Siyempre, lahat nakatutok sa “Ina, Kapatid, Anak” sa ABS-CBN noong Lunes ng gabi dahil yun ang gabi ng konprontasyun. Walang tawag sa telepono at sa cellphone.
Hindi naman nadismaya ang fans nitong telenobela. Magaling talaga ang mga artista. Para sa akin gabi yun ni Janice de Belen, bilang Beatriz. Yung mukha niya nang sinabi sa kanya ni Julio (Ariel Rivera) na anak nila si Celyn (Kim Chiu, ang galing. Walang salita. Mata ang nag-acting. Hindi OA. Simple lang.
Yun ang magaling na acting. Nakakabilib sa Pilipino.
Lahat naman sila doon magaling lalo pa sina Cherry Pie Picache, Ariel Rivera, Ronaldo Valdez at Pilar Pilapil. Malaki siguro ang impluwensya ng mga beteranong artista sa mga batang artista kasi gumagaling na rin sina Kim Chiu at Maja Salvador. Ang mga lalaki, sina Enchong Dee at Xian Lim, kailangan pang mahasa.
Magaling din itong si Jason Gainza sa supporting role na Oscar. Nakakabilib itong si Jason, dating OFW sa Saudi Arabia, na pumasok sa pelikula sa pamamagitan ng reality TV show na Pinoy Big Brother. Second placer siya. Nagpapatunay lang na kahit hindi na mananalo sa isang contest, pwede ka ring manalo sa ibang larangan. Kailangan direksyun at sinseridad sa kung ano man ang ginagawa.
Pero para sa akin, ang credit dapat ay sa mga writers na sina Danica Domingo,David Diuco,Reggie Amigo at direksyun nina Don M. Cuaresma at Jojo A. Saguin. Maganda ang pagdevelop ng conflict ng istorya. Hindi pilit at hindi nakaka-insulto katulad sa nangyari sa “Princess and I” na talaga namang pilit na pilit nang pinapaliko ang istorya para lang maitulak nila ang love team nitong si Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.
Maganda ang roles nila Ronaldo Valdez at Pilar Pilapil bilang mga nakakatanda na patuloy na gumigiya sa mga anak. Okay na rin siguro si Eddie Gutierrez (Dios ko, sino ba naman ang gumawa ng mukha niya. Parang embalsamado) dahil bilang kontrabida, nakaka-imbyerna siya.
Ang maganda pa sa “ Ina,Kapatid, Anak” ay ang konprontasyun noong Lunes na episode ay hindi pa ending. Sabi nga ng mga artista sa kanilang TV interviews, umpisa na naman ito ng bagong kabanata sa mga buhay ng mga karakter. Paano tatanggapin ni Margaux si Celyn bilang kapatid?Paano naman i-develop ang istorya para sa paglabas ng katotohanan na magkapatid (magkakambal) pala talaga ang dalawa. Maganda ang ginawa ng direktor na ngayon pa lang nagpapakita na ang dalawa (sina Celyn at Margaux) ng parehong mannerism – ang paglagay ng kamay sa bibig kapag nati—tense.
Dahil patok naman ang telenobela, sana naman huwag na sirain ng ABS-CBN sa kanilang pekeng isyu na conflict ni Kim Chiu at Maja Salvador dahil kay Gerald Anderson. Tigilan na yan at halatang contrived.
Mamayang gabi ulit. Pampa-alis ng stress pagkatapos ng buong araw na nakaka-bahala balita tungkol sa krimen at nakaka-imbyerna na away ng mga pulitiko at pagwawaldas ng pera ng taumbayan.
Si Kim Chiu, pamangkin ng aking hubby di nya alam until three years ago when his mom came over for a visit with lots of family party pictures.
Tanong ng anak: sino yan?
Sagot ng nanay: si Kim Chiu.
Anak: sinong Kim Chiu?
Nanay: your niece, she’s a famous artista now in the Philippines.
Anak: How come?
Nanay: His grandpa and I are siblings.
Sus, sya lang pala ang hindi nakakakilala kay Kim Chiu na relative nila, kasi at 17 wala na sya sa Cebu.
Told the hubby, “your useless”…. hehehe!
este… “you’re, useless”…
She has developed as an actress. Lots of potential. She sounds sensible and unassuming in her interviews. Good attributes.
Mabait nga raw na anak si Kim, tsaka walang kwentuhang artista kung umaatend ng family party.
Parang identical twins si Maja at Kim, ganun din pa sa personal?
hehehe,ito ang reason kung bakit hindi ko magamit ang cp ko sa tamang oras.nakikipag agawan sa akin ang mrs.ko. at saka yong face to face.pag hindi siy nakapanood hindi linalabhan ang mga damit ko.huhuhuh
hahaha. Nakaka-adik talaga.
Super addicted din ako dito sa isang teleserye na ito. Kung may na-miss akong episode, I make sure I watch it somewhere, somehow.
“Hindi pilit at hindi nakaka-insulto katulad sa nangyari sa “Princess and I” na talaga namang pilit na pilit nang pinapaliko ang istorya para lang maitulak nila ang love team nitong si Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.”
buti naman po may nakakapansin din pala sa ginawang nakakainsultong twist na ito. it was executed so poorly. giving the audience a wonderful story was not obviously a priority. the message of the show was about letting go of love when things get tough and getting the next boy available.