Wala na rin lang naman magawa, di daan na lang sa kodakan.
Nahalata nyo rin ba ang mga litrato ni Arroyo nitong mga nakaraang araw. Pose sa gitna ng palayan, pose sa harap ng tambak na sakong bigas. Pangsuporta sa kanyang sinasabi na walang krisis raw ng bigas.
Ang yabang pa niya. Nang sinabi ng Thailand na hindi sila sasali sa bidding sa pagbenta ng bigas sa Pilipinas na gagawin bukas, sabi ni Arroyo, pwede naman raw hindi mag-import. “Take it or leave it,” sabi niya.
Ganoon lang talaga siguro kapag napahiya ang isang tao. Dinadaan na lang sa yabang. Ngunit sa kanyang paiba-ibang salita, kasama na rin ang kanyang Agriculture Secretary na si Arthur Yap, huli na hindi na nila malaman kung ano ang gagawin para masulusyunan ang naka-ambang krisis ng bigas sa buwan ng Septyembre o Oktubre.
Sabi ni Arroyo at Yap pang-reserba lang daw ang ating ini-import dahil mayroon naman daw tayong sapat na palay para sa mamamaan. Sabi niya may kontrata raw tayo sa Thailand at Vietnam na bentahan tayo ng bigas.
Hilo na nga siguro itong dalawa. Sinabi na nga ng Thailand na hindi na sila sasali sa pagbenta ng bigas sa Pilipinas. Ayaw kasi ng Thailand sa bagong requirement ng Pilipinas na may “sovereign guarantee” o garantiya ng pamahalaan ang sasali sa bidding sa pagbenta ng bigas sa Pilipinas.Sabi ni Yap kaya raw nila nilagay itong bagong requirement para raw masiguro na magdeliver ng bigas ang nananalo sa bidding.
Ibig sabihin noon, may pumalya at hindi nag-deliver ng bigas ayun sa kontrata.
Sinabi na rin ng Vietnam noong isang araw na hindi narin sila sasali sa bidding ng Pilipinas bukas. Unahin raw muna nila ang kanilang panganga-ilangan.
Kung hindi na magbe-benta ang Thailand at Vietnam, saan kukuha ng bigas si Arroyo at si Yap dahil yun lang naman talaga ang mga malalaking rice exporter sa Asia?
At kung may kukunan man, siguradong mahal. Inaasahan ng marami na kung may makuhang bigas ang Pilipians bukay, baka aabot sa !,000 bawat metric ton ang presyo. Sa ganoong presyo, P60 bawat kilo ang bagsak niya sa palengke. Ito ba ang walang krisis?
Noong isang linggo, nagdesisyon ang mga bansang exporter ng bigas sa Asia – Thailand, Vietnam, Burma (Myanmar), Cambodia at Laos – na magkaroon sila ng grupo para sila ang magdesisyon kung magkano ang presyo ng bigas. Ang tawag sa gurpo nila ay Organization of Rice Exporting Countries (OREC). Parang katulad ng OPEC (Organization of Petroleum Exporting Countries). Katulad ng OPEC, hindi sila magkukumpetensya sa presyo para mabenta ang kanilang bigas. Aayusin nila para makakuha sila ng mabuting presyo para sa kanilang magsasaka.
Nakakaiyak na hindi tayo kasali sa grupong ito.
Makain ba ang Kodakan propaganda ni Gloria? Yabang at puro kasungalingan ang alam nila.
“Nakakaiyak na hindi tayo kasali sa grupong ito.”
Talagang nakakaiyak at kalunos-lunos pa Ellen ang kalagayan natin ngayon sa pamamahala ng Demonya sa Malacanang. Imagine nasa atin ang lahat ng pagkakataon na manguna sa exportation ng bigas dahil sa atin nakalugar ang International Rice Research Institute (IRRI) na kung saan nagpaka-dalubhasa ang mga agriculturists ng ibang bansa lalo na ang Thailand at Vietnam. Umaangkat tayo ng bigas mula sa teknolohiya na galing sa atin. Sinuportahan ng husto kasi ng Gobyerno nila ang kanilang mga magsasaka. Sa atin pinabayaan ang mga magsasaka. Ang sinuportahan ng Gobyernong Kawatan natin ay ang mga smugglers. Nagmukhang tanga tuloy si Gloria Devil nang tanggihan ng Thailand at Vietnam ang alok. Wala kasi silang tiwala sa pagmumukha ng Peke at Korap na pangulo. Ang kapal talaga ng mukha ng BRUHA. Sa gitna ng krisis sa bigas at nakabantang tag-gutom, nakukuha pa niyang ngumiti sa harap ng kamera. Sa ilalim ng pamamahala ng REYNA NG MGA BALASUBAS (Fraud Queen)nagmukha na tayong hampas-lupa sa Asia. Gloria Devil has succesfully made the Philippines the laughingstock of Asia.
Gloria stole the money intended to buy fertilizer to finance her election scam — see where that got us?
Filipinos must drag this piggy couple out of Malacanang at all cost — nothing good can come out while they hold the rein… they are thieves and will have no qualms stealing some more (and more and more) even if it means having to starve the entire Philippines.
Sinabi mo pa Anna. Ngayon lang lumalabas ang mga problema ng kawalan ng pera sa agriculture. Years after Joc joc left, anomalies are still coming out. Atty Roque just uncovered the almost 5 billion swine and irrigation scams.
The evil bitch is a con artist extraordinaire! She can sell the Filipinos anything by reinventing herself. Her public relations gurus are doing a good job projecting a “hard working and caring president” in all the recent crises we have. WAKE UP FILIPINOS and do something! Nagpapadenggoy lang tayo sa pandak na unggoy na ito!
Tingnan lang kung haggang saan ang “take it or leave it” yabang ni Gloria pagdating ng araw na wala nang maisasaing ang mga pinoy.
