Tama ang sinabi nina Dinky Soliman, dating Social Services secretary, at ang kanyang mga kasamahan na tinatawag Hyatt10 nang sila ay nagdesisyon mag-resign at hingi-in ang resignation rin ni Gloria Arroyo noong isang taon.
Sabi nila, ang lahat na desisyon ni Arroyo ay para lamang siya manatili sa kapangyarihan at hindi para sa kapakanan ng taumbayan. Kaya tuloy, ang isang bagay na mabuti sana ay nagiging masama. Paano kasi masama ang motibo.
Katulad na lamang nitong ng pag-commute niya ng lahat ng parusang kamatayan sa life imprisonment noong Sabado. Sobrang 1,000 na nasa death row ang masasalba sa bitay.
Hindi ako pabor sa death penalty. Naniniwala ako na walang karapatan ang tao na kumitil ng buhay ng kapwa tao. Hindi rin ako naniniwala na mababawasan ang krimen sa death penalty.Naniniwala ako na mababawasan ang krimen kapag maayos ang pagpatupad ng batas at ang pamamalakad ng bayan.
Ngunit ang aksyon ba ni Arroyo ay para sa taumbayan? Yan ba ay naayon sa batas na siyang katungkulan niyang ipatupad?
Tumbok ni Parañaque Rep. Roilo Golez ang isyu sa ginawa ni Arroyo: “Sa kanyang general commutation ng lahat na parusang kamatayan, inalis ng pangulo ang death penalty.
“Inagaw niya ang trabaho ng Kongreso. Ang pag-commute o pagpababa ng parusang kamatayan ay prilibiheyo na binibigay sa isang Pangulo. Ngunit sa paggamit nito, dapat ito ay nakabase sa masusing pag-aaral at ginagamit para sa mga kasong karapat-dapat.
“Ang tanong ngayon: pinag-aralan ba ang lahat na kasong apektado? Nirepaso ba ito ng Supreme Court, DOJ, legal office ng Malacañang at executive secretary bago ginawa ni Arroyo?
“O ito kaya ay kapritso na naman ni Arroyo at may bahid pulitika para makuha niya ang suporta ng simbahan na nagiging kritikal na ngayon sa kanya?
“Kung ito ay kapritso ni Arroyo at para lamang sarili niyang kapakanan, malaking dagok ito sa mga biktima ng krimen na siyang dahilan kung bakit nahatulan itong mga nasa death row.
“Kung ganoon, nilabag ng Pangulo ang kanyang sinumpaan na bibigyan niya ng hustisya ang bawat mamayan kasama na doon ang biktima ng krimen at ang kanilang mga pamilya.”
Hindi ako nagtataka sa pambabastos na naman ni Arroyo ng batas para lamang makuha ang suporta ng simbahan sa kanyang tagilid na administrasyon. Kaya lang naman siya naka-upo sa Malacañang dahil sa nilabag niya, kasama ng Supreme Court, ang Constitution. Sana na siya sa paglabag sa batas basta interes niya ang nakasalalay.
Ang tanong: kakagat ba ang simbahan?
Ellen,
Sa DAMI na kasi ng mga KASALANAN ni Gloria, eh ang akala niya mapapatawad din ang mga atraso niya sa pagko-commute ng death penalty to life imprisonment. Iyan siguro ang pinagnilay niya nitong nakaraang Holy Week. Medyo kino-konsiyensya siguro siya. Kaya lang hindi siya mapapatawad ng taong bayan sa mga PANLOLOKO at PAM-BABABOY niya sa ating mga batas at mga institusyon. At habang maiitim ang kanyang mga intensyon at balak ay patuloy na hinihila ang kanyang kaluluwa sa impyerno! Kasama ng kanyang mga alipores.
Sobra na siguro ang TAKOT ni Gloria. Dahil sa ORAS na siya naman ang LITISIN… ay TIYAK na DEATH SENTENCE ang HATOL ng Bayan!
yang unano na yan eh nag papacute lang sa simbahan para ma divert ung attention ng church na puro batikos sa cha-cha. at purihin naman sya sa kanyang ginawang kabayanihan….ano kaya ang gagawin ni arroyo kung yung anak nya ang pinag samantalahan ng limang lalaki at pinatay pa? i kocommute narin kaya ung mga taong yun?
