Skip to content

Pera-pera lang

Galit na galit si Sen. Rodolfo Biazon sa panukala ni Secretary Ronaldo Puno ng Interior and Local Government na magbibigay sila ng P25 milyon sa Moro Islamic Liberation Front kung isu-surender nila sina Ameril Ombra kato, Abdulla Macapaar alias Kumander Bravo at Aleem Sulaiman.

“Hindi ako papayag na pagsinurender yung dalawang commander binigyan pa natin ng P25 milyon yung MILF. Ibibili nila ng bala at baril yan,” sabi ni Biazon.

Ang P25 milyon at para sa talong kumander. Noong isang linggo kasi, dinoble ang patong sa ulo nina Kumander Ombra kato at Bravo ng tig-P10 milyon. P5 milyon naman ang patong sa ulo ni Kumander Sulaiman.

Sabi ni Puno at ni Defense Secretary Gilbert Teodoro, habang tumataas raw ang patong sa ulo nina Bravo at Umbra Kato, lumiliit ang kanilang mundo dahil marami ang masisilaw sa pera. Delikado na raw sila kahit sa kanilang kaibigan at kamag-anak.

Sinupalpal sila ni Mohagher Iqbal, chief peace negotiator ng MILF. “Hindi binebenta ang aming mga kumander.” Sinabi rin niya na ini-imbistigahan pa raw nila ang totoong nangyari sa North Cotabato at sa Lanao del Norte kung saan umabot sa 60 ang patay at 250,000 ang napa-alis sa kanilang tirahan.

Tama naman si Sen. Biazon. Mukhang despalinghadong ideya itong magbabayad ka sa MILF para i-surender ang kanilang mga tauhan na nagpatay at nanunog ng mga bahay. Naala-ala ko ang nire-reklamo noon ng mga Magdalo sa Oakwood na ang mga bala na pumapatay sa kanila ay galing rin sa military? Marami kasing mga tiwaling opisyal na nagbebenta ng mga armas sa mga rebelde.

Sabi ni Biazon tanungin raw niya ang bagong deputy national security adviser na si Chavit Singson bakit bibigyan ng pamahalaan ng reward ang MILF sa pag-surender ng kumander na nagsabog ng lagim sa mga kumunidad sa Mindanao.

Dapat tanungin din ni Biazon si Chavit kung totooo ang report na nagbigay siya ng maraming baril sa mga pulitiko na warlord sa Autonomous Region for Muslim Mindanao noong nakaraang eleksyon. Naala-ala nyo naging number one si Singon sa eleksyon sa Maguindano noong una. Na-overtake na lang siya ni Miguel Zubiri nang kinakailangan ni Zubiri ang boto para malampasan si Koko Pimentel.

Published inMilitaryMindanaoWeb Links

82 Comments

  1. Mga utak pulgas at mga inutil pala ang mga nasa gobyerno.Bakit ka nga magbigay ng 25 milyon sa MILF para isurender nila ang dalawang kumander? Ibig bang sabihin,inaamin ng gobyerno natin na hindi nila kayang labanan ang mga rebelding iyan.Akala ko ba sabi ni Esperon noon ay uubusin niya ang lahat ng mga rebelde.Magaling lang pala sila sa dukutan ng mga walang laban na sibilyan. Pag ginawa ng gobyerno iyan ikukulong lang naman sila,pagkatapos ng apat na buwan ay nakatakas naman ang dalawang kilabot na kumander.Mabuti sana kung isusurendir sila para bitayin na agad ng matodas na.

    Bakit hindi na lang ipamahagi iyang 25 milyon sa taong nabiktima ng dalawang kumander na iyan para makapagsimula sila at makabangon sa buhay.

  2. J. Cruz J. Cruz

    Puno? Understandable! Teodoro? Oh well…. He is fast catching up!

    Day in, Day out, it’s just an endless stream of diabolical scandals…… Very, very sad!

    No shame & SO TRUE, Ms. Ellen T., Pera-pera lang….

  3. Suwerti,naunahan ko si Bitchevil.Hehehe!

  4. bitchevil bitchevil

    I was in the bathroom, so you were ahead of me this time, Cocoy. I have to give others a chance anyway.

  5. chi chi

    P25M for MILF if they surrender Kato, Bravo and Sulaiman! This is clearly a sign of defeat for Gloria’s military, hindi mapuruhan man lang ang tatlo.