Kung minsan ay masama na ang naiisip ko na sana ay wala ng foreign countries na magbenta ng bigas kay Gloria at nang matuldukan na ang demonya na yan!
Palaging naka-posing ang tangnang babae habang ang kapinuyan ay lalong naghihirap. Hoy Pinoy, Gising na, malayo pa ang 2010. Bago yun ay malaking krisis sa pagkain ang haharapin ng bansa at baka magtirikan ang mata sa gutom ng mga mahihirap.
Gloria is out to solve her country’s rice shortages on her own.Nagkodakan pa nga sa TV at ipinagmamalaki pa niya na kumain na lang daw ng masustansiang pandesal at gusto niya na iyun ang kakainin ng mga naghihirap na Pinoy dahil umotot siya ng husto sa Kamote.
Huhulihin daw niya at kasuhan ang mga bandido ng bigas at pandesal,Parang sine dahil bigla siyang nag-appear sa mga bodega na niri raid ng mga NBI at ipinapakita niya na siya ang bida.Kaya tuloy nabubulok ang aning palay ng mga magsasaka dahil ayaw na ng bilhin ng mga rice cartel baka sila kasuhan.
Her vow to crack down on “rice and bread bandits” has turned her into the nation’s food sheriff. She showed up to personally inspect a Manila warehouse, where police seized thousands of bags of rice being hoarded in anticipation of higher prices. And she dragged the news media along to a customs office, where she badgered officials into filing charges against suspected flour smugglers. appearing on television the next to tout the nutritional value of “pan de sal,” buns made with cheap flour that she wants poor Filipinos to eat as a substitute for rice.
Her vow to crack down on “rice and bread bandits” has turned her into the nation’s food sheriff. She showed up to personally inspect a Manila warehouse, where police seized thousands of bags of rice being hoarded in anticipation of higher prices. And she dragged the news media along to a customs office, where she badgered officials into filing charges against suspected flour smugglers.
Nangamote tuloy ang post ko.Paki-edit na lang Ellen.
Aha! Suspected flour smugglers kakasuhan ni Gloria. Kaya ba niyang bangahin si Vicky Toh at kanyang Fatso protector? Of course, Jose Pidal is the man behind her fake presidency. Guerra patani!
cocoy,
Paanong hindi mangangamote pati poste natin e nakakabwisit itong si tianak.
Iyang kodakan na posing-posing ang bruha ay tanda na alumpihit at tuliro siya dahil wala na siyang pagkukunan ng bigas. Korek si Bruce Wallace of LA Times (article reprinted in your blog): “When she asks people to switch to other foods, it’s a sign of panic”.
Walang mangyayari sa pagiging food sheriff ni Gloria. Ang mga ‘rice and flour bandits’ are hers, too!
Zarzuela grande ang sagot ni Gloria sa nakaambang tag-gutom sa Pinas.
Sana sa pagpapakodak niya sa palayan ay tuklawin ng rattler!
Pag sagad na sa gutom ang tao ay talagang magrebulosyon na sila.Noong panahon ni Marcos dalawang bagay lang ang kinatatakutan niya.Si Imelda at ang mawalan ng bigas.Dyan takot si Marcos noon na mawalan ng bigas ang Pinay dahil hindi siya sanay kumain ng pandesal at kamote.
Ito naman si Gloria takot siya sa lahat ng bagay,kay Tsikwa,Esperon,Nur Misuari at kay Erap pero hindi siya takot na mawalan ng bigas.
Chi;
Wala ng ligtas si Pandak sa buong mundo.Pati na mga hapon,koreano,mexicano at mga ibang asiano na rice eating people dito sa America ay galit na sa kanya,biruin mo ba naman na nawalan ng bigas dito sa California dahil ang mga Pinoy pag bumibili ng bigas sa Costco at Sam’s ay hanggang sampung sako at ipinapadala nila sa pinas ng door to door na 70 lbs.Mga anim na supot iyun sa isang balikbayan boxes.
Tinawagan ko ang kumpare ko sa Texas kung marami silang bigas na nabibili doon at sabi niya sa akin ay marami raw dahil bihira ang pinoy doon at mahal ang pa door to door.
Ngayon sa Costco ay isang supot na lang ang nabibili ng mga pinoy.
Follow the leader, kaya ang ilang heneral ng kapulisan at kasundaluhan mahilig na rin magpa pogi.
cocoy,
Balita ko ay naging $44 ang isang sako ng Jasmin sa San Diego dahil sa mga Pinoy, nagkaubos daw. Niyanig ni Gloria ang mundo dahil sa epekto ng kanyang korapsyon.
Truth of the matter, whore Gloria Arroyo for over seven years is out smarting everyone and I won’t be a bit surprised, if the whore also pull a fast one on both Thailand and Vietnam. The whore wasn’t called the luckiest bitch for nothing. After all the rallies on the streets and bad publicity the whore received, whore Gloria Arroyo and the pig husband are both smiling all the way to their bank accounts. That should all tell us something about the whore, to not under estimate the bitch of Malacanang.
Gloria was the guest speaker of the Federation of Philipppine Industries at Hotel Intercontinental on May 2.
With this, I got an email from from “Perry (OFW-Canada)” and I quote to you, as follows: “Dear folks: Gloria is up to her Glo-jokes again. She congratulated the Federation of Philippine Industries on their fight against smuggling. The truth of the matter is: China recently reported that her total export to the Philippines last year was $30 billion. However, Gloria’s government said that imports from China totaled only $8 billion. So what happened to the difference of $22 billion? There is only one explanation: $22 billion worth of goods were smuggled out of China. Makes me wonder what Gloria Anti-Smuggling Task Force has been doing? It is interesting to note that the malls have been flooded with name brands of very cheap prices. They’re all made in China with fake labels. Now a Pinoy can wear a ‘Rolex’ watch for P500 only. Perry”.
