Iba and kahulugan ng PPP sa pangalawang pagtitipon tungkol Human papillomavirus (HPV) na isinagawa sa Sofitel Hotel kamakailan.
Kung sa pamahalaan ang PPP ay Public-Private Partnership, naisip ng mga dumalo sa miting na tawagin ang kanilang pagtutulungan na Partnership para sa Pepe.
Mukhang hindi masyadong natuwa si Health Assistant Secretary Enrique Tayag.
Ang HPV ang sanhi ng cervical cancer. Sa Pilipinas walong babae ang namamatay ng cervical cancer araw-araw. Isipin mo na lang kung ilang pamilya ang nawawalan ng nanay, asawa,anak at kapatid dahil sa cervical cancer. Ang HPV ay kadalasan naililipat sa tao sa pamamagitan gn pakipagtalik.
Sabi ni Dr.Esther S. Bitanga, deputy director for Health Operations sa UP-Philippine General Hospital, karamihan sa mga kaso ng cervical cancer sa Pilipinas ay nadapdiagnose kung malala na. Kaya tuloy, halos 56 percent sa mga yun ay namamatay sa loob ng limang taon.
Ang PGH Cancer Insitute Foundation, sa pangunguna ni Dr. Cecilia Llave ay may programa na Single Visit Approach o SVA na nagti-test kung may cervical ang isang babae o wala. Mas simple pa ito kaysa Pap Smear.
Kakalungkot kasi may mga paraan na iwasan ang cervical cancer.
Isa lang sa dalawang klaseng cancer ang natukoy na ang dahilan ay ang HPV virus. Kapag ganoon ang isang panlaban ay magkakaroon ng vaccineor bakuna laban sa HPV virus. Katulad ng vaccine laban sa polio, sa flu at iba pa.
Dalawang klaseng vaccine ang masa merkado laban sa HPV virus. Ang isa ay Gardasil ng gawa ng Merck Sharp and Dohme (MSD) na siyang nag-sponsor ng miting at ang isa ay Cervatrix na gawa naman ng GlaxoSmithKline.
Sinabi ng isang speaker, si Dr. Gerry Wain ng Westmead Hospital Sydney,hindi lang cervical cancer ang kagagawan ng HPV virus. Napag-alaman sa research na sanhi rin ang HPV ng iba’t-ibang cancer, kasama na doon ang vulval, vaginal,penile, anal,oropharyngeal, larynx,aerodigestive.
Sanhi din ang ng mga kulugo sa pepe kahit na hindi cancer.
Maraming sakit at kamatayan ang maiwasan kung magkaroon ng vaccine na dapat ay binibigay sa mga bata sa edad ng siyam hanggang 11 na taong gulang. Kaya lang medyo may kamahalan ang vaccine.
Tatlong beses kasi ang injection ng HPV vaccine, na dapat mabuo sa loob ng anim na buwan. Bawat injection ay P3,500 kaya aabuting ng P10,500. Mabigat yan sa mga mahihirap.
Sa mga may kaya naman, medyo may problema pa ang pagtanggap kasi para bang kapag nagpa-injection ang mga bata ay parang pinapayagan mong maki-pag sex sa ganung edad. Na hindi naman dapat ganun ang pag-iisip dahil vaccine pag-iiwas lang sa sakit.
Sa dami ng dapat asikasuhin ng pamahalaan, mukhang malabong kung isama sa budget ang HPV vaccine. Baka pwede kung maipasa ang pagtaas ng buwis sa sigarilyo at alak.
May programa ang Cervical Cancer Prevention Network Program sa pamumuno ni Dr. Llave, ang Mother-Daughter Initiative na ang layunin ay mabakunahan ang 4,000 na mga babae 9 hanggang 13 taong gulang sa taong ito. Ang kanilang pilot sites ay Manila, Los Baños,Pagbilao sa Quezon at Minglanilla sa Cebu.
Sabi ni Dr. Llave, 88 porsiyento na sila sa kanilang target. Umabot na sa 7,310 na mga nanay ang na-eksamin.Gusto pa nilang palawakin ang programa. Mas malakas pa na pakikipagtulungan sa mga barangay at bayan sa pamamagitan ng local government units.
Pwede sigurong mga pribado na kumpanya ang tumulong, hindi lamang sa halaga ng HPV vaccine, kungdi sa pagpa-alam ng kahalagahan ng HPV na bakuna.
Yun nga, partnership para sa pepe.
Sana bigyan ng malaking budget ang bakuna para sa pepe at idala hanggang mga sulok-sulok ng baryo. Matawag-pansin sana ang mga pribadong kumpanya para sa mahihirap na hindi kaya magpabakuna.
The Mother-Daughter Initiative of Dr. Llave is laudable, I pray for its success and countrywide expansion.
Ang bakuna ay hindi maganda sa tao dahil hinaluan na yan ng mga chemical na siyang dahilan ng pagkakasakit ng tao.
Mas mabuti pang kumain sila ng guyabano kesa mag pabakuna.
Ano ang epekto ng bakuna?
http://www.youtube.com/watch?v=eJsEEXDGAsk&feature=player_embedded
Thanks for the link, xman. Pero nasa aming mga may Pepe ang magdi-decide. 🙂
Tama ka Chi, nasa mga Pepe ang talagang desisyon. Ang magagawa lang ng isang Tete na katulad ko (hehehehe) ay magbigay ng unsolicited advice kung ano ang epekto ng bakuna.
Actually, ang bakuna ang major reason kaya nagkalat ang cancer. Diyan din nanggaling ang aids.
http://www.youtube.com/watch?v=13QiSV_lrDQ&feature=related
The vaccination for this Virus has already UNIVERSALLY begun in the province of Ontario few Years ago and of Course with Parental consent since the campaign will start with Nine Years with the Co-operation of the School Districts The Catholic Schools refused to participate on MORAL GROUNDS and Parents of School students are advised to bring their daughters to either Public Health Clinic or family Physician to avail the Tax Funded vaccination campaign. Now is up for them to engage in active sexual lifestyle comes of Age. It’s a free world Out there and it is still the responsibility of RESPONSIBLE governments to give its citizens the available care and protection. Say what you want..even theannual Flu vaccines have Side Effects. But without it, the Direct effects are Much More Serious.
“But without it, the Direct effects are MUCH MORE SERIOUS.”
That’s the sales pitch of the pharmaceutical companies and U.N. World Health Organization. By the way, U.N. World Health Organization is also funded by pharmaceutical companies, in case you don’t know it yet.
Do those scientists that works for pharmaceutical companies really knows the risks? Do the benefits really outweigh the risk?
http://www.youtube.com/watch?v=0vnMWBv9dTY&feature=player_embedded
GARDASIL VACCINATION: EVALUATING THE RISKS VERSUS BENEFITS
http://sanevax.org/gardasil-vaccination-evaluating-the-risks-versus-benefits-2/