Skip to content

Lalong nababaon sa kasinungalingan

Habang nagpapaliwang itong mga opisyal ng Phililippine National Police at Department of Interior and Local Government tungkol sa kahihiyan na nangyari sa kanilang mga opisyal sa Moscow, lalong lumalabas na hindi sila nagsasabi ng totoo.

Kaya kawawa naman si Chief Supt. Nicanor Bartolome, ang spokesman ng PNP. Mukhang siyang matino na opisyal. Napipilitan siyang mag-depensa sa mga opisyal na palpak.

Sabi ni Interior Secretary Ronaldo Puno, legal daw ang dala na ni Gen. Eliseo de la Paz na 105,000 euros (P6.9 milyon) na bitbit ng kanyang asawang si Maria Fe nang paalis na sila sa Moscow pagkatapos dumalo ng 77th Interpol Conference kasama ng pito pang opisyal kasama ang ilang mga asawa.

Kasama ang asawa ni PNP Chief Jesus Versoza na si Cynthia samantalang hindi naman sumama ang kanyang asawa. Ano ang personalidad niya doon sa conference?

“Contigency fund” raw o pera para sa emergency na panganga-ilangan, sabi ni Puno. Ngunit walang naipapakita na papeles sa pag-release ng pera na yan hanggang ngayon. Ang may dokumento lang ay ang P2.3 milyon na siyang opisyal na nilabas ng PNP sa mga opisyal na pumunta sa Moscow.

I-liquidate daw ni De la Paz pagbalik nila. Paano ngayon i-liquidate ni De la Paz yun ay wala namang opisyal na disbursement.

Sinabi ni airport customs commissioner Gaylord Mendoza, wala naman raw na- declare na sobrang $150,000 na dolyar (katumbas ng P6.9 milyon) dollars si De la Paz nang lumabas ng bansa. Alam naman niya siguro ang batas na kailangan i-declare ang sobra sa $10,000 na dala kapag magbiyahe.

Pwede namn magdala ng sobra sa $10,000 kaya lang kailangan may dokumento ka na legal ang pinanggalingan ng pera. Mukha yan ang mahirap sa kaso ni De la Peña at ng PNP.

Ang kumakalat ngayon na bersyon ng pinanggalingan ng pera ay hindi maganda. Pwede raw lahat ng mga suppliers sa military. Sabi naman ng iba jueteng. Kaya hindi masugpo-sugpo ang jueteng, eh.

Sa PNP at sa miltiary kasi daw, “normal” na yang may pabaon kapag mag-retire ka. Lalo pa comptroller si de la Paz. Isang makapangyarihan na posisyon pagdating sa pera. Naala-ala nyo comptroller din si Gen. Carlos Garcia na nabuking na may $300 milyon na nakatagong pera. Paano naman niya maipon yun kung sweldo lang niya ang aasahan?

Kaya sabi ng marami ngayon, malas ni de la Peña. Kuarta na naging bato pa.

Kaya siguro tinutulungan ni Interior Undersecretary Brian Yamsuan si De la Peña na kahit paano may maiiwan sa kanya sa perang yun . Sabi ni Yamsuan, ang P2.3 milyon daw na authorized disbursement kasma na doon sa P6.9 milyon para P4 milyon lang ang ibabalik ni De la Paz.

Kaya lang sinabi na ni De la Paz at ni Puno na ang buong P6.9 milyon ang “contingency fund” kuno at iba naman ang P2.3 milyon na naipamigay na sa bawat isang opisyal bago sila umalis papuntang Moscow.

Ngayon, sinabi ni De la Paz ang $10,000 (P470,000) daw doon sa P6.9 milyon ay sarili niyang pera.

Hala sige, magtambling at magtambling pa kayo diya ay kami ay nanonood.

Published inGovernanceWeb Links

37 Comments

  1. Diego K. Guerrero Diego K. Guerrero

    Ano ba talaga Pulis Ni Pidal (PNP), P6.9 milyon o P2.3 milyon? Top honchos’ web of lies dig them deeper into mud.

  2. kabute kabute

    Nanunumbalik na sana ang tiwala ko sa PNP sa panimulang mga kilos ni PNP Chief Versoza. Mukha atang mali. Lumalabas pakitang-tao ang ang mga ginagawa nila Versoza. Malalim at kalat na ang ugat ng sama at korupsyon sa PNP at walang magagawa si PNP Chief Versoza para magkaruon ng pagbabago sa PNP. Wala na talaga seguro tayong pagasa na mapabuti ang PNP. Kahit na sa mga pagsasanay nila sa ibang bansa ay hinahaloan nila ng masasamang gawain tulad ng paglustay ng pera ng taumbayan. Anong kabutihan ang dadalhin nila sa bayan kung ganyan rin laang ang kanilang gawi. Mas madaling matututuhan ng mga tauhan nila Versoza ang mga masasamang halimbawang ito. Kita nila na dito madaling magkapera. Lalo ng masama ang ginagawang pagtatakip nila Versoza at Puno ng DILG. Wala na kaduda-duda na PNP at DILG mga pugad ng korupsyon tulad ng palasyo ni gloria.