Chi;
Last week naubusan ng bigas ang commissary sa San Diego dahil karamihan na nakatira doon na Pilipino ay mga U.S.Navy na hapon,sila ang umubos ng bigas at pinuno nila ang isang barko na padala sa door to door para sa pinas.Kaya tuwang-tuwa iyung kaibigan ko na may negosyo ng door to door dahil mga sampung container ng balikbayan boxes sa isang araw.
Kaya tataas na naman ang dolyar dahil sa halip na dolyar ang ipadala nila sa Pinas ay bigas na corned beef na at wala ng cash dahil ganoon din naman daw ang suma,ipambibili nila ng bigas ang ipinadalang pera at pipila pa sila.
400 taon nakatiis ang mga pilipinong inapi ng mga kastila, 400 taon din silang magtitiis siguro sa ilalim ng mga Pidal.
Hanggang kailan ba talaga magtitiis ang mga pilipino sa pagtingin-tingin na lang ng mga litrato ni Gloria Dorobo? Pati UP kinalakal ng ungas. Kunyari gumawa ang ungas ng bagong batas na diniklarang national university ang UP. Tarantada ba siya? 100 taon ng may batas na diniklara ang UP na “state university, a citadel of truth” na may dapat na budget para sa pangangasiwa, maintenance, etc. ng pambansang pamantasang ito. Kaya ano ang ipinagmamalaki ni Boba na gumawa siya ng batas na ginawa ang UP na national university kuno? Ano ba ang pinagkaiba ng “state university” sa “national university.”
Gusto pang ipalabas ng magnanakaw na ito na utang na loob ng mga pilipino sa kaniya na ubusin niya ang pera ng bayan pati na iyong mga inuutang niya kung saan-saan sa mga pakulo niya. Ginugutom ang mga pilipino para halikan nila ang yapak niya gaya ng mga itsura noong mga nakapaligid sa kaniya doon sa litrato niya nang diniklara niyang “national university” daw ang UP sa Cebu!
Tongue, pakimura nga! Nakakakulo ng dugo!
Gloria outsmarting everyone? I don’t think so. Kasi insultong malaki iyan sa talino ng mga pilipino pag sinabi ninyong na-outsmart niya ang lahat ang mga pilipino. Makapal lang talaga ang mukha at magaling lang talaga iyong gumagawa ng publicity stunts niya. Abaw malaking pera yata ang bayad doon sa publicity consultant niya from the big apple! At saka sinigurong mga kurakot ang nakaupo sa Tongress at Senado kaya walang humihirit kundi iyong mga partylist reps ng komunista daw pero di hamak namang makabayan kesa doon sa mga amerikanong hilaw na tuta ni Gloria Dorobong pagala-gala kung saan-saang blog!
BTW, nagsubscribed ako sa world on demand ng Philippine package para makapanood ng palabas mula sa Pilipinas. Laking pagsisisi ko kasi suyang-suya ako doon sa mga palabas ng ABS-CBN at GMA7. Suyang-suya ako lalo na doon sa mga ads nilang hinalong ingles at tagalog na rumurolyo ang mga dila ng mga gustong maging amerikano. Nakakasuka sa totoo lang.
Mas masahol pa noong nasa Pilipinas kami ang kawalan ng tiwala ng mga pilipino sa sariling kanila gaya ng sariling wika nila. Kulong-kulo ako doon sa gusto pang daigin iyong mga kano sa pag-iingles gayong sinabi na nga ng mga taga-Inglatera na minarder ng mga kano ang wika nila!
Kawawang mga nilalang! Bakit kailangang maging maliit ang pakiramdam ng mga pilipino na nagsasalita ng sarili nilang wika kesa doon sa mayayabang na akala mo naman talagang mga sikat sila kung paingles-ingles sila kahit na baluktot?!
What? Ibig niyong sabihin ang mga Pinoy, nagpapadala na ng Bigas from the US to their relatives in Pinas?
Re: “400 taon nakatiis ang mga pilipinong inapi ng mga kastila, 400 taon din silang magtitiis siguro sa ilalim ng mga Pidal.”
Alam mo Yuko, nasabi ko yan sa blog Manila Bay Watch: Philippines and Filipinos: What a bloody mess!
ko nung isang buwan:
“Today’s Filipino society is akin to a grumbling and furious Mount Pinatubo (shown erupting in 1991), that’s still containing itself and can do so for generations just as Filipinos bore Spanish abuse for over three centuries and when they did decide to rebel, they first killed each other instead of turning all of their guns and their fury against the enemies.”
Re: “Nang sinabi ng Thailand na hindi sila sasali sa bidding sa pagbenta ng bigas sa Pilipinas na gagawin bukas, sabi ni Arroyo, pwede naman raw hindi mag-import. “Take it or leave it,” sabi niya”
Talagang gaga ano! Imagine, nagyabang ang walanghiya — siya itong magnanakaw kaya walang pang fertilizer ang mga farmers, siya pa ang tarantada!
Gloria tarantada? Matagal ko nang alam iyan bago pa tumakbo sa Senate iyan. Kaya nang iminungkahi ni Erap na siya ang sulatan ko tungkol doon sa project namin noon tungkol sa mga streetchildren ng Pilpinas, alam ko nang hindi ko mapapagkatiwalaan ang ungas. Golly, minungkahi pang sulatan daw namin iyong foundation niya! Buti na lang nakinig ako doon sa Still Small Voice na huwag akong magtiwala sa kaniya. Isang kaibigan kong journalist ang nagsabi sa akin na iyong nirekomengang foundation ay siyang in-charge ng pondong kinokolekta ng ungas para sa pagtakbo niya at noong mga kurakot na pinapaupo nila.
At least, with this and other blogs, nasabi natin sa mga botanteng pinoy na enough is enough na iboto pa nila ang mga tuta ni Gloria Dorobo at ng asawa niyang hidhid!
Tama lang ang ginawa ng Thailand. Baka hindi pa sila bayaran ni Gloria Balasubas kasi iyong bibilhin bigas sa Thailand utang din. Kawawa ang Vietnam pag nasuba!
