Skip to content

Mukhang bumibigay

Mukhang ginagapang ang driver ng Starex van kung saan nangyari ang rape ng isang 22 taon na dalaga ng anim na Amerikanong sundalo noong Nov. 1 dahil umiiba na ang kanyang sinasabi.

Sa kanyang huling pahayag sa TV, sinabi ni Timoteo Soriano, ang driver, na hindi raw niya nakita ang rape. Wala raw gang rape at hindi raw niya sinabing gang rape.

Iba ito kaysa unan niyang sinabi na nakita niya ang rape at narinig pa niya ang apat na nagsasabi, “Go, Smith, Go” habang hinahalay ang dalaga.

Dati sinabi niyang halos hubad ng ibinaba ang babae sa tapat ng opisina ng Subic Bay Metropolitan Authority. Hindi rin raw niya nakitang hubad na hubad ang biktima. Ang nakita raw niya ay nasa tuhod.

Kahit na sinasabi ng mga prosecutor at ng VFA commission na hindi masyadong maka-apekto sa kaso na isinampa laban sa anim na Amerikano kung magiging malusaw ang testimony ni Soriano, makikita natin dito na may ginagawa para humina ang kaso.

At sino naman gagawa noon kung di ang mga kakampi ng akusado. Sila ngayon ay nasa custody ng U.S. Embassy.

Kahit sinasabi ng U.S. officials na nakikipag-cooperate sila sa Pilipinas para sa ilalim ng Visiting Forces Agreements sa masasabi nating pinaka-seryoso na paglabag ng batas sa Pilipinas ng bumibisitang mga kanong marines, hindi malayo na gagawa silang paraan para hindi maparusahan dito sa Pilipinas ang kanilang mga citizens.

Hindi natin maalis sa kanila na protektahan ang kanilang kababayan. Karapatan nila yun. Kaya dapat ang ating pamahalaan ay ganoon din ang gawin sa nahalay na Pilipina.

Mabuti lang magaling ang mga opisyal ng SBMA, si Chairman Feliciano Salonga at Adminsitrator Armand Arreza. Kahit anim na linggo pa lamang sila sa kanilang pwesto napag-aralan nila ng husto ang VFA kaya alam nila ang ating mga karapatan.

Sa loob ng 24 oras, natuntun nila ang van at ang driver at nakakuha ng mga magiging ebidensya na magpapalakas ng kaso ng biktima.

Ang kailangan ngayon ay suporta ng taumbayan.

Published inWeb Links

1,242 Comments

  1. Email from Orlando:

    Panawagan po lamang sa ating mahal na Pangulo. Nais po lamang naming itanong sa inyo kung kayo ay isang BABAE or isang INA. Nanaisin po ba ninyong magahasa ang inyong mga anak or apo? Magsasawalang kibo na lang po ba kayo? Akala po ba namin, kaya kayo ibinoto ng mga pilipino dahil likas ang inyong talino at tapang at makabayang tao? Bakit po yata puro politika na lamang ang laman ng isipan ninyo? Natutuwa po ba kayo sa mga nangyayari ngayon? Ito po ba ay inilaan ng DIYOS, kapalaran ng mga Pilipino or gawa gawa ng mga politikang namamayagpag at nagsasamantala sa kaban ng bayan? Isang munting isyu na pag-uusapan upang mapawi ang tamang isyu ng ating bayan? Sana naman ay magkaroon ng takot sa DIYOS ang mga nasa likod nito.Sana ay makarma ang may sala at nasa likod ng mga ito. Patawarin ako ng DIYOS pero ipapanalangin ko na sana ay magdusa at parusahan silang lahat.

