Skip to content

Sa kuko ng panganib

Nabanggit sa The Dawn newspaper sa Pakistan na isa sa sobra 40 ka tao na nasawi sa suicide attack sa Marriott Hotel noong Sabado ng gabi sa Islamabad ay Filipino

Hindi sinabi kong turista o nagtatatrabaho sa hotel ang Filipino na namatay. Hindi pa rin natin alam kung nag-iisa lang ang Filipino na nasawi. Wala pang report ang Department of Foreign of Foreign Affairs.

Isang truck na puno ng bomba ang umararo sa harap ng Marriott Hotel, na paboritong lugar ng mga dayuhan. Ang suspetsa sa may kagagawan ng kahindik-hindik ng pangyayari ay Al Qaeda o Taliban. Warning raw sa mga bagong pinuno ng Pakistan na mukhang maka-Amerikano mas malagim pa ang mangyayari kung hayaan nilang mag-operate ang military ng U.S sa loob ng Pakistan.

Dahil sa dami ng ating sariling problema, hindi natin masyadong pinapansin ang mga nangyayari sa ibang bansa. Isip natin malayo naman ang Pakistan. Ngunit ang pagkasawi ng isang Filipino doon ay nagsasabi na kahit gaano kalayo, nagkakaroon ng koneksyon ang Filipino dahil sa ating mga overseas Filipino workers.

Nasa Pakistan ako noong Mayo.Ang lakas ng nasyunalismo ng Pakistan. Sa gitna ng kanilang laban sa terorismo, nagsusumikap silang matugunan ang problema ng kahirapan.

Mas malaki ang problema nila doon dahil maliban sa problema nila sa Taliban na napunta sa kanila mula sa Afghanistan, may problema rin sila sa kanilang boundary sa India. Kaya sila may nuclear bomb.

Nitong mga nakaraang linggo, sunod-sunod ang pasabog sa iba-ibang parte ng Pakistan. Bago kasi ang mga opisyal. Kamakailan ay nag-resign si Pervez Musharraf bilang presidente.

Kaya kahit paano, may panganib rin sa mga buhay ng mga Filipino doon dahil wala namang pinipili ang bomba. Sobra mga 3,000 ang mga Filipino sa Pakistan. Karamihan ay professionals na nagta-trabaho sa telecommunications at sa mga hotel. Hindi sila maaring umuwi kahit medyo delikado ang sitwasyon doon dahil hindi nila kikitain dito ang kinikita nila doon.

Ito ang kalbaryo ng mga OFW. Hindi lang sa Pakistan. Noong isang araw ni-report na 25 na namang Pinoy ang na-hostage ng mga pirata sa Somalia. Kailang lang pinalaya ang isang grupo ng Filipino na seaman na nahostage rin.

Sa financial crisis na yumayanig ngayon sa boong mundo, dolyar mula sa mga OFW na umaabot sa P200 bilyon ang sumusuporta sa bayan.. Kaya kampante ang administrasyong Arroyo.

Sa panganib na sinusuong ng mga OFW para lamang makaahon sa kahirapan, yan ba ang masasabi ni Arroyo na umuunlad na ekonomiya?

Published inElection 2007Foreign AffairsWeb Links

24 Comments

  1. Gabriela Gabriela

    Nasa TV Patrol last night that a Filipina working in Mariott Hotel is in critical condition.

    Newspapers today said there are 96 Filipinos being held hostage in Somalia.

    Now,do the financial experts who hail the OFW remittance as the best thing that has happened to Philippine economy have anything to say on that?

  2. Al Al

    Nakita nyo si Chavit Singson, sunod ng sunod kay Pacquiao na umuwi para ayusin ang kanyang milyunes na baka ma-apektuhan ng US financial crisis?

    ‘Yan ang trabaho ng deputy national security adviser.

  3. kabute kabute

    Tama ka, kahit sa “kuko ng panganib” susuong ang Pilipino. Wala naman mapapasukang trabaho sa Pilipinas. May trabaho ka naman, napakalaki ng buwis na kinakaltas saiyo. Ang buwis na pinag-hirapan mo nanakawin naman ng mga namumuno sa gobyerno. Di lang sa “kuko ng panganib”, tayo ay nasa “kuko ng impeyerno” na kagagawan ng mga namumuno dito. Ano ang pinag-aawayan sa senado – wala iba kundi mga pagpapa-lusot ng mananakaw ayon kay Sen.Lacson. Mismong gobyerno siyan’g nagtataboy sa mga Pilipino sa isuong ang buhay sa mga panganib sa ibang bansa. At ayan si gloria, nagkakalat sa NY. Ang inaatupag ay ang mga nakurakot na inilagak nila sa lehman bros at iba pang bahay kalakal.