Apparently, worried na rin ang Thailand sa lumalaking problema ng kakulangan sa pagkain. Hopefully, madedeklarang ilegal ang biofuel policy ng mga bansang katulad ng Tsina at Amerika. Tapos papasok pa iyong isang demonya sa negosyong ito na lalong gutom ang aabutin ng mga pilipino.
Dapat asikasuhin ng mga concerned pilipino ang pag-iimbestiga ng sumbong ng mga taga-Negros doon sa deal ng mga Pidal sa mga intsik tungkol doon sa biofuel factory na itatayo ng mga intsik sa lupaing para sa land reform. Baka next time makakita tayo ng ads tungkol sa gutom sa Negros, kalansay na mga pilipino na lang ang makita natin. Dapat ding tignan ang nababalitang pagbibigay ng lupain para sa pagtatanim ng pagkain ng mga pilipinos sa mga intsik.
Iyan ang tunay na abuso at paggutom sa mga pilipino. Ingatan din ang pagdadala ng mga intsik ng mga kemikong bawal na ginagamit nila sa kanilang pagtatanim. Maraming malalason di lang sa Pilipinoas kundi sa lahat ng mga bansang bumibili ng mga pagkaing gawa ng mga intsik.
Dito nga sa amin, maingat na ngayon. Lahat ng pagkain may nakalagay na kung saan galing. Ako ang binibili ko karamihan gawa sa Japan. Iyong gawa din sa Tate, questionable kasi nalamang gawa sa Tsina at hindi sa Amerika. Maingat kami lalo na doon sa mga hilaw na pagkain. Two or three years ago, nalamang puro bulate iyong mga spinach na galing sa Tsina. Lately, ang ginamit pang tubig na pandilig, meron lead na masama sa katawan, mercury poisoning ang labas.
Ingat!
Anna:
Kaya siguro binalingan nila ang kalahi nila kasi galit sila sa kulay nila. Suyang-suya ako doon sa ads sa TV nila that goes something like this, “Stay white, I like white!” na ads ng isang panligo. Nakakakulo ng dugo! E ano ba kung kayumanggi ang kulay nila?
Sa UK nga iyong nanay-nanayan ko doon, nagbibilad pa sa araw para umitim siya. Ito namang mga pilipino gusto pang maging puti sila! Colonial mentality hanggang ngayon pa ba?
Si Gloria Dorobo nga trying hard to look fair-skinned. Ang kapal ng pinta sa mukha. Nadaig pa iyong mga geisha na pinturang puti ang gamit sa mukha! :-[
Marcos have been right all along in his vision and his agricultural programs. During his time the country is self-sufficient in rice and even as an exporter. UP Los Banos was the agricultural educational center and that’s where students from Asian neighbors learned their expertise in agriculture. After his fall anything, everything not only bad but even good policies and programs like the agricultural programs had been deleted by the incoming government. Now we know that being vengeful is never a good virtue, that because of the intense desire to get back at the enemy, the future of the whole country was compromised. It’s too late and useless to say “if only”. Times past are times wasted. The country is facing a rice crises, in contrast our Asian neighbors who learned the art of farming from the Philippines are now reaping the benefits and even have her as their biggest customer. Reversal of fortune?
How about Gloria’s policy of sovereign guarantee? Is she telegraphing a message about some kind of a “cut” just in case?
In my high school days, we were the butts of jokes by the poblacion elites. We were good for nothing rice and fish eating farmers. That was the time also when Japan had to make do with fish and whales. So they had to improve their recipes of fish with sashimi, and even the blowfish for palatability. We didnt. We just swallowed the fish and tuyo stigma. That reminds me of a joke that the tagalogs dipped the fish as sahog and remove it for next meal but its enough for us ilocanos to just use a flashlight and beam the fish shadow into the caserole.
I dont know what would had been the taste if we used a lot of photos of steaks and hams, instead.
Yuko,
Sabi ng Nanay ko, pati daw yung toothpaste na Colgate sa Pilipinas ay duda siya na galing sa China at ang suspicion niya a fake; kaya ayaw na niyang bumili ng local Colgate dahil baka daw may lason pa kung galing sa China — ayan kaming mga anak na nasa labas ng Pinas may padala laging toothpaste; ayaw din niya ng local Cammomile tea (kasi maraming galing sa China at takot siyang inumin) kaya sige kaming lahat padala ng daan daan sachets ng Cammomile tea! Hehe!
Ako nga ang itim ko na tuloy dahil I’m a sun worshipper! Natatawa ako doon sa mga Pinay nakapayong pag may araw ng konti… hahaha! Pati ba naman sa tabing dagat dito, makikita mo kaagad ang Pinay (at ang mga Asian women in general) dahil nakapayong!!!!
Noong araw..sa current events namin..we were told that the Phil. exported raw materials to Japan like logs..they made them into lumber made chairs, tables, etc. and exported the finished products to the Phil..Ngayon naman..the Phil. trained agriculturists of Thailand, Vietnam etc. in IRRI..and they returned to their respective countries made good of what they learned from IRRI, then sell the rice to the Phil..when will we ever learn?
florry says “Marcos have been right all along in his vision …… ” tama ka igan. Sabi pa “Sa ikauunlad ng Bayan ….. disiplina ang kailangan.” Hindi yong pandadaya at pagnanakaw na ginagawa ng pekeng administrasyon ngayon.
Madalas ako sa palengke kaya alam ko ang takbo ng mga presyo ng bilihin. Noong mga January ang presyo ng Sta. Rita nasa P28/kg ngayon nasa P38. Yung Thai Jasmine rice (yellow bags) hindi nagbabago ang presyo, nasa P42-P45/kg. Yung IR-64 ng IRRI, mga P30 noon, nasa P40 na ngayon. Ang binibili ko ngayon, yung Super Angelica ng Mindoro P1600 ang sako. Medyo matabang at mahirap mainin, madali pang mapanis dahil mainit kaya hinahaluan na lang ng pandan drops para sumarap at bumango.