    Where is Gloria? Siya ang dapat ay kabayaran sa MILF.

  6. chi chi

    Gloria’s administration policy: There’s always big money in people’s misery.

  7. bitchevil bitchevil

    September is about to end, but JDV has not testified at the Senate on ZTE as promised. Is he or he not going to testify?
    The new scandal again involving the C-5 Road (double) could implicate JDV because he was then House Speaker when the budget was approved. Malacanang claimed it was inserted in Congress. The scandal was discovered and exposed by Sen. Lacson. Senate President Villar is also in trouble.

  8. Renato Pacifico Renato Pacifico

    JDV, protector of GMA. JDV, guardian to the gate of GMA secrets. JDV, ejected from the speakership. JDV, hate GMA for ejection. JDV, turned around and rat on GMA.

    Does JDV has credibility?

  9. Tedanz Tedanz

    “Sabi ni Puno at ni Defense Secretary Gilbert Teodoro, habang tumataas raw ang patong sa ……, lumiliit ang kanilang mundo dahil marami ang masisilaw sa pera.”
    Kita niyo alam ng mga Buhong na maraming nasisilaw sa pera. Mana nila yan kay Pekeng Glorya. Yang dalawa kaya sila nandiyan dahil nasisilaw din sila ng PERA. Papano magkakasya yang suweldo ni Puno sa mga bayarin nilang ari-arian dito sa USA … gaya ng Property tax na lang. Kung ilan ang ari-arian niya dito di natin alam. Kasya ba yang suweldo niya na DILG Secretary? Oh my Goliiiii!!!!

  10. atty36252 atty36252

    Malacanang claimed it was inserted in Congress.
    ***************************

    Madaling malaman yan. Check the budget sent by Malacanang to the House.

    The Congress may not increase the appropriations recommended by the President… [Section 25(1)] Article VI. Alam ng lahat ng Congressman yan. Either somebody was brazen enough to do it (insertion), or nagpapalusot lang ang si Andaya.

  11. Tedanz Tedanz

    Cancer na talaga ang sakit ng ating Bansa. Kumalat na pati Oposisyon kuno (Villar) gumagawa din pala. Yong ibang taga oposisyon kaya? Kailangan na talagang i-firing squad na lahat para mag-uumpisa na lang tayo sa mga bagong Politiko na may pagmamahal sa ating Bansa. Papano nila sasabihin na si Glorya ay Corrupt .. kung silang mga taga Oposisyon ay ganon din. Dapat lang tumigil na tayo sa pang-aalipusta kay Glorya. Sabi na nga niya weder-weder lang. Wala na talagang pag-asa ng ating Bansa.

  12. bitchevil bitchevil

    I’ve long doubted Villar’s background. Other than marrying a wealthy wife, his success in business was in real estate. His story is that of rags to riches…from a lowly Tondo vendor to now the richest senator in the country. But, real estate business is also surrounded by scrupulous people and businessmen. Among the scams are land grabbing, under declare of property values and tax evasion. Even though Villar has never been charged (?) of any violation, I don’t think he comes clean. This current scandal about the double fund insertion of C-5 Road could lead to his dark past. Of course he could always claim political persecution and demolition job by his colleagues who are aspiring for the same highest position. But, let’s separate the two issues. Is Villar guilty or not?

  13. SULBATZ SULBATZ

    Ganito talaga ang pagtingin ng gobyerno sa lahat. Pera-pera lang. Everything and everybody is for sale….silence, loyalty, friends and enemies alike, court decisions, votes, government positions, congressmen and senators, etc.

    Yan lang ay yung mga binibili nila. Eh ano naman kaya yung ibinebenta nila? Ibinenta na tayo sa kano, intsik, malaysians, MILF at kung kanino-kanino pa na pwede nilang pagkaperahan.

  14. atty36252 atty36252

    Teka nga muna. Talaga bang 25 million ang ibibigay sa MILF? Baka naman 5 million lang, may tongpats na 20 million.

    Kilala ba ng taong bayan sila Kato? Baka naman magnakaw lang sa morgue, then sabihing yun ang mga lost command. Binaril sa mukha, kaya hindi na makilala.

  15. bitchevil bitchevil

    Was it a coincidence or not? National Security Adviser Norberto Gonzalez suffered heart attack and was operated on at the hospital. Was he scheduled to be operated on before Chavit Singson was appointed Deputy Adviser? With Gonzales’ condition, Singson is now the acting Adviser. What a nice game Malacanang played to place Singson on top of the agency.