  3. kabute kabute

    Papaano ba ito, iyong mga inatasan na siyang dapat na susugpo sa krimen at mga katiwalian ay siya pang mga pasimuno. At tila walang pakialam ang commander-in-chief na si gloria.

  4. kejotee kejotee

    Ang sinungaling kung mahuli ay tulad ng kalabaw sa kumunoy – habang nagpupumiglas ay lalong lumulubog. Yan ang nangyayari sa pulis ni pidal.

  5. bitchevil bitchevil

    One possible reason why former Speaker Jose de Venecia Jr. did not endorse the impeachment complaint his son Jose III filed against President Arroyo is fear that he may be implicated in the anomalous Northrail project.

    ….Never elect JDV again !

  6. bitchevil bitchevil

    Pardon me, I think De La Paz’s name was mistakenly written as De La Pena above.

  7. Tedanz Tedanz

    Hindi kapani-paniwala na dala dala niya yang pera mula Pinas pa. Normal naman na pag aalis ka dolyar ang dala mo. Nakapagtataka Euros pa bakit? Hindi naman miyembro ng Rusia sa EU. Maganda niyan tignan kung saan sila nagpupuntang Bansa O di kaya naman ay may transaction ng PNP na may tong-pats at doon sa Rusia nagka-ayusan. At siyempre pa paghati-hatian ng mga buwaya pag nakarating sa ating Bansa.
    At yong pagsama ng asawa ng Verzosang yan ay nakapagtataka. Anong ginawa niya doon? Wala rin palang bayag yang Verzosa ipinasubo ang asawa.

  8. Valdemar Valdemar

    Usually it takes a thousand lies to cover one. But this time, there is no let up. It might take all of them to come up with something baka lang maniniwala tayo na tama ang gawa ng mga police. Basta kuwarta sagad na ang pidal sa kanila.

  9. We are in a wrong profession.
    We should join the PNP to become millionaire.

  10. Tedanz Tedanz

    General pa lang ang mga yan corrupt na. Di lalo na pag naging opisyal na naman yan ni unanong glorya, e di mas malaki na naman ang tong-pats nila. Gaya nila Ermita, Reyes, Esperon, Ebdane, Mendoza. Siguro ang yayaman na ng mga taong ito.

  11. Usually it takes a thousand lies to cover one. – val

    This is what I’m most afraid of. Consequently,

    1 lie => 1000 lies => 1,000,000 lies => 1,000,000,000,000 lies => 1,000,000,000,000,000,000,000,000 lies => 1,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000 lies… + ∞ lies!

    All for one lie. And they have all the time in the world to do just that.

    We may laugh at them first, but in the end we may find ourselves shedding tears knowing we are just laughing at ourselves.

  12. victor victor

    The 6.9 millions pesos just the Left Over..what we didn’t know and even all the investigations that will commence is how much money was originally taken out and the amount that was “buried” deep somewhere and Spent?? any guess? can’t logged in with my old handle, so here I am with the full name..

  13. Yes. Victor, yesterday , this blog was inacessible. My administrator said he updated the site.

    Sorry for the inconvenience.

  14. etcetera etcetera

    Pinatataba ng husto ni bansot yong mga opisyales ng pulis ng perang galing sa bayan.

    Mga tatlong linggo na ang nakakaraan, binigyan ni bansot ng maraming armored vehicles ang PNP.

    Kung magkaroon ng martial law ang pakikilusin ni bansot ay ang PNP at hindi ang military. Total control ni bansot ang PNP. Si bansot hindi nakakasigurado sa military kaya noong sila Trillanes ay nasa loob ng hotel, ang pinadala ni bansot eh yong special forces ng PNP.

  15. airos airos

    The only logical reason I can think of why the General brought with him lots of cash is to make profit through Foreign Exchange.

    It is more likely that he brought out money in USD because Euro is more expensive here. He will then exchange his USD to Euro which is cheaper in Russia or from a neighboring country close to Russia whose money is Euro.

    When he comes back to Phil., he will then sell his Euros.

  16. airos,
    quit providing naive “logical reasons” to this act. There isn’t any. It’s illegal and the bastard knows it. He is a finance man being the comptroller, he definitely knows forex rules in airports, much more in banks, never mind that he’s supposed to know that too being a policeman.