Hinihintay ko sanang magpareho ang presyo sa Jasmine pero binulungan ako ng kaibigan kong dealer na peke rin ang karamihan ng Thai Jasmine dito. US Long-grain na tig-P25/kg at hinahaluan daw ng pinulbos na Ilang-ilang, kaya pala parang wala nang bango pag hinugasan ng husto.
Ang tingin ko dito, kaya pilit na binibili ng NFA ang palay sa P17 mula sa dating P10 para ipamalita ni Pandak na nadoble ang kita ng mga magsasaka sa tulong niya. OO nga naman, mula sa KINSE MIL na dating kinikita ng magsasaka sa kada ektarya, nasa mahigit TREINTA MIL na ngayon. Magandang pogi points yan sa pagdating ng eleksiyon!
Ang problema, kikitain lang iyan kung yung high-end rice ang itatanim nila, HINDI SA NFA RICE! Dagdag pa, hindi naman nabibili yung high-end dahil yung P18.50 na NFA rice lang ang kayang bilhin ng mga tao. Kaya naman nadala ang mga millers/traders at mukhang hindi muna bibili dahil ayaw makumpiska pag napadami ang nakatabi nila.
Sino’ng gago ang bibili ng P17 na palay at ibebenta ng P18.50, nakiskis na?
Si Gloria at Arthur Yap lang! Siyempre kupit kaliwa’t kanan na naman iyan!
Tongue,
Noong maliit ako problema na ang ahensiya ng nangangasiwa ng pagbebenta ng bigas. Puro racket iyan. Asawa nga ng tiyo ko na-involve doon sa NARIC racket noong early 50’s. Bulok na palay hinalo doon sa bigas na abuloy ng mga kano pantawid gutom sa mga pilipino noon. Nakaamot kami ng bigas na iyon na mura dahil sa tiya nga namin, pero ang baho daw sabi ng nanay.
Bakit hindi iyan na-dissolve. Dapat sa mga ganyang useless agency tinatanggal na, hindi iyong pinapalitan lang ng pangalan with the same crooks running it.
Ang bobo naman! At least, with what is happening now, matutupad na rin ang last wish ni Apo Marcos—that history will judge him!
Sabi nga ng mga mahihirap sa Tondo, etc., buti pa raw noong panahon ng Martial Law, hindi sila nagutom kahit na noong napaligiran si Marcos ng mga kurakot din! Hindi daw sila pumipila para sa bigas nor felt like beggars and waifs na inaamutan ng bulok na bigas at ramen gaya ng ginagawa sa kanila ngayon ni Gloria Dorobo na hindi lang inalisan sila ng puri’t dangal, ginawa pa silang mga pataygutom at abang-aba!
Over in Japan, about a few years ago, nagkaroon din ng rice crisis dito di dahil sa corruption kundi nagkaroon ng salot sa pananim tapos may mga nanadyang nanira ng panamin sa totoo lang. Duda nga nila mga intsik pero walang makapaturo. Nag-import ng bigas mula sa Thailand pero nasayang ang bigas na iyon dahil hindi makain ng mga hapon sa tigas.
Hindi naman namin naramdaman ang crisis sa totoo lang kasi nga nag-iimbak ako ng pagkain gaya ng pinapayo sa amin sa aming simbahan. May food storage nga ako na 20 years ang limit kahit bigas. Ngayon nga may one-year supply ako ng bigas. Tumaas man ang presyo o hindi sa next na bili ko, OK pa rin kasi naaadjust naman ang buying capacity ng mga tao dito. Katatapos ng nga ng paghingi ng pay hike dito. Usually ginagawa ito before Labor Day. Iyan ang pakinabang ng malalakas ng labor unions sa totoo lang.
Bakit hindi iyan magawa sa Pilipinas? Puro paporma, tigilan na. Huwag tangkilikan iyong mga hoarders lalo na iyong mga tindahang nagsasamantala sa crisis kakutsaba ng mga Pidal. Best, pagbabatukan iyong mga tongressmen at senatong na walang ginagawa kundi mangurakot lang!
Tongue,
How much is a kilo of wagwag and laon? Laon ba is NFA rice?
Nagmomonitor ng Ellenville ang EK kasi sabi ngayon ni Arthur Yap ay committed daw ang Vietnam at Thailand na magbenta ng bigas sa Pinas kahit na hindi sila mag-participate sa Philippine tender sa May 5.
Hahaha! Ipinagpipilitan ang mga sarili sa ayaw na sa kanila!
cocoy,
Nawalan din daw ng bigas sa commissary sa Norfolk, VA. Dahil din sa rason na binanggit mo. First hand info from my cousin whose hubby is a Navy. Naubusan daw sila kaya bumili na lang ng isang kilong long grain sa Wal-Mart.
Valdemar,
“I dont know what would had been the taste if we used a lot of photos of steaks and hams, instead.”
Hahaha! That will happen soon. Magpapabusog na lang ang pinoy sa pictures ng steaks and hams. Some will just go near the high fences of rich people and smell what’s cookin’.
Yuko,
Yang Pinoy channel ang never na mag-subscribe ako as long as the tianak rules Pinas. Baka mabasag ang telebisyon namin everytime that her kapangitan is on the screen, sayang naman.
Chi, ako hindi rin nag-subscribe ng Pinoy Channel kasi pagnagsalita ang mga palace actors and actresses na hindi maganda para sa akin baka mabato ko pa ang tv. Dito naman sa Vancouver, Canada marami ang bigas. Kung maubos ang Jasmine or New Crop rice (40 lbs – C$19.50) from Thailand, marami diyan ang Basmati rice ng Bombay, etc. Mahal kasi yung Kokuho rice from California. Ang mahalaga may mabibili ka. Hindi puede yung hahalo ng kamote or mais baka magtatae ang Pinoy. Kaya sooner but not later kamote na rin ang patakbo ni Gloria, matagal na hindi ba?
nakakalungkot talaga na di tayo kasama sa OREC na yun.. isa pa man din tayo sa mga nangungunang bansa noon para sa pagpapalago ng rice. ewan ko ba kung bakit ang gobyerno natin ay walang kagana-ganang suportahan ang mga magsasaka natin para ganahan naman silang magtrabaho..
http://hiraya.co.nr
Isaac,
Ayos at hindi kayo mauubusan ng bigas diyan, maganda naman kasi ang patakbo sa Canada…siempre first world country.