  16. Mukhang pera. Ganyan sila. Kaya ang tingin nila sa iba ganoon din. Saan sila magaling? Sa paglustay ng pera ng bayan. Kaya’t may evat na’t lahat balak pa ring magbenta ng ari-arian. Si Gloria lang ba ang problema? Hindi! Maski sino’ng maupo. Kurakot din.

    Bawasan natin ang kapangyarihan ng Pangulo’t Kongreso. Ilipat sa mga LGU’s. If we are to revolt let it be against the system, not the incumbent. Who knows that, in the process, we accidentally succeed in changing both!

  17. Kaya tayo niloloko ng mga buwisit na halal ng bayan na iyan na dapat sana ay pagsilbihan ang bayan,dahil kasalanan na rin ng karamihang botante.Ipinagbibili nila ang kanilang mga boto kaya binabawi nila ang ibinayad nila sa mga tao.Kung hindi ba naman ipinagbili ang mga boto ay matatakot ang mga iyan na gumawa ng katarantaduhan.Kaya magtiis na lang ang taong bayan sa gusto nilang gawin dahil nabayaran sila.

    Walang problema ang saligang batas natin ang problema ay ang mga nagpapatupad.Kaya gumising na talaga ang mga nagmamalasakit sa bayan bago pa tuluyang madiskaril ng husto ang Pilipinas.

  18. juggernaut juggernaut

    “Walang problema ang saligang batas natin ang problema ay ang mga nagpapatupad.Kaya gumising na talaga ang mga nagmamalasakit sa bayan bago pa tuluyang madiskaril ng husto ang Pilipinas” – cocoy

    I totally agree with cocoy’s sentiments.

  19. juggernaut juggernaut

    If the government is not afraid of its own shadow, let Trillanes be National Security Adviser and clean up the whole mess, surely the Oakwood incident is nothing compared to Singson’s admitted murders and jueting crimes?

  20. juggernaut juggernaut

    If they trusted known rebels/NPA/leftists before why not the rightists?

  21. Valdemar Valdemar

    There’s nothing to that insertion. There are three Carlos P Garcia Avenues crisscrossing each other.

    Any amount even much lower than that 25M pesos would do the trick if its a reward for dead wanted person. If alive, with the kind of judges around, he can go scot free in no time or easily jump bail or jail and seek out the whistle blower.

  22. prans prans

    11 September 2008

    Speaking of pera-pera lang what will hte SC do with atty jess santos of the infamous PIDAL???according to SC after the dismissal of CA justice roxas, reprimanding vazquez, and a simple misconduct filed against sabio, what about MR. JESS SANTOS???it is after his prodding that PCGG chair sabio called up his brother to influnce his decision, that the SC came in to investogate this fiasco???

    what about MR. JESS SANTOS

  23. prans prans

    11 Sept 2008

    contiunation…..

    What about MR. JESS SANTOS, shouldn;t he be disbarred from practicing law??? Maybe CA justice thought she could do a “I AM SORRY THING” like the gloria thing in 2004.

    WHAT ABOUT MR. JESS SANTOS???

    prans

  24. prans prans

    correction….

    Maybe he, CA justice roxas, thought he could…..

    sorry po

    prans

  25. Iyan ang sistema kapag ang mga namumuno ng bansa ay utak kriminal gaya ni Gloria Tapalani. Golly, saan ka nakakita ng gobyernong idinadaan sa pera ang pagpapasuko ng mga hoodlum, Ano iyan ransom? Bobo talaga!

  26. “Cancer na talaga ang sakit ng ating Bansa.”

    Title nang Noli sa English translation nya Cancer.

  27. florry florry

    “Delikado na raw sila kahit sa kanilang kaibigan at kamag-anak”.- Puno and Teodoro.

