I take him seriously because the president of the Republic of the Philippines is so powerful that with a stroke of a pen, he can save a life or send the nation to war.
Last Tuesday, President Duterte threatened to declare martial law.
“ Please, ‘wag mo akong… hindi ako gago. If this continues, pigilan mo ako eh ‘di sige. ‘Pag nagwala na...or would you rather that I will declare martial law?, he said before the Philippine Army’s 4th Infantry Division in Camp Evangelista in Cagayan de Oro.
Duterte was lashing out on Chief Justice Lourdes Sereno who stood up to him by reminding him of the separation of powers and other provisions in the Constitution which he could have violated when he read a list of alleged illegal drugs protector including seven judges. Others in more than 150 names in the list were congressmen, military officials, police officers, mayors, and vice mayors.
He said the list ““has undergone a process” which many thought meant the involvement of those named had been validated.
Within 24 hours, errors in the list were pointed out.
Sereno said one of the judges named had long been dead and the other was dismissed from the judiciary nine years ago. Three others are presiding in courts not handling drug cases.
This was the statement of Sereno that made Duterte ballistic: “To safeguard the role of the judges as the protector of constitutional rights, I would caution them very strongly against ‘surrendering’ or making themselves physically accountable to any police officer in the absence of any duly-issued warrant of arrest that is pending.”
Duterte, a former prosecutor bristled at Sereno’s advice to observe due process: “Manghingi ka ng warrant? Madam Chief Justice, you must be joking. You must be joking. Dalawa tayo abogado. Kayong lahat sa Supreme Court…do you know how long it would take to secure a warrant of arrest?
“One single case in the Republic of the Philippines, the warrant to issue is a minimum of two months, three months. Pagdating sa Korte, Madam Justice, it will take forever. ‘Pag natalo, aakayat yan sa Court of Appeals. It would sit there for about two years.”
The President issued a counter warning to the Chief Justice:
“So, ikaw ang winarningan ko, hindi ako.”Do not create a crisis because I will order everybody in the executive department not to honor you.”
The threat of declaring martial law sent alarm bells ringing especially to human rights advocates and those who had experienced martial law under the late Ferdinand Marcos.
Immediately, Malacanang went into damage control. Press Secretary Martin Andanar said in a statement said, “The President merely asked a rhetorical question and said it under the context that his anti-drug campaign cannot wait for the slow wheels of justice – [Philippines] style. We have an Action Man for a President who believes justice delayed is justice denied. He is the type, who at the onset of his presidency, simply wants to hit the ground running and rid society of drugs, crime, and corruption with urgency.”
It did not help, however, that Presidential legal counsel Salvador Panelo underscored that “The Constitution says the President can declare martial law not only in cases of invasion or rebellion, but when public safety requires it. Right now, the safety of the public is in imminent danger.”
He then backtracked with,“I don’t think the President will do that.”
Senate Minority Leader Ralph G. Recto advised the public to “learn to auto-delete the colorful parts of Digong’s statements.
For those who are outraged, Recto said, “the best coping mechanism is not to let his curses get in the way of studying the causes he is fighting for.”
Recto is being kind. Many can only turn to prayers like artist-activist Mae Paner who articulated the distress of many in her Facebook post:
“Napapa-isip Ako
“Lord, anong klaseng anghel ang ibinigay mo sa amin? Parang halimaw ang iniregalomo sa amin. Mali ba ako?
“Yung pagmumura kayang sikmurain. Pero yung pumapatay para sa katahimikan namin? Thank you? Yung maglilibing kay Marcos sa Libingan ng mga Bayani? Whew! Yung magde-declare ng unilateral ceasefire tapos babawiin? Game show? Yung sasabihing baliw ang sarili niyang anak on national tv? Wow! Yung bumabastos sa bangkay at kababaihan? Arayko! Yung nagbabanta sa Supreme Court justice? Pak! Yung nagbabanta ulit ng martial law? Wagas! Yung ang extra judicial killings ginawang bisyo? Nakakaloka!
“Bangungot ba ito? Pagsubok? O nang-iinis ka Lord? Pikon talo?
“Actually…
“Gusto kong manahimik dahil may takot pa din ako. Gusto kong umayon dahil baka ma-bully ako ng mga bilib sa kanya. Gusto ko siyang bigyan ng pagkakataon dahil bagong upo lang siya. Gusto kong pumalakpak dahil itataas daw niya sahod ng kapatid kong sundalo. Gusto kong magduda pero binigyan niya ng puwesto ang ilang progresibo. Gusto kong isiping di hamak naman siyang mas magaling kesa kay Aquino.