    ORLANDO
    Ng San Diego

  2. Email from Lucio Novabos:

    Ms Ellen Tordessillas,
    Abante Online

    Sa nangyari po sa kaso ng panggahasa diyan sa subic, kami po dito sa Middle East ay nag subaybay sa mga pangyayari sa
    sa kasalukuyang imbestigasyon sa kaso na yan, kahit papaano, nakakainit din sa tainga ang nangyayari sa sarili nating bayan
    ay winawalang hiya ang mga kababaihan natin ng mga hayok na mga sundalong amerikano nayan!!!! Talagang hindi katanggap-
    tangap ang mga asal ng mga sundalong iyan, parang bang mga canibal…. binababoy nila ang babae natin, kaya lang dapat
    ma resolva kaagad yang kaso nayan, at condemn ang mga criminal at mapatawan ng pina kamabigat na parusa….

    Pero, itong mga palabas sa local telebesyon diyan sa atin, at napanood din namin dito, ang mga babaeng mga performer diyan
    na nag show, ay palagay namin isa rin yan sa “contributing factor” siguro sa ibang mga tao kaya nakakagawa ng karumaldumal na
    pangrape, biro mo ang mga performer nila diyan ay halos i luwa narin ang katawan, halos lawit na ang ibang parti na masilan, itoy
    nakaka impressed din ng mga rapist, dapat itoy ipagbawal sa kadahilanan na itoy masama ang impak sa sa mga kababaihan natin
    at hindi na igalang ng iba. So para sa amin ang mga palabas na iyan dapat ay ipagbawal na.

    Concerned OFW’s

    KJO Khafji- KSA

  3. Hindi ako sangayon sa mga – kuro-kuro at muni-muning pinapahayag dito.

    Una, kung ang mga kano ay gagawa ng “kalokohan na labag sa batas”, tulad ng minumungkahi dito…HINDI GANOON KADALI MABISTO ANG MGA KANO…Malinis magtrabaho sa kalokohan ang mga GI Joe, lalo na. Iniisip pa lang ng pinakamahusay ng mangsisiyat na Pinoy, nakalusot na ang Kano. Kung tutuusin lang ang katotohan ukol sa galing sa “kalokohan”…ang Pinoy ay “wala sa liga ng Kano.” Mayadong malayo. Nasa ibang mundo, ika nga.

    Pangalawa, totoo at ako ay sangayon sa obserbasyon na ang America, talagang maski saang lupalop ng mundo nandoon ang kanilang mamamayan (citizen)…may polisa…PROTEKSYUNAN ang bawat isa. Sa totoo, may kasabihan…”Ang kano, madaling goyoin…mistulang napakasimpling bolahin…At iyan ay may katotohanan (ngunit, may hangganan)” PERO PAG ANG ISANG BANYAGANG NATION AY NAGKAMALING SAKTAN ANG ISA NIYANG MAMAMAYAN…MASKI ISA LANG, (maski na ang mamamayan na yun ay “walang kwentang tao” – as in “bum”, at “mababang klaseng indibidwal…tangina…malas ka…sapagkat, walang halong biro..talagang uusigin ka ng gobyernong Estados Unidos…AND YOU BETTER BELIEVE THAT…or bilibid or not ka!”

    Pero para gumawa ng COVER UP, tulad ng minumungkahi dito…NO WAY, JOSE. Hindi istyle Kano yan. Ganyan magisip ang Pinoy. Hindi ganyan magtrabaho ang Kano.

    Hindi rin ako “impress” sa mga “gilas” na pinapakita ng mga Pilipinoopisyal ng Subic, sa pagiimbestiga. Yan ang sakit ng mga Pinoy opisyal (lalo na mga opisyal na mahilig sa pulitika, or mamolitika). Ganito din ang pula ko sa Ginang President, sampu ng kanyang mga Kabinete na dapat umaalalay sa kanyang mga pananalita sa medya at publiko.

    ANG PRESIDENTE HINDI DAPAT MAKIHALOBILO SA MGA PAGANUNSYO NG PAGULI SA MGA KRIMENG LOKAL. LALO NA ANG PA-PHOTO-OP, PHOTO-OP NA MGA KATARANTADUHAN. PWEH!!!! (Hindi ko sigurado kung kaninong ideya ang istyle for pogi points na ito…pero suspecha ko kasali yung isang PR-handler niya, yung si Dante Ang…siguro! Teka, bakit tahimik bigla yung mama?)