    Akalain bang sa bibig ng dalawang ito manggagaling ang mga salitang iyan. Mga utak biya din pala ang mga gunggung na yan. Hanggang diyan lang ba ang abot ng kanilang mga utak? Ang tumbasan lahat ng pera? Nakakahiya at nakakinsulto. Sabagay halos lahat ng nasa puwesto ay mga walang hiya at ang policy at paniniwala ni Gloria, lahat ay may presyo. Hindi nakakapagtaka na lahat ng mapalapit sa kaniya ay nahahawa sa takbo ng kaniyang utak. Masyadong contagious. Si Puno ay talagang malasado ang takbo ng utak niyan kahit na noong kay Erap pa siya pero si Teodoro nahawa na rin. Kung sila man ay maaring maghudas at magtraidor sa kamaganak at kaibigan, dahil sa pera huwag naman nilang isipin na lahat ay katulad nila at katulad ni Gloria na pinagkatiwalaan din ni Erap, binigyan ng cabinet position, yon pala planong-plano na ang paghudas para mapaalis ito sa puwesto. Ang dahilan ay para silang mag-anak ay magkamal at makapagnakaw ng maraming-maraming pera ng bayan. Ngayon nagtatampisaw na sila sa pera para pambili niya ng tao at ng kanilang kalayaang mag-anak pagkaraan ng June 2010. Para sa kaniya pera pera lang naman ang usapan.

  28. bitchevil bitchevil

    “We know by experience that if there is anything which Washington hates, it is a puppet openly identified with Washington who bungles things and discredits Washington as a result.

    To recall, Washington openly supported Elpidio Quirino only to drop him for Magsaysay when Quirino became unpopular. Washington openly support Dadong Macapagal only to drop him for Ferdinand Marcos when Dadong became unpopular. Washington openly supported Marcos only to drop him in favor of Cory Aquino when Marcos became unpopular. Washington supported Erap, particularly after Erap gave them the VFA (Visiting Forces Agreement) only to drop him, and in fact helped unseat him, when Erap turned hard on the MILF.

    But this was also the way of Washington with respect to other foreign leaders. The US persuaded Ngo Dinh Diem to return to Vietnam from exile in France and lead South Vietnam against North Vietnam. Then when Ngo became unpopular and started talks with North Vietnam, Washington instigated the coup of the generals which culminated in the assassination of Ngo and his sister.”

  29. florry florry

    prans,
    Jess Santos is the personal lawyer of the first pig, so he is untouchable.

  30. Golberg Golberg

    Mukhang dinengue ang utak ni Puno. May mga punong-puno na rin sa kanya.

  31. bitchevil bitchevil

    Correct, Florry. If Atty. Santos is questioned, the Big Fat Guy will also be questioned.

  32. ayeeh ayeeh

    dapat yung 25milyon na ibibigay nila sa mga kumander ng MILF ay ipamahagi na lang sa mga pinoy na nghihirap para mapakinabangan naman ang perang yun.

  33. Marcos: Sa ikauunlad ng bayan, disiplina ang kailangan.
    Cory: Rekonsiliasyon ay dapat may kaakibat na hustisya.
    Ramos: Kaya natin ito.
    Erap: Walang kumpare, walang kaibigan, walang kamag-anak.
    Gloria: Pera-pera lang iyan.

  34. Pag maging Presidenti si Villar–Dalawang Daan.
    Ping Lacson-Bring it on.
    Obama-Nasaan ang sukli ko.

  35. patria adorada patria adorada

    juggernaut has a good punto de vista!!

  36. jerz jerz

    Pwede bang sumali?

  37. Golberg Golberg

    Ang pera nga naman!
    Pag pumasok sa utak ninoman
    Hahamakin ang lahat
    Makamit ka lang!

  38. Tedanz Tedanz

    Papano nila kakasuhan ang mga Sabio’s at Santos, sila ay kampi sa Pekeng Gobyerno. Hindi na tayo talaga nasanay. Dapat tayo na talaga ang humusga sa Pekeng Gobyernong ito. Wala ka ng maa-asahan kahit sa SC. Kita niyo na nga lang ang mga desisyon nila puro sa Pek na Glorya.
    Huwag na din tayong umasa sa mga taga oposisyon … sila sila nag-kakainan. Puro mga Buwaya.

  39. Tedanz Tedanz

    At yong pagtanggal nila kay Justice Roxas ay naa-ayon pa din sa Pekeng Gobyerno dahil puwede nilang bawiin yong isinulat niyang desisyon na pumapabor sa Meralco. Wala na talaga talamak na ang Gobyernong to ….. pinaka-malala na siguro. Anong panama ni Marcos. Parang pinag-aralan nila talaga ang mga ginawa ni Marcos. Ngayon hindi na lang ang Pamilya na nasa Malakanyang ang tumatanggap ng Tongpats kundi lahat na ang alipores niya at pati na din mga Justices at mga taga-Oposisyon kuno. Dati ipinapakulong lang ni Marcos ang mga kalaban niya ngayon sina-salvage na. Di kaya yong mga dating Adviser o nakapaligid kay Marcos noon ay sila pa din ang mga bumubulong kay Glorya?