“Sa wakas may FOI at tuloy na ang RH. May pag-asa ang divorce.
“Gusto ko pang ngumiti pero bakit ang sakit ng panga ko? Gusto ko pang umasa na tunay ang ginagawa niyang pagbabago. O sadyang tanga lang ba ako?
“Masasanay rin ako sa style niya? Hanggang mamanhid?
“Sino ba ang nilalaro nino Lord? Sirit na.
“Isa’t kalahating buwan pa lang ang nabawas sa anim na taon. Lamang kalsada pa rin ba ako hanggang mag edad 59?
“Lord, bakit ang sakit mong magmahal!?!
Very seriously I take mang Dutz because he is delusional suffering from narcissism. Short tempered at sobrang pikon meron siyang sakit na ‘it’s all about me’. He needs to be the winner always, last say kanya pa rin kundi ay magwawala talaga daig pa ang bata kung mag-tantrum.
mae paner ought to personally tell her daing to duterte, not just in facebook. I’m sure duterte will listen to her dahil supporter siya at approachable daw si digong. pero, simbako lang, if digong snub mae, she may also need to call in the hotline 8888 and tell the the dept concerned that killings must be stop. stress na stress na kasi ang taumbayan. baka magwala rin silang lahat at maghuramentado pa. at patayin kahit sino-sino, maddened by the sight of so many dead and dying.
Gamit na gamit na naman ang pangalan ni Marcos. Para mapag usapan ang administrasyon sa ngayon o ang mga nagdaan ay sinasalita ang martial law. Kanina nabasa ko sa diaryo tama raw ba na ang pagsulat sa kasaysayan ay ang one side lang, hindi ang buo. Kasi daw sa mga libro puro kasamaan lang ang nakasulat patungkol kay Marcos.
the president should be taken seriously otherwise he is in the wrong position.
As foreigner we are judging based on what we see in media. And often media wants good headlines, so it is hard to know what people really think about the new president. If you are the president, then you have power to make good and bad things. All those are serious.
“Bangungot ba ito? Pagsubok? O nang-iinis ka Lord? Pikon talo?
Pwede mong sabihin Mae na bangungot at pagsubok. Pero wag kang magtanong kung nang iinis SIYA?
Gago ka pala eh. Gusto mo ng change? Ayan na ang change. nagtatanong ka pa kung bangungot o pagsubok.
Naniniwala pala itong UNGAS na ito na may LORD. Pero pabor sa RH at gusto din ng Divorce. Nagatong pa siya kay LORD kung sino ang nilalaro NIYA. Madalas tao ang naglalaro ng kung ano. Yung tinanong mo hindi naglalaro ng kung ano.
Ang sakit daw magmahal ni LORD. Ang mga ULTRA LIBERAL na NEO MODERNIST hindi talaga sanay sa PAGMAMAHAL NI LORD.
“Isa’t kalahating buwan pa lang ang nabawas sa anim na taon. Lamang kalsada pa rin ba ako hanggang mag edad 59?
Si Mae Paner pala ay supporter ni mang Dutz. Ala e mahina siya sa pagbasa sa tao, ngayon nagrereklamo siya isang buwan pa lang at kalahati na nagiging presidente ang kanyang sinuportahan?
Hindi naman ipinangako ni mang Digong na ang change na iuulan ay magugustuhan niya. Tsk, tsk, tsk… kung nag-isip sana bago bumoto at hindi nahumaling sa karisma ng pagmumura.
Lahat ng ginagawa at gagawin ni mang Dutz were all written on the wall before the elections, she just ignored them and hoped for the best. Paner gambled, now she’s complaining, hahaha! Ang bilis ng karma.
#6. Golberg, natawa ako pero kinilabutan sa huling para mo. Totoo, ang brand of justice ngayon ay ‘kahit sino’ tatamaan. Kakakilabot.
ginamit sya ng demonyo para maghasik ng kamatayan yan ang gusto ng mga tao God bless the philippines!!
#6 Goldberg, ayaw ko yung nagmumura. Pwede naman makipagdiskusyon na hindi nagmumura.
At huwag na huwag manakot.
Chi, tinanggal ko na rin yung huling paragraph.
#7, Chi, pagka-alam ko , NOTA ( none of the above) si Mae ngunit nang manalo si Duterte,nagusutuhan niya ang mga unang mga ginawa ng halal na pangulo.