E ang Pinas ay palaging nasa mode na enchanted. Wala nang makain ay pinagpipilitan pa ni tianak korap pandak demonya pekeng presidente Gloria na magiging first world daw.
Galit na sa kanya ang mga kapitbahay niyang world exporter of rice. Hindi siya kasali sa laro, beeeeelaaat, buti nga. Ang yabang kasi wala namang binatbat!
Isaac, 7 years ng kamote ang patakbo ni Gloria sa Pinas.
Funny but I cannot post this in the Esperon loop. It must be because Esperon’s spies are on it again. Golly, how they waste public funds to protect this crook. Kawawang Pilipinas!—
PSB: If tengang daga JDV who knows more on the evil bitches’ wrong doings was ousted by the evil bitches’ own sons and brother in law, she will not lose any sleep on letting go of the asspweron! Asspweron will just be like JDV, laos na!
*****
Sinabi mo pa, PSB. In fact, one reason why FVR has been like in a see-saw re his relationship with the Dorobo and why he would not dare rock the boat is because he has been apparently threatened with lawsuits re anomalies during his shady administration.
Now we see the creep digging into the closets of FVR (www.tribuneonline.org/headlines/20080504hed6.html), Enrile, and even Angara for sure for some skeletons with which she can have a showdown with them, and see who gets to Muntinlupa fastest. 😛
Ellen,
As of this moment, the Esperon Reprisal loop is closed for posting. Please check.
What now Gloria? Palpak ka, take it or leave it. I suspect it was an *intentional* not to fulfill bank guarantee requirements. Vietnam wants to save rice for local consumption.
The Philippines declared a tender for 675,000 tons of rice a failure Monday after Vietnam’s state-owned Vinafood II, the sole bidder, did not fulfill requirements.
//business.inquirer.net/money/breakingnews/view/20080505-134635/UPDATE-Philippines-declares-rice-auction-a-failure
Chi:
Pinagbigyan ko lang iyong isang batang tinutulungan namin dito na nakapasok sa isang agency na nag-aalok ng mga Philippine channels dito sa Japan. Parang abuloy ko na lang sa patay, at nabigyan ka ng biscuit at chocolate.
I am not interested in fact in watching Philippine programs kasi hindi ko type ang mga palabas. Tama na ang magbasa ng news sa Tribune or Malaya at pasilip-silip doon sa Inquirer online. Ayoko kasing makunsumi. At saka ayokong makinig doon sa ingles ng mga trying hard to be Americans sa Pilipinas lalo na si Dorobo na puro “f’s” pag nagsalita na akala niya maganda siyang mag-ingles. Nakakatindig ng balahibo! Yuck!
Palusot pa si Gaga. Philippine law requires at least two bidders in any public bidding. Otherwise, the bidding is considered null and void, moot and academic. Boba pala ag nagdudunung-dunungang iyan e. Hindi siguro makalusto ang tactic nila doon sa pagbebenta ng Philippine patrimonies in Japan na bini-bid against the any existing law. Isa pa iyan na dapat na batikosin as a matter of fact.
Taeng-tae iyong Dorobo sa pagbebenta ng mga properties dito sa Japan. Nadulas iyong embassy dito na nabenta na ang mga patrimonies sa Kobe without a national referendum. Ipinadedikdikan iyong ambassador’s residence na isusunod daw. Baka mapahiya si Dorobo kasi marami kaming lalapitan dito to help stop it.
Calling, calling iyong mga may puri’t dangal pang mga Kongresista at Senador ng Pilipinas! Ayaw ninyong kumilos diyan? OK lang! Marami namang pilipino dito sa Japan na puedeng magsampa ng kaso laban sa mga mandarambong ng Malacanang!
Sabi nga ng mga mekening burimo, “Subukan pa mu, para mabalu!” 😛
Leonor Briones has a very telling story about the rice distributed to pupils. (abs-cbnnews)
She took notice of a leading newspaper’s display of the “picture of a classroom full of smiling, uniformed children and their teacher. Each happy child was holding up a plastic bag of rice” with a corresponding news that “everyday a kilo of rice was being distributed to each pupil daily as part of the “Food for Schools” program. The message was that yes, every child will have enough rice inspite of the crisis, Ms. Briones said.
Kaya lang, meron siyang simpleng tanong: How was the rice distributed to the children in April when classes closed as early as March?
BOKYA na naman ang kodakan at props ni Korap Gloria!
Ms. Briones’ article is Searching for ‘isang dakot na bigas’.
“Vietnam’s state-owned Vinafood II, the sole bidder at the tender, failed to supply a bank guarantee,” says a Malaya report. Wow, bakit kailangan ng Vietnam na magbigay ng bank guarantee? Magbebenta lang naman ang Vietnam ng bigas sa Pilipinas bakit kailangan pa ang bidding-bidding? Nangungurakot no doubt!
Gusto ko nang maniwala kay Ka Mentong na walang rice crisis sa Pilipinas. Gusto lang kumurakot ni Gloria Dorobo at ng asawa niya. Proof itong bidding-bidding nila na iyong nagtitinda kailangan pang magbigay ng suhol doon sa bibili ng bigas. Ulol din ano? Never heard when we had similar rice shortage and we had to import rice from Thailand, etc. kasi ang mahalaga huwag magutom ang taumbayan.
