Skip to content

Takot ang guilty

Halatang malaking kasalanan ang kanilang ginawa sa bayan kaya takot na takot itong mga alagad ni Gloria Arroyo sa pagpatuloy ng Senado ng mga imbestigasyon tungkol sa iba’t-ibang katiwalian sa adminsitrasyong Arroyo.

Nangi-nginig na ang kanilang tumbong pagkatapos magdesisyon ang Supreme Court na labag sa Constitution ang E.O. 464 na pinalabas ni Arroyo na nagbabawal sa mga kawani ng pamahalaan na magsabi ng kanilang nalalaman sa Senado para makatulong sa paggawa ng batas.

Sa ating Constitution, pantay ang executive, legislative at judicial departments. Iyon ay para magbantayan sila at maiwasan ang pang-aabuso ng isa. Ang ginawa ni Arroyo ay linagay niya ang sarili na mas mataas kaysa legislative at judiciary. Ginawa niya ang sarili niyang reyna.

Ang problema, hindi monarchy ang Pilipinas. Demokrasya ang sistema ng pamahalaan dito. Maraming dugo at buhay and nabuwis para sa demokrasyang tinatamasa natin ngayon.. Mabuting lang nanindigan ang Senado sa pamumuno ni Senate Franklin Drilon. Hindi katulad ni House Speaker Jose de Venecia na sunod-sunuran kay Arroyo.

Ang alalang-alala ngayon ay ang mga miyembro ng military na sangkot sa pandaraya para panalunin si Arroyo noong 2004 elections. Ang mga nabanggit sa Hello Garci tapes ay sina Army Chief Hermogenes Esperon, Southern Command chief Gabriel Habacon at marami pa.

Ito namang si Navy Chief Mateo Mayuga ay maaring masabit na rin sa cover-up dahil sa ginawa report na nag-absuwelto sa mga opisyal na sangkot sa pandaraya.

Maari na ngayon tawagin si Mayuga sa Senado kasama na sina Esperon, Habacon at iba pa. Hindi natakot humarap sa Senado sina Brig. Gen. Francisco Gudani at Col. Alex Balutan. Bakit matakot sila kung wala silang kasalanan?

Ang isa ring takot na takot siguro ngayon ay si dating Agriculture undersecretary Jocelyn (Joc-Joc) Bolante, malapit na kaibigan ni Mike Arroyo na siyang nagwaldas ng bilyung-bilyong pera para sa mga magsasaka.

Ang laking pera ang nawawala na sinasabi ng mga testigo ay may kinalaman si Bolante. Maliban sa P720 milyon na para sa abono, nabulgar na ang perang na-recover ng pamahalaan sa mga ninakaw nina dating Pangulong Marcos ay nawawala rin.

Ito ay nangyari bago ang eleksyon noong 2004. Ngunit hindi ako maniniwala na lahat ay ginamit sa eleksyon. Ang laking pera ang sangkot. Bilyun-bilyon. Siguro, malaki ang pumunta sa bulsa ng mga garapal sa Malacañang.

Dahil wala ng bisa ang E.O. 464, baka pwedeng malaman na ng sambayanan kung saan at kaninong bulsa napunta ang perang yun.

Published inWeb Links

71 Comments

  1. E-mail from Ashley B:

    Hello pwede bang mag bigay ng koment sa inyo lahat na kalaban sa atin pangulo?

    Una, lahat ng mga senador kung pwede sila na lang ang umalis sa puesto nila at mga congressman sila ang mga currupt na tao tapos ibabaling sa ating pangulo ayaw nila ipasa yun parliamentary form of goverment dahil mawawalan sila ng currupt.

    Mas maigi pang wala ng mga senador at congressman sa atin bansa dahil sila ang pang gulo dhil sa kanila lumala ang ation ekonomiya dahil sa kanila .