Hearing DU many times over, it seems it is his nature but i believe he means well. I understand where Justice Sereno is coming from as well as our President. Our Justice system is in my opinion, is a low grade inefficient bureacrazy. As if inutil when it comes to dispensing justice in an efficient manner especially if the case have some political angle to it much more if it involves whose who in our politics,and business cases. Is it intentional delay? Is it justice to suit their sponsors wishes? They have to really work hard to have the confidence they thought they deserve. Why can’t they improve their services fast and become a true representative of justice and Law? Is it too hard? Then it could have been lot easier for common people like me to believe in what they do or say. If I am in DU position, I may say the same thing or more.
Also, our Lord God works on divine ways. Do we question our confidence with our God now just to find ways of chipping on against a working President?
the pres has so many assistants his work must have been done for him. all he has to do is yell, give unlawful orders, be impatient, magmura, etc. ang taumbayan din work so hard just so they can eat and survive another day. the president works hard in luxury, good food, good accommodation, good company, free travels, etc, and using mostly his vile mouth plus volatile temper. while the taumbayan works in manual labor, physical labor, in a hand to mouth existence, barely knowing where the next meal is coming from.
we all work hard,really hard, o hindi tayo kakain. we have bills to pay, children to send to school, older parents to support and look after.
digong followers should stop fooling people, kept saying the president meant well kuno. killing poor suspects on his order meant well? letting crime lords go unscathed meant well? even a 5yr old knows kalukuhan ito. and the number of those killed is rising. and all digong’s follower said, is he meant well. yeah, they are trying hard to convince themselves. mahirap kasi ito tanggapin. the man whom they prayed for and offer masses, asking the lord to make him win, let him be victorious, the flock of pastor quiboloy, maybe those of boy sarcon too, the iglesia ni kristos out there, all in one strong voice asking the lord to let digong win. and god granted their wishes. digong won.
if they have made a mistake, then they have to undo their mistake. they did not ask for wisdom, but for digong to win. so, enjoy digong, they asked for it.
fee for service ang law same as medicine. only those who can afford can have best medical services and best medical care in best of hospitals. with law, kung may pera ka, kaya mong i-tro ang kahit anuman. pwede rin sa courts of appeal, mag-apela sa ruling. sometimes you win, sometimes you lose depending on new evidence presented. all are legal. tamang proceso. and justice is bitchy for it can swing against you.
unlawful killing is not legal. killing of suspects is not legal. digong’s fight is with drugs, not with poor suspects.
if only digong tells people to cooperate and help find or present vital evidence instead of hiding evidence, dummy dito, dummy doon, baka hindi gaano kahaba ang law process. often, yong mga important witnesses ay nagsilayasan overseas, out of reach of the law. or being hidden by their kasabwat. kaya, binbin ang kaso. may delay. and those that turned whistle blowers, nangangamba sila ngayon. digong is not likely to give them protection.
Mam Ellen, I take offense of what she said.
And the FREEDOM of SPEECH that now we enjoy has gone too bad at it was even DIRECTED to THE CREATOR.
Yung huling paragraph na tinanggal ninyo, hindi po pananakot iyon. May mga tao ngang literal na wala namang ginawang masama (yung talangan masama) tinamaan ng kidlat eh. Paanong nagging pananakot iyon?
Kung naalala ninyo si BELTRAN. Sabi niya “ayaw kong mamatay ng hindi lumalaban.” Ano ba nangyari sa kanya? Nagdidilig ng halaman niya sa bubong ng bahay nila, nahulog at sumunod yung railings na bakal at dumagan sa katawan niya.
Ang punto sa huling linya ng paragraph ko KAHIT TAYO HINDI NATIN MAGAGAWA YUNG PUMILI KUNG PAAANO TAYO MAMAMATAY. Hindi po pananakot iyan. “Tumirik sa kalsada bago mag edad 59” o eh diba ang taba niya?
And the FREEDOM of SPEECH that now we enjoy has gone too bad at it was even DIRECTED to THE CREATOR.
Kaya po ako napamura o nagmura. Dahil ang alam ko lang na gumagawa ng gaong klase ng panalangin yung mga nilalang na malaki na ang galit sa LUMIKHA. Reading between those lines of what was called a “PRAYER” she taunted her CREATOR.