  40. prans prans

    11 September 2008

    Ayeeh, Although I agree that instead of giving a reward money to the capture of the renegade MILFs, it should instead be alloted to the basic needs of the younger generations, such as improving health related projects for the poor, to improve educational system, to improve science and education and to improve infrastructure.

    If it is true that these SOBs will give 25 million, the question is where are they going to get it??? this government is really inutile and mad. SICK, SICK SICK!!! MORONS!!!

    Instead of taking care of the people’s needs they are thinking of giving away money to a very selected few. In fact, if these cato and bravo, etc… are surrendered or the military and police are tipped off, don’t anyone think that these MORONS has connive with the so called assets or tipper. The worst it may even go the MILF.

    Geeezzz, they really dont think and never use their heads. This Puno only uses one head, and that head is the one between his legs, with two ugly crumpled looking eggs. MORONS!!!!!

    prans

  41. chi chi

    Basta pera-pera ang isyu, tiyak tayo na barya-barya lang ang naitatapon sa bulsa ng ‘intended recipients’. Tuloy sa deep pocket ng Pidal gang (na siyang tunay na ‘beneficiary’) ang 95% ng halaga. Traditional practice ng Gloria fake presidency.

  42. eddfajardo eddfajardo

    Ito ang problema ngayon ni Gloria, dahil nga napapaligiran siya ng mga moron na mga advisers, hindi na sila mag-iisip ng solusyon kungdi lagyan ng katakot-takot na pera. Ito ang legacy ni Gloria – suhol dito, suhol doon, kaya ang resulta? Gulo at kawawa talaga ang mga taumbayan. Isipin nalang ninyo mga katoto na kung gagasto lang naman ng kalokohan itong gobyerno ni Arroyo, bakit hindi na lang gamitin ang pera sa mga priority needs ng ating bansa like buying another C-130 or the like, dahil nakakahiya tayo sa buong mundo na sa dami nating tao sa Pilipinas ngayon at 92 million, iisa lang ang operational na eroplano nating na puwede gamitin sa mga emergency. Tingnan niyo lang itong nangyari sa pag crash ng C-130 recently, eh, for over a week, hindi man lamang ma-trace ng ating gobyerno kung saan ang location nito pero noong pumasok ang US, isang araw lang nakuha agad at alam niyo ba kung saan? Barely 1.5 miles lang ang layo sa Davao City. Nakakahiya tayo, ‘no.

  43. kapinoyan kapinoyan

    Albeit reluctantly, agree ako doon sa offer nina Puno at Teodoro. Kung pwede nga lang ay taasan pa nila para sana lalong maglaway ang mga pinuno ng MILF. Sa ganitong paraan, maipapakita sa mga blind and almost blind adherents ng MILF kung anong klaseng simulain at tunay na pagkatao mayroon ang mga leader nila.

    Tama ka, Ellen. Pera-pera lang iyan.

  44. Anne Nicole Anne Nicole

    Ang tanong po, saan po kukunin ung 25 million na ibabayad sa tatlong MILF kumander? sa kaban ng bayan na naman?!!! Parang namamasko lang sila kung mamigay ng pera ah. Kaya ang daling gastusin kasi hindi sila naghirap don. Kakaiba talaga ang bayan natin, pumatay ka na, nanira ka pa ng mga bahay may reward ka pa! kaya dumarami ang nagiging masama kasi bini baby ng gobyerno natin.

  45. chi chi

    Anne,

    Bini-baby kasi ay baka ngumawa at hindi makontrol. Agree sa lahat ng sinabi mo.

  46. chi chi

    Roxas: ‘Unseen hands’ did me in.
    Says he will appeal after 2010
    ***

    Nagdadakdak na si Vicente Roxas, basahin ninyo sa http://www.malaya.com

  47. coeL coeL

    BitchEvil…it seems your outlook of what happened in the past and to the present, the Filipinos can not face the consequences of their failures…they always have reasons to blame somebody….this attitude has become so comical as well as tragic.