Kailan ba pinag-aralan ni gloria ang kanyang mga hakbang?? Basta naisip lang niya gagawin agad. Ibinaba niya ang death penalty ng 1,000 bilanggo para suyuin ang simbahan katoliko. Ang tanong mo: kakagatin ba ng simbahan??. Sagot: OO naman, Sus!!! kailan ba naging matigas ang simbahang katoliko sa kanilang mga salita? Madalas ay malambot sila at madaling masuhulan. Nakakita na naman ng pain si gloria sa mga pari. Hay naku!!! Paano na kaya ang mga kamag-anak ng mga biktima ng mga nasabing kriminals?? Magdadalamhati ulit sila. Ang pagkakahati ng mga Pilipino ay tagos hanggang sa simbahan. Tingnan nyo, ang mga bishops ay hindi nagkakaisa sa paninindigan ukol kay gloria. Hindi ba malinaw na pinaiikot sila ng hari ng kadiliman??? Kung si Cardinal Sin nga lang ay buhay pa, sisigawan ko siya ng harapan at susumbatan ko. Siya ang nagsimula ng kaguluhan dito sa ating bansa eh. Ngayon, walang magawa ang kanyang mga alipores: cory, drilon, fidel, pati mga oposisyon na dati nilang kasamahan. Iyang Batasang 5, buti nga sa inyo, nagpagamit kayo ke gloria noong 2001, pagdusahan nyo. After all, malaki naman ang nahuthot nyo sa kanya. Sabi nga, magbayad ang me utang!!!
what gloria did was a plain disrespect to our law! imagine 1000….isa siguro pwede pa pero 1000…whew!
its a clear manifestation of ignorance and lack of wisdom.
Nag power-tripping lang si GMA. How much powerful can you feel when you are in control of somebody else’s life, literally?
18 April 2006
Tama ka luzviminda, takot na ang leprechaun, baka ma death sentence sya e, hehehehehehehe……….
Anyhow, its a way of forcing the rubber stamp-house of representaTHIEVES to pass a resolution remove the death penalty. These TONGressmen ni leprechaun will do almost everything to be in the good side of gloria. Take the case of noli “KAYABANG” de castro, boy, that man has no balls, pinagbawalan lang ni gloria na wag mag-ambisyon ng maging presidente, naging parang aso na bahag ang buntot. Is the way we want our leaders, those powers-that-be are behind all these things that’s happening to our country. Yet they want to change our charter, geeeeezzzzzz, if these people (mga trapos)will ran the government, nothing will happen.
jinx
Gloria’s motive is clear cut: stay in and hold on to power at all costs.
She knows she’s dead meat if she cannot illegaly thwart the will of the people to throw her out of her illegal occupation of Malacanang. She is a squatter and squatters can be moved out of squattered premises legally.
Civil Disobedience lang ang gamot sa Punggok na yan. Hawak na niya lahat, Militar, SC, Congress at baka yang mga pari ay susunod na sa kanyang mga yapak. Wala akong bilib kay Rosales hindi siya kagaya ni Cardinal Sin. Kaya baka ang Simbahan ay ibenta tayo sa Punggok na yan.
WALA BANG NAKAKAINTINDI SA PROBLEMA NATIN? HINDI ANG PORMA NG GOBYERNO NATIN, ANG PROBLEMA AY ANG MGA OPISYALES NA NAKA-UPO. BATA PA AKO NARIRINIG KO NA ANG MGA PANGALAN NG MGA BUWISIT NA YAN, GAYA NI DEVENECIA, PIMENTEL, DRILLON, ENRILE, BATERINA, AT MARAMI PA. HANGGANG NGAYON NANDIYAN PA. YANG MGA ANAK O RELATIVES NG MGA DATING OPISYALES GAYA NIYANG MACAPAGAL, ESCUDERO THE THIRD NA YATA TO, MAGSAYSAY, CAYETANO. ALAM NILA KASI NA MABILIS KUMITA NG PERA DIYAN, KONTING BUKA LANG NG BIBIG, MILYON NA ANG HALAGA.