Ang hirap sa Pilipinas, bansa na isinilang si Gat Jose Rizal na sabi niya “ang kabataan ang pag asa ng kinabukasan.” Pumipili ang mga botante na magiging pangulo ng bansa tapos pag manalo ay hindi pagkatiwalaan. Mabuti pa noong panahon ni Marcos sabi ng mga matanda sa akin ay ayos daw ang buhay ng mga pilipino.
kung ang pagmumura ay sakit na nakakahawa, marami ng nahawa dito. ok pa rin huwag lang sana ang sakit na pagpatay ng kapwa.
grabe araw-araw may pinapatay pati nakakakulong pinapatay imposibleng may mga granda sa kulungan eh ang higpit higpit dun..
Are you saying that those who are for RH and Divorce are Godless? What is your basis? What about those who encourage people to kill their neighbors who they suspect to be drug addicts or small time pushers?
As to FREEDOM OF SPEECH being abused because Mae’s words sound like they are “even DIRECTED to THE CREATOR”, I respect your view finding it offensive, in the same manner that you should also respect my view finding your post offensive, too.
Kung ang kalayaang magpahayag ay kalayaang magpahayag lang ng mga bagay na sinasang-ayunan natin, hindi na kalayaan ‘yan. Hindi mahalaga kung sumasang-ayon ako sa mga sinulat ni Mae. Ang mahalaga, iginagalang ko ang karapatan niyang isulat ang gusto niyang isulat. Kung may nilabag siyang batas sa mga sinulat niya, bakit hindi mo ihabla?
Napapamura ka dahil sa isinulat ni Mae? Anong naramdaman mo noong minura ng Presidente ang Santo Papa?
Hindi ka ba naooffend sa araw-araw na pamamaslang ng mga “hinihinalang” sangkot sa droga? Labag ‘yan sa UTOS ng CREATOR, ‘di ba?
Are you saying that those who are for RH and Divorce are Godless? My goodness. Sa tuwing lalabas sa kalye itong si Mae ang pangalan eh Juan Change. Ano pa bang change ang hinahanap niya? Absolute change? Basis ko sa RH at sa Divorce, lalo na sa Divorce. Pinagbuklod lalo na sa simbahan, huwag galawin ng mga tao lang na hindi binigyan ng kapangyarihan para paghiwalayin yung pinagbuklod ng Sakramento ng kasal. Yung RH pwede ko pang palampasin iyan dahil sa ayaw at sa gusto natin, ma decimate ang population. Yung mga ingredients nadiyan na. Ihahalo na lang.
Ano naramdaman ko nung minura ni Digong ang Santo Papa? Gusto siyang suntukin at bayagan. Ang by the way, Jesuit yung Pope, corrupted ang utak niyan.
“respect my view finding your post offensive, too” Oh yes. That is very common to Ultra Liberals and Neo Modernists. Like I said, hindi sila sanay sa pagmamahal ni LORD.
Kung may nilabag siyang batas sa mga sinulat niya, bakit hindi mo ihabla? Di na siya kailngang ihabla. Pagtirik niya (o kahit tayo) may hatol na naghihintay sa atin. Matagal na tayong nakahabla.
Hindi ka ba naooffend sa araw-araw na pamamaslang ng mga “hinihinalang” sangkot sa droga? Hindi ako na offend sa ganun. Pero napapaisip ako kung talaga bang sangkot yung mga namatay sa droga. Kung sangkot nga, bakit pinatay? Sabi nanlaban? O baka naman itinumba para di kumanta?
Ayaw natin ng Death Penalty diba? Naglipana ang mga vigilante.
At kung bakit naging offensive yung Prayer kuno ni Mae, may kahalintulad na joke iyan eh. “I rather have a Philippines run like hell by Filipinos rather than to have a Philippines run like heaven by Americans.” May kanta pa iyan diba?
Imagine that Prayer, if it is really a prayer! Ilang generation pa ulit ang dadanas ng hirap dahil lang sa isang panalangin? The Creator is not mocked. Pati mga inosente madadamay dahil diyan sa prayer kuno na yan.
Yung mga kababayan mo Ka Enchong, they asked for change. More than 16M of them asked for it. Sabi nga ni Chi, “ang bilis ng karma.”
They got want they asked for, aba eh nagrereklamo.
Yung prayer ni Mae, prayer of desperation if not a taunting prayer.
Ito lang ang hinihintay ng mga Commie.
Gaya ng sinabi ko, hindi offensive sa akin kung mamatay araw-araw dahil sangkot umano sa droga. Pero nakakabahala. Diyan sila papasok dahil uncontrollable na ang sitwasyon (kuno).