Taragis si Boba, nagyabang pa. “Take it or leave it daw!” ‘Lol! 🙁
Chi, Wagwag is about P38-P40 rin. Dati hindi ko makain yan dahil mumurahin. Ngayon hindi ko na mabili! Pinagtityagaan ko yung Mindoro rice kahit mabato, alam naman nating hinahaluan yan ng mga vendor. Pinipilian na lang bago isaing.
Yung Laon, parang collective na tawag sa lumang bigas na lang. Wala na akong makita sa stalls. Pag sinabing Laon, tuyo kaya matubo, pero walang bango dahil luma. Ewan ko.
Tungkol sa bank guarantee, totoo bang economist yang si Gloria?
Sino’ng gago ang gagastos at magaaksaya ng panahon sa bank guarantee? Kung ako ang supplier, ako dapat ang hihingi ng bank guarantee, dahil ang ka-deal ko ay isang foreign government na hindi pwedeng mag-issue ng Letter of Credit kaya puwedeng tumakas sa pagbabayad pag sakaling biglang bumaba ang presyo sa world market. Paano na ang order na $1400 per ton kung pagdating ng oras $800 per ton na lang ang presyo? Bilang exporter ako dapat ang maproteksiyunan dahil ako ang unang maglalabas ng resources. Saka pa lang ako babayaran ng importer pagkatapos.
So, binaliktad na ni Gloria at Yap ang Import transactions, o kabobohan lang?
Nadinig ko, ang dahillan daw, e para siguruhing io-honor ng mga supplier yung commitment kahit pa ipagbawal ng gobyerno nila ang mag-export in the future. Tanga! Inuudyukan pa nilang sumuway sa gobyerno ang mga private exporters. Kabobohan iyan! Hahaha.
Sino sa palagay ninyo ang magbi-bid sa ganyang kundisyon?
Only two rational explanations:
1. Gloria is deliberately trying to push the global price of rice to a higher level (as complained by many Asian gov’ts) to benefit rice farmers kuno. Thus she gets an opportunity to make kickbacks from rice imports (at the same time, get back against husband’s competitors in the rice trade);
or
2. She is a total ignoramus.
Salamat Tongue sa mga presyo ng bigas. So, amoy ipis ang laon kung gayon.
***
Walang binatbat si Gloria economissed sa iyo, Tongue.
Hindi ako ekonomista pero nagkakamot ako ng ulo ng binabasa ko ang sabi ng mag-amo na failure of Vietnam to issue a bank guarantee. Talaga, either na likas na kabobohan iyan nina Gloria at Yap, o ginagawa na naman na tanga ang mga pinoy. Nagpapalusot pa e.
Doon ako sa number 2. Magandang pakinggan: Gloria is a total ignoramus!
At doon din ako sa number 1 dahil sabi ni Ping ay si Fat Guy ang number 1 rice importer ng RP. Nakakaganti na si Gloria ay salo pa rin sila ni FG sa kickbacks. Magaling talaga sa katarantaduhan ang mag-asawang korap.
Grizzy, Kung matagal ka na sa abroad na english ang salita, at mapakinggan mong mag-english ang karamihang pinoys diyan sa Pinas, talagang nakakainis. Pero may magagaling din, katulad ni Ricky Carandang. Natural ang dating at hindi trying hard. Hindi ko alam na panay ‘f’s ang gamit ni Glue dahil pag siya na ang magsasalita, ino-off ko ang tv, can’t stand her.
Darating ang araw, magagaya iyang Arroyo couple na iyan sa mga Ceausescu couple of Romania, who were executed by firing squad. Nagutom din ng husto ang mga tao sa Romania nuong time nila. Mayabang at evil din yuong si Elena Ceausescu.
Martina:
Ako din hindi ko pinapanood si Gloria. First time kong nakitang nagsalita ang ungas doon sa pelikulang ginawa ni Erap na binawal sa Pilipinas. Yuck, nakausli ang ngipin kapag nagsasalita!
Naalala ko tuloy iyong isang pilipinang nahuling nagshashabu na ako ang naging tagapagsalin (interpreter) niya nang iniimbestigahan siya sa pulis. Taga Pampanga din na sa kaaarte, lahat ng may “p” at “b,” nagiging “f” at “v.”
Tama ka, matagal na kaming wala sa Pilipinas, mahigit 40 taon. Variety show sa US at UK lang ang pinapanood ko paminsan-minsan kundi balita sa wikang hapon, ingles o espanol mula sa CNN, NBC, BBC, Sky News, etc. Balitang pilipino binabasa ko na lang sa Malaya at Tribune online.
Pelikulang pilipino, hindi ko rin masyadong type. Napipilitan lang akong tignan para sa bago kong proyekto. Suyang-suya ako doon sa hindi na maalis na colonial mentality ng mga pilipino. Noong maliit ako, iyong mga mayayaman sa pelikula depicted ni Etang Dicher na nanay ni Panchito na pakastila-kastila na noon ay simbulo ng high class kuno sa lipunang pilipino. Ngayon naman paingles-ingles.
Iyong mga abang pilipino, ginawang bobo sa ingles ngayon at kastila noon. Wala niyan sa Hapon o UK, at maging doon sa Pransya halimbawa. Bakit hindi iyan pinapairal at itaguyod sa mga pilipino na mahalin ang sariling kanila? Nakakatayo talaga ng balahibo iyong mga nagpipilit huwag maging pilipino sa sariling bansa nila.
Iyan din ang impression ko doon sa balitang bank guaranteee na hinihingi doon sa Vietnamese exporter ng bigas, Tongue. Halatang-halata na may kurakutang gagawin sa importation ng bigas na ito. Buti na lang nakaramdam ng lokohan iyong Vietnamese at umurong.
Noong panahon ni Marcos, maraming garapalang deal din lalo na sa logging pero mas grabe ngayon. Palusot pang economist daw si Boba. Economissed, Yes! OK, ito a, Chi!
Yuko,
Tongue coined it. The first time he used the word “economissed” for Gloria’s ‘missing’ economics, I often used it na to describe Gloria’s kapalpakan as doctor of economics daw.