  2. goldenlion goldenlion

    Excuse me Ashley B!! alis dyan. Bobo!!. Ellen, panahon na para mag-isip-isip si gloria at lahat ng kanyang mga alipores. Sa malaon at madali ay lalabas ang katotohanan. Hindi na nila pwedeng pagtakpan ang kanilang mga pagsisinungaling, pandaraya at pagnanakaw. Ito na rin ang tamang panahon para kay gloria na magdesisyon kung anong makakabuti para sa bayan at sa kanyang sarili at pamilya. I repeat, she 3 options: resigned, be ousted ( it could be bloody), or mag-suicide siya. Sa character ni gloria, na hindi umaamin ng mga pagkakamali, mataray, plastik, may tendency siyang mag-suicide…para matakasan ang lahat ng salimuot sa buhay niya. Thanks God, dahil ang mga miembro ng Supreme court sa ngayon ay medyo naiiba ang mga damdamin at pagpapasiya, hindi katulad noon si Hilarious Davide pa ang andoon. Si Davide ay taksil sa bayan. Pagsisisihan nila ang lahat. Magiging batik sila sa kasaysayan ng bansa. Time to go…….gloria…go liar!!

  3. jundelprado jundelprado

    sana ay maging mahinahon tayo sa pagpapalitan ng kuru-kuro … hindi ako naniniwalang bobo si ashley … maaaring “mis-informed” lang siya … ngayon, kung “well-informed” naman siya, hindi pa rin siya bobo kasi ang “logical” lang na paliwanag sa kanyang paninindigan ay dahil nakikinabang siya o ang mga taong malapit sa kanya sa pagkaka upo ni gloria … kailangan din natin si ashley kung magbabago siya para magupo ang isang mala-diablong rehimen

  4. jinxies jinxies

    25 April 2006

    Ms. Ellen,

    Its correct to say that pro-gloria are now afraid of being grilled in the senate after the SC declared (partial) the EO 464 unconstitutional, although, right now, even the PNP hierarchy are saying that they will still get the nod of the leprechaun to attend such heraring/s conducted by the senate.

    If you have heard the news lately, Mr. Zul of Voltes V, aka raul gonzales, the DOJ filed rebelion charges on 46 individuals, including former senator honasan, the HOUSEmates, cong. beltran and others, if that is the case, what do they call what they did in 2000 and 2001, when the removed the duly elected president erap then???

    If that is the case, they should have filed a case against those individuals who are reight now holding key positions in this administration, including gloria, mike defensor, guingona, pimentel, angie reyes, de venecia, drilon…. include mo na rin si cory and si fast eddie ramos.

    The only way for our country to get out of these mess is for a snap election. why is gloria and her clowns afraid to call a snap election???If they truly beleive that gloria won the election fair and square, why not call snap election to settle everything once and for all. And, whoever wins the snap election, we have to support him/her.

    jinx

  5. Mga Kaibigan hindi naman BOBO siguro si Ms. Ashley. Siguro TANGA lang.. (ooppps sorry) ang layo kasi ng sinabi mo Ashley eh. OO magnanakaw ang Kotongress dahil sila ang alagad ni Gluria magnanakaw eh. Ash-ley mag isip ka muna bago ka mag comment para hindi naman malayo ang sinasabi mo. Ayan nasabihan ka tuloy na “BOBO”…. hindi naman siguro ano. Tanga na lang….sorry

  6. leo leo

    Hello Asley B. ikaw ba iyan? galing mo nmang mag salita’ para kang ano ha!!! tandaan mo kung hindi dahil sa mga Senador at mga Cngressman na pinapaalis mo ngayon e walang katotohanang lalabas sa mga pag-nanakaw, pandaraya, pag-abuso sa kapangyarihan, at iba pa. e ikaw pala ang ayaw sa katotohanan e’ siguro dapat na piliin mo ung mga Senatong at mga Tongressman na gusto mung paalisin na sa puesto’ pero huwag naman ung ating mga matitinong mambabatas, na nag hahanap ng katotohanan at kaayusan para sa ating Bayan. Pero God bless parin sa iyo’ sana Bigyan ka ni Lord ng kalinawan ng isip, para makita mo ang tama at maling nangyayari sa ating bansa. ang sabi nga ni dating Senator Jovito Salonga’ Madaling mapagod ung gumagawa ng Kabutihan, pero ung gumagawa ng kasamaan e walang kapaguran’, saan ka ba diyan Kabayan? nag tatanong lang . Thanks Ellen, God bless Our Country & the Filipino people.