    Nevetheless, there are no concrete evidences to prove the U. S. did as much as you claimed……they were all rumors that some believe. However, I will give you the last say on this issue if you can prove two or three instances on what you claimed………

  48. prans prans

    11 September 2008

    WAIT A MINUTE MY FRIENDS!!!!

    Chi,

    I thought the PCGG is an independent independent constitutional body??? But what is this statement of sabio “Camilo Sabio said he would not resign as he serves at the pleasure of the President”. This is very alarming, meaning there is an invisble hand behind he’s calling his brother at the SC??? hmmmmm….. something smells fishy here??? and, why up to now, nothing is being done or a case filed against this jess santos??? hmmm…

    Katulad nga sabi ng karamihan, dapat tayong maging alerto at palaging mag-manman.

    very tempting….

    prans

  49. bitchevil bitchevil

    Coel, it’s not rumors about the US. I refrain from getting into an argument with people who refuse to see the truth and facts.

    Prans, tell me one government official who voluntarily resigned on his own. There could be a few in the past after being found guilty of wrong doing. Look at the Thai Prime Minister…he resigned just because he was charged for hosting a food show on TV which was against Thai constitution.

  50. chi chi

    prans,

    You got it right! Dependent sila sa unseen hand kapag nagkakabistuhan.

    As PCGG chair, Camilo is untouchable… he knows too much, pwede na niyang i-blackmail sina Pidal at pwede naman siyang busalan ng milyunes as per ‘name your price game’. Sabio has all the aces in his palms.

  51. coeL coeL

    BitchEvil…we are talking about Philippine politics and NOT about Thailand.

    Then, if you refrained from proving what you claim…why bother to bring it UP? We talk of issues that can be proven and not heresay or rumors…such is tantamount to mudslinging. When you lay a claim for or against anybody be sure to prove it when you are challenge. Rumors when constantly repeated and passed on to others become “true” to some gullible individuals.

    You have seen and witness the lies spread by candidate against one but some believe it to “true”. This seems to be true anywhere you go that exercise freedom of speech.

    I do not mean to offend you…but I wanted proofs from you and not by word of mouth but facts…concrete facts.
    Carry on…..

  52. chi chi

    Saan nga ba nagtatago si Gloria ngayon matapos na magkalat sa MOA? Yun lang kanyang mga ‘sorry & sorrowgates’ ang nasa frontline ng
    kababuyan.

  53. bitchevil bitchevil

    Coel, what’s the difference between Philippine and Thailand politics? Even Thailand is under the control of the US. I mentioned Thai Prime Minister to point out that other countries’ leaders have the shame to resign but not officials in the Philippines. Choose your fight!

  54. coeL coeL

    BitchEvil: the difference is like comparing apples and oranges…our heritage and culture differs from Thailand…and if you to broaden it…and so with Japan.
    Our culture dictates our table manners as well as how we carry ourselves as an ordinary person or elected officials….culture!

    Lets bring this issue back IN LINE TO YOUR CLAIM about our past presidents. I am not choosing a fight…challenging you to prove your rhetorics is not a fight….dont be emotional….just go on and prove it!

  55. bitchevil bitchevil

    Telling me to prove America’s role in the election and ouster of Philippine presidents (other countries as well) is like telling me to prove that GMA cheated last election.

  56. coeL coeL

    BitchEvil…you are skirting around the issue… I have not insinuated anything about GMA. I was asking you a direct question based on your claims… and you kept on coming back without answering me in the most simple manner….thereby making me conclude that you do not have the ammunition to prove what you have claimed…..I will not count this against you….because the way you disect issues is that of a typical Filipino…which does not excempt me, too.!

    A lot will on me on my last statement…..but that is the way how it goes…in a any cyberspace. Go on BitchEvil…..
    I am going for my work out…have a nice day….

  57. bitchevil bitchevil

    What is a typical Filipino? How does a Filipino come into play? Read your history. If you don’t believe that the US takes part in other countries’ affairs, you’re entitled to your own opinion. I think I’ve been longer than you in this blog to pick who I want to discuss.