Ngayon naman ay ‘ekla’ for Eclarin’s kind.
Ekla for Eclarin! :-DD Eklang-ekla iyong sipsip!
Naalala ko tuloy iyong kaibigan kong nasa UK na nakatira. Buti na lang doon siya pumunta at hindi sa Pilipinas. Pangalan kasi niya “Taeko” na ang ibig sabihin sa wikang hapon sa totoo lang ay “Child of Many Blessings.” 😛
Nakayuko ang palay tila ba naghihintay ng KARIT at KAMAO, sulong uring magsasaka..!
Totoo palang umangat ang economy natin kasabay ng paglaki ng inflation. Lahatlahat ay nararamdaman ang pagtaas ng presyo ng lahat.
Anong umangat ang economy ng Pilipinas. Lastog talaga si Gloria Dorobo. Nagugutom na ang mga pilipino, puro paporma pa rin. Tarantada talaga. Point is hanggang kailan ba magtitiis ang mga pilipino. Iyang talanding iyan pati ibang lahi tinuturuang mangurakot. Kaya nga iyong JPEPA, mismong mga hapon galit na rin na isinusulong ng garapal na iyan. Gusto lang nilang i-approve ng mga hapon iyong mga hindi naman mga qualified na caregiver na puedeng maging Japayuki pag nakakuha ng visa.
Puede ba sipain na ang economissed na iyan. Ang kapal pa ng mukhang magpa-photo-op. Grrrrr!
chi,
Yung mga brokers at forwarders ko alam kung sino ang hari ng bigas sa pier. Sabi nga nila, “Magpasok ka na ng armas o shabu sa pier, huwag lang bigas”. Mabigat ang kalaban diyan. Kung gusto ninyong patunayan, alamin ninyo kung ilan na ang natanggal na empleyado sa Customs sa smuggling ng bigas. May nabalitaan na ba kayong natanggal dahil sa smuggling ng drugs? Ng baril? Yung mga righthand drive na kotse at mga sportscars, may natanggal na ba?
Pero pagka bigas ang pinakialaman nila, siguradong bukas na bukas din, sipa sila! Mabigat yata ang kalaban. Mga 200 lbs. yata.
Alam ba ninyong minomonitor ng mga Asean governments ang mga borders nila na baka makalusot ang mga bigas? Dahil sa laki ng alok na presyo ng Pinas, natutukso ang mga traders na paikut-ikutin yung stocks sa mga bansang Cambodia, Laos, Vietnam at Thailand. Pag nakakita ng butas ii-smuggle yan sigurado sa Pinas.
Sino ba naman ang hindi manghihinayang sa $1000-$1400 per MT samantalang ang bentahan nila ngayon ay nasa $500-$700 lang? Sino’ng hindi made-demonyo sa dobleng presyo ni Gloria? Evil bitch talaga!
Kung walang maglalakas ng loob na itawid iyan papuntang Pinas, pi-pickup-in siguro ng mga Greedy Group Plus Plus para hakutin lahat papunta dito, doble pa ang tubo! Maraming mga barko yung isa, yung isa naman kontrolado ang mga pier, sagot ng Capo ang Customs, presto! Kwartang malaki!
Yuko: “…lahat ng may “p” at “b,” nagiging “f” at “v.”
Kaya pala minsan akong nag-judge ng Miss Pasay City Gay Pageant sabi nung isang contestant: “I joined this contest so that my vyuti farlor will vee fofular to the feefol of Fasay City.”
Defutang vading yon! May singaw magsalita hindi naman bungi!
Tongue,
All in the family ang mga hari ng smuggling.
Kaya ba out si Gary Teves at in si Recto?
Maraming barko yung isa, kilala yan!
Kontrolado nung isa ang mga pier, kilala yan!
Capo ng Customs, kilala yan!
Kaya ang sabi ng pResident Evil ay “take it or leave it”!
chi,
Yang mga positioning na yan sa cabinet mukha talagang pang-Senate 2010 na nga yan. Matunog nga si Recto pamalit kay Teves, si Oreta kay Lapus, ngayon itong si Winston Garcia, tinatarget ang Meralco dahil wala siyang isyung masasakyan. Senatoriable din daw si Garcia, naletse na.
Si Fernando, pinalalabas na interesado kuno sa presidential kaya naglipana ang poster ng pangit niyang mukha sa EDSA, pero Senado lang talaga ang target niyan. Pati yata si Teodoro, pipilitin mag-senador para mabakante para kay Esperon ang Defense, naloko na.
Si Yap, ginagawan ng paraan para magmukhang “hero” sa rice crisis, senado rin ang hina-hunting niyan.
Magandang line-up yan, para kay Gloria. Isama pa niya si Angelo Reyes at Lito Atienza. Ang dapat itawag diyan sa Admin ticket: Kangkungan Coalition. 12-0 pabor sa oposisyon.
Tongue,
Puro trying so very hard ang mga personalidad na yan. Puro sila mga ewan!
Kahit si Recto ay hindi mauulit na maging senador. Gagalugarin muli ng ate ko ang apat sulok ng bayan namin para walang boboto kay Recto. Kahit nga Vilmanians pa ay kuha ng ate ko. Galit na galit si ate sa EVAT ni Recto.
Si Winston, hanggang Republic of Cebu lang.
Si Yap mukhang engot na tsekwa, walang dating! He advised pinoys to eat only a half cup of rice, ibabalik sa kanya ang cup na walang laman!
Si Fernando, ano ba iyan…always keep on dreaming!
Si Oreta naman ay nagtampo lang ibinenta na ang prinsipyo. Nasaan na ang love team na si Tito?
Si Angie, papatayin siya ng mga Erapians.
Si Lito, kilala ba siya sa Pinas kundi taga-hilamos ni Pakyaw?
Kumpleto ang line up ng Kangkungan Coalition kung kasama si Asspweron.