In the narration of SP03 Arthur Lascañas of the “jobs” he had done as member of the Davao Death Squad, he recalled the instruction of then Davao Mayor Rodrigo Duterte in a murder operation against the financier of a kidnapping: “Sige, limpio lang.”
Lascañas explained.” Bisaya parlance po ito. Ang ibig pong sabihin “Sige malinis lang.”
Another term that Lascañas said Duterte used complementary to the “limpio lang” instruction was “erase lahat.”
Limpio is a Spanish adjective for “clean” from the word limpiar. Many Spanish words have been assimilated into the Visayan languages and one of them is “limpio.”
There was nothing clean in Duterte’s order . Per Lascañas narration, they were discussing a dirty operation- multiple murders: Seven persons including an unborn child.
His additional order of “erase lahat” seals the kind of operation he wants. There should be nothing that the murders could be traced to them.
One lesson can be learned from last Monday’s public confession of Lascañas: There is no such thing as “limpio” in a dirty job.
Here’s Lascañas’ narration of that sordid job:
May isa pang incident – ito po ay paggawa namin na pag-massacre sa isang buong pamilya na taga-General Santos City. Ang nangyari po ay ganito: Merong kaso sa Davao City noon, way back twenty plus years ago, merong kinidnap na isang Misis Abaca sa Davao City. Kami po ang naatasan ni Mayor Duterte, personal na to conduct an investigation and hot pursuit operation sa mga suspect. Nagbuo po ng isang team si Major Macasaet. SPO4 Dick Floribel ang team leader namin, si SPO4 Ben Laud, SPO4 Boy Pavo, SPO3 Gerry Baguhin, SPO3 Teodoro Paguidupon and myself. Nalibot namin ang sulok ng South and North Cotabato. Pero hindi namin na-solve ang kaso. Na release si Misis Abaca, kung hindi ako nagkamali for several months.
And then, for more a month, or several months nakatanggap si SPO4 Dick Loribel ng isang ‘A1 Information’ galing sa kaniyang kaklase, na isa ring police. Kaklase niya sa isang police schooling na taga-General Santos City Police Office. Ito po ay si Inspector Patayan. Ang information na natanggap niya na alam ni Inspector Patayan kung sino ang financier, sino ang responsable at sino ang mastermind sa pag-kidnap kay Misis Abaca.
Personal pong ni-relate namin kay Mayor Rody Duterte ang natanggap na information ni SPO4 Dick Loribel. Ang instruction ni Mayor Duterte, I-follow-up sa GenSan, Kausapin ang source of information. And agad-agad po, pinuntahan namin sa General Santos City at doon na-meet ko personal, ng grupo namin si Inspector Patayan, malapit sa City Hall ng General Santos City.
At dito ni-relate lahat ni Inspector Patayan ang sinasabi niyang “A1 Information”. Kung hindi ako nagkamali, pagbalik namin sa Davao City, dala namin si Inspector Patayan, para personally i-relay niya kay Mayor Rody Duterte ang kaniyang natanggap na impormasyon. At sa Davao City po, personal na nakausap ni Inspector Patayan, kami, si Mayor Duterte at si Major Macasaet.
And after that, gumawa po ng operational plan si Major Macasaet. As per approval ni Mayor Duterte, nag-order siya na puntahan namin ang lugar, at yung sinasabi ni Inspector Patayan na mastermind o possible financier ng pag-kidnap kay Misis Abaca na tawagin ko na lang pong, siya po ay si Mister Patasaha. Kung hindi ako nagkamali.
Dahil po sa information ni Inspector Patayan, nakuha namin si Mister Patasaha. Hinarang namin ang kaniyang sasakyan, na isang Ford Fiera type van, kung hindi ako nagkamali, color blue. At dito nadiskubre namin na kasama ang kaniyang buong pamilya. Yung kaniyang buntis na asawa na seven months old, ang kaniyang anak na four o five year old. Ang kaniyang manugang na seventy plus year old na lalaki, ang katulong na babae, ang kaniyang helper na lalaki na onboard sa likod ng sasakyan. Kinuha namin si Mister Patasayan, ako ang nag-drive sa kaniyang sasakyan, nilipat namin ang kaniyang misis sa likod ng kaniyang sasakyan, nasa front, pinagitnaan namin siya ni SPO4 Ben Laut.
As per order po ng team leader namin na si Dick Cloribel, dinala namin ang sasakyan going to Davao City, pero while on mobile-ling nag-order si SPO4 Cloribel, noong lumabas na kami sa siyudad ng General Santos City, going to Malungin area ng Sarangani province, itinabi ko ang sasakyan. Dito po inilipat namin ang buong pamilya.
Ang dala naming sasakyan ay Tamaraw FX van type, color white at yung pick-up nadala ni SPO4 Cloribel na Toyota Hilux. Ang sasakyan ni Mister Patasaha ay pinarking ko doon sa isang madamong lugar along the highway. In short po, nadala namin si Mister Patasahasa sa Laud Quarry as instruction ni Dick Cloribel. At dito sa Laud Quarry, may isang bahay na doon nilagay namin si Mister Patasaha, yung kaniyang manugang na lalaki, yung helper na lalaki at saka yung katulong na babae. Si Misis Patasaha na sa labas doon sa isang open na kubo at saka yung isang anak na four o five year old na lalaki.