Paniniwala mo ‘yan, and I respect that. Pero, paano naman ang paniniwala ng iba? Siguro, panahon nang isalang ‘yan sa Congress at nang mapagtalunan. Anuman ang kahinatnan, tungkulin nating tanggapin at igalang.
Corrupted pala ang utak ng mga Jesuits, I did not know that. Neither, would I generalize.
Again, I did not know that. And again, I would not generalize.
Tama ba ang basa ko? Kung tama, it brings me to the question – What is more offensive in Divorce compared to killing? Mas mabigat ba ang “What God put together, let no man put asunder” kaysa “Thou shalt not kill”? Are my Christian values misplaced?
I would put the number of those asking for change at more than 16M, maybe even more than the 52M voters who trooped to the voting precincts last May. But, did we know exactly what CHANGE they were asking for? Did they ALL get the CHANGE they wanted? Again, I would not generalize.
Salamat sa pakikipagpalitan ng kuru-kuro, Golberg.
Yung sinasabing “Thou shalt no kill”, huwag kang papatay ng inosente. Kung batas na iyan ng isang estado, problema na ngayon iyan ng humatol. Kung inosente talaga ang nahatulan at napatay dahil sa maling hatol at maling ebidensya, magkita sila sa finals. Ang gobyerno binigyan ng basbas mula sa itaas. Ang mali sa tao ngayon, sa tao daw nanggagaling ang kapangyarihan ng gobyerno, insane!!!
Pero ang gobyerno walang kapangyarihan paghiwalayin yung mga kasal sa simbahan.
Magtanong ka sa mga MASON tungkol sa Divorce. Pero di yan sasagot. They will keep it secret from you.
Tao lang pala ang nagbibigay ng kapangyarihan sa gobyerno. Really insane. Kaya siguro may ganito tayong president.
Ang nabasa ko kasi sa Bibliya “Thou shalt not kill”, pero wala namang karugtong. So, “Thou shalt not kill innocent people” pala ang kumpletong utos? Baka maling Bibliya ang binabasa ko. At kung batas pala ng estado ang pagpatay, hindi ito mali?
May kapangyarihan ang gobyernong pumatay pero wala silang kapangyarihang paghiwalayin yung mga kasal sa simbahan? Mali nga siguro ang values ko.
The President should be taken seriously as only him can create a crisis to justify declaring the State of Emergency…Just like when the wily Enrile stage his own ambush to reinforce the “imminent and present danger of the communist takeover” and for more than a Decade, Marcos and his cronies enjoyed Dominion over the Philippines…
History is bound to repeat if the Population will let it be…
#11. Noted, Ellen….
#19. norpil2, with a trend nowadays….ang sakit na pagpatay sa kapwa ay nangyayari na nga. 🙁
Is he a statesman..? Running the country like a mob? Using martial a threat?
I wonder legal circles are laughing at him now..!
Ang mga aktibista hindi dapat na pinapatulan. Higit sa lahat hindi sinasakyan ang ginagawa nila. Dahil panggulo sila na maituturing. Kung sasabayan sila lalo silang magpursige laban sa gobyerno dahil may sumusunod. Ganun ang nangyari ng si Marcos ang pangulo, sinabayan ang kilos protesta ng mga aktibista. Ano ang nangyari, lalong naghirap ang Pilipinas. Ang epekto sa pagpatalsik kay Marcos ramdam pa rin hanggang ngayon. Walang naidudulot na mabuti ang mga ginagawa ng mga aktibista. Kung may mayroon man siguro kaunti lang.
Duterte’s judgment call
AS A MATTER OF FACT By Sara Soliven de Guzman (The Philippine Star) | Updated August 15, 2016 – 12:00am
“…………..Naturally, those who were hurt by Martial Law would find allowing a most-hated president buried at the LNMB outrageous, even if the order comes from the most-popular President Digong. My personal bias aside, the relevant issue, as I see it now, is no longer the entitlement of Marcos to a burial lot at the LNMB, but whether or not President Digong is correct in allowing the burial for the country to move on from this lingering political issue. He said the “yellows” should have amended the law to expressly prohibit the burial of Marcos at the LNMB………..”
http://www.philstar.com/opinion/2016/08/15/1613581/dutertes-judgment-call
Ako, I don’t know where I stand right now. I am enjoying the show – not much different from the “incompetence” of the last one – so far, but I find this one more “promising” (pun in those quotes).
I will give him the full benefit of his first 100 days. There are alarming incidents I am willing to charge to “rookie inexperience” or maybe until one big blunder comes along.