Kaya ipagpaumanhin niyo, the best na naging Opisyal na natin siguro ay si President Marcos. Karamihan galit sa kanya noon dahil hindi sila makaporma hindi kagaya ngayon na talamak na ang corruption, harap-harapan pang nandadaya. Kagaya ni Marcos sila Gudani at Balutan, na gumawa ng tama, sila pa ang masama. Yong mga masasamang namamatay yon ang inililibing sa Libingan ng mga Bayani, yong gumawa lang ng tama ay dehins puwede. Kaya tayo nagkakaroon ng mga problemang ganito kasi tayo rin ang nagpabaya. Sa konting halaga lang tayo ay uma-ayon na. Konti man o malaking halaga ganon din yon. Kaya hindi uma-asenso ang Bayan natin.
UMASENSO BA ANG BAYAN NATIN NONG IBA NA ANG PRESIDENTE, HINDI DI BA? ANG SINISISI NILA AY SI PRES. MARCOS. PAPANO AASENSO ANG ATING BAYAN, E NONG NAWALA SI PRES. MARCOS, ISA ISA NA SILANG NAG-SIPUWESTUHAN AT KANYA KANYA NA RING KURAKUTAN. SUMABAY PA ANG MGA KUTING PATI NA ANG MGA LANGGAM, TAPOS SABIHIN NILA ….. SI MARCOS KASI.
Tedanz, agree naman ako sa lahat ng sinabi. TOTOONG CIVIL DISOBEDIENCE ang dapat mangyari sa bayan natin!
Sana naman ellen huwag maakit ang simbahan.( We pray together ok?) Huwag silang masilaw sa kaban ng bayan !
ano naman kaya ang dapat ikatakot nitong si Gloria kahit na ano pa ang gawin niyang labag sa batas eh nababayaran naman niya ang lahat gamit ang pera ng bayan. Sabagay kung tatanungin mo ang maraming bilanggo na nasa death row ay pareho lang ang kanilang kalagayan kahit na na commute ang hatol sa kanila dahil para ka na ring pinapatay ng dahan dahan sa kundisyon ng ating mga piitan.
Bilib na talaga ako kay Punggok, so what if she commute all Death sentences to Life imprisonment. What’s the big deal? How many heads are affected? Kumagat naman lahat. Ang problema ay siya, dinaya niya ang buong Bansa. Ini-iba lang niya ang isyu. Ganyan ng ganyan ang gagawin niya hanggang maimplement yong CHA-CHA niya o di kaya matapos ang term niya. Pinapaikot niya lang ang mga tao.
Ngayon ko lang alam na si BUNYE ay BAKLA pala. May crush pala ang buwisit kay ERAP. Ang Wishes daw niya kay ERAP ay good health and good looks. Ano ba yan?
Yan ba ang mga alalay ng Punggok, hindi kagalang-galang. Parehas lang pala sila ng amo nila. Si FPJ daw National Artist. Tapos binawi, tapos binawi ulit yong binawi. Ay naku, ano ba tong mga taong nang-hostage ng aming Bansa. NAKAKAHIYA KAYO!!!! TAPOS ANG INA-APPOINT PA AY YONG MGA TAONG MALAPIT NG HUMALIK SA LUPA!!! PAKIKUHA NA LANG PO SILA PANGINOON KO, SILA YONG MGA REJECTS MO!!!!!!
Doon naman sa MAYLUGA REPORT (sabi nila), si GALMAN pala ang may kagagawan lahat. Hindi ko alam na hanggang ngayon ganon pa din ang mga Military natin, BOPOL pa din …
19 April 2006
Tedanz,
HEHEHEHEHEHEHEHEHE…… relak lang, baka ma highblood ka, hehehehehehehehe…….we all agree that in order for the LEPRECHAUN and cohorts at the house of representaTHIEVES we forced them, the will of the people will prevail if we stand up and tell them that we are fed with them.