  7. ellen

    this is out of topic, pero medio
    mainit pa ito. pasensiya na po.

    Yesterday’S NEWS from the Philippine Daily Inquirer:
    “Manila police best Metro anti-riot force “

    “THEIR FREQUENT face-offs with protesters, especially those trying to set foot on the Chino Roces (formerly Mendiola) bridge for the past months, have finally paid off.

    “For the first time in four years, members of the Manila Police District topped the National Capital Region Police Office’s civil disturbance management (CDM) competition held at the Quirino Grandstand in Rizal Park, Manila yesterday morning.”

    After reading this news, I thought:
    IN THE PHILIPPINES, THOSE WHO FLAGRANTLY
    VIOLATE THE CONSTITUTION ARE AMPLY
    REWARDED AND RECOGNIZED

    Today’s NEWS also from the Philippine Daily Inquirer:

    “SC declares Calibrated Preemptive Response unconstitutional “

    “The so-called CPR policy has no place in our legal firmament and must be struck down as darkness that shrouds freedom. It merely confuses our people and is used by some police agents to justify abuses.”

    WHO WERE THE WATCHDOGS ORDERED TO ANSWER FOR THE CPR:

    Executive Secretary Eduardo Ermita, Defense Secretary Avelino Cruz Jr., Interior and Local Government Secretary Ronaldo Puno, Armed Forces of the Philippines Chief of Staff General Generoso Senga, Philippine National Police Chief Arturo Lomibao, PNP-National Capital Region Police Office Chief Vidal Querol, Manila Police District Chief Superintendent Pedro Bulaong, and Manila Mayor Lito Atienza.

    Haven’t the fake president and all the above committed a crime that should put them behind bars? Can the fake president be impeached? Should not any impostors, or usurpers
    of authority deserve the treatment reserve for common criminals?

    The cases filed by r david and others against
    the hoodlums in uniform should not be allowed
    to die a natural death.

  8. anna de brux anna de brux

    Ellen,

    I’ve just read that DoJ chief wants student “heckler” probed (http://news.inq7.net/breaking/index.php?index=1&story_id=73705)

    The Inquirer reported that Maria Theresa Pangilian, the student who stood up and called for the ouster of President Gloria Macapagal-Arroyo during graduation rites at the Cavite State University will be investigated upon orders of Justice Secretary Raul Gonzalez.

    The news report said that insane DOJ chief Gonzalez said a crime was committed Maria Theresa Pangilinan stood up and shouted “Oust Arroyo” and carried a banner to express her opposition to Charter change.

    What the friggin F**K is DOJ Chief mouthing here? Has he gone starking mad? Or is he merely executing some spurious, illegal Gloria policy to stop freedom of expression and legitimate dissent? Is DOJ siRAULo Gonzales hellbent on intimidating future young dissenters? I say, send the friggin Gloria mouthpiece to the south and ask him to hunt JI terrorists there instead!

  9. Dirk Pitt Dirk Pitt

    ADB
    Huwag na tayong masorpresa diyan kay siRAULo Gonzales, kaya lang wala yatang limitasyon ang paghalik sa p____ ni gloria.

  10. anna de brux anna de brux

    Dirk,

    I guess you’re right but we should actively support this young girl when siRAULo decides to do it.

    She will need money to pay lawyers’ fees to defend her.

  11. timangismyname timangismyname

    yes, definitely, she will need money for the lawyer’s fees. one of us should think now of raising funds for her legal fees, just in case. sama ako dyan, okay?

    patawarin ako ng Diyos pero bakit kaya sa dinami-dami ng taong namamatay sa mundo di pa isama ni Lord itong siraulong matandang pangit na kirat pa yata ang kaliwang mata na naturingang sec of INJUSTICE. bumabaliktad ang sikmura ko pag nakikita ko ang pagmumukha nyan sa TV. hoy, mga kamag-anak ng siraULONG GONZALES, DI BA KAYO NAHIHIYA SA GINAGAWA NG KAMAG-ANAK NYO, LALO NG PAMILYA NIYA. nakakaharap pa ba kayo sa ibang tao, o sa inyong mga tinatawag na kaibigan? can you still hold up your head and look straight at other peoples’ eyes? mabuti na lang di ko kamag-anak ang mayabang na matandang ito na akala mo kung sinong hari na naka-upo sa trono niya kapag ini-interview ng mga reporters at feeling niya hawak niya ang mundo. PWEEEEE!!!! this siRAULong GONZALES makes me sick! change topic tayo, nakaka-high blood !!!