  4. chi chi

    RP gets lowest score ever for anti-corruption efforts based on a study of the Transparency International

    The Philippines ranked 141st—along with Cameroon, Iran and Yemen…(source: abs/cbnnews)

    ****

    Yay! Another ‘greatest’ achievement of Gloriang Korap!

    Kaya nga ba kahit sa “kuko ng impierno” ay pupunta ang pinoy para makipagsapalaran makalayo lang sa pinakasentro ng impierno na kung tawagin ay Gloria Arroyo Pidal!

  5. chi chi

    Meron naman palang tinalo si Gloria. Hindi ka-level ng Pinas, ang ibang korap na bansa. hehehe!!!
    ***

    In Southeast Asia, the Philippines fared better than Timor-Leste (145th with a grade of 2.2), Laos (151st with a rating of 2.0), Cambodia (166th with a score of 1.8) and Myanmar (178th with a score of 1.3)

    … Countries that received the lowest rating are Haiti (1.4), Iraq and Myanmar (1.3) and Somalia (1.0)

  6. BOB BOB

    Katatapos lang nang walang kwentang speech ni Gluria sa UNGA. at ang Mindanao Conflict daw ang dahilan kung bakit nagugutom ang mga tao sa Mindanao…Hoy Gluria ! magising ka nga ! CORRUPTION ang dahilan kung kayat nagugutom ang buong Pilipinas hindi lang Mindanao….At bakit di mo sinabi na kaya nagkagulo sa Mindanao ay dahil sa kagagawan mo….Mula nang ninakaw mo yang pwesto mo wala na kayong ginawa ng asawa mo at mga alipores mo kung hindi magnakaw, kaya ngayon ay nararamdaman na ng mga tao ang mga paghihirap dahil sa CORRUPTION .iyan ang tutoo…

  7. chi chi

    Dinala ni Gloria ang kanyang enchanted kingdom sa UNGA.

    Maliban dun sa 70 dala niya na dati nang mga ulol, sino kaya ang malakas ang sikmura na duminig sa kanyang kababuyan delivered in boses palakang kokak?!

  8. chi chi

    O, kaya pala uuwi na si Gloriang korap ay dahil wala siya sa listahan ng world leaders na kakausapin ni Palin. Malamang ay iwas-pusoy ang McCain campaign sa mga nakaluhod na emissary ni Gloria para ilagay siya sa listahan o kahit kodakan lang kay Palin. Hahaha!

  9. Diego K. Guerrero Diego K. Guerrero

    Ano kaya ang secreto ang bansang Singapore laban sa kurapsyon? Numero 4 sa TI survey 9.2 out of 10.

  10. Valdemar Valdemar

    I like though how absurd it is the philosophy of the Saudis that one doesnt get into any trouble if he never went there. And our government revealed that same absurdity when it suggested seamen dont go to Somalia lest they get pirated. And they vote also. The minimum qualification to vote is not even with a credible knowledge to write and to think. Others think for them for 50 bucks or a little more. The Gulf of Aden where Somalia is a narrow passage where 99.9 percent of seafarers must pass to reach the Suez except those plying the Pasig river. At the Suez Canal at the northern end every vessel pays out Marlboro and black label very similar activity to a Pakistani port nearby.

  11. sty cch sty cch

    …and GMA is talking to small countries where we don’t have economic relations for geo-political reasons… what for? To peddle our people as domestic helpers?

    I like this blog ‘coz one who has something to say about the socio-economic and political situations here can air out, mostly disappointments… but it’s becoming like more of a compendium of comments rather than a compendium of solutions…

    The black and white movement is currently having a signature campaign…

  12. pollyhernandez pollyhernandez

    In this times of crisis the Filipino people should be vigilant and matuto na tayo sa karanasan. We have to fight for our justice. It will not serve for us in a silver platter. kailangang ipaglaban yan. Tumaya na si Senator Trillanes na isinakripisyo ang sarili pati na ang kanyang bright future for us. Tayo ano naman ang pwede nating itaya? Hindi natin makakamtan ang hustisya na hindi tayo kumikilos. Sana ang bawat Pilipino ay matutuhan ang magmahal sa kapwa at sa ating Inang bayan!!!

