa peligro ang kanilang kinukunan katulad ng yumaong si Princess Diana. Malaki kasi ang bayad sa mga litrato nitong mga celebrity.
Si Angelina ay isang ehemplo ng artista na ginagamit ang kanyang kasikatan para sa kabutihan ng mga taong mahirap. Siya ay ambassador ng Unicef (United Nations Children’s Educational Fund) at pumupunta siya sa mga bayan na nasa krisis para ipakita sa mundo ang sitwasyon at matulungan sila.
Mukhang naimpluwensyahan niya na rin si Brad Pitt na sumasama sa kanya sa kanyang mga lakad. May proyekto na rin si Brad Pitt na buhayin ang mga lunsod na nasalanta ng typhoon Katrina sa Amerika. Mahilig kasi sa architecture si Brad Pitt.
May ampon na silang dalawang bata. Isa ay Cambodian at ang isa ay Ethiopian.
Dito sa Pilipinas, sino kaya sa mga artista natin ang giangamit ang kanilang kasikatan sa pagtulong sa mga mahihirap? Hindi mayroong palabas, pupunta lang sila at makipag-litrato. Yung talagang buong-pusong pagtulong at pagbahagi ng kanilang kayamanan.
Mayroong naisulat tungkol kay Aga Mulach. Mayroon pa kayang iba?
Oo nga, Ellen, sino nga bang artista natin ang na-involved sa charity works, hindi basta charity ek,ek.? Ang alam ko si FPJ ay maraming natulungan noong nabubuhay pa siya hanggang sa huling ilang buwan niya sa mundo. Sayang!!! maaga siyang kinuha ng Diyos. Si pandak, tumutulong daw sa mga mahihirap sa lunsod…….ayon sa mga litratong pinapalabas nila!!!
Pero mabalik tayo kay Angelina at Bradd, nakakainspire ang 2 iyan. I am an avid fan of her at talagang pinapanood ko ang kanyang mga pelikula. Buti naman hindi nasayang ang aking pera sa pagpanood kay Angelina. May pinupuntahan, hindi tulad dito sa ating bansa, ang aking binabayad na tax ay nawawala!!
Sinabi mo.
Goldenlion:
Off topic, but I saw your message to the Malaya egroup. Fortunately, I have not built a house yet on my property in Alabang. It used to be a farmland but I understand that the area is now as expensive as the Ayala subdivisions in Makati.
I am aware of the holduppings along the roads going to Tagaytay even during the Marcos dictatorship, but apparently, the situation is much much worse since there are military and police people involved. Ganoon na ba kawalanghiya ang mga puwersa ng sandatahan sa Pilipinas? Bagay, hindi naman kataka-taka dahil iyong mismong presidente kawatan!
Thanks for the warning! Will make sure not to go anywhere near those places when I get the chance to visit the Philippines, not in the near future, though. Perhaps, when the Midget is no longer at Malacanang, baka pa!
Ellen:
Thanks for sharing the picture of the Brangelina baby. The shape of the face is the father’s and the mouth the mother’s I guess.
I know Angelina is generous, and has given a lot to international charities. She’s a fine actress indeed!
Can’t say the same to many Philippine stars, I guess with many of them ending up as bums in the end as a matter of fact.
I’m a fan of hers … My children think I’m “cool” when I say that particulary after they got me to watch Tomb Raiders and Alexander the Great with them (which weren’t really my cup of tea.) But she’s been doing a great job of doing good so I’m a fan of hers.
I agree with Ellen. Angelina Jolie is an exemplary person.
Praise the Lord’ sa mga taong may magandang puso at pag mamahal sa kanyang kapwa’ lalo na sa mga batang kapos palad, sa mga pangangailangan Physical’ the Holy Bible say’s Mat 5:7 “Blessed are those who are merciful to others; God will be merciful to them! sa ating bansa ay marami din ang mga matulungin at na i shre nila ang kanilang blessing na natatanggap’ una na nga si FPJ na tumutulong pero hndi kailangan ang mga pa picture O mga media reporter para mlaman ng tao ang kanyang gnagawa’ Mat 6:2 “So when you give something to a needy person, do not make a big show of it, as the hypocrites do in the houses of worship and on the streets. They do it so that people will praise them. I assure you, they have already been paid in full. nariyan din si Aga Mulach’si Ginang Rosa Rosal at marami pang iba ‘ Purihin ang Panginoong Hesus sa buhay ng mga taong ito, inililihim ang kanilang mga pagtulong na ginagawa, at sino ang gaganti sa kabutihang gnagawa niyo’ kundi ang Panginoong Diyos. sana marami pang tao ang katulad ng mga nabanggit na gamitin nila ang kanilang kasikatan, kayamanan at kapangyarihan, sa mga taong kapus palad at mga ngangailan, huwag sanag ang pag tulong natin sa kapwa ay katulad ng isang show sa tv na kung saan ay nag mumukhang kaawa-awa ang ating kababayan bago pa nila makamtan iyong kanilang minimithi, tatanungin ka pa ng kung ano ano’ pamimiliin ka ng premyo na gusto mo at mag tatawaran pa kayo’ sabi nga kapag sinuwerte panalo ka’ kapag minalas, talo ka. ganito ba ang pag tulong sa kapwa na sinasabi ng tv program na ito??? So when you give something to a needy person, do not make a big show of it, as the hypocrites do… Pera O bawi???