  12. Tedanz Tedanz

    Ano pa nga ba asahan mo sa isang PEKENG PANGULO E DI PURO PEKENG BATAS. Bakit umabot pa hanggang ngayon yang mga batas na yan? Sana noon pa e na-awat na. Sa dami na ng naapektuhan sa mga illegal na batas na yan. Dapat lang na alisin at ikulong na yang GLORYANG yan kasama na ang mga kalaguyo niya. Sorry na lang MIKE, igsi daw iyo.

    PEKE na ang PANGULO puro wala pang alam mga alalay niya. Puro urong sulong ang mga yagbols nila kasama na si “Magandang Pagkakaperahan ang Isang Bise … Bayan”. Pag nawala na yang Noli na yan, puwede ba paki-audit lang yang taong yan …. hindi kasi mapagkakatiwalaan yan. Makita ko lang ang mukha ng P.. Inang yan, sira na araw ko.

    Inaayos na raw nila ang mga nakaw na pera nila Pres. Marcos at Cojuangco. Gusto na nilang makuha ngayon para may pagparte-partehan na sila kaysa mapunta pa sa iba. Sira na rin lang ang mga pangalan nila kaya lubus-lubusin na nila. Para pagtakas nila sa ating Bansa may madadala sila.

    Mga ka-kosa tatanong lang ako, bakit ang mga Generals ni Glorya ay medyo ini-iwasan si Querobin? Takot ba silang galawin ito? Siguro alam nilang may bayag ito.

  13. Emilio Emilio

    Binabansagan na isang DESTABILIZER ang lahat ng taong naghahanap ng katotohanan sa lahat ng mga kapalpakan, pagnanakaw at pagsisinungaling ng pamahalaang Arrovo.

    Pakawala siguro ni Bingot Defensor iyang si Ashley B kaya ayaw magpa-register sa blog site ni Ms. Ellen – mahahalata siya. Ashley, isa ka rin ba sa kanila na nagbubulag-bulagan sa mga nagaganap sa kapaligiran. Kung wala ang mga magigiting na Senador at oposisyon na mga Congressmen ay siguradong mas matindi o mas malala pa sa nararanasan ng mga karamihan na kababayan nating Pilipino.

    Payag akong mag-ambag ng kinakailangang halaga kung dumating man sa puntong kakailanganin ni Ms. Maria Theresa Pangilinan sa laban niya kay Secretary of (IN)Justice. Susubaybayan ko ang mga pangyayari.

  14. timangismyname timangismyname

    tedanz, malay mo baka mismo si bingot defensor ang ashley b. na yan. bagay yung pinili niyang user name–ASSley B. as in Bingot, as in bastard? sigurado ako, si bingot yan. parehong-pareho ang line of defense nila sa amo nilang si gloriang pandak. ganyang-ganyang magsalita yang bwisit na yan kapag ipinagtatanggol ang amo niya.isa pa yang nakakasuka ang pagmumukha. gusto kong batuhin ang TV namin pag nakikita ka yan at saka si siraulong gonzales. on second thought, they are not worth it. sayang lang ang tv ko. wala silang kakwenta-kwentang tao para pag-aksayahan ng panahon at sirain ang TV ko. PWEEEEEE!!! kahit murahin natin ng murahin ang mga yan, dedma yan kasi wala nang konsensiya at wala ng katinuan sa katawan nila. kampon na si satanas ang mga yan.

  15. Tedanz Tedanz

    Sabi ni Retarded Raul Gonzalez na may krimen daw na nagawa si Ms. Pangilinan at inutusan daw niya ang NBI na imbestigahan . PUNYETA, bakit hindi mo pa-imbestigahan yang ARROYO na yan sa ginawa niya sa mga tao. Yang si Ms. Pangilinan e isa lang ang naagrabyado niya e yang ARROYO na yan ILAN???????