    Ganoon din ang aking paniniwala, sa “lokal level”…Pabayaan natin ang NBI, ang Pulisya ang magimbestiga. At magpahayag ng kanilang “findings”. Bakit sila Salonga at Arreza ang pumi-picture? Dahil nangyari sa Subic??? Mali yan! Pag dating sa tunay na litisan yan…sigurado ko…as in sigurado – “anything and everything that they have said, can and will be used …to protect the defendants”….Banat ng banat, dakdak ng dakdak…hindi nila naiintindihan…pag may kasong tinatawag…in process – ‘subjudice’ – DAPAT TAHIMIK KA.

    Napansin ba ninyo ang mga sagot ng mga Kanong opisyal na kasali sa imbestigasyon? “NO COMMENT”. (Ano ang masasabi ninyo tungkol kay yumaong senador Gene Magsaysay?)-Ganoon din ang epek on da pekpek ng posisyun ng mga kano. Tandaan natin, sila ang nagimbento ng “democratic, judicial process, rules and procedures…” Ang Constitution ng Pilipinas, sampu ng karamihan ng ating batas ay “kopya” lang sa mga batas ng mga Amerikano. Kaya dapat, easy-easy lang tayo sa mga banat! Hindi nadadaan sa “emotion” ang kano, pagdating sa tagisan ng talino at galing sa larangan ng hustisya. MADAMI PANG PERA pangtustos ang mga yan!

    LAMPASAN NATIN ANG EKSENANG BINABATIKUS NATIN…ika nga, move forward, fast. Halimbawa, magkaroon ng tunay na litisan. Sa Pilipinas. Ano sa palagay ninyo ang magiging resulta? Halimbawa, talagang nangahasa. MAKULONG KAYA?

    Merong mga kaso sa Pilipinas na natatandaan ako…kasong pangagahasa…NOONG UNANG PANAHON PA ITO. Maggie de la Riva. Artista. Ahente ng Seguro – sideline. Maganda. Mahusay ang pagkatao at pinangalingang pamilya. Ginahasa.
    Nahuli ang mga rapist. Kulong. Bitay. Salamat kay Judge Paredes. Natatandaan ninyo siguro ang rapist…mayaman ang pamilya, taga La Salle yung isa…Jaime Jose! Yung isa naman anak ng Police Chief ng Pasay si Boy Pineda. Meron pang pangatlo…hindi ko matandaan ang pangalan. Bitay lahat. Magaling yung mga manglilitis nuong unang panahon.

    Tulad ng pumatay kay artistang Lilian Velez (mother ni Vivian) – yung si Narding Anzures (ba?)- kulong, namatay sa kulungan. Nuong unang panahon yun.

    Teka, bakit si Muck Farcos? Convicted sa lower (trial) courts…absuelto sa Supreme Court? (sabi ng ibang legal minds, aba, based on newly admitted ebidens…mali yata..dahil ang Supreme Court ay dapat “legal interpretationof the law, or definition of the applicable law lang”…kasi ang Corte Suprema walang jurisdiction or authority magpasya ng ebidensya)…Pero, ibang usapan na ito. Nababangit lang…para ipakita ang maraming kakulangan natin sa “saligang batas”.

    Eh ngayon, ano? Ano ba ang nangyari kay pedophile, statutory rapist na si Jalosjos? Eh Congressman pa ba? Nakakulong ba? Anong klaseng kulungan? Teka, buhay pa ba? Eh yung bata na linapastangan, ano ang nangyari?

    Eh bakit si Jinggoy napawalang bisa ang kaso. Tumakbo sa Senado. Panalo. Walang nangyari sa plunder case na hinain sa kanya? Walang kibo na din ang medya. Bakit?

    Ngayon balik sa tanong. Halimbawa sa Pinas litisin ang kaso ng mga “Kanong nangahasa ng Pinay”…ano sa palagay ninyo ang mangyayari? Sa totoo lang? Pakinggan natin. Ako ay magmamasid.

    Pepeton

Leave a Reply