Skip to content

Praning ang marami sa ISIS at Martial Law

Resorts World gunman. Photo from PNP PIO.

(Unang lumabas ang column na ito sa Abante)

Ang pangamba ng karamihan habang pinapanood ang balita sa nangyayari sa Resorts World na malapit sa NAIA 3 noong lampas ng hatinggabi ng Biyernes (Hunyo2) ay baka gamitin itong dahilan ni Pangulong Duterte sa pagdeklara ng Martial Law sa buong bansa.

Ang mga unang balita kasi ay sumigaw daw ng ISIS ang mamang sumugod sa casino na may baril. Hindi naman pala totoo. Ang sumigaw daw ng ISIS ay yung mga taong nagtakbuhan palabas.

Ito namang si U.S. President Donald Trump, na nagsalita sa White House mga tatlong oras ang nakalipas at tinawag na “terror attack” ang nangyari. Sabi niya sa kanyang pagharap sa media sa White House:

“I would like to begin by addressing the terrorist attack in Manila. We’re closely monitoring the situation, and I will continue to give updates if anything happens during this period of time. But it is really very sad as to what’s going on throughout the world with terror. Our thoughts and our prayers are with all of those affected.”

Kinaumagahan, mga alas-siyete ng umaga, sinabi ng mga opisyal ng pulis na nandun na sa hotel na malabo na kunektado sa ISIS ang may kagagawan ng gulo na hanggang ngayon ay hindi pa nakikilala dahil nasunog daw.

Sabi ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Oscar Albayalde ang tingin nila mukhang may diperensya sa pag-iisip ang mama. Mag-isa lang siya pumasok sa hotel na may bitbit na armalite. Nanguha pa ng mga casino chips na nagkakahalaga ng P113 milyon na hindi naman niya magagamit yun.

Sabi ni Albayalde, “Kung terorista yun, bakit hindi siya nagdala ng maraming bomba? Bakit hindi siya nambaril at pinasabog ang sarili?”

Sabi ni PNP Chief Rolando de la Rosa, ““Humiga siya sa bed, kinoveran niya sarili niya ng makapal na kumot, and apparently nagbuhos siya ng gasolina sa kumot at nagsindi sa sarili. Sunog siya …So nakikita natin dito, binuhusan niya ‘yung sarili niya ng gas He covered himself with a blanket, at saka may mga foams dun, and he ignited himself.
And then he shot himself. Binaril niya bago masunog totally ‘yung katawan niya.”

Pinipilit naman ng ISIS na ang nangyari sa Resorts World ay kagagawan nila, sabi ni AFP spokesperson Brigadier-General Restituto Padilla “Dapat alam nyo ngayon na ang organisasyun nay an ay aako ng kung anong (gulo) , kaliwa’t kanan, kahit ano. Miski may natalisod dyan ike-claim nila.”

Ganyang talaga ang mga tao o grupo na gustong pasikatin ang sarili nila, sabi ni Press Secretary Ernesto Abella.

Sabado na nagsalita ang Pangulo at mabuti naman sinabi niyang hindi ISIS ang may kagagawan ng gulo sa Resorts World. “I know hindi iyon ISIS. Ba’t mo nakawin iyong plastic na alam mong hindi mo magamit? Loko-loko pala iyon,” sabi niya habang nagbibisita ng mga sugatang sundalo sa Camp Evangelista Station Hospital sa Iligan City.

Sabi niya malupit at marahas ang ISIS.

Pres. Duterte speaks before 2nd Mechanized Infantry Brigade in Maria Cristina, Iligan City.May 26, 2017. Malacañang photo.

Kasi nga ang kaba ng marami na gagamitin niya ito para magdeklarea ng Martial Law sa buong bansa. Nang magdeklara kasi siya ng Martial Law sa buong Mindanao noong Mayo 23, na ang dahilan ay ang kaguluhan na idinulot ng pag-atake ng Maute Group na may kuneksyun sa ISIS sa Marawi City, nagbanta siya na baka isali niya ang Visayas dahil baka daw tumakbo doon ang mga terorista dahil malapit lang.

Kung makapasok daw ang ISIS sa Luzon magdeklara daw siya ng Martial Law sa buong bansa. ““If I think that the ISIS has already taken foothold also in Luzon and terrorism is really not far behind, I might declare martial law throughout the country to protect the people.”

Naku po. Grabe ngayon ang paghihirap ng mga taga-Marawi. Pag-isipan sana ng husto.Huwag atat na atat sa Martial Law.

Published inAbantePeace and Order

7 Comments

  1. bat0ng-buh4y bat0ng-buh4y

    Kung hindi ito “terror attack”, ano ang tawag dito?

  2. MPRivera MPRivera

    kaso ng isang lulong sa sugal na nabaon sa utang.

    siya si jessie javier carlos, dating empleyado ng DoF at isang adik sa sugal. mismong asawa na niya ang nagpatunay nito.

    kaya malabong maging terror attack yun gaya nang pinapalabas ng iresponsableng media na ang gusto ay laging makauna ng scoop at bumenta.

  3. MPRivera MPRivera

    “……kaya malabong maging terror attack yun gaya nang kini-claim kuno ng ISIS at pinapalabas ng iresponsableng media…….”

  4. Ellen,
    The gunman Jessie Carlos is also the main suspect in the murder of Alvin Cruzin and Atty. Junjun Mitra. The duo were inside Mitra’s BMW when they were shot in the head by a third companion while cruising along the streets of Paco the night before the casino attack. CCTV captured the third man getting out of the turned-turtle car wearing khaki cargo pants and blue shirt. Meanwhile, investigators covering the Resorts World incident found that Jessie Carlos was wearing the same outfit based on their own checking with the CCTV shots that were taken the night before the casino incident.

    Cruzin was a former Manila cop who lost as councilor in the last Pasay polls, while Mitra was the son of Fiscal Elmer Mitra of Pasay City. He also lost the race for councilor last year. People close to the victims confirmed Carlos was close to the two.

    Resorts World is located inside Villamor Airbase also in Pasay City.

    Here is GMA News’ exclusive report on the incident.
    https://www.youtube.com/watch?v=p_GHT81uNo4

  5. Tongue, so Carlos was also inside that BMW, then he shot the two. That could have caused the car turning turtle?

    I cannot imagine the state of mind of Carlos that night. Grabe!

  6. Looks like it but aside from GMA 7, few news orgs seem interested in this discovery, it’s not even mentioned in today’s congressional hearing.

  7. It was reported somewhere that Carlos recently won a derby in Pasay City Cockpit where he won some P15M. Both Mitra and Cruzin are also sabong afficionados and the cockpit owner is Connie Dy, top candidate (congresswoman) in Cruzin’s and Mitra’s party. I think there is where the two are connected to Carlos. Why he killed his friends, it is still muddy.

Leave a Reply