    When were you born? C’mon, police controllers do not deal forex, for crissakes. They get kickbacks or “early-payment bonuses” from suppliers he’s been dealing with PNP funds, or it’s his share of “for-the-boys” for whatever operation he was cooperative to.

  17. bitchevil bitchevil

    A police friend once jokingly told me…When a new police graduate (rookie) reports for duty the first time, his commander tells him: Okay, here’s your badge, your gun and the whole Manila.

  18. Point is who has the guilty policeman (policemen?) been being a money courier for/to?

    Nakakaiya ang mga unggoy trying hard to justify their criminal activity santioned and authorized no doubt by the criminal(s) at the palace by the murky river. Where I am based, it will be cause for some forced resignation, demotion, termination and worse, self-destruction by hanging one’s self by the neck or jumping from a tall building. Sa Pilipinas, pinapalusotpa ngmga baluktot na katwiran! Yuck! Kapaaaaaal!

    Iyan ba ang pinag-aralan nila sa PMA and/or police academy? Tapos nakakasimba pa ha? Tindiiiiii!

  19. Point is who has the guilty policeman (policemen?) been being a money courier for/to?

    Nakakaiya ang mga unggoy trying hard to justify their criminal activities santioned and authorized no doubt by the criminal(s) at the palace by the murky river. Where I am based, it will be cause for some forced resignation, demotion, termination and worse, self-destruction by hanging one’s self by the neck or jumping from a tall building. Sa Pilipinas, pinapalusotpa ngmga baluktot na katwiran! Yuck! Kapaaaaaal!

    Iyan ba ang pinag-aralan nila sa PMA and/or police academy? Tapos nakakasimba pa ha? Tindiiiiii!

  20. Tama na ang excuses ng mga bobo. It is very clear that the policeman under scrutiny by the Russians did not have the proper permit as he could not produce any document to prove it. Emergency/Contingency Fund, my ass!

    Lalong sasama ang reputation ng mga pulis sa Pilipinas na masama na nga sa totoo lang. Isa sa mga pinaka-corrupt na police force sa buong mundo na pinatunayan pa ng ginawa ng isang sipsip pati asawa! Yuck talaga!

    Wala na bang katapusan?

  21. Kinuwento ko sa kaibigan kong pulis dito ang tungkol sa ginawa noong comptroller ng PNP. Napataas ang kilay niya. Unbelievable nga naman na magdala ng ganoon kalaking pera na nakatago sa luggage ng mag-asawa. Either courier sila ng isang nangupit noong pera o nangupit iyong comptroller at balak na i-smuggle iyong ini-slash na pera kung saan foreign bank. Hindi dapat binibigyan ng katwiran iyan.

    Dapat diyan ini-imbestigahan dahil sa totoo lang, puede namang i-emburse ng foreign diplomatic mission (embassy o consulate) from their collection iyong kakailanganin ng mga pulis na ipinadala sa Europe. No need to hide any money in a luggage. Buti hindi nawala lalo na ngayon na halimbawa sa US, hindi puede isusi ang mga maleta.

    Point is bakit nakakalusot ang ganyang kurakot na mismong justice department at pulis pa ang nagbibigyan katwiran sa isang suspected criminal act.

    Sure, the Russsians cleared the Philippine official dahil sa paliwanag ng mga criminal na namamahala ng bansa. Tutal di naman galing sa mga Ruso iyong pera, at courtesy sa Pilipinas kaya ni-release iyong opisyal but it should not mean that the comptroller should be totally be free and not be subject to further investigation in the Philippines for such anomalous activity or suspected anomaly. Walang dapat na pinalulusot sa totoo lang. Diyan nasasanay ang mga pilipino na dinadala pa ang kanilang mga kabalbalan sa ibang bansa.

    Kawawang bayan sinilangan! Wala na ba talagang pag-asa?

  22. Taragis, PMA graduate din pala itong comptroller. Iyan ba ang tinuturo sa PMA, ang mangurakot? No believe talaga ako! Bulok na bulok!

  23. Puede ba, ipadala na lang sa Timbuktu iyong mga bugok na graduate ng PMA at iyong pulisya ay huwag nang lagyan pa ng mga bulok na graduate from that military academy. Nasisira lang lalo ang reputation ng mga non-PMA graduate na mga pulis. Ibalik na ang dating Manila’s Finest, puede ba?

  24. airos airos

    We should admire the General for being an excellent comptroller if he never spent their contingency fund. The P6.9M he brought with him to Russia is still the same amount when he was caught, unless the amount he brought was bigger which will not tally to the amount as mentioned in the news.

    It will not take him even an hour to liquidate the monies because of zero expenses. He was given 30 days to do it.