Dito nag-conduct ang grupo namin ng initial na investigation about sa kidnapping na allegedly, itong subject na tao na pinangalanan kong Mister Patasaha ay isa sa mga financier o mastermind. For more than hour, inutusan ako ni SPO4 Cloribel na drive-an ko ang van type namin na sasakyan dahil puntahan namin si Mayor Rodrigo Duterte, para i-report niya ang initial findings niya sa kaniyang investigation about sa subject na tao at i-explain din niya kung bakit nadala ang buong pamilya. Pumunta po kami sa isang lugar sa Ecoland, Davao City at doon po si Mayor at doon din po si Major Macasaet.
Ako, si Dick Cloribel, si SPO4 Paguidupon ang pumunta. Ako ang nag-drive sasasakyan namin. At dito po nilatag lahat ni SPO4 Cloribel ang kanyang initial findings ng kaniyang investigation. At dahil dito, nag-comments si Major Macasaet na positive itong subject, na involved sa kidnapping dapat erase na, at erase ang lahat. Meaning, patay na, at patayin ang lahat.
Dito po nagbigay ng go-signal si Mayor Rody Duterte. Ang sabi niya: “Sige, limpio lang.” Bisaya parlance po ito. Ang ibig pong sabihin “Sige malinis lang”. In short po, bumalik kami sa quarry. Doon sumunod si Major Macasaet. Nagdala pa siya ng pansit, tinapay at soft drinks, dahil ang naiwan na mga kasama namin sa quarry wala pang pagkain.
Dito po, meron silang conversation ni SPO4 Cloribel at umalis si Major Macasaet. Siguro, for more than an hour, nag-confirm sa amin si SPO4 Cloribel, na very clear ang order ni Mayor Rody Duterte, erase lahat.
Isa po ako sa nag-protest at si SPO3 Jerry Baguhin, na isa lang ang taong target natin bakit ma-sama itong buntis, ma-sama itong anak na four year old, ma-sama itong matanda at ma-sama itong dalawang katulong na lalaki at babae. At dahil sa pag-insist ko po at walang sumuporta, hiningi ko na lang ang bata na lalaki na dalhin ko ito sa Butuan City at doon iwanan ko sa isang bus terminal. Sumuporta sa akin si SPO3 Jerry Baguhin. Pero isa sa grupo namin ang nag-comments na: Paglaki ng batang iyan, makilala pa rin niya ang mukha namin. At kami, hindi na namin siya makikilala. Baka ito gagawa ng pagganti dahil inubos natin ang buong pamilya niya. Dito po walang nagsuporta. Dito, evil prevailed. Napatay po ang buong pamilya sa harap ko, using a caliber .22 with a silencer. And the rest po is history.
Ilang araw po ito, tinawag kami ni Major Macasaet. At mayroong binigay na pabuya galing daw kay Mayor Rodrigo Roa Duterte.
Despite strong opposition from senators friendly with Malacanang, the Senate will test Lascañas’ credibility in the hearing to be conducted by Sen. Panfilo Lacson’s committee on public order and dangerous drugs. He is expected to give more details of the crimes he has participated in.
Another lesson: No crime is totally erased. Nothing in this world is forever erased.
“No crime is totally erased. Nothing in this world is erased.”
Yep, all recorded in the Akashic….dun sa kataasan.
Korek, Che.
Mangilabot sana sila sa pinaggagawa nila.
This reads like a chilling crime novel…sends shivers to your body as you absorb the narration of the murder details. That 4 or 5-year old boy, he could have grown up to become a president, a world-class boxer, or even a brilliant lawyer. One minor detail…the 70-year old man is probably the father-in-law of the murdered suspect, not a brother-in-law.
#3 “One minor detail…the 70-year old man is probably the father-in-law of the murdered suspect, not a brother-in-law.”
I think so so. I think it’s a language deficiency. Instead of “manugang”, it should have been “ugangan” . That’s Visayan. What’s father-in-law in Tagalog?
biyenan…biyenang lalaki.
Anybody read the DOJ resolution on the De Lima case? Available on the Inquirer.
Read the first page. The drafter should be charged with murder – of the English language.
Pa-profound pa kuno. Pulpol naman.
“President Duterte has not responded.”
Sa mga talumpati kasi niya noon, sabi niya “paniwalaan ko ang mga pulis. I am ready to be jailed with them. Di ko sila iiwan.”
Pulis iyan di ba? Ngayon dati nang pulis. Kaya di pa sumasagot di Digong.
Malamang ang iniisp niya ngayon ay kung paano tatahimik itong dating pulis.