  13. Valdemar Valdemar

    The signature campaign is only a scrap of paper.

  14. chi chi

    Sawa na ako sa signature campaign. Mga Danny Lim at Trillanes na nasa labas ang kailangan natin, sila na nakahandang magsakripisyo pati sariling buhay para sa Inangbayan!

    Free Lim and Trillanes!

  15. Valdemar Valdemar

    Wala nga silang nagawa sa kulang kulang na pension ng mga sundalo. Kung anu-anu naman ang pakana nila ngayon.

  16. sty cch sty cch

    It’s the participating soul that you show and not the signature that you put on paper… better to give moral support to some who are at least working something out and not just contributing to a compendium of gossips… “Sawa” or vigilance? Kaya ‘di sila nagsasawa sa pangungurakot!

  17. atty36252 atty36252

    Nasabi ko na ito noon. Bakit hindi kumuha ng signatures towards a Constitutional amendment that would cut her term by this year or next (say Jan 2009)? If you get three percent per congressional district, then the Comelec would be forced to conduct a plebiscite on this people’s initiative.

    I posted the text of the amendment last year. Kung gumalaw ang mga tao, tapos na sana ang term niya noong May.

    Yung mga provincial sorties ni Erap, nagamit sana yon para sa amendment to end her term. If they can move to extend, then we should be able to move to shorten. Tingnan lang natin kung kaninong people’s initiative ang mas marami ang pirma.

    Walang katuturan yang “I oppose”; para yang “I condemn” I denounce” etc. So what? Instead of people power in the streets, people power na lang sa pirma. I’m sure you can beat the six million fabricated signatures of that failed people’s initiative. Pagalawin si Erap at ang FPJ boys and girls ni Rez Cortez.

  18. chi chi

    Oo nga, atty, I remember that post of yours. Unfortunately, no one from nowhere picked up your excellent workable idea. Yan ang mga gusto kung pirmahan. Mukhang yung mga opposition at ‘conscientious’ groups ay naghihintay lang talaga ng 2010.

  19. sty cch sty cch

    Exactly, the idea is EXCELLENT and WORKABLE… asa’n na?

  20. atty36252 atty36252

    Let me dig up my files and I will repost it.

    Pero yung mga nasa Pinas ang dapat lumakad. Physically impossible sa amin dito sa overseas, although I remember Rose volunteering to gather signatures in NJ/NY over the Christmas season (last year).

    Tingnan mo nga naman, magpapasko na naman. She survived another year.

  21. atty36252 atty36252

    “Section 4 of Article VIII is amended by inserting the following as the second paragraph:

    The term of the President and Vice-President proclaimed in 2004 shall terminate on June 30, 2008 (palitan ang date. This was my original post). Elections for President and Vice-President shall be held sixty days from the date of the referendum to be held for the purpose of ratifying or rejecting this amendment. The term of the President and Vice President elected in 2008 shall be that stated in the first paragraph of this Section. All subsequent elections shall be held in accordance with the first paragraph herein.”

    Tagalog.

    Ang katungkulan ng Pangulong (nanumpa sa katungkulan) nahalal noong 2004 ay tinatapos niyaring susog sa ika-30 ng Hunyo 2008. Ang halalan para sa Pangulo at Bise ay isasakatupad sa ika-anim na pung araw matapos ang referendum na isasakatupad upang ipagtibay o isawalang bisa ang susog na ito. Ang panahon ng katungkulan ng Pangulong nahalal sa 2008 ay alinsunod sa unang talata niyaring Seksyon. Lahat ng mga susunod na halalan para sa Pangulo at Bise ay ipapatupad alinsunod sa unang talata niyaring Seksyon.

  22. rose rose

    atty: do we still have time to amend the constitution as you have originally suggested? In four months time we will be in 2009 and the election is 2010?

  23. atty36252 atty36252

    Lahat puwede, dahil ang sovereign ang may gusto, kahit na two months before.

    For practical reasons, kailangang mangyari nang mas maaga, before May 2009.

    Kung gusto naman ng tao, maaari ring gumawa ng amendment na ang nakaluklok ay hindi maaaring mahalal bilang pinuno ng pamahalaan, presidente man o prime minister. Something like: “Any person who has served as chief executive for more than three years shall not be eligible to stand for election as chief executive of the government, whether president or prime minister, irrespective of any change in form of government, whether presidential, parliamentary, or Federal.”

Comments are closed.