Civil disobedience is one form that we can force the leprechaun and noli “KAYABANg” de castro to step down and call a snap election.
I agree again, and in fairness tomarcos time, RP was doing well, and after the 1986, lahat ng mga talamak, biglang naglabasan.
The administration is like one segment in eat bulaga “LABAN O BAWI” hehehehehehehe, alam mo kung sino ang mga sex bomb nila??? sina BUNYETA, ERMITA, MIKE DEFENSOR, ROMULO, SALUDO, “THE GREAT YODA” at hindi pahuhuli ang mga representaTHIEVES sa KAMARA. (ngee imagine nyo sila habang gumigiling, nyahahahahahahahahahahahahahaha….. kakadiri)
jinx
FPJ has been crowned DA KING of Philippine Movies by his peers. Actor, Director, and Writer all in one and more.
If he is to be declared a National Artist, it is important that the one whose signature is needed to make it possible must be worthy of the man that is Fernando Poe, Jr. There is no question about the worthiness of FPJ but there are questions about the present tenant in Malacanang.
Let us defer awarding this honor to FPJ to a time when we have another head of state.
Correct ka dyan Mr. Ronquillo!!! Hindi rin ako sang-ayon na ang pipirma sa pagiging National Artist ni FPJ ay si punggok. Aba!! e di magiging peke din ang certificate ni idol FPJ. Akala siguro ni gloria, pupunta si Susan sa malacanang para kunin ang award ni Da King. Ha, ha, ha, ha, nananaginip ka gloria sinungaling, mandaraya at magnanakaw. Gusto mo lang magkaroon ng litrato kasama si Susan Roces!! Nungka!!! Mabuti pa gloria ay magphoto session ka at ang isama mo ay ang iyong mga bayarang artista: ai ai de las alas, boy abunda, kris aquino, jolina magdangal, isama mo rin si mikey arroyo na hindi pa sumisikat ay lumubog na (nadamay tuloy si LJ Moreno), at saka si Pacquiao. HAPPY BIRTHDAY kay President Erap. Sorry po, but i wish bunyeta a very sad birthday. Buwisit ka!!!
agree ako sa inyong lahat. may bagong bansag ako kay punggok–GLORYANG SQUATTER. di ba pekeng pangulo naman sya so squatter lang siya sa malacanang. and how do we get rid of squatters? eject them out kaya ganun ang dapat nating gawin sa pekeng pangulo at panggulo sa bansa natin–palayasin silang lahat sampu ng mga kamaganak niya at alipores doon!!!
Tinawanan lang daw ni Ermita ang hamon ni Erap na one-on-one snap election with gloria. Ako rin tatawa….Ha, ha, ha, ha,….Natural anong dapat gawin ng mga alipores ni gloria kung hindi tumawa na lang??? Takot sila, kasi kung papayag sila sa snap election, e di yari silang lahat!!! Sino bang boboto ke gloria?…..iyon lang mga bayarang generals at mga bulag na taga-sunod. ha, ha, ha, ha, ayaw nyo ng snap election, ayaw din mag-resign ni pandak, e di magsuicide na siya….tutal wala na siya sa tamang pag-iisip. Lahat sila ay tuluyan nang nabaliw!!!!
Idulog nalang natin sa Panginoong Diyos’ ang mga taong gumagawa ng kalapastangan sa ating bansa’ mga mag nanakaw mandaraya, sinungaling, mapang api sa kapwa’ at mga tao na hindi marunong umunawa ng kabutihan at kasamaan. tanging ang Panginoong HESUS’ na lamang ang hahatol sa kanilang mga ginagawang kasamaan sa ating bansa’ at sa mamayang Pilipino. ipanalangin po natin sila’ na huwag muna silang kunin ni Lord, para pagbayaran nila ang lahat ng kanilang ginawang kasalanan sa sambayanang Pilipino. God Bless Philippines…
Pray for our country!