20+ years ago?
was duterte that influential as mayor of davao city samantalang bagong bago pa lamang siya noon sa pulitika?
interesting!
sige pa, lascanas. ituloy mo pa ang mga testimonya mo. isipin mo lahat ang mga pangyayari at taong sangkot o may kinalaman. huwag mo lamang idadagdag na during that time ay meron nang cell phone, ha?
may butas pa din para sa akin ang mga sinasabi mo DAHIL imposible na ang nag-iisang suspect and sabi mo ay verified ayon sa INITIAL findings pa lamang sa investigation kaya IPINAPATAY LAHAT ni meyor duterte ang buong pamilya ng sinasabi mong suspek.
grabe!
sabi mo, tutol ka?
bakit tumagal hanggang sa pagreretiro mo ang sinasabi mong loyalty kay meyor at ngayong presidente na siya at kabikabila ang akusasyong paninira mula pa noong bago pa man ang kampanya ay SAKA ka lumantad upang BALIKTARIN lamang ang iyong unang sinumpaang testimonya noong oktubre na nagpapasinungaling sa istorya ni matobato?
sige pa, malapit mo na akong makumbinsi!
ang haba din ng naging pasensiya sa iyo, lascanas ni meyor duterte sa pagkontra mo sa kanyang mga utos?
sa oras pa lamang na iyon ay dapat na naisip niyang ipaligpit ka na at maaaring palabasing nagkaroon ng encounter at ikaw ang casualty.
The statement cannot be erased by just simple denial. It is concise and detailed. Ground for IMPEACHMENT process.
then, file an inmpeachment against the sitting president with the perjured witness as source of information to pin down and oust duterte.
gawin na din lahat ng paraan upang mapawalang sala si delima sa isinampang kaso laban sa kanya.
maraming usapin ang gustong tabunan ng mga kaganapang ito. mga usaping mas dapat sanang bigyang pansin at ipaalam sa mga tao. una na dito ang masaklap na pagkasira ng kapaligiran sa surigao bunga ng walang habas na pagmimina; ang nakatiwangwang na isinarang minahan sa marinduque na nagbabanta pa rin hanggang ngayon ng malagim na panganib sa mga residente sakaling gumuho ang mga imbakan ng kemikal na iniwan ng may ari ng minahan.
pinabayaan na lamang at sukat ang mga apektadong mamamayan na nagkaroon ng mabigat na karamdaman bunga ng pagkalason ng kapaligiran, ng tubig, hangin at lupang hindi na maaaring pakinabangan. habang naghihikahos at tila naghihintay na lamang ng oras ng kamatayan ang mga may sakit ay nagliliwaliw ang mga kapitalistang nagkamal ng salapi sa pagwasak ng mga bundok at kagubatan.
kasalanan talaga ni duterte!
dapat na siyang mapatalsik sa puwesto UPANG muling mamamayagpag ang mga sukab sa gobyerno!
ibalik ang mga kapanalig ni noynoy aquino! ang marangal, ang may puso at malasakit sa mga masasalaping tao!
Hopeless case-2
Palawakin ang kaisipan (kung meron), hindi ito laban ng Duterte at Noynoy. Ito ay laban ng mabuti at masama. Ito ay laban ng sambayanang Filipino kontra sa possibleng lider na lumabag sa batas at pumatay.
#12. kung naging matinong presidente si noynoy at hindi naging bastos si mar roxas noong sila pa ang nasa puwesto, manalo kayang presidente si duterte?
kung hindi nila kami ginago, KAMING mga naging biktima ng sunod sunod na kalamidad, nasa malakanyang kaya ngayon si duterte?
kung hindi naging palpak ang mga desisyon ni noynoy mula una hanggang huling araw niya sa palasyo, may duterte kaya ngayong isinusuka ang mga taong sangkot sa ilegal na droga at mga naglalaway upang siya ay mapalitan dahil sagabal sa kanilang ilegal na gawain?
yan ang pinupunto ko dito!
# 13. ngayong kinokontra ko ang mga kumento mo, tilamsik WALA na akong isip?
hindi mo kasi naranasan na mawala sa iyo ang lahat dahil sa palpak ng crisis management ng akala mo ay matino at may utak na presidente at gabineteng hindi marunong tumanggap ng payo mula sa mas may karanasan kesa kanila!
Dagdagan natin darling, pinag babaril pa nila ang mga uring magsasaka sa Hacienda Luisita at sa Mendiola. Kaya naman hindi ko ibinoto yang dilaw na yan.
Back to the issue, the statement of Lascanas cannot be erased by just simple denial. It is concise and detailed. Ground for IMPEACHMENT process.
Anyway impeachment is a long long process, but there is no harm in trying. If it is in the right track, be it.
Tilamsik @ 17…impeachment process will not work since Duterte controls both houses, especially the House of Representatives where the process will start..
Think, the next time the Charter get amended or revised, this so called immunity which was copied from the US should be repealed…our PM only has the immunity inside the House of commons for the his words and action in the business of government, but otherwise he is just anyone’s equal..
I agree fully, impeachment is a “number game”, hence I said its a long process and no harm in trying..!
sax, in fact tawa kami ng tawa nung nadownload namin yung transcript. Pati yung gamit ng colloquialisms nakakahiyang sablay ang DOJ. Ni sa UPCAT hindi papasa yung abugagong nagdraft.