Talaga. Hindi katulad ng mga pulitiko sa atin na pati ang mga project na pera naman ng taumbayan ang ginastos, kinukuha ang credit. Ang lalaki ng streamers at billboard na “project of…..”. Si Reynang enkantada mahilig diyan.
Heheh! “Si Reynang enkantada mahilig diyan.”
Kasi baka makalimutan siya dahil masyadong bansot!
Reyna enkantada ng enchanted kingdom…..
Tingnan nyo naman ang mga bagong commercial ng PCSO
ay naku!
kala ko kung anong heartwarming na kommersyal tapos sa dulo mukha ng enkanto ang makikita mo!
Karl,
Ang PCSO ay isa sa mga institusyon na ginagawang gatasan ni Gloria Engkantada. Mas marami syang napapakinabang sa pondo ng bayan kaysa sa ating mga kababayang nangangailangan ng serbisyo ng gobyerno. Ang winawaldas na pera ng bruha sa Enchanted Kingdom ay galing sa ating lahat na mamamayan. Ang sobra-sobrang buwis na nakukuha sa atin ay siya at mga alipores nya ang nagpapasasa. Hindi natin nararamdaman ang serbisyong para sa atin. Halimbawa, sa sobrang laki ng mga budget ng mga militar at kapulisan, hanggang ngayon ay wala silang mga communication equipment, patrol cars, at helicopters, para madaling masugpo ang mga krimen sa ating kapaligiran. Ang mga flood taxes, saan napupunta? HANGGANG MGA MAGNANAKAW ANG NAKAUPO SA MALAKANYANG, HINDI NATIN MATITIKMAN ANG KAUNLARAN AT KATAHIMIKAN!!!!
Hindi natin masasabing ang paggamit ni Jolie at Brad sa $5M na kinita sa kanilang anak ay tama. Wala silang karapatang gamitin iyon. Dapat nilang itabi iyon sa kanyang pangalan sapagkat siya ang kumita noon. Hindi dahil siya ay sanggol ang puedi na nilang ipamigay ang kanyang kinita. Dapat lamang nilang galawin ang kani-kaniyang kinita (Brad at Jolie), hindi ang sa sanggol na bagong silang.
Ginamit nila ang kinita ng sanggol para lamang malaman ng mundo na sila ay mabuting mga tao.
Hindi gagawin ni Jennifer, dating maybahay ni Brad, ang ginawa ni Jolie, na ipinamigay ang kinita ng sanggol na si Shiloh. Ipamimigay lang niya ang parte ng kinita niya.
Ang pagtulong sa kapwa ay taos pusong ginagampanan at hindi nangangailangan ng paglalathala ng mga litrato sa mga pahayagan. Sina Fernando Poe Jr, Rosa Rosal at Aga Mulach ang mga kilalang tao na maituturing kong huwaran sa pagtulong sa mga kapwa nila Pilipino na kapuspalad at walang kapalit na hinihingi.
Sayang nga lamang at kinuha kaagad ni Lord si Fernando Poe Jr. at hindi niya naipagpatuloy ang mga magandang balakin niya sa ikabubuti ng mga Pilipino. Ang mga taong natulungan niya ang nagpatunay sa kabutihang loob noong siya ay nabubuhay pa. Natatandaan nating lahat na katatapos lamang ng landslide sa Quezon nang siya ay mamatay. Lingid sa kaalaman nating lahat na isa pala siya sa unang nagdulot ng tulong sa mga nasalanta. Ang pinaglagyan ng mga relief goods na naipamahagi ay nakalagay sa “clear plastic” na walang “political advertisement”. Talagang taos sa kanyang puso ang pagtulong.
Si Aga Mulach ay patuloy pa rin sa pagtulong sa mga may kapansanan – mga pipi at bingi – na maaaring pakinabangan sa food chains ng kanyang sponsor na Jollibee. Bibihira ang mga taong ganito kaya patuloy ang pagapapala sa kanya ng Panginoon.
Kaya nga kung tutulong talaga ang isang tao ay matahimik niyang gagampanan ang bagay na ito at hindi na niya ipangangalandakan sa buong mundo ang kabutihang gagawin niya. Ang mga nakatanggap o nakatamo ng tulong ang siyang magpapatunay sa kabutihang ipinagkaloob.
Kaya ba ni Nano ito?
Begodly 77, kaysa naman natutulog ang pera habang maraming namamatay na sanggol dahil sa kakulangan ng gamot at pagkain, di ba mas mabuti ng gamitin na ngayon. Hindi naman siguro kukulangin ang bata ng pera kapag lumaki na siya.
Gusto ko rin si Jennifer Aniston. Sayang nga ang kanilang marriage. Bilib din ako sa kanya the way she is handling her separation with Brad Pitt.