  16. Tedanz Tedanz

    Lahat na lang ang gawin ng mga ayaw kay GLORYA ay MALI at agad pinapa-imbestigahan at lahat na ginagawa nila glorya & cO. ay puro tama. Mas masahol pa kayo kaysa noong kapanahunan ni Pres. Marcos. Pasalamat ka Raul at matanda ka na, konti na lang ang ilalagi mo dito sa mundo. Nakatikim lang kayo ng kapangyarihan, inabuso niyo na. Akala mo kung sino na kayo. ARROYO & Co., puwede ho ba umalis na kayo diyan sa Malakanyang, wala na hong pera ang aming Bansa, nakuha niyo na lahat. A meron pa pala, yong nakuha pala nila Pres. Marcos at si Cojuangco ba? Tanong ko lang sa inyo, bakit wala bang kinurakot si Ramos e yong kay PIDAL, yong kinuha niyo Gng. ARROYO at ang iyong mga kalaguyo NASAAAAAAN!!!!!!!! Bakit si MARCOS lang??????????

  17. Tedanz Tedanz

    Tandaan mo Tandang Raul, mas sisikat at makikilala si Ms. Pangilinan kaysa sa iyo. Yang si Maria ay makikilala na sinigawan niya ang Pekeng Pangulo harapharapan at pagkatapos nakipagkamayan pa. Ikaw, magagawa mo ba ang ginawa niya? Pati si Mike hindi niya magagawa ang ginawa ni Maria sa asawa niya.

    Ilang MARIA pa kaya meron ang Pinas??? Again, saludo ako sa iyo. Sana ipagpatuloy mo ang iyong magandang adhikain.

  18. luzviminda luzviminda

    Dapat kasi hindi na ini-interview yang siRaulong Gonzales na yan eh, pati na si Bulldog Defensor at iba pang alipores ni Arroyo tutal puro kasinungalingan lang naman ang mga sinasabi nyang mga iyan. Tama si Ma. Theresa Pangilinan. BASTUSAN NA LANG! Tutal binastos nila ang ating mga boto nuong 2004 eleksyon at patuloy na binabastos tayo ng mga nasa Administrasyon. At sa totoo lang…WALA SILANG KARAPATAN SA MALAKANYANG DAHIL SILA AY MGA PEKE!!!

  19. jinxies jinxies

    26 April 2006

    Accordingly, the SC ruled against the CPR, what does it mean???it means, two down one to go, in case the SC ruled, again, against the PP1017, its bye-bye gloria and her clowns, there’s no other way for her, but to call for snap election.

    They can say everything under the sun, but snap election is the only answer to solve the political impasse in the Philippines.

    As I said, I dont dance to the tune of chacha, baka tango pwede pa, hehehehehehe……

    jinx

  20. Mike Mike

    quote from goldenlion “panahon na para mag-isip-isip si gloria at lahat ng kanyang mga alipores. Sa malaon at madali ay lalabas ang katotohanan.”

    MATAGAL NANG LUMABAS ANG KATOTOHANAN AT ALAM NA NG SAMBAYANANG PILIPINO NITO, AYAW LANG NILA BANSOT AMININ KAHIT BUKING NA BUKING NA SILA SA MGA KALOKOHAN NILA.

  21. bongjr bongjr

    I pity Ms Ashley. This guy has alot to say but sad to sat that she was so careless in expressing her thoughts. She has a lot of hatred that shwe may have passed while writng and expressing her feelings. But of course, we have to understand this lady and not to demoralize her. Calling her BOBO or Tanga will no help. The speaker of TANGA and BOBO are those really tanga and bobob because they have no way to understand people mistake. Sana magsulat ka ulit Ms Ashley. Huag madiscourage Nice try lang at kapalan lang ng mukaha at sikmura dito. Para kang nasa kulungan din pag sulat mo dito. okey MS. Ashley.

  22. I may not agree with what you are saying but I will defend your right to say your piece.

Leave a Reply