  58. coeL coeL

    BitcheVIL: re-UR QUESTIONS:
    a)
    You, me and most!

    b)
    You were talking about Filipino presidents!

    c)
    Show me what history BOOKS did you get your information to support your claim! Tell me your references of historical books, ha? BOOKS like The Philippines by Albert Roland and The American Caesar by Willian Manchester….that states historical facts.

    d) YOUR OPINION IS ONE SIDED TENDING TO SHOW THAT ITS ALL THE FAULT OF NAMERICA. Let’s talk about our country the Philippines from the comonwealth days up to present……Quezon was too in a hurry to gain our indenpendence that he accepted as a condition the Laurel-Langley Act—parity rights, which was a mistake. And , henceforth from that period to the present U.S. government doled us aid in various forms with strings attached…now you blamed them for collecting what is due to them by either by exploiting our natural resources or dictating in our internal affairs? If you dont want to be exploited or dictated upon what to do…don’t ask help!
    Kabitz?….these–you should know…if you asked aid or help from any country there is that payback time in any form depending how the aid was asked.

    e) You are forgetting this is a cyberspace…if you dont like to respond to my post that is your prerogative…but you can not stop me from questioning the veracity of your statement!

    This is not a quarell between you and me…this plainly talking straight…so dont think much about it…its all talk and nothing more.

  59. bitchevil bitchevil

    Keep questioning and let others respond, coel. You don’t deserve my answer or opinion this time. You must be another coconut. I don’t have to go far…read your Philippine history about the Fil-Am War…how it all started.

  60. bitchevil bitchevil

    Let’s have some fun and forget about coconuts…

    Imelda was called “Jewelry Mom”.
    Cory was called “Mahjong Mom”.
    US Vice President candidate Palin is called “Hockey Mom”.
    What do you call GMA?

  61. bitchevil bitchevil

    “The C-5 road extension project has proved to be real manna not from heaven but from the government for Bro. Mike Velarde, the leader of the El Shaddai charismatic group, whose Amvel Land Corp. reportedly obtained a windfalesl from selling the right-of-way over its Parañaque property for the road improvement project.”

    Let’s see if the government and politicians would lift a finger to investigate Bro. Mike Velarde. I also dare the Senators to seriously open an investigation and question Velarde. At this point, it’s another closed book. Wanna bet?

  62. myrna myrna

    what do you call GMA BE?

    maam-nanakaw!

  63. bitchevil bitchevil

    GMA…Cheating Mom, Lying Mom, Evil Mom.

  64. Adalson Adalson

    It’s a clear indication that our government is very weak and prove that they cannot defeat this kind of people without the help of money or maybe one reason is that, they want to have a cut/kickback with the reward they want to give . Remember MILF is only a small rebel group and I think this is the time to send all the armed forces including generals(that do nothing in war and yet promoted) and even PNP to fight this group (send them to mindanao para mawala ang yabang nila dito sa Manila ). If you will give them reward they will just add it to their funds to strengthen their defense against the government. Parang tinulungan pa natin sila to buy new weapons actually mas mataas pa ang gamit nilang armas kaysa sa mga sundalo natin eh and I think that is one sentiment why Oakwood soldiers did their part in bringing out to the people all their sentiments na hindi man lang pinakinggan ng presidente. I salute you Oakwood Soldiers for a job well done kahit di kayo pinakinggan at least the country knows yung mga bulok na sistema sa armed forces at sa iba pang sangay ng gobyerno….

  65. bitchevil bitchevil

    We’re not even sure that the reward money really come from the government. Who knows, the money could come from the US. Remember, the US offers big dollars to every terrorist that’s arrested or killed.

  66. kapinoyan kapinoyan

    bitchevil, the Thai Prime Minister did not resign. Rather he was dismissed by his country’s Constitutional Court.

  67. bitchevil bitchevil

    Thanks kapinoyan. The report was that he resigned for hosting a cook show on TV after being charged. Well, compare that to our officials like PCGG Chair Sabio who arrogantly said that he would not resign even if he’s disbarred.

  68. danilo cruz danilo cruz

    tsk…tsk..tsk..sayang..sayang na sayang..di ba Villar!

  69. BE: What do you call GMA?

    *****
    As Tongue said, “Pandack Omama a.k.a. Sarahp SamPalin”!

  70. vyroose vyroose

    John of the Cross, RISE AND SHINE!!!

  71. coeL coeL

    BitchEvil…I never asked for your opinion…I questioned them……..I was asking for FACTS and you did not come close to it…name calling might be a better game for you.
    When a person runs out of reason the last bastion of defense is name calling……very typical!

  72. Rose Rose

    GMA? Gloria Magnanakaw Ano!

  73. bitchevil bitchevil

    coel, read etcetera’s post at the other thread. I didn’t run out of reason. Coconut is not name calling…that’s your real name. It starts with letter C like coel.