  25. victor victor

    Now, Now hear, hear. Secretary Puno had just invented another cover to cover another. First it was a Contingency fund, the lie was discovered, now it is “cash Advance”. Every one has to rush to make up the Paper works to cover this new-found lies. and others have to find more covers just in Case..

  26. Victor,

    Huwag kang maniwala sa mga unggoy na iyan. Truth is they can ask the Philippine Embassy or Consulate for liguidation of such funds for emergency. May nag-utos lang doon sa inutil na dalhin ang pera ng lihim kundi siya mismo nagnakaw ng pera sa kaban dahil siya ang may hawak sa pundo. Dapat iyang imbestigahan ng husto. Nakakahiya ang ginawa ng ungas sa totoo lang. Lalong nakilala ang kurakutan ng mga pulis sa Pilipinas. Pwe! Kakasuka! Nagpapalusot pa!

  27. Tedanz Tedanz

    Bakit pilit na pinagtatakpan itong si Rusong General. Di ba pag napatunayan (kung mapatunayan?) na tong-pats nga ang dala nitong General e di damay itong si Puno at Bartolome sa kaso.
    Pero anong asahan mo sa isang Gobyerno na peke na kurap pa. Na ang alam ay, yong tama ay mali at ang mali ay tama.

  28. Alam ng mga Russian Police na Hot Money iyon. Confiscated na nga e. Kaya pinauwi na si De La Paz. Malinaw na hindi nila nasuportahan ng ebidensiya yung pera kaya kinumpiska.

    Buti nga sa kanya, kwarta na naging bato pa, beeeh. Wala siyang lusot diyan. Kung pera ng gobyerno yan, malversation ang kaso niya dahil inilabas niya ng walang pahintulot (hindi nakarecord sa NAIA), kung pera ng supplier, graft and corrupt practices act and ihahabla sa kanya.

    Bobo kasi.

  29. bitchevil bitchevil

    Russian authorities are as corrupt. The money could have been used to bribe the Russians; so De La Paz was cleared and let go.

  30. myrna myrna

    nagkakandarapa na sila sa pag-justify ng nangyaring kagaguhan (o katusuhan, ka-swapangan) sa russia. pati yung asawa ni versoza na si cynthia nagsalita na rin na wala naman daw masama sa pagpunta nila sa russia.

    at wala naman daw irregularity! hahahhha. nakupo, anong klase ba namang mga tao ito at panay pa ang pagsisinungaling sa taong-bayan. hindi naman tayo bobo para hindi mabalanse kung ano ang mali at tama ah!

    sabi nga ni conrado de quiros, dapat ikalaboso ang mga yan! pati na si puno…lahat sila…

    kung ayaw ng kalaboso…putol ulo na lang kaya???!!!

  31. parasamasarap parasamasarap

    Dela Paz is being given 30days to submit his liquidation! normal ba yung ganung kahabang period for liquidation? Dito sa office namin, 3 days lang. After 30 days eh nakalimutan na naman natin yang isyu na yan at all’s well that ends well na naman. Bushet!

  32. norpil norpil

    dela paz did not lose anything for gma will replace the money regardless.

  33. If the money was the “retirement pabaon” why haul it off to another country? Doesn’t he trust the local banks to take care of his money? Is this incident telling us something?

  34. bitchevil bitchevil

    According to Sen. Nene Pimentel, his source told him that the money was given by jueteng lords.

  35. Sa bagong statement ng PNP hindi na raw dinala ni De La Paz yung pera kasi ima-money transfer na lang raw.

    Question:

    Paano niya ima-money transfer papunta dito kung nandito na siya?

    Kung pinanindigan niyang kanya iyon, siya lang ang papayagang mag-money transer nun ng Russian Police. Isa pa, automatic na magti-trigger iyan ng anti-money laundering investigation dahil over the US$10,000 limit, lalo siyang malilintikan. Sabihin ninyo, magpapadala na lang ng bagong kwarta yung supplier/briber at idederetso sa account ng PNP para walang bulilyaso. Mga bobo, gumagawa ng panibagong paper trail, siyempre ibang pera na iyan. Maliban na lang kung magtatanga-tangahan yung mga imbestigador at tatanggapin na iyan na nga yung pera.

  36. Malabong sa jueteng galing ang pera, wala namang posibleng maitulong si De La Paz sa Jueteng, maliban na lang kung ipinahihiram niya ang pera ng AFP sa operators. O kaya, pabaon sa kanya ng mga Pidal at inutusan si “Pareng Bong” na ambunan para masaya ang retirement nung gagong pulis.

  37. bitchevil bitchevil

    De La Paz could be the PNP banker of those corrupt PNP officials.

Leave a Reply