  74. Taliban Taliban

    Napakalaking pera ang 25 million pesos na ibibigay sa mga MILF kung sakaling isusuko nila si Bravo, Umbra Kato at Pangalian. Wowwwwwww. Ang daming baril at bala ang mabibili nyan. Ang daming sundalo ang mapapatay nyan. Baka gagawin ng negosyo ng MILF yan pag nagkataon, dahil pwede naman nilang utusan yung mga ibang commanders na gagawa ulit ng pag atake at pagpatay sa mga walang kalaban laban na mga mamamayan dito sa mindanao para patungan ulit ng gobyerno ang kanilang ulo ng milyong milyong piso. Tapos isurender ulit ng MILF para makobra ang pera. Maghunos dili kayo.

    Kayong mga taga manila ay mag-isip isip naman ng mas magandang paraan para matapos na ang kaguluhan dito sa mindanao. Nakakaawa na ang mga tao rito. Kung wala kayong masabi na maganda ay tumahimik na lang kayo.

  75. norpil norpil

    ano sa palagay mo taliban ang magandang paraan para matapos ang kaguluhan sa mindanao.

  76. kabute kabute

    Nasorpresa ako kay Sec. G. Teodoro, natagurian pa naman siyang batang miyembro ng gabinete ni gloria na may magandang hinaharap sa larangan ng pulitika. Ngayon, naimpeksyon na siya ng malalang sakit na dulot ng pakikitungo sa mga tulad ni puno at gloria. Magaling daw na abugado si Sec. Teodoro, pero ngayon utak pera na rin siya. Wala na siyang magagawang magaling sa national defense dahil sa pera na lang ang alam na gamitin para mahuli sila kato at bravo ng MILF. Ipapasubo niya pa ang mga sundalo dahil sa ang perang ibibigay niya sa MILF bilang gantimpala sa pagsurender kina kato at bravo ay magagamit pambili ng baril at balang papatay sa mga sundalo at mga sibilyan. Nagiging maikli na ang takbo ng isip nila puno at teodoro. Tamang magalit si Sen. Biazon kina puno atteodoro. Talagang ipinapakita lang nila na hinde kaya ng kapulisan at mga sundalo na hulihin ang mga kriminal. Gaya-gaya lang sila sa US tulad ng paglagay ng premyo sa ulo nila saddam at toxic ali. Wala silang orig na ideya para talunin ang mga kriminal na MILF.

  77. kabute kabute

    Sabi sa editorial ng Malaya Sept. 12, bumagsak pa ang rating ng Pilipinas sa Worldbank, galing sa 138 bumaba sa 140 sa 181 bansang kasama sa rating. Sabi naman sa Daily Tribune ang mga LGUs ang pinagbumtunan ng sisi ng pamahalaang gloria ayon ka dureza. Iwas sisi nanaman sa mga pagkakamali sina gloria. Mukhang lagi na lang silang tama at tayong lahat ang mali. Pera kasi ang pinag-uusapan dito. Pera na inuutang sa Worldbank na babayaran ng taongbayan. Perang kukunan nila ng tongpats. Kunwari malalagay sila ng mga panibagong safeguards para maalagaan ang utang na pera. Di naman iintindihin ang mga safeguards na ito. Sabong lang ang aabutin ng mga corrupt kanila pa ang pera. Tama pera-pera lang.

  78. bitchevil bitchevil

    Watch out…GMA government just recovered Marcos’ millions of dollars. By law, the PCGG has to remit this to the National Treasury to fund government projects. We all know what happens when the money go to GMA government’s hand.

  79. Renato Pacifico Renato Pacifico

    Waaaaaaa!!!!

  80. Renato Pacifico Renato Pacifico

    I’m baaaaack!!!!

  81. Sabio: Hindi ako mag-reresign! Bakit, wala naman sa batas na kailangang abugado dapat ang Chairman ng PCGG! Kahit pa ma-disbar ako! Hindi ako aalis sa puwesto hangga’t kailangan ako ni ma’m.

    Ma’m: Gago ka pala, pilit mong idinadawit yung abugado ng asawa ko, e di para mo nang sinabing, nakialam yung asawa ko sa kaso ng Meralco.

    Sabio: Oo nga, ano. O sige, ano na lang…indefinite leave! Tama indefinite leave na lang, ma’m.

    Ma’m: Ulul.

Comments are closed.